Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

QUIRINO STATE UNIVERSITY

DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

Talaan ng Nilalaman
Paunang Salita
Layunin ng Modyul ---------------------------------------- 3-5 Introduksyon

Kabanata I-
Kalikasan at Simulain ng ---------------------------------------- 6-9
Masining na Pagpapahayag

Panimula
Kasaysayan ng Retorika
Mga item ng Mabisang Pagpapahayag
Tatlong Antas ng Estilo (Quintilian)
Sangkap ng Retorika
Katangian ng Retorika Bilang Isang
Sining
Gampanin ng Retorika
Saklaw ng Retorika

Kabanata II- Ang Balarila at Retorika


---------------------------------------- 10-20
Pagbuo ng Pangungusap
Mga Uri ng Matatalinghagang
Pahayag
Tayutay
Ang Kalikasan at Simulain ng Estilo

VISION MISSION

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and prime Develop competent and morally upright professionals and generate
appropriate catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province and knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province and
Southern
Southern Cagayan Valley. Cagayan Valley. 1

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education
The leading center for academic and technological excellence and prime Develop competent and morally upright professionals and generate
appropriate catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province and knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern
Southern Cagayan Valley. Cagayan Valley. 2

LAYUNIN NG MODYUL

Mahalaga ang pagkakaroon ng resulta o output sa asignaturang ito. Kaya narito


ang mga layunin na dapat mong makuha at maipamalas bilang isang magaaral sa
katapusan ng programang ito:

a. Nakakukuha ang mga kaalaman at kasanayan sa masining na


pagpapahayag.
b. Nakatutukoy sa iba’t ibang uri ng pagpapahayag at ang mga
kahalagahan nito.
c. Nailalapat ang mga kaalaman, kakayahan at pamamaraan sa
pamamagitan ng paggawa ng mga pangungusap gamit ang mga wastong
gramatika sa loob ng pangungusap.
d. Nakagagagawa ng sariling akda na naglalaman ng mga masining na
pagpapahayag.
e. Naipamamalas ang kakayahan at kasanayan sa pagpapahayag sa
pamamagitan ng isang talumpati o/at sa mga gawaing may kaugnayang
berbal. f. Nagagamit ang konsepto ng retorika sa larangan ng komunikasyon
sa pangaraw-araw na pamumuhay at sa trabaho.
g. Nailalapat ang kasanyan at kakayahan sa paggawa ng mga korespondisya
opisyal at sa pglikha ng mga akdang pampanatikan.

Iilan lamang ang mga ito sa resultang maipamamalas mo sa katapusan ng modyul


na ito. Ang ibang mga resulta ay maaari mong makamtan na wala na sa mga
nabanggit na mga layunin sa itaas. Maaaring makamit mo ang mga ito sa sarili
mong kaparaanan o di kaya ay sa pang-araw-araw mong gawain sa bahay o sa
trabaho. Gamitin lamang ang mga dati mong kaalaman at ang mga impormasyon
na maaaring mong makuha sa pamamagitan ng internet.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and prime Develop competent and morally upright professionals and generate
appropriate catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province and knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province and
Southern
Southern Cagayan Valley. Cagayan Valley. 2

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

Personal na Impormasyon

Pangalan: _______________________________________ ID Number: ______________


Kurso at Antas: ________________________________ CP number:______________
Email Address: _______________________________________ Course Outline Link:
https://drive.google.com/file/d/17tOXa-A8DSfgCOGiO1WZ_ce4auaqUrZq/view?usp=sharing

INTRODUKSYON

Ang modyul na ito ay magpapakita ng masining na pagpapahayag na nakaugnay sa


retorika. Hindi mailalayo ang retorika sa pasulat at pasalita mang diskurso. Nasasalat sa
masining na pagpapahayag ang tungkulin ng retorika – bilang isang agham at bilang isang
sining. Isa itong agham sapagkat may sinusunod na mga tiyak na tuntuning itinakda ng
balarila; at isang sining, sapagkat bukod sa mga aspektong pambalarila, isinasaalang-alang
nito ang estilo, himig o tono, at mga piling salita, para sa maganda at epektibong
pagpapahayag upang maging ganap na retorikal ang iyong sasabihin o susulatin.

MGA TIYAK NA LAYUNIN


Inaasahang pagkatapos ng modyul 1, magagawa mo nang:
1. Matukoy ang mga katangian ng epektibo at masining na pagpapahayag;
2. Mapaghambing ang pagkakaiba ng pormal at di-pormal na pagsulat
3. Masabi ang kaugnayan ng wika sa isipan at damdamin;
4. Matukoy ang mga pagkakataong nangangailangan ng pasalita at pasulat na
diskurso; at
5. Makapagbigay ng reaksyon sa mga tinalakay na paksa.
NILALAMAN

Ang Epektibo at Masining na Pagpapahayag

Sining ng epektibo at masining na pagpapahayag ang retorika. Nakaugnay ito sa maraming


sangkap ng pagsulat, pananalita, himig, estruktura, at kalinawan ng pagpapahayag.
Isinasaalang-alang nito ang tamang gamit ng wika, kaya saklaw rin ang mga tuntunin ng
VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and prime Develop competent and morally upright professionals and generate
appropriate catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province and knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province and
Southern
Southern Cagayan Valley. Cagayan Valley. 3

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education
balarila. Hindi kinaliligtaan ng retorika ang balarila sa mga aspektong may kinalaman sa
wastong gamit, kabuuan, kaanyuan, at leksikograpiya. Magkalangkap ang dalawa sa
paglinang ng iba’t ibang kasanayan – sa pasalita at pasulat, kailangang may kontrol sa
wastong paggamit ng wika ng epektibong salita.

Masusukat kung mabisa o epektibo ang pagpapahayag kung nakapaghatid ito ng


maliwanag na impormasyon, nakapagpahayag ng makabuluhang ideya, at nakapagkintal
ng mga kaalaman sa isipan ng mambabasa o tagapakinig. Masusukat kung masining ang
pagpapahayag kung ang mga salitang ginamit ay nagsaalang-alang sa himig o tono, sa
ritmo, at sa talinghaga.
Tandaang masining at mabisa ang pahayag kung nakapupukaw at nakapagpapasidhi ng
isipan, kung nakaaantig ng damdamin, at kung nakatutulong ang iba’t ibang estruktura sa
masining, maganda, at malinaw na pagpapahayag (Bisa 1992)
May mga batayang simulain o prinsipyong kailangan para sa mahusay na pagsulat.
Ito ay ang mga sumusunod:
1. Katapatan – maging matapat; huwag tangkaing baguhin ang iyong mga ideya.
2. Kalinawan – huwag lituhin ang iyong mambabasa.
3. Katiyakan o katipiran sa pagsasabi – maging tiyak at matipid sa sasabihin: huwag
sayangin ang panahon ng iyong mambabasa.
4. Pagkakaiba-iba ng paraan – magsikap na mapagiba-iba ang paraan ng
pagpapahayag; pag-iba-ibahin ang haba ng mga pangungusap; subuking
mapasigla ang paraan.

