Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

3

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 7:
Sining Mo, Pahalagahan Mo:
Mga Sining ng Lalawigan
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Sining Mo, Pahalagahan Mo: Mga Sining ng Lalawigan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Ronel Al K. Firmo PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Gindra M. Mangubat
Tagasuri ng Nialalaman: Eva Fe F. Taclibon PhD
Tagasuri ng Wika: John A. Ocampo PhD
Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat: Jay Ahr E. Sison
Tagasuri sa ADM: John Paul C. Paje
Patnugot: Bobby P. Caoagdan EdD, Lamberto F. Gamurot PhD
Tagasuri: Bobby P. Caoagdan EdD, Lamberto F. Gamurot PhD,
Allan T. Manalo PhD
Tagaguhit: Diana V. Facun
Tagalapat: Alvin E. Espejo

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V


Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Helen R. Bose PhD
Paulino D. De Pano PhD
Bobby P. Caoagdan EdD
Lamberto F. Gamurot PhD
Allan T. Manalo PhD

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon–Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
3
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 7:
Sining Mo, Pahalagahan Mo:
Mga Sining ng Lalawigan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa
tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila
upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa


Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat


ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong
mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang


SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan.
Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating


mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-
aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Sa nakaraang aralin, natalakay na ang sining tulad ng tula,


awit, at sayaw ang may pinakamataas na antas ng pakikipag-
ugnayan. Sa mundo na ating ginagalawan, maraming
pagpapaliwanag tungkol sa sining, may kani-kaniyang
pagkaunawa at nadarama tungkol dito.
Sa araling ito, kikilalanin ang mga uri ng sining na
nagpapakilala sa ating lalawigan at maging sa ating rehiyon.
Alamin natin ang iba pang mga tula, sayaw at awiting
nagpapatanyag sa ating lalawigan.
Tatalakayin din natin ang mga paraan ng pagpapahalaga
sa pamamagitan ng pakikilahok at pagsusulong sa mga gawang
sining ng kinabibilangang lalawigan.
Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:
1. nakapagsasabi ng ilang sining mula sa iba’t ibang
lalawigan tulad ng tula, awit at sayaw;
2. nakapaglalahad ng mga paraan upang mapahalagahan
at maisulong ang pag-unlad ng sining mula sa iba’t ibang
lalawigan; at
3. napahahalagahan ang mga angking sining ng lalawigan at
rehiyon.

1
Mga Tala para sa Guro
Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa sining ng
mga lalawigan sa kinabibilangang rehiyon. Mainam na
gabayan ang mga mag-aaral sa pagtalakay ng aralin sa
pamamagitan ng paggamit ng modyul na ito.
Maaaring ipaliwanag sa mga magulang kung paano
matutulungan ang kanilang mga anak sa paggamit ng
modyul na ito.

Subukin

Panuto: Pagtambalin ang uri ng sining sa Hanay A at lalawigan


kung saan ito nakilala sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.
Hanay A Hanay B
_____1. Senakulo a. Zambales
_____2. Awiting “Ang Huni ng Ibong Pipit” b. Aurora
_____3. Painting Festival c. Pampanga
_____4. Awiting “Buhay ng Mandaragat” d. Tarlac
_____5. Sayaw na “Habanera Botoleña” e. Bataan
f. Nueva Ecija
Kung nasagutan mo lahat nang tama ang pagsusulit na ito,
binabati kita. Napakahusay mo!
Halika! Lalo nating palawakin ang iyong kaalaman sa
tulong ng mababasa mong mga aralin.

2
Aralin
Sining Mo, Pahalagahan Mo:
1 Mga Sining ng Lalawigan
Sa araling ito, iyong pag-aaralan ang ilang sining mula sa
iba’t ibang lalawigan sa Gitnang Luzon tulad ng tula, awit, sayaw
at pagdiriwang.
Tatalakayin din dito ang mga paraan upang
mapahalagahan at maisulong ang pag-unlad ng sining mula sa
iba’t ibang lalawigan.
Handa ka na ba? Tara na at tuklasin ang mga
ipinagmamalaking sining ng iyong rehiyon!

