Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Si Joselito at Ang Daang Nakakalito

Sa Baranggay Malupit, matatagpuan ang isang payat at matangkad na binatang


nagngangalang Joselito. Madalas siyang tinatawag ng kanyang mga kapitbahay bilang “Lito”
dahil biro ng kanyang mga kaibigan, palagi siyang nalilito.
“Saan nga ulit ang kanan at ang kaliwa?”
“Saan nga ulit ang daan papuntang bayan?” Ito ang palagi niyang tanong sa kanyang mga
kaibigan. Pero sa isang aspeto lang siya hindi kalian ‘man nalito: Sa pag-ibig niya kay Marites–
ang dalagang nakatira sa Baranggay Tres Purok Kwatro. Palagi niya siyang binibigyan ng
bagong pitas na rosa tuwing Linggo. At sa tuwing kanilang anibersaryo, binibigyan niya si
Marites ng kakanin na kanya pang binibili sa kabilang ibayo. Todo-todo ang pagkayod ni
Joselito para lamang panatilihin ang tradisyong ito.
Isang araw, pumunta si Lito para bigyan ng tatlong rosas at isang bilaong kakanin si Marites
para sa ikatlo nilang anibersaryo. Ngunit, sa kanyang pagkagulat, nakita niyang nakahandusay
si Marites sa kanilang sala na walang malay. Nakita rin niya ang isang kinakalawang na kutsilyo
pero hindi niya ito binigyang pansin at kaagad pumunta kay Marites upang subukan siyang
gisingin. Tinapik-tapik niya nang marahan ang pisngi ng dalaga ngunit hindi pa rin siya
nakikitaan ng kulay o ng buhay. Sa sobrang pagkabalisa at lumbay, nagwala si Lito at inihagis
ang mga plato, salamin, at kung ano-ano pang gamit na kayang hablutin ng kanyang kamay.
Walang tigil ang pagtulo ng kanyang mga luha. Humagulgol siya nang humagulgol dahil sa
takot at kaba– hindi makapaniwalang wala na talaga ang kanyang sinisinta. Nakita niya ang
kanyang repleksyon sa harapan ng basag na salamin at tinanong sa kanyang sarili “Ito na ba
ang huli? Wala na ba ang aking binibini?”
Biglang may liwanag na umaninag at nanggagaling ito sa kanang bintana ng bahay ni Marites.
Sa isip-isip ni Lito, nagbakasakali siyang ito ay ang mga anghel na kukuha sa kaluluwa ni
Marites. O ‘di kaya isang diwatang handang sagipin ang buhay ng kanyang minamahal na may
kaakibat na kapalit. Kung ano-anong klaseng milagro ang naglaro sa kanyang isipan sa
sobrang pagkadesperado magising lamang ang kanyang kasintahan. Gayunpaman, napuno ng
pag-asa ang kanyang mga mata at kaagad dumungaw sa bintana. Sa kanyang pagkadismaya,
isa lamang palang nagbabagang siga ang liwanag na kanyang nakita.
“Psst…Lito” May sumisitsit kay Joselito ngunit hindi niya malaman kung sino at kung saan
nanggagaling ang boses na ‘yon. “Huy Lito! Bulag ka ba? Nasa ilalim ako ng bintana.” Laking
gulat niya ng makakita ng itim na pusang nagsasalita. “Namamalikmata lang ba ako o
nagsasalita talaga ang pusang ito?”
“Oo, Jose-LITO nagsasalita ako. Hindi ka naman siguro bingi para hindi malaman ‘di ba?
Makinig ka na lang sa sasabihin ko, baka makatulong pa ako sa sitwasyon mo.” Puno pa rin ng
pag-aalinlangan si Lito kung papakinggan niya ba ang nagsasalitang itim na pusa. Pero ng
makita niya si Marites na nakahimlay sa sofa, mas nanguna ang kanyang pagiging desperado
na muling makita ang kulay at mumulat ang mga mata ni Marites. Kaya naman nakinig muna
siya kahit na may halong pagdududa.
“Alam ko kung bakit nawalan ng malay ang kasintahan mo –“ Bago pa maituloy ng itim na pusa
ang kanyang sasabihin, hinablot kaagad siya ni Lito upang magmakaawa.
“Bitawan mo nga ako, kadiri naman ‘yang kamay mo ang dumi-dumi. ‘Tiyaka makinig ka muna
pwede ba? Kung hindi, hindi ko sayo sasabihin ang solusyon sa iyong problema” pagbabanta
ng itim na pusa.
