Professional Documents
Culture Documents
C Pagsasalingwika Modyul3 v1
C Pagsasalingwika Modyul3 v1
GENERAL EDUCATION
PAGSASALING-WIKA
GEE 101
MODYUL 3:
PAGSASALING-WIKA:
SINING O AGHAM?
Oryentasyon sa Kurso
Sa Mag-aaral:
Bilang mag-aaral na may kamalayan sa bansa, mahalagang maintindihan kung paanong ang ating
pang araw-araw na gawi ay nagkakaroon ng implikasyon sa kasanayan sa pagsasalin at pag-unawa ng
mga ideya. Mabubuksan rin sa araling ito ang iyong puso upang higit na mapahalagahan ang ating
sariling wika at maunawaan ang kahalagahan ng karunungan sa pagsasalin sa pag-unawa ng nilalaman
ng mga teksto.
Impormasyon sa Kurso
Pamagat ng Kurso : Pagsasaling-wika
Programa : Kolehiyo
Kowd ng Kurso : GEE101
Bilang ng Yunit : 3 na Yunit
Mga Kinakailangan (Pre-requisite/s): -
Impormasyon ng Guro
Pangalan : Antonette V. Tabungar
Detalye sa Pakikipag-ugnayan:
Teleponong Selyular : 09122146532
Adres ng E-mail : tabungarantonette1997@heroes1979.edu.ph
B H C _ P A G S A S A L I N G W I K A _ M O D Y U L 3 P a g e 3 | 10
Deskripsyon ng Kurso:
Sumasaklaw ang kursong ito sap ag-aaral ng mga teoya, simulain at teknik sa pagsasalin ng mga
tekstong literari at di literari. Layunin nitong mapalutang ang kaisipan na ang Filipino ay isang unikong
wika na may kakanyahang naiiba sa ibang wika. Magkaroon ang mambabasa ng pandaigdig na pananaw
sa larangan ng pagsasaling-wika. Malikhaing paggamit ng wika sa proseso ng pagsasalin upang mapag-
ibayo ang pag-unlad ng wika
Iskedyul ng Kurso
Linggo Paksa
B H C _ P A G S A S A L I N G W I K A _ M O D Y U L 3 P a g e 4 | 10
Linggo 4 Pagsasaling-Wika: Sining o Agham
Sanggunian
B H C _ P A G S A S A L I N G W I K A _ M O D Y U L 3 P a g e 5 | 10
ARALIN: PAGSASALING-WIKA: SINING O AGHAM
Bago natin talakayin ang paksang ito, mahalagang mabigyang linaw muna kung ano ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng sining at ng agham. Suriin natin ang pagpapakahulugan ni Webster
tungkol sa mga ito at subuking ipaliwanag sa simpleng paraan, Ayon kay Webster;
Batay sa sinipi na kahulugan, ano ang masasabi nating pagkakatulad ng sining at agham? Hindi
ba ang mga ito'y parehong nangangailangan ng “skill,” ng kahusayan, ng karunungan? Ano naman ang
pagkakaiba?
Ang sining ay nakatuon sa mga bagay na estetiko, sa kagandahan na resulta ng malikhaing
imahinasyon, samantalang ang agham ay nakatuon sa sistematisasyon o pagsasaayos ng karunungan ng
prinsipyo o pamamaraan na resulta ng sistematikong proseso ng pagmamasid, pag-aaral at
eksperimentasyon. Sinasabi nating “sining ng pagpipinta, sining ng paglilok o estruktura.” At sinasabi
rin nating “agham ng musika, agham ng teolohiya” hindi sining ng musika, sining ng teolohiya.
B H C _ P A G S A S A L I N G W I K A _ M O D Y U L 3 P a g e 6 | 10
Sa araling ito, ang pokus ay tuklasin kung; Ano nga ba ang pagsasaling-wika: ito ba ay sining o
agham? Ang totoo ay nahahati ang pananaw ng mga dalubhasa sa pagsasaling-wika sa bagay na ito.
