Lesson Plan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

College of Teacher Education

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7


Ikatlong Markahan
March 20, 2021

I. LAYUNIN

a) Nasusuri ang mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na magtungo sa Asya


b) Naipapaliwanag ang mga dahilan na nag nagbunsod sa mga Kanluranin na
magtungo sa Asya
c) Nailalahad kung alin sa mga dahilan ang higit na nakaimpluwensya sa mga
Kanluranin na magtungo sa Asya

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya,


Unang yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Sangunian: Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Araling Panlipunan 7)
Kagamitan: Instructional Materials, Mga Larawan, Teksto pahina 196-199

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Paunang Gawain

a) Panalangin

Bago natin simulan ang ating klase,


Xrynka maari mo bang pamunuan
ang ating panalangin.
Mahal kung Diyos, salamat po sa
panibaong araw na ibinigay niyo samin
salamat din sa pag-gabay patungo dito sa
aming paaralan at maraming salamat din
po sa lakas na pinagkaloob niyo samin.
Ngayon oras na pong ito ay ang
pagsisimula po ng amin klase bigyang niyo
po kami Lord ng lakas at talino upang
maisaulo po naming lahat ang aralin sa
araw na ito. Maraming salamat pop o at
patawarin niyo kami sa aming mga
pagkakasala.

Ito po ang aming panalangin sa pangalan


po ni Jesus na aming tagapaglistas. Amen.

b) Pagbati

Magandang araw/hapon klas,


Magandang araw/hapon aming guro!
Bago kayo umupo ay ayusin niyo
muna ang inyong mga upuan at
kung may nakita kayong kalat
pulutin at itapon sa tamang
lalagyan.

Maari na kayong umupo


c) Pasalista

Sherwin sino ang lumiban sa ating


klase ngayon? Wala sir!

Mahusay at walang lumaiban sa


ating klase ngayon.

d) House Rules

Klas, diba meron tayong limang 5


major house rules sa ating
classroom? Yes sir!

Ibigay ang mga ito. HOUSE RULES:


1. Makinig ng mabuti
2. Sundin ang alituntunin
3. Huwag maingay
4. Itaas ang kamay kapag gusto
mong sumagot
5. Gamitin lang ang cellphone
kapag kinakailangan

e) Balitaan

May ipapanood akong balita sa inyo


klas, panoorin niyo ito ng may
kaugnayan ito sa ating aralin.
http://www.youtube.com

f) Balik-aral

Bago natin simulan ang ating unang


Gawain,igugrupo ko muna kayo.
Ang raw 1 ang group 1 at ang raw 2
naman ang group 2.

Meron akong ibibigay na manila


paper. Gumawa kayo ng Venn
Diagram at ibigay niyo ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng
Imperyalismo at Kolonyalismo.
Venn Diagram

g) Pag-ganyak

Bago natin simulan ang ating aralin,


magkakaroon muna tayo ng laro na
pinamagatang “Rabbit, Archer,
Wall”.

Nakadikit sa pisara ang mekaniks


ng laro. Sherwin maaari mo bang
ipaliwanag? Para itong Jakenpoy

Kung sino ang unang makatatlong puntos


saiya ang panalo.

B. Paglalahad ng Aralin

Meron akong ipapakitang mga larawan


sa inyo klas, tukuyin kung ano ang
ibigsabihin ng mga ito?

Unang larawan

Sir! Kolonyalismo.

Ano ang Kolonyalismo? Ang kolonyalismo ay ang tuwirang


pananakop ng isang bansa sa iba pa
upang mapagsamantalahan ang yaman
nito o makuha rito ang iba pang
pangangailangan ng mananakop.

Pangalawang larawan

Sir! Imperyalismo

Ano ang Imperyalismo? Ang Imperyalismo ay batas o paraan ng


pamamahala kung saan ang malalaki o
makapangyarihang mga bansa ang
naghahangad upang palawakin ang
kanilang kapangyarihan sa pamamagitan
ng pagsakop o paglulunsad ng mga
pagtaban o kontrol na pangkabuhayan at
pampolitika sa ibabaw ng ibang mga
bansa. Ilang malalaki o malalakas na mga
bansang kumukontrol sa ibang mga
rehiyon upang makalikha ng isang mas
malaking imperyo.

Mahusay!

Base unang Gawain at mga larawan na


aking ipinakita, ano kaya ang ating
paksa ngayon?
Sir! Sir Kolonyalismo at Imperyalsmo.
Mahusay!
Koloyalismo at Imperyalismo sa timog
at kanlurang asya(ika-16 Hanggang
Ika-17 siglo)

C. Pagtalakay

May mga nakadikit na larawan sa


pisara klas, Ang bawat pangkat ay
makakatanggap ng envelop na
naglalaman ng teksto at nagupit na
manila paper. Basahin niyo ang teksto
at isulat sa manila paper ang mga
dahilan na nagbunsod sa mga
Kanluranin na magtungo sa Asya at
idikit sa tabi ng larawan. Gawin ito sa
loob ng 10 minuto. Mga Krusada

