Filipino 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon X – Hilagang Mindanao


Dibisyon ng Syudad ng Iligan
Iligan City National High School
Mahayahay, Iligan City
Filipino 9 Self-Learning Activities
Unang Markahan – Linggo 1 at 2
KABUUANG PANUTO: BASAHIN AT UNAWAING MABUTI ANG BAWAT GAWAIN NA NASA
SLA NA ITO. GAWING BATAYAN ANG MGA HALIMBAWANG IBINIGAY SA BAWAT BILANG.
ISULAT ANG LAHAT NG INYONG KASAGUTAN SA INILAANG SAGUTANG PAPEL..

HUWAG SULATAN ANG SLA NA ITO , PAKAINGATAN AT IWASANG MADUMIHAN.


MARAMING SALAMAT!

Aralin 1 Maikling Kuwento


Layunin: Nasusuri ang mga pangyayari at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano batay sa
napakinggang akda.
Gawain 1: Pag-ugnayin Mo
Panuto: Basahin ang kwentong “ Nang Minsang Naligaw si Adrian” ( pahina 14-15). Itala ang mga pangyayari
na angkop na bahagi sa graphic organizer. Isulat naman sa kabila ang kaugnayan nito sa lipunang Asyano. Ang unang
bilang ay ginawa na para maging batayan sa inyong kasagutan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Mga Pangyayari Kaugnayan sa Lipunang Asyano sa


kasalukuyan
Pagpapaaral ng magulang sa Kahit sa panahon ng pandemya ang mga magulang ay naghahanap ng
mga anak paraan para lamang mapag-aral ang kanilang mga anak.

Kahit sa panahon ng pandemya ang mga magulang ay naghahanap ng


paraan para lamang mapag-aral ang kanilang mga anak.

Basahin at suriin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwentong “Ang Ama” mula sa Singapore
(Panitikang Asyano pahina 17-20) upang malaman mo kung paano ba naiiba ang kuwentong makabanghay sa iba
pang uri ng kuwento.

Layunin: Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda.
Gawain 2:
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat lamang ang titik o letra ng
mapipili mong sagot sa iyong sagutang papel.
Para sa bilang 1-2
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang naisip. Mula ngayon,
magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo para sa asawa at kiming iniabot
naman ito agad, tulad ng nararapat.
1. Mahihinuhang ang ama ay magiging ______________.
a. matatag b. matapang c. mabuti d. masayahin
2. Ipinahihiwatig ng teksto na ang ama ay ______________.
a. maawain b. matulungin c. mapagmahal d. maalalahanin
3. Alin ang HINDI angkop na naglalarawan sa isang mabuting ama?
a. Ginagampanan ang responsibilidad sa kanyang asawa at anak.
b. Sinasaktan ang kanyang asawa at mga anak.
c. Naghahanapbuhay para may makain sa pang-araw-araw ang pamilya.
d. Tumutulong sa gawaing-bahay kapag may oras.
4. Ibigay ang isinasaad ng pangungusap na “Ang ginawa ng ama sa kaniyang mga anak ay hindi nararapat, kinakailangan
niyang baguhin ang kanyang buhay para sa mga natitira niya pang mga anak”.
1
a. Pagmamatuwid b. Pagpapaliwanag c. Pagpapahayag d. Paglalahad
5. Ano ang paghatol o pagmamatuwid na sa palagay mo ay taglay ng maikling kuwentong Ang Ama?
a. Mabuhay nang marangal, gawin ang nararapat at alamin kung ano ang tama sa mali dahil ang pagsisisi ay laging nasa
huli.
b. Ang pagmamahal ng magulang sa anak ay hindi matutumbasan ng kahit anong yaman.
c. Ang pagmamalupit sa anak ay tanda lamang ng sobrang pagmamahal ng magulang.
d. Tama lang na pabayaan ang pamilya kapag ikaw ay nagsawa na sa kahirapan ng buhay.

Layunin: Nabibigyang kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa akda batay sa denotatibo o konotatibong
kahulugan.

denotatibong – ang mga salita ay literal ang kahulugan nito at makikita sa diksyonaryo.
konotatibo - mga salitang may patago na kahulugan

Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan


Upang lubos mong maunawaan ang kuwento, kailangang bigyan ng konotatibo at denotatibong kahulugan ang mga
ginamit na salita sa binasang akda ayon sa pahiwatig nito sa pangungusap.
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na denotatibo at konotatibong kahulugan sa mga pahayag na nasa
bawat bilang. Isulat sa loob ng talahanayan ang tamang kasagutan.
hindi sinasadyang pananakit nanghihikayat mapagbigay malupit/mapanakit
naakit sa malaking kamay masasakit na salita nagpapaalab ng galit matatag ang loob
nag-aalab na pagmamahal nagsisisi maluwag ang palad naging dahilan
Pahayag Konotatibong Kahulugan Denotatibong Kahulugan
Hal. Bumulwak ang wagas na nagsisisi Nag-aalab na pagmamahal
pagmamahal
1. alaala ng isang lasing na suntok sa
bibig
2. kaluwagang-palad
3. umakit sa malaking kamay
4. nagpapangilo sa nerbiyos
5. matigas ang loob

Layunin: Naihahambing ang ilang piling pangyayari sa napanood na telenobela sa ilang piling kaganapan sa lipunang
Asyano sa kasalukuyan.
Telenobela - ang ibig sabihin ay mga teleserye sa telebisiyon tulad ng drama, aksyon at komedya.

Tunghayan natin ang ilang pangyayari ng telenobela:


Strong Girl Bong Soon
Isang Korean Telenobela na Pinalabas sa GMA
May pambihirang lakas si Bong Soon na siyang bida sa telenobela. Namana niya ang lakas na ito sa kanyang ina. Babae
lamang sa pamilya nila ang magtataglay ng kapangyarihang lakas. Subalit, pilit niyang tinatago ang lakas na ito at nagpanggap
na isang mahinang babae na siyang dahilan ng pagkainis ni Kenny, ang kanyang kaklase at naiibigan simula pa elementarya.
Si Kenny ay isang pulis. May gusto si Bong Soon kay Kenny samanatalang sa iba nakatuon ang puso ni Kenny.
Dahil sa tawag ng panahon, ginamit ni Bong Soon ang kanyang pambihirang lakas upang iligtas ang mga mag-aaral na ginulo
ng grupo ng kalalakihan. Naging saksi ang mga bata sa lakas ni Bong Soon ngunit nang dumating at nag-imbestiga ang mga
pulis kasama si Kenny, hindi inamin ni Bong Soon ang pangyayari. Pinagtakpan naman siya ni Mikael na naging saksi rin sa
pangyayari.
Si Mikael ay isang mayamang lalaki na CEO ng isang gaming company. Dahil may pagbabanta sa kanyang buhay, kinuha niya
si Bong Soon bilang private body guard. Ayaw sanang pumayag ni Bong Soon ngunit pinangakuan siya ng magandang
posisyon sa kompanya.
May krimen na nagaganap sa kanilang lugar. May mga babaeng nawawala. Nagtutulungan ang mamamayan upang malutas
ang problema ngunit napakailap ng kriminal. Binabantayan ng pamilya ang mga miyembro nilang kababaihan.
Hanggang sa naging saksi si Bong Soon sa isang krimen na naging dahilan na nakilala niya ang suspek. Bilang testigo, nais
protektahan ni Kenny si Bong Soon na ikinainis naman ni Mikael.
Naging tagapagligtas ng bibiktimahin si Bong Soon. Palagi siyang nagtatagumpay dahil sa kanyang pambihirang lakas na
naging sanhi ng poot ng suspek. Gumawa ng paraan ang suspek na mas makilala pa si Bong Soon.

2
Ginawang biktima ng suspek ang pinsan ni Bong Soon. Natuklasan din nito kung paano mawawala ang pambihirang lakas ni
Bong Soon. Gumawa ng paraan si Bong Soon na iligtas ang pinsan. Nagtagumpay naman si Bong Soon ngunit nawala ang
kanyang lakas dahil sa ginawa ng salarin.
Binitag ng kriminal si Bong Soon. Nilagyan ng bomba ang kanyang katawan. Dumating si Mikael at pilit na iniligtas si Bong
Soon ngunit wala silang nagawa. Pinagtabuyan na lang ni Bong Soon ang lalaki ngunit nanatili ito sa kanyang tabi. Ayaw
umalis ni Mikael dahil mahal na mahal na niya si Bong Soon.
Dahil doon, nanumbalik ang kanyang pambihirang kapangyarihan. Nailigtas niya ang sarili at si Mikael.
Doon nahulog ang loob ni Bong Soon sa lalaki. Samantalang natuklasan naman ni Kenny na mahal din pala niya si Bong Soon.
Ngunit, nagparaya si Kenny dahil nasubukan na ang pag-iibigan ng dalawa.
Nagkatuluyan si Mikael at Bong Soon. Nagkaroon sila ng kambal na anak na pawang mga babae na may pambihirang
kapangyarihan din.
Gawain 4: Paghambingin Mo
Panuto:Mula sa kwentong Strong Girl Bong Soon, pumili ng ilang pangyayari at ihambing ito sa mga pangyayari sa
kasalukuyang kaganapan sa lipunang Asyano. Gawin ito sa tulong ng Chain Organizer.

