Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Limang Paraan Upang Matamasa ang Makabayan, Siyentipiko at Makamasang Edukasyon

Mas nagiging epektibo ang edukasyon kung ang pamamaraan nang pagtuturo at deliberasyon nito ay
payak at madali maunawaan. Ang paggamit ng Wikang Filipino bilang wikang panturo ay nakatutulong
upang mapadali ang pagkatuto ng mga estudyante. Karamihan sa mga mag-aaral ay mas naiintindihan
kaagad ang diskusyon kung ang wikang gamit sa pagtuturo ay ang wikang kanyang kinagisnan. Ibig
sabihin lamang nito na upang maging epektibo ang edukasyon ay kailangan nito maging maka-masa,
siyentipiko, at makabayan. Paano ngaba ang isang estudyante makatutulong upang makamit at magkaroon
ng makabayan, siyentipiko, at makamasang edukasyon ang Pilipinas. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga
solusyon na sa tingin ko ay matutulong upang makamit ang mga mithiing nabanggit.
1. Bilang estudyante, ang pinakasimpleng maari nating magawa upang maging Makabayan at
Makamasa ang edukasyon ay pahalagahan hindi lamang ang asignaturang matimatika at
siyensya kundi pati na ang mga asignaturang pinag-aaralan ang kultura at Wikang Filipino.
Binabalewala ng ibang tao ang mga asignaturang makabayan dahil sinasabi nilang hindi naman nila
ito magagamit sa kanilang trabaho. Subalit mali ang konseptong ito, dahil ang pagkatuto pa lamang ng
wikang Filipino ay isang hakbang na upang mas makilala ang ating sarili at matuto sa iba pang asignatura.
Kung ang isang estudyante ay pinapahalagahan ang asignaturang itinuturo ang mga bagay tungkol sa
Pilipinas at kultura nito, mas magkakaroon ito ng respeto sa ating bansa. Hindi rin lang magiging edukado
ang mga estudyanteng ito tungkol sa Pilipinas kundi magiging daan din sila upang maimpluwensyahan
ang kapwa nila estudyante na pahalagahan ang sariling wika at kultura. Nang sa gayon, kapag ang isang

This study was


paaralan ay may mga estudyanteng makabayan, siguradong ang paaralang ito ay magiging makabayan
din. At ang mga paaralang pinapahalagahan ang pagiging makabayan ng mga estudyante ay magiging
inspirasyon sa ibang paaralan na kilalanin at tangkilikin din ang mga estudyante nilang may pagmamahal
sa kultura at wikang Filipino. Magiging makabayan ang edukasyon kung ang mga estudyante ay
papahalagahan ang mga asignaturang Fipilino. Kaya naman ay hayaan natin ang ating sarili na maging
mulat sa mga bagay na nagbibigay buhay sa ating pagka-Pilipino.
2. Bilang Estudyante: Makilahok sa mga pampaaralang organisasyon na sumusulong sa
pagpapaunlad ng Kulturang Pilipino at Wikang Pambansa.
Sa sarili natin magsisimula ang ang pagiging patriotismo. Kung ikaw ang estudyanteng sa una pa
lamang ay may pagmamahal na sa sariling bayan, hayaan mo ang iyong sarili na dalhin ito sa iyong
paaralan. Magsilbi kang isa sa mga nag-iimpluwensya sa kapwa mo kamag-aral. Sumali ka sa mga
pampaaralang organisasyon at ibahagi mo ang iyong mga suhesyon tungkol sa paraan ng pagtuturo sa
inyong paaralan. Halimbawa, kung ikaw ay nasa elementarya at marami ang kamag-aral mong
komportable sa wikang Filipino at sa iyong palagay ay mas magiging epektibo ang paggamit ng wikang
Filipino sa loob ng inyong klase, sabihin mo ito sa iyong guro or principal. Sa maliit na tulong na iyong
nagawa sa kapwa mong kamag-aral, may malaki at magandang epekto ka nang naiambag sa ating bansa.
Hindi man lahat ng paaralan ang iyong napahiwatigan, ganoon pa man, nagawa mo na ang edukasyong
natatanggap nyo sa loob ng inyong classroom o paaralan ay tunay nang makabayan at makamasa.
3. Suhesyon sa CHED: Suportahan at Paunlarin ang mga kursong pinag-aaralan ang Wikang
Filipino at Kasaysayan ng Pilipinas.
Ang mga guro sa asignaturang Filipino at ang mga may propesyon na may kinalaman sa
pagpapaunlad ng kultra at wikang Filipino ay isa sa mga taong patuloy ipinaglalaban ang kahalagahan
ng sarili nating

