Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
MAMANDIL ELEMENTARY SCHOOL
MAMANDIL, TALAVERA, NUEVA ECIJA 3114

Unang Markahan, Ikatlong Linggo

Pangalan: Petsa:
Baitang at Pangkat: Iskor:

MOTHER TONGUE-BASED MULTILINGUAL EDUCATION (Nabibilang Mo Ba?)


 Ang pangngalang pamilang ay mga pangngalang nabibilang.
Halimbawa: baso, bisita, lapis
 Ang pangngalang di-pamilang ay ang mga pangngalang di-nabibilang.
Halimbawa: harina, tubig, juice
 Mga Gawain
Gawain 1: Basahin mabuti ang tanong at bilugan ang titik nang wastong sagot.
1. Ang shampoo, toothpaste at lotion ay ______ na pangngalan.
A. gamit B. mabibili C. pamilang D. di-pamilang
2. Baso, plato, at kutsara ay _______ na pangngalan.
A. gamit B. mabibili C. pamilang D. di-pamilang
3. Ano ang kaibahan sa mabibilang at di-mabibilang na pangngalan?
A. Walang kaibahan. C. Iba ibang lagayan ng panukat.
B. Ang mabibilang ay pwedeng bilangin at ang di-mabibilang ay hindi mabibilang.
4. Bakit mahalagang pag-aralan ang pagbibilang?
A. para sumikat B. hindi madadaya C. upang yumamanD. hindi pagtawanan
5. Kapag hindi ka pa marunong bumasa, ano ang gagawin mo?
A. Makinig at matuto. C. Hihintayin nalang ang panahon na matuto.
B. Mangopya sa kaklase. D. Walang gagawin dahil ito ay mahirap na gawain.
Gawain 2: Lagyan ng tsek(/) ang pangngalang pamilang at ekis(x) naman ang pangngalang di-pamilang
_____6. Isda _____11. sawsawan
_____7. Toyo _____12. manok
_____8. Hotdogs _____13. bulaklak
_____9. Catsup _____14. kanin
_____10. Spaghetti _____15. keyk

FILIPINO (Pagsagot sa Tanong Tungkol sa Kuwento, Usapan, Balita at Tula)


 Sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa kuwento at usapan, mahalagang maunawaan mo ang bawat pangyayari
na naganap dito.
 Mahalagang malaman mo kung ano ang tinutukoy ng mga bawat salitang pananong.
 Mga salitang pananong
 Ano-tumutukoy sa bagay, hayop at pangyayari. Halimbawa: sapatos, aso, nagpapalipad ng
saranggola.
 Sino-tumutukoy sa pangalan ng tao. Halimbawa: nanay, tatay, bata
 Saan-tumutukoy sa lugar. Halimbawa: sa hardin, sa paaralan.
 Kailan-tumutukoy sa oras o panahon. Halimbawa: Araw ng Lunes, Ikalawa ng Mayo, umaga, gabi
 Bakit-tumutukoy sa dahilan. Halimbawa: Nakakuha ng mataas na marka si Eva dahil nag-aaral siya
nang mabuti
 Mga Gawain
Gawain 1: Basahin at unawain ang kuwento. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang.
Pamilyang Nagkakaisa
Isinulat ni: Airene S. Hinay
Pagkatapos maghapunan, pinaaalahanan ng nanay si Emily sa kaniyang gawaing bahay kinabukasan.
Nanay: Emily anak, huwag niyong kalilimutan ang iyong gawaing bahay bukas ha? Ikaw ang nakatoka sa pagdidilig
ng halaman sa hardin.
Emily: Opo ‘nay. Gigising po ako ng maaga bukas para madali po akong matapos.
Jona: Nanay, maaari po bang tulungan ko si Ate Emily sa pagdidilig ng halaman?
Nanay: Oo naman anak, maganda iyang naisip mo. Dahil sa pagtutulungan madaling matatapos ang mga gawain.
1. Ano ang pamagat ng usapan?
_______________________________________________________________________________________
2. Sino ang inatasan ng nanay na magdilig ng halaman sa hardin?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
3. Kailan nag-usap ang mag-anak?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
4. Sa iyong palagay, bakit kaya nais tumulong ni Jona sa kaniyang Ate Emily?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
5. Mahalaga bang tumulong sa mga gawaing bahay? Bakit?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
Gawain 2: Punan mo ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang ipinapahayag nitong diwa.
Masasagot ang mga tanong sa kuwento at usapan kapag naintindihan ang mga pangyayari nito. Ang mga
tanong ay madaling masasagot kung alam mo ang tinutukoy ng bawat salitang pananong tulad ng; (6) ____________,
(7) ____________, (8) ____________, (9) ____________, at (10) ____________.
Gawain 3: Basahin ang maikling kuwento. Pagtambalin ang mga tanong sa Hanay A sa wastong sagot nito na nasa
Hanay B.
Ang Saranggola
Isinulat ni: Airene S. Hinay
Araw ng Sabado noon at maagang nagising si Isko dahil gusto niyang maglaro kasama ang kaniyang mga
kaibigan. Napansin ni Isko na malakas ang hangin sa labas kaya naisipan niyang magpalipad ng saranggola. Tinawag
niya ang kaniyang mga kaibigan at dali-daling nagpunta sa burol.
Masayang nagpalipad ng saranggola si Isko at kaniyang mga kaibigan ng biglang sumabit sa puno ang
saranggola ni Isko. Sa tulong ng mga kaibigan, inakyat nila ang puno at kinuha ang saranggola ni Isko. Masaya si Isko
dahil bukod sa nakapagpalipad siya ng saranggola, nakatagpo rin siya nang mabubuting kaibigan.

