Final LAS ESP 10 3rd Quarter Week 5 EDITED For Printing

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XIII – CARAGA
SCHOOLS DIVISION OF BUTUAN CITY

WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEET


Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Quarter 3 Week 5
Pagmamahal sa Bayan

Pangalan: Mylzar Pauline C. Leop Pangkat at Seksyon: X- Andromeda


Guro: Gng. Lilibeth Y. Bunghanoy Petsa: May 11, 2021

Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal sa bayan
(Patriyotismo). (EsP10PB-IIIe-11.1)

2. Natutukoy ang mga paglabag sa pagmamahal sa bayan (Patriyotismo)


na umiiral sa lipunan. (EsP10PB-IIIe-11.2)

Bahaging oras: Dalawang oras

Susing Konsepto:
• Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat
gampanan ng bawat mamamayang bumubuo nito,
• Ito ay inatawag ding patriyotismo na mula sa salitang “pater” na ang
ibig sabihin ay “ama” na karaniwang iniuugnay sa salitang pinagmulan
o pinaggalingan.
• Pagmamahal sa bayang sinilangan (NATIVE LAND).
• Naisasabuhay sa pamamagitan ng pakikilahok sa interes ng mayorya, o
kabutihang panlahat, pagsasawata sa mga kilos na di makatarungan
at di moral.
• Nasyonalismo- tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at
damdaming bumubigkis sa isang tao at sa iba pang may
pagkakaparehong wika, kultura, at mga kaugalian o tradisyon.
• Patriyotismo- isinaalang-alang nito ang kalikasan ng tao, kasama rito
ang pagkakaiba-iba sa wika, kultura, at relihiyon na kung saan
tuwiran nitong binibigyang-kahulugan ang kabutihang panlahat.
Gawain 1: Concept Web
Kagamitan: Bolpen
Panuto: Ilagay ang mga mahahalagang konsepto tungkol sa pagmamahal sa
bayan sa concept web at isulat ito sa mga nakalaang bilog at sagutin
ang mga katanungang nasa ibaba.

Ang pagkilala sa papel na dapat


gampanan ng bawat mamamayan at
ito rin ay tinatawag na patriyotismo.

Pagmamahal sa bayang
sinilangan, pagtugon sa
Ang patriyotismo na tungkulin, pagkalinga sa
Ang Pagmamahal
isinasaalang-alang nito kapwa, pagbibigay ng
sa Bayan
ang kalikasan ng tao. katarungan at
paggalang sa karapatan
ng iba.

Ang nasyonalismo na tumutukoy sa


ideolohiyang pagkamakabayan at
damdaming bumibigkas sa isang tao at
sa iba pang may pagkakaparehong wika,
kultura, at mga kaugalian o tradisyon.

1. Ano-anong kaalaman ang nahihinuha mo sa mga konseptong naisulat sa


concept web? Isa-isahin at ipaliwanag ang mga ito.
Ito ang mga kaalaman ang nahihinuha ko sa mga konseptong naisulat
sa concept web yun ay ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa
papel na dapat gampanan ng bawat mamamayang bumubuo rito.
Tinatawag din itong patriyotismo, mula sasalitang pater na ang ibig
sabihin ay ama na karaniwang inuugnay sa salitang pinagmulan o
pinanggalingan. Ang literal na kahulugan nito ay pagmamahal sa
bayang sinilangan (native land). Ang pagsasabuhay nito ay sa
pamamagitan ng marubdob na paggawa ng trabahong pinili o ibinigay,
aktibong pakikilahok sa interes ng mayorya o kabutihang panlahat,
pagsawata sa mga kilos na di makatarungan at hindi moral (Institute
for Development Education Center Research and Communication).
Kadalasan, inuugnay ang nasyonalismo at patriyotismo ngunit hindi
magkasingkahuugan. Nasyonalismo- ideyolohiang pagkamakabayan at
bumibigkas sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika,
kultura at tradisyon.
2. Ano-ano ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan? Magbigay ng apat
na sagot (bullet form).
• Ito’y nagiging daan upang makamit ang mga layunin na gusting
maisakatuparan.
• Ito’y pinagbubuklod ang mga tao sa lipunan.
• Naiingatan at napahahalagahan ang karapatan at dignidad ng tao.
• Napapahalagahan ang kultura, paniniwala, at pagkakailanlan.

