Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

ARALIN 1: Pagsusuring Pampanitikan

Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

 nauunawaan ang iba’t ibang pagsusuring pampanitikan

 nakakabuo ng isang pagsusuri sa nabasang akda

Mga Pagdulog o Pananaw sa Pagsusuring Pampanitikan

Ang panitikan ay sumasalamin sa tunay na buhay. Mababatid ang kalagayan at


kasaysayan ng isang lugar sa isang particular na era o panahon sa pamamagitan ng
pagbabasa ng mga panitikang nasulat at umusbong sa panahong ito. Sa maraming
pagkakataon, nakita ang lakas at kapangyarihan ng panitikan sa pagiging daan nito upang
mabago ang lipunan. Nakita natin sa kasaysayan kung paanong ang panitikan ang naging
mitsa upang maghimagsik ang mga karaniwang taong nasikil ang kalayaan, at magkaisa sa
paglagot ng tanikalang bumihag sa kanila sa mahabang panahon. Kung ganito kalakas ang
impluwensya ng panitikan sa tao ay nararapat lamang na matuto tayong sumuri o maging
mapanuri sa mga panitikang ating binabasa at sinusundan.
Paano nga ba sumuri ng isang akdang pampanitikan? Kailangan bang maging
dalubhasa upang makapagsuri ng akdang pampanitikan? Sa ano-anong mga pagdulog o
pananaw ba maaaring suriin ang isang panitikan? Mababasa sa ibaba ang sumusunod na
mga pagdulog o pananaw at pahapyaw na pagpapaliwanag sa katangian ng bawat isa:

May Sampung mga pagdulog o pananaw sa pagsusuring pampanitikan; Moralistiko,


Sosyolohikal, Sikolohikal, Formalismo, Imahismo, Humanismo, Marxismo, Arketipo,
Feminismo, at Eksistensiyalismo.

1. Moralistiko – Sa pananaw na ito sinusuri ang panitikan batay sa pagpapahalagang


taglay nito. Mababatid ng isang manunuri kung taglay ba ng akda ang pagpapahalaga
sa disiplina, moralidad, at kaayusang nararapat at inaasahan ng madla.
2. Sosyolohikal – Sa pamamagitan ng pananaw na ito mahihinuha ang kalagayan ng
lipunan nang panahong isinulat ang akda. Karamihan sa mga akdang sinusuri gamit
ang pananaw na ito ay dumadalumat sa kalagayan ng lipunan at sa uri ng mga
taong namayagpag sa panahong ito.

3. Sikolohikal – Sa pananaw na ito makikita ang takbo o galaw ng isipan ng


manunulat. Mahihinuha sa kanyang akda ang antas ng kanyang pamumuhay, ang
kanyang paninindigan, paniniwala, at pagpapahalaga, gayundin ang mga ideya o
kaisipang naglalaro sa kanyang isipan at kamalayan.

4. Formalismo – Sa pamamagitan ng pananaw na ito, binibigyang pansin ng manunuri


ang kaisahan ng mga bahagi at ang kabuoan ng akda nang malayo sa pinagmulang
kapaligiran, era o panahon, at maging sa pagkatao o katangian ng may-akda.

5. Imahismo – Umusbong ang paggamit ng pananaw na ito noong mga unang dekada ng
1900. Laganap kasi sa panahong ito ang Romantisismo sa panitikan kaya inilunsad ang
imahismo na naglalayong magpahayag nang malinaw gamit ang mga tiyak na
larawang biswal. Nagiging mas epektibo ang pagpapahayag ng mensahe sa
kadahilanang nabibigyang-buhay ng may-akda ang mga kaisipang nais ipahiwatig.

6. Humanismo – Binibigyang-pansin ng pananaw na ito ang kakayahan o katangian ng


tao sa maraming bagay. Ang pananaw na ito ay nagpapahalaga higit sa tao kaysa sa
anumang bagay.

