Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

CAREGIVER

A. PAMAGAT
CAREGIVER

B. PAKSA, NILALAMAN, TEMA


Ang pelikulang ito ay nagbigay-diin sa pakikipagsapalaran ng ating mga
kababayan upang mabigyan ng magandang buhay o magandang buhay ang
kanilang pamilya. Ito ay patungkol sa mga OFWs o Oversees Filipino Workers na
nagtitits sa mga hirap na nararanasan nila sa kanilang mga amo sa ibang bansa
para sa ikabubuti o kapakanan ng kani-kanilang pamilya.
Nais ipahayag ng pelikula na ang isang caregiver ay hindi madaling
trabaho dahil malayo ka sa pamilya mo. Sa halip na anak mo at mga magulang mo
ang iyong inaalagaan ay hindi, kundi ibang tao. Pero kailangan mong
magsakripisyo para sa magandang buhay at kinabukasan ng iyong pamilya.
Natalakay rin sa pelikulang ito ang mga katangian ng isang tunay na
Pilipino gaya ng buong pusong pagbibigay serbisyo, pagtulong sa abot ng
makakaya, paggalang sa kapwa at higit sa lahat ang pagkapit sa tamang
paniniwala o ang pagsulong sa tamang prinsipyo.
C. ELEMENTO
c1. TAUHAN
Pangalan ng Paglalarawan
Karakter
Sarah Gonzales Isang guro sa Pilipinas na nakipagsapalaran sa pagiging isang
caregiver sa London. Masunuring asawa at mayroon isang anak.
Teddy Gonzales Asawa ni Sarah na nagtatrabaho bilang nurse aid sa London.
Mataas ang pride at puno ng mga bisyo at makasarili.
Paulo Gonzales Ang nagiisang anak ni Sarah na naiwan sa Pilipinas.
Sean Batang nagnakaw ng pagkain, may katigasan ang ulo at mahilig sa
basag ulo ngunit di kalaunan ay ito ang naging dahilan upang
maibsan ang pangungulila ni Sarah sa kanyang anak.
Julia Nakababatang kapatid ni Sarah sa Pilipinas na tumutulong
magalaga ng kanilang matandang Ina at tiyahin ni Paulo.
Betty Isang ina ni Alvin at tiyahin ni Paulo sa Pilipinas na bungangera.
Mr. Morgan Isang matandang mayaman na inalagaan ni Sarah, napakasungit sa
umpisa ngunit napalambot ni Sarah ang pusong nalulumbay kaya
hindi nagtagal ay nagging magkaibigan ang dalawa.
David Morgan Ang anak ni Mr. Morgan na siyang nakipagusap kay Sarah para
alagaan ang kanyang Ama.
Alvin Pinsan ni Paulo na laging kasabay tuwing uuwi ng bahay.
Karen Isang kaibigan at katrabaho ni Sarah sa London na siyang naging
susi at nagrekomenda kay Sarah para makapagtrabaho bilang isang
caregiver.
Joseph Isang dating doktor sa Pilipinas na naging nurse sa London. Ang
kaniyang asawa ay si Karen na kaibigan ni Sarah.
Lola Ang inaalagan na lola ni Sarah.

c2. TAGPUAN
London, United Kingdom
c3. Simula
Si Sarah ay isang mahusay na guro sa Pilipinas. Kasabay ng kanyang
pagtuturo ay ang pag-aaral ng caregiver. Dahil isa siya sa pinakamahusay na guro
ay mapopromote sana siya bilang English head teacher sa kanilang departamento,
ngunit siya ay nagdesisyon na sundan ang asawang si Teddy sa London.
c4. Tunggalian
Hindi matanggap ni Paolo na siya ay iiwan ng ina kaya siya ay nagrebelde
at umalis sa kanilang bahay.Pinaliwanagan siya ng ina at kung bakit siya iiwan
nito.Nagkaroon sila ng masinsinang pag-uusap at nagkasundo na.
c5. Suliranin
Nang namatay ang alaga ni Sarah na si Mr. Morgan ay naisipan niyang
umuwi na sa Pilipinas kasama si Teddy. Pero pinili niyang maiwan sa London
dahil wala siyang mukhang maihaharap sa anak na si Paolo pag umuwi sa
Pilipinas.
c6. Kasukdula
Nawalan ng trabaho si Teddy. Mainitin ang ulo ng kanyang bagong alaga
na halos maubos na ang kanyang pasensya. Lihim siyang umalis kay Mr. Morgan
na ikinasama ng loob nito. Nagdesisyon siyang maiwan sa London at hindi
sumama kay Teddy dahil wala siyang mukhang ihaharap sa kanyang anak.
c7. Wakas
Mula sa nakasanayang pagsunod sa bawat kagustuhan ng kanyang asawa
ay nabago ni Sarah ang takbo ng kanyang buhay. Malaya siyang nakapagpasya
para sa alam niyang mas makabubuti sa buhay niya. Si Teddy naman, mula sa
nasimulang determinasyon na gumanda ang buhay ay napagdesisyonan na
sumuko na sa trabahong sa tingin niya ay hindi naman karapat-dapat sa kanya.
Natupad ang minimithi ni Sarah. Nakuha niya ang anak na si Paolo at nadala sa
London. Naging masaya at makabuluhan ang buhay niya kasama ang kanyang
anak
D. Simbolismo

