Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KARAHASAN PARA SA PERA

I. Lumalaganap na ang mga kabataang nabibiktima ng child pornography marahil narin siguro
ito sa kanilang mga magulang, sa kanilang katayuan sa buhay. Ginugusto nalang ng mga
magulang ng mga bata na ang kanilang mga anak ay ibugaw sa mga taong hayok sa laman.
Kung ating bubusisihin marami na nga ang nababalita na magulang na binibenta ang sariling
laman ng kanilang mga anak sa mga hayok sa laman upang magkaroon lang ng sapat na
pera at maraos sa kahirapan.

II. Well, kahirapan ang pangunahing dahilan kung bakit maraming magulang ang itinataya ang
kanilang mga anak dahil sa kahirapan. Kahirapan din ang nagiging Ddahilan kung bakit
natututong kumapit sa patalim ang maraming tao siguro ang ilan dito ay wala ng alam na
paraan upang makaahon at makaraos. Mga kabataang imbis na Naglalaro, nagsasaya’t
Pinag-aaral Ay mas ginugusto pang ibenta nalang ang kanilang mga katawan sa mga taong
hayok sa laman.

III. Kung napaguusapan na rin lang ang mga kabataan bakit hindi natin isali ang kanilang mga
magulang? Kanilang mga magulang na hinahayaan lang ang kanilang mga anak na
masangkot o napabilang sa kasong ito at sa kababuyang ito. Pero pagusapan na din natin
ang dahilan, marahil isa sa mga dahilan nito upang makatawid sila sa kahirapan pangalawa,
wala ng maisip ang kanilang magulang na trabaho dahil ang ibang magulang ng mga batang
kasangkot dito ay walang natapos o hindi nakapagtapos sa pag-aaral pangatlo, alam nilang
mas malaki ang perang malalagap nilang pera mula rito.

IV. Well, kung pera naman ang pag-uusapan dyan na tayo magkakatalo-talo, dahil kung pera
nga naman napag-uusapan, hindi na naiisip ng ibang tao kung masama ba o mabuti ang
kahihinatnan ng ginagawa, gagawin o ginawa nila lalo na't malaking pera ang kapalit nito.
Ofcourse, kung malaking pera nga naman daw ang kapalit at ito ang magiging solusyon
upang makaraos sila sa kahirapan 'bakit ako matatakot?' ganyan ang mga katwiran ng mga
magulang at bugaw.

V. Samakatuwid, mga bugaw at magulang na nakarinig lang, nakakita at makahawak lang ng


malaking halaga ng pera hindi nw nila naiisip ang kahihinatnan, kalagayan at mararamdan
ng mga kabataang musmos na kanilang inaapi sa tuwing gagawin nila ang kababuyang ito.
Hindi na nila naiisip ang respeto bilang tao sa mga kabataan

VI. Speaking of kabataan. Naaalala niyo pa va ang sabi ni Dr. Jose Rizal Na 'Ang Kabataan ang
pag-asa ng bayan'? paano paagiging pag-asa ng bayan ang mga kabataan, kung ito'y
pagkakakitaan lamang sa maling paraan? O baka hindi niyo na naalala ang sinabi niyang
iyon at ito'y napalitan nalang ng 'Ang kabataan ay ang pag-asa’t sagot sa Kalibugan’

VII. Kalibugan. Ayan ang pinaiiral ng mga taong hayok sa laman o kung sa tawagan ay
pedophiles. Pedophiles ang tawag sa mgs taong mayroong isang emosyonal o mental ba
kalagayan na kung saan ninanais nila ang nga bata o menor-de-edad sa aspetong sekswal,
ang pedophiles ay kadalasang mayayaman na kayang magpaikot,magamit,matikman at
makita ang mga litrato at bidyo ng mga kabataang nakahubo't hubad gamit ang kanilang
pera. Ang kalibugan at kahayukan na pinaiiral nila ang sanhi kung bakit maraming kabataan
ang napapabilang na sa “Child Pornography”.

You might also like