Pangyayari sa
Strong Girl Bong
Soon

Kaganapan sa
Kasalukuyan
Lipunang Asyano

Magaling! Ngayon ay masa lumawak pa ang inyong kaalaman tungkol sa mga akdang inyong natunghayan. Ngayon
naman ay dumako tayo sa susunod na gawain.
Panitikan
Ang maikling kuwento ay isang akdang pampanitikan na nag-iiwan ng isang kakintalan. Kadalasang natatapos itong
mabasa sa isang upuan lamang. Karaniwang nakabatay ang mga paksa sa mga tunay-na-buhay na pangyayari anupa’t ang mga
mambabasa ay madaling makaugnay sa salaysay nito. Kaya naman masasabing ito ay isang payak ngunit masining na salamin
ng buhay ng isang tao.
Mga Bahagi ng Maikling Kuwento
1. Panimula: Sa bahaging ito niya paaasahin ang mga mambabasa sa isang kawili-wili at kapana-panabik na akda; karaniwang
inilalalahad ang mga katangian ng pangunahing tauhan at ang kaniyang suliranin na siyang magiging pokus ng
tunggalian.
2. Saglit na Kasiglahan: Dito matatagpuan ang mga pagbabalik-tanaw at pagpapakita ng kung paano humantong sa ganoong
punto ang sitwasyon. Makikita rin dito ang pagtatagpo ng mga tauhan na kabilang sa suliranin ng akda.
3. Paglalahad ng Suliranin: Sa bahaging ito magsisimula ang balakid ng pangunahing tauhan. Sa suliranin iikot ang mga
pangyayari sa akda. Ang mga tauhang may malaking kahalagahan ay ang mga tauhang umiikot sa suliranin ng pangunahing
tauhan.
4. Tunggalian: Dito makikita ang pakikipagtunggali ng mga tauhan na maaaring mula rin sa suliraning nailahad. Maaaring
kalaban ng tauhan ang kapwa tauhan, ang sarili, ang kalikasan o ang lipunang ginagalawan ng pangunahing tauhan.
5. Kasukdulan: Ito ang pinakamasidhi o pinakamataas na yugto ng akda. Dito na rin matatagpuan ang kalutasan sa suliranin o
ang katapusan ng tunggalian ng pangunahing tauhan. Makikita rin dito ang pinakamatinding pangyayari ng akda, kamatayan
ng bida o tagumpay.
6. Wakas/Kakalasan: Ang katapusan ng akda. Dito na mapapayapa ang mga tauhan matapos malutas ang suliranin at humupa
ang tunggalian.
Mga Uri ng Maikling Kuwento
1. Kuwento ng Pag-ibig – Ang diwa ng kuwento ay ukol sa pag-iibigan ng pangunahing tauhan at ng kanyang katambal na
tauhan.
2. Kuwento ng katutubong kulay – Nangingibabaw sa kuwentong ito ang paglalarawan sa isang tiyak na pook, ang anyo ng
kalikasan doon, at ang uri ng pag-uugali, paniniwala, pamumuhay at pamantayan ng mga taong naninirahan sa nasabing lugar.
3. Kuwento ng Tauhan o pagkatao – Nangingibabaw sa kuwentong ito ang isang masusing pag-aaral at paglalarawan sa tunay
na pagkatao ng pangunahing tauhan.
4. Kuwento ng kaisipan o sikolohiko – Sinisikap na pasukin ng kuwento ang kasuluk-sulokang pag-iisip ng tauhan at ilahad
ito sa mga mambabasa.
5. Kuwento ng katatakutan – Matindi ang damdaming nagbibigay buhay sa kuwentong ganito. Nakapananaig ang damdamin
ng takot at lagim na nililikha ng mga pangyayari sa katha.

3
6. Kuwento ng kababalaghan – Naglalaman ang kuwentong ito ng mga pangyayaring mahirap paniwalaan sapagkat salungat
sa batas ng kalikasan at makatwirang pag-iisip.
7. Kuwento ng katatawanan – Ang galaw ng mga pangyayari sa kuwentong ito ay magaan, may mga pangyayaring alanganin
at may himig na nakakatawa ang akda.
8. Kuwento ng talino – Ang kuwentong ito ay punong-puno ng suliraning hahamon sa katalinuhan ng babasa na lutasin. Ang
mga kuwentong detektiv o sa paniniktik ang halimbawa nito.
9. Kuwentong pampagkakataon – Kuwentong isinusulat para sa isang tiyak na pangyayari, gaya ng Pasko, Bagong Taon, at
iba pa.
10. Kuwento ng kapaligiran - Kuwentong ang paksa ay ang mga pangyayari o bagay na mahalaga sa lipunan o pamayanan.
11. Kuwentong makabanghay o madulang pangyayari – Ang pangyayari sa loob ng kuwento na ang banghay ang siyang
nangingibabaw sapagkat dito nasasalig ang maging katayuan o kalagayan ng mga tauhan.

Layunin: Nasusuri ang maikling kuwento batay sa : paksa, mga tauhan, pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari,
estilo sa pagsulat ng awtor at iba pa.
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akda.
Gawain 5. Arrow-Fact Analyzer
Panuto: Gamit ang mga kahon sa ibaba, punan ito ng mga pangyayari mula sa binasang kuwento ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Sundan lamang ang direksyon ng arrow sa bawat kahon. Tukuyin rin ang
tagpuan, tauhan, at halagahang pangkatauhan.
Pamagat

Tauhan Tagpuan
Mga Pangyayari

Pangyayari 1 Pangyayari 2 Pangyayari 3 Pangyayari 4

Pangyayari 8 Pangyayari 7
Pangyayari 6
Pangyayari 5

Halagang Pangkatauhan
Gramatika
Ang mga pangatnig ay ginagamit sa pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap at sugnay. Sa pamamagitan nito,
napagsusunod natin nang tama ang mga pangyayari sa isang kuwento ayon sa tamang gamit nito. Pangatnig ang tawag sa mga
salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay, at transitional devices naman ang tawag sa mga kataga na nag-
uugnay sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari (naratibo), at paglilista ng mga ideya, pangyayari, at iba pa sa paglalahad.
Basahin sa Panitikang Asyano pahina 25 para sa karagdagang impormasyon. Para sa karagdagang gawain,
basahin ang kwentong Anim na Sabado ng Beyblade.
Layunin: Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari gamit ang angkop na pang-ugnay.
Gawain 6: Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari
Panuto: Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwentong binasa. Gamitin ang bilang
1-5 sa pagsusunod-sunod. Isulat ang sagot sa iyong sagutan papel. Pagkatapos, muli itong isulat sa kahon sa
ibaba. Gumamit ng pang-ugnay sa muling pagsusulat ng mga pangyayari.

1. Humiling na magdiwang ng kaarawan ang aking anak kahit hindi pa niya araw.
2. Tuluyan siyang nakalbo noong sumunod na Sabado.
3. Huling Sabado ay pumanaw na ang aking anak
4. Sumunod ay naki-bertday siya kasama ang pinsan.
_______5. Di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng beyblade upang mapaikot ito.

4
Aralin 2 Nobela
Basahin ang nobelang Isang Libo’t Isang Gabi sa pahina 235-238 o pakinggan sa link na ito
https://www.coursehero.com.file1

Wika at Gramatika
PAGKILALA SA KATOTOHANAN AT OPINYON
Ang katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo
at hindi mapapasubalian kahit sa ibang lugar. Hindi ito nagbabago at maaaring tiyakin ang pagkamakatotohanan nito sa ibang
sanggunian tulad ng mga babasahin at mga taong nakasaksi nito.
Ang opinyon naman ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero puwedeng pasubalian ng iba.
Ito rin ay isang paniniwala na mas malakas pa sa impresyon ngunit mas mahina sa positibong kaalaman na batay sa
obserbasyon at eksperimento. Sa madaling salita, ang katotohanan ay mga pahayag na maaaring mapatunayan ng mga
ebidensya samantalang ang opinyon ay mga pahayag na batay sa sariling paniniwala lamang. Tandaan, bagamat ito’y isang
paniniwala o punto ng sumulat lamang, mainam na ang paghabi ng opinyon ay nakasalig sa kanyang karanasan at/o mga
nabasang prinsipyo o kaisipan. Sa pagpapahayag ng katotohanan at opinyon, maaaring gumamit ng mga sumusunod na
pananda:
A. Katotohanan – batay sa resulta, pinatutunayan ni, mula kay, sang-ayon sa, tinutukoy ng, mababasa sa …
B. Opinyon – sa aking palagay, sa tingin ko, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa
ganang akin
C. Positibong Opinyon – totoo, tunay, talaga, ganoon nga, mangyari pa, sadya
D. Negatibong Opinyon – ngunit, subalit, habang, samantala

