Joanisa Final Paper

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 108

SOSYO-POLITIKS SA EDITORYAL KARTUN NG MINDANAO TECH:

ISANG SEMIOTIKONG PAGSUSURI

JOANISA G. KAMID

BATSILYER NG EDUKASYONG SEKONDARYA


(Filipino)

HUNYO 2020
[DOCUMENT TITLE]

SOSYO-POLITIKS SA EDITORYAL KARTUN NG MINDANAO TECH:


ISANG SEMIOTIKONG PAGSUSURI

JOANISA G. KAMID

Isang Tesis na Ipinasa sa Kagawaran ng Edukasyong Sekondarya, Kolehiyo


ng Edukasyon, Pamantasan ng Katimugang Mindanao, Kabacan, Cotabato
Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Kahingian sa Kursong

BATSILYER NG EDUKASYONG SEKONDARYA


(Filipino)

HUNYO 2020
[DOCUMENT TITLE]

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO


Kabacan, Cotabato
Philippines
APPROVAL OF THESIS MANUSCRIPT
Name JOANISA G. KAMID
Major FILIPINO
Degree Sought BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION
Specialization FILIPINO
Thesis Title “SOSYO-POLITIKS SA EDITORYAL KARTUN NG MINDANAO TECH:
ISANG SEMIOTIKONG PAGSUSURI”

APPROVED BY THE GUIDANCE COMMITTEE

WINNIE O. AQUINO, MALT-Fil


Adviser Co-Adviser

Date Date

PAUL JOHN D. ONGCOY, MST


Statistitian Department Research Coordinator
Date
Date

SONIA F. ALMAZAN, MA-MUSIC


Department Chairperson
_______
Date

NORQUEZ T. MANGINDRA, EdD EIMER M. ESTILLOSO, EdD


College Research Coordinator Dean
____________ ____________
Date Date

Study No: ________________


Recorded by: _____________

RECORDED:

EDWARD A. BARLAAN, PhD.


Director for Research and Development
_________________
Date
Index No:
Recorded by: __________

ii
[DOCUMENT TITLE]

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO


Kabacan, Cotabato
Philippines
ACCEPTANCE OF THESIS

The thesis attached hereto, entitled “SOSYO-POLITIKS SA EDITORYAL KARTUN NG MINDANAO

TECH:ISANG SEMIOTIKONG PAGSUSURI” prepared and submitted by Joanisa G. Kamid in partial

fulfillment of the requirements for the degree of Bachelor of Secondary Education is hereby

accepted.

WINNIE O. AQUINO, MALT-Fil


Adviser
____________________
Date

Accepted as partial fulfillment of the requirements for the Bachelor of Secondary Education.

NORQUEZ T. MANGINDRA, EdD


College Research Coordinator

_____________________
Date

PERSONAL NA TALAMBUHAY

iii
[DOCUMENT TITLE]

Ang mananaliksik ay ipinanganak noong ika-27 ng Hulyo, 1996 sa

Brgy. Makat, Columbio, Sultan Kudarat. Siya ang pangalawa sa limang na

magkakapatid nina G. Lopez B. Kamid at Norigia G. Kamid.

Siya ay nagtapos ng kaniyang elementarya sa Mababang Paaralan ng

Mayo Elementary School sa Mayo, Columbio, Sultan Kudarat. Tinapos naman

niya ang kaniyang sekondarya sa Mataas na Paaralan ng Columbio National

High School, Columbio, Sultan Kudarat.

Pumasok siya sa kolehiyo sa Pamantasan ng Katimugang Mindanao sa

kursong Batsilyer ng Edukasyong Sekondarya at kinuha ang Filipino bilang

kaniyang medyor. Sa pangatlong taon ng kaniyang pag-aaral sa kolehiyo ay

nagpasya siyang huminto sa pag-aaral.

Bumuo ng sariling pamilya sa edad na dalawampo’t dalawa, at

pagkatapos ng dalawang taon na natigil siya sa pag-aaral ay nahikayat ng

kaniyang asawa na muling bumalik sa pag-aaral.

Katulad ng kaniyang pinaniniwalaang “Ang tunay na matalino ay

lumilikha ng bagong bukas” siya ngayon ay patuloy na naglalakbay sa buhay

upang bumuo ng isang bagong umaga para sa kaniyang mga minamahal,

kapiling ang kaniyang mga minamahal sa buhay.

Joanisa G. Kamid
Mananaliksik

iv
[DOCUMENT TITLE]

PASASALAMAT

Naging posible at matagumpay ang pag-aaral na ito dahil sa mga taong

nagbigay ng suporta sa emosyonal, pinansyal at dunong. Taos-pusong

nagpapasalamat ang mananaliksik sa mga taong naglaan ng oras at naging

bahagi ng pananaliksik na ito.

Dinadakila ng mananaliksik ang kaniyang tagapayo G. Winnie O.

Aquino sa matiyaga at walang sawang pagsubaybay sa buong proseso ng

pag-aaral na ito. Maraming salamat sa oras, sa mga payo, sa pagpapakunot

ng noo upang mabigyang puna at mga mungkahi ang pananaliksik para sa

ikagaganda nito, sa malawak na pag-uunawa sa kalagayan ng mananaliksik

at maging sa tiwalang ipinagkaloob na pawang nagpalakas ng loob ng

mananaliksik upang matapos ang pananaliksik na ito.

Kina Gng. Ma. Lezel P. Pataray, Bb. Jean M. Millare at G. Paul John

B. Ongcoy bilang mga miyembro ng Komite na nagsiyasat at nagbigay ng

mungkahi upang mas mapabuti ang pananaliksik na ito.

Kina G. Marlon Salvador at Bb. Lovely Shiena C. Aragoncillo na

naging katuwang ng aking tagapayo bilang debriefer ng pag-aaral na ito.

Maraming salamat sa masusi at mapanuring pagbasa na inilaan sa pag-aaral

na ito, sa dunong at mga mungkahena ibinahagi upang higit pang umunlad

ang papel na ito at ang mananaliksik.

v
[DOCUMENT TITLE]

Kay at sa lahat ng mga guro sa kagawaran ng Filipino sa maluwag

nilang pagpapatuloy sa opisina at pagbibigay ng lakas ng loob sa

pagsasagawa ng pananaliksik na ito.

Malaki ang pasasalassmat ng mananaliksik kina Asha, at Norjana na

laging bukas sa pagpapagamit ng kanilang laptop sa buong proseso ng

pananaliksik. Ang mga laptop nila ang naging malaking instrumento upang

maisatitik ang pag-aaral na ito.

Kay Mustapha na nagbigay ng napakamakabuluhang tulong upang

matapos ang pag-aaral na ito, sa laptop, pinansya, printing ng libre, pagpa-

softbound, pagpapapirma sa routing slip, pagpapa-turnit in hanggang sa

indexing. Sukran!

Kina Rasma, Ysmael, Alindato, na naging katuwang at kasama ng

mananaliksik sa presyur sa pag-aaral at sa ante ni Mustpha sa Bonifacio na

nagpatuloy sa kanilang tahanan upang makapag-group study ang mga mag-

aaral na mananaliksik.

Maraming salamat kay Babo Sambay na laging bukas sa

pagpapahiram ng laptop sa mananaliksik sa panahon ng pandemya sa Covid

19.

Maraming salamat sa mga boardmate na sina Rhai at Norlisa na

naging katuwang ng mananaliksik sa pag-encode ng pag-aaral.

Kay ate Lay sa kaniyang tulong pinansyal.

vi
[DOCUMENT TITLE]

Kay Dading na buong prosesong nakaagapay, sumusuporta at

nagpapalakas ng loob ng mananaliksik upang magpatuloy at umunlad ang

mananaliksik.

