KASUNDUAN

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KASUNDUAN

(MEMOPRANOUM OF AGREEMENT)

ALAMIN NG LAHAT:

Ako si RESTITUTO B. ZAPANTA sapat ang gulang, Filipino at naninirahan sa Barangay Sandoval, Roxas,
Palawan, Philippines.
AT
ALFRED D. BAGONA, may sapat na gulang, Filipino at naninirahan sa Barangay New Barbacan, Roxas,
Palawan
Ay nagkakasundo at nagsasalaysay:

1. Na kung saan si Restituto B. Zapanta ay may ari ng Basakan at may kapangyarihan na isangla ang
kanyang lupa na matatagpuan sa Barangay Sandoval, Roxas, Palawan at may TAX declaration
number na 18-20-022-0531 at may sukat na LOT 377(PART) (Agricultural) AREA 1,6675 ha. sa
halagang twenty five thousand pesos (P 25,00.00) ;

2. Na nagkasundo sina Restituto B. Zapanta at Alfred D. Bagona na isangla ni Restituto kay ALFRED
D. BAGONA ang nasabing basakan sa nasabing halaga sa loob ng Tatlong taon simula ngayong
May 13, 2021 hanggang May 13, 2024;

3. Na sina Restituto B. Zapanta at Alfred D. Bagona ay nagkasundo na habang nakasangla ang


basakan sa loob ng tatlong taon si Alfred D. Bagona ay may karapatan na pamahalaan ito at
mayroong bahagi sa produkto nito na 50% ng kabuuang ani pagkatapos ibawas ang lahat ng
gastusin sa pagsaka;

4. Na nangangako si Alfred D. Bagona na siya ang bahala sa gastusin para sa abono ng itatanim na
produkto sa nasabing basakan at ibabawas ang kabuuang halaga nito sa produkto bago ito
hatiin;

5. Na nangangako si Restituto B. Zapanta na sila ang magtatrabaho sa basakan dalawang beses


magsaka bawat taon sa loob ng tatlong taong kasunduan;

6. Na nangangako si Restituto B. Zapanta na sakaling mabayaran sila ng kabuuang halaga ng sangla


ng basakan bibigyan na nila ng pagkakataon si Alfred D. Bagona na magkaroon ng karapatan sa
basakan hanggang sa matapos ang kasunduan;

7. Na ang kasunduan na ito ay buong puso na napagkasunduan ng magkabilang panig at katunayan


ay lumagda ang magkabilang panig sa ibaba nito;

SA KATUNAYAN NG LAHAT NG ITO ay lumagda kami sa ilalim nito ngayong ika- 13 ng Mayo
2021 dito sa Barangay Sandoval, Roxas, Palawan.

________________________ ________________________
RESTITUTO B. ZAPANTA ALFRED D. BAGONA
MAY-ARI NG LUPA PINAG SANGLAAN
WITNESSES WITNESSES

____________________ ____________________
CHOCITA Z. VENCUA RUTH ANN A. JUAN
KAGAWAD BGY. SANDOVAL RNCHS TEACHER

_____________________ _____________________
AIZA PAIGMA MANGA ARNEL B. PRESTO
RESIDENTE BGY. SANDOVAL RESIDENTE BGY.NEW BARBACAN

You might also like