Layunin: Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at kagandahan batay sa
napakinggang bahagi ng akda.
Gawain 7: Uriin Mo
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. “Nang makita nila ang kanilang mga hitsura at pananamit, nagtawanan na lamang sila. Lumabas sila ng bahay na
tinatakpan ang kanilang mga mukha upang di makilala at makaiwas sa tsismis ng mga kapitbahay.” Ano ang ipinapakita ng
pahayag na ito? a. Nagkakatuwaan silang magkakaibigan. c. Natalo sila sa pustahan nilang magkakaibigan.
b. Pare-pareho silang naloko ng babae. d. Pare-pareho silang napahamak sa kanilang ginawa.
2. “Kapatid ko ang lalaking ipinakulong ninyo, inaway nang hindi namin nakilala, subalit nagsinungaling ang lalaking
tumestigo laban sa kanya. Nagkakamali kayo sa pagkabilanggo sa kaniya, wala na akong kasama at wala nang susuporta sa
akin, kaya maawa na kayo, pakawalan n’yo siya.” Ang pahayag na ito ay nagpapakita ng katotohanang nangyayari sa ating
lipunan. Ano ang isinasaad nito?
a. Pantay-pantay ang hustisya para sa lahat. c. Maraming nakakulong ang biktima ng kawalang-hustisya.
b. Walang katuturan ang takbo ng hustisya kapag mayaman. d. Ang hustisya ay para sa mga may kapangyarihan.
3. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng katotohanan ayon sa nobelang Isang Libo’t, Isang Gabi?
a. Umuwi ang asawa ng babae at isinama siya sa paglalakbay. c. Ipinapatay ng hari ang babae.
b. Nahuli ng mga tao ang totoong nagkasala. d. Napagtanto nila ang panglolokong ginawa sa kanila ng babae
4. Alin bahagi ng akda ang nagpapakita ng kabutihan?
a. Pinagsuot sila ng babae ng pare-parehong damit. c. Tinulungan sila ng mga tao na makalabas sa mga compartment.
b. Ikinulong silang lahat sa cabinet. d. Nagsinungaling ang babae tungkol sa kanyang kasintahan.
5. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng di-makatotohanang pangyayari sa akda?
a. Nagkaroon ng ibang karelasyon ang babae habang nasa malayo ang kanyang asawa.
b. Inakala ng mga tao na genie ang nasa loob ng cabinet at susunugin sana nila ito.
c. Nabighani ang mga lalaki sa kagandahan ng babae.
d. Kayang gumawa ang karpintero ng malaking cabinet
Alam mo ba na …
Ang tunggalian ay isang elemento ng maikling kwento. Tumutukoy ito sa problemang kinakaharap ng pangunahing
tauhan. Ito ang humuhubog sa katauhan ng pangunahing tauhan.
Mga Uri ng Tunggalian
Panloob na Tunggalian
1. Tao laban sa Sarili - Ito ay isang uri ng tunggalian na panloob dahil nangyayari ito sa loob ng tauhan. Sa tunggalian na ito
ay kalaban ng pangunahing tauhan ang kaniyang sarili. Nakikita o napapansin ito kapag ang pangunahing tauhan ay
nahihirapan sa pagdedesisyon, sa tama ba o mali.
Panlabas na Tunggalian
5
2. Tao laban sa Tao - Ito ang pinakaunang halimbawa ng panlabas na tunggalian. Sa tunggaliang ito, ang kalaban ng
pangunahing tauhan ay isa pang tauhan. Ito ang klasikong bida laban sa kontrabida na eksena.
3. Tao laban sa Kalikasan - Sa tunggalian naman na ito, ang pangunahing tauhan ay naapektuhan ng mga pwersa ng
kalikasan. Halimbawa, ang biglaang pagputok ng bulkan na maaaring maglagay sa pangunahing tauhan sa panganib.
4. Tao laban sa Lipunan - Ang pangunahing tauhan sa tunggaliang ito ay nakikipagbanggaan sa lipunan. Halimbawa nito ang
pagsuway sa mga alituntunin ng lipunan o di kaya ay ang pagtakwil sa kultura ng lipunan.

Layunin: Nasusuri ang tunggaliang tao vs sa sarili sa binasang nobela.


Gawain 8: Tumbukin Mo
Panuto: Suriin ang bawat pahayag mula sa akdang binasa. isulat ang salitang TAMA kung ang sitwasyon ay
nagpapakita ng tunggaliang tao laban sa sarili at MALI naman kung hindi ito nagpapakita.
_______1. Humingi siya ng tulong sa limang lalaki
_______2. Agad niyang dinala ang sulat sa hepe ng pulisya
_______3. Nag-usap ang limang lalaki na nakulong sa bawat compartment ng cabinet.
_______4. Nakiusyoso ang mga tao sa kanilang nakita sa loob ng bahay ng babae.
_______5. Hindi nakatiis ang karpintero kayat kinatok nya ang compartment ng hari.

Gawain 9: Unawain Mo
Layunin: Nabibigyang ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa akda.
Panuto: Bigyan ng sariling interpretasyon ang ginawang aksyon ng tauhan batay sa pahayag na nasa ibaba. Piliin at
isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.
1. Sa pahayag na “Gumayak sila at tumakas sakay ng isang kamelyo.” Ano ang maaaring mangyari sa nabanggit na mga
tauhan sa pahayag?
a. Mamasyal sila sa lugar na kanilang pupuntahan. c. Magpapakalayo na sila at hindi na muling babalik pa.
b. Magtatago sila at mamumuhay nang masaya. d. Magliliwaliw sila sa ibang lugar.
2. Bakit nagawang maghanap ng ibang lalaki ang babae kahit na may asawa na siya?
a. Nawalan siya ng gana sa kanyang asawa. c. Nawala ang pagmamahal niya dito.
b. Sa katagalan nang pagkawala ng kanyang asawa. d. Wala siyang magawa sa kanyang buhay.
3. Kung susuriin ang nobelang Isang Libo’t Isang Gabi, bakit naisipan ng babae na magpagawa ng kabinet na may limang
pintuan? a. Para may paglagyan siya ng kanyang mga damit c. Upang may paglagyan sa mga lalaking napangakuan niya
b. Upang magkaroon ng kakaibang cabinet d. Para may dagdag na palamuti sa kanyang bahay
4. Batay sa nobelang Isang Libo’t Isang Gabi, ano ang iyong interpretasyon sa ginawang aksyon ng tauhan?
a. Nagpapakita na ang babae ay may tiwala sa sarili.
b. Ginamit ng babae ang kanyang kagandahan para makaakit ng ibang lalaki.
c. Ipinapakita sa akda na may angking talino at tapang ang babae na harapin ang kanyang suliranin.
d. Pinaglalaruan niya lamang ang mga lalaki.
5. Sa pahayag na “Lumabas sila ng bahay na tinatakpan ang kanilang mukha upang di makilala at makaiwas sa tsismis ng mga
kapitbahay.”, ano ang interpretasyon mo sa kanilang ginawa?
a. Umiiwas sila sa sasabihin ng mga tao
b. Nahihiya sila sa kanilang mga sarili
c. Ayaw nilang ipakita ang mukha nila at makikilala ang kanilang tunay na pagkatao
d. Naglalaro lamang sila ng tagu-taguan.
Ang pagsasanay na ito ay isang pasimula upang maging mas malinaw sa iyo ang mga susunod pang mga
gawain. Handa ka na ba sa susunod pang mga gawain?
Alam mo ba. . .