Higit sa lahat sa Allah s.w.t na nagbigay ng buhay upang patuloy na

makapamuhay ang mga tao sa mundong ito.

Maraming salamat sa lahat ng mga nabanggit at sa mga marami pang

hindi na nabanggit ang pangalan. Kayo ang naging dahilan upang maging

posible ang tagumpay ng pag-aaral na ito.

vii
[DOCUMENT TITLE]

TALAAN NG NILALAMAN

PAHINA

MGA PAUNANG DAHON


Pamagating Pahina i
Approval of Thesis Outline ii
Acceptance of Thesis iii
Personal na Talambuhay iv
Pasasalamat v
Talaan ng Nilalaman viii
Talaan ng Talahanayan x
Talaan ng Apendises xi
Abstrak xii

INTRODUKSYON 1

Kaligiran ng Pag-aaral 1

Kahalagahan ng Pag-aaral 3
Katanungan ng Pag-aaral 5
Teoritikal na Balangkas 6
Delimitasyon at Limitasyon ng Pag-aaral 11
Depinisyon ng mga Terminong Ginamit 12
Organisasyon ng Pag-aaral 14

viii
[DOCUMENT TITLE]

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA 23


Mga Kaugnay na Pag-aaral 23
Mga Kaugnay na Literatura 25

METODOLOHIYA 29
Disenyo ng Pag-aaral 29
Tungkulin ng Mananaliksik 29
Paraan ng Pag-Annalisa ng mga Datos 30
Instrumentong Ginamit 31
Konsiderasyong Etikal 31
Mapananaligan 31

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN


NG MGA DATOS 33

DISKUSYON NG PAG-AARAL 67

TALASANGGUNIAN 77

APENDISES 79

ix
[DOCUMENT TITLE]

TALAAN NG TALAHANAYAN

TALAHANAYAN PAMAGAT PAHINA

1 Imahe ng Editoryal Kartun ng Min


danao Tech
38

2 Tatlong Lebel ng
Pagpapakahulugan batay sa
Order of Signification ni Barthes 52

x
[DOCUMENT TITLE]

TALAAN NG APENDISES

APENDIKS PAMAGAT PAHINA


A Application for Research Adviser 80
B Application for Research Title 81
C Estimated Budget of the Research 82

D Application for Thesis Manuscript Defense 83


E Editoryal Kartun 84

ABSTRAK

xi
[DOCUMENT TITLE]

KAMID, JOANISA G. 2020 Sosyo-Politiks Sa Editoryal Kartun Ng Mindanao


Tech: Isang Semiotikong Pagsusuri Isang Pananaliksik na Papel sa
Kolehiyo ng Pagtuturo, Pamantasan ng Katimugang Mindanao,
Kabacan, Cotabato 93pp.

Tagapayo: Winnie O. Aquino, MALT Fil

Ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ay masuri ang sosyo-

politiks na ipinoprojek ng editoryal kartun ng Mindanao Tech 2013-2019.

Tiniyak ng mananaliksik na masagot ang mga sumusunod na

katanungan: 1) Ano-ano ang mga literal na kahulugan na masasalamin sa

editoryal kartun ng Mindanao Tech? 2) Ano-ano ang imaheng sosyo-politiks

sa bansa naipinoprojeksa editoryal kartun sa huling sampung magkakasunod-

sunod na edisyon? 3) Ano ang ideolohiyang namamayani sa loob ng

sampung edisyon?

Ginamit sa pag-aaral na ito ang desenyong kwalitatibo partikular ang


“Descriptive Content Analysis”. Sinusuri ang sampung editoryal kartun sa
pamamagitan ng pagkuha ng mga imaheng sosyo-politiks sa institusyong
panlipunan gamit ang semiotika.

Ginamit na instrumento sa pag-aaral na ito ang pahayagan na Mindanao

Tech upang makuha ang mga datos na editoryal kartun. Ang mga nalikom na

datos ay nilapatan ng semiotikong pagsusuri. Tinukoy ang denotatibong

xii
[DOCUMENT TITLE]

kahulugan ng mga karikatura gamit ang istaylistik kanon nina Medhurst at

DesouSa. Ang konotatibong kahulugan ay pinalutang gamit ang rhetorical

tropes ni Daniel Chandler. At napalutang naman ang imaheng sosyal at

politikal sa pamamagitan ng sosyolohikal na pagsusuri. Pagkatapos masuri ay

ipinabalideyt ang papel na ito sa tatlong eksperto sa larangang ito.

Pagkatapos ng isinagawang pag-aaral, napatunayan ng mananaliksik

ang mga sumusunod: 1) Mula sa denotatibong pagpapakahugan ay lumabas

ang liko liko at putol putol na daan, paghihirap ng mga Filipino sa pagtaguyod

ng edukasyon, alaala ng martial law, pagpaplano at pagbabanta ni Robredo,

biktima ng pambobomba sa davao, pagtugis sa mga drug addict at kurap,

paggamit ng politician sa medya, pakikisali ni Juan sa kilos protesta, pagkamit

ng kapayapaan sa Mindanao at ang pag-akay ni Pope Francis sa LGBT. 2)

Batay sa pagsusuri sa sosyo-politiks na aspeto ng editoryal lumabas ang hindi

pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan bunga ng pagkaantala sa usad ng

usapang pangkapayapaan, kinakalakal ang edukasyon sa Pilipinas,

nakapangangamba ang muling pagpapatupad ng martial law, may nilulutong

plano ang pangalawang pangulong Robredo, pagluluksa ng mga biktima ng

Davao bombing, pagpapatupad ng kampanyang Tokhang ng pangulong

Duterte at pagtugis sa mga kurap, nananalo sa eleksiyon ang mga sikat at

popular sa radio at telebisyon, marami ang isyu ng masang Filipino, marami

ang nasasakripisyo sa digmaan sa Mindanao at bukas si Pope Francis sa

LGBT. 3) Ang mga ideolohiyang lumutang sa bawat editoryal ay mahalaga

xiii
[DOCUMENT TITLE]

ang senseridad ng magkabilang partido sa pagsusulong ng usapang

pangkapayapaan, export oriented ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas,

martial law ay pagsupil/pag-apak sa karapatang pantao, nagtutunggali sa

politika ang mga matataas na opisyal, pag-iral ng culture of impunity/ kawalan

ng hustisya, ang druga at kurapsyon ay sakit ng lipunan, laganap ang vote

buying sa eleksiyon sa bansa, mahilig makilahok sa mga kilos protesta ang

mga Filipino, ang kapayapaan ay nakakamit sa diplomatikong pamamaraan at

pantay pantay ang tao sa usapin ng karapatan.

xiv
1

INTRODUKSYON

Kaligiran ng Pag-aaral

… one face looks from the media to the larger


society and its institutions. It reflects the
link between the media and the other
institutions such as politics, economics,
education and religion…
(Littlejohn, 1992)

Makapangyarihan ang media. May kakayahan itong makahikayat

napaniwalaan ang isang ideya, baguhin ang pananaw at ideolohiya ng isang

lipunan. Maiging sinusuri ng media ang iba’tibang aspeto ng buhay. Ang mga

relasyon, mithiin ,ugnayan ng tao, maging ang panlasasa pagpili ng musika,

palabas at babasahin. Ibig sabihin ang media ay nagbibigay daan

sapakikipag-ugnayan ng bawat institusyong panlipunan sa paghubog ng

ideolohiyang panlipunan.

