Professional Documents
Culture Documents
Mother Tongue 2 Lesson Plan (Semi Detailed)
Mother Tongue 2 Lesson Plan (Semi Detailed)
I. Layunin
A. Pangkalahatang Layunin
Matapos ang aralin, ang mga mag aaral ay matagumpay na
maipapamalas ang mga natutunan sa paksa.
B. Tiyak na Layunin
A. Nakikilala ang bahagi ng pangungusap (Simuno at Panaguri);
B. Maingat na nakakasunod sa mga nakasulat sa panuto;
C. Nakakabasa ng mga salitang may kaugnayan sa nilalaman
at terminolohiya sa asignaturang Matematika at Agham;
III. Pamamaraan
1. Panimulang Gawain
1.1 Panalangin
- Magtawag ng isang mag-aaral upang pangunahan ang panalangin.
1.2 Pamukaw Sigla
- Ipanuod ang bidyo at sabayan ang sayaw
“LuLaLey”
https://www.youtube.com/watch?v=Eva0xkBfYlE
1.3 Pagbati
- Magandang umaga, mga bata!
1.4 Pagtatala ng Lumiban
- Paki tayp sa comment box ang inyong pangalan at seksyon para sa
inyong attendance sa araw na ito. (Hal. Orcana, Chyrish grade 2 A)
1.5 Pagsasanay
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap at isulat sa patlang
kung ang salita o mga salitang may salungguhit ay simuno o panaguri.
_________1. Ang mga bata ay masayang naglalaro. - simuno
_________2. Naghahabulan sina Ana at Nena. - panaguri
_________3. Si Roy ay nagtatanim. - panaguri
_________4. Umakyat ng puno ang magkakaibigan. - simuno
_________5. Nagtatakbuhan ang mga batang babae. - panaguri
2. Pagganyak
Panuto: Ayusin ang mga salitang nasa kahon upang makabuo ng
isang pangungusap.
________ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _: _ _ _ _ _ _ at _ _ _ _ _ _
3. Paglalahad
- Ano ang ating tatalakayin base sa nabuo ninyong pangungusap o
titulo?
- Ano ang pumapasok sa isip ninyo kapag narinig ninyo ang dalawang
bahagi ng pangungusap? Mayroon ba kayong ideya?
- Maari bang magbigay ng halimbawang pangungusap na mayroong
simuno at panaguri? (magtawag ng isang mag-aaral)
“Magkababata, Makaibigan”
Akda ni Eva Pagalan Rosello
4. Pagtatalakay
A. Dalawang bahagi ng pangungusap: Simuno at Panaguri
Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na nagsasaad ng
buong diwa. Ito ay may dalawang bahagi: Ang simuno at ang
panaguri.
Ang simuno o paksa ay ang pinag-uusapan sa isang
pangungusap.
Ginagamit din ang panghalip panao bilang paksa o simuno ng
pangungusap. Gaya ng ako, ikaw, siya, tayo at kami.
Halimbawa:
Halimbawa:
C. Pagsunod sa Panuto
Ang panuto ay mga hakbang sa pagsasagawa ng gawain. Ito
ay inuunawang mabuti upang maisagawa ng tama at maayos.
Ang kasanayang ito ay dapat na nililinang ng isang mag-aaral
na gaya mo.
Ang pagsunod sa panuto ay napakahalaga lalo na sa
pasaggot sa mga pagsusulit.
Halimbawa nito:
Isulat ang letrang A at bilugan ito.
5. Paglalahat
- Ano dalawang bahagi ng pangungusap?
- Ano ang dalawang salitang may kinalaman sa agham?
- Ano ang panuto?
6. Paglalapat
Panuto:
1. Kumuha ng isang papel.
2. Basahin nang mabuti ang mga panuto bago magsimula.
3. Isulat ang pangalan sa itaas ng papel bandang kaliwa.
4. Salunggguhitan ang pangalan.
5. Bilugan ang lahat ng titik A.
6. Sa gitna ng papel, gumuhit ng malaking puso.
7. Sa loob ng puso, isulat ang unang letra ng pangalan ng iyong
crush.
8. Laktawan ang bilang 4 hanggang 7.
9. Sabihin ang “darna” kapag tapos na.
7. Pangkatang Gawain
Panuto: Ayusin ang mga letra upang makabuo ng mga salita.
7.2 Rubrik
Ang bawat grupo ay mayroong nakalaang tatlumpong puntos;
Babawasan ito ng limang puntos kapag hindi nakasagot at ibibigay ito
sa kabilang grupo.
8. Pagpapahalaga
- Bilang isang mag-aaral, bakit nga ba mahalaga ang pagsunod sa
panuot?
- Ano ang kahalagan ng atin tinalakay sa araw na ito?
- Bilang isang bata, dapat bang tularan si Jose? Ipaliwanag.
IV. Pagtataya
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlan.
_______1. Bahagi ng pangungusap na nagsasabi ng tungkol sa paksa.
A. Simuno B. Panaguri C. Pangungusap
_______2. Bahagi ng pangungusap na tinatawag ding paksa.
A. Simuno B. Panaguri C. Pangungusap
_______3. Ito ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa.
A. Simuno B. Panaguri C. Pangungusap
_______4. Alin sa mga sumusunod ang sumunod ng tama sa panuto.
Gumuhit ng dalawang tala at isang puso.
A. B. C.
_______5. Ang pag-unawa sa panuto ay nakatutulong upang
makasagot sa pagsusulit.
A. Tama B. Mali C. Wala sa nabanggit
V. Takdang Aralin
Inihanda ni:
Chyrish Camille M. Orcana
BEED 4A
Ipinasa kay:
Ms. Ailene B. Siega
Propesor