Isa sa paboritong libangan ng mga Pilipino ang panonood ng teleserye. Isa ito sa sinasabing
pinakamadaling paraan ng kawilihan. Ngunit sa pag-usad ng panahon, dumami ang mga palabas
sa telebisyon, nagiging mapanuri na ang mga tagapanood. Nagnanais sila na ang pinapanood nila
ay may de-kalidad, makakapagbigay ng aliw at mapupulutan ng aral. Hindi rin kasi maiiwasan na
may mga palabas na hindi kaaya-aya sa mga nanonood. Kaya’t nararapat lamang na matutong
magsuri ng isang palabas o teleserye lalo na ngayong napatunayang ito ay isa sa malaking
impluwensiya sa mga kabataan.
Ang pagsusuri ng palabas o teleserye ay hindi pamimintas sa sining kundi isang paraan ng
pagpapahalaga kung saan ang manunuri ay maingat na nagtitimbang at nagpapasya hinggil sa
katangian nito.
Ang pagsusuri ay tumutukoy hindi lamang sa6kahinaan at kakulangan kundi pati sa
mabubuting bagay na dapat isaalang-alang sa napanood na teleserye.
Ang mga sumusunod na elemento ay dapat isaalang-alang sa pagsusuri:
1. Pamagat - ito ay naghahatid ng pinakamensahe o tema ng palabas. Ito ay nagsisilbing panghatak sa
interes ng manonood. Nararapat na ito ay angkop sa istorya at may impact sa manonood. Kung ang
pamagat ay may ginamit na simbolo dapat ay makita agad ito upang hindi makakalito sa mga manonood.
2. Tauhan – ito ang mga karakter na gumaganap at nagbibigay-buhay. Dapat maging malinaw ang
karakterisasyon ng tauhan dahil ito ang pangunahing layunin at sentro ng tunggalian ng istorya. Nararapat
lamang na sa pagsusuri ay lumutang ang mga katangian ng tauhan, ito man ay protagonist (bida) o
antagonista (kontrabida). Nararapat ding suriin kung angkop ba ang pagganap ng artista dahil sila ang
nagbibigay kulay sa palabas.
3. Tema / Paksang Diwa – ang paksa ng kuwento. Ito ang diwa at kaisipan ng palabas. Ito ay nararapat na
magkaroon ng epekto sa katauhan ng mga manonood. Dapat ay mayroon itong bisang kaisipan sa diwa at
isipan, at bisang pandamdamin na tatagos sa emosyon ng mga manonood.
4. Sinematograpiya – ang matapat na paglalarawan sa buhay ng palabas. Sa pagsusuri ng sinematograpiya,
bigyang pansin ang kabuuang kulay ng palabas. Nakakatulong ba ang paggamit ng visual at sound effects
upang lumutang ang mga pangyayari sa kuwento.
5. Musika - ito ay paglalapat ng tunog sa palabas. Bigyang pansin kung ang musika ba nito ay nababagay sa
tema at eksenang ipinapakita. Karamihan sa palabas ay may isang pinakatemang awitin na siyang
iniikutan ng kuwento.
Layunin: Nasusuri ang pinanood na teleseryeng Asyano batay sa itinakdang pamantayan.
Gawain 10. Ibigay Mo Na
Panuto:Basahin at suriin ang mga sumusunod. Isulat sa sagutang papel kung anong elemento ang tinutukoy ng
pahayag.

Kasukdulan Tema Tunggalian


Sinematograpiya Tauhan Wakas

______1. Bagamat may kapansanan ang pangunahing tauhan ipinaglaban niya ang kanyang karapatan bilang isang ina, asawa
at isang tao.
______2. Ang teleserye ay naglalarawan ng pamilyang Pilipino at ang pakiki- pagsapalaran ng bawat tauhan para sa
kapakanan ng bawat isa. Ito ay puno ng pagmamahalan, pakikipaglaban sa karapatan at sakripisyo para sa pamilya.
______3. Ang teleserye ay umiikot sa pangunahing tauhan na si Aling Onay.
______4. Ipinakita ang kapana-panabik na tagpo ng teleserye tungkol sa pagkatuklas ng lihim ng mga tauhan.
______5. Sa elementong ito ay naipapakita ang malaking epekto na naidudulot sa kaligiran ng kilos ng karakter at sa daloy ng
eksena.

Layunin: Naisusulat ang isang pangyayari na nagpapakita ng tunggaliang tao vs sa sarili.


AWTPUT BILANG 1
Panuto: Isulat ang ilang pangyayari sa nobela na nagpapakita ng tunggalian tao laban sa sarili. Gawin ito sa isang
mahabang papel (long bond paper). Ang bawat sagot ay may tiglilimang puntos.

Isang Libo’t Isang Gabi


Mga Pangyayari na nagpapakita ng tunggalian tao
laban sa sarili

Layunin: Nagagamit ang mga pahayag na ginamit sa pagbibigay ng opinyon (sa tingin/akala/pahayag/ko, iba pa)
Gawain 11: Pagpupuno
Panuto: Lagyan ng nararapat na salita na nagpapahayag ng opinyon ang bawat patlang upang mabuo ang
pangungusap. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

7
1. Maraming gustong makarating sa Maynila, siguro dahil naniniwala silang mas maraming opurtunidad ang naghihintay sa
kanila roon. ___________ hindi masama ang mangibang bayan ngunit siguraduhin lamang na may trabahong mapapasukan
upang hindi magiging dagdag na pabigat sa bayang pinuntahan.
a. Sa tingin ko b. Mabuti sana subalit c. Ganyan din ang palagay ko d. Sa akala ko
2. Isinailalim ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Enhance Community Quarantine ang bansa upang mapigilan ang
paglaganap ng sakit na COVID 19. ________, higit na kailangan ngayon ng Pangulo ang pakikiisa ng mamamayan upang
mapagtagumpayan ang krisis na ito na kinakaharap ng ating bansa.
a. Tunay na b. Talagang c. Sapalagay ko d. Sa palagay ko totoong
3. _________, ang pagpapasailalim ng pangulo saEnhance Community Quarantine o ECQ sa bansa ay nakatutulong hindi
lamang upang mapigilan ang pagdami ng bilang ng mga nahawaan ng sakit na COVID 19. kundi nakatutulong din upang
manumbalik ang ganda ng kalikasan.
a. Akala ko b. Inaakala ko c. Batay sa d. Sa aking pananaw
4. Ninais ng gobyerno na bigyan ang mahihirap na mamamayan ng ayuda na tinatawag na social amelioration program o SAP,
ngunit hindi lahat ang makatanggap nito. Kaya kinikilatis ng maigi ng DSWD kung sino ang maaaring makatatanggap ng social
amelioration program o SAP. ______________ na mabuti ang hangarin at intensyon ng ating pangulo na tulungan ang
mamamayan sa panahon ng pandemya.
a. Sa aking pananaw b. Naniniwala ako c. Sang-ayon ako d. Mabuti sana ngunit
5. Hindi lamang ekonomiya ng bansa at kalusugan ang nalagay sa alanganin sa panahon ng pandemic kundi maging ang
edukasyon ng mga kabataan. _________ ang paglipat ng buwan sa pagbubukas ng klase ay nakatutulong upang
mapangalagaan ang kaligtasan ng mga kabataan.
a. Huwag kang b. Iyan ang nararapat c. Tunay na d. Para sa akin

Aralin 3 Tula
Alam mo ba …
Ang tula ay isang uri ng panitikan na pinagyayaman sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay at malayang
paggamit ng mga salita sa iba’t ibang estilo – kung minsan ito ay maiksi o mahaba. Ito ay binubuo ng saknong at
taludtod na karaniwang wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin at lalabing-waluhing pantig.

Layunin: Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag sa napakinggang tula.


Gawain 12. Ramdamin Mo
Panuto: Basahin ang saknong, sagutin ang mga tanong mula sa bilang 1 hanggang 5. Piliin at isulat ang titik
ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas


Pasigaw ang sabing” Magbalik ka agad”
Ang sagot ko’y” Oo, hindi magluluwat”
Nakangiti akong luha’y nalaglag….
At ako’y umalis, tinunton ang landas
Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak.
1. Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak, mula sa taludtod na ito, alin ang nagpapahayag ng kalungkutan?
a. ako’y umalis b. nabiyak ang puso c. tinunton ang landas d. naiwan ang kabiyak
2. Kung ikaw ang maybahay, ano ang iyong mararamdaman kapag umalis ang iyong kabiyak upang magtrabaho sa malayong
lugar? a. Magiging masaya kasi wala ng magdidikta sa gagawin mo
b. Manghihinayang dahil magkakalayo kayo sa isa’t isa.
c. Magagalit dahil aalis siya ng bahay at matagal pang babalik
d. Maiingit dahil trabaho ang kanyang inuna kaysa sa aki
3. Sa inyong palagay bakit maraming mga Pilipino ang pinipiling magtrabaho sa malayong lugar o sa ibang bansa?
a. Mas maraming oportunidad at mas malaki ang ibinibigay na sahod.
b. Gusto nilang makita ang magagandang lugar sa ibang bansa.
c. Gusto nilang lumayo sa kanilang pamilya upang makatayo sa kanilang sariling paa.
d. Mas maganda ang buhay sa ibang bansa.
4. Paano mo maipadama ang iyong pagmamahal sa iyong kabiyak na nagtatrabaho sa malayong lugar?
a. Tatawagan mo siya araw-araw at kukumustahin ang kanyang kalagayan
b. Tatawagan mo lang siya kung may kailangan kang pera
c. Hahayaan mo na lang na siya ang tatawag sayo dahil marami kang ginagawa
d. Tatawagan mo lang kung kailan mo gusto

8
5. Ang pagmamahalan ng mag-asawa ay nasusukat sa pamamagitan ng _______.
a. kayamanan b. materyal na bagay c. pagtitiwala d. pagkakaisa
Handa ka na ba? Sa pagpasok ng bagong aralin na ito, tiyak na maaasahan mong madagdagan na naman ang iyong
kaalaman na magagamit mo sa pang-araw araw na pamumuhay.
Ang pananaw ay nangangahulugan ng opinyon ng isang tao tungkol sa isang bagay, suliranin o pangyayari. Sa
paglalahad ng iyong pananaw ay maaaring gamitin ang mga sumusunod na ekspresyon tulad ng, sa aking sariling opinyon, sa
aking palagay, kung ako ang tatanungin o para sa akin. Ang pananaw ng bawat isa ay nakadepende rin sa kulturang kanyang
nakinagisnan.
Basahin at unawain ang Tulang Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng
Kinabukasan” Panitikang Asyano pahina 42-43.

