Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

PANGALAN:_____________________________________

BAITANG/SEKSYON:___________________________
____
11
KOMUNIKASYON
AT PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO
1
Kwarter I – Linggo 4
Gamit ng Wika sa Lipunan

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Baitang 11
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter I – Linggo 4: Gamit ng Wika sa Lipunan
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets

Manunulat: Josie Lyn C. Estrada

Pangnilalamang Patnugot: Marichel V. Miraflores & Angie Lyka L. Galaroza


Editor: Marilyn C. Villon at Vilma R. Cabansag
Tagawasto: Marichel V. Miraflores
Tagasuri: Luis R. Mationg, Enrile O. Abrigo Jr.

Tagaguhit: Angie Lyka L. Galaroza


Tagalapat: Naphtalie M. Andre-e at Angie Lyka L. Galaroza

Tagapamahala: Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS


Loida P. Adornado, PhD, ASDS
Cyril C. Serador, PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Panlabas naTagasuri: Lilibeth E. Nadayao, PhD, College Professor,


College of Teacher Education (Palawan State University)

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1

Gamit ng Wika sa Lipunan

MELCs: Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng


napanood na palabas sa telebisyon at pelikula (F11PD-ld-87).

Naipaliliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay


halimbawa (F11PS-ld-87).

Mga Layunin:

1. Naiisa-isa ang mga tungkulin at gamit ng wika ni M.A.K. Halliday.


2. Natutukoy ang mga paraan ng pagbabahagi ng wika batay sa nabasa.
3. Naipapaliwanag ang binasang buod ng pelikula gamit ang tungkulin ng wika.

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan at isulat sa patlang ang titik na
katumbas ng iyong napiling sagot.

1. Ano ang tawag sa wikang ginagamit ng mas nakararami sa isang lipunan?


A. Wika C. Lingua Franca
B. Lenguwahe D. Salita

2. Ano ang wikang opisyal at ginagamit bilang wika ng komunikasyon sa Pilipinas?


A. Katutubong Wika C. Pilipino
B. Filipino D. Cebuano

3. Ano ang mahalagang instrumentong nag-uugnay sa bawat isa sa lipunan?


A. Tao C. Buhay
B. Wika D. Bansa

4. Sino ang sociologist na nagsabing ”nabubuo ang lipunan ng mga taong


naninirahan sa isang pook.”?
A. Durkheim C. Robinson
B. Halliday D. Jacobson

5. Isang lingguwistang tumukoy sa mga tungkulin ng wika sa aklat niyang


Language and Social Behavior.
A. Durkheim C. Robinson
B. Halliday D. Jacobson

6. Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol ng ugali o asal ng ibang


tao.
A. Instrumental C. Interaksyon
B. Regulatoryo D. Personal

1
7. Ang tungkuling tumutukoy sa pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa
paksang pinag-uusapan.
A. Instrumental C. Interaksyon
B. Regulatoryo D. Personal

8. Ano ang tawag sa pagkuha o paghahanap ng impormasyon na may kinalaman


sa paksang pinag-aralan?
A. Instrumental C. Interaksyon
B. Regulatoryo D. Heuristiko

9. Si Nibel ay gumawa ng patalastas tungkol sa Bellina Lotion na itinitinda niya.


Anong tungkulin ng wika ito?
A. Instrumental C. Interaksyon
B. Impormatibo D. Heuristiko

10. Si Rex ay kumakapanayam ng mga frontliners ukol sa kanilang karanasan sa


paglaban sa Covid 19. Mula rito ay susulat siya ng isang balitang ilalathala sa
internet. Anong tungkulin ng wika ang umiiral dito?
A. Instrumental C. Interaksyon
B. Impormatibo D. Heuristiko

2
Ating Alamin at Tuklasin
Sa Pilipinas, ang wikang Filipino ang itinuturing na lingua franca. Ang wikang
Filipino ay ang wikang ginagamit sa Metro Manila, Pambansang Punong Rehiyon at
sentrong urban sa arkipelago na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo.

Katulad ng ibang wika, ang Filipino ay dumaan sa proseso ng paglinang sa


pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di katutubong wika
para sa iba’t ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang saligang sosyal
at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag. Ang wika ang
kasangkapang ginagamit sa pakikipagtalastasan.