Puntahan ang inyong pagsusulit sagutan lamang ng 50 minuto Dayagnostik


test:
https://drive.google.com/file/d/1tWFF0bwVIz60poLeTOLcl__oW2uHD0m7/view?usp=sharing

LAYUNIN:

1. Matalakay ang kahulugan ng retorika, mabisang pagpapahayag at mga salik sa


pagbuo ng isang sulatin/ komposisyon.
2. Maiuugnay ang balarila sa retorika.
3. Magagamit ang mga matatalinhagang salita sa pagpapahayag ng damdamin.

KALIKASAN AT SIMULAIN NG MASINING NA PAGPAPAHAYAG


Panimula
1
“No man is an island”, isang karaniwang kasabihan na madalas na nating naririnig. Nabubuhay ang
tawag dahil sa kaniyang pakikipagugnayan at pakikipagsalamuha sa ibang. Nagkakaroon din ng
kumpiyansa sa sarili kapag nagkakaroon ng tinatawag na “approval” o pagtugon sa ibang tao. Sa
isang karaniwang kumbersasyon ay nagtataglay ito ng isang pagpapahayag na mas mataas kaysa sa
karaniwan pag-uusap. Sa paraang paggamit ng katawan, kumpas ng kamay, tono ng pagsasalita at
ang damdaming ipinapakita sa kausap ay patunay na sa buong buhay natin, umiiral ang tinatawag
na retorika.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and prime Develop competent and morally upright professionals and generate
appropriate catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province and knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province and
Southern
Southern Cagayan Valley. Cagayan Valley. 4

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education
Sa pagpapakahulugan ng retorika, ito ay isang paraan ng pangungumbinse o panghihikayat. Saan
ba natin ito napapansin? Saan ba nailalapat ang paraang panghihikayat? Sa tingin mo, saan kaya?
Sa modernisasyon ng panahon ngayon ay kahit nasa malayo ang kausap ay naipaparating pa rin
ang mensahe sa pamamagitan ng teknolohiya. Nagagamit ang tinatawag na voicecall at videocall sa
pamamagitan ng Facetime, Messenger, Skype at iba pa. Ayon pa sa estadistika, nakapagsasalita ang
isang normal nab tao ng mahigit kumulang 15,000 na salita sa loob lamang ng isang araw kaya
talagang kaakibat na ng tao ang komunikasyon at pakikipahalubilo tungo sa iba’t-ibang
pagpapahayag.
Gayunpaman kaakibat na rin ng tao ang kasanayang pagsasalita upang mabuhay dito sa mundo,
pormal na kumbersasyon man o hindi. Malaking biyaya na rin ito para sa atin upang magkaroon rin
ng halaga ang ating pagka-iral, ang pagkakaroon ng utak at bibig upang maihatid ang ninanais
nating sabihin sa sarili maging sa kausap.

KASAYSAYAN NG RETORIKA

Noong 510 BCE ay sadyang napakahalga ang kasanayan sa pagtatalumpati sa mga taong tinatawag
na Athens. Mayroong mga pangkat ng mga guro at pilosopong sa kanilang panahon na tinatawag na
Sophists na nagsikap na gawing mahusay at masining na tagapagsalita ang kanilang mga
mamamayan. Dito na nagsimula ang salitang Retorika.
Isinulong ni Corax ng Syracuse ang retorika bilang agham at binigyan ng kahulugan bilang isang
paraan ng panghihikayat na may kaugnayan sa damdamin. Iba naman ang pagpapakuhulugan ni
Socrates patungkol sa retorika, sinabi niya na ang retorika ay isang sining na pag-aaral ng isang
kultura, isang pilosopiya na may layunin.
Nagdagdag naman ng sariling pilosopiya si Aristotle, batay sa kaniya ay hindi lamang ito sa paraang
panghihikayat kundi maging sa pag-alam sa lahat ng paraan ng pangungumbinse. Narito ang tatlong
paraan ng paghikayat na ayon kay Aristotle:

Ang Ethos ay naiimpluwensiyahan ng katangian ng tagapagsalita ang paniniwala ng mga


tagapakinig habang ang Pathos naman ay ang pag-uugnay sa damdamin at emosyon ng tagapakinig
at ang panghuli ay ang Logos na may kaugnayan naman sa isip o lohika.
Mas binigyang-tuon ni Aristotle ang pagbuo ng argumentong pag-uugnay sa isip bilang paghikayat
sa mga tagapakinig para sa katotohanan sa halip na iugnay ito sa kanilang damdamin. Kaya sa
ganitong kalagayan ay naging mahirap ang pagtiyak ni Aristotle sa retorika bilang lohika o paggamit
ng logos.
Pinaliwanag rin ni Aristotle ang tatlong uri ng retorika na ginamit noon sa oratory. Ang judicial na
ang salin ay forensic, deliberative na ikinokonsiderang pambatasan, at epideictic na itinuturing na
pangseremonya o panuro.
Ang judicial ay isang paraan ng pagsabi o pagsulat na isinaalangalang ang hustisya sa isang
partikular na kaso o paratang. Sa kasalukuyan, ang judicial na diskurso ay pangunahing nagagamit
ng mga abogado sa pagkakaroon ng karampatang paghusga na nakalaan naman sa hukom o
hurado.
Ang deliberative naman ay ang pagtatangkang hikayatin ang mga tao upang sumangayon
at gumawa ng isang aksyon. Dito rin naiuuri ang mga pulitikang pananalita at ang debate
kagaya sa mga kaganapan tuwing halalan kasama na rin ang pagbibigay nila ng kanilang
plataporma.
Ang Epedeictic naman ay isang uri ng retorika ng pagpaparangal (encomium) o isang
pagsisi (invective). Tinatawag rin itong pangseremonyal na diskurso. Ang retorikang
epideictic ay kasama sa eulohiya (mensahe para sa patay), obituaryo, graduation at
retirement na talumpati, isang liham ng rekomendasyon at mga pampulitikang pagtitipon.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and prime Develop competent and morally upright professionals and generate
appropriate catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province and knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province and
Southern
Southern Cagayan Valley. Cagayan Valley. 5