Balikan

Sa nakaraang aralin ay iyong natutuhan ang


pagpapahalaga sa iba’t ibang pangkat ng mga tao sa
lalawigan. Paano mo ito maipapakita?
Panuto: Lagyan ng ☺ kung tama ang gawi at  kung
hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____1. Tinatangkilik ang mga produktong gawa ng mga
katutubong pangkat.
_____2. Pinagtatawanan ang mga katutubo dahil sa suot nilang
katutubong kasuotan.
_____3. Namimili ng batang maaaring kaibiganin sa paaralan.
_____4. Iniiwasan ang kaklaseng naiiba ang itsura
tuwing naglalaro.
_____5. Nakikihalubilo sa lahat ng kaklase sa mga gawain
sa paaralan.

3
Tuklasin

Henry, kabisado mo pa ba
ang awiting Bahay Kubo?
Pinag-aralan natin ito
noong tayo ay nasa una
at ikalawang baitang.

Oo nman, Vera. Halika,


sabay nating awitin ito.

BAHAY KUBO

Bahay kubo, kahit munti


Ang halaman doon ay sari-sari
Singkamas at talong, sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani
Kundol, patola, upo’t kalabasa
At saka mayroon pang labanos, mustasa
Sibuyas, kamatis, bawang at luya
Sa paligid-ligid ay puno ng linga

Ang Bahay Kubo ay isang tradisyonal na katutubong


awiting Pilipino. Ito ay nagpasalin-salin na sa mga henerasyon
dahil karaniwan itong itinuturo sa mga tahanan at sa mga
paaralan.
Ang bawat lalawigan sa ating rehiyon ay may kaniya-
kaniyang gawang sining na ipinagmamalaki. Ito ay maaaring
sayaw, awit o mga tula na sadyang likha ng lalawigan o rehiyon.
At upang ito ay higit na mapaunlad at makilala rin ng ibang
lugar, marapat lamang na tangkilikin, palaganapin at
pahalagahan.

4
Suriin

Ang mga tao sa lalawigan ng Bulacan ay bihasa sa


paggamit ng purong wikang Tagalog. Ang bantog na
Balagtasan na isang uri ng debate ay tagisan ng talino sa isang
paksa sa paraan na patula. Halimbawa ng paksa: “Alin ang
mahalaga, Karunungan o Kayamanan?” Ang paksa ng
Balagtasan ay maaaring nakasentro sa pagpapahalaga sa
kultura. Kadalasan ang Balagtasan ay masasaksihan sa mga
palabas sa mga tanghalan tuwing may pagdiriwang sa mga
bayan at sa paaralan.
Ang Rehiyong III ay may iba’t ibang mga katutubong awit
at sayaw na itinatanghal sa mga pagdiriwang ng kapistahan at
sa mga paaralan na nagmula sa iba’t ibang lalawigan gaya ng
Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at
Zambales. Ang mga sayaw na ito ay naaayon sa pagnananis na
mapanatili upang patuloy na maitanghal sa mga paaralan at sa
komunidad kung may mga pagdiriwang.

5
La Jota Moncadeña
Ang halimbawa ng mga sayaw ay ang La Jota
Moncadeña at Basulto ng Tarlac. Nakilala din ang Zambales sa
mga sayaw na Habanera Botoleña at Habanera de Soltera.
Marami pang mga sayaw ang natanyag sa Rehiyon III gaya ng
Culebra, Himig sa Nayon at Sayaw Panasahan.
Sa kabilang banda, marami ring mga pagdiriwang ang
napapalooban ng mga makukulay na sining sa rehiyon.

Ang Senakulo ay tradisyonal na pagsasadula ng mga


pangyayari hinggil sa mga dinanas ni Hesukristo bago at
pagkaraang ipako Siya sa krus. Hango ang nasabing tradisyon sa
Bibliya at iba pang tekstong apokripa. Kadalasang ginaganap
ito sa lansangan o kaya’y sa bakuran ng simbahan. Sa

6
katunayan, ang lalawigan ng Pampanga ay nagsasagawa ng
pagpapalabas ng senakulo taon-taon bilang bahagi ng kanilang
pagdiriwang ng Mahal na Araw at paggunita sa buhay ng
Poong Hesukristo.