Natatandaan mo ba ang
Binhi mga barayti ng wika sa nakalipas
ng na aralin? Ngayon ay bibigyan
Kaalaman kita ng pahapyaw na pagtalakay
sa mga mahalagang nilalaman
Lingua franca ang nito.
tawag sa wikang
ginagamit ng mas
nakararami sa isang
lipunan. Kilala rin bilang
wikang tulay, karaniwang
wika, wikang pangkalakal,
wikang pantulong o
wikang nag-uugnay sa
isang wika o dayalekto. Ito
ang wikang pinakapalasak
na ginagamit ng
mamamayan sa isang
komunidad.

Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng barayti ng wika dahil sa pakikipag-


ugnayan ng tao sa kapwa mula sa ibang lugar na may naiibang kaugalian at wika.
Mula sa pag-uugnayang ito ay nalilinang ang wikang may pagkakaiba sa orihinal o
istandard na pinagmulan nito.

Ang wika ang kasangkapang ginagamit sa pakikipagtalastasan. Ayon kay


Durkheim (1985) isang sociologist, nabubuo ang lipunan ng mga taong naninirahan sa
isang pook. Ang mga taong ito ay maraming gawaing ginagampanan. Sila ay naninirahan
at nakikisalamuha sa bawat isa. Walang pagkakaunawaan kung iba-iba ang wikang
ginagamit ng mga tao sa isang lugar. Kaya naman, mahalagang alam ng bawat isa ang
wikang ginagamit. Hindi maikakaila na ang wika ang nag-uugnay sa lahat ng tao. Dito
nasasalamin ang kultura at identidad o pagkakakilanlan. Magkaugnay ang wika at
kultura dahil nagbibigay ito ng anyo sa diwa at saloobin ng isang wika. Ganap mong
maiintidihan at mapahahalagahan ang isang kultura sa tulong ng wika.

3
Inilahad ni W.P. Robinson ang mga tungkulin ng wika sa aklat na ”Language and
Social Behavior” (1972). Ito ay ang pagkilala sa estado ng damdamin at pagkatao,
panlipunang pagkakakilanlan, ugnayan at pagtukoy sa antas ng buhay sa lipunan.
Nakabubuo ng sariling pagkakakilanlan ang lipunan sa pamamagitan ng paggamit
ng wika na ikinaiba sa iba pang lipunan. Ang mga tao ay may sariling kakayahan,
katangian at kaalamang taliwas sa iba. Mahalaga ang gampanin ng wika sa lipunan dahil
ito ang nagbubuklod sa mga kasapi sa lipunan. Ito ang gamit sa kanilang
pagkakaunawaan at simbolo ng kanilang identidad.
Halina ating alamin at unawain ang mga tungkulin ng wika na inilahad nina M.A.K
Halliday at Jakobson kaugnay sa mga paraan ng pagbabahagi ng wika.

Napakahalaga ng tungkuling ginagampanan ng magulang at mga taong kasama sa


bahay para sa paghubog ng isang bata. Nasa kanilang paggabay ang ikahuhusay nito sa
pakikipagtalastasan. Ang isang bata na hindi kinakausap at tinuturuan ay maaaring
hindi matutong magsalita. Samantalang ang batang laging nakikipag-usap at natuturuan
ay nagiging maalam sa wikang ginagamit. Maging ang isang taong bagong lipat lang sa
isang lugar na may ibang wika, kung hindi ito makikipag-ugnayan sa iba ay hindi siya
matuto ng wikang ginagamit nila.

Narito ang kategorya ni M.A.K. Halliday na naglalahad sa tungkulin ng wika na


mababasa sa kaniyang aklat na Explorations in the Functions of Language:

1. Instrumental – Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng


tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba. Halimbawa: paggawa ng liham
pangangalakal, liham sa patnugot, at pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa
isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto.

2. Regulatoryo- Ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng


ibang tao. Halimbawa : ang pagbibigay ng direksyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon
ng isang partikular na lugar; direksyon sa pagluluto ng isang ulam, direksyon sa
pagsagot ng pagsusulit; at direksyon sa paggawa ng anumang bagay.

3. Interaksyonal – Ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kaniyang


kapwa. Halimbawa: pakikipagbiruan; pakikipagpalitan ng mga kuro-kuro tungkol
sa partikular na isyu; pagkukuwento ng malulungkot o masasayang pangyayari sa
isang kaibigan; paggawa ng liham-pangkaibigan.
4
4. Personal – Saklaw nito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang
pinag-uusapan. Halimbawa: pagsulat ng talaarawan at journal, pagbibigay at
pagpapahalaga ng anumang anyo ng panitikan.

