Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02
Division of Tuguegarao City

SUMMATIVE TEST
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
SY 2021-2022

Maramihang Pagpipili
Panuto: Unawaing mabuti ang bawat pangungusap at isulat ang letra ng pinakaangkop na sagot sa inyong
sagutang papel .
1. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang panlahat. Alin sa
sumusunod ang tunay na diwa nito, maliban sa isa.
A. Protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan.
B. Ingatan ang interes ng marami.
C. Itaguyod ang karapatang – pantao.
D. Kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan.
2. Ang mga sumusunod ay paglalarawan ng karapatan maliban sa:
A. Ang karapatan ay likas na ipinagkaloob sa tao upang marating niya ang kaganapan sa kanyang
pagkatao.
B. Ang karapatan ay pagsasaalang-alang sa sariling dangal, ng pangkat, pamayanan at
sangkatauhan.
C. Ang karapatan ay may pangunahing tungkulin para sa pagtingin sa sarili at pangangalaga ng
sariling dangal.
D. Ang mga karapatan ay ginagamit ng tao upang mapaunlad at mapaayos ang lipunan at bansa.
3. Alin sa sumusunod ang hindi umaayon sa Likas na Batas Moral?
A. Pagkaltas ng SSS, Pag-ibig at buwis sa mga manggagawa ng walang konsultasyon.
B. Pagmumungkahi sa mga ina na regular na magpatingin sa malapit na center sa kanilang lugar
C. Pagtuturo sa mga bata ng tamang pangangalaga sa sarili
D. Paghikayat sa mga tao na magsimba sa araw ng Linggo.
4. Paano naibibigay ng proteksiyon sa tao ang prinsipyong “First Do No Harm” sa mga medikal na
doctor?
A. Gawin lagi ang tama.
B. Anuman ang kalagayan ng isang tao, huwag tayong mananakit.
C. Gamutin ang sariling sakit bago ang iba.
D. Ingatan na huwag saktan ang tao.
5. Paano sinikap ng ating estado na iangkop ang kultura bilang pagkilala sa karapatang pantao ng bawat
mamamayan?
A. Sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyn kalakip ng mga karapatan at proteksiyon ng
mamamayan.
B. Sa pamamagitan ng paglikha ng maraming mga batas.
C. Sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming imprastraktura senyales ng pag-unlad ng ekonomiya ng
bansa.
D. Sa pamamagitan ng pagtatatag ng iba’t ibang samahan na sasagot sa pangangailangan ng bawat
mamamayan.
6. Ang tama ay pagsunod ng mabuti. Ito ay totoo dahil _________________.
A. Umaayon sa lahat ng panahon at pagkakataon.
B. Mula sa sariling pag-alam at pakiramdam.
C. Angkop sa pangangailangan at kakayahan.
D. Para sa ikabubuti ng lahat at hindi ng iilan lamang.

7. Bakit mahalagang malaman ang mga karapatan at mga katapat nitong pananagutan?
A. Kung may paggalang sa dignidad at karapatan, magiging dahilan ito ng kaayusan ng buhay.
B. Upang ang mamamayan ay maunawaang mayroon siyang mga tungkulin sa lipunang kanyang
kinalalagyan.
C. Ang pananagutan ay nagbibigay ng katiyakan na hindi aabusuhin ang mga karapatang
ipinagkaloob sa bawat isa.
D. Ang mga karapatang ito ay dapat matamasa at makamtan ng isang tao saanman at anuman ang
uri ng
E. lipunang kanyang kinabibilangan.
8. Ang sumusunod ay paglalarawan tungkol sa paggawa maliban sa isa.
A. Anumang gawaing makatao ay nararapat sa tao bilang anak ng Diyos.
B. Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kanyang kapwa.
C. Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa.
D. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa, at pagkamalikhain.
9. Paano mailalarawan ang isang taong buo ang pagkatao?
A. May pagsaklolo sa iba. B. Pagiging matulungin sa kapwa.
C. Pagkampi sa tao. D. Tunay ang pagsunod sa utos ng Diyos.
10. Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kanyang kapwa?
A. Karapatan B. Isip at Kilos-loob C. Kalayaan D. Dignidad
11. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin ang isang gawain. Alin sa
sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
A. Nakasalalay ang tungkulin sa isip.
B. Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral.
C. Ang moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan.
D. May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng mga tungkulin.
12. Bakit mahalaga ang batas sa lipunan?
A. Ang isang bansang may pagpapahalaga sa katarungan ay mayroon ding makatarungang mga
batas.
B. Ang batas ay gabay ng tao sa kanyang kilos at gawain tungo sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
C. Tinutukoy ng batas ang mga gawaing dapat na isakatuparan o sundin ng tao at mga gawaing
dapat na iwasan.
D. Ang pananagutan ay nagbibigay ng katiyakan na hindi aabusuhin ang mga karapatang
ipinagkaloob sa bawat isa.
13. Alin sa sumusunod sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na gumagawa maliban sa isa.
A. Si Mang Joel ay matagal nang karpintero, nakilala na siya sa kanilang komunidad dahil sa
kanyang pulidong trabaho. Hindi lamang siya umaasa sa disenyo ng arkitekto o inhinyero kundi
nagbibigay din siya ng mungkahi sa mga ito kung paano mas mapatitibay at mapagaganda ang
pagkakagawa ng isang bahay.
B. Si Henry ay isang kilalalang pintor. Ang kanyang panahon ay kanyang inilalaan sa loob ng isang
silid para sa buong maghapong pagtatapos ng isang obra.
C. Si Renato ay isang batang nagpupunta sa mga bahay upang kumolekta ng mga basura. Umaasa
lamang siya sa kaunting barya na ibibigay ng kanyang mga kapitbahay upang may maipambaon
sa paaralan dahil gusto niyang makatapos.
D. Mula pagkabata, si Anthony ay napilitang tumira sa isang malaking pabrika bilang trabahador.
Iniwan na siya ng kanyang mga magulan sa lugar na ito dahil mayroon siyang naiwang utang at
hindi nabayaran. Bilang kapalit, si Anthony ay magtatrabaho rito ng ilang taon..

