Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 53

BIAG NI

LAM-ANG
Epiko ng mga Ilokano
SIMULAN NATIN!
Masipag
Magalang

Matipid
Kuripot ILOKANO

Magiliw Maalaga
ALAM MO BA?

Ang mga Ilokano ay kabilang sa malaking pangkat-


etniko sa bansa.
Sila ay karaniwang matatagpuan sa mga lalawigan ng
Ilocos (Norte, Sur), La Union, Abra, Pangasinan,
Cagayan, Nueva Viscaya, Tarlac at Isabela.
Litaw na litaw sa mga Ilokano ang pagiging masipag,
matiyaga, madasalin, matipid, praktikal, malikhain,
matiisin, mahilig sa pakikipagsapalaran at mahilig sa
gulay.
ALAM MO BA?

Ang kanilang diyalekto ay tinatawag ding Ilokano ay


kilala bilang pangunahing wika sa Hilagang Luzon
dahil sa dami ng mga Pilipinong marunong magsalita
at umintindi nito.
Mayaman ang panitikan o literatura ng mga Ilokano. Sa
katunayan, bago pa man dumating ang mga
mananakop sa bansa ay marami na silang katipunan
ng mga awiting-bayan, bugtong, salawikain at mga
kuwentong-bayan.
ALAM MO BA?

Lalong napagyaman ang kanilang kultura sa panahon


ng mga Espaňol kung saan nagkaroon sila ng sariling
salin ng aklat ng Doctrina Chistiana noong 1861. Ito
ang kauna-unahang aklat na nailimbag sa kanilang
wika.
Ang epikong Biag ni Lam-ang ay isa sa mga
kinikilalang akda ng mga Ilokano. Isinulat ito ni Pedro
Bucaneg na siyang kilalang Ama ng Panitikang Ilokano
sa kabila ng pagiging isang bulag simula pagkabata.
PAYABUNGIN NATIN!

1. Bata pa lamang si Lam-ang ay


naunawaan na niya ang nangyari sa
kanyang ama kaya naintindihan niya kung
bakit wala ito sa kanyang tabi nang siya ay
ipinanganak.

Magkasingkahulugan
PAYABUNGIN NATIN!

2. Gumuho ang kanyang mga pangarap


nang bumagsak ang kanilang kabuhayan.
Magkasingkahulugan
3. Ang mabagsik na binate ay naging
maamo nang siya ay natutong umibig.
Magkasalungat
PAYABUNGIN NATIN!

4. Sa kabila ng kalungkutan ay malugod


na tinanggap ng dalaga ang kanyang
panauhin.

Magkasalungat
PAYABUNGIN NATIN!

5. Maganda ang naging balakin niya para


sa kanyang mga nasasakupan kaya hindi
kataka-takang maging matagumpay ang
kanyang plano.

Magkasingkahulugan
PAYABUNGIN NATIN B!

1. Kaagad na lumakad ang binata nang


malaman ang masamang balita hinggil sa
kanyang kasintahan.
d. humayo
2. Hindi napigilan ng batang magtanong sa
kanyang ina tungkol sa amang nawawala.
e. mag-usisa
PAYABUNGIN NATIN B!
3. Labis na kalungkutan ang nadama ng
ina nang malamang wala na ang kanyang
asawa.
c. paninimdim
4. Sa tahanan ng pinuno ng mga Igorot ay
makikita ang malaking imbakan ng
kanilang produkto gaya ng palay, mais at
trigo. a. kamalig
PAYABUNGIN NATIN B!

5. Walang hirap na natalo ni malakas na


binata ang lahat ng kaaway sa kanilang
kaharian.
b. nagapi
SAGUTIN NATIN A..
1. Paano ipinanganak si Lam-ang? Ano-ano ang
kakaibang bagay na taglay niya simula sa
kanyang pagsilang?
Ipinanganak siyang wala ang kanyang ama at sa
tulong ng matandang maninisid na si Marcos.
Pagkasilang ay marunong na agad siyang
magsalita, siya ang pumili ng kanyang pangalan
at ng kanyang ninong sa kanyang binyag.
SAGUTIN NATIN A..
2. Paano naiba si Lam-ang at ang kanyang ama sa
isang pangkaraniwang tao? Ano-anong
supernatural o di pangkaraniwang
kapangyarihan ang kanilang taglay?
Nagtataglay sila ng kapangyarihang na wala sa
karaniwang tao.