Isa sa maimpluwensiyang tagahulma ng ideolohiya ng lipunan ang

pahayagan. Ang pahayagan ay may malaking kontribusyon sa pagsisiwalat sa

kalagayang panlipunan ng isang bansa. Mayroon itong iba’t ibang bahagi na

tumatalakay sa iba’t ibang isyu. Isa sa higit na makatawag pansing bahagi ng

pahayagan ay ang editorial lalo na ang editorial kartun sa pagkat ito ay mga

larawan o imahe na may bahid ng katatawanan sa pamamagitan ng


2

pagmamalabis ng mga prominenteng pisikal na katangian ng tao. Isa itong

karikatura na likha ng editoryal board.

Ayon kay Anoñuevo (2008), ang editoryal ay kumakatawan sa mga

pananaw ng pangkat ng editor na maaring lumihis sa itinakdang pananaw at

patakaran ng pamahalaan at hinahatak ang malawak na lipunan na

makisangkot sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga opinyon at pagpapasiya

hingil sa naturang pananaw at patakaran. Ang editoryal ay naglalaman ng

opisyal ng posisyon ng buong editoryal board ng siyang utak ng pahayagan.

Samantalang ang editoryal kartun naman ay masasabing ang puso ng

pahayagan dahil ito ay may kakayahang pumukawsa masa nakaraniwang

walang akses sa komersyalisadong edukasyon. Nagkaroon ito ng

kapangyarihang impluwensiyahan ang damdamin, isipan at paniniwala ng

mambabasa. Mula sa karikaturang nakalahad sa editoryal, masasalamin dito

ang iba’tibang larawan ng karanasan ng isang lipunan na binubuo ng iba’t

ibang sangay ng institusyon na binibigkis ng iba’t ibang mithiin at

pinagagalaw batay sa kani-kanilang adhikain. Ang kultura ng pamilya, kalidad

ng edukasyon, paniniwala ng relihiyon at antas ng ekonomiya…mga

institusyong magkakaiba ng sistema, pananaw at misyon, subalit

pinagbubuklodng iisang hangarin, ang punan ang kakulangan, ng isa’t isa

para sa ikabubuti ng paghubog ng bawat indibidwal. Sa lipunan mag-uugat

ang karakter ng indibidwal, sa lipunan magsasanga ang tatag ng karakter na


3

ito at sa lipunan magbubunga ang tagumpay ng katatagan nito na dulot ng

paghubog ng media sa lipunan.

Sa konteksto ng kalagayang panlipunan sa kasalukuyan na umiigting ang

mga kaganapan sa nagsusumpaki at nagsasalungatang mga pananaw,

layunin at paninindigan ng iba’t ibang sektor at pundok ng mamamayan higit

lalong kinakailangan ang isang midyum na magbibigay ng iisang larawang-

diwa sa kalagayang panlipunan ng bansa. Kung gayon napapanahon lamang

na pag-aralan ang editoryal kartun bilang repleksiyon ng mga pangyayari sa

apat na institusyong panlipunan (pamahalaan, simbahan, paaralan, tahanan)

na ipinoprojek ng mga editoryal kartun upang masuri ang ugnayan ng mga

simbolo na ito sa karanasan ng realidad na lipunan.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang editoryal ay kasasalaminan ng mga kaganapang nangyayari sa isang

lipunan batay sa paningin ng mga manunulat. Ito ay maituturingna bahagi ng

panitikan na may adhikaing makalikha ng boses upang marinig, naglalaman

ng mga argumentong makapagmumulat sa nahihimbing na kamalayang

panlipunan.

Mahalaga ang pag-aaral na ito upang masuri ang mga adhikaing may

kinalaman sa mga isyung sosyal at politikal na masasalamin sa bawat


4

editoryal. Mabibigyan ng karampatang interpretasyon ang bawat larawang

nakasaad sa mga ito at mabibigyan ng gabay ang mga mambabasa sa kung

paano ito titingnan ayon sa kontekstong nais nitong palutangin.

Sa panig ng administrasyon magsisilbi itong assessment point at

ebalwasyon sa perpormans at serbisyong ibinibigay nito sa mga mamamayan

tungo sa higit pang ikagagaling ng kanilang paglilingkod.

Sa panig ng akademya, magagamit ito bilang lunsaran sa pagtuturo ng

mga akdang pampanitikan na may kaugnayan sa paksa ng talakayan sa

klase.

Sa mga mag-aaral, magsisilbi itong gabay kung paano susuriin ang

mga larawang inihahatid ng editorial kartun hindi lamang sa literal nitong

kahulugan kundi maging sa kontekstong panlipunan. Magiging daan ito sa

mas malalim na pag-unawa at tamang paraan ng pagpapakahulugan sa

tulong ng paggabay ng guro sa mga pangyayaring sosyal at politikal na

ipinoprojek ng editoryal.

Mamumulat ang mga mambabasasa mga kaganapang nangyayari sa

lipunan na siyang magbubunsod ng higit na pakikilahok sa pagpanday ng mga

pagbabagong hinahangad tungo sa mainam na pamumuhay at

sistema.Maaring mabuksan ang isipan ng mambabasa sa mga isyung hatid

ng editoryal.
5

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa higit pang pagpapatibay ng

bigkis sa relasyon ng mga Filipino saan mang panig ng bansa sa pagkakaroon

ng iisang larawang diwa ng lipunan sa pamamagitan ng editorial.

Sa panig naman ng editor, manunulat at kartunist ng anumang

pahayagan, magbibigay diin ito sa lawak, lalim at bigat ng gampanin na

kaakibat ng paghahatid at paghuhulma ng editoryal na siyang higit na

makaka-impluwensiya sa isipan at damdamin ng mambabasa.

Para naman sakabataan maeengganyo sila sa pagbabasa ng editoryal

dahil higit nilang mauunawaan at mapahahalagahan ang esensiyang

inilalarawan nito.

Katanungan ng Pag-aaral

1. Ano-ano ang mga literal na kahulugan na masasalamin sa editoryal

kartun ng Mindanao Tech?

2. Ano-ano ang imaheng sosyo-politiks sa bansa naipinoprojeksa

editoryal kartun sa huling sampung magkakasunod-sunod na edisyon?

3. Ano ang ideolohiyang namamayani sa loob ng sampung edisyon?


6

Teoretikal na Balangkas

The meaning of a thing lies largely in its relationship to other things,

both in its similarities to other things and its differences. By establishing these

relationships, you are identifying the system in which a sign works, (Maasik

and Solomon, 1997).

Nangangahulugan na ang relasyon ng mga simbolo… ang kaibahan at

pagkakatulad, ang set ng magkaka-ugnay na mga mahahalagang pangyayari

ay may malaking kahalagahan sa pagbibigay ng interpretasyon sa mga

simbolo. The key elements of a semiotic interpretation: the establishment

of a set of associated phenomena (Maasik at Solomon, 1997:8). Ito ang

konseptong pinaniniwalaan ng teoryang semiotika.

Kaugnay ng pahayag nila lahat ng nahihinuha at nabubuo sa isipan ay

isang signo na tumutukoy sa isang bagay para mabigyan ng interpretasyon.

Ito man ay sa pamamagitan ng mga salita, tono, imahen, kilos, at mga bagay.

Ang isang dokumento mula sa telebisyon, dula sa radio, kanta ni Adelle,

tarpaulin ng mga kandidato, ang poster sa bus stop at sa mga kalye ay mga

teksto lahat. Ang kahulugan ng signo ay nakaangkla sa iba pang signo.


7

Nagkakaroon ng ugnayan ang lahat ng mga simbolo upang makabuo ng isang

pangkalahatang kahulugan na nababatay sa isang sistemang sinusunod.

