Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Edukasyon sa

Pagpapakatao 5
Ikatlong Kwarter
Ikapitong Linggo

LEARNING ACTIVITY SHEET


Division of Surigao del Sur
Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning
Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by
DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external
resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use.
All Rights Reserved.

Development Team Quality Assurance Team

Developer: Sweden G. Mangin Evaluator/s:


Illustrator: Marieto Cleben V. Lozada Salome C. Cortez
Layout Artist: Junie Dave M. Orquita Susanath S. Guillen
PSDS/DIC:
Lucena B. Estrada, PhD Learning Area EPS:
Jeanette G. Quinto, PhD Megenila C. Guillen, PhD
Famelito C. Umapas

LAS Graphics and Design Credits:


Title Page Art: Marieto Cleben V. Lozada
Title Page Layout: Bryan L. Arreo
Visual Cues Art: Ivin Mae M. Ambos

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Surigao del Sur


Balilahan, Tandag City

Telephone: (086) 211-3225


Email Address: surigaodelsur.division@deped.gov.ph
Facebook: SurSur Division LRMS Updates
Facebook Messenger: Learning Resource Concerns
Pamantayan sa Pagkatuto:
Nakagagawa ng isang proyekto gamit and iba’t-ibang
multimedia at technology tools sa pagpapatupad ng mga
batas sa kalinisan, kaligtasan, kalusugan at kapayapaan.
( EsP5-IIIg-h-31 )

Layunin: Pagkatapos ng isang linggo, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

 Nakapagtatalakay ng proyekto gamit ang iba’t-ibang


multimedia at technology tools sa pagpapatupad ng mga
batas sa kalinisan, kaligtasan, kalusugan at kapayapaan.
 Nakapaglalahad ng proyekto gamit ang iba’t-ibang
multimedia at technology tools sa pagpapatupad ng mga
batas sa kalinisan, kaligtasan, kalusugan at kapayapaan.
 Naipapakita ang kahalagahan ng gamit ng iba’t-ibang
multimedia at technology tools sa pagpapatupad ng mga
batas at kalinisan, kaligtasan, kalusugan at kapayapaan.

Batayang Konsepto

Mahalagang malaman ng isang batang tulad mo ang iba’t ibang


multimedia at technology tools na maaari mong magamit upang lalong
mapadali at mapaganda ang iyong proyekto para sa pagpapatupad ng
batas sa kalinisan, kalusugan at kapayapaan. Dapat lamang na malaman
mo ang tamang paggamit nito kung kaya’t kailangan mo ang gabay ng
iyong magulang o iba pang miyembro ng iyong pamilya.

Sa pang araw-araw na pamumuhay sa mundong ibabaw Makikita


ang mga mag-aaral, subsob sa pag-aaral. Di matatawaran ang sakripisyong
kanilang iniaalay. Kayraming mga bagay ang kanilang dapat
tapusin,kasama ang mga proyektong sobrang dami pa man din.Mabuti na
lang may mga imbensyo’y napagtagumpayan, Iba’t ibang teknolohiya at
multimediang kay inam tulad ng dyaryo, cellphone, radyo, telebisyon at
internet .Mga kagamitang sadyang kagila-gilalas. Sa mga mag-aaral tunay
na kaydaling intindihin lalo na sa mga proyektong pambatas na sangkot ang
kalinisan at kalikasan na dapat nating alamin. Kasama na rito ang
kalusugan,kapayapaa’y kaligtasan.

1
Narito din ang ilang batas at proyektong Pangkalinisan, Pangkaligtasan,
Pangkalusugan, Pangkapayapaan o Pangkalikasan.
Magandang makisalamuha sa mga tao kung alam mong malinis ang
lahat. Mahalaga rin ang ating kalusugan, dahil para tayo ay hindi madaling
kapitan o magkaroon ng sakit

Pangkalinisan

Magandang makisalamuha sa mga tao kung alam mong malinis ang


lahat. Mahalaga rin ang pagiging malinis para tayo ay hindi madaling
kapitan o magkaroon ng sakit.