7. Marxismo – Ito ay nakabatay sa teorya ni Karl Max patungkol sa pagkakaiba-iba ng


kalagayan sa buhay at ang implikasyon ng sistemang kapitalista sa ating lipunan.
Karaniwang ginagamit ang pananaw Marxismo sa pagbibigay-halaga sa tunggalian sa
pagitan ng dalawang malalakas at magkasalungat na puwersa o kapangyarihan tulad
ng tunggalian sa pagitan ng mahihirap at mayayaman, may kapangyarihan at
naapi. Ipinakikita ng Marxismo kung paanong ang mahihirap at manggagawa ay naaapi
hindi lang sa panitikan kundi higit sa lahat sa tunay na buhay.

8. Arketipo – Ang pananaw na ito ay gumagamit ng huwaran upang masuri ang


elemento ng akda. Ang salitang arketipo ay nangangahulugang “modelo” kung saan
nagmumula ang kapareho nito.
9. Feminismo – Sa pamamagitan ng pananaw na ito nasusuri ang kalagayan ng
kababaihan at ang pagkakapantay-pantay ng kalagayan ng kababaihan at
kalalakihan sa lipunan at maging sa panitikan. Layon nitong labanan ang anumang
diskriminasyon, eksploytasyon, opresyon, at ang tradisyonal na pananaw sa
kababaihan.

10. Eksistensiyalismo – Ipinakikita sa pananaw na ito na ang tao ay malayang


magpasiya para sa kanyang sarili upang mapalutang ang pagiging indibidwal nito
at nang sa gayon ay hindi maikahon ng lipunan. Makikita o mababanaag ito sa uri ng
mga tauhang gumaganap sa akda.
FILIPINO 10
PAGTATASA NG PAGGANAP
IKALAWANG MARKAHAN S.Y. 2021-2022

 Bumuo ng isang mabisa at angkop na pahayag sa pagsasagawa ng suring-basa o


panunuring pampanitikan.
 Punan ang kahon sa ibaba ng iyong mga kasagutan.

___________________________________________
Pamagat ng Akda
Manunulat: ______________________________________________________________
Tema:
Mga Tauhan Tagpuan/Panahon

Maikling Buod ng Akda

Pagsusuri/Patunay sa Pagiging isang akdang iyong napiling pagdulog o pananaw

Mahahalagang Kaisipan/Aral na Taglay ng Pangwakas na Kaisipan


Akda

5- Napakahusay 2- Di-gaanong Mahusay


4- Mahusay 1- Sadyang di mahusay
3- Katamtaman

ARALIN 2: PAGPAPALAWAK NG PANGUNGUSAP


Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

 nalalaman kung paano magpalawak ng pangungusap

 nakagagamit ng angkop na salitang magpapalawak

ng mga pangungusap

Pagpapalawak ng Pangungusap

Ang paksa at panaguri ay nakapaglalahad sa mensaheng taglay ng isang


pangungusap. Gayumpaman, madalas ay nangangailangan pa ang pangungusap ng mga
karagdagang kataga, salita, o pariralang magpapalawak dito upang higit na mapalawig at
maipaliwanag nang husto ang kaisipan o mensaheng taglay ng pangungusap.
Maaaring mapalawak ang pangungusap sa pamamagitan ng pagdaragdag ng paningit
o ingklitik, paglalagay ng panuring (pang-uri at pang-abay), at paggamit ng mga pamuno sa
pangngalan. Isa-isahin natin ang bawat paraang nakalahad:

1. Mga Paningit o Ingklitik Bilang Pampalawak – Ang mga paningit o ingklitik ay


isinasama o idinaragdag sa paksa o panaguri ng pangungusap upang mailahad
nang higit na malinaw ang kaisipan o mensaheng taglay nito. May labing-anim na
kilalang paningit o pang-abay na ingklitik tulad ng mababasa sa ibaba:

man kasi sana nang


kaya yata tuloy din/rin
ba pa muna pala
na naman daw/raw lamang/lang

Halimbawa:
1. Naantala man ng 28 taon ay natuloy pa rin ang mga pangarap nina Amelie at Ludwik.
2.Dumaan muna sila sa matinding pagsubok na nagpatatag naman sa kanilang
pagmamahalan.
2. Mga Panuring Bilang Pampalawak – May dalawang kategorya ang mga salitang
panuring: ang pang-uri na panuring sa pangngalan o panghalip, at ang pang-abay
na panuring sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.
Halimbawa:

Batayang pangungusap:
Ang Berlin Wall ay simbolo ng paniniil.

