Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ANG LAPIS

Ali Majoh
Salin ni: Catherine Lim

Bumalik sa kwarto si Mr. Jamal pagkatapos ng rises. Maliksing nagtakbuhan sa kani-


kanilang mga upuan ang mga bata nang makita siya. “Tindig kayo!” sigaw ng monitor ng klase
at tumayo silang lahat. “Good day teacher.” Umaalingawngaw ang boses ng tatlumpu’t limang
bata sa kwarto.
“Good day pupils, maupo kayo at ilabas ang inyong libro sa geography.” Pagkaupo ni
Mr.Jamal sa harap ng mesa, lumapit ang monitor.
“May mga batang nag-away kaninang rises sir.”
“Zahid, Dolah parito kayo sa harap ko!”, may pagbabanta sa tono ng titser. Alam ng mga bata
ang ibig sabihin ng bawat tono ng kanyang boses. Puno ng takot at pag-aalalang lumapit ang
dalawang batang nag-away.
“Bakit kayo nag-away?”
“Ninakaw ni Dolah ang lapis ko sir,” sagot ni Zahid.
“Hindi totoo yon sir. Sabi niya, sa kanya raw ang lapis ko,” pagtanggi din ni Dolah
habang umiiyak.
“Sige, paano ninyo mapatutunayan na inyo ang lapis na ito?”
“ inukitan ko ito ng lanseta sir,” may tiwalang sagot ni Dolah.
“Inukitan ko rin po ito sir,” turan ni zahid.
“Anong iniukit ninyo? Balik tanong ni Mr. Jamal.
“EH…” pailing ng di makasagot si Zahid.

``Letrang D,sir,simula ng pangalan ko,’’sagot ng pangalawa.


``Tama,Dolah.Iyo ang lapis.Ikaw Zahid.Nagkamali ka sa tatlong bagay:ninakaw mo ang
lapis, nagsinungaling ka, at sinaktan mo ang batang pinagnakawan mo.Kaya,bilang kaparusahan
ay tatanggap ka ng tatlong palo ng rotan.’’
Parang lalaking tinanggap ni Zahid ang kaparusahan,ngunit sa likod nito ay ang pagtulo ng luha
sa kanyang pisngi at tahimik na pag-iyak.Parang kwento sa ``Tales of a thousand and one
nights,’’taas-noong nalutas ni Mr. Jamal ang problema.
Nagbalik sa normal ang ang mga gawain sa klase.Tahimik na nagsusulat ng takdang aralin
ang klase at si Mr. Jamal naman ay nakaupo at nagbabasa ngunit si Zahid ay hindi pa nakalma.
``Talagang mahusay kang magsinungaling,’’turan nito sa kaaway.
``Buti nga sayo!Buti nga sayo!panunukso rin ni Dolah.Hindi nakapagtimpi si Zahid at
hinampas niya si dolah sa balikat.Muli, nakagawa siya ng ikinagalit ni Mr. Jamal.At sa
pagkakataong ito’y kinurot nito ang kanyang tiyan,binatak iyon na halos ikasubsob ni
Zahid.Nangako siya na hindi na gagawin ito sa kabila ng kagustuhang sakalin si Dolah.
Napaka-espesyal ng lapis na iyon.Pinaghirapan niyang mag-ipon ng mga tira-tirahan mula sa
pagpapadagta ng mga punong goma upang kitain ang singkwenta sentimos na halaga
nito.Tuwang tuwa siyang ipinagmalaki ang kanyang lapis na nabili.Hinangad niyang magamit
din ito maging ng kanyang mga kaibigan at tiyak niyang magtatagal ito dahil doble ang haba nito
sa pangkaraniwang lapis.
Sa kasamaang palad,makalipas lamang ng ilang araw ay nawala ito.Nalungkot siya ng labis.
Kinabukasan, nakita niyang may mahabang lapis si Dolah.Kamukhang-kamukha ng
nawawalang lapis niya.Pero bahagyang kaiba ito,nakaskas nang lahat ng pulang pinta.Kinutuban
siya na ito ang pagmamay-ari niya.Kinompronta niya si Dolah.Tumibay ang kanyang hinala
mula sa mga sagot nito.Ngunit dahil matigas din ang pagtanggi ni Dolah,umabot sila sa
away.Natalo si Zahid dahil napakaliit niya,na nasundan pa uli sa kamay ng kanyang titser
.Kinompronta niya si Dolah.Tumibay ang kanyang hinala mula sa mga sagot nito.Ngunit dahil
matigas din ang pagtanggi ni Dolah,umabot sila sa away.Natalo si Zahid dahil napakaliit niya,na
nasundan pa uli sa kamay ng kanyang titser.
Balot ng sama ng loob at sakit ng katawan si Zahid paglabas ng pintuan ng klasrum ng
hapong iyon. Sa galit ay hindi na niya pinansin ang pagtawag sa kanya ni Dolah at ng titser.
Isinara niya ng pabalibag ang pintuan at sinipa ang isang paso ng halaman.
Pagkarating sa pinagsangahan ng daan ay tinambangan niya si Dolah.Nilundag niya agad na
parang isang gutom na tigre ang kaaway pagdaan nito.Sa tindi ng galit,kahit puro galos at
duguan, sinikap niyang manalo. Nagtagumpay siya.Hinanap niya ang lapis sa bag ni Dolah at
pinagbalibali iyon sabay hagis ng pirapirasong bahagi nito sa ilog.

