DLP 2 L02 Atangan 12 ABM1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ARELLANO UNIVERSITY

Jose Abad Santos Campus


Basic Education Department – Senior High School
3058 Taft Avenue Pasay City
Kalinisan: 2
Kompleto: 3
Pangalan: Rafaelito D. Atangan Jr. Malikhain: 2
Antas / Strand / Seksyon: 12-ABM1 Nilalaman: 8
Petsa: 8/18/2021 Kabuuan 15

Guro: Ma’am Pasinay

Asignatura: Pagsulat sa Filipino sa Larangan ng Akademik Sanggunian: Pinagyamang Pluma: Fil sa


Piling Larangan
Paksa: Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat Uri ng Gawain: Concept Notes
Layunin: Gawain Bilang: 2
- Nakikilala ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat
- Nailalahad ang kahalagahan ng wika bilang pangunahing instrumento sa pagsulat

Mga Gamit / Pangangailangan sa Pagsulat


Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat

1. WIKA - Magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, kaisipan, damdamin,
karanasan, impormasyon at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumula. (Mahalagang matiyak kung anong
uri ng wika ang gagamitin upang madaling maiakma sa uri ng taong babasa ng akda, komposisyon o
pananaliksikna nais mong ibahagi sa iba. Mahalagang magamit ang wika sa malinaw, masining, tiyak at payak
na paraan.)
2. PAKSA- Ito ang magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda. (Ang
pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat ay napakahalaga upang maging malaman,
makabuluhan at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.)
3. LAYUNIN - Ito ang magsisilbing giya sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.
4. PAMAMARAAN NG PAGSULAT
A. Impormatibo
B. Ekspresibo
C. Naratibo
D. Deskriptibo
E. Argumentatibo
5. KASANAYANG PAMPAG-IISIP – Dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o
magsuir ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, o maging ng mga impormasyong dapat
isama sa akdang isusulat. Maging lohikal upang makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag o
pangangatwiran.
6. KAALAMAN SA WASTONG PARAAN NG PAGSULAT
- Isaalang-alang ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika particular sa wastong paggamit
ng malaki at maliit na titik, wastong pagbabaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang
pangungusap, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan.
7. KASANAYAN SA PAGHABI NG BUONG SULATIN
- Kakayahang mailatag ang mga kaisipan sa isang maayos, organisado at masining na pamamaraan mula sa
panimula hanggang sa wakas.
Gawain Bilang 1
Panuto: Ayusin ang mga salita ayon sa porma. Ibigay rin ang kahulugan nang naayos na salita.
1. O B I T A T N E M U G R A – AGRUMENTATIBO

Kahulugan:NANGHIHIKAYAT O NANGUNGUMBINSI NG MGA MAMBABASA AT NAGLALAHAD


NG MGA ISYU O PAKSA NA DAPAT PAGTALUNAN

2. I T P I R K S E D O B – DISKRIPTIBO

Kahulugan:NAGLALARAWAN NG MGA KATANGIAN, HUGIS AT ANYO NG MGA BAGAY


BAGAY NA NAKITA NATUKLASAN O NARINIG.

3. A R A N O B I T – NARATIBO

Kahulugan:ITO AY NAG SASALAY SAY NG MGA PAGKAKASUNOD SUNOD NG MGA


PNGYAYARI.

4. P S K E O B I S E R – EKSPRESIBO

Kahulugan:NAG LALAYONG MAGPAHAYAG, NAGBABAHAGI NG SARILING OPINYON, IDEYA


AT KAALAMAN SA ISANG PAKSA.

5. M I O B I T A M R P O – IMPORMATIBO

Kahulugan:ITO AY NAG PAPABATID O NAG BIBIGAY KAALAMAN SA MGA MAHAHALAGANG


PANGYAYARI.

Gawain Bilang 2
Panuto: Magsalaysay ng iyong karanasan sa panahon ng “Enhance Community Quarantine (ECQ).”
Pamantayan
Nilalaman---------------------------------- 8
Tamang gamit ng mga gramatika--- 4
Kalinisan-------------------------------- 3
Kabuan---------------------------------- 15

Karanasan sa panahon ng ECQ

Ang aking karanasan sa panahon ng ECQ ay naging miserable sapagkat hindi


ko nagagawang lumabas ng aming tahanan upang mag gala kasama ang
aking mga kaibigan at makisalamuha sa ibang tao. Ngunit sa pagpapatupad
ng ECQ ay malaking tulong ito sa bawat mamayan upang maiwasan natin
ang sakit na Covid-19 at ang pag papanatili natin sa ating kabahayan ay
maraming pa tayo bagong madidiskubre sa ating tahanan. Sa panahon ng
ECQ natutunan ko magluto ng mga bagong putahe dahil habang wala akong
ginagawa yun ang aking libangan, ang magluto at upang maiwasan ko ang
pagkabagot ay nagawa ko din ang mag ehersisyo sa loob ng aming bahay
upang lumakas ang aking pangangatawan, tumaas ang aking resistensya at
sistema ng kabal upang upang maiwasan ko ang kumakalat na sakit.

Gabay na Tanong
1. Bakit dapat isaalang-alang ang wikang gagamitin sa pagsulat?
DAPAT NA ISAALANG ALANG ANG WIKANG GAGAMITIN SA PAGSULAT
UPANG MAS MAINTINDIHAN NG IYONG MAGBABASA KUNG ANO ANG IYONG NAIS
NA IPABATID.
2. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng paksa at layunin sa pagsulat?
MAHALAGA ANG PAGKAKAROON NG PAKSA AT LAYUNIN SA
PAGSULAT UPANG ALAM MO KUNG MAGSISIMULA AT KUNG SAAN NAKABATAY
ANG IYONG SUSULATING AKDA NAKAKADAGDAG DIN ITO NG INTERES SA IYONG
MAMBABASA.
3. Ibigay ang iba’t-ibang pamamaraan ng pagsulat.
MAY LIMANG PAMAMARAAN ANG PAGSULAT Impormatibo, Ekspresibo
Naratibo, Deskriptibo AT ANG Argumentatibo.
4. Magbigay ng tatlong uri ng mga bantas at ibigay ang gamit nito.
TULDOK (.) – GINAGAMIT SA KATAPUSAN NG PANGUNGUSAP
TANDANG PANANONG (?) – GINAGAMIT SA KATAPUSAN NG
PANGUNGUSAP NA NAGTATANONG.
TANDANG PADAMDAM (!) – GINAGAMIT SA KATAPUSAN NG
PANGUNGUSAP O SALITA NA MAY MATINDI O MASIDHING DAMDAMIN.
5. Bakit mahalaga ang bantas sa paggawa ng mga akademikong sulatin? Ipaliwanag
MAHALAGA ANG BANTAS SA PAGSULAT O PAG GAWA NG AKADEIKONG
SULATING UPANG LUBOS NA MAPAPALINAW NITO ANG MGA PAHAYAG AT DAMDAMIN
NA NAIS IPARATING..

You might also like