Professional Documents
Culture Documents
FRAY BOTOD Ni Garaciano Lopez Jaena
FRAY BOTOD Ni Garaciano Lopez Jaena
Ang Fray Botod ay kathang satiriko ni Graciano Lopez Jaena noong 1874 tungkol sa
isang paring Espanyol na ginagamit ang relihiyon upang apihin at abusuhin ang iba at
upang busugin ang sarili sa pagkain, salapi, at babae. Ang pangalan ng fraile ay hango
sa salitang Hiligaynon na “botod” na nangangahulugang bundat o malaki ang tiyan
dahil sa sobrang pagkain.
Isa itong katawa-tawang paglalarawan ng tao na isinagawa sa pamamagitan ng
diyalogo ng isang Filipino at ng liberal na kaibigang Espanyol. Pinagusapan nilá ang
masamâng ugali ng fraile sa iba’t ibang sitwasyon, gaya ng pagsusugal, pagdaraos ng
misa at pista, pamumulitika, pagsisinungaling at pagyayabang, grabeng katakawan sa
pagkain, mahabàng pagtulog sa tanghali, at pagpaparusa. Ilan sa mga ipinakitang ugali
ay ang pagkakaroon nitó ng relasyong immoral sa mga batàng babae, pananakot at
pagpaparusa sa mga estudyante, pagpapabaya sa kaniyang responsabilidad bilang pari
para makapagsugal, at malupit na pagpaparusa sa isang manggagawang Indio na hindi
nakapagtrabaho sa kaniya nang tatlong araw dahil sa asawang maysakit.
Sinabing ang mga pagbisita ni Lopez Jaena sa mga mahirap at karaniwang tao sa Jaro,
Iloilo noong kabataan niya ang nagmulat sa kaniya sa mga kawalan ng katarungan sa
paligid at nagtulak sa kaniyang isulat ang Fray Botod sa edad na 18.
Pangunahing karakter:
3. Konteksto
4. Pangunahing Karakter
5. Banghay