Pagdating sa bahay ay niyakap niya ang kanyang lola.Sumubsob siya sa kandungan nito na
walang kasalisalita.
Marahil ay dahil sa nakalipas na pangyayari,nilagnat si Zahid na umabot ng tatlong
araw.Lalo tuloy siyang namayat at lumiit.
Matapos ang mga kaganapang iyo’y nagbago si Zahid.Bawat minuto’y may umiiyak na
kaklase.Hindi niya inalintana ang mga pagsaway ni Mr. Jamal na lalong nagpadagdag sa
pagkamuhi niya rito.Minsa’y tinutudyo pa niya lalo.Sinubukan din niyang muling bugbugin si
Dolah ngunit maswerteng nakahanap ito ng pamalo bilang pananggalang kaya hindi siya
nagtagumpay.Bumili rin siya ng lanseta upang mapalayo si Dolah at matakot sa kanya ang mga
kaklase.Patuloy siya sa pagpasok ngunit hindi para mag-aral kundi manggulo,manakot, magpa-
iyak at kung anu ano pang kasamaan sa loob ng eskwelahan.
Sa wakas, nasugatan din niya si Dolah ng kanyang lanseta, naging dahilan ng pagtawag sa
kanya sa opisina ng prinsipal.Bago pa ito nangyari ay inirekomenda na siya ni Mr. Jamal sa isang
rehabilitasyon.
Matagal na pinagmasdan ni Mr. Berahim ang maliit na si Zahid.Iniisip niya ang lahat ng
sinabi ni Mr. Jamal tungkol sa bata.Makaraan ng ilang saglit ay nagkunwari siyang naghahanap
na lanseta para tasahan ang kanyang lapis.
``Zahid,may lanseta ka ba?’’tanong niya nang nakangiti.Sa una,y itinanggi ng bata pero
inabot rin niya ito,makaraan ng ilang saglit.
``Matalas ba ang lanseta mo, Zahid?’’Tumango ang bata.
``Anong ginagawa mo sa lansetang matalas?’’Umiling lang si Zahid.
``Dati raw eh mabait kang estudyante,sabi ni Mr. Jamal sa Akin.Ngunit nagbago ka raw
nitong mga nakaraan.Bakit?’’Umiling si Zahid.
``Sino ang pinakamagaling na bata sa klase niyo?’’
``Si Safian.’’