Pagpapalawak sa pamamagitan ng karaniwang pang-uri:


Ang Berlin Wall ay makasaysayang simbolo ng paniniil.

Batayang pangungusap:
Ang mga mamamayan ay nagbunyi sa pagbagsak ng Berlin Wall.

Pagpapalawak sa pamamagitan ng karaniwang pang-abay:


Ang mga mamamayan ay masigabong nagbunyi sa pagbagsak ng Berlin Wall.

Pagpapalawak sa pamamagitan ng karaniwang pang-abay at pang-uri:


Ang mga mamamayan ay masigabong nagbunyi sa pagbagsak ng maksaysayang Berlin
Wall.

3. Pamuno sa Pangngalan bilang Pampalawak


Ang pamuno ay pangngalan o pariralang pangngalang tumutukoy o nagsasabi
ng ibang katawagan para sa isa pang pangngalan.
Halimbawa:

Batayang pangungusap:
Si Ronal Reagan ay nanawagan para sa paggiba ng Berlin Wall.

Pagpapalawak sa pamamagitan ng karaniwang panggalan:


Si Ronal Reagan, ang pangulo ng Amerika ay nanawagan para sa paggiba ng Berlin Wall.
FILIPINO 10
MAIKLING GAWAIN
IKALAWANG MARKAHAN S.Y. 2021-2022

 Punan ang bawat linya ng angkop na pampalawak. Gawing gabay ang uri ng
pampalawak na nasa loob ng panaklong.

1. Ang mga mamamayan ay __________________(pang-abay) nagsigawan nang malaman


ang magandang balita.

2. Si Kim , __________________ (pamuno) ay naging biktima __________________ (paningit


o ngklitik) ng mapaniil na pamahalaan.

3. __________________(pang-abay) nagbunyi ang buong mundo dahil bumagsak na


__________________(paningit o ingklitik) ang simbolo ng pagsikil sa kalayaan ng tao.

4. Si Amiel __________________ (pamuno) ay nakapag-isip nang


__________________(pang-abay) kaya di nagtagal ay ipinagiba rin niya ang
__________________(pang-uri) bakod na simbolo ng paniniil sa kalayaan ng tao.

5. Ang Berlin Wall ay __________________(pang-abay) na bumagsak sa ikinatuwa ng


mundo.
ARALIN 3: Anyo ng Social Media

Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

 natutukoy ang mga popular na anyo ng panitikan


na karaniwang nakikita sa mga social media
 nauunawaan ang dapat isalang-alang para makilatis
kung totoo o hindi ang mga balitang nababasa
 nakakakilatis ng isang fake news sa social media.

Mga Popular na Anyo ng Social Media

1. Social Networking- Ito ang anyo ng social media kung saan maaaring makipag-ugnayan
sa mga taong miyembro din ng nasabing social network. Dito’y makapagbubukas ng account
at maaaring makipag-uganayan sa iba gamit ang mga paraang tulad ng pagpo-post ng status,
larawan, artikulo, video clip, pagpapadala ng pm o private message, dokumento, at iba pa.
Ang pinakapopular na halimbawa nito ay Facebook.

2. Media Sharing – Sa mga site na ito puwedeng mag-upload at mag-share na iba’t ibang
anyo ng media tulad ng video. Ang makakikita sa mga naka-upload na media sa dami ng
views sa mga ito. Katunayan, napakaraming personalidad sa showbiz ang nadiskubre at
sumikat sa pamamagitan ng naka-post nilang video sa mga media sharing website. Ang mga
pinakapopular na media sharing site ay Youtube at Flickr.

3. Microblogging – Ito ay kombinasyon ng blogging at instant messaging kung saan


makapag-popost ng maiikling mensahe, larawan, video, audio, at hyperlinks para ma-share
online at mabasa ng iba pang miyembro. Nauso ito dahil maraming tao na ngayon ang
nagkakagustong mag-post nang mas madalas subalit mas maiikling mensahe gamit ang
smartphone. Ang mga popular na halimbawa ng microblogging ay Twitter, Instagram, at
Tumblr.