Hindi maihihiwalay ang mga penomenong panlipunan, mapasosyal

man o politikal sa paghubog ng ideolohiya at imahen ng isang kasalukuyang

lipunan. Ayon pa kay Barthes (nasa Maasik at Soloman, 1997:7), kinuha sa

Reyes (2014),

…the point of semiotics ingeneral is that all social behavior is


political in the sense that it reflects some personal or group interest.
Such interests are encoded in what we called “ideologies or world views,
that express the values and opinions of those who hold them”.

Ipinaliliwanag lamang nito na ang realidad ng lipunan, ang kilos, pag-

uugali at kaisipan ay may bahid politikal sapagkat ipinapakita nito ang

ideolohiya ng iilan lamang. Ang pagkalikha ng mga simbolong ito at imahen,

lalo na sa modernong henerasyon ay nagbibigay diin sa kahalagahan ng

pagbasa sa mga signo ayon sa konteksto nito. Ayon nga kina Maasik at

Solomon (1997:7), semiotics, accordingly, is not just about signs and

symbols: it is equally about ideology and power.

Patunay ito na ang paggamit ng teoryang semiotika ay angkop lamang

sa pagsusuring gagawin sa editoryal sa pahayagan na kakikitaan ng mga

kaganapang panlipunan. Kaya naman nakasalig din ang pagsusuri sa Order

of Signification ni Roland Barthes (1957) na kung saan ipinahahayag ang

tatlong lebel ng pagsusuri sa isang signo, ang denotasyon, konotasyon at

ideolohiya.
8

Ayon kay Chandler (2011), the semiotic analysis of cultural myths

involves attempts to deconstruct the ways in which, codes operates

within particular popular text or genres, with the goal of revealing how

certain values, attitudes and beliefs are supported while other are

suppressed.

Nangangahulugan na sa pamamagitan ng tatlong lebel ng

signipikasyon ay unti-unting nasisinag ang mga nakatagong panlipunang

suliranin mula sa teksto o larawan na sumasalamin sa isang partikular na

lipunan. Napapalutang nito ang ideolohiyang sosyal at politikal na

namamayani sa isang panahon. Higit na mabibigyang kahulugan ang isang

teksto batay sa konteksto nito at hindi lamang sa literal na pagpapakahulugan.

Editorial cartoons are visual artifacts communicating rhetoric

(Matthews, 2011). Ang retorikal na katangian ng editoryal kartun ang

nagbibigay talim sa mensahe nito. Hindi nagiging direkta ang nais nitong

ipahiwatig bagkus nag-iiwan ito ng palaisipan sa mga mambabasa sa nais

nitong ipahiwatig. The arguments made by editorial cartoons are logical

but are intentionally incomplete; they do not spell everything out for the

reader (Medhurst and Desousa, 1981 nasa Matthews 2011) na kinuha sa

Reyes (2014). Kaya napakahalaga ng ginagampang papel ng retorikal tropes

sa paghihimay ng mga kahulugang nais bigyang diin ng kartun. Pinatunayan

ito sa pahayag nina Lakoff at Johnson (nasa Chandler, 2011) na, tropes are

the basis much of our understanding in everyday life. Ang mga hindi
9

direktang pahayag, mga signong nakikita sa paligid at maging ang ikinikilos ng

tao sa kanyang kapwa ay binibigyan ng interpretasyon batay sa sitwasyon.

Mahalagang salig ng apat namaster trope mula sa pag-aaral ni Daniel

Chandler, ang metapora, sinekdoke, metonomi at ironya.

Nakaangkla rin ang pagsusuri sa istaylistik kanon mula sa pag-aaral

nina Medhurst at Desousa (1981). These stylistic choices offer cartoonist a

wide range of tools with which to fashion their rhetorical invitation to

reader (212). Ang iba’t ibang cartoonist ay may kanya-kanyang pamamaraan

sa pagdebuho ng kanilang larawan. Ang istaylistik kanon ay higit na

makatutulong sa lubusang pag-unawa sa kahulugan ng kartun mula sa

magkakaibang proponent. It is precisely this graphic complexity which

helps explains the disparity between cartoonists’ persuasive intentions

and the eventual interpretation of the cartoon by reader (219). Mula rito,

makikita ang pagkakatulad at pagkakaiba mula sa kompleks na kahulugang

inilalahad ng isang kartun. Ang ugat ng panghihikayat ay isang malaking salik

sa pagpapakahulugan ng mga mambabasa. Ang pag-angkla ng pagbasa sa

kartun sa istaylistik kanon ay isang malaking ambag sa pagbibigay ng tiyak na

interpretasyon mula sa isang kopleks na larawan.

Pagbabatayan din sa pag-aaral na ito ang teoryang sosyolohikal na

kung saan ang pokus ay ang ugnayan ng tao sa lipunang kinabibilangan.

Ayon nga kina Santos at Tayag (2011), ang tao ay bahagi ng mga institusyong

panlipunan na likha rin ng tao; pamilya, simbahan, edukasyon, batas, politika,


10

kultura at ekonomiya. Kung gayon , ang bawat institusyong ito ang humubog

sa pagkatao ng isang indibidwal. Mahalagang maunawaan ang inetraksyon ng

tao sa kanyang kapwa o bawat institusyong panlipunan na humuhulma sa

isang indibidwal. Sa pamamagitan ng teoryang ito masusuri ang papel at

ugnayan ng tao sa bawat institusyong panlipunan; pamahalaan, simbahan,

paaralan at pamilya na masasalamin sa mga editoryal ng pahayagan.

Hindi maihihiwalay sa pagsusuri ang pagsasa-alang-alang sa

panahong iniikutan ng akda. Ayo nga kay Gadamer (nasa Reyes, 1992:115-

116) na kinuha sa Reyes (2014), ang pag-unawa ay palaging nasa punto de

bista ng isang taong umuunawa. Hindi maaring iwaglit ang sarili sa paggawa

ng interpretasyon, ang interpretasyon ay palaging re-interpretasyon mula sa

perspektibo ng kasalukuyan. Ipinahihiwatig lamang na ito ay pag-unawa sa

mga pangyayari sa kasalukuyan, ang historikal na konteksto ng panitikan at

wika at ng siyensya upang mas magkaroon ng akma, tumpak na pabibigay

interpretasyon sa mga imahen at simbolo. ito ang teoryang hermenyutika na

isang pag-aaral o isang teorya ng interpretasyon sa pagbibigay kahulugan

(Reyes, 1992) na nasa Reyes (2014). Isa ito sa magiging batayang teorya ng

pag-aaral na kung saan pinapahalagahan ang pag-susuri sa panahong

kinapapalooban ng isang isyung tinatalakay sa editoryal. Kinakailangan ito

upang maiwasan ang maling paghusga sa akda at manatiling bukas sa

nakaraan upang iwasto ang anumang pagkiling sa nilalaman ng teksto.


11

Ayon kay Santos at Tayag (2011), nagkakaroon ng iba’t ibang lebel ng

subhektidad ang krito. Masasabing walang iisang interpretasyon na maaring

ibigay sa isang akda. Sa teorya ng pagtanggap at pagbasa (reader’s

response theory) tinatangkang ilarawan ang nagaganap sa isip ng

mambabasa habang binibigyang-kahulugan ang akda/teksto. Isa ito sa pag-

aangklahan ng pag-aaral sapagkat winawasak nito ang tradisyunal na diin ng

teksto at sa produksyon nito at ang maling obhektibismo na naiuugnay sa mga

produktong kultural. Iginigiit nito ang aktibong papel ng mambabasa bilang

sentral na elemento sa teorya. Bawat henerasyon ng nagbabasa sa teksto ay

nagkakaiba ng sariling interpretasyon na natatakdaan ng kanilang posisyon sa

lipunan at ideolohiya.

