Unit Test Ap 10

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
CAPAS HIGH SCHOOL
Dolores, Capas, Tarlac
SY: 2020- 2021
UNIT TEST
ARALING PANLIPUNAN GRADE 10
KONTEMPORARYONG ISYU
Pangalan:_____________________Taon at Pangkat : __________ Iskor:_____ Petsa:________
I. Panuto: Maramihang Pagpili. Itiman ang bilog na kumakatawan sa titik ng tamang
kasagutan
A B C D
O O O O 1. Ang tawag sa pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at
nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa o mundo sa kasalukuyang
panahon.
A. Isyung Panlipunan C. Isyung Personal
B. Kontemporaryong Isyu D. Isyung Legal
O O O O 2. Isa sa dalawang uri ng kultura ,binubuo ito ng mga gusali, likhang-sining, kagamitan, at iba
pang bagay na nakikita at nahahawakan at gawa o nilikha ng tao. (Panopio, 2007)
A. Achieved B. Ascribed C. Materyal D. Hindi Materyal
O O O O 3. Kakayahang makita ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang
lipunang kanyang ginagalawan.
A. Social Responsibility B. Norms C. Social Status D. Social Imagination
O O O O 4. Tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad
na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
A. Kultura B. Lipunan C. Norms D. Social group
O O O O 5. Tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan
A. Role B. Norms C. Social group D. Status
O O O O 6. Isang komplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay- kahulugan sa paraan ng
pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan.
A. Kultura B. Lipunan C. Norms D. Social group
O O O O 7. Ang elemento ng kultura na tumutukoy sa mga asal, kilos o gawi na nagsisilbing
pamantayan ng pagkilos sa isang lipunan
A. Social Responsibility B. Norms C. Social Status D. Social Imagination
O O O O 8. Ito ay tumutukoy sa natural na pagbabago ng klima (weather patterns) na nagaganap sa
loob ng 100 taon o higit pa dahil sa pagtaas ng dami ng greenhouse gases sa atmospera
bunsod ng iba’t – ibang salik.
A. weather fluctuation B. climate variability C. climate change D. global warming
O O O O 9.Ito ay tumutukoy sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na
establisimyento,mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng
agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason (Official Gazette, 2000)
A. Biodegradables B. Residual C. Solid Waste D. Recyclables
O O O O 10. Ang batas ang ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang
desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa, kilala bilang Ecological Solid
Waste Management Act of 2000.
A. Republic Act 9003 B. Republic Act 8742 C. Republic Act 8749 D. Republic Act 9275
O O O O 11. Isang lumalalang suliranin sa Pilipinas ay ang tamang pagtatapon ng ______________,
halimbawa nito ay TV, cellphone, at computer, pinagmumulan ito ng mga delikadong kemikal
tulad ng lead, cadmium, barium, mercury, at polyvinyl chloride na nakakalason sa lupa at tubig.
A. Residual Waste B. E – Waste C. Recyclable Waste D. Toxic Waste
O O O O 12. Ang mga __________ ay ang pinaglalagakan ng mga nahahakot na basura o makarbon
na parteng basura upang gawing compost o pataba, dito din pansamantalang nilalagay ang
mga balik gamit o recyclable na materyales.
A, Sanitary landfill B. Dumpsite C. Junkshop D. Materials Recovery Facility
O O O O 13.Ang tawag sa mga gas na nakapagpapainit sa daigdig tulad ng carbon dioxide,methane,
CFC’s , nitrous oxide at iba pa.
A. Fossil fuel B. Global warming C. Greenhouse gases D. Climate Change
O O O O 14. Kemikal ito na nakasisira ng ozone layer ng mundo, ginagamit ito bilang refrigerants o
pampalamig at aerosol propellants at iba pa.
A. Nitrous Oxide B. Chlorofluorocarbons C. Carbon Dioxide D. Methane
O O O O 15. Ayon kay Carter (1992), ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala
ng pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol, Kabilang
dito ang iba’t ibang organisasyon na dapat magtulungan at magkaisa upang maiwasan, maging
handa, makatugon, at makabangon ang isang komunidad mula sa epekto ng sakuna,
kalamidad at hazard.
A. Solid Waste Management C. Human Resource Management
B. Disaster Management D. Business Management
O O O O 16. Ito tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng
kalamidad.
A. Risk B. Vulnerability C.Resilience D. Hazard
O O O O 17. Tumutukoy ito sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na
maapektuhan ng mga hazard.
A. Disaster B. Risk C. Vulnerability D. Resilience
O O O O 18. Ito ay tumutukoy sa mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao, tinatawag din itong
Human–Induced Hazards.
A, Astropological Hazard C. Anthropogenic Hazard
B. Anthropological Hazard D, Natural Hazard
O O O O 19. Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao,
kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya
A. Risk B. Disaster C. Hazard D. Vulnerability
O O O O 20. Ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao.
A. Disaster B. Hazard C. Risk D. Resilience
O O O O 21. Ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng
isang kalamidad
A. Resilience B. Risk C. Vulnerability D. Hazard
O O O O 22. Ayon kina Abarquez at Zubair (2004), ito ay isang pamamaraan kung saan ang mga
pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy,
pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan.
A. Vulnerability Assessment C. Loss Assessment
B. Community-Based Disaster Risk Management D. Capacity Assessment
O O O O 23. Ang unang yugto sa pagbuo ng Community – Based Disaster Risk Reduction and
Management Plan o CBDRRM Plan ay tinatawag na _________?
A. Disaster Preparedness C. Disaster Prevention and Mitigation
B. Disaster Rehabilitation and Recovery D. Disaster Response
O O O O 24. Ang yugto ng __________________ ay tumutukoy sa mga gawain upang mapanumbalik
ang kaayusan sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad.
A. Disaster Preparedness C. Disaster Prevention and Mitigation
B. Disaster Rehabilitation and Recovery D. Disaster Response
O O O O 25. Nagpagawa si Miguel ng dike upang dahil laging umaapaw ang ilog malapit sa kanilang
bahay tuwing umuulan ng malakas. Ang ginawa ni Miguel ay isang halimbawa ng ____ ?
A. Hazard Assessment C. Disaster Prevention
B. Non Structural Mitigation D. D. Structural Mitigation
O O O O 26. Alin sa sumusunod ang HINDI kabahagi ng unang yugto ng Community – Based Disaster
Risk Reduction and Management Plan?
A. Capacity Assessment C. Loss Assessment
B. Hazard Assessment D. Vulnerability Assessment
O O O O 27. Nagtungo sa pamahalang pambarangay at naglibot sa kanilang lugar sina Dexter at Angelito
upang itala ang mga naranasang kalamidad at hazard sa nakalipas na limang taon . Ang
kanilang ginawa ay isang halimbawa ng _______?
A. Hazard Assessment C. Vulnerality Assessment
B. Capacity Assessment D. Disaster Assessment
O O O O 28. Ito ay tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda ng pamahalaan upang maging
ligtas ang komunidad sa panahon ng pagtama ng hazard (halimbawa pagbuo ng disaster
management plan, pagkontrol sa populasyon, paggawa ng mga batas , information
dissemination at hazard assessment.
A. Hazard Assessment C. Disaster Prevention
B. Non Structural Mitigation D. Structural Mitigation
O O O O 29. Mahalagang malaman ng lahat ng mamamayan ang mga dapat gawin sa panahon ng
sakuna o kalamidad kung kaya’t ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain
tungkol sa proteksiyon, paghahanda at pag-iwas sa iba’t ibang uri ng sakuna at hazard ay
gampanin ng Ikalawang yugto ng DRRM plan o ng Disaster preparedness. Saang layunin ito
nabibilang?
A. to advise B. to announce C. to inform D.to instruct
O O O O 30. Ang ika-apat na yugto ng ng Community – Based Disaster Risk Reduction and Management
Plan ay tinatawag na __________, sa yugtong ito ang mga hakbang at Gawain ay nakatuon sa
pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang serbisyo upang
manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng nasalantang
kominidad.
A. Disaster Preparedness C. Disaster Prevention and Mitigation
B. Disaster Rehabilitation and Recovery D. Disaster Response
O O O O 31. Ang mga sumusunod ay mga elemento ng istrukturang panlipunan MALIBAN sa
A. Norms B. Social Group C. Social Status D. Institusyon
O O O O 32. Isa sa dalawang ng status, ito ay nakatalaga sa isang indibiduwal simula nang siya ay
ipinanganak at hindi niya kontrolado.(hal. kasarian)
A. Achieved B. Ascribed C. Materyal D. Hindi Materyal
O O O O 33. Ang lahat ng ito ay mga elementong bumubuo sa kultura MALIBAN sa
A.Simbolo B.Norms C. Paniniwala D.Gampanin
O O O O 34. May mga NGOs na sumusuporta sa upang mabawasan ang mga suliranin sa solid waste sa
Pilipinas. Anong grupo ng NGOs ang naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa
pagtrato at pangagalaga sa kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan?
A. Bantay Kalikasan C. Clean and Green Foundation
B. Greenpeace D. Mother Earth Foundation
O O O O 35. Isa sa mga katangian ng approach na ito ay ang malawak na partisipasyon ng mga
mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng desisyon.
A. top – down approach C. inside – out approach
B. up – side down approach D. bottom – up approach
36 – 40 Panuto: Basahin ang sumusunod na situwasiyon. Tukuyin kung anong konsepto na may
kaugnayan sa Disaster Risk Reduction and Management ang inilalarawan. Gamiting batayan sa pagsagot
ang sumusunod:
NH – Natural Hazard D - Disaster