Gawain 2: Mga gawaing nagpapakita ng pagmamahal sa bayan


Kagamitan: Bolpen
Panuto: Lagyan ng  kung ang kilos ay nagpapakita ng pagmamahal sa
bayan at X naman kung ito ay may paglabag sa pagmamahal sa
bayan.

Mga Kilos oX


1. Pagpapayaman ng kaalaman. Mag-aral ng mabuti. 
2. Palaging magpapahuli, marami pang oras para sa ibang X
bagay.
3. Mauuna sa pila kahit nahuli sa pagdating. X
4. Pag-awit ng Pambansang Awit nang may paggalang at 
dignidad.
5. Maging totoo at tapat. Huwag mangopya o magpakopya. 
6. Maging responsable sa paggamit ng pinagkukunang yaman. 
7. Libangin palagi ang sarili sa mga libangang di kapaki- X
pakinabang.
8. Hindi pagtangkilik sa sariling atin. X
9. Paggalang sa mga kakilala lamang. X
10. Pagdarasal para sa bansa at kapuwa mamamayan. 

Repleksyon:
Kagamitan: Bolpen.
Panuto: Pagnilayan ang tanong at isulat ang mga kasagutan sa ibaba.

Paano ko ba ipinakikita o isinasabuhay ang pagmamahal ko sa aking


bayan?
Mahalaga na magkaroon tayo ng pagmamahal at respeto sa bayan kung saan
tayo pinanganak at lumaki bilang mamamayan. Ang bawat mamamayan ng
isang bansa ay dapat magkaroon ng isang malakas na pakiramdam ng
pagkakabit sa kanilang sariling bayan. Bilang isang mamamayan, maraming
paraan upang maipakita ang iyong pagmamahal sa bansa. Halimbawa,
mayroong pagpapahalaga sa buhay sa larangan ng pisikal; katotohanan, pag-
ibig sa moral, at pag-aalala para sa iba pa sa larangan ng pag-iisip;
pananampalataya sa larangan ng espiritu; paggalang, hustisya, kapayapaan,
kaayusan, at pangangalaga sa pamilya at henerasyon sa larangan ng
lipunan; kasipagan, pangangalaga sa kapaligiran, at pangangalaga sa
pamilya at henerasyon sa larangan ng ekonomiya. Meron din mga
sumusunod na may simpleng pamamaraan sa pagpakita ng pagmamahal sa
ating bayan at ito ay isa sa mga halimbawa na ipinahiwatig. Magtipid ng
tubig , magtanim ng puno, at huwag magtapon ng tubig kahit saaan; Iwasan
ang mga gawain at libangang hindi kapaki-pakinabang; Pagtangkilik sa
sariling atin; Pagpili ng tamang pinuno; Paggalang sa kapuwa; Pagdarasal
para sa bansa at sa kapuwa mamamayanan.

Mahalagang mahalin natin ang ating bayan dahil ito ang paraan upang
pahalagahan ang kulturang paniniwala at pagkakilanlan at ang buhay, dugo
at pawis ng ating mga bayani ang naisugal dito bago tuluyang naging malaya
ng ating bayan sa mga dayuhan. Tanging pagmamahal nalang sa bayan ang
hinihiling ng ating bayan na ibigay at ialay sa kanya upang ito ay maging
payapa.

Mga Sanggunian:

Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Gabay ng Mag-aaral, Modyul 10 –


Pagmamahal sa Bayan, Unang Edisyon 2015 , pahina 184-206

Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Gabay saPagtuturo ,Modyul 10 –


Pagmamahal sa Bayan, Unang Edisyon 2015 , pahina 104-117

Writer: SHERRAMEL M. MABRAS


School/Station: TUNGAO NHS
Division: BUTUAN CITY
Email address: sherramel.mabras@deped.gov.ph

Content Review Editor:

AMELITA M. AQUINO, SSHT-IV

LILIBETH Y. BUNGHANOY, MT–I

DELIA L. ROYO, SST-III

CHI-A T. SUMANOY,SST-III
Quality Assured: March 29, 2021

Address: Rosal Street, Brgy. Dagohoy, 8600 Butuan City, Philippines


Telephone No.: (085) 341-0022
Email: depedbutuan.it@gmail.com
Website: depedbutuancity.wordpress.com

You might also like