Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kasaysayan ng Ibong Adarna (Grade 7)

PAGLAGANAP NG KORIDO SA PANAHON NG ESPANYOL


FERDINAND MAGELLAN - MARSO 16, 1521
Ngunit…
• Taong 1565 nang sakupin tayo ng mga Espanyol nang dumating si MIGUEL LOPEZ DE
LEGASPI sa CEBU.
Tatlong layunin ng mga espanyol
• Katolisismo
• Pagpapalawak ng kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga sakop na mga
bansa.
• Paghahanap ng pampalasa, masaganang likas-yaman at mga materyales para matustusan
ang kanilang pangangailangan.
Sinunog nila ang mga nakasulat na panitikan ng ating pinuno.
• Kaya ang ating mga paksa ay tungkol sa mga santo, senakulo o paksang relihiyon.
Relihiyong katolisismo
TULANG ROMANSA (awit at korido) – Isang uri ng panitikan na nagbibigay-halaga sa diwang
Kristiyanismo.
Pamantayan Awit Korido
Anyo BInubuo ng 12 pantig sa loob Binubuo ng 8 na pantig sa
ng isang taludturan, apat na loob ng isang taludturan, apat
taludtod sa isang taludturan. na taludtod sa isang
taludturan.
Musika Ang himig ay mabagal na Ang himig ay mabilis na
tinatawag na andante. tinatawag na alegro.
Paksa Tungkol sa bayani at Tungkol sa pananampalataya,
mandirigma at larawan ng alamat at kababalaghan.
buhay.
Katangian ng Tauhan Ang mga tauhan ay walang Ang mga tauhan ay may
kapangyarihan. Higit na kapangyarihang supernatural.
makatotohanan o hango sa
tunay na buhay.
Halimbawa Florante at Laura Ibong adarna
Sino ang sumulat ng ibong adarna?
- Hanggang sa ngayon, Walang nakakakilala sa sumulat nito.
Galing ba sa pilipinas ang ibong adarna?
- Ito ay maaaring hinango lamang sa kuwentong-bayan sa Europa tulad ng Romania,
Denmark, Austria, alemanya at finland.
Nagpasalin-salin ang kopya at pagkalimbag nito.
• Si Marcelo P. Garcia ang nag-aral at umayos ng pagkakasulat ng Ibong Adarna.
Bakit pinag-aaralan ang ibong adarna gayung hindi naman ito atin?
• Nagpapakita ito ng Pagpapahalaga ng Pilipino
• Makikita ang ating kaugalian dito (Paggalang, Pagmamahal sa Pamilya, Pagrespeto sa
kababaihan, Pagiging matatag sa Pagsubok).
• Pananampalataya sa Poong Maykapal.
• Nagbibigay ito ng aliw sa mga Pilipino noong pinapahirapan pa sila ng mga Espanyol.

You might also like