``GUsto mo bang maging kasinggaling niya?’’Muling umiling si Zahid.Matigas talaga ng


ulo niya.
``Binibigyan ka ba ng pera ng lola mo?’’Tumango ang bata.
``Magkano?’’
``Minsan singko lang.’’
``Ibinili mo ba ng libro ang pera mo?’’Umiling si Zahid.
``Bumili ka ba ng lapis?,ng pambura?’’Muli siyang umiling.
``Bumili ka ba ng lanseta?’’
``opo.’’
``Bakit?’’
``Si Dolah ….’’at mabilis siyang umiling muli.
``Sinong Dolah ang sinasabi mo?’’
``Yong nasa klase ko.’’
``Takot ka ba sa kanya?’’
``Opo.’’
``Anong ginawa sa iyo ni Dolah?’’
``Ninakaw niya ang lapis ko,saka….’’
Hindi na nakapagtimpi si Zahid.Naalala niya ang kanyang lola na kung makipag-usap sa
kanya ay katulad ng pakikipag-usap sa kanya ng prinsipal.Mabait ang kanyang lola, parang
katulad niya ang prinsipal.
Nailabas ni Zahid ang kanyang kinikimkim at ang tunay na bersyon ng kayang kwento ukol
sa pangyayaring naganap sa pagitan nila ni Dolah.Nangako ang prinsipal sa kanya na tutuklasin
nito ang totoong nangyari.
``Pero kung si Dolah ang may kasalanan,ano’ng gagawin mo sa kanya?.’’
``Wala,sir.Gusto ko lang malaman ni Mr. Jamal na akin ang lapis,hindi kay Dolah.’’
``Sige,pwede ka nang bumalik sa klasrum mo.’’
Napaamin ng prinsipal si Dolah.Lumabas ang katotohanan.Nakahinga ng maluwag si
Zahid.Nakalaya rin ang kanyang kinikimkim.
Nang makaalis ang dalawang bata ay nag-usap ang prinsipal at guro.Ipinaalam ng una ang
lahat ng kanyang natuklasan tungkol sa personal na karanasan ng batang salarin.Kung paanong
kinamuhian niya si Mr. Jamal katulad ng pagkamuhi niya sa kanyang masamang ama bunga ng
ilang pangyayaring nagpapaalala ng malungkot na karanasan niya noong bata pa siya.Lumaki sa
kanyang lola ang bata dahil sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang.
``Pero hindi bale,tapos na iyon.May tiwala akong magagawa mo ang nararapat para maging
normal uli ang lahat.Ang mga taong pandak at maliit ay laging maramdamin.’’Himig pabirong
dagdag ni Mr.Berahim.
Naiba nag pagtingin ni Mr. Jamal kay Zahid.Binigyan niya ito ng kaunting laya mula sa
paminsan-minsang pangungulit sa ibang bata.Kapag walang lapis o papel ay binibigyan niya ito.
Noong una ay nahirapan si Zahid sa pakikisama sa kanyang titser pero ang magandang
pananalita ay nakapagpapalambot ng puso ng tao.``Sino mang makipag-usap sa akin katulad ng
pagkikipag-usap ng lola ko ay mabait.’’Iyon ang nasa isip ni Zahid.
Ginawang tagapangalaga ng pisara si Zahid at pinupuri sa mga mumunting bagay na
nagagawa niya.Unti-unting nabuhay ang magandang samahan sa pagitan ng guro at mag-aaral.
Isang araw ng rises ay tinawag ni Mr. Berahim si Zahid sa kanyang opisina.
``Gusto kitang bigyan ng isang regalo,’’ sabay abot ng dalawang lapis na tulad ng ninakaw
sa kanya.Pareho itong pula.Habang tinatanggap ni Zahid ang regalo ay umagos ang luha sa
kanyang pisngi.Hindi niya masabi ang kanyang tunay na nararamdaman,tunay na tumalab ito sa
kanyang puso.At siya’y napangiti.
Pagkatapos ng rises ay pumasok na sa kwarto si Mr. Jamal.Nang oras na para gawin ng mga
bata ang kanilang takdang-aralin ay hindi niya napigilan ang pagngiti nang makita niyang pareho
ang lapis na ginagamit ni Zahid at Dolah.``Talagang may kabaitan ang mga bata kung bibigyan
lamang sila ng pagkakataon,’’naisip niya at ang kanyang luha’y halos pumatak sa kanyang mesa.

You might also like