Delimitasyon at Limitasyon ng Pag-aaral

Sinasaklaw lamang ng pag-aaral na ito ang pagsusuri sa editoryal

kartun o karikaturang nasa loob ng kahon ng pahayagang Mindanao Tech. sa

pinakahuling sampung edisyon ng nasabing pahayagan. Hindi na sakop ng

pag-aaral ang nakasulat na editoryal. Kabilang sa delimitasyon ng pag-aaral

na ito ang pagkakaroon ng iba’t ibang interpretasyon sa mga karikatura.

Inaasahan naman na makabubuo ng isang banghay aralin bilang output ng

isasagawang pag-aaral.
12

Depinisyon ng mga Terminong Ginamit

Upang higit na maunawaan ng mga mambabasa ang ginawang pag-aaral

binigyang kahulugan ang mga terminong madalas na nabanggit sa

pananaliksik.

Denotasyon ito ang kahulugang literal ng mga karikatura na

nakita sa pahayagang Mindanao Tech.

Editoryal sa bahagi ng pahayagan na ito kinuha ang mga

editoryal kartun na siyang gagawan ng suri sa

pag-aaral na ito.

Editoryal Kartun ito ang kinalap na datos na siyang sinuri batay sa

semiotikong pagsusuri.

Ideolohiya ito ay ang namamayaning sistema o kolektibong

ideya, kilos, gawi at paniniwala na nabubuo sa

lipunan sa loob ng mga panahong sinasaklaw ng

pag-aaral na ito.
13

Institusyong Panlipunan sa pag-aaral na ito ipinakita ang relasyon at

ugnayan ng mga institusyon ng lipunan sa isa’t isa

(pamahalaan, simbahan, paaralan, tahanan).

Konotasyon tumutukoy sa ugnayan o relasyon ng lipunan at

pamahalaan na nais ipahiwatig ng mga karikatura.

Sa pagkuha nito, ibabanatay ang

pagpapakahulugan sa Rhetorical Tropes ni Daniel

Chandler (2011).

Mindanao Tech ito ang opisyal na pahayagan ng Pamantasan ng

Katimugang Mindanao na ginamit na

instrumento sa pagkalap ng editoryal kartun.

Order of Signification sa pag-aaral na ito tinukoy ang lebel na

pagpapakahulugan sa mga editoryal kartun batay

sa order of significantion ni Roland Barthes.

Kabilang dito ang denotasyon, konotasyon at

ideolohiya.

Rhetorical Tropes ito ay ang matayutay o matalinghagang paglalahad

ng ideya at kahulugan na nalikha ng argumento sa

loob ng editoryal karton upang maibigay ang mga

natatagong kahulugan o ang konotasyon ng mga

karikatura.
14

Semiotic Analysis ito ay pag-aaral ukol sa senyales na nauukol sa

pagpapakahulugan o pag-iinterpret ng kahulugan

sa pamamagitan ng pagbibigay-kahulugan sa

ugnayan ng bagay o simbolong binibigyang

kahulugan o tinatawag na signifier. Tumutukoy ito

sa pagbibigay ng interpretasyon sa mga larawan

na siyang pokus ng pag-aaral na ito.

Sosyo-Politiks to ang mahahalagang ugnayan ng lipunan at

pamahalaan, ito ang susuriinsa pag-aaral na

itobatay sa moralidad, mga balyu o kagandahang

asal at gawaing politikal.

Organisasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay binubuo ng unang kabanata na naglalaman ng

introduksyon ng pag-aaral, kahalagahan ng pag-aaral, katanungan ng pag-

aaral, teoretikal na batayan, delimitasyon at limitasyon, depinisyon ng mga

terminolohiya at organisasyon ng pag-aaral.

Pangalawang kabanata nito ay naglalaman ng mga kaugnay na pag-aaral

at kaugnay na literatura. Samantalang ang pangatlong kabanata ay

naglalaman naman ng mga metodolohiya. Kabilang dito ang disenyo ng pag-


15

aaral, tungkulin ng mananaliksik, pag-aanalisa ng mga datos, instrumento ng

pag-aaral, konsiderasyong etikal at mapananaligan.


13

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Sa bahaging ito, ipinakita ang mga nagawang pag-aaral na may kaugnayan

sa pananaliksik at mga babasahing nagpapahayag ng mga ideya, konsepto at

sitwasyong kaugnay parin sa pag-aaral.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

May mga pag-aaral na naisagawa hinggil sa pragmatics bilang pagdulog o

pagtingin sa pagsusuri ng mga akda at larawang-diwa na masasalamin sa

editoryal. Ilan dito ay makikita sa ibaba.

Sa pag-aaral ni Reyes (2014) na may layuning alamin ang sosyo-politiks

na masasalamin sa editorial kartun ng Philippine Daily Inquirer ay ginamitan

ng deskriptibo o paglalarawan na uri ng pananaliksik na nilapatan ng

semiotikong pagsusuri mula sa Order of Signification ni Roland Barthes

(1957). Sa pagsusuri sa denotatibong kahulugan ginawang lunsaran ang

Istaylistik Kanon nina Medhurst at DeSousa (1981), upang matukoy naman

ang imahe sa kartun nilapatan ng Rhetorical Tropes ni Chandler (2011) ang

pagsusuri sa konotatibong kahulugan ng karikatura at pagkatapos ay tinukoy

ang ideolohiyang namamayani sabawat karikatura. Mula sa nagging resulta


14

ng kanyang pag-aaral natuklasan sa aspektong sosyal na lutang ang imahe

ng

palabang ina, kasaganahan, pagkagutom, pagsisikap,

pagkakontento,pagkakaisa,masasamang impluwensiya, mapagpatawad na

ama, pagkakasala, opresyon sa midya, pagbabanta sa mamamahayag,

karahasan, banta sa seguridad, mabagal na proseso ng hustisya, dagdag

pasanin ng mga konsyumer, kawalan ng komitment sa trabaho, pagtatraydor,

pagdanak ng dugo, paggamit ng dahas, kahirapan, tradisyunal na ina,

masculinity, paglabag sa moralidad ng lipunan, kawalan ng pagmamalasakit

at pagmamahal sa bayan, paghahangad ng malaking sahod, impluwensiya ng

dolyar, paghihirap ng mga magsasaka, pag-asa sa pagbabago, mahinang

boses ng panawagan at pagyakap sa kulturang popular. Sa aspektong

politikal ang mga imaheng hindi pagkakasundo ng mga mambabatas,

determinasyon sa pagpapahayag ng opinyon, pagmamaliit at panghahamak

sa kapwa politiko, pagkagahaman, pagsira sa pader o harang, pagkatali sa

unduan, katiwalihan sa sandatahang lakas, panakip-butas, walang ngipin ang

batas, yon, pagtakas sa obligasyon, pagkagulat at pagkabahala, bulok na

sistema ng pamahalaan, pagkagahaman ng lider, hindi mapagkatiwalaang

pinuno, pangingilkil at kawalan ng tiwala sa mamumuhunan. Ang namamayani

namang ideolohiya ay ang korapsyon bilang ugat ng kahirapan ng bansa.

Malaki ang pagkakaugnay ng pag-aaral ni Reyes sa isasagawang pag-

aaral sapagkat magiging pokus din ng pananaliksik ang paggamit ng


15

pragmatics bilang pangunahing sandigan sa pagsusuri sa akda. Magkaugnay

din ang pag-aaral dahil pareho itong naglalayong maipakita ang sosyo-politikal

na isyu sa lipunan na nakatago sa akda. Maging ang metodo at teoryang

ginagamit sapananaliksik.

Nagkaroon lang ng pagkakaiba sa pahayagang ginamit sapagkat ang

editoryal kartun na susuriin ay mula sa pahayagang Mindanao tech.