“Ah hindi, hindi na, makikinig na ako, gagawin ko ang lahat para lang magkamalay ulit si
Marites.”
“Okey, ganito ang kailangan mong gawin. May isang talaba na naglalaman ng itim na perlas.
Ang perlas na ito ang makapag papagaling kay Marites. Matatangpuan mo lamang ito sa
kalagitnaan ng kagubatan na nagngangalang Bolbulinsya”
“Yak, parang kadiri naman ‘yung lugar na ‘yun.”
“Pwede ba, manahimik ka. Ayun na nga, sa Kagubatan ng Bolbulinsya may isang Engkantada
na nagngangalang Tiki-tiki-tok-tok-ki pero tinatagawag siya ng mga taga ‘roon na Diwata ng
mga Tala ang tagatago ng talaba. Para makapunta ka do’n, kailangan mo munang umakyat sa
Bundok ng mga Basura malapit sa ilog ng mga pirana. O, ‘eto ang Google Maps para hindi ka
mahirapan. Pagkatapos, kailangan mong kuhanin sa kanya ang perlas na itim ha, dikdikin iyon,
at painumin sa kasintahan mong si Marites.”
“Huh? Engkantada? Maniwala naman akong totoo ‘yun. Tiyaka, teka bakit ba ako nakikinig sa
pusa? Nababaliw na ‘ata ako.”
“Kung ayaw mong maniwala sa mga sinasabi ko, edi don’t. Mayroon ka na lamang
apatnaputwalong oras para sagipin ang kasintahan mo ayaw mo pa.”
Kahit na puno ng pagaalinlangan at pagdududa si Lito, nakumbinsi pa rin siya ng itim na pusa
para lamang sagipin ang kanyang minamahal. Sa tulong ng mapang binigay sa kanya, pumunta
siya sa bundok ng mga basura.
Nagulat si Lito sa amoy at itsura ng bundok na bumungad sa kanya. Sobrang dumi at hindi ka
makakahinga sa sangsang ng amoy ng lugar na iyon. Tinakpan niya ang kanyang ilong at bibig
para pigilan ang sarili niyang magsuka. “Grabe, hindi pa nangangalahati ang paglalakbay na
kailangan kong gawin pero parang gusto ko nang sumuko.” Sinabi ni Lito sa kanyang sarilli
habang patuloy na naglalakad. Hindi kalaunan umiral na naman ang pagkamalituhin ni Lito.
Wala ng pinatutunguhan ang kanyang paglalakad. Napansin niyang pabalik-balik siya sa
kanyang pinanggalingan. Tumingin siya sa mapa na binigay ng pusa ngunit lalo lang siyang
nalito.
Biglang may humila ng damit ni Lito, nagulat siya at tumili ng malakas. “Ah, kuya, kung naliligaw
po kayo alam ko po yung daan. ‘Wag po kayong matakot sa akin” sabi ng batang babae.
“Ah.. eh… alam mo ba kung paano pumunta sa Kagubatan ng Bobulinsya? Kanina pa ako
paikot-ikot dito kaso hindi na yata ako makapagisip ng tama dahil sa amoy” banggit ni Lito.
Sinamahan ng batang babae si Lito. Habang naglalakad sila, napansin ni Lito na mayroon pa
ring pa lang isang maliit na komyudinad sa bundok na iyon kahit na napapalibutan ng mabaho
at maduduming basura. Naisip niya na kahit sobrang hirap sa buhay ang mga taong nakatira
doon, katulad ng batang babae, handa pa rin silang tumulong at kaya pa rin nilang ngumiti sa
gitna ng mga problema, kahit pa walang laman ang kanilang sikmura. Samantalang sa
barangay niya, puro tsismisan, away, golo lang ang pinagkakaabalahan ng mga tao. Hindi niya
lubos maisip na kung sino pa ang walang-wala, sila pa ang handang tumulong kapag may
nangangailangan. “Malapit na po tayo.” Sabi ng batang babae. Miya-miya, natanaw na ni Lito
ang nagtatagong paraiso sa gitna ng mga basura sa paligod nito.
“Wow!” Nabighani siya sa paraisong kanyang nakita. Hindi niya akalain na sa likod ng
sandamakmak na basura, mayroon itong itinatagong ganda. “Kuya Lito tatandaan mo na sa
kaliwang daan ka dederetso. ‘Wag na ‘wag kang malilito ha” Paalala ng batang babae sa kanya.
“Oo, salamat ulit. Mag-iingat ka sa iyon pag-uwi.” Lumisan na ang batang babae na gumabay
kay Lito at bumalik sa kanilang tahanan.