Layunin: Nailalahad ang sariling pananaw ng paksa sa mga tulang Asyano.


Gawain 13. Ilahad Mo Na
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa aytem. Isulat ang titik o letra lamang ng mapipiling sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Ano ang iyong mabubuong pananaw sa mensaheng nais ipaabot ng taludtod na nasa ibaba?
Bukas, ang kulturang itinudla ng nakaran
at inereregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan
a. Hindi maglalaho ang kultura c. Mapapanatili ang kultura at tuluyang gagamitin
b. Maituturo ang kultura d. Makakalimutan na ang kultura
2. Kung ikaw ang tatanungin, paano mo mapapanatili ang iyong nakagisnang kultura?
a. Tuluyan na itong kalimutan c. Gagamitin at ipagmalaki sa iba
b. Ikakahiya mo ang iyong kultura d. Ikuwento sa mga kaibigan
3. Batay sa tulang nasa ibaba, alin sa mga pananaw ang naglalahad ng kasaysayan?
Hindi na mabilang ang paghakbang na naganap sa ating kasaysayan
paghakbang na pinuhunan ng pawis, dugo, at luha.
Paghakbang na kinamulatan ng maraming pagsubok, pangamba at panganib.”
a. Maraming mga namatay sa pakikibaka c. Maraming nangyari sa kasaysayan na napagtagumpayan
b. Maraming mga pangyayari na nakakatakot d. Maraming mga karanasan sa buhay
4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagbibigay ng opinyon?
a. Ang kultura ay isang paraan ng pamumuhay ng tao c. Nabibilang sa kultura ang tradisyon, kaugalian at gawi
b. Marahil ang kultura ay pwedeng matutunan at makakalimutan d. Ang kultura ay naipapamana sa bawat henerasyon
5. Ano ang mabubuo mong konklusyon sa mensaheng nais ipahatid ng taludtod ng tula?
Bukas ang kulturang tinudla ng nakaraan at iniregalo ng kasalukuyan
ang bubuhayin ng kinabukasan at mananatiling repleksyon ng kabutihan.
a. Ang kabutihan ay hindi nawawala c. Mananatiling repleksyon ang kabutihan ng kultu
b. Ang kulturang natutunan ay maisasalin pa sa susunod na henerasyon d. Ireregalo ng kasalukuyan ang kultura sa kinabukasan

Layunin: Natutukoy at naipaliliwanag ang magkakasingkahulugang sa ilang taludturan.


Gawain 14: Tukuyin Mo Na at Gamitin
Panuto: Pansinin ang maikling tula sa ibaba. Basahin ito at unawain. Pagkatapos ay punan ang talahanayan sa
ibaba nito. Ang unang bahagi ay ginawa na para maging batayan sa pagsagot mo. Isulat ang iyong kasagutan sa
sagutang papel. Masaya Doon sa Amin
Masaya sa amin, maligayang tunay
Doon ay tahimik, payapa ang buhay
Sagana sa yamang dagat, marami ang gulay
Ang lasa’y masasarap, lahat malinamnam.

Sa lungsod ay ayoko dahil lubhang maingay


Hindi tulad doon sa amin na payapang tunay
Marumi ang hangin na hindi dalisay
Di tulad doon sa amin na aking pinagmulan.
Magkasingkahulugang
Pagpapakahulugan Gamitin sa Pangungusap
salita o parirala

Masaya-maligaya tumutukoy sa pakiramdam at emosyon na Masaya ang ang pagsasama ng aming pamilya.
nararamdaman ng isang tao

9
Layunin: Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng rehiyong Asya
AWTPUT BILANG 2
Panuto: Gumawa ng makabagong tula tulad ng Hugot Line, Spoken Poetry o makabagong salawikain na
pumapaksa sa pagpapahalaga sa kultura at katangian ng mga mamamayang Asyano. Isulat ito sa LONG BOND PAPER
gamit sa loob ng kahon na nasa ibaba.
ASYANO AKO

Aralin 4 Sanaysay
Basahin ang sanaysay na Estella Zeehandelaar pahina 52-55.
Basahin ang sanaysay na Estella Zeehandelaar Panitikang Asyano sa pahina 52-55.

Layunin: Naipaliliwanag ang salitang may higit sa isang kahulugan.


Gawain 15. Ipakahulugan Mo
Panuto: May mga salitang higit sa isa ang kahulugan gaya ng mga salitang italisado sa bawat bilang. Isulat ang
letra ng tamang kahulugan nito batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap at ipaliwanag sa linya kung bakit ito ang
napili mong sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Gawing batayan ang halimbawang ibinigay sa unang
bilang.

1. Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon. __A__


Paliwanag:______ito ay may kaugnayan sa kasalukuyang panahon____________________
2. Ang panahon noon ay mainit at maalinsangan.
Paliwanag: ________________________________________________________________________

3. Hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga
puting kapatid na babae na tumatanaw sa malayong Kanluran
Paliwanag:________________________________________________________________________
4. Ang puting damit ang paboritong suot ng mga babaeng tulad ko.
Paliwanag:________________________________________________________________________

BASAHIN AT UNAWAIN MO
Ang pakikipagtalastasan ay isang sining kung saan tayo ay nakakapagpapalawak ng ating mga kaalaman hinggil sa isang
bagay. Dito, tayo ay nagpapalitan ng opinyon, kaalaman at kuru-kuro para sa ikauunlad ng bawat isa. Mahalaga ito dahil
malayang nasasabi ng tao ang kanilang saloobin o anumang iniisip na may kinalaman sa paksang tinatalakay.
Sa pagpapahayag ng opinyon makakabuti kung tayo ay may sapat na kaalaman sa paksang pinag-uusapan upang masusing
mapagtimbang-timbang ang mga bagay at maging katanggap-tanggap ang opinyon o di kaya ay maaaring sumasang-ayon o
sumasalungat ka sa isang paksa.
May iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ayon sa layunin ng nagsasalita o sumusulat gaya ng pagsasalaysay, paglalarawan,
paglalahad at pangangatwiran.
Sa pagsasalaysay, ilahad ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunud-sunod nito. Gumamit ng payak at hindi maligoy na
pangungusap.
Sa paglalarawan, gumagamit ng mga simple at angkop na mga pang-uri o pangungusap na naglalarawan. Mahalagang
mailarawan ang mga katauhan ng anuman na ikinaiba nito sa karaniwan o sa mga kauri nito.
Sa paglalahad ipinapahayag nito ang hangaring magpaliwnag. Sinasagot ito ng mga katanungang “bakit”
10
Sa pangangatwiran maaaring ilahad ang mga katwiran sa pamamagitan ng mga katibayan. Ang mga katibayan
naman ay maaaring ilahad sa pagpapaliwanag, pagbibigay ng mga halimbaw o pagbibigay ng mga kahulugan. Ito ay isang
paraan ng pagdepensa sa isang panig.

Layunin: Nasusuri ang paraan ng pagpapahayag ng mga ideya at opinyon sa napanood na debate o kauri nito.
Gawain 16: Suriin Mo Na
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat sa iyong sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang isyung pinag-uusapan sa teksto?


a. Same Sex Marriage b. LGBTQ c. magkaibang kasarian d. karapatang mabuhay
2. Ano ang mahihinuha sa tekstong binasa?
a. Ang pagpapakasal ay hindi biro
b. Ang pagpakasal ay ginagawa ng babae at lalaki lamang
c. Ang pagpapakasal ng parehong kasarian ay labag sa Diyos
d. Ang pagpapakasal ay dapat bendisyunan ng mga magulang
3. Batay sa teksto, anong pangungusap sa itaas ang nagpapahiwatig ng paglalahad?
a. pangungusap blg.1 b. pangungusap blg. 2 c. pangungusap blg 3 d. pangungusap blg.4
4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapahiwatig ng pangangatwiran?
a. Ang Same Sex Marriage ay isang uri ng pagpapakasal sa dalawang taong may parehong kasarian.
b. Marami ang tumututol sa ganitong pagpapakasal.
c. Subalit marami ang nagsasabi na bigyan ng kalayaan at karapatan ang mga LGBT na maging masaya.
d. Karapatang nilang maging masaya at lumigaya sa piling ng kanilang minamahal.
5. Ang pahayag na “May iilan pa ring tumututol sa ganitong pagpapakasal dahil hindi ito nakapaloob sa bibliya" ay nagsasaad
ng:
a. pagtutulad b. opinyon c. paglalarawan d. pagpapaliwanag

Layunin; Naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa mga dapat o hindi dapat na katangian ng kabataang Asyano
Gawain 17: Uriin Mo
Panuto:Uriin ang mga katangiang dapat at di dapat taglayin ng kabataang Asyano? Isulat sa nararapat na
hanay ang mga sumusunod na salita na nasa loob ng kahon. Isulat ang iyong kasagutan sa iyong sagutang papel.

