Professional Documents
Culture Documents
MODYUL 3 REBYU-WPS Office
MODYUL 3 REBYU-WPS Office
MODYUL 3 REBYU-WPS Office
❤Una, ang dapat nating tatanungin ay kung ano ang ahanpin ko. Hindi dapat
kung saan ako maghahanap .
👍Dahil pwede namang availble lahat ang mga impornasyon na mapagkukunan ko pero hindi naman
natin alam kung ano yung hinahanap ko.Isipin muna ang LAYUIN ng pananaliksik . Kailangan marami
tayong set of topics or paksa. Magkakaroon tayo ng brainstorming kung ano ba talaga yung gusto nating
gawan ng pananaliksik.
💕 Ibig sabihin anong website ang kailangan kung tingnan kaya agad agad ay magsisimula sila
ng maghanap ng impormasyon sa internet gamit ang kanilang search engine.
💕 Upang malaman kung ano ang impormasyong kailangan kung ngayon kailangan mo nang
malaman kung ano ang mga available na impormasyon batay sa sumusunod na salita ayon
kay turabian 2010
💕 Sa puntong ito sapat ng malaman na ang isang mahusay na mananaliksik ay nagsisikap na gumamit
ng mga hanguang primarya. Gumagamit lamang siya ng hanguang sekondarya at tersyarya upang
palakasin ang mga impormasyon mula sa mga hanguang primarya o kung ang mga hanguang primarya
ay hindi available.
💕 Inaasahan ang mga akademikong mananaliksik na makapangalap ng sapat, hindi man ng lahat na
available na impormasyon . Halimbawa ng isang mananaliksik sa business ay inaasahang makapag
interview hindi ng isa lamang customer kung din ang ilan sa mga pinakamahalagang customer. Totoong
ang mga estudyantenl ay ndi naman mga professional na mananaliksik kaya hindi maaaring gamitin ang
professional standard sa mga estudyante . Totoong hindi sapat ang oras at resources ng mga estudyante
sa pangangalap ng mga impormasyon. Kakaunti ring estudyante ang may access sa mga aklatang may
mataas na kalidad kung gayon kailangan malaman sa guro ang mga panuntunang pang- estudyante
kaugnay ng kasapatan ng mga datos.
💕 Ito ang pinagmumulan ng mga raw data ikanga upang masulit ang hypothesis at masuportahan ang
mga haka. Sa kasaysayan, halimbawa kinapapalooban ito ng mga dokumento mula sa panahon o taong
pinapaksa, bagay-bagay, mapa maging kasuotan. Sa literatura o pilosopiya ilan sa mga hanguang
primarya ay ang tekstong pinag-aaralan at ang mga datos ay ang mga salitang nakalimbag sa bawat
pahina. Sa mga nabanggit sa larangan, bihirang -bihira makasulat ng papel pampananaliksik nang hindi
gumagamit ng mga hanguang primarya.
2.) HANGUANG SEKONDRYA
👍 Mga ulat sa pananaliksik na gumamit ng mga datos mula sa mga hanguang primary upang malutas ang
mga suliraning pananaliksik.
💕 Ang mga hanguang sekondarya ay ang mga ulat pang pananaliksik na gumamit ng mga datos mula sa
mga hanguang primarya upang malutas ang mga suliraning pang pananaliksik. Sinulat ang mga ito para
sa mga iskolarli o professional na mambabasa. Binabasa ito ng mga mananaliksik upang hindi mapag
iwanan sa kani kanilang larangan at upang magamit ang mga datos na nabasa sa paraang pagpapatunay
o kaya ay pagpapabulaan . Maaari ring magamit ang mga datos mula sa mga hanguang sekondarya
upang suportahan ang mga argumento.
- Dito na nagkaroon ng pag-aaral , ginamit na yung mga data na mula sa hanguang primarya . Ito yung
mga simpleng pag-aaral na nagkakaroon ng esensya dahilan sa mga data na nakuha mo. Dahil hindi sya
mabubuo kung wala yung mga first hand of information
3.) HANGUANG TERSYARYA
👍Ito yung kinapapalooban ng mga aklat at artikulo na lumalagom at naguulat tungkol sa mga naunang
hanguan sa pangkalahatang mambabasa.
💕 Ang mga Aklat at artikulo sa encyclopedia at mga publikasyon para sa sirkulasyong pang mahasa na
nabibilang sa kategorya ng ito. Sa mga unang yugto ng pananaliksik maaaring gamitin ang mga
hanguang ito upang maging pamilyar sa paksa. Ngunit kung gagamitin ang mga datos mula sa mga
hanguang tersyarya upang suportahan ng isang iskolarling argumento maaaring hindi mapanaligan ng
mga mambabasa ang pananaliksik .