A B
11. Sino ang bata sa kuwento? a. Isko
12. Kailan pumunta sa burol si Isko? b. sa burol
13. Bakit maagang gumising si Isko? c. araw ng Sabado
14. Ano ang gagawin ni Isko sa burol? d. dahil eksayted siyang
15. Saan pumunta sina Isko at maglaro kaniyang kaibigan? e. magpalipad ng saranggola

ENGLISH (Take a Closer Look at the Character and Ending)


 Stories have their ending. The word end means what happened to the characters at the last part of the story,
whether a happy, memorable, sad, or good ending.
 Like for example, the story topic is all about Kahar who is playing basketball with his school mate. What
happened to Kahar? The ending of it is his arm was hurt and his school mate said sorry to him.
 Here are the steps on how to write an ending of a story:
1. Listen carefully to a story. When you are finished, discuss the ending and study the last lines of the story.
2. Make an outline by gathering all ideas that you have, out of the story.
3. Write a paragraph by using the outline that would catch the interest of the readers.
4. Use words that can make your ending more interesting.
5. And end the story with a lesson or hope.
 Activities
Activity 1: Match the story description to its most interesting ending. Write the letter of the correct answer.
Answer Story Topics Endings
1. Merlo invited his friends. a. His arm was hurt and his school mate said sorry
to him.
2. Dina always washes her hands. b. The movie was boring and she fell asleep.
3. Tomas and his friends go to Mt. Hamuigitan for c. They are tired when they got home but their
an adventure. adventure is worth experiencing.
4. Kahar was playing basketball with his school d. His friends were very happy and excited to see
mate. him.
5. Mila watches a movie in her house. E. Her hands are clean.
Activity 2: Read the story below. Answer the following question. (5 points)
Donna has a wish. Her wish is to ride on the plane. She likes to travel for an adventure. Donna visits her aunt.
She is so happy and excited when she heard the news from her aunt.
 If you write an ending of the story, what would it be? Why?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________Activity 3: Read the story and write an
ending on the space provided. (5 points)
Alren’s Pet
Alren has a pet. His pet is Mill. Mill is a cat. Alren loves to play with Mill. Mill saw a rat. He wants to chase the rat.
The rat is under the pile of blocks. Mill runs into the blocks.
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

MATHEMATICS (Reading and Writing Numbers)


 To read and write numbers,
 First, you should know how to identify Place Value and Value of the digits of the 3- to 4-digit
numbers.
 Second, you should know how to write number in expanded form.
 These are the necessary knowledge in order to read and write numbers in symbols and in words.
 Study the place value chart. Let us write the given number of affected families.
Place Value
Numbers
Thousands Hundreds Tens Ones
1 106 1 1 0 6
5 479 5 4 7 9
 Each digit has a value which can be solved by multiplying the digit by its place value as shown below.