Paggalang sa nakatatanda walang direksyon sa buhay


liberato may pakialam sa kapaligiran may pananaw

Dapat Taglayin ng Kabataang Asyano Di- Dapat Taglayin ng Kabataang Asyano


1. 4.
2. 5.
3.

Alam Mo Ba ……
Ang mga Pang-ugnay at mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw
A. Pang-angkop (Ligature) – Ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay
nagpapaganda lamang ng mga pariralang pinaggagamitan. May dalawang uri ng pang-angkop.
▪ Ang pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n. Hindi ito isinusulat
nang nakadikit sa unang salita. Ihiwalay ito. Nagigitnaan ito ng salita at ng panuring. Halimbawa: mabait na tao
11
▪ Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos sa titik n, kinakaltas ang n at ikinakabit ang –ng. Halimbawa: huwarang
mamamayan
▪ Ang pang-angkop na –ng ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga patinig. Ikinakabit ito sa unang salita.
Halimbawa: masamang nilalang
B. Pang-ukol (Preposition) - Ito ay ang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa pangngalan, pandiwa, panghalip, o pang-abay
sa iba pang mga salita sa loob ng pangungusap.
sa ng kay/kina alinsunod sa/kay
laban sa/kay ayon sa/kay
hinggil sa/kay ukol sa/kay
para sa/kay tungkol sa/kay11
C. Pangatnig (Conjunction)- Ito ay ang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa dalawang salita, sugnay, parirala, or
pangungusap. Maari itong nagpapakita ng pagbubukod, pagsasalungat, o paglilinaw.
At, ni, o, kaya, maging, kung alin, sa halip, kung sino, siya rin, kung saan, man, saka, pati, dili kaya, gayundin, kung gayon,
datapwat, subalit, bagkus, samantala, maliban, habang, bagaman kung, sa bagay, kundi, kapag, sakali, sana, pagkat, sapagkat,
kasi, kung kaya, palibhasa, dahil sa, sanhi ng, anupa, samakatwid, sa madaling salita. Mabisang gamit sa pagbibigay ng
sariling pananaw ang mga pang-ugnay. Maaaring banggitin ang sariling damdamin, paniniwala, ideya, at karanasa sa
pagbibigay ng sariling pananaw. Ilan sa mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng sariling pananaw ay ang mga bumusunod:
▪ Naniniwala ako na...
▪ Para sa akin…
▪ Lubos akong naniniwala…
▪ Kung ako ang tatanungin masasabi kong…
▪ Palibhasa’y napagdaanan ko kaya nakikita kong…

Layunin: Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw.


Gawain 18: Ikaw naman.
Panuto: Tukuyin ang angkop na angkop na pang-ugnay na gagamitin sa bawat pangungnusap. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang pangatnig na bubuo sa pangungusap? "Mabigat ang trapiko ______ nahuli ako sa klase."
a.. dahil b. upang c. kasi d. kaya
2. Matutulog ako nang maaga ___________ hindi ako mahuli sa klase bukas."
a. samantalang b. dahil c. kasi d. para
3. "Maaari tayong maglaro __________ tapos na tayo sa pagsagot ng ating takdang-aralin."
a. kapag b. kaya c. samantalang d. at
4. Huwag mong gawin ang mali __________ walang maibubungang maganda iyan sa'yo."
a. kaya b. ngunit c. kung d. sapagkat
5. Sasabay sana ako kay Marie pauwi ___________ nakauwi na pala siya.
a. sapagkat b. haban c. kaso d. kaya

Aralin 5 Dula
Basahin ang Dulang Tiyo Simon pahina 62-67 at sagutin ang Gawain 5 Antas ng Iyong Pag-unawa pahina 67-
69.

Tuklasin Natin
DULA - ang dula ay isang paglalarawan ng buhay na ginaganap sa isang tanghalan.
Bahagi ng Dula
1. Yugto – ang bawat paghahati sa dula
2. Tanghalan – pagbabago ng ayos ng entablado
3. Tagpo – paglabas-masok ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan
Mga Uri ng Dula
1. Trahedya – nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan
2. Komedya – ang wakas ay kasiya-siya sa mga manonood dahil nagtatapos na masaya sapagkat ang mga tauhan ay
nagkakasundo
3. Melodrama – kasiya-siya rin ang wakas nito bagamat may ilang malulungkot na bahagi
4. Parsa – may layuning magpatawa
5. Saynete – pumapaksa sa mga karaniwang pag-uugali ng tao na ginagawang katawa-tawa

12
Karakterisasyon - Ito ay tumutukoy sa pag-uugali o pagtutukoy ng kaugalian ng karater sa isang kwento.
- Ito ang pagganap sa isang character o katangian ng isang Tao o bagay. Ito ay isang paraan ng manunulat
o aktor na ipaliwanag o ipakita kung anu talaga ang mangyayari sa isang palabas o paano gagampanan
ang isang katangian o pangyayari.

Layunin: Nakabubuo ng paghuhusga sa karakteresasiyon ng mga tauhan sa kasiningan ng akda.


Gawain 19. Husgahan Mo
Panuto: Unawain ang ipinapakitang katangian o damdamin ng bawat pahayag. Piliin ang tamang sagot mula
sa kahon ng mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

galit matampuhin mapagmalasakit maaalalahanin mahiyain


panghihinayang reklamador matulungin mapagmahal masunurin
1. Ayaw kumanta ni Zafyhael sa harap ng kanyang kaklase kaya napayuko na lamang siya ng tawagin siya ng kanyang guro.
2. Hindi mapakali si Biboy “Gabi na at wala pa ang mga ate ko. Sana walang nangyaring masama sa kanila.”
3. Nagdala ng pagkain sila Zhyckean para sa mga frontliner sa kanilang lugar.
4. “Bakit mo sinulatan ang dingding? Hindi na malinis yan at kailangang pinturahan ulit.”
5. “Dapat nag-aral ako nang mabuti kagabi. Hayan tuloy nabagsak ko ang pagsusulit ngayon.”

Layunin: Naipapaliwanag ang kahulugan ng salita habang nagbabago ang istruktura nito.
Gawain 20: Pag-isipan Mo
Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng salita habang nababago ang estruktura nito. Isulat ang iyong kasagutan
sa sagutang papel. Gawing Batayan ang halimabawang ibinigay.
Hal: tandaan - _____huwag kalimutan____
matanda - ___may edad na______
matandain - hindi madaling makalimot

1. kahirapan - __________________ 2. pag-ibig - __________________


mahirap - __________________ inibig - __________________
paghirapan - __________________ iibigin - __________________

Layunin: Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa isang dula.


Gawain 21: Makatotohanan Ba Ito?
Panuto: Mula sa binasang dula na “Tiyo Simon”, suriin ang akdang binasa at magtala ng ilang
makatotohanang pangyayaring naganap dito na nagaganap din sa kasalukuyang panahon. Isulat ang iyong sagot sa
loob ng talahanayan na makikita sa inilaang sagutang papel. . Gawing batayan ang halimbawang ibinigay sa unang
bilang.
Mga Makatotohanang Pangyayari sa Dula Mga Patunay na Pangyayari sa Kasalukuyan

1. pananalig sa Diyos 1.sa panahon ng pandemya nanalig sa Diyos ang mga tao ng
magiging okey na ang lahat
2. 2.
3, 3,
4. 4.
5. 5.

Pagsasanib ng Gramatika/Retorika
Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon
Mahalagang kasanayan sa pagsasalita o pagsulat ang paggamit ng mga wastong
pahayag na nagpapakita ng katotohanan o opinyon.
Mga Halimbawa ng Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan:
1. Ayon sa mga pag-aaral …
2. Alinsunod sa tuntunin …
3. Gaya ng ipinakikita ng mga datos …
4. Ipinakikita ng pananaliksik na …
5. Batay sa …
Mga Halimbawa ng Ekspresyong Nagpapahayag ng Opinyon:
1. Sa aking palagay …

13
2. Sa sarili kong pananaw …
3. Para sa akin …
4. Naniniwala akong …
5. Sa tingin ko …

Layunin: Nagagamit ang mga ekspresiyong nagpapahayag ng katotohanan ( sa totoo, talaga, tunay, at iba pa)
Gawain 22. Gamitin Mo
Panuto: Piliin sa loob ng ulap ang angkop na ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan at isulat ang sagot
sa sagutang papel.

sadya tunay talaga tama subalit


sang-ayon batay sa para sa akin

1. __________ na kawili-wiling basahin ang mga aklat sa Filipino.