This study source was downloaded by 100000831386386 from CourseHero.com on 11-08-2021 02:02:55 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/69749966/BRITANICO-KomFilpdf/
wika at kultura. Kung mahina at hindi kuwalidad ang mga edukasyon na natatanggap ng mga
estudyanteng pinag-aaralan ang mga kursong may kinalaman sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas,
patuloy na malulusaw ang sarili nating pagkakakilanlan at magreresulta ito sa malawakang transisyon ng
ating kultura. Upang maging makabayan ang edukason sa Pilipinas ay nangangailangan muna ito ng
mga tagapag-taguyod, at iyon ang mga guro sa mga asignaturang may relasyon dito. Kaya naman ay
kinakailangan ng mga magiging guro sa mga asignaturang Filipino sa mga susunod na taon na maging
produktibo at dedikado sa kanilang trabaho nang sa gayon ay patuloy sila makapagpalaganap at
makapagturo ng mga aralin patungkol sa kultura, kasaysayan at wika ng ating bansa.

4. Suhesyon sa Gobyerno: Suportahan ang mga nag-aaral at nagsasaliksik sa kasaysayan ng


Pilipinas at pampanitikang Filipino upang maslalong mapayaman ang kaalaman dito.
Masasabi nating makabayan ang edukasyon na mayroon ang Pilipinas kung pinapahalagahan at
pinapaunlad nito ang mga kaalaman sa kasaysayan at kultura ng bansang Pilipinas. Ang pagiging
makabayan ay natututunan, isa itong ugali na natuturo sa mga bata at matatanda. Kung ang ating
kaalaman sa kultura ng Pilipinas ay limitado lamang at kulang-kulang, ibig sabihin nito ay magiging
limitado rin ang mga impormasyon na maituturo sa mga tao. Ang kakulangan sa impormasyon at
kaalaman sa ating kultura ay magiging sagabal sa pagpapaunlad ng ating pagiging makabayan. Sapagkat
pag mayroong maraming naa-access na impormasyon patungkol sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas,
mas marami rin ang maituturo. Mas madaming maituturo, mas madaming pedeng kaalaman na pede
isabuhay ng mga tao. Sa pamamagitan nito, hindi lang ang oryentasyon ng edukasyon ang magiging
makabayan kundi pati narin ang mga tao.
5. Suhesyon sa Gobyerno: gawing mas maka-Pilipino o Makabayan ang sistema ng edukasyon ng
Pilipinas upang mas matuto ang mga mag-aaral na nasa laylayan ng lipunan, o ng masa.
Hindi kaya ng isang tao na gawin ang edukasyon na maging makabayan, siyentipiko at makamasa.
Nangangailangan ito ng mga mambabatas at mga may posisyon sa gobyerno upang maisatuparan ang mga
mithiing ito. Kailangan malaman ng mga nakaupo lalo na ng mga mambabatas na dapat gawing
pangunahing wika ang wikang Filipino bilang wikang panturo sapagkat ito ang gamit ng nakararami at ng
masa. Wikang panturo hindi lamang sa asignaturang Filipino kundi pati sa matimatika at siyensya.
Kinakailangang baguhin ng gobyerno ang sistema nang deliberasyon sa pagtuturo at ng edukasyon. Dapat
sa elementarya pa lamang ay mas naka-focus na ito sa pagpapaunlad ng kaalaman ng mga estudyante
patungkol sa kasaysayan, kultura, at wika ng Pilipinas. Sa sekondarya ay dapat dagdagan ang asignaturang
itinuturo ang kasaysayan ng Pilipinas upang sa murang edad ay mamulat na ito, kailangan din dagdagan
ang mga aktibidad na nagpapaalala sa layunin natin bilang Pilipino. At sa tertiarya, dapat e-implementa
ulit na maging requirement ang mga asignaturang Filipino sa lahat ng paaralan sa bansa. Ang mga
estudyante na nasa kolehiyo ay may mas malawak na napag-iisip at kaalaman, kung patuloy na magiging
requirement ang mga asignaturang Filipino sa kolehiyo, higit na mas maisasabuhay at magagamit nila ang
mga ito. Sa ganoong paraan, kung didinggin ng gobyerno itong suhesyon, magiging Makabayan,
siyentipiko sa pagtuturo, at makamasa ang edukasyon ng Pilipinas.

This study source was downloaded by 100000831386386 from CourseHero.com on 11-08-2021 02:02:55 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/69749966/BRITANICO-KomFilpdf/

Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like