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education
Sa mas malawang pagpapakahulugan, ang retorikang epdeictic ay naisasama rin sa sa mga
akdang pamapanitikan.
Ang mga panibagong pag-aaral sa retorika ay nagbigay-daan sa pagpapabagong-anyo nito.
Ayon sa mga iskolar ay limitado ang klasikong anyo ng retorika. Nakabatay lamang iyon sa
paghikayat para sa layuning makipagtalastasan o makapagpahayag. Dagdag pa nila na na
isaalang-alang ang kahulugan, diwa ang dapat ipabatid sa retorika lalo pa’t nakadepende
ang ikatatagumpay nito kung babaliktarin ang proseso.
Binuksan ng mga bagong pag-aaral ang pinto ng kontemporaryong retorikang ginagamit sa
iba’t ibang larangan tulad ng humanidades, agham, pamamahayag/peryodismo,
kasaysayan, panitikan, akademiko at iba pa na nagkaroon ng dagdag-bihis sa retorika sa
diskursong pasulat at pasalita.
TATLONG ANTAS NG ESTILO (QUINTILIAN)
1. Ang estilong payak- ginagamit sa
pagbibigay panuto sa mga tagapakinig.
2. Ang estilong midyal- ginagamit sa
pagkikilos ng mga tagapakinig.
3. Ang estilong mataas- ginagamit upang
mapaglubog p maplease ang tagapakinig
MGA SANGKAP NG RETORIKA
1. Ang kaisipang gustong ipahayag.
2. Ang pagbuo o Organisasyon.
3. Ang estilo ng pagpapahayag
ESTILO
• Ito ay isa sa limang tradisyonal na kahingian ng
retorikang klasikal.
• Ang pinakamatatg na bahagi sa pagsulat (Ricahard
Nordquist)
• Mula sa salitang latin na stylus, isang bagay na
matulis na ginagamit sa pagsulat (200).
• Ang estilo ng manunulat ay nararapat na kanyang
larawang-diwa, subalit ang pili at kapangyarihan ng
wikang kanyang gamit ang bunga ng kanyang
panunulat (Edwad Gibbon).
• Ang estilo ay kasuotan ng kanyang naiisip (Lord
Chesterfield)
• Nagpapatumpak ng punto de vista (Ricahrd
Eberhart)
• Ang estilo ay pagkilala sa totoo mong pagkatao.
(Gore Vidal)
Bilang pagpapatibay, ang retorika ay masining na
pagpapahayag na may epektibong paggamit sa wika sa mga diskursong pasulat o
pasalita. Sukatan ng pagiging epektibo nito ang maitawid ang tunay na kahulugan
ng pahayag at mahikayat na maniwala ang mga tagapakinig o mambabasa.

Mga item ng Mabisang Pagpapahayag

Kaisahan

Pagkakaugnay o
VISION kohirens MISSION
The leading center for academic and technological excellence and prime Develop competent and morally upright professionals and generate
appropriate catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province and knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province and
Diin o emphasis
Southern
Southern Cagayan Valley. Cagayan Valley. 6
Paggawa ng
“Molding Minds, Shaping Future”
Balangkas
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

SANGKAP NG RETORIKA

1. Ang kaisipang nais ipahayag


Ito ang dahilan ng isang tao kung bakit gusto niyang magpahayag lalo na kapag ang
diwang ito ay napakahalaga at kinakailangang maipaabot sa mga tao.
2. Ang pagkasunod-sunod ng diwa
Hindi epektibo ang isang pahayag kapag maligoy ito at walang kaayusan. Sa pagbuo ng
isang diwa ay makatutulong ang paggamit ng mga akmang salita, bantas, maging ang
pagbuo ng mga pangungusap na madaling maintindihan ng tagapakinig o mambabasa.
Bawat talata ay kailangang may kaugnayan sa isa’t isa upang makuha ang diwa o
pagpapakahulugan ng pahayag. 3. Ang estilo ng pagpapahayag
Maraming mga dalubhasa ang mas nakatuon sa ikatlong sangkap na may kinalaman sa
estilo. Hindi lamang nakasalalay sa para-paraan ng pagpapahayag, hindi lamang sa
kawastuhan sa balarila, kundi maging sa pampanitikan. Maraming mga manunulat ang
nagkakaroon ng kani-kanilang pagsulat sa kadahilanang magkaroon ng tinatawag na
trademark at madaling makilala batay sa kanilang estilong ginamit.

KATANGIAN NG RETORIKA BILANG ISANG SINING


Ang katangian ang nabibigay-turing sa isang pahayag upang maging kaakit-akit ito para sa
mga tagapakinig at mambabasa.
1. Kooperatibong Sining
Hindi ginawa ang isang pahayag o akda sa iyong sarili o bagkus nangangailangan ito ng
ibang tao upang magkaroon ng kahalagahan at kaganapan ang ginawa. Naiiugnay rin ng
manunulat ang akda sa mga tagapakinig o mamababasa sa paraang pag-apila sa
damdamin at pagkuha ng kanilang reaksiyon.
2. Pantaong Sining
“Ang wika ay tao at ang tao ay wika”. Wika ang tanging ginagamit sa retorika, pasalita man
o pasulat. Dahil ang wika ay eksklusibong para sa tao kaya nagiging ekslusibo rin ang
sining ng tao para sa kapwa-tao.
3. Temporal na Sining
Nakukuha ang atensyon ng mga tagapakinig/mambabasa kapag nagagamit ang mga
salitang naaayon sa panahon. Mas nagiging epektibo kapag kadalasan ay nagagamit ang
mga salitang kolokyal at balbal.
4. Hindi Limitadong Sining
Nagiging posible ang imposible. Sa masining na pahayag ay hindi nililimitahan ang mga
manunulat maging ang makikinig o babasa nito. Kaya nitong paganahin ang imahinasyon
at nang makalikha ng hindi pangkaraniwang bagay. Mas lalong kaakit-akit ito lalo pa’t bago
ito sa panlasa ng mga tao kasama ang mga bagay na hindi pa nararanasan sa isang
ordinaryong tao.
5. Isang Nasusupling na Sining
Hatid ng iba’t ibang pahayag ay mga bagong kaalaman at ideya. Napag-uugnay-ugnay rin
nito ang mga dati nating kaalaman sa bagong natutunang kaalaman para sa mga
tagapakinig o mambabasa.
6. May Kabiguang Sining
Kahit sa isang dalubhasa ay bihirang nakakamit ang perpektong gawa lalo na’t mahirap
makuha ang madaliang paraan sa pagpahayag sa kadahilanan ng wika at estilong
gagamitin. Nakasalalay ang kaganapan ng isang pahayag sa pagtukoy ng interes at
kasiningan nito para sa mga tagapakinig o mambabasa.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and prime Develop competent and morally upright professionals and generate
appropriate catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province and knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province and
Southern
Southern Cagayan Valley. Cagayan Valley. 7

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education
GAMPANIN NG RETORIKA

1. Nagbibigay daan sa komunikasyon


• Ano man an gating naiisip, nadarama ay maari nating ipahayag sa pasalita o pasulat
na mauunawan ng ibang tao.
2. Nagdidistrak
• Dahil sa ating pakikining o pagbabasa ng mga akda tayo ay nadidistrak at nadadala sa
ibang dimesyon na kung saan nakakalimutan natin ang tunay na suliranin ng ating
buhay.
3. Nagpapalawak ng pananaw
• Sa ating pakikinig o pagbasa maaaring may natututunan tayong bagong kaalaman na
mahalaga. Gaya ng nabanggit, ang retorika ay nagsusupling dahilan upang lumawak
ang pananaw natin
4. Nagbibigay ngalan
• Ang mga bagay sa paligid natin ay dumating ng walang leybel. Dahil sa retorika,
halimbawa, ang kamera ay nagging Kodak, ang toothpaste ay nagging colgate.
5. Nagbigay-kapangyarihan
• Dahil sa retorika, napakaraming tao ang naging prominente at makapangyarihan. Isa
sa mga mahuhusay na na pulitiko o mananumpalati. Si Ninoy Aquino ay isang
mahusay na peryodista noong Ikalawang pandigmaang pandaigdig. Ang matatalinong
ideya, malalalim na pananampalataya at idyolohiya na naipahayag sa pamamagitan
ng retorika ay pinagmulan din ng kapangyarihan at kalakasan.