5. Heuristiko – ito ay ginagamit sa pagkuha ng impormasyong may kinalaman sa


paksang pinag-uusapan. Halimbawa: pag-interbyu sa mga tao, pakikinig sa radyo,
panonood sa telebisyon; at pagbabasa ng pahayagan, magasin, blog at mga aklat.

6. Impormatibo – Ito ay kabaligtaran sa heuristiko. Ito ay pagbibigay ng impormasyon sa


paraang pasulat at pasalita. Halimbawa: pagbibigay-ulat, paggawa ng pamanahong
papel, tesis, panayam, at pagtuturo.

Si Jakobson (2003) naman ay nagbabahagi rin ng anim na paraan sa pagbabahagi


ng wika.

1. Pagpahayag ng damdamin (Emotive) – Saklaw nito ang pagpapahayag ng mga


saloobin, damdamin, at emosyon.

2. Panghihikayat (Conative) – Ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at


makaimpluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.

3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic) – Ginagamit ang wika upang makipag-


ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.

4. Paggamit bilang sanggunian (Referential) – ipinakikita nito ang mga gamit ng wikang
nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang
magparating ng mensahe at impormasyon.

5. Paggamit ng kuro-kuro (Metalingual) - Ito ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa


pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.
6. Patalinghaga (Poetic) Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng
pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.

(Pinagkunan: Magdalena O. Jocson, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino-


Batayang Aklat. Quezon City: Department of Education-Vibal Group, Inc., 2016, 80.)

5
Tayo’y Magsanay Ano ang kahalagahan
ng mga tungkulin ng
wika sa lipunan?

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Ipaliwanag ang iyong sagot.

1. Ano ang papel na ginagampanan ng wika sa lipunan?

2. Ayon kay Durkheim, ano ang katangian ng mga taong bumubuo sa isang lipunan?

3. Bakit mahalaga ang wika sa pagbuo ng isang nagkakaisa at nagkakaunawaang


lipunan?

Panuto: Tukuyin ang gamit ng wika mula sa palabas sa telebisyon o pelikula.


Ipaliwanag kung bakit iyon ang napili mong tungkulin ng wika.
1. Eksena ni Basha sa pelikulang “One More Chance”
“Minsan gusto ko nang ipagsigawan, kaya lang, ako lang naman ang
magmumukhang kawawa. Bakit ba naman kasi ang complicated magmahal?”
Paliwanag:

2. Eksena sa programang “Bottomline” ni Boy Abunda kung saan ang isang


guest ay nagbibigay opinyon kaugnay sa tanong na “over confidence is bad”?
“Alam mo sa sarili mo kung na-deliver mo na nang maayos. Huwag ka ng humirit
pa baka mapusoy ka”.
Paliwanag:

6
Ating Pagyamanin Paano nakakaimpluwensiya
sa iyo ang wikang
ginagamit mo?

Panuto: Basahin ang buod ng pelikulang Hello, Love Goodbye. Pagkatapos ay sagutin
ang mga tanong kasunod nito.

Hello, Love Goodbye.


Buod ng Pelikula
Isinulat ni Josie Lyn C. Estrada

Si Joy Marie Fabrigas (Kathryn Bernardo), ay isang college graduate ng


nursing na namamasukan bilang kasambahay sa Hongkong. Ipinakita ang hirap
na naranasan niya sa pagtatrabaho para maitaguyod ang pamilya na nasa
Pilipinas. Nakatira siya sa isang pamilya na pinaglilingkuran. Lahat ng gawaing
bahay ang ginagawa niya sa araw-araw. Ramdam niya ang hirap at lungkot pero
kailangan niyang labanan para sa pamilya at pangarap niya.

Nakilala niya si Ethan del Rosario (Alden Richards) sa isang eskinita na


kung saan ay nagtatago siya sa mga pulis. Sa mga oras na iyon hinuhuli ang mga
taong walang sapat na dokumento at natapos na ang kontrata. Sa umpisa ay
karaniwan lang ang samahan nila hanggang sa nauwi sa panunukso, panliligaw
at pag-iibigan.

Naging malapit sila noong magtrabaho na si Joy sa isang bar na


pinagtatrabahuan ni Ethan. Patuloy ang pagsisikap nila para makatulong sa
pamilya. Wikang Filipino ang ginagamit ng mga Pilipino doon kapag sila ang
magkakasama at Ingles naman ang para sa iba. Makikita na pareho silang may
pinagdadaanang problema ngunit napagtagumpayan nila.