Painting Festival ng Tarlac


Pinaunlad sa lalawigan ng Tarlac ang tinatawag na
Painting Festival na naglalarawan ng iba’t ibang anyo ng
kasaysayan ng kapaligiran.

Ang pagguhit ng larawan ay isang paraan upang


maipabatid ang ibig ipakahulugan ng alagad ng sining hindi
lamang sa pamamagitan ng salita.
Ang paligsahan sa pagguhit ay nilalahukan ng mga mag-
aaral na naging atraksyon sa mamamayan at ilang dumarayong
mga turista.
Maliban sa awiting Atin Cu Pung Singsing ng Pampanga,
nakilala naman ang awiting Buhay ng Mandaragat ng Aurora at

7
Ang Huni ng Ibong Pipit ng Bataan. Ang awiting bayan naman
na sumikat mula sa Lupao, Nueva Ecija ay may pamagat na
Ilocana.
Narito ang iba pang awiting bayan ng mga lalawigan ng
Rehiyon III.

Awiting Bayan ng Aurora:


Buhay ng Mandaragat
Mahirap mabuhay tulad ng isang mandaragat
Maghapong nasa dagat kinakalaban ay habagat
Lalo na’t amihan at mainit pa ang araw
Halos mabali ang baywang sa lakas ng pananagwan

Kundiman ng Bulacan:
Sa Dilim Ng Gabi
Sa dilim ng gabi, mapanglaw ang buhay
Tinatawagan ka irog ikaw ba’y nasaan?
Sadian? Nasaan ka irog? Nasaan ka buhay ko
At natitiis mo sa gitna ng lagim
Manong maawa ka sa nahihirapan
At mamamatay na hirang ikaw ang dahilan

Awiting Bayan ng Bataan:


Ang Huni ng Ibong Pipit
Ang huni ng ibong pipit sa itaas ng kalumbibit
Pag daw ang dalaga’y masungit
bagong tao’y nabubwisit
Ang huni ng bato-bato sa itaas ng mabolo
Pag daw ang dalaga’y mabango
bagong tao’y naglululukso
Ang huni ng ibong kulyawan sa itaas ng kawayan
Pag daw ang dalaga’y mainam
bagong tao’y nagsasasayaw

8
Ay langit
Ay buhay na sayo ay paalam
O minumutya kong sinta
Kapilas man din ng langit
Mata’y ititig sa aking pag-alis
H’wag mo sanang pabayaan
Ang pag-alis ko’t pagpanaw
Manong ‘sang sulyap lamang
Ako’y iyong bahaginan

Ay langit
Ay buhay na sa’yo ay paalam

Awiting Bayan ng Zambales:


Hay Ka-Ilangan Nin Mitata-Anak
Hay ka-ilangan nin mitata-anak
Bali ya maganda
Ginawa ni tatay
Pinalibutan, alal kawayan
Tinam-nan masitas, tinam-nan et golay

No mahilem hana, anti na hi tatay


Ampanandale ibat ha paliyan
Hiko boy hi kaka, ibat nag-aaral
Homakbat hi nanay, bibi na hi totoy.

Awiting Bayan ng Lupao, Nueva Ecija:


Ilocana
Awan ngatan ti babae a naiduma
Kinagaget, kinasingpet ken kina emma
Awan ngatan nadaldalus panag puspuso na
No saan a ni Ilocana a daydayawen da

9
Ta Ilocana ti natarnaw a pagsarmingan
Dagiti isu amin a babae ditoy pagilian
Ta naimbag a galad ti inda sinalimetmetan
Tarnaw urna a u-ong ala ket ti inda nagtuladan

Awiting bayan ng Pampanga:


Atin Cu Pung Singsing
Atin cu pung singsing
Metung yang timpucan
amana que iti
Quing indung ibatan
Sangcan queng sininup
Quing metung a caban
Me wala ya iti
E cu camalayan
Ing sucal ning lub cu
Susucdul quing banua
Mi curus cung gamat
Babo ning lamesa
Ninu mang manaquit
Quing singsing cung mana
Calulung pusu cu
Manginu ya kaya.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa


sagutang papel ang iyong sagot.
1. Paano ipinakikita ng taga lalawigan sa Rehiyon III ang
kanilang sining? Saan ito nagmula? Ano ang layunin nito?
2. Sa palagay mo, paano ipinakikilala ng inyong lalawigan
ang mga tradisyong sining na nabanggit?
3. Dapat ba nating pahalagahan ang mga sining na ito ng
sariling lalawigan? Bakit?
4. Bilang isang mag-aaral sa Ikatlong Baitang, may
magagawa ka na ba upang mapaunlad ang mga sining
na ito? Ipaliwanag ang iyong sagot.