KAHALAGAHAN NG RETORIKA
1. Nagpapayaman ng kaisipan ng sinumang bumabasa.
2. Nagsisilbing gamot sa kabagutan ng mambabasa.
3. Nakapupukaw sa kawilihan ng mambabasa.
4. Nasasalamin dito ang pagkatao ng manunulat.
5. Isang magandang gawain at ehersisyo sa utak.
6. Nakatutulong na mapaunlad ang kasanayan sa masining na pahayag.

SAKLAW NG RETORIKA
Tao. Ito ay tumutukoy sa mga lipon ng makikinig o babasa sa isinulat ng manunulat.
Mayroong likas na gampanin ang tao na nagsisilbing pundasyon ng tao upang mabuhay at
ito ay ang pagtanggap ng mga impormasyon at pagkakaroon ng reaksiyon na maaaring
mailapat sa sarili o sa lipunan.
Kabihasaan ng manunulat. Kinakailangan ito ng isang manunulat ang kasanayan upang
magkaroon ng kaganapan ang gawa. Mahirap sa isang manunulat na magkaroon ng isang
obrang maestrang sulatin kung hindi malalapatan ng sining at imahinasyon. Wika. Isa ito
sa makapangyarihang taglay ng isang tao. Sa pamamagitan nito ay kaya nitong wasakin
ang buhay ng isang tao o bigyan ng masaganang kaalaman at karunungan. Ang wika rin
ang nagbibigay ng pagkakilanlan ng isang tao dahil na rin sa kagalingan nitong gamitin sa
loob ng isang komunikasyon o sa isang sulatin.
Kultura. May malaking kinalaman ang aspektong ito sa pagpapaunlad sa isang pahayag.
Dahil anumang estilo o paraan ng pagkakaroon ng masining na pahayag ang isang
manunulat ay nagkakaroon ito ng repleksyon sa isang kultura. Kabilang ditto ang mga
paniniwala, mga tradisyon, wika at iba pa.
Pilosopiya. Ito naman ay pansiriling prinsipyo o paniniwala ng manunulat na umiiral sa
kaniyang buong katauhan. Kadalasan ay bumabatay rin ang isang manunulat sa ibang
VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and prime Develop competent and morally upright professionals and generate
appropriate catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province and knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province and
Southern
Southern Cagayan Valley. Cagayan Valley. 8

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education
pilosopiya na mapagkukunan ng mga impormasyon sa pagbuo ng isang pahayag upang
magkaroon ng makatuwirang paniniwala sa mambabasa.
Sining. Tumutukoy ito sa isang manunulat na ibahagi ang isang pahayag sa pamamagitan
ng kaniyang angking galing at talino. Mula sa paggamit ng mga salita, estilo at paksa
maging sa pagsiyasat na rin sa sarili at sa ibang kultura.

Pagsasanay:Puntahan ang link sa ibaba at i-download ang worksheet na nakahanda.


Worksheet 1 Link:
https://drive.google.com/file/d/10sgk8XnT5oSDOfvC37audPQnEDr5cKwW/view?usp=sharing
Para isumite ang gawain mangyaring ang pangalang ng file na upload ay…
Huling_Panglanan_Una_Gitna_Prelims_Worksheet_1.pdf
Ex. DELA_CRUZ_JUAN_L_PRELIMS_WORKSHEET_1.PDF
Note: The File must be in pdf format.
Submission Link: https://forms.gle/J3YdFoiFdufcJ4rv9

Evaluation
Panuto: Sagutan lamang ito 40 minuto kapag na open ang sign-in gamit ang iyong gmail.
Kapag nabuksan na ang hindi na maaring bumalik pa sapagkat automatiko itong
magsasara. Link: https://www.autoproctor.co/tests/start-test/gaBWmruhQ6

MGA SANGGUNIAN AKLAT

Abad, Marietta.(2003).Retorika.Mandaluyong City; Cacho Hermanos, Inc

Badayos, Paquito B.et.al.(2010).Masining ng Pagpapahayag; Aklat sa Filipino 3-Antas


Tersyarya.Malabon City: Mutya Publishing House Inc

Bernales, Rolando.et.al.(2009).Retorika:Ang Sining ng Pagpapahayag.Malabon City:Mutya


Publishing House Inc.

Buensuceso, Teresita S.et.al.(2005). Retorika (Filipino 3: Para sa antas tersarya).Manila:UST


Publishing House

Pangkalinawan.et.al.(2004).Filipino3 Retorikang Filipino. Valenzuela City: Mutya Publishing


House, Inc.

ONLINE

http://www.angelfire.com/journal2/retorika_filip13/
http://www.scribd.com/doc/49727685/Retorika-at-Balarila

LAYUNIN:
1. Matalakay ang kahulugan ng retorika, mabisang pagpapahayag at mga salik sa
pagbuo ng isang sulatin/ komposisyon.
2. Maiuugnay ang balarila sa retorika.
3. Magagamit ang mga matatalinhagang salita sa pagpapahayag ng damdamin.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and prime Develop competent and morally upright professionals and generate
appropriate catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province and knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province and
Southern
Southern Cagayan Valley. Cagayan Valley. 9

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

KABANATA 2.1: ANG BALARILA AT RETORIKA

2 Ano ba ang balarila?


➢ Balarila ang tawag sa agham na tumatalakay sa mga salita at sa kanilang
pagkakaugnay-ugnay. Mahalagang alam ng isang tagapagsalita at manunulat ang
mga tuntuning nakapaloob dito.

Ano ba ang retorika?


➢ Retorika naman ang tawag sa mahalagang karunungan ng pagpapahayag na
tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsasalita at pagsusulat.

Ano ang kaugnayanan ng balarila sa retorika?


➢ Hindi maaaring paghiwalayin ang retorika at balarila. Ibinibigay kasi ng balarila ang
wastong gamit ng mga salita at ipinagkakaloob naman ng retorika ang kasiningan sa
pagpapahayag.

