Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

SUIZO, JOHN LLOYD D.

IKA-6 NG OKTUBRE, 2021


MSU – MARAWI CAMPUS
FIL101 – XX3

ACTIVITY 4: KULTURA

ISA SA KINAUGALIANG TRADISYON AT PANINIWALA NA AKING NAGUSTUHAN


SA AMING/ATING KULTURA:

Bayanihan. Ito ang isa sa mga magandang kaugalian ng Pilipino na kung saan ang bawat isa
ay sama-samang nagtutulungan para sa mga nangangailangan. Ang gawain na ito ay isa sa
masasabi kong obligasyon ng bawat tao sa kadahilanang alam ko na tayo ay pantay-pantay
lamang, normal lang sa atin ang humingi ng tulong sa iba kung kinakailangan. Noong ako’y bata
pa lamang, ang ganitong gawain ay akin nang natutuhan base sa kung ano ang nakikita ko sa
paligid na kung saan ginagawa rin ito hindi lang sa aking mga magulang kundi pati na rin sa
aming mga kapitbahay. Sa panahong iyon, lubos ang aking kasiyahan dahil hindi ko inakala na
ang pangyayaring iyon ay mangyayari sapagka’t ang akala ko ay walang mga pakialam ang
aming mga kapitbahay dito sa amin. Dito ko nalaman na hindi sa lahat ng mga bagay ay
magagawa mo kahit ikaw lang mag-isa, kinakailangan din natin ng tulong sa iba kasi naniniwala
ako sa kasabihan na “No man is an island.”

ISA SA KINAUGALIANG TRADISYON AT PANINIWALA NA DI KO NAGUSTUHAN SA


AMING/ATING KULTURA:

Masasabi na walang respeto ang anak kapag sumagot sa magulang. Ang ugaling pagsagot ng
pabalang sa magulang ang hindi kanais-nais na pag-uugali ng isang anak sapagka’t ito ay
nagpapakita ng kawalan ng respeto kung kaya’t karapat-dapat lamang na turuan ito ng leksyon at
gabayan sa wastong pamamaraan. Ang pagsagot naman sa magulang kapag alam mo na tama ka,
o meron kang pinaglalaban na sa tingin mo’y may maibubuting dulot nito sa iyo, ay
nagpapahiwatig rin ng kawalan ng galang ayon sa mga nakatatanda. Para sa akin, masasabi ko na
isa ito sa mga hindi ko nagustuhan na paniniwala na hindi lang nangyayarin sa amin kundi pati na
rin sa bansa sapagka’t ang ganitong ideya ay hindi nagbibigay ng kahalagahan sa kung ano ang
opinyon ng anak batay sa problemang kanilang pinag-uusapan ng kaniyang magulang. Upang
maiwasan ang ganitong pangyayari, kinakailangan ang lubos na pag-unawa ng dalawang panig sa
pamamagitan nang paglalaan ng oras sa isa’t-isa upang tumibay ang kanilang relasyon at upang
maisaisip din ng mga magulang na hindi sa lahat ng bagay lagi silang tama at marunong din
silang makinig sa kanilang mga anak.

You might also like