May naniniwalang ang pagsasaling wika ay sining; may naniniwala namang ito'y isang agham.
Makikita mula sa pamagat ng mga aklat ng mga kilalang awtor tungkol sa pagsasaling-wika na
makikita na ang katotohanan ng nagkakaibang paniniwala; “Toward a Science of Translating” ni Eugene
A Nida at “Art of Translation” ni Theodore Savory. Suriin natin ang ilang bahagi ng kanilang aklat na
tumatalakay sa pagsasaling-wika.
"Is translating... an art or a science? Ayon kay Nida, “through no one will deny the artistic elements in
good translating, linguists and phiologists are becoming increasingly aware that the process of
translation are amenable to rigorous description.”
Mababakas mula rito na kapag tinignan ang agham ng pagsasaling-wika (science of translating),
hindi natin maiiwasang mapasuong sa aspeto ng paglalarawan. Kung ang linggwistika, aniya, ay
mauuring “descriptive science” ang paglilipat ng mensahe mula sa isang wika tungo sa ibang wika ay
maaari ding ituring na isang siyentipiko o makaagham na paglalarawan.
Ayon din sa kanya ang isang taong nagpipilit na ang pagsasaling- wika ay isang sining at wala
nang iba pa ay maaaring nagiging paimbabaw lamang sa kanyang pagsusuri sa kanyang ginagawa. Hindi
siya lumalalim nang husto upang malimi niya ang mga makaagham na aspeto ng pagsasalin na
kalimitang nakatago sa ilalim ng lantad na mga simulain at prinsipyo.
Gayunpaman, tinanggap din niya na ang katotohanan na ang isang taong yumayakap naman sa
paniniwalang ang pagsasaling-wika ay isang agham at wala nang iba pa ay hindi marahil napag-aralan
ng husto ang kanyang ginagawa upang mapahalagahan ang makasining na aspeto ng pagsasalin — isang
di dapat mawalang sangkap sa isang mabuting salin, lalo na sa mga obrang pampanitikan.
The contention that translation is an art will be admitted without hesitation by all who have had much
experience of the work of translating; there may be others who will not so readily agree (but) a sound
method is to compare the task of translating in all its forms with the universally acknowledged arts of
painting and drawing. They will be found to be parallel, step by step.
B H C _ P A G S A S A L I N G W I K A _ M O D Y U L 3 P a g e 7 | 10
Batay sa kaniyang pagpapaliwanag, sa pagpipinta, ang maling kulay o laki ng isang guhit ay
katumbas ng isang maling salita sa pagsasaling-wika; na ang pagkakamali sa dimensyon, sukat o
proporsyon ng alinmang nahagi ng larawan ay katumbas ng pagkakamali sa pagbibigay-kahulugan sa
tunay na diwa ng isang parirala.
Kapag ang isang tula, ayon sa kanya, ay isinalin ng isang karaniwang tagapagsalin sa paraang
tuluyan, katulad lamang ito ng sketch ng isang patakbuhing pintor na isang na hindi naging matapat sa
orihinal na larawan.
Ang diwa ng tula ay naroon din sa saling tuluyan at ang tanawin sa sketch katulad din ng nasa
orihinal subalit sa saling tuluyan ay masasabing nawala na ang “musika” na nadarama ng mambabasa sa
orihinal na tula. Gayundin naman, sa sketch ng pintor ay namodipika na rin ang “buhay” na pumipintig
sa orihinal balarawan; na kung may kulay ang orihinal, ang sketch ay naging black and white.
Gayunpaman, ang bihasang tagapagsalin ay maaaring makagawa ng isang saling tuluyan nang
hindi nawawalang lubusan ang himig o musika ng orihinal, tulad din naman ng isang bihasang pintor na
nabibigyang-buhay pa rin ang kanyang kinokopyang larawan kahit iba ang kanyang mga gamit at
pamamaraan.