Digit Place Value Value


5 x 1 000 = 5 000
4 x 100 = 400
7 x 10 = 70
9 x 1 = 9
 We can now write the given number in expanded form by adding the value of each digit. 5
479 in expanded form is 5 000 + 400 + 70 + 9
 In reading and writing number in words up to 10, 000 simply follow the following steps:
Step 1. Identify the place value of the digits of the given number.
Step 2. Write its expanded form by adding the value of each digit.
Step 3. Write the number in words equivalent to the values in expanded form.
Step 4. Write the final answer.
 In reading and writing number in symbols, you should take the reverse process of the above steps or simply
follow the following steps:
Step 1. Determine the place value in the number in words.
Step 2. Write the expanded form. It is based on the values found in the number in words.
Step 3. Identify the first digit (from the left) in each value. Then Write the final answer.
 Activities
Activity 1: Read each question carefully. Encircle the letter of the correct answer.
1. What is 7 405 written in words?
a. Seven thousand, four hundred zero five c. Seven thousand, forty-five
b. Seven thousand, four hundred five d. Seven thousand, four zero five
2. What is eight thousand, five hundred thirty-nine in symbols?
a. 8 359b. 8 395c. 8 539d. 8 593
3. The height of Mt. Apo is 2 954 meters above sea level. Write this number in words.
Answer: _______________________________________________________________________________
4. The Philippine archipelago consists of seven thousand, one hundred seven islands. Write this number in symbol.
Answer: _______________________________________________________________________________
5. Study the table below and answer the question that follows:
Foods Quantity
Sandwiches 3 413
Biscuits 5 869
Cupcakes 1 724
Star breads 6 012
Which food has the greater number? Write its number in words.
Answer: ______________________________________________________________________________
Activity 2: Write the letter of the correct answer on the space provided.
_____6. What is 6 780 written in expanded form?
a) 6 + 7 + 8 + 0 c) 6 000 + 700 + 80 + 0
b) 6 000 + 700 + 8 + 0 d) 600 + 600 + 80 + 0
_____7. What is the place value of 7 in the number 5 745?
a) Ones b) Tens c) Hundreds d) Thousands
_____8. What is the value of 4 in the number 4 562?
a) 4 b) 40 c) 40 d) 4,000
_____9. What is 1 731 in words?
a) one hundred, seven thousand, thirty-one
b) one thousand, seven thousand thirty-one
c) one hundred thirty-one
d) one thousand, seven hundred thirty-one
_____10. Write two thousand, forty-six in symbol.
a) 246 b) 2 460 c) 2 046 d) 2 406
Activity 3: Match each number in words with the equivalent number in symbols. Write the letter of your answer on
the space provided.
________11. eight thousand, forty-four a. 2 010
________12. seven thousand, three hundred sixty-nine b. 5 555
________13. five thousand, five hundred fifty-five c. 1 980
________14. two thousand, ten d. 7 369
________15. one thousand, nine hundred eighty e. 8 044

SCIENCE (Changes in Materials)


 Changes in Materials from Solid to Liquid
 Phase change can happen when the temperature of the material is increased. When butter is heated on
the frying pan it melts because it is exposed to heat, thus, its temperature increases. Butter is an
example of a solid. When heated, it becomes liquid.
 Melting happens by increasing the temperature of the materials. There are some solid materials that
can be changed into liquids by heating or exposing them to sunlight or warm air. Ice cream, ice cubes
and butter melt and change into liquids when left in an open place where there is sunlight and warm
air. This process is called melting or liquefaction.
 Changes in Materials from Liquid to Solid
 Phase change can happen when the temperature of the material is decreased. Some melted materials
can be hardened without the use of freezer. By simply exposing any melted materials to open spaces
with cold temperature, it will solidify after a few hours, thus allowing solidification to happen.
 Freezing happens by decreasing the temperature of the materials. Popsicles become solid after placing
it in the freezer for sixty minutes. From liquid, it hardens and becomes solid. This process is called
freezing or solidification.
 Activities
Activity 1: Read each item carefully. Write True or False on the space provided.
______1. When ice is cooled, it melts.
______2. Sugar becomes liquid when heated.
______3. When you hold an ice cube, it will melt in your hands.
______4. Melted margarine will not harden anymore even when put inside the refrigerator.
______5. Soft drinks will not solidify when put in a freezer.
Activity 2: Analyze each item carefully. Encircle the letter of the correct answer.
6. The process of changing liquid into solid is called ______.
a. decreasing b. freezing c. increasing d. cooling
7. There are some liquids that can be changed into solids by simply exposing them to __________ temperature.
a. cold b. medium c. warm d. average
8. The following materials can be changed into solid except __________.
a. ice cubes b. oil c. melted cheese d. water
9. Which of the following materials hardened when placed in a freezer?
a. chocolate b. butter c. orange juice d. water
10. What is the other word for freezing?
a. cooling b. melting c. solidification d. heating
11. The process of changing solid into liquid is called ______.
a. decreasing b. heating c. increasing d. melting
12. There are some solids that can be changed into liquids by simply exposing them to __________.
a. Cold air b. Moonlight c. sunlight d. moisture
13. The following materials can be changed into liquid except __________.
a. Ice cream b. Margarine c. ice cubes d. sugar
14. Which of the following materials melts when heated?
a. Milk powder b. Salt c. white sugar d. wax
15. What is the other word for melting?
a. Cooling b. changing c. Heating d. liquefaction

