Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

SULIRANIN SA BARANGAY O POOK

Pinakauna at kapansin-pansin na suliranin sa aming pook ay ang madumi o maputik na daan kapag
maulan. Ang pangunahing daan papasok sa aming Sitio ay hindi nakasemento. Tuwing umuulan, dahil sa
dami ng residenteng may mga sasakyan na nakatira sa lugar, nagiging maputik ang daan. Nahihirapang
makadaan o makauwi sa kani-kanilang mga tahanan ang mga ibang residente, lalo na ang mga naglalakad
lamang.

Pangalawa, ang hindi maayos na pagtapon ng mga basura. Madaming basura ang nagkalat sa mga daan
na pumipigil din sa pagdaloy ng tubig sa kanal na siyang nagdudulot ng pagbaha tuwing tag-ulan.

Pangatlo, nakakabulahaw na ingay. Ang mga bahay sa aming lugar ay halos magkakalapit lang. Kadalasan,
nagpapatugtog ang aming mga kapitbahay ng napakalakas na musika na nakakaistorbo sa pang-araw-araw
na gawain ng iba.
POSITIBO

1. Dahil sa putik sa daan, mas napapatagal ang paglalakad ng mga mamamayan sa aming pook at ito
ay nagdudulot ng hindi sinasadyang pakikipag-ugnayan nila sa aming ibang kapitbahay.
Nakakapagkomunikasyon sila sa iba at nakikipagtawanan na lamang kahit nahihirapan sa
paglalakad dahil sa putik.
2. Sa tuwing nagaganap na ang mga negatibong epekto na dulot ng mga basura gaya ng pagbaha,
ang mga mamamayan dito sa amin ay nagkakaisa at bayanihang naglilinis sa aming kapaligiran sa
pag-asa at paniniwalang hindi na maulit ang pagbaha.
Madaming mga bata dito sa aming pamayanan at dahil sa tambak na basura, natututo silang
mangalakal at nagkakaroon sila ng maliit na kita na siyang ipinagbibili nila ng pagkain.
3. Sa tuwing nagpapatugtog ang aming kapitbahay, nakakaistorbo ito sa aming pang-araw-araw na
gawain at halos hindi na kami magkarinigan sa lakas ng musika. Dahil dito, natuto kaming
magpahaba ng aming pasensya at umintindi sa kanila.

You might also like