10
Pagyamanin

A. Panuto: Punan ang loob ng concept map ng mga uri ng


sining na kilala sa Rehiyon III. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

hal.
Sayaw

Mga Sining
ng
Lalawigan

B. Panuto: Hanapin mula sa loob ng kahon ang mga letra ng


salitang inilalarawan ng bawat bilang. Isulat ang tamang
sagot sa sagutang papel.
1. Isang uri ng sayaw na nakilala sa lalawigan ng Tarlac.
2. Ang wikang ginagamit sa Balagtasan.
3. Ang awiting bayan ng Lupao, Nueva Ecija.
4. Sa lalawigan ng Zambales nakilala ang uri ng sayaw
na ito.
5. Dito inihango ang tradisyonal na Senakulo.

11
H A B A N E R A Q N
S P Y A L P A N A S
T C K L E G M O F I
A A D P L I J N G L
G A S B A S U L T O
A M D U N A M N S C
L A Y U A R N T I A
O N Y F H S D I V N
G A M Z Y M R N T A
N B I B L I Y A O Y

C. Panuto: Basahin ang mga pares ng salita. Isulat ang √ kung


ang halimbawa ng awiting bayan at sayaw ay nasa tamang
lalawigan at X naman kung hindi. Gawin ito sa sagutang
papel.
1. Hay Ka-Ilangan Nin Mitata-Anak - Zambales
2. Atin Cu Pung Singsing - Pampanga
3. La Jota Moncadeña - Aurora
5. Sa Dilim ng Gabi – Bulacan
6. Ang Huni ng Ibong Pipit- Tarlac

D. Panuto: Punan ang bawat hanay ng tsart sa ibaba ng mga uri


at halimbawa ng sining na natanyag sa mga lalawigan ng
Rehiyon III. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Lalawigan Uri ng Sining Halimbawa ng Sining
Hal. Pampanga Palabas Senakulo
1. Nueva Ecija _______________ Ilocana
2. Tarlac _______________ La Jota Moncadeña
3. Bulacan Pagtatanghal ____________________
4. Aurora Awit ____________________
5. Bataan _______________ Ang Huni ng Ibong Pipit

12
E. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang T kung tama ang
isinasaad ng pangungusap at M naman kung mali.
____1. Pag-aaral ng sining ng sariling lalawigan at rehiyon.
____2. Pagtangkilik at panonood ng banyagang palabas.
____3. Pagsayaw at pag-awit ng mga katutubong himig.
____4. Pagmamahal at pagpapahalaga sa sariling sining.
____5. Pagbibigay ng donasyon para sa pangangalaga sa
mga likhang sining na pinamana ng ating mga ninuno.

F. Basahin ang usapan ng magkaibigang Kyla at Gian tungkol sa


plano ng kanilang pamilya sa susunod na bakasyon.
Narito ang kanilang usapan.

Nakabili ang ate ko Anong balak


ng tiket para sa ninyong gawin
concert ng BTS sa ngayong bakasyon?
Maynila.

Ang tagal naming Plano naman


inabangan ang ng aming
pagdating ng mga pamilya na
Korean artists na pumunta ng
iyan. Kaya kahit Pampanga
mahal ang tiket, para manood
pinag-ipunan talaga ng Senakulo sa
namin. Mahal na Araw.

