Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Fatima S.

Lara
Fil. 005 / 7:30-9:00AM / MW

1. BUOD NG REHIYONG ILOCOS


Kilala ang Pilipinas bilang isa sa pinakamagandang pasyalan sa mundo
kaya naman maraming turista at mananaliksik ang pumunta sa bansa.
Tuklasin natin ang Rehiyong Ilocos. Ang Rehiyong Ilocos  sa
Ingles: Ilocos Region; Ilokano: Rehion/Deppaar ti
Ilocos; Pangasinan: Sagor na Baybay na Luzon ay isang rehiyong
administratibo ng Pilipinas na itinakda bilang Rehiyon I, na matatagpuan
sa hilagang kanlurang bahagi ng Luzon. Napaliligiran ito ng Rehiyong
Pampangasiwaan ng Cordillera sa silangan, ang Lambak ng Cagayan sa
hilagang silangan at timog silangan, at Gitnang Luzon sa timog.
Matatagpuan naman sa kanluran ang Dagat Timog Tsina. Binubuo ang
rehiyon ng apat na mga lalawigan: ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, La
Union, at Pangasinan. Ang sentrong panrehiyon nito ay San Fernando,
La Union. Iniulat sa senso noong 2000 na ang pangunahing mga wikang
ginagamit sa rehiyon ay Iloko. Ang Rehiyong Ilocos ay matatagpuan sa
isang makipot na katapatagan sa pagitan ng Kabundukan ng
Cordillera, Dagat Timog Tsina, hilagang bahagi ng kapatagan ng
Gitnang Luzon, at hilagang silangang bahagi ng Bulubundukin ng
Zambales. Matatagpuan dito ang Golpo ng Lingayen, ang pinakatanyag
na anyong tubig sa rehiyon na naglalaman ng Hundred Islands National
Park. Matatagpuan naman sa hilaga ang Kipot ng Luzon. Ang Ilog ng
Agno ay bumabagtas mula Benguet hanggang Pangasinan, na umaagos
sa isang malapad na delta sa Lingayen at Dagupan bago umagos sa
Golpo ng Lingayen. Ang Rehiyong Ilocos ay binubuo ng 4
mga lalawigan, 1 malayang nakapaloob na lungsod, 8 nakapaloob na
mga lungsod, 116 bayan, at 3,265 mga barangay. Mula sa salitang
“looc” o dalampasigang patag at mababa na tinitirhan ng mga
mamamayan ang Ilocos. Mainit ang klima sa lugar na ito lalo na sa mga
bahaging malapit sa mga dalampasigan. Ilan sa mga produkto sa
rehiyong Ilocos ay buko, palay, mais, kamatis, manga, saging, bulak
bawang, tabako, tubo at pagkaing-dagat. Likas sa mga taga Ilocos ang
pagtatanim at pagmimina at palay. Nag-aalaga rin sila ng iba’t-ibang
klase ng hayop. Ang pangunahing produkto ng rehiyon ay tabako. Kilala
sila sa kanilang minahan ng ginto. Karamihan sa mga gintong alahas sa
bansa ay galling sa Ilocos. Ang iba pang prdukto ng Ilocos ay palay o
mga produktong agricultural. Ang mga atraksiyon sa rehiyon ay ang
Calle Crisologo, Vigan City, Patar Beach, Hundred Islands National
park, San Juan na makikita sa La Union, Bantay Church Bell Tower,
Baluarte Resort and Mini Zoo, Sta. Maria Church, Pagudpud at Bangui
Windmills. Ang  Calle Crisologo ay matatagpuan sa lungsod ng Vigan.
Ang lungsod ay isang lungsod sa lalawigan ng Ilocos Sur, Pilipinas.
Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 53,935 sa may 11,106
na kabahayan. Bangui Wind Farm - isa sa pinagkukunayan ng
elektrisidad sa lugar. Ang Hundred Islands National Park
(Pangasinan: Kapulo-puloan o kaya Taytay-Bakes) ay isang
destinasyong panturista na matatagpuan sa Barangay Lucap, Lungsod ng
Alaminos, Pangasinan, Pilipinas. Ito ang unang pambansang parke ng
Pilipinas. Ang mga mamamayan sa Ilocos ay masiyahan at matulungin.
Madali rin makikipag-usap sa mga tao kung ikaw ay marunong gumamit
ng wikang Filipino na siyang linggwahe na ginagamit ng bansang
Pilipinas. Ang mga pagkain na tanyag sa Ilocos ay ang kinilnat, pinakbet
pizza, poqui poqui, dinengdeng, bukayo, papaitan, pinakbet at marami
pang iba. Longganisa na matatagpuan sa Vigan ay kakaiba ang lasa
maalat na mahanghang na swak na swak kahit mga turista galling ibang
bansa ay swak sa kanilang panlasa.

2. Reaksyon tungkol sa Rehiyong Ilocos:


Para sa akin magandang lugar ang Rehiyong Ilocos. May nadagdag
na naman akong lugar na gustong puntahan at ito ay ang Rehiyong
Ilocos. Manghang-mangha ako sa mga tanawin na matatagpuan sa
rehiyong ito.Tinitingnan ko palang ang mga larawan
nararamdaman ko na ang maganda, maaliwalas, at mabangong
simoy ng hangin. Nakikita ko na mahal ng mga tao ang kanilang
lugar kasi napakalinis ng paligid.Gustong-gusto kung puntahan ang
Hundred Islands National Park at paniguradong kukuha akong
maraming litrato doon. Lahat ata ng tanyag na tanawin na makikita
sa Ilocos gusto kung puntahan. Matikman ang pinagmamalaking
longganisa at pakbet dahil ang dalawang ito ang paborito kung
pagkain. At hindi mawawala nab ago gumala, bibisita muna ako sa
simbahan at magdasal nasana ay walang aberya at masaya lang ang
bakasyon ko. Paniguradong hinding-hindi ko malilimotan ang
karanasan na ito. Iniisip ko palang mkapunta doon kinikilig na ako.
Gustong gusto ko kasi yung lugar na malapit sa dagat. Ang sarap
sa pakiramdam mag muni-muni kaharap ang magandang karagatan
ng rehiyong Ilocos. Pag-iiponan koi to ng maiga para matupad ang
isa sa mga listahan ko na lugar na pagbabakasyonan ko. At kung
swertihin baka makita ko pa ang taong magpapatibok sa aking
puso mas doble ang saya hahaha. Naengganyo talaga akong
mkabisita baling araw sa lugar at para makasalimuha ng mga taga-
roon at madiskubre kung gaano kabait ang mga tao doon. Sana
baling araw matigil na rin ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 para
tayong mga Pilipino ang sabay na babangon at sabay sabay na
matupad ang pangarap na makapagbakasyon sa lugar na gusto
natin.

3. Pictures/ Litrato makikita sa Rehiyong Ilocos:


Bangui Wind Farm - isa sa pinagkukunayan ng elektrisidad sa lugar.
Calle Crisologo in Vigan Ilocos Sur - Ang Lungsod ng Vigan ay
isang lungsod sa lalawigan ng Ilocos Sur, Pilipinas. Ayon sa senso ng
2020, ito ay may populasyon na 53,935 sa may 11,106 na kabahayan.

Ang Hundred Islands National Park (Pangasinan: Kapulo-puloan o


kaya Taytay-Bakes) ay isang destinasyong panturista na matatagpuan sa
Barangay Lucap, Lungsod ng Alaminos, Pangasinan, Pilipinas. Ito ang
unang pambansang parke ng Pilipinas.

You might also like