👍 Ibigsabihin dito tayo kumukuha ng mga reference na may kinalaman sa ating gagawing pananaliksik
👍 Dito tinitingnan natin kung reputable o lehitimo yung mga nakukuhaan natin ng mga impormasyon
💕 Dati rato hindi nagtitiwala ang mga mananaliksik sa ano mang datos na Na matatagpuan sa
internet. Hindi na ito totoong ngayon ang mga mananaliksik ay umaasa na ngayon sa internet upang
ma access ang mga hanguang pang aklatan, mga ulat ng pamahalaan at iba pang database, mga
tekstong primarya mula sa reputableng tagapaglathala , maging mga iskolarling journal na available
online. Ang mga datos na ito ay magagamit at mapagkakatiwalaan katulad ng kanilang mga
nakalimbag na counterpart
B. Gumawa ng hawig gamit ang iyong mga salita. Tiyakin na maayos ang ang pagkakapili ng mga salita,
maaayos ang gramatika at malinaw ang pahayag ayon sa nakasulat sa akda. Alalahaninng dapat isama
ang mga personal na palagay o pananaw sa paggawa ng hawig.
C. Ihambing ang iyong hawig sa orihinal na akda. Naipahayag mo ba sa higit na malinaw at tiyak na
paraan ang lahat ng nilalama ng orihinal na akda? Nananatili ba nag tono at mood ng orihinal na akda sa
iyong hawig? Gumawa ng mga rebisyon kung kinakailangan at saka isulat ang iyong pinal na hawig.
3. SALIN
- Mahalagang may kasanayan sa pagsasalin dahil hindi lahat ng babasahin sa pananaliksik ay nasusulat sa
Filipino. Ang isang mabuting salin ay napananatili ang orihinal na ibig sabihin ng may-akda
4. SINTESIS
- Pagsusuma ng mga mahahalagang paksang tinalakay sa isang akda. - Madalas na nilalagay sa bandang
huli ng isang akda. Maaari ring matagpuan sa pagtatapos ng mga pangunahing paksang tinatalakay
bilang pagbibigay-diin at pagpapahalaga sa paksa bago sumulong sa susunod na talakayin.
🤘 Matapos makapili ng paksa kailangan iyong limitahan upang maiwasan ang masaklaw ng pag-aaral
maaaring gamiting batayan sa paglilimita ng paksa ang mga sumusunod
1.) PANAHON
2.) EDAD
3.) KASARIAN
4.) PERSPEKTIB
5.) LUGAR
6.) PROPESYON O GRUPONG KINABIBILANGAN
7.) ANYO O URI
8.) PARTIKULAR NA HALIMBAWA O KASO
9.) KUMBINASYON NG DALAWA O HIGIT PANG BATAYAN
❗❗TOPIC;:E. PAGBABALANGKAS
- Pagbuo ng sistematikong paghahanay ng mga ideya upang malinaw ang kanilang ugnayan.- Tinutukoy
bilang gulugod ng isang papel sapagkat nasasalamin sa isang mahusay na papel ang masinop at
masinsing pagbabalangkas ng mga ideya - Sa pangkalahatan, nakikilala ang balangkas sa lalong popular
na kaayusan nitong may mga partikular na ideyang nasa ilalim ng higit na malawak na ideya at may
punong-ideya o panimulang hakang ginagamit na gabay sa pagtitiyak ng kahustuhan ng hanayan ng mga
ideya.
❤ULO NG BALANGKAS
- Tumutukoy sa pinakamalawak na konsepto sa pananaliksik. -
- Tinutukoy itong introduksyon, katawan ng papel at pagkatapos/konklusyon ng pananaliksik -
- gayunpaman hindi dito inilalagay bilang uri ng balangkas sa halip ang inilalagay ay ang konsepto o
paksa ng nilalaman ng introduksyon katawan ng papel at konklusyon ng papel
-Mangyari, maaaring maging higit pa sa tatlong bahagi ang balangkas depende sa dami ng pangunahing
konsepto ng matutukoy sa pananaliksik. Ang mahalaga ay ma ilagay sa uri ng balangkas tungkol saan
ang mga bahaging ito upang maging tiyak bilang suporta ng idea at ang kaugnay na ideya ng kasunod.
- Sapaghahanay ng ulo ng balangkas, isinasaalangalang na ito ang pinakamalawak o pangunahing
konseptong bahagi ng pananaliksik kaya’t nasa bahagi itong maaari pang lagyan ng suporta at kaugnay
na ideya
- Ah suportang ideya at kaugnay na idea ay laging dalawa sapagkat kung iisa lamang ang suportang
ideya o kaugnay na idea ay nangangahulugang hindi ito sing-lawak o sing -halaga upang maging hubog
ng balangkas
❤BALANGKAS NA TALATA
- Paghahanay nang isa-isang mga ideya.-
- Iniisa-isa lamang ang mga ideya at walang gasinong pansing ibinibigay sa ugnayan at isang ideya sa
kasunod pa
- Makikilala ito sa anyong paghahanay at pag-iisa-isa ayon sa bilang
. - Hindi sumusunod sa karaniwang anyo ng balangkas na nagpapakita ng kung ilang antas at kung ilang
suson ang ugnayan ng mga ideya na inihahanay lamang sa pamamagitan ng mga buong pangungusap na
nasa anyong pasalaysay (deklaratib).