ARALING PANLIPUNAN (Katangian ng Populasyon ng Iba’t Ibang Pamayanan sa Sariling


Lalawigan)
 Ang bawat lalawigan at rehiyon ay may kaniya-kaniyang dami ng tao o populasyon. Ang pag-alam at pag-
unawa ng populasyon ng sariling pamayanan ay mahalaga upang malaman ang mga hakbang sa pagtugon ng
mga suliranin maaaring dulot nito. Makatutulong din ang kaalaman sa populasyon upang maipakita ang
pagmamalasakit ng mga taong bumubuo sa pamayanan sa bawat isa.
 Isang magandang paglalarawan ng pagkakaiba o pagkakapareho ng mga populasyon ng mga lugar ay ang
paggamit ng bar graph. Ang bar graph ay isang uri ng graph na nagpapakita ng dami ng mga tao sa iba’t
ibang pamayanan. Maraming impormasyon ang makukuha tungkol sa populasyon ng mga lugar sa paggamit
ng bar graph. Tulad ng nasa ibaba.

 Ipinapakita sa graph na ang Bulacan ang may pinaka mataas ang populasyon at ang Aurora naman ang may
pinakamababang populasyon sa buong rehiyon.
 Katangian ng populasyon ng iba’t ibang pamayanan sa sariling lalawigan batay sa:
 Edad at kasarian- Ang pag-aaral ng populasyon o demograpiya ukol sa istruktura ng edad at
kasarian ay dapat na pag ibayuhin ng pamahalaan. Ito ay upang mabigyan ng kaalaman ang mga
problemang kinakaharap ng mga mamamayan bunga ng patuloy at mabilis na paglaki ng populasyon
at maisaayos din ang mga suliraning kaakibat nito upang lubusang matamo ang magandang kalagayan
ng ating ekonomiya
 Relihiyon- Ang Gitnang Luzon ay binubuo ng walumpong porsyentong populasyon na Romano
Katoliko. Ang iba pang mga relihiyon na kumakatawan ay mga Protestante (kasama ang mga
Evangelical), Islam, Iglesia ni Kristo at katutubong relihiyon tulad ng Animismo.
 Etnisidad – ang mga katutubong wika ng Gitnang Luzon
• Kapampangan ang sinasalita sa kabuuan ng Pampanga at katimugan, silangan, kanluran at ilang
bayan sa Hilagang Tarlac, gayundin sa timog-silangang Zambales, hilagang-silangang Bataan,
Kanlurang Bulacan, at timog-kanlurang Nueva Ecija.
• Pangasinan ang sinasalita sa hilagang-silangan ng Zambales, hilagang-kanluran ng Nueva Ecija at
sa hilaga ay Tarlac.
• Tagalog ang sinasalita sa Bulakan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Bataan at Zambales.
• Ilokano ang sinasalita sa hilaga ng Nueva Ecija at sa ilang bahagi ng Tarlac, Zambales at Aurora.
• Sambal ang ginagamit ng karamihan sa Zambales at ilang bahaging pook sa Bataan, Pampanga at
Tarlac.
 Ang pamayanan ay kinabibilangan ng mga tao na siyang bumubuo ng populasyon. Dalawang uri ang
karaniwang pagsukat ng populasyon. Una, simpleng pagbilang ng mga tao sa isang pamayanan. Ikalawa,
pagsukat sa dami ng populasyon batay sa dami ng taong naninirahan sa isang bahagi nito.
 Ginagamit ang mapa ng populasyon sa pagtukoy ng bilang ng mga taong naninirahan sa bawat pamayanan.
Nagagamit din ang ganitong mapa sa pagtukoy at paghahambing ng populasyon ng mga tao sa iba’t ibang
lugar na nakatira rito.
 Mga Gawain
Gawain 1: Gamit ang mapa ng populasyon, ihanay ang mga lalawigan mula sa pinakamaraming bilang ng tao
hanggang sa pinakakaunti. Isulat ang bilang 1-7 sa patlang.