4. Blog – Ang blog ay maihahalintulad sa isang pansariling journal o talaarawang ibinabahagi


sa buong mundo. Nagsasaad ito ng sariling pananaw at personal na karanasan ng may-akda.
Walng makapagdidikta sa kung ano ang nilalaman ng blog maliban sa manunulat.
Gayumpama’y pinaaalalahanan ang isang blogger na maging mas responsible at lagging
isaisip ang paalalang “think before you click” sapagkat ang anumang isulat dito’y maaaring
makita ng buong mundo at maaaring makaapekto sa positibo o negatibong paraan.

5. Blog Comments at Online Forums – Sa mga online forum ay maaaring makibahagi ang
mga miyembro sa pag-post ng komento o mensahe. Sa blog comments ay ganoon din
maliban sa ang mga komento ay karaniwang nakasentro sa paksang tinatalakay ng blog.

Page | 8
Saint Bernice School Inc.
6. Social News – Sa pamamagitan ng mga site na ito maaaring makapag-post ng mga balita,
artikulo, o link sa mga artikulong hindi naka-copy at paste. Ang mga bumibisita sa site ay
maaaring bumoto sa mga artikulong narito. Kung mas maraming botong natatanggap ang
isang artikulo, ibig sabihi’y marami ang nagkakainteres sa artikulo o balita kaya naman
nailalagay ito sa pangunahin o higit na prominenteng lugar sa site. Ang mga pinakapopular na
social news site ay Digg, Propeller, Reddit, at Newsvine.

7. Bookmarking Sites – Sa pamamagitan ng mga site na ito ay maaari mong i-save at


isaayos ang mga link sa iba’t ibang website sa internet. Magiging mas mabilis ang iyong
pananaliksik at pagbabahagi nito sa iba dahil nagsama-sama na sa iisang site ang
magkakaugnay na paksang hinahanap mo. Ang ilan sa mga popular na bookmarking site ay
Pinterest at Google.

May mga ilang palatandaang dapat isaalang-alang ang mga netizen para makilatis kung
totoo o hindi ang mga balitang nababasa. Narito ang ilan:

a. Suriing mabuti ang website ng naglathala nito


b. Kumonsulta sa mga eksperto
c. Suriin ang kalidad ng pagkakasulat
d. Tingnan kung may iba pang nag-uulat ng kaparehong balita
e. Tingnan ang ilang mga komento sa post

Page | 9
Saint Bernice School Inc.
FILIPINO 10
PAGTATASA NG PAGGANAP
IKALAWANG MARKAHAN S.Y. 2021-2022

 Ipakita mo ngayon ang pagiging mapanuri mo. Humanap ka ng isang post sa


social media na maituturing mong fake news. Iulat ito at saka ka bumuo ng iyong
mga puna tungkol sa balita o post na nahanap mo. Magbigay-paliwanag ka kung
bakit mo nasabing isa nga itong fake news. Sa iyong pagpapaliwanag ay
pagsikapan mong makumbinsi ang ibang tao upang maging mapanuri, huwag
agad maniwala, at lalong huwag maging kasangkapan sa pagpapalaganap ng
fake news.
 I-post ito sa ating google classroom kasama ng larawan ng fake news na nakita.

Pamantayan 5 2
Puntos
Nakapagbigay ng Walang naibigay
maayos na na larawan ng
Larawan larawan ng isang isang post sa
post sa social social media na
media na nagpapakita ng
nagpapakita ng fake news.
fake news.
Taglay at malinaw Hindi naihayag ng
ang maayos sa post
pagpapahayag ng ang maling
puna o kamalian pagpapahayag sa
sa post. larawan ng isang
Pagbabahagi ng puna
post sa social
media na
nagpapakita ng
fake news.

Organisado at may Walang


kaisahan ang mga organisasyon at
Pagkumbinsi pangungusap sa kaisahan ang mga
pagkukumbinsi na pangungusap sa
maging mapanuri. pagkumbinsi.
Nailahad ng
maayos ang mga
dapat tandaan.

Kabuoang Puntos

Page | 10
Saint Bernice School Inc.
Talasanggunian
Marasigan, E.V., & Del Rosario, M.G., (2019) Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma,

Phoenix Publishing House, Inc.

Page | 11
Saint Bernice School Inc.

You might also like