Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Name: Lenina Raiza C. Salvoro Date: 10.11.

21
Greade: GAS-12 Instructor: Mr. James Carlo Pajunar
01 Ang Pagsulat, Teorya at Konsepto
01 Online Worksheet 1
Instructions
Basahing maigi ang liham at sagutin ang mga tanong.
Sa Aking Mahal,

Wala naman masyadong ginagawa ngayon. Sumulat lang ako para kumustahin ka at
ipaalam sa iyo kung gaano kita kamahal.

Nakikinig kami ngayon kay Bob Hope at nakalimutan ko palang sabihin sa iyo na
bumili kami ng isang radyo sa Italya. Nagpunta kami doon at marami kaming ginawa.
Buti na lang din at nagkaroon ng kaunting oras para mamasyal at makabili ng ibang
gamit. Huwag ka mag-alala, malayo naman kami sa mga tropa ng Aleman at konting
araw pa ay mahuhulog na rin ang buong Italya at mababawi ito ng Alyadong Pwersa.

Ako ay bahagyang nangingitim kasi lagi na lang namin kinukumpuni yung mga
eroplano. Nakabilad kami sa araw kaya rin siguro ganoon. Namumula na ang aking
mukha. Sana matapos na ito at makauwi na rin ako.

Kailangan ko na munang magpaalam at wag ka makakalimot lumiham sa akin. Medyo may


katagalan na ang pagdating ng sulat ngayon. Tatlong araw na akong hindi
nakakakuha ng liham sa iyo o kung kanino man. Mahal na mahal kita ng buong puso,
katawan, at kaluluwa.

Ang iyong asawa,

Fernando

Sagutin ang sumusunod na mga tanong.


1. Ano ang iyong naramdaman sa pagbasa ng liham?
Masayang kinikilig sapagkat may konting lungkot.

2. Mas makabuluhan ba ang liham o pagsulat kaysa kung sinabi ito ng piloto sa kanyang asawa
nang personal?
Ang liham dahil dito makikita kung ano na ang nangyayari at nararamdaman mo para sa isang tao,
at kapag ibang tao na ang nag sasabi baka iba ang sasabihin at gagawan pa ng maling istorya.

3. Sa inyong palagay, gaano kaimportante ang pagliham o pagsulat lalo na noong mga panahon
na iyon?
Mahalaga ito sakanila dahil ito laman ang madaling paraan upang makausap ang minamahal at
ipadama ang kanilang nararamdaman habang nag susulat ng liham.

You might also like