Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

9 Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Pagadian City

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 8:
Tungkulin ng Mamimili

Name:
Year Level:
Grade & Section:

DO_Q1_Araling Panlipunan 9_ Modyul 8


Alamin

Pamantayan sa Pagkatuto:Naipagtatanggol ang mga karapatan


at nagagampanan ang mga tungkulin bilang isang
mamimili. (AP9MKE-Ih-18)

Pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


1. natutukoy ang mga karapatan at tungkulin bilang isang
mamimili;
2. nakapagbibigay ng mga paraan upang maipagtanggol ang mga
karapatan bilang mamimili; at
3. napahahalagahanang kamalayan sa mga karapatan at
tungkulin ng mamimili.

Balikan
Ibigay ang limang salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ng
tao. Isulat ito sa bawat maliliit na bilog na makikita sa diyagram.

SALIK SA
PAGKO

NSUMO

https://www.edrawsoft.com/cluster-diagram.html

1 DO_Q1_Araling Panlipunan 9_ Modyul 8


Tuklasin

Larawan-Hula!

Suriing mabuti ang mga larawan na nasa ibaba. Magtala ng


mga angkop na karapatan at pananagutan/tungkulin ng mga
mamimili na ipinapakita sa bawat larawan. Isulat ang sagot sa isang
malinis na papel.

https://pekengmedisinaph.wordpress.com/

https://tnt.abante.com.ph/tag/botcha/

https://www.untvweb.com/news/proper-
labeling-sa-mga-produktong-pagkain-
isusulong-ng-doh/

2 DO_Q1_Araling Panlipunan 9_ Modyul 8


Suriin

Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Department of Trade


and Industry) ay naglabas ng walong karapatan ng mga mamimili
upang maging gabay sa kanilang transaksyon sa pamilihan.

WALONG KARAPATAN NG MAMIMILI

KARAPATAN SA PANGUNAHING
PANGANGAILANAGAN
Karapatan sa sapat na pagkain, pananamit,
masisilungan, pangkalusugan, edukasyon, at
kalinisan para mabuhay.

KARAPATAN SA KALIGTASAN
Karapatang bigyan ng katiyakang ligtas at
mapangalagaan laban sa pangangalakal ng
mga panindang mapanganib sa kalusugan.

KARAPATAN SA PATALASTASAN
Karapatang mapangalagaan laban sa
mapanlinlang, madaya at mapanligaw na
patalastas, mga etiketa at iba pang hindi
wasto at hindi matapat na gawain.

KARAPATANG PUMILI
Karapatang pumili ng iba’t-ibang produkto at
paglilingkod sa halagang kaya.

KARAPATANG DINGGIN
Karapatang matiyak ang kapakanan ng
mamimili na lubusang isaalang-alang sa
paggawa at pagpapatupad ng patakaran ng
pamahalaan.

3 DO_Q1_Araling Panlipunan 9_ Modyul 8


KARAPATANG BAYARAN AT TUMBASAN SA
ANUMANG KAPINSALAAN
Karapatang mabayaran sa ano mang
kasinungalingan, mababang uri ng paninda
o paglilingkod na ibibigay o ipinagbibili
kahit na ito ay pagkakamali, kapabayaan o
masamang hangarin.

KARAPATAN SA PAGTUTURO TUNGKOL SA


PAGIGING MATALINONG MAMIMILI
Karapatan sa consumer education,
nagtatanong at nagtatanggol sa iyong
karapatan.

KARAPATAN SA ISANG MALINIS NA


KAPALIGIRAN
Karapatan sa kalayaan, pagkakapantay-
pantay at sapat na mga kalagayan sa buhay
na nagbibigay ng isang marangal at maayos
na pagkatao.

Ang kagawaran ng Kalakalan at Industriya ay nagpalaganap rin ng


limang pananagutan/tungkulin ng mga mimimili.