Marco Polo

Renaisance

Pagbagsak ng Constantinople
Merkantilismo

Ang krusada
- ay isang ekspedisyong militar na
inilunsad ng Kristiyanong Europeo
Mahusay klas! dahil sa panawagan ni Pope Urban
Ngayon pumili kayo ng representatives II noong 1095. Ito ay isang banal na
niyo upang ipaliwanag ang nilagay niyo labanan ng mga relihiyosong
dito sa harapan. Europeo laban sa mga Turkong
Muslim na sumakop sa banal na
pook sa Jerusalem. Mula
Jerusalem balak salakayin ng mga
Turkong Muslim ang Imperyong
Byzantine kaya humingi ng tulong
ang Emperador ng Byzantine sa
Papa sa Rome lalo pa at sa
pagsalakay na ito ay mapalaganap
ang relihiyong Islam.

Marco Polo
- Si Marco Polo ay isang Italyanong
mangangalakal na taga Venice na
anak ni Nico Polo. Isinilang noong
September 1254 at pumanaw
noong January 8, 1324
- Sa kaniyang mahabang
paglalakbay na umabot sa taong
1271 hanggang 1295 siya ay lulan
ng isang barko na gamit niya sa
loob ng dalawangput-apat na taon

Renaisance
- Ang Renaissance ay tumutukoy sa
panahon ng kasaysayan sa Europa
mula ika-14 hanngang ika-16 na
dantaon. Ang muling pagkamulat sa
kultural at klasikal na kaalaman ng
Greece at Rome na nagbibigay sa
kahalagahan ng TAO. Isang
pagbabalik-sigla sa mga
makalumang interes mula sa mga
pangangailangang espiritwal noong
Panahong Medieval.

Constantinople
- Constantinople Ang Constantinople
ay ang Asyanong teritoryo na
pinakamalapit sa Kontinente ng
Europa. Ito ang dating kabisera ng
Silangang Imperyong Romano,
Byzantine, Latin at ng Ottoman. Ito
ay isa sa tatlong lalawigan ng
Turkiya na matatagpuan sa
peninsulang Balkan sa Europa.
Nagawa noong 324 AD sa ancient
Byzantium bilang bagong kapital ng
Imperyo ng Roman dahil kay
Constantine the Great, kung saan
ito ipinangalan. Ito ang
pinakamalaki at pinakamayamang
kabisera sa Europa noong ika-12
siglo. Simula ng 1930 ito ay opisyal
na tinawag na Istanbul.

Merkantilismo
- Ito ang namayaning kaisipan pang-
ekonomiya na gumagabay sa mga
patakaran ng maraming bansa sa
daigdig noong unang panahon.
Isinusulong nito ang kaisipan na
ang kapangyarihan ng isang bansa
ay nakasalalay sa dami ng ginto at
pilak dahil sa panahong iyon,
nakasalalay ang pamumuno at
pagkakaroon ng kapangyarihan ng
isang pinuno sa dami ng ginto at
pilak.

D. Paglalahat
Kaya sila pumunta ang mga kanluranin sa
Sa iyong palagay, alin sa mga asya ay dahil sa mga likas na yaman na
nabanggit na dahilan ang higit na matatagpuan dito...O kolonyalismo ito ang
nakaimpluwensya sa mga Kanluranin ginawa ng mga espanyol sa atin.
na magtungo at sakupin ang Asya? Ano O kaya naman ay para palawakin ang
ang iyong naging basihan? kapangyarihan nila...O imperyalismo na
ginawa ng mga Hapon sa ibang bansa.

Ang mga magandang naidulot ay dahil


E. Pagpapahalaga sakanila nagkaroon tayo ng mga paaralan
at na adop rin natin ang mga ibang kultura
Sa tingin niyo klas, ano ang at tradisyon nila katulad ng pagkain at ibp.
magandang naidulot ng pananakop
satin ng mga kanluranin? Ano naman Sinamantala nila ang mga kahinahan ng
ang Hindi? Noon at Ngayon mga tao at naging mapusok sila dito. Wala
silang awa sa mga asyano.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Ibigay ang mga tamang sagot sa hinihingi ng mga katanungan.


1. Prinsipyong pang-ekonomiya na kung maraming ginto at pilak ay may pagkakataon
na maging mayaman at makapangyarihan ang isang bansa.
2. Nang dahil dito ay muling sumigla ang kalakalan sa pagitan ng Europe at Asya.
3. Sino ang ganap na kumukontrol ng mga ruta ng pangkalakalan patungong Asya.
4. Ang kahulugan ng “Muling Pagilang” at sa panahong ito ay namulat ang mga
Europeo sa mga makabaogn Gawain at Nawala ang tiwala sa mga pinuno ng
simbahan.
5. Manlalakbay mula sa italya na naging kanang kamay ni Kublai Khan sa Dinastiyang
Yuan.
V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Gumawa ng isang maikling sanaysay sa papel tungkol sa papel na ginampanan


ng mga kolonyalismo at imperyalismo sa kasaysayan ng timog at kanlurang asya. Bumuo
ng sarilign pamagat.

You might also like