Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MAHAL NA BIRHENG MARIANG INA NG SAMBAYANAN

Pambungad: Mga Gawa 1, 14 Ngayong ay kaisa natin


mga alagad na giliw matyagang
dumadalangin. Mahal na Birhe’y
kapiling sa pagdalanging taimtim.

PANALANGING PAMBUNGAD
Ama naming makapangyarihan, ikaw ang nadudulot ng tanang pagdamay
at kasiyahan. Ang Anak mong nakabayubay noon sa krus na banal ay
nagbigay ng kanyang Ina upang maging Ina naming tanan. Ipagkaloob mo
pakundangan sa inang mapagmahal na ang iyong Sambayanan ay magalak
araw araw sa ibayong kabanalang kinakamit ng mga kaanib mong
isinilang upang sa kandungan nito ay maakit ang sangkatauhan sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Ama naming Lumikha, tanggapin mo an gaming alay na nasa dambana at


gawin mong maging paghahain ng katubusang dakila upang sa pagibig ni
Mariang Birheng Ina ng Sambayanan kami ay maalab na makapamuhay at
sa pakikipagisa sa pagtubos sa tanan kami ay sa kanya makipagtulungan
sa pamamagitan ni Hesukristo ksama ng Espiritu Santo magapasawalang
hanggan.

PAGBUBUNYI O PREPASYO
SI MARIA AY LARAWAN AT INA NG SAMBAYANAN

Pari: Sumainyo ang Panginoon


Bayan : At sumaiyo rin
Pari: Itaas sa Diyos ang iyong puso at diwa.
Bayan: Itinaas na naming sa Panginoon.

Pari: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


Bayan: Marapat na sya ay pasalamatan.

Ama naming makapangyarihan tunay ngang marapat na ikaw ay


aming pasalamatan ngayong pinararangalan naming ang Mahal na Birhen.

Minarapat mong siyay itampok bilang Inang nagluwal sa pangakong


Manunubos at bilang unang kaanib sa sambayanan mong kinukupkop.
Sa krus, inihabilin ni Hesus kay Maria ang sankatauhang
pinagmamalasakitan niya upang magakamit ng muling pagsilang sa iyong
pamilya. Kapiling ng mga alagad na nilukuban ng Espiritu Santo si
Mariang nagdarasal ay huwaran ng sambayanang dumadalangin say o.
Iniakyat mo si Maria sa langit tanda ng sambayanang sa iyo’y sasapit
kapag itinampok ng iyng Anak sa daigdig.

Kaya kaisa ng mga angel na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang walang


humpay sa kalangitsan kami ay nagbubunyi sa iyong kadakilaan.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Ama naming mapagmahal, kaming mga nakinabang sa dulot mong


katubusan at buhay ay dumadalangin sa tulong ni Mariang Ina at Birheng
banal ang Mabuting Balita ay mailaganap sa tanan at ang Espiritu Santo as
lubos na Manahan sa sanlibutan sa pamamagitan ni Hesuskristo kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

You might also like