________ Aurora ________ Pampanga ________ Bataan ________ Tarlac


________ Bulacan ________ Zambales ________ Nueva Ecija
Gawain 2: Isulat sa patlang ang tsek (/) kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng tamang kaisipan at ekis(x) kung
ito ay mali.
____8. Ang bawat lalawigan at rehiyon ay may kani-kaniyang dami ng tao o populasyon.
____9. Isang magandang paglalarawan ng pagkakaiba o pagkakapareho ng mga populasyon ng mga lugar ay ang
paggamit ng bar graph.
____10. Ginagamit ang compass rose sa pagtukoy ng bilang ng mga taong naninirahan sa bawat pamayanan
____11. Ang pamayanan ay kinabibilangan ng mga tao na siyang bumubuo ng populasyon.
____12. Dalawang uri ang karaniwang pagsukat ng populasyon.

MAPEH
MUSIC (Ang Ostinato Pattern)
 Ang ostinato ay paulit-ulit na rhythmic pattern na ginagamit na pansaliw sa awit. Maaari itong tugtugin gamit
ang instrumentong panritmo at iba pang maaaring panggalingan ng mga tunog. Ang bawat larawan na
nagpapakita ng rhythmic pattern o ritmo ay nagpapakit din ng tamang pagtapik o pagpalakpak sa bawat
beat. Ang simbolo na ( ) ay nagpapahiwatig sa bawat tunog na ating maririnig, ang rest naman ay
nagpapahiwatig ng walang tunog ngunit nararamdaman. Ang bawat simbolo ay may mga galaw na
ipinahihiwatig ayon sa mga tunog na naririnig at hindi naririnig, gaya ng pagpapalakpak , pagtapik at pagbuka
ng kamay, at rest o walang tunog ngunit may beat o kumpas.

 Mga Gawain
Gawain 1: Piliin ang rhythmic pattern ng Hanay A na naaayon sa larawang makikita sa Hanay B.
Gawain 2: Kilalanin ang bawat ritmo. Isulat sa iyong sagutang papel ang titik na O kung ito’y Ostinato at HO kung
Hindi.

ART (Paglinang sa Tekstura ng Larawan)


 Ang visual texture ay tumutukoy sa pang-ibabaw na kaanyuan ng larawan na nagpapamalas ng kapal o nipis
sa pamamagitan lamang ng pagtingin dito.
 Ang tekstura ng larawan ay maaaring linangin sa paggamit ng linya, tuldok at mga kulay.
 Masining na pinag-ekis-ekis ang patayo at pahalang na mga linya sa paggayak ng crosshatching. Kapag
magkalapit at makapal ang ginawang shading, ay mas mabigat na tekstura ang naipapamalas.
 Ginagamitan ng mga tuldok ang pagdisenyo sa larawan sa paraang pointillism. Kapag mas marami ang dami
ng tuldok, ay nakapagbibigay ng makapal na tekstura. Manipis naman kapag madalang ang dami ng tuldok.
 Naipapamalas ang kahusayan sa pagguhit sa pamamagitan nang paghalo ng kulay o color blending.
 Mga Gawain
Gawain 1: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang visual texture ay tumutukoy sa _______________.
a. pang-ibabaw na kaanyuan ng isang larawan
b. paggupit-gupit ng papel para makabuo ng origami
c. paggawa ng sock puppet
d. pagguhit ng color wheel
2. Ano-ano ang mga elemento na napabilang sa visual texture?
a. tint, shade at contrast c. linya, tuldok at kulay
b. primary, secondary at tertiary colors d. tunay at artipisyal na sining
3. Anong uri ng disenyo ang makikita sa larawang banga?
a. cross hatching c. pointillism
b. hatching d. color blending
4. Ang masining na pag-ekis-ekis nang patayo at pahalang na mga linya sa paggayak sa larawan ay tinatawag na
_______.
a. crosshatching b. hatching c. pointillism d. color blending
5. Alin sa mga sumusunod ang may disenyong pointillism?
a. b. c. d.