4 DO_Q1_Araling Panlipunan 9_ Modyul 8


https://pxhere.com/en/photo/158385

https://freesvg.org/office-guy-silhouett

https://www.publicdomainpictures.net/en/view-image.php?image=184520&picture=silhouette-of-old-peopl

https://pixabay.com/vectors/search/teamwork/

5 DO_Q1_Araling Panlipunan 9_ Modyul 8


Pagyamanin

Karapatan mo, Kilalanin mo!


Isulat ang mga karapatan ng mga mamimili sa horizontal
scroll sa ibaba.

KARAPATAN NG MAMIMILI

Alin sa mga karapatan ng mamimili ang kadalasang nalalabag?


Pangatuwiranan.

6 DO_Q1_Araling Panlipunan 9_ Modyul 8


Isaisip

Karapatan Mo, Ipagtanggol Mo!

Kilalanin ang angkop na karapatan na ipagtanggol mo sa tuwing


mararanasan mo ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. double dead na karne ng a. Karapatan sa Pangunahing


baboy Pangangailangan
2. maling timbang ng bigas b. Karapatan sa Kaligtasan
3. depektibong laptop c. Karapatan sa Patalastasan
4. expired na hair color na d. Karapatang Pumili
naging sanhi ng pagkalagas ng e. Karapatang Dinggin
buhok f.Karapatang Bayaran at
5. Lipstick na naging sanhi ng Tumbasan sa Ano mang
pamamaga ng iyong labi Kapinsalaan
6. hindi tama o wasto ang g. Karapatan sa Pagtuturo Tungkol
etiketa sa Paagiging Matalinong Mamimili
7. hindi isinasaalang-alang ang h. Karapatan sa Isang Malinis na
kapakanan ng mamimili sa Kapaligiran
pagpapatupad ng patakaran ng
pamahalaan
8. dumpsite malapit sa inyong
bahay
9. pagdidikta ng isang tao sa
iyong pagpipiling ginawa
10. kawalan ng magandang
edukasyon

7 DO_Q1_Araling Panlipunan 9_ Modyul 8


Pamprosesong Tanong:

1. May mga pagkakataon ba na nararanasan mo ang mga sitwasyon


na nabanggit?

2. Ano ang iyong ginawang tugon?

Isagawa
Poster – Gawa!

Pumili ng isa sa limang pananagutan ng mga mamimili at gumawa ng


poster batay sa napiling pananagutan ng mga mamimili. Iguhit ito sa
isang long bondpaper at gawing gabay ang kraytirya sa ibaba.

KRAYTIRYA PARA SA PAGGAWA NG POSTER


Kaangkupan sa Tema ...................................... 40%
Ang poster na ginawa ay naaayon sa temang napili. Orihinalidad
........................................................................ 40%
Ang poster ay nagpapakita ng abilidad na maging iba at malikhain.
Kalinisan at Kaayusan ng poster .................... 20%
Ang presentasyon ng poster sa kabuuan ay malinis at maayos.
Kabuuan 100%

Tayahin
Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang
titik ng tamang sagot at isulat sa gawaing kwaderno.

1. Ito ay tumutukoy sa tungkuling maipahayag ang sarili at


kumilos upang makatiyak sa makatarungang pakikitungo.
A. Mapanuring kamalayan
B. Pagkilos
C. Pagmamalasakit sapanlipunan
D. Kamalayan sa kapaligiran

8 DO_Q1_Araling Panlipunan 9_ Modyul 8


2. Aling karapatan ang makatitiyak na ang kapakanan ng mamimili
ay lubusang isinasaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng
anumang patakaran ng pamahalaan?
A. Karapatang dinggin
B. Karapatan sa kaligtasan
C. Karapatang pumili
D. Karapatan sa patalastasan

3. Ito ay tumutukoy sa tungkuling magtatag ng samahan upang


magkaroon ng lakas at kapangyarihang maitaguyod at
mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamimili.
A. Pagkilos
B. Pagkakaisa
C. Kamalayan sa kapaligiran
D. Pagmamalasakit na panlipunan