Pinapaksa naman sa pag-aaral ni Tayag (2011) ang tungkol sa Komiks

pragmatics. Nilalayon nitong alamin at suriin ang kalagayang sosyal at politikal

ng Pilipinas na makikita sa komiks istrip na Pugad Baboy. Ginamit na disenyo

ang kwalitatibo. Sa pagtalakay ginamit ang deskriptibong pamamaraan at

analisis ng nilalaman (content analisis) ng dokumento. Ang ginawan ng

analisis ay piling mga istrip mula sa walong isinaaklat na kompeylasyon ng

Pugad Baboy ni Pol Medina Jr. ginamit sa kanyang pag-aaral ang teoryang

pragmatics bilang pangunahing padron sa pagsusuri ng komiks. Nakaangkla

rin ang interpretasyon batay sa semiotika, hermenyutika at teoryang reader

response sa pagsusuri sa mga akda. Ginamit sa pagsusuri ng ugnayang

teksto at konteksto ang mga Coordinated Management of Meaning,

Triangle of meaning at Discourse Analysis.

Lumabas sa kanyang pag-aaral na mulat ang manunulat sa mga

kaganapang panlipunan sa kanyang panahon na nagtutulak sa kanya upang

likhain ang Pugad Baboy. Natuklasan din sa pagsusuri na projeksyon ng

mamamayang Pilipino ang mga tauhan sa komiks mula sa pinakamataas na


16

karakter hangang sa pinakamababang karakter na kumikilos sa iba’t ibang

institusyon nito. Masasalamin din na ipinoprojek sa loob ng tahanan ang mga

pagbabago sa kultura ng pamilyang Pilipino tulad ng pagbibigay halaga sa

salapi kaysa pagpapahalaga sa isang sama-sama at buong pamilya. Napag-

alaman din na halos magkakatulad lamang ang larawan ng Pilipinas na

ipinoprojek ng komiks sa Pugad Baboy sa mga institusyong panlipunan na

binubuo ng tahanan, paaralan, pamahalaan at simbahan ngunit mas

nakahihigit sa mga isyung sosyo-politikal ang pamahalaan.

Malaki ang pagpagkakaugnay ng pag-aaral ni Tayag sa isasagawang

pag-aaral sapagkat parehong pokus din ng pananaliksik ang paggamit ng

pragmatics bilang pangunahing sandigan sa pagsusuri sa akda, naglalayong

maipakita ang sosyo-politikal na isyu sa lipunan na nakatago sa akda. Ang

metodo at teoryang ginagamit sa pananaliksik ay magkapareho din. Ang

ipinagkaiba lamang ay sa instrumentong ginamit sapagkat ang suring akda ay

mga piling editoryal kartun mula sa pahayagang Mindanao tech.

Ang pag-aaral naman nina Sani et. Al (2012) ay naglalayong ilarawan

kung paano naging daan ang mga politikal kartun sa pagbuo ng mga

panlipunang usapin sa pahayagan ng mga Nigerian upang mabago at

mahubog ang kanilang kamalayan sa mga kasalukuyang sosyo-politikal

kartun sa pagbuo ng mga panlipunang usapin sa isyu sa isang partikular na

panahon. Gumamit ng content analysis upang matukoy ang temang

masasalamin sa kartun. Kwalitatibong paraan sa pamamagitan ng teoryang


17

semiotika ang pagtingin sa editoryal kartun. Lumabas sa pag-aaral na 80% ng

mga tema ay tumutukoy sa tipikal na gawaing panlipunan ayon sa

kontekstong sosyo-politikal ng mga Nigerian. Lumabas din sa pag-aaral na

makikita sa editoryal kartun ang pagpili lamang ng mga kasalukuyan at

sensitibong isyu na mahalaga at may ugnayan sa tao. Malaki ang kaugnayan

ng pag-aaral na ito sa isasagawang pag-aaral sapagkat parehong instrumento

ang gagamitin, ang pagkukunan ng datos ay ang editoryal kartun ng isang

pahayagan. Pareho ring kwalitatibong paraan ng pagsusuri sa pamamagitan

ng semiotikong dulog ang gagamitin sa pag-aanalisa ng mga datos.

Sa isa pang pag-aaral nina Sani et. Al (2012) ay naglalayuning

matukoy ang kalikasan at papel na ginagampanan ng humor sa Nigerian

newspaper. Gumamit sila ng relief theory, superiority theory at incongruity

theory sa pag-analisa ng mga datos. Lumabas sa kanilang pag-aaral na ang

pagkakaroon ng humor sa mga kartun ay nakapagpapagaan ng kalooban

mula sa mabigat na suliranin at nakahihikayat sa kanilang makapagbabahagi

ng opinyon sa mga kasalukuyang pangyayari sa lipunan. Nasuri din na

minanipula ng mga cartoonist ang paglalapat ng katatawanan o humor styles

sa mga guhit na nagsisilbing kritisismo sa mga nanunungkulan sa gobyerno

upang magsilbing daan sa pagkakaroon ng pagbabago sa lipunan at usaping

pampulitika.

Mayroong kaugnayan ang pag-aaral na ito sapagkat parehong

nakapokus sa editoryal kartun ang pagsusuri. Kwalitatibong paraan ng


18

pagsusuri ang ginamit sa pamamagitan ng pag-aanalisa sa content subalit

magkaiba lamang ng teoryang pinag-angklahan.

Si Gallarde (2018) naman ay nagsagawa ng pag-aaral na may layuning

makalikom ng mga pahayag mula sa iba’t ibang Sitcom ng ABS-CBN at

masuri at matalakay ang pragmatikong kahulugan ng mga pahayag na ito

batay sa Order of Significance ni Roland Barthes 1957. Ginamit ang

kwalitatibong disenyo ng pananaliksik. Gamit ang deskriptibong pamamaraan

partikular ng content analisis. Napatunayan mula sa resulta ng kanyang pag-

aaral na ang linya sa sitcom ay sumasalamin sa araw-araw na pamumuhay ng

mga Pilipino. May iba’t ibang isyu na makikita sa linyang binibitawan ng mga

artista sa sitcom at bukod sa literal na kahulugan ng pahayag ay madudukal

din ang konotasyon at ideolohiyang hatid nito sa manonood.

Mayroong kaugnayan ang pag-aaral sa pagkat sinuri at tinalakay rin dito

ang pragmatikong kahulugan ng mga pahayag batay sa Order of Sinificance

ni Roland Barthes. Kwalitatibong paraan din ang ginamit sa pamamagitan ng

pag-aanalisa sa content.

Ang pag-aaral naman ni Gallego (2017) ay may layuning masuri ang

mga signature line ng ilang piling personalidad sa Mass Media. Kwalitatibo

ang pangunahing disenyong ginamit sa pag-aaral at nilangkapan ng

paglalarawan (descriptive), pangnilalamang pagsusuri (content analisis) at

pagsusuring istruktural upang mapalitaw at maipakita ang mga kahulugang

dala ng mga salita. Inilahad ng pag-aaral na ito na ang mga umiiral na paraan
19

ng pagbubuo ng mga salita ng mga personalidad ay payak, paglalapi at pag-

uulit. Nanghihiram ng mga salita mula sa wikang Ingles sa kanilang

pagpapahayag. Napatunayang may mga pagbabagong morpoponemikong

nagaganap sa mga salitang nakapaloob sa signature line ng ilang mga piling

personalidad sa Mass Media, (asimilasyong ganap, pagkakaltas ng ponema,

paglilipat diin,pagpapaikli, pagdaragdag,at pagtatakda ng kahulugan, at

pagpapaikli at pagdaragdag). Nilinaw rin ng pag-aaral na maaaring magtaglay

ng higit sa isang kahulugan ang isang pahayag. Ang kahulugan ng salitang

ginamit ay nagbabago batay sa asosasyon sa iba pang salita o sa paraan ng

pagkakagamit ng mga ito sa pahayag. Natuklasang nagtataglay ng iba’t ibang

kahulugan ang mga signature line ng ilang piling personalidad sa mass media.