PAGPILI NG WASTONG SALITA


Ang pagiging malinaw ng pahayag ay nakasalalay sa mga salitang gagamitin.
Kinakailangang angkop ang salita sa kaisipan at sitwasyong ipahahayag.
May mga pagkakataon na ang salitang tama naman ang kahulugan ay lihis o
hindi angkop na gamitin.

Tingnan ang mga sumusunod na halimbawa:


1. Tanaw na tanaw na namin ang maluwag na bibig ng bulkan.
2. Bagay kay Ara ang kanyang makipot na bunganga.
3. Ginanahan sa paglamon ang mga bagong dating na bisita.
4. Maarte siya sa pagkain kaya hindi siya tumataba.

1. Tanaw na tanaw na namin ang maluwag na bunganga ng bulkan.


2. Bagay kay Ara ang kanyang makipot na bibig.
3. Ginanahan sa pagkain ang mga bagong dating na bisita.
4. Mapili siya sa pagkain kaya hindi siya tumataba.

WASTONG GAMIT NG MGA SALITA

1. Kailangang taglaying ng mga pahayag ang


kawastuhang pambalarila
2. May mga salita kasi tayong ginagamit na ang
akala natin ay maaaring malayang nagkakapalitan,
ngunit hindi naman kung ibabatay natin sa
istriktong tuntuning pambalarila.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and prime Develop competent and morally upright professionals and generate
appropriate catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province and knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province and
Southern
Southern Cagayan Valley. Cagayan Valley. 10

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

Takda: Saliksikin ang mga iba pang


wastong gamit ng mga salita sa
pangungusap.

Wastong gamit ng mga Kung kalian ginagamit Magbigay ng tatlong halimbawa


salita.
1. Operahin 1. 2.
3.

2. Operehan 1. 2.
3.

3. Napakasal 1. 2.
3.

4. Nagpakasal 1. 2.
3.

5. Sila at Sina, Kina at Sila


Sila 1. 2.
3.
Sina
1. 2.
3.
Kina
1. 2.
3.
Sila
1. 2.
3.

6. Pinto at Pintuan Pinto


1. 2.
3. Pintuan
1. 2.
3.

7. Hagdan at Hagdan
Hagdanan 1.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and prime Develop competent and morally upright professionals and generate
appropriate catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province and knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province and
Southern
Southern Cagayan Valley. Cagayan Valley. 11

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education
2.
3.
Hagdanan
1. 2.
3.
8. Iwan at Iwanan Iwan
1. 2.
3.
Iwanan
1. 2.
3.

9. Sundin at Sundan Sundin


1. 2.
3.
Sundan
1. 2.
3.

10. Tungtong, Tungtong


Tuntongan at Tunton 1. 2.
3.
Tuntongan
1. 2.
3.
Tunton
1. 2.
3.

11. Dahil sa at Dahil sa


Dahilan sa 1. 2.
3.
Dahilan sa
1. 2.
3.

12. Kung ‘di, Kungdi Kung ‘di


at Kundi 1. 2.
3. Kungdi
1. 2.
3. Kundi
1. 2.
3.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and prime Develop competent and morally upright professionals and generate appropriate
catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province and knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province and Southern
Southern Cagayan Valley. Cagayan Valley. 12

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

KABANATA 2.2: PAGBUO NG PANGUNGUSAP

Kailangan ang kaisahan sa pangungusap para maging efektibo ito. Kung bawat bahagi ng
pangungusap ay tumutulong para maihayag nang malinaw ang pangunahing diwa nito.

Narito ang ilang paalala upang matiyak ang kaisahan sa pagbuo ng pangungusap:
1. Tiyakin ang timbang na ideya at paralelismo sa loob ng pangungusap.
Halimbawa:
Di-Timbang: Matapos magsitangis ay agad na nagbalot ng mga gamit ang mga
napaalis na iskwater.
Timbang: Matapos magsitangis ay agad na nagsipagbalot ng mga gamit ang
mga napaalis na iskwater.
Di-Parallel: Ang pag-eehersisyo at masustansyang pagkain ay mahalaga sa
pagpapabuti ng ating kalusugan.
Parallel: Ang pag-eehersisyo at pagkain ng mga masustansyang pagkain ay
mahalaga sa pagpapabuti ng ating kalusugan.
2. Tiyaking nagkakaisa ang mga aspeto ng pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa:
Di-Nagkakaisa: Nagsialis at nagsisiuwi na ang mga panauhin ko kanina.
Nagkakaisa: Nagsialis at nagsiuwi na ang mga panauhin ko kanina.
3. Huwag pagsamahin sa pangungusap ang hondi magkakaugnay na kaisipan.
Halimbawa:
Di- Magkakaugnay: Hindi uunlad ang ating wika kapag hindi natin ito
ginamit at nahilig tayo sa kalayawan.
Wasto: Hindi uunlad ang ating wika kapag hindi natin ito ginamit 4.
Iwasan ang pagsama-sama ng maraming kaisipan sa isang pangungusap.
Halimbawa:
Di-Mabisa: Ang pagsasayaw gaya rin paglalaro ng mga bata ng taguan kung
gabing walang buwan at ng pagdadama ng mga lalaking walang magawa at
nagpapalipas ng oras sa pagupitan ay tunay na nakaaaliw.
Mabisa: Ang pagsasayaw, gaya rin paglalaro ng taguan ng mga bata, ay tunay
na nakalilibang.
5. Gawing malinaw sa pangungusap kung alin ang pangunahing sugnay at ang
panulong na sugnay.
Halimbawa:
Hindi Malinaw: Dahil sa ayaw ko iyon, hindi ko binili, ang aklat. Malinaw:
Dahil sa ayaw ko sa aklat, hindi ko iyon binili.
6. Gamitin ang tinig na balintiyak ng pandiwa kapag ang simuno ng
pangungusap ay hindi siyang gumaganap ng kilos.
Halimbawa:
Mali: Si Joel ay binili ang relo para kay Bernie.
Tama: Ang relo ay binili ni Joel para kay Bernie. Binili ni Joel ang relo para
kay Bernie.
Mali: Si Marie ai kinuha ang hinog na papaya sa puno.
Tama: Ang hinog na papaya sa puno ay kinuha ni Marie. Kinuha
ni Marie ang hinog na papaya sa puno.
7. Huwag ilayo ang salitang panuring sa tinuturingang salita. Halimbawa:
Malayo: Maganda ang kwentong binasa ko talaga.
Malapit: Maganda talaga ang kwentong binasa ko.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and prime Develop competent and morally upright professionals and generate appropriate
catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province and knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province and Southern
Southern Cagayan Valley. Cagayan Valley. 13

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education
Malayo: Tinawag ni Ron ang Tao nang malakas. Malapit:
Malakas na tinawag ni Roy ang tao.
8. Ilapit ang panghalip na pamanggit sa pangngalang kinkatawan nito.
Halimbawa:
Malayo: Ipinanhik ni Jun ang televisyon sa bahay na binili ng tatay niya.
Malapit: Ipinanhik ni Jun ang televisyong binili ng tatay niya.
9. Sa Filipino, nauuna ang panaguri kaysa sa simuno sa karaniwang ayos ng
pangungusap.
Halimbawa:
Minamahal at ginagamit niya ang sariling wika.
Mabait na bata si Marvin.
Kaysa:
Ang sariling wika ay minamahal at ginagamit niya. Si
Marvin ay mabait na bata.