2. Mabisa __________ pampalipas-oras ang pagbabasa.
3. __________ nakakaaliw ang panonood ng dula kung makatotohananang pagganap ng mga tauhan.___
4. __________ ka sa sinasabi mong tayo ang dahilan ng pagkasira ng atingkapaligiran.___
5. __________ako sa iyong panukala.

Layunin: Naibabahagi ang sariling pananaw sa resulta ng isinagawang sarbey tungkol sa tanong na : “Alin sa mga
babasahin ng Timog-Silangang Asya ang iyong nagustuhan?
Gawain 23: Ang Gusto Ko
Panuto: Bawat mambabasa ay may kanya-kanyang batayan sa pagpili ng gustong akda. Ihahanay mo ang mga
akda na nagmul sa Timog-Silangang Asya simula sa pinakagusto hanggang hindi masyado. Bigyan ng paliwanag ang
naging sagot bawat aytem. Isulat ang iyong kasagutan sa sagutang papel.

Pamagat ng Akda (1 ang pinakagusto at 5 hindi Paliwanag na Maibigay Ko


masyadong gusto)
1. Kay Estella Zeehandelaar

2. Tiyo Simon

3. Ang Ama

4. Isang Libo’t Isang Gabi

5. Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan,


Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng
Kinabukasan

14
Republic of the Philippines
Department of Education
Region X - Northern Mindanao
ILIGAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Lungsod ng Iligan
Lingguhang Pagsusulit sa Unang Markahan
(Linggo 1 at 2)
FILIPINO 9
Panuto: Basahin ang bawat pahayag at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang
sagot.
1. Mahirap ang buhay na tinatamasa ni Frida sa ibang bansa, __________________ mistulang nagbubuhay-hari ang asawa niyang si Andy
na naiwan sa Pilipinas. Sa inyong palagay, anong pang-ugnay ang mainam na gamitin sa pahayag?
a. kung b. bagaman c. kung d. samantala
2. Malubak at maalikabok man ang landas patungo sa kanyang pangarap, ______________________ narating din niya ang inaasam na
tagumpay. Ang pang-ugnay na mainam gamitin sa pahayag ay
a. kung gayon b. sa wakas c. samakatuwid d. dahil sa
3. Batay sa akdang Ang Ama, anong katangian ang tinataglay ng ama ni Mui-Mui sa simulang bahagi ng kwento?
a. isang malupit at irresponsable na ama c. tahimik at mabait
b. walang trabaho d. mapagmahal na ama
4. Mula sa kwentong Ang Ama, ano kaya sa iyong palagay ang nagtulak sa ama ni Mui-Mui na magbago ng ugali at magsisi sa kanyang
mga nagawa?
a. Sa kadahilanang nais niyang maging isang mabuting ama.
b. Dahil ito sa pagkawala ni Mui-Mui
c. Dahil nais niyang magmalaki sa kanilang lugar.
d. Sapagkat nais niyang ituwid ang kanyang mga pagkakamali.
5. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagpapakita ng tunggaliang tao vs sarili?
a . Nagdadalawang-isip ang babae kung ipagpapatuloy niya ang bawal nilang relasyon.
b. Masama ang tingin ng mga tao sa babae sapagkat iniwan niya ang kanyang mabait na asawa.
c. Masama ang panahon kaya hindi mapuntahan ng babae ang kanyang minamahal.
d. Nag-away ang babae at ang kanyang karibal dahil sa iisang lalaki.
6. Ang mga pahayag sa ibaba ay may kaugnayan sa pahayag na“Bawat miyembro ng pamilya ay mahalagang
handog ng Diyos. Nararapat lamang na mahalin nang lubos.” maliban sa isa.
a. Pinipilit ng ibang mga magulang ang kanilang mga anak sa bagay na hindi nila gusto.
b. Pinapahalagahan ng ina ang pagiging natural ng kanyang anak.
c. Sinusuportahan ng ama’t ina ang kanilang anak kung nais nitong sumali sa isang paligsahan.
d. Isinaalang-alang ng mga magulang ang nararamdaman ng anak ukol sa mga bagay-bagay.
7. Hiwalay ang mga magulang ng karamihan sa ating mga kabataan ngayon. Sa kalagayang ito ng iyong
henerasyon, papaano mo kaya malulunasan ang ganitong mga suliranin bilang isang mag-aaral?
a. Magsisikap akong mag-aral nang mabuti upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking pamilya.
b. Mag-aaral ako nang mabuti at maghahanap ng magandang trabaho upang mawala ang kahirapan sa ating bayan.
c. Gagawin ko ang lahat upang maiahon ang bayan sa kahirapan.
d. Magsisikap akong tapusin ang pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho para sa kinabukasan ng aking pamilya.
8. Paano mo gagawing opinyon ang pahayag na “ Hindi ko nais na maging kaibigan ang taong iyan.”.
a. Masungit ang taong iyan kaya ayoko sa kanya.
b. Sa aking palagay, hindi kami magiging magkaibigan ng taong iyan.
c. Ang taong iyan ay masungit kaya hindi ko siya gustong maging kaibigan.
d. Hindi palakaibigan ang taong iyan kaya hindi kami magkaibigan.
9. Anong uri ng tunggalian ang nagpapakita ng dalawang magkasalungat na hangad o pananaw ng iisang tao.
a. tunggalian vs tao b. tunggalian vs lipunan c.tunggalian vs kalikasan d. tunggalian vs sarili
10. Ang ama ni Adrian ay nasa takipsilim na ng kanyang buhay. Ano ang konotasyong kahulugan ng salitang takipsilim?
a. Malapit na ang gabi b. Matanda na at malapit ng pumanaw c. malapit na ang kaarawan d. hatinggabi
11. “Naku po! Ang laki ng ahas!” ang natatakot na pahayag ni Aling Elsa. Ang salitang ahas ay ginamit sa anong uri ng
pagpapakahulugan?
a. denotasyon b. payak c. ang-abay d. konotasyon
12.. Namatay siya habang tangan ko sa aking bisig. Hinintay lamang niya ang aking pagdating. Di na kami nakapag-usap pa dahil
pagpasok ko pa lang ng pintua’y pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais danasin ng kahit na sino.
Anong damdamin ang namayani sa puso ng tatay ni Rebu batay sa pahayag na ito?
a. pagkabahala b. pagkadismaya c. pighati d. pamamaalam
13. Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-imik, muling pinasan ni Adrian ang ama at natagpuan ang sariling
bumabalik sa lugar kung saan sila nanggaling. Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw. Hinding-hindi na. Sa iyong palagay, ano ang
naging wakas ng kwento?
a. Umuwi si Adrian sa bahay na kasama ang kanyang ama.
b. Bumalik si Adrian sa kanilang bahay ng mag-isa.
c. Nilisan ni Adrian ang gubat na umiiyak.
d. Umalis si Adrian para dalhin sa ospital ang kanyang ama.

15
14. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, “Pinakamamahal
kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana’y tanggapin mo.” Anong damdamin ang namutawi sa pahayag
na ito?
a. Pagdadalamhati b. Pagsisisi c. Pangngungulila d. Kasiyahan
15. Maykaya sa buhay ang pamilya ni Adrian. Natupad ang pangarap niyang maging isang doktor. Anong pang-ugnay ang angkop na
gamitin upang magkadugtong ang dalawang pangungusap.
a. Subalit b. dahil sa c. kaya d. bagaman
16. Ang simbahan ay hindi masamang bagay. Kaya huwag mong tatanggihan ang pagsama sa iyo ng iyong Mama. Hindi makabubuti sa iyo
ang pagtanggi, ang pagkawala ng pananalig. Ano ang maaaring kalalabasan ng tao batay sa sinalungguhitang pahayag?
a. Mawawala nang tuluyan ang pakikipag-ugnayan sa Poong Maykapal.
b. Mapapanatag ang kalooban kung walang pananampalataya.
c. Makakamit ng karamihan ang tunay na kaligayahan.
d. Mabibiyayaan ang isang tao ng buhay na walang hanggan.
17. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Tiyo Simon, paano mo kukumbinsihin ang iyong pamangkin na magsimba gayong ikaw ang kanyang
tinitingala?
a. Tatakutin kong may masamang mangyayari sa kanya kung hindi siya magsisimba.
b. Katulad ng ginawa ni Tiyo Simon sa kwento, sasamahan ko siyang magsimba.
c. Papaluin ko siya kung hindi siya makikinig sa kanyang ina na magsimba.
d. Hahayaan ko siya kasi buhay niya iyan at wala akong pakialam.
18. Mula sa mga pahayag sa ibaba, alin ang gumamit ng angkop na salita upang maipahayag ang ekspresyong makatotohanan na
dapat sang-ayunan?
a. Hindi nabibili ng mayayaman ang hustisya.
b. Higit na nagmamahal ang anak kaysa magulang.
c. Totoong walang kapantay ang pagmamahal ng magulang sa anak.
d. Hindi iniisip ng mga anak ang nararamdaman ng kanilang mga magulang.
Panuto: Basahin nang maigi ang akdang nasa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Puting Kalapati, Libutin Itong Sandaigdigan
Ni: Usaman Awang (salin ni A.B. Julian)
Sa mga pangyayaring walang katiyakan,
Kung saan ang tao’y naghihinala’t tuwina’y may agam-agam
Lumipad ang kalapati upang lakbayin ang sandaigdigan
Sa kanyang puting pakpak na hanap ay kapayapaan
Habang sagisag ng pagkakasundo’y patuloy na bumabandila.