AH – Anthropogenic Hazard V - Vulnerability

R - Resilience

_________36. Nangangamba si Andrei na magkasakit ang kaniyang buntis na asawa at dalawang taong
gulang na anak dahil sa maruming tubig baha sa kanilang lugar.
_________37. Maagang umuwi ng bahay si Jerone mula sa kanilang paaralan dahil sa paparating na malakas
na bagyo.
_________38.Ipinasara ni Sec. Fajardo ang isang establisimyento dahil pinadadaan nito sa ilog ang mga
kemikal na kanilang ginagamit sa paggawa ng produkto
_________39. Nakipagpulong si Mayor Basco sa mga kinatawan ng bawat barangay upang magkaroon sila ng
sapat na kaalaman sa panahon ng kalamidad.
_________40. Isa ang pamilya ni Ernest sa mga nakaligtas mula sa pinsalang dulot ng malakas na lindol na
tumama sa kanilang pamayanan
II Panuto : Pag isa – isahin ang mga sumusunod

1 – 4 Mga Sanhi ng Climate Change

5 – 6 Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran

7 – 10 Mga Hakbang/Yugto sa Pagbuo ng Community – Based Disaster Risk Reduction and Management
Plan o CBDRRM Plan

Inihanda nina: Sinuri ni: Inaprubahan ni:

Ferdinand M. Villanueva Monina E. Martinez Yolanda M. Gonzales, Ed.D


Master Teacher I HT VI, Aral. Panlipunan Dept. Principal IV

Jovita P. Inocencion
Teacher III

Loui M. Blanco
Teacher III

Maria Elena D. Nacion


Teacher I

/2020

You might also like