MGA SANGGUNIAN AKLAT

Abad, Marietta.(2003).Retorika.Mandaluyong City; Cacho Hermanos, Inc

Badayos, Paquito B.et.al.(2010).Masining ng Pagpapahayag; Aklat sa Filipino 3-Antas


Tersyarya.Malabon City: Mutya Publishing House Inc

Bernales, Rolando.et.al.(2009).Retorika:Ang Sining ng Pagpapahayag.Malabon City:Mutya


Publishing House Inc.

Buensuceso, Teresita S.et.al.(2005). Retorika (Filipino 3: Para sa antas tersarya).Manila:UST


Publishing House

Pangkalinawan.et.al.(2004).Filipino3 Retorikang Filipino. Valenzuela City: Mutya Publishing


House, Inc.

ONLINE
http://www.angelfire.com/journal2/retorika_filip13/

http://www.scribd.com/doc/49727685/Retorika-at-Balarila

https://www.coursehero.com/file/p5vlu8qb/Relasyon -ng-Balarila-at-Retorika-
Angisangpahayag-upang-maging-mabisa-ay-dapat/

KABANATA 2.3: MGA URI NG MATATALINGHAGANG PAHAYAG

A. SALAWIKAIN
Ayon kay Lope K. Santos, sa aklat ni Tanawan (2003), ang salawikain ay karunungang
napag-aralan ng tao, hindi sa mga kasulatan na nailimbag kundi sa mga aklat ng
karanasang nalaman mula sa bibig ng mga matatanda.
Salawikain Nakasulat sa anyong patula kayat may sukat at tugma, mayaman ito sa
kagandahang asal at nagsisilbing panggising sa mga taong natutulog sa kasamaang asal.
Maituturing na matalinghaga dahil magkaminsan di tahasang sinasabi ang tunay na
kahulugan.
Halimbawa:
VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and prime Develop competent and morally upright professionals and generate appropriate
catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province and knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province and Southern
Southern Cagayan Valley. Cagayan Valley. 14

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education
1. Aanhin mo ang bahay na bato kung ang nakatira’y kuwago, mabuti pa ang bahay
kubo na ang nakatira’y tao.
Paliwanag:
Ang ibig sabihin mabuti pang taong mahirap na ang tirahan ay aba kaysa mayaman
nga ngunit masama ang asal. Nais tukuyin na higit na marunong ng kagandahang asal ang
taong wala kaysa sa mga taong mayroon. B. SAWIKAIN
Ito ay nagsasaad din ng kagandahang asal ngunit di kasinlalim ng ipinahahayag ng
saliwain. Kumbaga tanging mga paalala ito sa taong Nakakalimot kayat mababaw lamang
ang aral na ibibigay. Tulad din ng salawikain hindi diretsong ipinahahayag nito ang
kahulugan, bagamat sa karaniwang takbo ng buhay sa araw-araw, ang ipinahahayag.
Halimbawa:
1. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Paliwanag:
Ang ibig sabihin tumutulong ang Diyos sa mga taong marunong Tumulong sa sarili.
Ano mang dasal ang gawin ng tao kung di Niya tututlungan ang sarili wala ring
mangyayari.
C. KASABIHAN
Ito ay bukambibig na hango sa karanasan ng tao at nagsisilbing patnubay sa dapat gawin
sa buhay. ( Nacin et.al 2003). Sa anyo, kadalasa’yanyong patula na isa o dalawa ang
taludtod na may sukat at tugma.
Halimbawa:
1. Sa kapipili, ang nakuha ay bungi.
Paliwanag
Ang taong pabago- bago ang isip, lalong di nagtatagumpay.
D. IDYOMA
Ito ay matalinghagang pahayag na nakatago sa likod ng salita ang tunay na kahulugan
nito. Nastutuhan ang kahulugan ng idyoma sa tulong ng mga salitang dito’y nakapaligid.
Natutuhan pa rin ang kahulugan sa tulong ng malalim na pag-unawa sa diwa ng
pangungusap. Gumaganda ang pangungusap sa tulong ng idyoma dahil di nito Inilalantad
agad- agad ang diwang taglay nito. Binibigyan pa rin ang mambabasa ng pagkakataong
kilitiin ang sariling isip.
Halimbawa:
Naniningalang pugad – nanliligaw
Kabungguang balikat – kaibigan
Nagbibilang ng poste – walang trabaho
Balat- sibuyas - sensitibo
Maghahabang dulang - mag-aasawa
May bulsa sa balat- koripot
Nagtataingang kawali – bingi

KABANATA 2.4-TAYUTAY
● Tinatawag ding patalinhagang pagpapahayag.
● Sadyang paglayo ng pagpapahayag sa karaniwang paraan ng pagsasalita upang
magawang higit na maganda at kaakit-akit ang kanyang sinasabi.

Mga karaniwang Uri ng Tayutay 1. Simile/Pagtutulad


● Ito’y paghahambing ng dalawang magkaiba o di magkaurig bagay, tao, kaisipan,
pangyayari, atbp. sa hayagang pamamaraan

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and prime Develop competent and morally upright professionals and generate appropriate
catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province and knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province and Southern
Southern Cagayan Valley. Cagayan Valley. 15

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education
● salitang naghahambig na gumagamit ng tulad ng PARANG, ANIMO’Y, GAYA NG,
MISTULA, TULAD, UNLAPING GA at iba pa.
● Halimbawa: Parang pulburang madaling magsiklab ang aming guro.
____________________________________________
2. Metapora/Pagwawangis
● Paghahambing din ito gaya ng pagtutulad, nagkaiba lamang sa hindi paggamit ng
mga salita o pararilang pantulad sapagkat direkta nang ipinaangki sa katangian ng
tinutularan.
Halimbawa: Cheetah kung humagibis sa takbo ang kaibigan ko.
_____________________________________________
3. Apostrope/Pagtawag
● Isang anyo ng panawagan o pakiusap sa isang taong hindi kaharap, nasa malayo o
kaya’y pataya na o sa kaisipan at mga bagay na binibigyan – katauhan na parang
kaharap na kinakausap.
Halimbawa: Tukso, iwan mo ako dahil gusto kong makalayo!
______________________________________________
______________________________________________
4. Pagtatanong (Rhetorical Question)
● Ito’y katanungang hindi na nangangailangan ng kasagutan dahin nasa pahayag na
rin ang kasagutan ng katanungan.
Halimbawa: Ano pang kahilingan ang hindi pa natin nahihiling sa Diyos?
_______________________________________________
5. Pag-uyam/Ironya
● Sa pagpapahayag ng pagpuri ay may paglibak o pagtudyo.
Halimbawa:
1. Sa lambing ng pag-iibigan ay hindi na nila ikinahihiya sa harap ng maraming tao
ang kanilang pagbabangayan.
2. Mahusay siyang magdala ng mga bagay na wala na sa panahon.
6. Personipikasyon
● Ang mga walang buhay ay pinatataglay ng katangiang pantao, sa pamamagitan ng
mga salitang nagsasaad ng kilos.
Halimbawa: 1. Pinagpapawisan na ang bintana sa lamig ng gabi.
2. Mabagal ang lakad ng buwan sa langit habang sumisilip sa mga ulap.