Nauutusan ng kanyang ama ang mga bagay.


SAGUTIN NATIN A..
Bagong silang pa lamang si Lam-ang ay
nakapagsasalita na.

Maliit pa lamang si Lam-ang ay nakipaglaban


na siya sa mga Igorot.

Si Lam-ang ay may alagang makapangyarihang


aso at tandang.
SAGUTIN NATIN A..
3. Ano-ano ang pakikipagsapalarang kinaharap ni
Lam-ang? Paano niya hinarap ang mga ito?
Ipaliwanag.

Hinanap niya ang kanyang ama at hinamon niya


ang mga Igorot. Nakipaglaban siya sa mga ito at
natalo niyang lahat ang mga Igorot.
SAGUTIN NATIN A..
Sinubok niya ang kanyang kakayahn at dahil
dito ay sinisid niya ang buwaya sa ilog.
Nabalitaan niya ang taglay na kagandahan ni
Ines Kanoyan kaya agad siyang umakyat ng
ligaw. Upang mapansin siya ng dalaga
pinapagaspas niya ang kanyang kanyang putting
tandang kaya gumuho ang palikuran ng dalaga
kasunod niyon ay pinaungol niya ang kanyang
aso at ang palikuran ay naitindig muli.
SAGUTIN NATIN A..
4. Tama ba ang ginawang paghihiganti ni Lam-
ang para sa kanyang ama? Bakit?

Oo, dahil masakit para sa isang anak na


makitang pinagpipiyestahan ang ulo ng kanyang
ama.
Hindi, dahil masama ang maghiganti gaano man
kabigat ang kasalanang nagawa nila sa iyo.
SAGUTIN NATIN A..
5. Paano mo mailalarawan ang estilo ng
panliligaw ni Lam-ang? Paano niya napaibig ang
kanyang mahal?
Ang panliligaw noon ay dumadaan pa sa
magulang ng liligawang dalaga.

Sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanyang


katapatan sa dalaga.
SAGUTIN NATIN A..
6. Kung ikaw si Ines Kanoyan, pipiliin mo rin ba si
Lam-ang kaysa ibang manliligaw mo?

Oo.

Hindi.
SAGUTIN NATIN A..
7. Anong katangian ang ipinakita ni Lam-ang
nang sa kabila ng kanyang pangitaing siya’y
masasawi ay itinuloy niya pa rin ang pangingisda
ng rarang? Kung ikaw ang nasa kanyang
kalagayan, gayundin ba ang iyong gagawin?
Bakit?
Ipinakita ni Lam-ang ang kanyang katapangan
at pagrespeto sa kaugalian ng mga taga-
Nalbuan.
SAGUTIN NATIN A..
Kung ako si Lam-ang, gayundin ang gagawin ko
dahil iyon ay isa lamang pangitain na maaaring
mangyayari o hindi.
Kung ako si Lam-ang. hindi ko gagawin ang
kanyang ginawa dahil ayaw ko pang mamatay at
wala namang masama kung paniniwalaan ko ang
aking pangitain.
SAGUTIN NATIN A..
8. Ano-anong katangian ni Lam-ang ang inyong
naibigan bilang isang pinuno, mandirigma at
mangingibig? Bakit?
Bilang isang pinuno siya ay mabait dahil wala
siyang ibang iniisip kundi ang ikagiginhawa ng
kanyang mga nasasakupan.
SAGUTIN NATIN A..
Bilang isang mandirigma siya ay matapang
dahil kahit anumang laban ang kanyang
kinakaharap hinaharap niya ang lahat nang
buong tapang.

Bilang isang mangingibig, siya ay tapat umibig


sa kanyang mahal dahil tinupad niya ang
kanyang pangako kay Ines at kahit buhay pa
niya ang kapalit.
SAGUTIN NATIN A..
9. Maituturing mo ba siyang bayani? Bakit?