.
❤BALANGKAS NA PAKSA
- Gumagamit ng karaniwang anyo ng balangkas
na nagpapakita ng antas at suson mng ugnayan
ng mga ideya
- Makikilala ito sa gamit ng mga salita o parirala sa paghahanay ng mga datos at konsepto.- Katulad ng
karaniwang pangungusap, ang mga salita, parirala ay nagsisimula sa malaking titik at hindi gumagamit ng
tuldok sa pagtatapos ng talata
❤BALANGKAS NA PANGUNGUSAP
- Gumagamit ng karaniwang anyo ng balangkas na nagpapakita ng antas at suson mng ugnayan ng mga
ideya.
- Makikilala ito sa gamit ng mga salita o parirala sa paghahanay ng mga datos at konsepto sa balangkas
.- Maaaring gumamit ng pangungusap na pasalaysay, kung tiyak na ang datos na ilalagay o di kaya ay
pangungusap na patanong, kung nasa antas pa lamang ng pagbuo ng mga datos na nais kalapin.
- Kailangan maging konsistent sa gamit ng uri ng pangungusap, magawang parallel ang pormulasyon ng
pangungusap at maipakita ang wastong gamit ng bantas.
2. RASYONAL
💕 Sa pagtitiyak ng mga paksang nais talakayin at sa larangang kinabibilangan ng paksang nais ihatid
mangyayaring ihanay ang mga motibasyon at inspirasyonng nagtulak sa pagtatangi ng napiling paksain.
- ano ang dahilan at napili ang paksa in ano ang mga karanasan at pangyayari ang nagtulak sa pagpili ng
paksang ito
- ang pagtukoy ng pinagmulang motibasyon o inspirasyon ng pagsisiyasat ang pagtukoy ng tinatawag na
rasyonal ng pag-aaral
- ang rasyonal o pinagmulan ng tulak ng pagsisiyasat ay maaring maging isang karanasang tuwirang
nasaksihan na nagsasagawa ng pag-aaral o di kaya'y isang konsepto bagay o idea na nakapukaw ng
kanyang pansin at nakapag iwan ng malalim na balangkas ng pagtuklas na nais tuntunin ng nagsusulat ng
akademikong papel
3. LAYUNIN
💕 Sa pagtiyak ng paksa halos kasunod na rin ang pag di tiyak ng layunin ng pagsisiyasat at pananaliksik
- ang pagtukoy ng layunin ng pagsisiyasat ay maaaring ihayag sa pamamagitan ng isang katanungan
nagbubukas ng pinto ng pagsisiyasat
- halimbawa ay ang mga katanungang ano sino saan kailan at bakit. Bawat isang katanungan ay
nagtatakda na rin ng isang antas ng lalim ng pagsusuri ng nais isagawa ng nagsisiyasat . Halimbawa
maaaring ang pagkatalo ay nasa antas ng ano kung ang nais siyasatin ay ang mga larangan ng may
kinalaman sa paglalahad ng isang bagay o pangyayari.
- Sa antas ng pagsisiyasat na ito nasasakop ang mga pagsisiyasat na may kinalaman sa pag hahatid ng
depinisyon at pagbibigay linaw ukol sa isang bagay o pangyayari.
4. PANIMULANG HAKA
💕 Sa paghahanay ng matalas at tiyak na suliranin para sa paksa maaaring mag hanay ng panimulang
haka sa pag-aaral
- Ang panimulang haka ay pagbuo ng panimula ng tugon sa suliraning nais tuntunin
- Nakabatay ito sa panimula ng survey ng mga babasahing isinagawa bago paman makabuo ng isang
tiyak na suliranin sa pag-aara
- Ang panimulang haka ay hindi dapat na maging tiyak sapagkat ito ay pagtantiya lamang sa posibleng
kahihinatnan ng pagsisiyasat at pananaliksik
- Ang panimulang haka ay paglalatag ng isang pangkalahatang inaasahang resulta ng pananaliksik at
mahalagang batay sa panimulang pagbasa at pagsulat ng mga kaugnay ng babasahin at paksain
- Maaari itong mabago sa bandang huli matapos maka pangalan ng mga datos at obserbasyon - Ang
panimulang haka ang tantiado ng tugon sa inaasahang resulta ng pagsisiyasat kaya't kailangan bukas sa
posibilidad na mabago, mapatunayang hindi totoo o hindi applicable o di kaya ay makapag bukas ng
panibagong larangan ng pag-aaral matapos ang pagsisiyasat