Jacket- Ipinakita nito ang pagmamahal ni Sarah sa kanyang anak at ang


pangako niya na magsasama silang muli.

Kite o Saranggola- Ipinakita nito ang muling pagsigla sa buhay ng mga


malulungkot na inaalagaan ni Sarah.
E. Diyalogo

Diyalogo 1.

Sarah: Pao anak, wag kang magtatampo sakin ha?


Huwag kang magagalit ha?
Tsaka huwag sasama ang loob mo sa akin dahil iniwan kita anak.
Paolo: Opo
Sarah: Pangako…
Paolo: Opo

Diyalogo 2.

Mr. Morgan: You care for people to life.


You give them what we lost to life. Dignity, hope, enjoy and
even fun.
So, Sarah Gonzales, Thank you. Job well done. It’s so nice to
see
you.
Sarah: You too, Sir. Lovely to see you.

F. Teoryang Pampanitikan
Ang akda ay pelikula, kilala din bilang isang sine at pinilakang tabing. Ito ay
isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng
sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.
G. Bisang Pampanitikan

g1. Bisang Pangkaisipan


Ipinakikilala ng Caregiver ang napakaraming sakripisyong pinagdaraanan,
gaya ng pakikipagsapalaran sa ibang bansa kapalit ng pangakong higit na
magandang buhay. Pero hindi lahat ng nangingibang-bayan ay nagiging
matagumpay. Hindi lahat ng pangarap ay natutupad at nasasagot ng pag-aabroad.
Sa katunayan, ang problema ay hindi nag-uugat sa pera, kundi sa kaibuturan ng
pagkatao na nananatili saan mang lugar mapunta, kumita man ng malaking
halaga.
g2. Bisang Pandamdamin
Nalungkot Si Sarah nang namatay ang kanyang inaalagan sa London dahil
napamahal na siya rito. Maiiyak ka rin sa awa sa isang ina na iniwan ang kanyang
anak upang magtrabaho sa ibang bansa para mabigyan ng magandang buhay ang
kanyang pamilya.

g3. Bisang Pangkaasalan


Kapuri-puri ang katauhan ni Sarah na naging matapang sa gitna ng
maraming pagsubok. Naging masunurin sa asawa si Sarah hanggang sa namulat
sa katotohanan na may sarili siyang pag-iisip na dapat ding igalang. Isa rin
Siyang mapagmahal na ina na pinagsumikapang ipaliwanag at ipadama sa anak
ang kahalagahan ng pagtitiis at pagtupad sa pangako.

H. Implikasyon sa Lipunan

Marami sa ating mga kababayan na mga walang trabaho dito sa ating


lugar ang nag –aabroad para kumita ng malaki. Naniniwala sila na kapag nag-
abroad ay giginhawa ang buhay ng kanilang pamilya at maaahon sila sa hirap.
Ito ang katotohanang nangyayari sa ating lipunan. Marami ang umaasenso
galing abroad kaya nagagaya ang iba. Pero hindi lahat ng pumupunta sa ibang
bansa ay sinuswerte. Marami rin ang umuuwing hirap pa rin sa buhay at ang iba
naman ay napapahamak. Kanya kanya tayo ng kapalaran sa buhay.

You might also like