4. Ito ay nagtataglay ng karapatan sa katalinuhan at kaalaman na


kinakailangan upang makagawa ng hakbanging makatutulong sa
mga desisyong pangmamimili.
A. Karapatang sa pagtuturo tungkol sa pagiging matalinong
mamimili
B. Karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan
C. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
D. Karapatan sa malinis na kapaligiran

5. May mga mapanlinlang at madayang patalastas, mga etiketa at


hindi wasto na gawain na naglipana ngayon. Aling karapatan ang
maaari mong gamitin upang ipaglaban ang iyong sarili laban sa
mga gawaing ito?
A. Karapatang pumili
B. Karapatan sa kaligtasan
C. Karapatang dinggin
D. Karapatan sa patalastasan

9 DO_Q1_Araling Panlipunan 9_ Modyul 8


6. Halos lahat na mga kilalang produkto ay may patalastas, sa iyong
palagay, bakit nahihikayat ang mga tao na bumili ng mga
produktong ito? A. Dahil sa maganda ang patalastas.
B. Dahil gustong gayahin ang nakita sa telebisyon.
C. Dahil ineendorso ng mga sikat na artista.
D. Dahil sa murang halaga at may kalidad.

7. Mahalagang humingi ng resibo sa bawat produktong bibilhin.


Papaano ito makatutulong sa gobyerno sa pangongolekta ng
buwis?
A. Isa itong pamamaraan na makalikom ng buwis sa mga
negosyante na panustos ng pamahalaan para sa
pampublikong paglilingkod. B. Dito kumaha ang gobyerno
ng salapi para sa ilegal na gawain.
C. Basihan ito sa pangongolekta ng malaking taripa.
D. Malaman ng pamahalaan ang mga mandaraya.

8. Bawat mamimili ay may karapatan na malaman ang


impormasyon sa kabuuan ng isang produkto na gustong bilhin. Sa
paanong paraan mo maitataguyod ang karapatan sa tamang
impormasyon?
A. Pag-aralan ang nasa etiketa ukol sa sangkap, dami, at
komposisyon ng produkto.
B. Pumunta sa timbangang-bayan upang matiyak na husto
ang biniling produkto.
C. Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto
bibilhin.
D. Gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan
ang kapaligiran.

10 DO_Q1_Araling Panlipunan 9_ Modyul 8


9. Nagkalat ang mga huwad na produkto sa pamilihan. Paano
maiiwasan ang pagbili nito?
A. Bumili ng produkto na ineendorso ng sikat na artista.
B. Maging tapapagtangkilik ng imported na produkto.

C. Kailangan maging mapanuri, matalino, at alertong


mamimili.
D. Bumili sa mga kilalang department store.

10. Ibinalita sa telebisyon na bawal ang pagkain ng tahong dahil sa


“red tide”. Bilang isang responsableng mamimili ano ang dapat
mong gawin?
A. Ipagkalat sa social media ang balita na bilhin ang tahong
B. Isumbong sa kinaukulang ahensya ng pamahalaan
C. Hikayatin ang mga kakilala na huwag bumili at kumain ng
tahong
D. Ipagwalang bahala ang balita sa telebisyon

Development Team of the Module


Department of Education- Region X
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Author : Zinnia A. Rivera
Reviewers/ Evaluators/Editors: Christine G. Lacastesantos, Leonarda L. Arazo,
Milyn S. Tablon, Lenore L. Boa, Ananias T. Clarido Jr.,
Mary Jane O. Simeon
Illustrator : Dennis Baynas
Layout Artist : Dennis Baynas
Management Team: Roy Angelo E. Gazo, Nimfa R. Lago, Henry B. Abueva,
Virginia N. Nadayag, Sherlita L. Daguisonan, Meriam S. Otarra,
Charlotte D. Quidlat
Pagadian SDO: ARPAN G9 Quarter 1 Module 8– Weeks 8

11 DO_Q1_Araling Panlipunan 9_ Modyul 8

You might also like