Ang pagsasaling-wika ay sining at bilang sining ito ay hindi madaling gawin. Subalit isang
katotohanang kahit mahirap na Gawain ang magsalin, ang isang tagapagsalin ay lagging nakukubli sa
anino ng awtor; hindi napapansin. Ito marahil ang dahilan kung bakit lagi na lang nakakabit sa kanyang
pangalan ang paniniwala na siya'y tagapagsalin lamang ng isang mangangatha na siyang dapat pag
-ukulan ng anomang pagkilala o pagkadakila. Kung mahusay ang pagkakasalin, hindi na napapnsin ang
tagapagsalin at ang pinupuri ng mambabasa ay ang awtor, kung pangit, ang pinipintasan ay ang
tagapagsalin.
Gaya ng nabanggit na, ang mga may sapat na karanasan lamang sa pagsasaling-wika ang
makapagsasabing ito'y hindi biro-birong gawain. Narito ang sabi ni Savory tungkol dito:
The translator's task is much harder than that of the original author, When the latter seeks a word with
which to express a thought or describe an experience, he has available many words in his language, and
can without great difficulty or delay choose the one that suits him best and pleases him most. The
translator of the word thus chosen has to decide on the nearest equivalent, taking into consideration the
B H C _ P A G S A S A L I N G W I K A _ M O D Y U L 3 P a g e 8 | 10
probable thoughts of the author's readers and of his own readers, and the period of history in which the
author lived.
Ipaliwanag natin sa Filipino ang sinipi nating pahayag ni Savory sa itaas na ang gawain
ngtagapagsaling-wika ay higit na mahirap kaysa gawain ng manunulat. Ang isang manunulat, aniya, ay
may lubos na kalayaang pumili ng mga salitang gagamitin upang ipahayag ang diwang ibig niyang
isatitik. Samantala, ang isang tagapagsalin ay masasabing “nakatali” sa kahulugan ng bawat salitang
napili ng awtor. Kailangang maging maingat ang tagapagsalin sa pagbibigay ng katumbas na salitang
magiging angkop na angkop o kung hindi man ay magiging malapit na malapit ang kahulugan
pagkatapos timbang-timbangin at muni-muniin ang tunay na ibig ipahayag ng awtor. Dapat pa ring
isaalang-alang ng tagapagsdin ang magiging damdamin ng mambabasang babasa ng orihinal na katha ng
awtor sapagkat kung ano sana ang magiging damdamin ng mambabasa ng orihinal ay siya ring dapat
maging damdamin ng babasa ng salin.
Anupat sa tuwi-tuwina'y nagsasagawa ang isang tagapagsalin ng pagpapasya kung anong salita
ang gagamiting panumbas, kung aling salita sa malalapit na kahulugan nito ang dapat piliin upang
maisalin nang maayos ang diwa ng orihinal, Ang ganitong pagpapasya ay hindi niya namamalayang
nakukulayan sa maraming pagkakataon ng kanyang personalidad, karanasan, panlasa, at iba pa.
Tungkulin ng tagapagsalin na ihatid niya sa mambabasa ang diwang ibigay ipahayag ng awtor sa
pamamagitang ng paggamit ng angkop na mga salita at estilo o paraan ng paglalahad. Sa mga likhang
pampanitikan, kung ang awtor ay naging tahas, matipid, maingat, masaya o malungkot, dalus dalos, o
kaya'y maligoy sa kanyang pagpapahayag, kinakailangang ang salin ay magtaglay din ng alinman sa
nabanggit na mga katangian ng awtor.
Anupa't kung babalikan natin ang tanong na kung ano ang pagsasaling- wika (sining o agham?),
B H C _ P A G S A S A L I N G W I K A _ M O D Y U L 3 P a g e 9 | 10
alinman ang kilingan ng mambabasa o mag-aaral sa dalawa, ay hindi kasinghalaga ng mga simulain sa
pagsasaling-wika, ang mahalaga sa lahat ay ang mga kaisipang mapapa-mag-aaral tungkol sa isyungito
upang makatulong sa pagsasagawa ng salin na maituturing na may kasiningan o kaaghaman.
B H C _ P A G S A S A L I N G W I K A _ M O D Y U L 3 P a g e 10 | 10