Sa huli, pinili ni Joy na umalis ng Hongkong upang magtrabaho sa Canada


at abutin ang pangarap kahit magkalayo sila ni Ethan. Nasaktan man si Ethan
pero maluwag na tinanggap ang desisiyon ng dalaga at maghihintay sa pagbabalik
ng kasintahan.

1. Ano-ano ang wikang ginamit ng mga tauhang gumanap sa pelikula?

7
2. Nakita ba ang kahalagahan ng wika sa isang lugar? Bakit?

3. Ano ang nabago o naitulong sa iyo ng buod ng pelikulang ito tungkol sa gamit
ng wika? Ipaliwanag.

Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan. Tukuyin kung anong mga tungkulin
ng wika ang inilahad sa mga larawan. Ipaliwanag.

Tungkulin ng Wika: _______________


Paliwanag:

Tungkulin ng Wika: _______________


Paliwanag:

8
Tungkulin ng Wika: _______________
Paliwanag:

Tungkulin ng Wika: _______________


Paliwanag:

Tungkulin ng Wika: _______________


Paliwanag:

(Pinagkunan: Enrile O. Abrigo Jr.,Mga larawan mula sa kuwento, Bakit Walang Kaibigan
si Jun-jun?, Puerto Princesa City; Learning Resource Management Division, 2018.)

9
Ang Aking Natutuhan
Panuto: Punan ang mga dayalogo sa komiks upang makabuo ng isang mabuting
usapan. Gamitin ang mga konseptong iyong natutuhan sa modyul na ito.

10
Ating Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan at isulat sa patlang ang titik na
katumbas ng iyong napiling sagot.

1. Si Rex ay kumakapanayam ng mga frontliners ukol sa kanilang karanasan sa


paglaban sa Covid 19. Mula rito ay susulat siya ng isang balitang ilalathala sa
internet. Anong tungkulin ng wika ang umiiral dito?
A. Instrumental C. Interaksyon
B. Impormatibo D. Heuristiko

2. Ano ang tawag sa wikang ginagamit ng mas nakararami sa isang lipunan.


A. Wika C. Lingua Franca
B. Lenguwahe D. Salita

3. Ano ang wikang opisyal at ginagamit bilang wika ng komunikasyon sa Pilipinas.


A. Katutubong Wika C. Pilipino
B. Filipino D. Cebuano

4. Ano ang mahalagang instrumento ang nag-uugnay sa bawat isa sa lipunan?


A. Tao C. Buhay
B. Wika D. Bansa

5. Sino ang sociologist na nagsabing ”nabubuo ang lipunan ng mga taong


naninirahan sa isang pook.”?
A. Durkheim C. Robinson
B. Halliday D. Jacobson

6. Isang lingguwistang tumukoy sa mga tungkulin ng wika sa aklat niyang


Language and Social Behavior.
A. Durkheim C. Robinson
B. Halliday D. Jacobson

7. Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol ng ugali o asal ng ibang


tao.
A. Instrumental C. Interaksyon
B. Regulatoryo D. Personal

8. Ang tungkuling tumutukoy sa pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa


paksang pinag-uusapan.
A. Instrumental C. Interaksyon
B. Regulatoryo D. Personal

9. Ano ang tawag sa pagkuha o paghahanap ng impormasyon na may kinalaman


sa paksang pinag-aralan?
A. Instrumental C. Interaksyon
B. Regulatoryo D. Heuristiko

10. Si Nibel ay gumawa ng patalastas tungkol sa Bellina Lotion na itinitinda niya.


Anong tungkulin ng wika ito?
A. Instrumental C. Interaksyon
B. Impormatibo D. Heuristiko

11
Susi sa Pagwawasto

Subukin Natin Tayo’y Magsanay Ang Aking


Ating Tayahin
Gawain 1 Natutuhan
1. C
1. B
2. B May iba’t ibang sagot May iba’t ibang sagot
2. C
3. B
3. B
4. A
4. B
5. C
5. A
6. B Gawain 2
6. C
7. D
May iba’t ibang sagot 7. B
8. D
8. D
9. A
9. D
10. B
10. A

Sanggunian
Aklat
Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino-Batayang Aklat. Quezon City: Department of Education-Vibal
Group, Inc., 2016.

Enrile O. Abrigo Jr. Mga larawan mula sa kuwento, Bakit Walang Kaibigan si
Jun-jun?. Puerto Princesa City: Learning Resource Management Division,
2018.

12
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong
pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na


serbisyo at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono : __________________________________

PANGALAN NG MAG-AARAL:

Lagda ng Magulang o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

Lagda ng Guro:

13

You might also like