Oo, dahil siya ang naging tagapagligtas ng


kanilang tribo o angkan.

Hindi, dahil hindi naman siya karapat-dapat na


maging bayani.
SAGUTIN NATIN B..

1. Pagkasilang pa lamang ay marunong nang


magsalita si Lam-ang kaya siya na ang pumili
ng kanyang pangalan at ng kanyang ninong
sa binyag.

T
SAGUTIN NATIN B..

2. Tumutol ang magulang ni Ines Kanoyan sa


pagpapakasal nito kay Lam-ang ngunit
humiling sila ng dote sa binata.

Hindi tumutol
SAGUTIN NATIN B..

3. Naging magarbo at napakaraming taong


dumalo sa kasal nina Lam-ang at Ines
Kanoyan.

T
SAGUTIN NATIN B..

4. Ang pangingisda ng rarang na isang


kaugalian sa Nalbuan ay napatoka kay Lam-
ang na naging dahilan ng paghaba ng
kanyang buhay.

pagkitil
SAGUTIN NATIN B..

5. Sa tulong ng bidang o tapi ni Ines Kanoyan,


pagtilaok ng tandang at pagaspas ng inahin
ni Lam-ang ay muing nabuhay si Lam-ang.

T
SAGUTIN NATIN C..
1. Nang makita ni Lam-ang ang mga Igorot na
nagdiriwang sa harap ng ulo ng kanyang
ama ay hinamon niya ang mga ito sa isang
labanan. Natalo niya ang mga ito na naging
dahilan ng pagbaha ng dugo sa Ilog Vigan.
Negatibo, dahil masama ang maghamon ng away
at hindi kapani-paniwala ang pagbaha ng dugo sa
Ilog Vigan.
SAGUTIN NATIN C..

2. Nagbihis si Lam-ang nang magara at


nagpasyang umakyat ng ligaw kahit
pinaalalahanan ng inang mabibigo lamang.

Positibo, dahil kahit anong bagay kung gusto


natin ay gagawin natin ang lahat makuha lamang
ito.
SAGUTIN NATIN C..
3. Naibigay ni Lam-ang ang kahilingan o
doteng hinihingi ng magulang ni Ines
Kanoyan bilang pagbibigay-galang sa
pagpayag ng mga itong makasal siya sa
kanyang anak.
Positibo, dahil iyon na ang nakaugalian ng mga
Ilokano kapag ikakasal ang kanilang anak na
babae.
SAGUTIN NATIN C..

4. Magiliw na tinanggap ng mga taga-


Kalanitian ang mga bisita mula sa bayan ng
Nalbuan upang saksihan ang pag-iisang
dibdib ni Lam-ang at Donya Ines Kanoyan.

Posotibo, dahil nagpapakita ito ng suporta sa


pag-iisang dibdib ng mga ikakasal.
SAGUTIN NATIN C..

5. Sa kabila ng pagkakaroon ng pangitaing


kakainin si Lam-ang ng isdang berbakan ay
itinuloy pa rin niya ang pangingisda ng
rarang, isang kaugaliang napatoka sa kanya.

Positibo, dahil hindi siya nagpadaig sa kanyang


masamang pangitain.
MAGAGAWA NATIN..
Dahil sila ang huhubog
sa kanilang mga anak na
MGA MAGULANG
maging mabuting mama-
mayan.
Dahil sila ang nagiging
tulay upang maging
MGA GURO
matagumpay ang mga
kabataan.
MAGAGAWA NATIN..
Dahil sila ang inaasa-
hang pag-asa ng ating
KABATAAN
bayan. Sila ang
magpapabuti sa bansa.
Dahil sila ang
nagpapanatili ng
MGA PULIS
kaayusan at kapayapaan
sa ating bansa.
MAHAHALAGANG
ELEMENTO NG
EPIKO
TAGPUAN
Mahalagang bigyang-pansin ang tagpuan sa epiko
sapagkat ito’y nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa
paksa, sa banghay at maging sa mga tauhan.