Ang mga ito ay nauuri sa anim (denotasyon, konotasyon, istaylistik na

kahulugan, apektibong kahulugan, replekted na kahulugan, kolokatibong

kahulugan).

Kaugnay parin ito sa gagawing pag-aaral sapagkat ginamitan din ito ng

kwalitatibong disenyo na nilangkapan ng descriptive content analysis at ang

instrumentong ginamit ay may kaugnayan parin sa mass media.

May kaugnayan din sa isasagawang pananaliksik ang pag-aaral ni Sanico

(2017) na layuning matukoy ang isyung panlipunan na masasalamin sa mga

Piling makabagong awiting Filipino. Sa kanyang pag-aaral ginamit ang

pamamaraang descriptive content analysis. Napag-alaman sa kanyang pag-

aaral na may iba’t ibang paksa at mensahe ang tinatalakay sa bawat awitin.
20

Mga sakit parin ng lipunan ang pangunahing isyu na masasalamin sa mga

awitin, katulad ng kahirapan, prostitusyon, katiwalian, problemang pang

ekonomiya at opresyon sa ikatlong kasarian.

Ang pag-aaral naman nina Nuncio at Nuncio (2014) ay naglalayong ipakita

ang kalagayang sosyo-politiks ng lipunang Pilipino mula sa sitcom na

katatawanan. Lumabas sa pag-aaral na ang ideolohiya ng palabas ay

bumubuo hindi ng pantasya subalit ng realidad ng tao, buhay at relasyong

nangingibabaw sa lipunan. Nakita rin sa pag-aaral na nangingibabaw ang

hidwaan ng malakas laban sa mahina, politiko laban sa ordinaryong tao,

mamayan laban sa mahihirap, dayuhan laban sa nasyonalista at kapitalista

laban sa manggagawa. Sinuri din sa pag-aaral ang imaheng ipinoprojek ng

impersoneytor sa pamamagitan ng pagsaalang-alang sa pisikal na

natatanging pangngalan sa panibagong katauhan, identidad at kabuuan ng

mascara.

Malaki ang kaugnayan ng pag-aaral na ito sa isasagawang pag-aaral

sapagkat pareho itong nakatuon sa pagsusuri sa kalagayang sosyo-politiks ng

lipunang Pilipino. Magkatulad din ang pamamaraan ng pagsusuri na kung

saan ay dekriptib content analisis at gumamit ng analisis ng diskurso.

Makikitang parehong mula sa media ang ginamit na datos. Ang pagkakaiba

nga lamang ay palabas sa telebisyon ang kanyang ginamit, samantalang

editoryal ang isasagawang pag-aaral.


21

Si Polito (2011) naman sa kanyang pag-aaral na naglalayong imbistigahan

ang papel na ginagampanan ng wika sa paghubog ng ideolohiya ng lipunan.

Sinuri sa kanyang pag-aaral ang apatnapung (40) blogs ng mga estudyante

sa unang taon sa kolehiyo ng MSU-IIT batay sa tatlong kritikal na

pamamaraan ng pag-aanalisa ng isang diskurso o CDA methods, ang

transvity, presuppositionsat deixis.

Lumabas sakanyang pag-aaral na ang mga blogs ng mga estudyante sa

internet ay isang uri ng kapangyarihan na nagpapakita ng ideolohiya ng isang

partikular na lipunan. Ipinakita rin nito ang kapangyarihan ng isang blogger

bilang isang indibidwal na bahagi ng isang lipunan na may sariling ideolohiya

na nakapag-aambag sa pagbuo ng panlipunang ideolohiya bilang kabuuan.

Ipinakita lamang nito na ang blogging katulad ng pahayagan at magasin ay

isang daluyan sa paglikha at pagpapanatili ng kapangyarihan sa lipunan.

Natuklasan din sa pananaliksik na ito na ang ideolohiya sa kapangyarihan ng

mga Pilipino ay magkatulad sa mga kanluranin. Samakatuwid ang uri ng

kapangyarihang masasalamin sa mga blogs ng mga estudyante ay mula sa

ideolohiya ng mga mananakop. Ito ay nagpapakita lamang na napananatili ng

mga Pilipino ang ideolohiya ng kapangyarihan na maitim ng mga mananakop

sa isipan ng mga Pilipino na nagreresulta sa pagkamatay ng sariling kultura

deetnicization, cultural immersion at hybrid identity. Malinaw na ipinakita

ng 40 blogs ang ideolohiya ng kapangyarihan sa lipunan.


22

May kaugnayan parin ang pag-aaral na ito isinagawang pag-aaral ni Polito

(2011) sapagkat ang kanyang pag-aaral ay nakatuon sa pagsusuri sa wika at

kapangyarihan ng mga blogs gamit ang discourse analysis na isa sa mga

teoryang pag-aangklahan ng isasagawang pag-aaral. Pareho din itong

nakapokus ang pagsusuri sa konteksto ng isang teksto. Tumatalakay din din

ito sa panlipunang ideolohiya. Nagkakaiba naman ang pag-aaral na ito sa

proseso ng pagsusuri sa teksto kung saan ibinatay ito sa tatlong uri ng CDA

sa pag-alam sa ideolohiya at kapangyarihan ng blogs sa lipunan samantalang

sa isasagawa pa lamang na pag-aaral ay susuriin naman ang konteksto ng

editoryal kartun batay sa apat na institusyong panlipunan at ang

nangingibabaw na sosyo-politikal na isyu na makikita rito gamit ang semiotika,

hermenyutika at teorya ng pagtanggap at pagbasa sa pagpapakahulugan sa

teksto.

Sa pag-aaral ni Matthews (2011), pinag-aralan niya kung sa paanong

paraan inilahad ng humour at retorika ang argument ng editoryal kartun hinggil

sa pamamahayag ng ika-21 siglo. Upang makamit ito pinagsikapangmasagot

ang dalawang suliranin; una, paano nagkakaroon ng ugnayan ang humour

theories of superiority and incongruity sa retorikal na pag-unawa sa mga

editorya kartun at pangalawa, ano ang argumentong inilalahad nito tungkol sa

pamamahayag ng ika-21 siglo. Nakaangkla ang kanyang pag-aaral sa siyam

na retorikal na element nina Medhurst at DesouSa (1981), anim na retokikal

na elementong inilahad ni Morris (1993) at ang Humopur Theories of


23

superiority and incongruity. Sa pagpili ng kanyang datos, binusisi ang mga

editoryal na kartun na kakikitaan ng argument hinggil sa pamamahayag ayon

sa apat na kategorya: pagtanggi sa tradisyunal na pamamaraan ng

pamamahayag, ang pagbangon ng mga modernong kagamitang pangmidya,

ang papel na ginagampanan ng mga komedyante bilang mamamahayag at

corporatization of news media.