Gawain 2: Still Life: Cup and Saucer


1. Ihanda ang sumusunod na kagamitan: bond paper, lapis,
pen at krayola o oil pastel.
2. Pag-aralan ang larawang “Cup and Saucer”.
3. Kopyahin ang larawan sa bond paper.
4. Masining na igayak ang crosshatching at pointillism sa dibuho
ng baso at platito.
5. Pumili ng akmang kulay (krayola o oil pastel) at kulayan ang
background (likurang bahagi) at foreground (ibabang bahagi).
6. Gamitin ang talaan ng rubrik para masukat ang kaangkupan sa
ginawang obra.

Puntos
Pamantayan 3 (Masining na 2 (Nasusunod ang 1 (Kailangan pa ng
naipamalas) hakbang) paggabay)
1. Kahusayan sa pagkopya ng larawan
2. Naggagamit ng ay kahusayan ang mga elemento
ng tekstura ng larawan
3. Kalinisan sa ginawang sining
4. Natapos ang gawain sa takdang oras

PHYSICAL EDUCATION (Let’s Sit and Rest)


 Ang pag-upo ay isang pangunahing pagkilos ng tao at posisyon sa pamamahinga. Ang bigat ng katawan ay
suportado lalo ng mga puwit sa pakikipag-ugnayan sa lupa o isang pahalang na bagay tulad ng isang upuan.
 Ang kaalaman sa mga pangunahing posisyon sa pag-upo ay nakatutulong upang makagawa ng mga posibleng
kilos at hugis. Ang tamang pagsasagawa ng bawat posisyon ay makalilinang ng tikas ng katawan o maitatama
ang depekto.
 Narito ang mga mabubuting maidudulot kapag wasto ang pag-upo:
1. Makakapagpahinga ng mabuti at magiging komportable.
2. Mas maganda tingnan kapag naka-upo ng maayos.
3. Nakatutulong na magkaroon ng tikas ng katawan.
 Ang pag-upo ay nakagagawa ng iba’t ibang posisyon. Tingnan ang sumusunod na larawan na nagpapakita ng
iba’t ibang posisyon sa pag-upo.

Long Sitting Long Sitting Rest Stride Sitting Hurdle Side Sitting
Sitting

Heel Sitting Tuck Sitting Hook Cross Sitting Frog Sitting


Sitting
 Ang kakayahang pagalawin ang mga kalamnan at kasukasuan ay tinatawag na kalambutan (flexibility).
Maaaring pagbutihin ang kalambutan sa pamamagitan ng pag-iinat araw-araw. Ang kalambutan ay
makatutulong sa isang tao na gawin ang mga pang-araw-araw na gawain. Nakatutulong din ito sa upang
maiwasang magkaroon ng sugat sa katawan.
 May dalawang uri ng kalambutan:
1. Static Flexibility- pagsasagawa ng mga ehersisyong pagbaluktot na hindi gumagalaw sa isang lugar.
Halimbawa: Long sitting and Stride sitting
2. Dynamic Flexibility- pagsasagawa ng mga ehersisyong pagbaluktot habang gumagalaw. Halimbawa:
Hurdle sitting and Side sitting
 Mga Gawain
Gawain 1: Lagyan ng tsek(/) ang larawan na nagpapakita ng wastong pag-upo at ekis(x) naman ang hindi.