7. Pagpapalit-wika (Transferred Epithets)


● Katulad ito ng pagbibigay katauhan subalit sa tayutay na ito ay hindi lamang pandiwa
ang nagbibigay – buhay kundi ginagamitan din ng pang-uri.
Halimbawa: 1. Nagbunyag ng lihim ang tahimik na silid-aklatan.
2. Nakatanaw na naman ang malambing na buwan.
8. Pagpapalit-Tawag (Metonomiya)
● Pinapalitan ang ibang katawagan ang ibang katawagan na may kaugnayan sa salitang
pinapalitan.
Halimbawa: 1. Matamang nakikinig ang bayan sa anumang anunsiyo ng palasyo.
2. Kinagigiliwan ng pamilya ang bagong anghel sa kanilang tahanan.
9. Pagpapalit-saklaw ( Senekdoke )
● Ito’y pagbanggit ng bahagi ng isang bagay o kaisipan para sa kabuuan o pagbanggit ng
kabuuan para sa bahagi lamang.
Halimbawa: 1. Kung kalian magpapanatay ang ating paa ay mananatiling hiwaga.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and prime Develop competent and morally upright professionals and generate appropriate
catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province and knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province and Southern
Southern Cagayan Valley. Cagayan Valley. 16

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education
10. Pagmamalabis (Hyperbole)
● Pinalalabis o maaari ding pinagkukulang sa tunay na kalagayan ng tao , bagay o
pangyayari sa tayutay na ito.
Halimbawa: 1. Buto’t balat na ang katawan ni Itay sa pagsasaka.
2. Sa katahimikan ay dinig ang pagbubulungan ng mga langgam.
● Ito ang paggamit ng mga salitang tunog ng kanilang kahulugan.
Halimbawa:
1. Masiglang nagmartsa ang mga kadete kasabay ng malakas na boom-
boom ng tambol.
2. Dinig ang kalansing ng barya sa tuwing bibilangin ng matanda ang
kaniyang tubo sa maghapon.
12. Pagtatambis o Oksimoron
● Sa pagtatayutay na ito ay pinagsasama o pinag-uugnay ang dalawang bagay na
magkasalungat upang mangibabaw ang katangiang ipinahahayag.
Halimbawa:
1. Araw-gabi ay lakad-takbo ang buhay niya sa lansangan.
2. Kaliwa’t kanang utos ang gumabay sa paghubog sa pinuno.
13. Pagsalungat/Antitesis/Epigram
● Gaya ng pagtatambis, pinagsasama rito ang magkasalungat na salita o kaisipan,
nagkakaiba lamang sa paglalaban ng magkasalungat sa halip na pinag-uugnay.
Halimbawa:
1. Ang layp ay lapit ng budhi’t isip.
2. Kung kalian ako mahina saka ako ay malakas.
14. Pagsusukdol/Klaymaks
● Isinasaayos ang tindi o halaga ng mga salita mula sa mababa hanggang mataas na
antas.
Halimbawa:
1. Ang anak ay pinagalitan, binugbog at pinatay ng amang lulong sa droga.
2. Ano ang kahiwagang bumabalot sa katotohanan ng nagbibigay-kulay,
nagbibigay-ganda, nagbibigay halaga.
15. Antiklaymaks
● Dito naman ay pababa ang pagsunod-sunod ng kaisipan (panlahat hanggang
espesipik).
Halimbawa:
1. Maraming sakuna ang dumaan sa atin ngayon – may bagyo, tagtuyot at
paglaganap ng sakit.
16. Pagtanggi o Parelepsis o Litotes
● “Hindi” ang pangunahing hudya na sa akda ay isang pagsalungat, pagpigil o di
pagsang-ayon, ngunit ang paghindi ay nagpapahiwatog ng pagtulot.
Halimbawa:
1. Hindi sa pinangungunahan kita, subalit ang gawain mong makasarili ay hindi
kaaya-aya.
2. Hindi lamang sa pagsasalita kundi din sa gawi at pagkilos makikilala ang kapwa.
17. Aliterasyon
● Pag-uulit ng mga tunog-katinig sa inisyal na bahagi ng salita.
Halimbawa:
1. Ako’y nagtataka, nagulantang at nabagabag sa lihim na sa akin ay
nabunyag.
2. Si Michael ay batang mabait, matalino, masunurin, magalang.
18. Anapora
● Tayutay na inuulit ang unang salita sa isang parirala, pangungusap o taludtod.
VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and prime Develop competent and morally upright professionals and generate appropriate
catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province and knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province and Southern
Southern Cagayan Valley. Cagayan Valley. 17

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education
Halimbawa:
1. Isang Diyos, Isang Bayan, isang hangarin, isang puso!
2. Polusyon ang sumisira sa ating kalikasan Polusyon din ang sisira sa ating
kinabukasan.
19. Epipora
● Sa tayutay na ito ay may pag-uulit ng mga salitang nasa huling bahagi ng pahayag
o taludtod.
Halimbawa:
1. Ang konstitusyon ay para sa mamamayan, gawa ng mamamayan, at mula
sa mamamayan.
2. Ang tula ay buhay ng makata, mula sa makata at para sa makata.
20. Konsonans
● Pag-uulit ng mga katinig sa bahaging pinal ng mga pahayag Halimbawa:
1. Ulan sa bubungan, kay sarap pakinggan.
2. Ang bata’y tamnan ng kabutihan nang tayo’y magkaintindihan.
21. Anadiplosis
● Pag-uulit sa una at huling bahagi ng pahayag o taludtod.
Halimbawa:
Hindi maiiwasang dumanak ang dugo, Dugo’t pawis ang inialay ng mga
sundalo Sundalong ang buhay ay ihahandog sa bawat Pilipino.