Panuto: Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa


ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Sino sa dalawang magkaibigan ang nagpapakita ng
pagpapahalaga sa sining ng kanyang sariling lalawigan o
rehiyon?
__________________________________________________________
2. Ano ang iyong saloobin tungkol dito?
__________________________________________________________

13
G. Panuto: Sumulat ng limang paraan kung paano mo
maipapakita ang pagpapahalaga sa sining ng iyong sariling
lalawigan o rehiyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. _____________________________________________________
2. _____________________________________________________
3. _____________________________________________________
4. _____________________________________________________
5. _____________________________________________________

H. Panuto: Anong halimbawa ng sining ang ipinapakita sa mga


sumusunod na larawan? Isulat ang sagot at ilarawan ito sa
iyong sagutang papel.

1. __________________________ 2. __________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________

3. __________________________
____________________________
____________________________

Mahusay! Ipagpatuloy mo ang pagsagot sa iba pang


gawain sa modyul na ito.

14
Isaisip

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap.


Piliin ang wastong salita o mga salita mula sa pagpipilian na
nakalagay sa loob ng kahon upang mabuo ang pangungusap.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

- Painting Festival - Senakulo


- Atin Cu Pung Singsing - Habanera Botoleña
- Sa Dilim ng Gabi - Balagtasan

1. Ang ___________________ ay taon-taong ipinapalabas sa


Pampanga bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang ng
Mahal na Araw at paggunita sa buhay ng Poong Hesukristo.
2. _______________________ ang pamagat ng isang kundiman
ng Bulacan.
3. Bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang, sinasayaw ng mga
taga Zambales ang _______________________.
4. Ang _______________________ ay isang uri ng debate sa isang
paksa sa paraang patula.
5. Ito ay isang paligsahan ng pagguhit na pinaunlad ng
lalawigan ng Tarlac. Tinatawag nila itong
__________________.
Magaling! Maaari mo nang ituloy ang mga sumusunod na
gawain.

15
Isagawa

A. Panuto: Lumikha ng sarili mong awitin, tula, sayaw, pinta o iba


pang likhang-sining na maaari mong ibahagi sa iyong pamilya
ngayong panahon ng pandemya.

B. Panuto: Gumawa ng isang islogan o poster na


nagpapahayag ng pagpapahalaga sa sining ng iyong
lalawigan o rehiyon. Gawin ito sa isang buong bond paper.
(Mamarkahan ng guro ang awtput gamit ang rubriks o pamantayan na
makikita sa ibaba.)

Rubriks sa Paggawa ng Likhang Sining


Mahusay na
Mahusay Hindi Mahusay
Batayan mahusay
(4-3 puntos) (2-1 puntos)
(5 puntos)
Pagkamalikhain Nakagawa ng Nakagagawa Hindi naipakita
isang likhang- ng isang ang
sining sa likhang-sining sa pagkamalik-
pinakamalik- malikhaing hain sa
haing paraan paraan paggawa ng
likhang-sining
Kalinisan at Malinis at Malinis ngunit Hindi malinis at
kaayusan maayos ang hindi gaanong walang
ginawang maayos ang kaayusan ang
likhang-sining pagkagawa ng ginawang
likhang-sining likhang-sining
Interpretasyon Naipaliwanag Naipaliwanag Hindi
sa pinakamali- sa maayos na naipaliwanag
naw at paraan ang nang malinaw
pinakamaayos ginawang at maayos ang
na paraan ang likhang-sining ginawang
ginawang likhang-sining
likhang-sining
Nasiyahan ka ba sa paggawa ng mga gawaing ito? Halika,
may mga sumusunod pang gawain para sa iyo.

16
Tayahin

A. Panuto: Itala sa loob ng tsart ang mga halimbawa ng sining


na nakilala sa bawat lalawigan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
Uri ng Sining
Lalawigan Pinta/ Pagtatanghal
Sayaw Awit Tula
Pagguhit o Palabas
1.

2.

3.

4.

5.

B. Panuto: Sa paanong paraan mo maipakikita ang


pagpapahalaga sa sining ng iyong lalawigan o rehiyon? Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
Maipapakita ko ang pagpapahalaga sa sining ng aking
lalawigan sa pamamagitan ng ____________________________
__________________________________________________________.
Ikaw ay kapuri-puri! Naintindihan mo ang iyong aralin sa
modyul na ito.

