Liongo Spoken Word Poetry

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Chase D.

Vidamo
Grade – 10 Almeda

“Minsan, ang pinakamaliit na desisyon ang maaaring makapagpabago ng iyong buhay


magpakailanman”

Gaano nga ba kalaki ang kalawakan?


Kailan ba natin maaabot ang mga bituin sa kalangitan?
Bakit pa tayo nabubuhay kung iisa lang naman ang lugar na patutunguhan?
Mga tanong na bumabagabag sa aking isipan
Sobrang tayog, sobrang taas ng mga pangarap at pakiramdam ko’y nasa alapaap kung
sakaling malasap ang tagumpay
Ngunit parang unti-unti akong pinapatay ng mga alanganin ng pagkatalo dahil ang
tadhana’y mapangloko sa mga tulad kong tao

Sa bawat pagkalugmok ay darating ang panibagong umaga


Sa bawat pasakit ay magbubukas ang liwanag ng pag-asa
Kaya’t kahit gaano kaliit ang determinasyon sa puso mo ay huwag dapat tayong
matakot na humakbang at pumili
Pumili para sa ating sarili, kung ano ang tama at mali, ang masama sa mabuti
Sapagka’t hindi natin alam kung kailan ang huli
Bagama’t madaling mabawi ang mga ngiti sa ating labi
Huwag na huwag nating kaligtaan na pagkatapos ng ulan ay laging may bahaghari

Gaya ng pagpagaspas ng pakpak ng isang paru-paro na tinatangay ng hangin


Pintig ng puso ang siyang dinggin
Kaya nitong magdala ng napakalakas na bagyo dahil lahat ng bagay ay konektado
Nararapat lamang na tayo’y maging instrumento ng pagbabago na nagsisimula sa
kaibuturan ng ating pagkatao
Dahil ang hinaharap ay napaka-misteryoso, baka kinabukasan ika’y maging milyonaryo
Sa halip na mangamba at mag-alala sa lahat ng pagkakataon
Dapat tayong maging maingat sa ating gagawin sa bawat sitwasyon
Minsa’y nasa harap na pala natin ang susi
Hindi lang mahagilap dahil pinapasubali
Huwag maging ignorante at alamin kung ano ang importante
Tumindig at tumakbo kahit hindi alam kung saan patungo dahil kahit saan at kahit kailan
handa nating harapin ang kahit ano basta’t magtitiwala tayo

Nasa ating mga kamay ang rurok ng tagumpay


Lahat tayo’y mamamatay ngunit kahit ganoo’y isulong natin ang buhay
Ang desisyon mo ngayon ang batayan ng kinabukasan
Ang simpleng silakbo ng damdamin ang hahawi sa karagatan
Lalawig ang kaisipan kung sasamahan ng determinasyon at kasipagan
Matuto lamang manalig dahil hangga’t nandiyan ang Diyos, lahat ng suliranin ay kayang
lagpasan

You might also like