_____1. _____3.

______5.

_____2. _____4.
Gawain 2: Ikonek ang salitang nasa Hanay A sa mga larawang nagpapakita ng iba’t ibang posisyon at ehersisyo sa
pag-upo na nasa Hanay B gamit ang isang linya.
HEALTH (Uri ng Malnutrition: Undernutrition; Kakulangan ng Nutrisyon)
 Ang undernutrition o kakulangan ng nutrisiyon ay kondisyon ng katawan na walang natatanggap na
sustansiya na galing sa pagkain.
 Ang malnutrisyon ay pagkain ng sobra-sobrang pagkain, kakaunting pagkain o hindi pagkain ng
masustansiya. Nagaganap ito kapag ang katawan ng tao ay hindi nakakukuha nang sapat na sustansiyang
kinakailangan nito upang makaligtas sa mga sakit at mabuhay nang malusog. Sinasabing ang isang tao na
napakahinang kumain o maliit lamang na porsiyento kung kumain ay matatawag na malnourish. Karaniwan,
ang mga malnourish na tao ay walang sapat na kalorya sa kanilang pagkain o kumakain ng pagkain na kulang
sa kailangang protina, bitamina o mineral.
 Ang sustansiyang kailangan ng katawan ay makukuha sa iba’t ibang uri ng pagkain. Ang lahat ng tao ay
nangangailangan ng pare-parehong sustansiya ngunit sa magkaibang dami ayon sa edad, laki ng katawan at
aktibidad.
 Narito ang mga sustansiya na makukuha mo sa iba’t ibang uri ng pagkain:
 Go foods-(Carbohydrates) Tagapagbigay ng lakas. Ito ang pangunahing pinagkukunan ng lakas ng
ating katawan. Halimbawa: tinapay, mais, kanin
 Grow foods–(Protein) Tagapagbuo ng katawan. Pinapalakas ang resistensiya ng katawan sa
impeksyon at nagbibigay lakas sa kalamnan. Halimbawa: isda, itlog, karne
 Glow foods– (Vitamins / Mineral) Tagapag-saayos ng takbo ng katawan. Tinutulungan nito ang
wastong galaw ng katawan sa pamamagitan ng pagsasaayos sa pagtunaw at pamamahagi ng pagkain
sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Halimbawa: mansanas, kalabasa, manga
 Fats-(Taba) Mahalaga para sa pag-unlad ng utak at nervous system. Mahalagang bahagi rin ito ng
isang malusog na diet. Halimbawa: cheese
 Water-(Tubig) Nakatutulong sa pagtunaw ng ating mga kinain, sirkulasyon ng dugo sa katawan at
pagpapanatili ng temperatura ng katawan.
 Karaniwang Uri ng Malnutrisyon:
 Protein-Energy Malnutrition (PEM) - Ito ay tumutukoy sa kakulangan sa enerhiya dahil sa hindi
sapat ang macronutrients na kaniyang natatanggap tulad ng protein, carbohydrates, fats at tubig.
 Micronutrient Malnutrition - Ito ay tumutukoy sa kakulangan sa magagamit na kinakailangang
sustansiya tulad ng bitamina at mineral na kailangan ng katawan sa kaunting dami. Ang kakulangan
sa micronutrient ay nagbubunga ng maraming sakit at humahadlang sa normal na gawain ng
katawan.
 Mga Sintomas ng Malnutrisyon:
 kakulangan ng gana o interes sa pagkain o inumin; mas mataas na panganib na magkaroon ng sakit;
pagkawala ng taba at masa ng kalamnan; pamamaga o paglaki ng tiyan; mababang timbang; at
mabagal na pagtangkad.
 Mga Epekto ng Malnutisyon sa ating Katawan:
 matamlay at nanghihina, sakitin at madaling nagkakaimpeksiyon, nakakaapekto sa pagpapaunlad ng
utak at kakayahan sa intelektwal
 Mga Gawain
Gawain 1: Isulat sa patlang ang T kung ang pahayag ay tama at M naman kung mali.
_____1. Ang malnutrisyon ay kondisyon ng katawan na hindi nakatatanggap ng tamang dami ng sustansiya mula sa
pagkain.
_____2. Ang batang may kakulangan sa protina at bitamina ay mataba.
_____3. Ang prutas at gulay ay nakapagbibigay ng bitamina at mineral na kailangan ng ating katawan.
_____4. Ang isang malnourish na bata ay kumakain ng pagkain na kulang sa kailangang protina, bitamina o mineral.
_____5. Ang batang nakakaranas ng malnutrisyon ay isang malusog na bata.
Gawain 2: Pagtapatin ang hanay A at B gamit ang isang linya.
Hanay A Hanay B
6. Ito ang tawag sa taong kumakain ng pagkain na a. Protein Energy Malnutrition
kulang sa kailangang protina, bitamina o mineral.
7. Ito ang mga karaniwang epekto ng malnutrisyon b. Micronutrient Malnutrition
sa ating katawan.
8. Isang uri ng malnutrisyon na may kakulangan sa c. Malnourish
enerhiya dahil sa hindi sapat ang macronutrients na
natatanggap ng katawan
9. Ito ang tawag sa kondisyon ng katawan na hindi d. Matamlay, nanghihina at sakitin
nakatatanggap ng tamang dami ng sustansiya
mula sa pagkain
10. Isang uri ng malnutrisyon na tumutukoy sa e. malnutrisyon
kakulangan sa magagamit ng kinakailangang
sustansiya tulad ng bitamina at mineral na kailangan ng katawan sa kaunting dami.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Kakayahan sa Paggawa)