Narito ang ilan sa mga proyekto at programang pangkalinisan:

- Republic Act No. 9003 (RA 9003), o mas kilala sa tawag na Ecological Solid
Waste Management Act of 2000.

a. Paghihiwalay ng mga nabubulok at di-nabubulok na basura


b. Pag-recycle, pag-reuse, at pag-reduce ng mga basura
c. Paggawa ng abono mula sa mga nabubulok na basura Upang
mas mapamahalaan ang mga basura, isinasaad din sa RA 9003 ang
pagkakaroon ng Materials Recovery Facility (MRF) sa bawat barangay.

- Tapat Ko, Linis Ko

-Clean Air Act

Pangkalikasan

- Save the forest

-Clean and Green Program

-Kampanya Laban sa Illegal Logging

Pangkalusugan

Para sa kalusugan naman, Hinihiling ng pamahalaan na tayo ay


manatiling mapagbantay sa ating pang-araw-araw na buhay hanggang sa
muli tayong ligtas na makabalik sa ating mga pang-araw-araw na gawain.
Maaari nating gawin ang ilang mga simpleng hakbang upang makatulong
sa pagbagal ng pagkalat ng sakit na coronavirus at protektahan ang ating
mga sarili, ang ating mga pamilya, at ang ating mga komunidad.

2
Programa o proyekto

- Pagbabawal sa Canteen ng Paaralan na magbenta ng junk food.


- Samahan ng mga Nanay sa Wastong Nutrisyon ng mga Sanggol.

- Magpabakuna ng COVID-19,maghugas ng iyong mga kamay nang


madalas gamit ang simpleng sabon at tubig

- Takpan ang iyong bibig at ilong gamit ang mask kapag nasa paligid ng
iba at;

- iwasan ang maraming tao at magsanay ng may pagitan sa karamihan (di


bababa sa 6 na talampakan ang layo mula sa iba).

Pangkapayapaan o Pangkaligtasan

Sa ating lipunan mapapanatili natin ang kapayapaan at kaligtasan sa


pamamagitan ng pagkakaisa ng bawat indibidwal. Kung meron pagkakaisa
ang ating lipunan malalayo tayo sa mga kapamahakan at magkakaroon
tayo ng tahimik na pamumuhay.

Mga halimbawa ng Programa at Proyektong Pangkaligtasan/


Pangkapayapaan

Pangkaligtasan

- Bantay Bata 163

- Child Protection Program

Pangkapayapaan

- One Million Voices for Peace

- Pagbabantay nang 24 oras sa barangay

Ang mga proyektong ito ay lubos na maintindihan at maisakalios ng


bawat mamayan sa tulong ng multimedia at technology tools upang
makapagdala ng impormasyon sa ibang tao. Kasama sa mga
pamamaraang ito ay ang video, larawan, tunog, collage, text
graphics,musika,telebisyon,radio , internet at iba pa.

3
Nagagamit ang multimedia sa pagpapalaganap ng mga
impormasyon. Dahil gumagamit ang multimedia ng iba't ibang
pamamaraan, mas madali para sa mga tao na magpakalat ang mga
mahahalagang bagay na kailangang malaman ng ibang tao. Halimbawa,
kapag may mga anunsyo tungkol sa pagsuspende ng mga klase dahil sa
lagay ng panahon, maaaring ipakalat ang balita sa pamamagitan ng TV,
radyo, social media, text, at iba pa.Bukod dito, nagagamit din ang
multimedia sa pag-aaral at pagtuturo. Nagagamit ng mga guro ang
multimedia upang mas madaling makuha ang atensyon ng mga
estudyante. Halimbawa, sa panahon ngayon, ang mga guro ay gumagamit
ng ng Youtube videos upang magturo nang mas masaya sa kanilang mga
estudyante.
Gawain 1:
Panuto:Basahin ang mga sumusunod na batas sa unang hanay ng tsart.
Isulat sa ikalawang hanay kung saan dapat nakapaloob ang bawat batas
at tukuyin kung ito ay Pangkalinisan, Pangkaligtasan, Pangkalusugan,
Pangkapayapaan o Pangkalikasan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Mga Batas Uri ng Batas/ Gamit na mutimidea o


Proyekto/ technology tools
Programa para maihatid ang mga
proyektong ito sa lipunan
(radio, telebisyon,video, internet,
larawan, collage, graphic)

Halimbawa radyo, collage,internet,


Tapat Ko, Linis Ko Pangkalinisan tarpauline, anunsyo
Kampanya Laban sa
Illegal Logging
Bantay Bata 163

Pgababakuna sa
Covid-19

Clean Air Act

Pagbabantay nang
24 oras sa barangay

4
Gawain 2
Panuto: Gamit ang ibat-ibang papel, diyaryo o magazine, gumawa ng isang
collage na ang desinyo ay muti-media at technology tools at gumawa ng
dalawang pangungusap ukol dito.