Sanggunian:
Bendalan, Benjamin et. al., Retorika Mabisa at Masining na Pagpapahayag at
Pagsasalin para sa mga Milenyal Pahina 35-41

KABATANATA 2.4: ANG KALIKASAN AT SIMULAIN NG ESTILO

LAYUNIN:
1. Maunawaan ang kahalagahan ng estilo sa pagsulat.
2. Malaman na maaaring magkaroon ng sariling estilo.
3. Matiyak ng susulat kung nais niyang magturo, mang-aliw,
magbigaykaalaman o magpaliwanag.

KAHULUGAN AT KALIKASAN NG ESTILO


❖ Ang estilo ang masining na ekspresiyon ng mga ideya na pinili ng manunulat.
❖ Makikilala ang estilo ng manunulat sa tulong ng kaniyang wika o mga salitang
ginagamit
❖ Maaaninag sa estilo ang personalidad ng manunulat.
KATANGIAN NG ESTILO
1. Kaisipan. Matatamo kung lahat ng sangkap ng pangungusap o talata sa loob
ng isang paksa hinggil lamang sa iisang paksa.
2. Kaugnayan. Lahat ng sangkap ng pangungusap o talata sa loob ng isang akda
ay dapat na magkakaugnay ang diwa upang maging mabisa ang pagpapahayag.
3. Diin. Pagbibigay-diin sa mahahalagang bagay sa talata. Maaari namang
bigyangdiin ang ugali ng mga tauhan sa isang akda. Maaari ring bigyang-diin ang
pook na pinangyarihan o mahalagang pangyayari sa akda.
4. Kawilihan. Ang hangarin nito ay makaakit ng kawilihan o maibigan ng
mambabasa ang binabasang pahayag.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and prime Develop competent and morally upright professionals and generate appropriate
catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province and knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province and Southern
Southern Cagayan Valley. Cagayan Valley. 18

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

TANDAAN:
Dapat maging maingat sa pagsulat sapagkat napapansin maging ang
pinakamaliit na pagkakamali.

PAGPAPAHAYAG NG IDEYA SA IBA'T IBANG ESTILO 1. Idyomatikong


Pagpapahayag
a. Paghihinuha- Pagpapahayag ng sariling kuro-kuro, palagay o haka
batay sa obserbasyon, katotohanan o ebidensya.
Itaga sa bato - Tandaan
Sinulat sa tubig - Hindi mahalaga
Magsunog ng kilay - Mag-aral ng mabuti
Sapin ng baul - Napakaluma na
Naglulubid ng buhangin - Nagsisingungaling
2. Paglalahad ng Implikasyon
a. Pagpapahiwatig- Ang pag-uugnay ng mga pangyayari o ideyang
isinulat sa teksto sa mga totoong nangyayari sa kapaligiran ng babasa
ng isinulat ng akda.
b. Pananalita- Pagbibigay-kahulugan sa nais ipahiwatig sa teksto.
Kailangan maging malinaw ang pahayag ng sumulat upang
maunawaan ng bumabasa ang mga pahiwatig sa teksto. c. Pormal
• May dignidad
• Seryoso ang tono
• Pino
• Mahigit ang anyo o umaayon sa tuntuning gramatikal.
• Piling-pili ang mga ginamit na salita sapagkat pinakamataas na
antas ng wika ang ginamit.
d. Di - pormal
• Personal
• Puno ng kolokyalismo
• Balbal ang ilang pananalita na pinakamamabang antas ng
wika.

KAKAYAHAN AT KAPANGYARIHAN NG WIKA 1. Konotasyon


a. Tayutay- Kahulugang iba sa karaniwang kahulugan. Nagkakaroon ng ikatlong
kahulugan.
b. Salawikain-Mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at
naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. c.
Tanong Retorikal
• Pagsalungat
• Paglumanay
• Pag-uulit
• Balintunay Halimbawa:
Pagtutulad Pagmamalabis
Pagtawa Pagpapalit-saklaw
Pagwawangis Papapalit-tawag
Pagsasatao Paghihimig

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and prime Develop competent and morally upright professionals and generate appropriate
catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province and knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province and Southern
Southern Cagayan Valley. Cagayan Valley. 19

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education
d. Salawikain: Pagkahaba-haba man ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy.
Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli
ay humahantong din ito sa kasalan.
Salawikain: Pag maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay
dapat siyang mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong
magtipid at maging payak sa pamumuhay.

Halimbawa:
Nagasgasang bulsa - Nakagastos ng malaki
Matalim ang dila - Masakit magsalita
Agaw buhay - Naghihingalo
Gintong kutsara - Mayaman
Matandang tinali - Matandang binate

2. Denotasyon- Karaniwan o payak na kahulugang pandiksyunaryo.


Halimbawa: Naapi -
Naaba
Adhika - Layunin
Preso - Bilanggo
Marikit - Maganda
Masangsang – Mabaho

Pagsasanay:
Panuto: Buksan at i-download ang gawain at sagutan ito.
Link ng Pagsasanay:
https://drive.google.com/file/d/1cmM2IiqgCpjQhvdMrfpkY74LjcQcIOrJ/view?
usp=sharing Submission Link: https://forms.gle/J3YdFoiFdufcJ4rv9

Ebalwasyon
Panuto: Mangyaring puntahan ang link at sagutan lamang ito ng 40 minuto. Kapag
nabuksan ang link hindi na maaring bumalik pa o exit ang gawain. Isang beses
lamang sasagutan ang gawain.
Link ng ebalwasyon: https://www.autoproctor.co/tests/start-test/DQF6ZRPP4v

AKLAT
Abad, Marietta.(2003).Retorika.Mandaluyong City; Cacho Hermanos, Inc

Badayos, Paquito B.et.al.(2010).Masining ng Pagpapahayag; Aklat sa Filipino


3-
Antas Tersyarya.Malabon City: Mutya Publishing House Inc

Bernales, Rolando.et.al.(2009).Retorika:Ang Sining ng Pagpapahayag.Malabon


City:Mutya Publishing House Inc.

Buensuceso, Teresita S.et.al.(2005). Retorika (Filipino 3: Para sa antas


tersarya).Manila:UST Publishing House

Pangkalinawan.et.al.(2004).Filipino3 Retorikang Filipino. Valenzuela City:


Mutya Publishing House, Inc.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and prime Develop competent and morally upright professionals and generate appropriate
catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province and knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province and Southern
Southern Cagayan Valley. Cagayan Valley. 20

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education
POINTERS TO REVIEW:
1. Kalikasan at Simulain ng Masining na Pagpapahayag
2. Ang Balarila at Retorika
3. Pagbuo ng Pangungusap
4. Mga Uri ng Matatalinghagang Pahayag
5. Tayutay
6. Ang Kalikasan at Simulain ng Estilo

========================END OF PRELIMS=======================

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and prime Develop competent and morally upright professionals and generate appropriate
catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province and knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province and Southern
Southern Cagayan Valley. Cagayan Valley. 21

“Molding Minds, Shaping Future”

You might also like