17
Karagdagang Gawain

Panuto: Pumili at magsaliksik ng isang sikat na awitin, tula, sayaw


o iba pang likhang sining ng iyong lalawigan o rehiyon. Maaaring
magtanong sa mga magulang o iba pang nakatatanda tungkol
dito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Mga gabay na tanong sa pagsasaliksik.
1. Anong likhang-sining ang iyong napili?
2. Saang lalawigan ito nakilala?
3. Paano ipinakikilala ng lalawigan ang kanilang
likhang- sining?
4. Sa paanong paraan ipinakikita ng lalawigan ang
pagpapahalaga sa kanilang likhang-sining?
5. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong magagawa upang
maisulong ang pag-unlad ng likhang-sining sa iyong
lalawigan o rehiyon?

Binabati kita! Kahanga-hanga ang iyong ipinakitang talino.


Handang-handa ka na sa mga susunod na aralin at pagkatuto.

18
19
Subukin Pagyamanin H.
1. C A. 1. sayaw Sagot Paglalarawan
2. E 2. awit 1. Senakulo ang tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil
3. D 3. tula sa mga dinanas ni Hesukristo bago at pagkaraang ipako Siya
sa krus
4. B 4. pinta
2. Painting Festival paligsahan sa pagguhit na pinaunlad ng lalawigan ng Tarlac
5. A 5. palabas o
pagtatanghal 3. Balagtasan isang uri ng debate ay tagisan ng talino sa isang paksa sa
6. (iba pang uri ng paraan na patula
sining) (at iba pang mga posibleng sagot sa paglalarawan)
B. Isaisip
1. Senakulo
2. Sa Dilim ng Gabi
3. Habanera Botoleña
4. Balagtasan
5. Painting Festival
Isagawa
A. magkakaiba ang sagot
B. magkakaiba ang sagot
Tayahin
A.
C. 1. √ D. 1. Awit
2. √ 2. Sayaw
3. x 3. Balagtasan
4. √ 4. Buhay ng Mandaragat
5. x 5. Awit
E. 1. T F.
2. M - Si Gino
3. T - Magkakaiba ang sagot.
4. T
5. T
G. (Mga posibleng sagot)
- Pag-aaral ng sining ng sariling lalawigan
at rehiyon.
B. Magkakaiba ang sagot
- Pagtangkilik sa mga local na sayaw
at awitin Karagdagang Gawain
- Pagtuturo sa mga bata o susunod na - Magkakaiba ang sagot
henerasyon ng mga sining ng lalawigan
o rehiyon
- Pagmamahal at pagpapahalaga sa
sariling sining.
- Pagtulong o pagbibigay ng donasyon
para sa pangangalaga sa mga likhang
sining na pinamana ng ating
mga ninuno.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Austria, Ma. Rosalie S, Jeaneth B Doyog, Mary Abigail R Bautista,
Diosdado S Mateo, Jose R Galang, Teodora J Mendoza,
Angelique A Romero, Mary Jane N De Vera, Grace E
Almera, and Alma A Lingat. 2019. Araling Panlipunan:
Kagamitan ng Mag-aaral Rehiyon III Central Luzon. 2019.
San Fernando, Pampanga: Department of Education-
Bureau of Learning Resources.
Bureau of Curriculum Development;. 2020. "Most Essential
Learning Competencies." Most Essential Learning
Competencies. Pasig City: Department of Education, June
3.
Copiaco, H. and Jacinto Jr., E., 2016. Halinang Umawit At
Gumuhit. Quezon City: Vibal Group, Inc., p.90.

Department of Education Regional Office III;2020. Compendium


of Region III Folk Songs
https://www.youtube.com/watch?v=4MFYSoz2UyQ&list=PLc
ClRT23fMt574f7JbDB5TYK3LD1Bi-wY

Tl.wikipedia.org. 2020. Bahay Kubo (Katutubong Awit). [online]


Available at:
<https://tl.wikipedia.org/wiki/Bahay_Kubo_(katutubong_awit
)> [Accessed 10 August 2020].

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education–Region III – Learning Resources


Management Section (DepEd Region III – LRMS)

Diosdado Macapagal Government Center,


Maimpis, City of San Fernando (P)

21

You might also like