Kung ano ang baho ng bundok ng basura iton naman ang kabaligtaran ng Kagubatan ng
Bolbulinsya. Hindi mapakali ang kanyang mga mata sa ganda na kanyang nakita. Miya miya pa
lamang ay nakita niya na ang Engkantada. Nakasuot siya ng putting bistida at may hawak na
parihabang kabibe. Kahit na natatakot, nilapitan ni Lito ang Engkantada para tanungin kung
nasaan ang itim na perlas. Ngunit bago pa siya makapag salita, pinangunahan na siya ng
Engkantada at sinabi, “Oo ako si Tiki-tiki-tik-tok-ki o mas kilala sa tawag na Diwata ng mga
Tala, Tagatago ng Talaba. Bakit ka naparito. Panigurado na may kailangan ka.”
“Ah.. ehh… kailangan ko po sana ng isang itim na perlas. Natagpuan ko pong wala siyang
malay nung pumunta ako sa kanilang tahanan. May nagsabi po sa akin na nasa inyo po ang
gamot para muling mabuhay” pagdedetalye ni Lito.
“Sige, madali naman akong kausap. Pero sa isang konsdisyon.”
“Kahit ano po kaya kong gawin para lang sa aking minamahal.”
“Kailangan mo akong kalabanin sa isang TikTok Challenge.”
Nanlaki ang mata ni Lito. Ni hindi niya nga alam kung saan ang kanan o kaliwa tapos
magsasayaw pa siya. Gayunpaman, sa kagustuhan na makuha ang itim na perlas, inaral niya
ang sayaw na nakatoka sa kanya. Nang makitang sumasayaw ang Engkantada nalaman niya
ang mas malaki ang tiyansang mananalo siya.
Ng matapos ang sayaw, mayroon silang isang oras para malaman kung sino ang may pinaka
madaming views. Tama nga ang hinala ni Lito na siya ang mananalo. Binigay ng Engkantada
ang itim na perlas at umuwi na si Lito ng ligtas.
Nang makauwi si Lito nakita niyang nakabungisngis ang pus ana para bang nagbabanta. “Ano?
Nakuha mo na ba ang itim na perlas?” tanong ng itim na pusa. “Oo, ito hawak-hawak ko,
nasaan na si Marites? Kailangan ko na siyang painumin nito.”
Bago iabot ni Lito ang perlas, nakita niya na may kalawang ang buntot ng pusa. Natandaan
niyang may kinakalawang na kutsilyo sa tabi ni Marites. Doon niya napagtagpi-tagpi na baka
ang pusa nga ang may kasalanan kung bakit walang buhay ngayon ang kanyang kasintahan.
“Teka, bakit may kalawang ang buntot mo?” tanong ni Lito. “Ikaw ang gumawa nito kay Marites
no?” sigaw niya.
“Oo, pinatay ko ang kasintahan mo gamit ang kinakalawang na kutsilyo” sigaw ng itim na
pusang nagsasalita at saka hinablot ang itim na perlas na pinaghirapan kunin ni Lito.
Napagtanto ni Lito na para siyang uto-uto. Hindi nya akalain natinulungan niya ang may sala
kung bakit binawian ng buhay ang kaniyang kasintaan. Pero kahit na ganoon, walang
ginawang paghihiganti si Lito. Tinanggap niya na lang baka ito nga ang kapalaran na
nakahanda para sa kanya.
Kung ating titignan sa mata at pagunawa ng iba, makikita natin na si Lito ay katulad ng mga
Pilipino. Namatayan ng mga karatapan sa hindi malamang dahilan. Walang magawa kung ‘di
humagulhol at tanggapin ang katotohanan. Niloko at pinaikot ng ibang tao para lamang sa sarili
nilang kapakanan. Katulad ng itim na pusang akala mong tutulungan ka pero ‘laging iniisip,
paano ba niya lolokohin ang ulo ng mga Pilipino para makuha ang kanyang gusto. Ang mga
mamayan na nakatira sa Bundok ng mga Basura ang mga mahihirap na taong mas inuuna na
gagawin ang lahat para lamang makatulong sa kapwa kahit sila ay walang-wala. Makikita rin
ang pribilehiyo ng Engkantada na nakatira sa magandang paraiso na napapalibutan ng bundok
ng basura. Kahit na mayroon siyang kapangyarihan na tulungan ang tao sa paligid niya, hindi
niya ito ginawa. Kung ikaw si Lito, malilito ka rin sa daang pipiliin mo? Hahayaan mo na lang rin
ba na ikaw ay niloloko?

You might also like