Gawain 3 (Panitikang Pilipino)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Gawain 3

MAIKLING KWENTO

 Ang maikling kwento ay naglalaman ng maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang


pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang mga tauhan. Ito ay kinapupulutan ng magandang aral
at kadalasang ginagamit bilang kwentong pambata. 
 Naglalahad ng madulang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag- iiwan ng
kakintalan sa isipan at damdamin ng mambabasa.
 Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento
lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si
Deogracias A. Rosario ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento". Tinawag rin
itong dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Mga Elemento:

 Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala
ang iba sa mga tauhan ng kuwento.
 Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin.
 Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.
 Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban
sa kapaligiran o kalikasan.
 Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
 Kakalasan- Tulay sa wakas.
 Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento..
 Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang
panahon kung kailan naganap ang kuwento.
 Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kuwento..
 Kaisipan- mensahe ng kuwento.
 Banghay- pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento

Mga Bahagi:
Simula
At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
Napapasama rin dito ang pagpapakilala ng ilan sa mga tauhan at ng Tagpuan.
Gitna
Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang
naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian
naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban
sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang
kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan
o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Wakas
Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting
pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang
bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o
pagkapanalo. Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng
dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang
wakas ng kuwento para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito,
ang maaring kahinatnan ng kuwento.

Kasaysayan at Pag-unlad ng Maikling Kwento


A. Bago Dumating Ang Mga Kastila
Kuwentong bitbit – dito nag-ugat ang maikling kwento, maiikling salaysay na pumapaksa sa mga
anito, lamanlupa, malikmata, multo at iba pang mga bunga ng guniguning di kapanipaniwala.

B. Panahon ng Kastila
 Kakana – sumulpot pagdating ng Espanyol,naglalaman ng mga alamat at engkanto, panlibang sa
mga bata, ang kuwento ay tungkol sa buhay ng mga santo at santa -layunin nila ay mapalaganap
ang Kristiyanismo.

C. Panahong Post Kolonyal ( Panahon ng Amerikano)


Ang maikling kuwentong Tagalog ay naisulat noong mga unang sampung taon ng mga
Amerikano. Mga unang anyo nito ay ang dagli at pasingaw. dagli -maikling- maikling salaysay na
gayong nangangaral nang lantaran ay namumuna, nagpapasaring at nanunuligsa. Hal: Sumpain
Nawa Ang Mga Ngiping Ginto” ni Cue Malay ng dagli sina Valeriano Hernandez Pena, Inigo Ed
Regalado, Patricio Mariano, Pascual Poblete atbp. na inilathala sa pahina ng pahayagang
“Muling Pagsilang” noong 1903. Yumabong ang uring ito ng salaysay sa tulong pa rin ng
pahayagang Democracia, Ang Mithi, Taliba hanggang 1921.

Mga Halimbawa ng Maikling Kwento:

You might also like