 Laging tandaan na ang pagpapahalaga sa ating mga gawain ay makatutulong para mas magiging magaling at
produktibo tayo sa araw-araw at ito ay hindi nangangailangan ng tamang edad, estado sa buhay, o kayamanan.
Ang pinakamahalaga ay kaya nating pahalagahan ang bagay na nagpapasaya sa ating paggawa at maglaan ng
kasipagan habang ito ay ating ginagawa.
 Sa kahit anumang pagkakataon, palagi nating gawin ito nang tama at buong husay. Sa ganitong paraan, tayo
ay magtatagumpay sa ating mga gawain na magdudulot ng tunay na kaligayahan sa ating buhay. Higit sa
lahat, ating itanim sa ating puso at isipan na dapat magkaroon tayo ng silbi sa ating pamilya at sa lipunan
bilang isang produktibong mamamayan.
 Mga Gawain
Gawain 1: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap na nasa ibaba. Lagyan ng tsek(/) ang patlang kung
ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa gawain, ekis(x) naman kung hindi.
_____1. Masaya ako sa tuwing naghuhugas ng pinggan.
_____2. Sa tuwing ako ay gumuguhit pinagsisikapan ko na makagawa ng isang maganda at makulay na gawa.
_____3. Nababagot ako sa tuwing nagbabasa ako ng libro.
_____4. Bakit kaya ako naiinis sa tuwing inuutusan ako ni nanay?
_____5. Gustong-gusto kong tumutulong sa mga gawaing-bahay tuwing walang pasok.
_____6. Tinatamad akong maglinis ng aking silid.
_____7. Tuwing gabi ginaganahan akong mag-aral ng aming leksiyon bilang paghahanda ng aking sariling
kinabukasan.
_____8. Hindi ako tumutulong sa aking kagrupo sa paglilinis ng aming silid aralan.
_____9. Matamlay ako sa tuwing ginagawa ko ang aming mga asignatura.
_____10. Magsisikap ako sa pag-aaral upang magkaroon ng matataas na marka.
Gawain 2: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot
1. Magaling si Rose sa larangan ng paglikha ng maikling tula, ngunit madalas hindi niya ito natatapos dahil mas
inuuna niya ang paglalaro. Ano ang ipinakikitang aksiyon ni Rose sa kaniyang gawain?
a. Walang gana sa pagsusulat
b. Walang interes sa mga ginagawa
c. Walang direksiyon ang mga ginagawa
d. Hindi nagpapakita ng pagpapahalaga sa gawain
2. Ang pagpapahalaga sa gawain ay isang uri ng kagandahang_________?
a. budhi b. loob c. mukha d. buhay
3. Madalas na nag-eensayo si Arthur sa pagguhit bilang paghahanda niya sa darating na paligsahan at hindi siya
nabigo dahil nakuha niya ang unang puwesto sa patimpalak. Ano ang kilos o ugaling ipinakita ni Arthur sa kaniyang
gawain?
a. May disiplina sa sarili c. May dedikasyon sa buhay
b. May pagmamahal sa sarili d. May pagpapahalaga sa gawain
4. Ano-ano ang kilos ng isang tao na may pagpapahalaga sa kaniyang gawain?
a. Mabusisi at pihikan sa mga gawain
b. Masaya at magaling sa kaniyang ginagawa
c. Mas maraming oras sa mga bagay na hindi mahalaga
d. Tamad at maraming dahilan para hindi makagawa ng mga bagay na inihabilin sa kaniya
5. Bakit kailangang matuto ang isang bata na pahalagahan ang kaniyang mga gawain o gagawin?
a. Para magkaroon siya ng disiplina sa sarili
b. Para magkaroon siya ng direksiyon sa paggawa
c. Para magkaroon ng magandang buhay sa hinaharap
d. Para matuto siyang pahalagahan ang anumang gawain

_____________________
Lagda ng Magulang

You might also like