Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang tawag sa pinagsamang lenggwaheng english at tagalog ay taglish .

Ito ay isang uri ng hindi pormal na


diyalekto ng tagalog.Ang taglish ay papular sa maynila at may malaking impluwensya ito sa bansa.Taglish
ang kadalasang ginagamit sa social media at sikat na sikat ito sa mga makabagong henerasyon at ang
salitang coño ang isa sa mga papular na halimbawa nito

Ang saling taglish ay nabuo sa maynila sa pamamagitan ng pagsasama ng tagalog at english. Unang
sumikat ito sa kalakhang maynila at ang dahilan ng pagsasama ng dalawang lenggwahe ay dahil sa may
mga salitang tagalog na mas maikli ang pagkabigkas sa english

Ang mga pandiwang Ingles, at kahit ang ilang mga salitang pangngalan ay maaring maging pandiwang
Tagalog. Dahil sa pag ulit sa unang letra o tunog ng salitang pandiwa o pangngalan. Ginagamit din ang
tinatawag na taglish, magkahalong Ingles at Tagalog na mga salita.Ang mga pangatnig na maaaring
gamitin upang ipagdugtong sila ay dahil di pamilyar ang mga pilipino sa ang salitang conyo o lingid sa
kalaaman ng nakararami kung ano ito Dahil rito, nagkakaroon ng iba’t ibang mga suliranin.Tinalakay at
maiging sinuri sa pananaliksik na ito ang mga suliranin gamit ang data na aming nakuha.Ang kakulangan
sa kaalaman ng pag gamit ng conyo ay may kaukol na suliranin tulad ng pagkakaroon ng limitadong
bokabularyo at ang epekto ng mga salitang conyo sa pagkamit ng adhikain bilang globally competative.

Ang wikang taglish nga ba ay dapat nang itigil.Kung gayon,ano nga ba ang mga dahilan?Una sa lahat
hindi ito ang orihinal at kinagisnan na wika ng ating bansa.Ang wikang taglish ay magandang gamitin sa
pakikipagkomunikasyon subalit kung inyong mapagtatanto ito ay walang maidudulot na mabuti sa ating
mga sarili.Dahil sa mga banyaga nagkaroon nang panibagong wika.Hangga't maaari ay dapat nating
tangkilikin ang ating sariling wika.Ang pagiging sanay sa paggamit nang taglish ay isa sa mga dahilan
kung bakit natatabunan ang wikang Filipino.Ang Filipino at mayroong opisyal at orihinal na wika kung
kaya't bakit gagamit pa tayo nang ibang wika?Lenggwaheng tagalog ang ating gamitin bilang
instrumento sa pakikipagkomunikasyon.Ang ikalawang dahilan ay ang pagkakaroon ng hindi
pagkakaintindihan nang dalawang taong nag uusap.Maaring hindi magkaunawan ang bawat panig
sapagkat may mga terminolohiyang napapahalo sa wikang kinagisnan.Ang paggamit nang taglish ay
nagiging dahilan din nang hindi pagkakaunawaan.At sa paggamit nang wikang taglish ay hindi maiipakita
ang tunay na gustong ipahiwatig.Maari namang gumamit nang wikang tagalog na ating
nakasanayan.Hindi na dapat palawakin ang problema sa paggamit nang wika na dapat gamitin ng mga
tao.At ang pangatlong dahilan ay maaring tuluyang mapalitan nang taglish ang ating wikang Filipino
bilang opisyal na wika nang ating bansa.Isang pagpapahiwatig nito ay ang paggamit ng ating gobyerno ng
Taglish bilang instrumento ng wika.Maaring ito ang maging dahilan nang pagsang ayon ng mga tao sa
paggamit nang Taglish.Ayos lang naman gumamit nang wikang Taglish ngunit hindi dapat nito
matabunan ang paggamit nang Filipino.Kailangang malaman o maobserbahan nang gobyerno na sila rin
ang dahilan kung bakit mas nangingibabaw ang Taglish kaysa sa ibang lenggwahe.Ito ang mga dahilan
kung bakit kailangan tapusin ang paggamit ng wikang Taglish.

Isang sa pangunahing wika ng Pilipinas ang tagalog. Tinagurian natin itong pambansang wika mula 1961
hangang 1987 at mas kinikilalang lenggwahe ng mga lalawiganing lugar tulad ng MIMAROPA AT
CALABARZON o region IV. Bilang isa sa pinaka pangunahing wika ng bansa, kadalasan din itong
nagagamit at ginagamit sa pang araw araw na pamumuhay ng mga Filipino lalong lalo na sa mga siyudad
na gaya ng Maynila. Ang wikang tagalog din ang nagsisilbing tulay ng pang araw araw na komunikasyon
ng bawat Filipino maging sa larangan man ng pelikula o musika. Nagagamit rin ito sa pagpapahayag ng
balita mapa telebisyon man o radyo. Ginagamit din ang wikang ito bilang pangunahing katutubong wika
sa hilagang kapuluan ng mariana, na kung saan naroroon ang may pinakamalaking pangkat ng mga
etnolinguistico sa Pilipinas.

Kalakip ng Wikang banyaga o ingles, ang wikang Tagalog ay kilala rin bilang opisyal na wikang ginagamit
sa panitikan at pampamahalaang mga tuntunin.

Bilang isang pangkaraniwang wika o "Lingua Franca" , Masasabing mahalaga ang patuloy na
pagpapakalat at pag usbong ng wikang ito dahil ang wika natin ang nagsisilbing simbolo ng pagkakaisa at
pagiging malaya natin bilang isang Pilipino.

You might also like