Dahil sa tagpuan ay higit na nagiging malinaw


kung bakit naging ganito mag-isip at kumilos ang
tauhan at kung bakit ganito ang naging takbo ng
pangyayari.
TAUHAN
Mapapansing halos karamihan ng pangunahing
tauhan sa epiko ay nagtataglay ng supernatural o
di pagkaraniwang kapangyarihan.

Ang tunggalian ay ang paglalaban ng pangunahing


tauhan at ng sumasalungat sa kanya. Ang
tunggalian ay nauuri sa apat – tao vs tao, tao vs
kalikasan, tao vs lipunan at tao vs sarili.
BANGHAY
Ang banghay ng epiko ay maaaring payak o
komplikado.
Ang mga pangyayaring ito ay hindi kapani-
paniwala o hindi makatotohanan bagama’t may
mga pangyayari ritong kakikitaan ng mga kultura
ng mga Pilipino partikular sa kung saang rehiyon
nagmula ang epiko.
ELEMENTO NG
EPIKO BILANG
ISANG TULANG
PASALAYSAY
SUKAT AT INDAYOG

Ang sukat ay tumutukoy sa magkakatulad na bilang


ng pantig sa bawat tiyak na hati ng taludtod.

Karaniwang ang tula ay isinaayos sa paraang


maindayog o maaliw-iw. May aliw-iw ang tula
kapag ang mga tunog ay nahahati sa pare-
parehong patlang.
TUGMA
Ito ay ang magkakahawig na tunog sa dulo ng mga
taludtod.

TALUDTURAN
Ito ay ang pagpapangkat-pangkat ng mga taludtod
ng isang tula.
MATATALINGHAGANG PAHAYAG

Ang idyoma ay mga matatalinghagang salita na


may kahulugang taglay na naiiba sa karaniwan.
Ang mga pahayag na ito ay di-tuwirang nagbibigay
ng kahulugan.
Karaniwang hinango ang kahulugan nito sa
karanasan ng tao gaya ng mga pangyayari sa
buhay o mga bagay-bagay sa ating paligid.
GAWIN NATIN..

1. Ano-ano ang mahahalagang elemento ng


epiko?

Tagpuan

Tauhan

Banghay
GAWIN NATIN..

2. Bakit mahalagang pag-aralan ang bawat


elemento?

Upang malaman ang kahalagahan ng


bawat elemento ng epiko at nakatutulong
ito upang lalo pang maunawaan ng
mambabasa ang epikong binabasa.
GAWIN NATIN..

3. Ano kaya ang mangyayari kung hindi


taglay ng isang epiko ang alinman sa mga
nabanggit na elemento?

Hindi ito mabubuo sapagkat ang mga ito


ay mahalaga sa pagsulat nito.
GAWIN NATIN..

4. Maliwanag bang naipakita sa epikong Biag


ni Lam-ang ang bawat elemento? Bakit?

Oo, dahil taglay ni epikong ito ang


tagpuan, ang mga tauhan at ng isang
makabuluhang pagkakasunod-sunod na
mga pangyayari sa epiko.
GAWIN NATIN..
5. Sa iyong palagay, higit bang mahirap
basahin o unawain ang epiko kumpara sa
pabula o alamat? Bakit?
Oo, dahil mas mahaba ito at may mga
ginamit na salitang malalalim.
Hindi, dahil parehas lamang silang
madaling maunawaan.
GAWIN NATIN..
6. Bakit kaya may taglay na supernatural o di
pangkaraniwang kapangyarihan ang mga
pangunahing tauhan ng epiko?
Dahil ang mga pangunahing tauhan sa
epiko ay itinuturing na bayaning may
kakayahang lumaban sa kahit na anong
hamon ng buhay.
GAWIN NATIN..

7. Masasabi mo na ba kung bakit kailangang


alamin ang epiko ng iba’t ibang rehiyon?

Oo, dahil sa kanilang epiko lalo pa nating


nakikilala at napahahalagahan ang
kultura at tradisyon ng bawat isa sa atin.
GAWIN NATIN..

8. Paano nakatutulong ang mga elemento ng


epikong patula upang lalong mapaganda o
kaakit-akit ang epiko?

Sa taglay nitong aliw-iw tuwing binabasa


ito ng mambabasa.

You might also like