14. Ang karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
A. Hindi maaaring pwersahin ng tao ang kanyang kapwa na ibigay sa kanya nang sapilitan ang mga
bagay na kailangan niya sa buhay.
B. Hindi ito maaapektuhan ang buhay – pamayanan.
C. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kanyang kapwa na igalang ito.
D. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos.
15. Ang tungkulin na ipinakita ng tauhan?
A. Karapatan sa Pribadong Ari-arian C. Karapatang gumala o pumunta sa ibang lugar
B. Karapatan sa Buhay D. Karapatang maghanapbuhay
16. Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao paggawa ng pag-unlad ng agham at
teknolohiya?
A. Hindi magkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kanyang pagkamalikhain.
B. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao.
C. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto.
D. Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.

17. Sino sa sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa pamamagitan
ng kanilang paggawa?
A. Si Antonio na gumagawa ng mga muwebles na yari sa rattan at buli ay nilalapatan ng modernong
disenyo.
B. Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa material na tanging sa bansa nakikita at
inilalapat sa yari ng mga damit ng mga banyaga.
C. Si Romeo na nag-eexport ng mga produktong gawa sa mga kalapit na bansa.
D. Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na
inilalahok sa mga timpalak sa buong mundo.
18. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kanilang pamilya, sa lipunan na
kanyang kinabibilangan at sa bansa. Ito ay nangangahulugang:
A. Hindi nararapat na isipin ng tao ang kaniyang sarili sa kanyang paggawa.
B. Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kanyang kapwa.
C. Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa
kapwa.
D. Lahat ng nabanggit.
19. Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pag-aaral upang umangat ang karera at
maitaas ang antas ng pamumuhay?
A. Karapatan sa Buhay C. Karapatang maghanapbuhay
B. Karapatan sa pribadong ari-arian D. Karapatang pumunta sa ibang lugar
20. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang panlahat. Alin sa
sumusunod ang tunay na diwa nito, maliban sa isa.
E. Protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan.
F. Ingatan ang interes ng marami.
G. Itaguyod ang karapatang – pantao.
H. Kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan.
TEST III
Pagtutukoy. Punan ang patlang kung ano ang isinasaad ng bawat katanungan. 2 Points each
21-22.__________________. Ayon sa kanyang akda na Laborem Exrcens na ang paggawa ay anomang
Gawain pangkaisipan man ito o manwal,nararapat sa tao bilang anak ng Diyos.
23-24 __________________. Kelan itinatag ang Universal Declaration of Human Rights?
25-26 __________________. Ayon sa kanya ang pagkatao ng isang tao ay pagiging sino ng tao, paglikha
bukod sa tanging sarili.
27-28 __________________. Ito ay isang uri ng pakikilahok na kung saan hindi magiging matagumpay
ang anumang Gawain kung hindi kikilos ang lahat
29-30__________________. Ito ay pagbibigay ng sarili na hindi naghahangad ng kapalit

Prepared by: Checked by:

DENNY S. LUCERO MARILOU D. DESIDERIO


TIII Head Teacher III, EsP Department

LARRY A. SARIO
TI

LAILANI B. CALLING
TI

You might also like