Puting kalapati, libutin itong sandaidigan


Ang hanging panggabi’y iyong panariwain
Ang mga bulaklak iyong pamukadkarin.
Itong aming mga labi’y iyong pangitiin.

Pagkat sa iyo na ang pag-asa ay di nawala


Sa iyong hininga, hanging sariwa nagmula
Itong sandaigdigan, paniwalain mo sa kapayapaan
Habang puso’y pumipintig sa gabi ng katahimikan.

Ngunit ikaw ay palamara


Tulad ng alikabok, humayo ka’t mawala
Pagkat mundo mo’t bantayog ay gumuho na
Ngayon ay may bagong hinagap na kayganda
Bilang repleksiyon nitong buhay na mapayapa.

19. Anong uri ng akdang pampanitikan ang binasa?


a. sanaysay b. dula c. elehiya d. tula
20. Ano ang sinisimbolo ng kalapati sa akda?
a. kalayaan b. pagkakaisa c. kapayapaan d. paglalakbay
21. Anong damdamin ang masasalamin sa akdang binasa?
a. pagkakaroon ng pag-asa c. paghangad ng kasamaan
b. pagkamit ng katahimikan d. pagsabog ng liwanag
Para sa bilang 22-24. Tukuyin sa mga sumusunod na saknong ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit.
22. Sa kanyang puting pakpak na hanap ay kapayapaan. Habang sagisag ng pagkakasundo’y patuloy na
bumabandila.
a. simbolo b. kabutihan c. kalayaan d. pagkakaisa
23. Ngunit ikaw ay palamara, Tulad ng alikabok, humayo ka’t mawala
a. taksil b. pabaya c. mabuting tao d. matapang
24. Sa mga pangyayaring walang katiyakan, Kung saan ang tao’y naghihinala’t tuwina’y may agam-agam a. usap-usapan
b. tsismis c. pag-aalinlangan d. katotohanan

16
Para sa bilang 25-26. Sa iyong palagay, anong damdamin ang masasalamin sa bawat pahayag?
25. Pasensya na, pero ayokong makisali sa gawaing masama.
a. Nagpapapahayag ng pagsang-ayon c. Nagpapahayag ng katotohanan
b. Nagpapahayag ng pagtanggi d. Nagpapahayag ng kalungkutan
26. Bakit natalo ni Ogor si Lamberto gayong mas malaki ito sa kanya?
a. Nagpapahayag ng pagtataka c. Nagpapahayag ng opinyon
b. Nagpapahayag ng pagkatakot d. Nagpapahayag ng pagkainis
Para sa bilang 27-28. Piliin ang angkop na damdamin/emosyon upang mabuo ang ipinapahayag na damdamin ng mga sumusunod
na pangungusap.
27. Ang galing-galing niya talaga. a.pagkayamot b. paghanga c. pagtawa d. pagmamayabang
28. Hoy! Ikaw pala iyan ah! a.pagkagulat b. pagkainis c. pagpupunyagi d. pagdiriwang
29. Anong uri ng tunggalian ang nagpapakita ng dalawang magkasalungat na hangad o pananaw ng iisang tao.
a. tunggalian laban sa tao c. tunggalian laban sa kalikasan
b. tunggalian laban sa lipunan d. tunggalian laban sa sarili
30. Suriin ang pangungusap at ibigay ang iyong interpretasyon sa mga salitang may salungguhit. Sa oras na iyon ay mataas na at mainit
na ang araw.
a. malapit nang gumabi c. madaling-araw na
b. nasa katanghalian na d. masakit ang sikat ng araw
31. Ang totoo’y nagalit na siya nang makita niya ang ipinapagod ni Maya sa rehearsals. Hanggang sa huling praktis kahapon, hanggang
sa mag-umpisa na ang programa kanina ay gusto na niyang i-withdraw sa contest ang anak…gusto na niyang umuwi! May lagnat na ito
kahapon, 38.2. Nag-aalala siya na tumaas pa iyon.
Anong uri ng tunggalian ang ipinapahayag ng tekstong ito?
a. tunggalian laban sa kalikasan c. tunggalian laban sa lipunan
b. tunggalian laban sa sarili d. tunggalian laban sa tao
32. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pahayag na nagbibigay ng opinyon.
a. Saglit na huminto sa pagmamartsa si Maya, itinaas ang baba, nameywang, at ngumiti ng maluwang.
b. Dumadarag na lumayo si Ojie at nakadaan papunta kay Ding.
c. Para kay Lea, maruming tingnan ang isang batang nakamake-up at lipstick.
d. Hanggang sa oras na ito, walang nakakaalam kung sinu-sino ang mag-uuwi ng medalya.
33.. Naniniwala ka bang ang tunay na pag-ibig ay hubad at mahinhin?
a. Hindi, sapagkat hindi lahat ng pag-ibig ay ipinapakita ng direkta.
b. Oo, sapagkat kung ikaw ay umiibig nakakalimutan mo ang lahat.
c. Hindi, sapagkat hindi nagsasakripisyo ang pag-ibig.
d. Oo, sapagkat ikaw ay nagmamahal ng walang hinihintay na kapalit.
34. Anong pang-ugnay ang tamang bubuo sa mga nasabing pangungusap?
a. Siya’y matalino sa wakas marami siyang kaibigan.
b. Magaling siyang mag-aaral saka laging lumiliban sa klase.
c. Matagumpay si Jona sa kanyang ginagawa dahil sa kanyang pagsusumikap.
d. Pangarap niyang umasenso kaya siya’y yumaman.
35. Sa pahayag na “Habang naglalaba ang nanay ay nagluluto naman ng tanghalian si ate.” Anong pang- ugnay ang maaari nating
gamitin sa pahayag na hindi nababago ang diwa nito?
a. dahil b. subalit c. samantala d. anupa’t
36. Sabay-sabay na pumunta ng simbahan ang mag-anak tuwing Linggo. Anong kulturang Pilipino ang nais
ipabatid ng pahayag?
a. Pinapahalagahan ng mag-anak ang araw ng Linggo.
b. Tuwing araw ng Linggo ay nagkakaisa ang mga Pilipino.
c. Makikita ang pagiging maka-Diyos ng mga Pilipino.
d. Pinapahalagahan ng mga Pilipino ang kanilang pamilya.
37. Anong salita ang maaaring gamitin upang mabuo ang ekspresyon sa pagpapahayag ng katotohanan na dapat sang-ayunan? _____
talagang nakakaitim ng balat ang sobrang pagbibilad sa araw.
a. para b. talaga c. tunay d. medyo
38. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagsasad ng katotohanan?
a. Sa pagsusuri ng mga datos, pinakamaliit na bahagdan ng trabaho ng OFW sa ibang bansa ang may kinalaman sa Social
Interest.
b. Tingin ko hindi ganoon kahusay ang mga OFW na propesyonal sa ibang bansa kaya maliit lamang ang
bahagdan o trabahong ito.
c. Sa palagay ko, taon-taon ay maraming OFW ang pumupunta sa Japan.
d. Ayon sa datos na nakalap, maraming OFW ang matatagpuan sa bansang Saudi.
39. Sa dulang Tiyo Simon, kung hinayaan ng ina ni Boy ang desisyon ng anak na hindi magsimba, ano sa palagay
mo ang iisipin ni Boy?
a. madaling dayain ang kanyang ina c. hindi importante sa buhay ng tao ang pagsisimba
b. walang paninindigan ang kanyang ina d. pwede kang magsimba kung kalian mo gugustuhin
40. Dumalaga na ang aming mga alagang manok. Mula sa ibinigay na pangungusap, ano ang salitang-ugat ng
dumalaga?
a. daga b. dalaga c. dala d. aga
17

You might also like