Rubrik sa Paggawa ng Collage


Mga Pamantayan Naayong iskor Natamong Iskor/
/puntos Puntos
Pagkakaayos 2
Nilalaman 2
Kalinisan at orihinalidad 2
Organisasyon 2
Presentasyon 2

Gawain 3
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Iguhit ang
kung ang sitwasyon ay nagsasaad ng tama at ay mali. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

_________1. Iintindihin at gagawa ka na lang ng paraan ng sabihing hindi ka


maibibili ng gadget ng iyong magulang na gagamitin mo sa iyong proyekto
sa kapayapaan.
_________2. Ipinagwalang bahala ni Kriezel ang proyektong ibinigay ng
kaniyang guro dahil hindi siya marunong gumamit ng gadget kahit gusto
siyang tulungan ng kaniyang kapatid.
_________3. Isa sa mga pinag-aralan ninyo sa inyong aralin ay ang mga batas
pangkalusugan. Agad mo itong sinaliksik gamit ang cellphone na hiniram mo
sa iyong kuya.
_________4. Nakita mong nahihirapan ang iyong kaklase kung paano ang
gagawin niya upang matapos ang kaniyang proyekto sa pagsasaliksik ng
mga batas pangkapayapaan at alam mo ang gagawin ngunit hindi mo siya
ginabayan.
__________5. May proyekto ang mga kabataan sa inyong lugar sa paggawa
ng slogan para makaiwas sa peligrong dulot ng COVID-19 na makikita sa
Facebook. Hindi ka sumali dito dahil mas gusto mo pa ang maglaro ng
games sa cellphone.

5
Pagtataya:
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI
naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

________1. Agad na sumunod si Ben nang malaman ang mga batas na


nagbabawal sa paglabas ng mga batang labinlimang taong gulang
pababa nang mapanood niya ito sa telebisyon.
________2. Hindi mo ginawa ang iyong proyektong mangalap ng mga batas
pangkalusugan dahil wala kayong internet.
________3. Tinulungan mo si Analie dahil naintindihan mo ang kalagayan ng
kaniyang pamilya na hindi nila kayang makabili ng computer at alam mong
gustong-gusto niyang matuto sa paggamit nito para sa kaniyang proyekto.
__________4. Hindi mo pinansin si Mabel na gustong makigamit ng iyong
computer dahilabala ka rin sa paggawa ng iyong proyekto at ayaw mong
mahuli ka sa pagpapasa sa inyong guro.
__________5. Lumapit si Mila sa isang kamag-aral na may computer sa bahay
at magpapatulong siya kung paano ito gamitin upang magawa ang
proyektong may kinalaman sa batas ng pangangalaga sa kalinisan ng
kanilang barangay.

Susi sa Pagwawasto:
Gawain 1

Gamit na mutimidea o technology


Mga Batas Uri ng Batas/Proyekto/ tools para maihatid ang mga
Programa proyektong ito sa lipunan

Kampanya Laban sa Pangkalikasan Telebisyon, radyo,anunsiyo


Illegal Logging
Bantay Bata 163 Pangkaligtasan Telebisyon,radyo,internet
Pgababakuna sa Pangkalusugan Telebisyon,internet,radyo,anunsiyo
Covid-19

Clean Air Act Pangkalinisan Telebisyon,radyo

Pagbabantay ng 24 Pangkapayapaan Anunsiyo,telebisyon,radyo


oras sa barangay

6
Gawain 2
Ang guro ang magwawasto

Gawain 3
1.

2.

3.

4.

5.

Sanggunian:

DepEd (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies.


ESP 5, p. 84-85

Ylarde, Zenaida and Peralta, Gloria.


Ugaling Pilipino Sa Makabagong Panahon 5.
Vibal Group, Inc., 2016.

SLM- Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

You might also like