Lumabas sa kanyang pag-aaral na kapag ang kartun ay kakikitaan ng

kombinasyon o metapora ito ay nagtataglay ng incongruity humor, kapag

nagkokontrast naman ang dalawang elemento sa loob ng kartun upang ipakita

ang isang negatibong katangian ng isang elemento, nagtataglay ito ng

superiority humor, subalit kapag nagkokontras ang dalawang elento sa loob

ng kartun ngunit hindi naglalahad ng negatibong imahe sa alinman sa

element, kakikitaan ito ng incongruity. Batay sa lumabas sa frequency, ang

imahe ng pagbaba ng tradisyunal na pamamahayag at ang pagbangon ng

modernong kagamitan sa pamamahayag ay nagkokontrast sa iisang editoryal

kartun. Sinasalamin na ang pagbaba ng kalidad ng midyum ng pahayagan

tulad ng newspaper, telebisyon at radio ay dulot ng pagsikat ng makabagong

kagamitan tulad ng internet at mga portable devices na higit na pinipiling

gamitin lalo na ng mga kabataan ang nagpahina sa tradisyunal na

pamamahayag at paglago ng modernong kagamitan sa pamamahayag. Nasa

mababang frequency naman ang paksa hinggil sa corporatization of news

media at ang journalistic roles of comedian. Lumabas sa pag-aaral na


24

mayroong malakas na kapangyarihang taglay ang pagkokorpora ng mga

kumpanya tungo sa isang mababang antas ng kalidad ng pamamahayag.

Kaya naman sinasalamin ditto ang pagkakaroon ng higit na pagtitiwala ng

mambabasa sa mga komedyante bilang kapani-paniwalang source ng balita.

Ang pag-aaral naman ni Fuentes et. al (2010) ay hinggil sa isyung

panlipunan na makikita sa mga biro sa text. Layunin ng pag-aaral na maisa-

isa ang mga birong matatagpuan sa text messages, matukoy ang di-

magkaugnay na kaisipan o incongruity sa mga birong nakalap at ang iba’t

ibang isyung panlipunan na ipinoprojek ng mga imaheng nakita sa mga biro.

Sentral na batayan ng pagsusuri ang teoryang hermenyutika na nagbibigay ng

malalim na pagpapakahulugan bunga ng progresibong pag-unawa sa

kabuuan at sa pag-uugnay-ugnay ng mga bahagi nito. Mula sa nasuring

incongruity lumutang ang imahe ng iresponsableng lider, kunsintidor na ina,

panghihimasok sa buhay-asawa ng anak, ignorante, mapagsamantala sa

katangahan ng katulong, mapagbugalgalon, kamamangmangan sa posisyon,

mapanlait na titser, etnosentrisismo, labis na pagyakap sa kulturang popular,

kamangmangan, hindi seserong politico, kawalan ng pagpapahalaga at

pagtanggap sa sarili, walang pakialam na amo, kamangmangan sa mga

pangyayari sa paligid, suwail na anak, insensitibong ina, coῆo, mapaghigante,

mapangmaliit sa kapwa, kawalan ng vow sa celibacy, kahayukan ng pari sa

laman, mapanlait sa kapwa, pagbingibingihan ng politico, kahirapan ng

buhay,kapusukan, kawalang hustisya, mapangmaliit sa mga bakla, mukhang


25

pera na nanay, kataksilan, nakawan, katamaran, pangungurakot ng mga

politico at makasarili.

Kaugnay parin ito sa isasagawang pag-aaral sapagkat parehong mga

kalagayan at isyung panlipunan parin ang susuriin.

Mga Kaugnay na Literatura

Pinagsama-samang simbolo ang lahat ng mga lenggwahe na mayroong

magkakaibang damdamin. Hindi nito nililimitahan kung paano natin bigyang

pagpapakahulugan ang mundo (Maciones, 1999:69). Ang mga simbolong ito

ay naihahatid sa pamamagitan ng iba’t ibang daluyan, at ang pinakamabilis na

daluyan ay ang mass media. Nagiging bahagi na ng pang araw-araw na

gawain ng tao ang pagtunghay sa kumbenyenting pagkalap ng impormasyong

hatid ng mass media tulad na lamang ng pahayagan. Ang mga mass media

na ito ay mayroong napakalaking impluwensya sa buhay ng tao.

Ang mass media ay mayroong napakalaking epekto sa kilos at pag-uugali

ng tao. Samakatuwid ito ay mahalagang bahagi ng paraan ng pakikipagkapwa

tao(Maciones, 1999). Ibig sabihin, malaki ang epekto ng mass media sa

paghubog ng pag-uugali, paniniwala, pananaw at kamalayan ng isang tao.

Ang media ay nagsisilbing tagapamagitan sa mga awdyens at sa iba pang

mga bagay(littlejohn, 1992). Ipinapakita lamang nito na nagiging daan ang

media para sa paghubog ng kamalayang panlipunan lalong-lalo na hinggil sa

mga kontemporaryong isyung kinakaharap ng bansa. Mayroong malaking


26

impluwensya ang media sa perspektiba ng isang indibidwal patungkol sa

isang partikular na isyung tinatalakay ng media.

Ang media ay bintana na kung saan ay may kakayahan tayong makita ang

mga bagay na hindi natin naaabot tanaw, ito ay interpreter na tumutulong sa

atin upang mapahalagahan ang mga karanasan, ito rin ay daluyang

nagpapahayag ng mga impormasyon, aktibong kumunikasyon na isinasama

maging ang mga feedback ng awdyens. Salamin ito na sumasalamin sa ating

mga sarili mula sa atin, at ito rin ay pader na siyang humaharang sa

katutuhanan(Littlejohn, 1992:342). Nagbibigay paliwanag ito sa kahalagahan

ng media sa buhay ng tao. Ito ang nagbibigay opurtunidad upang makita ang

higit sa ipinapakita ng kanyang kapaligiran. Ang bawat indidbidwal ay

natutulungan sa pagbibigay kahulugan at paglilimi sa mga kasalukuyang

pangyayari sa lipunan na bahagi ng karanasan ng bawat indibidwal.

Whatever media predominates will influence human beings by

affecting the way perceive the world(Littlejohn, 1992:344). Nagpapahiwatig

lamang ito na naiimpluwensiyahan ang paghubog ng ugali, kilos at pananaw

ng isang indibidwal o lipunan dulot ng midya. Ang nalilikhang panibagong

perspektiba at kamalayang panlipunan ay dulot ng malawakang pwersa ng

medyasyon ng media sa mambabasa.

Isa sa mga mahahalagang gampanin ng media ay ang ipakita ang

pangyayari sa lipunan at impluwensiyahan ang paghuhugis ng mga

pangyayaring ito. Ilang aspeto ng ating nakagawian, mga kagustuhan at


27

relasyon, indibidwal man o bilang grupo ay sinusuri ng midya; ibigsabihin ang

midya ang humuhubog sabalyung panlipunan.Sinasabing ang mga ikinikilos at

pakikipag-ugnayan ng isang tao sa lipunan ay produkto ng kanyang nakikita,

nadarama, mga karanasan sa buhay at pakikihalubilo. Ang midya ay isang

karanasang hindi maiiwasan, ito ay naging bahagi na ng pang-araw-araw na

pamumuhay ng tao.

Ang pahayagan ay isa sa epektibong daluyan ng impormasyon na

nakapagpapabago sa paningin ng isang tao, lalo na ang editoryal na kung

saan makikita rito ang isang guhit o politikal kartun na may bahid katatawanan

o humor na nagbibigay aliw sa mambabasa kaya naman higit na binabasa at

tinatangkilik ng masa.

The communicative functions of humor and its visual power have

made political cartoons an interesting research field across academic

disciplines. Cartoons are used to express opinions, construct valuable

arguments and provide specific knowledge on contemporary social

issues (Sani, 2012). Ipinapahiwatig na ang editoryal kartun ay isang

epektibong paraan ng paglalahad ng opinyon hinggil sa isang partikular na

isyung sosyal o politikal. Mas nagiging epektibong tagapaglahad ito ng

opinyon dahil sa kakabit nitong katatawanan sa pamamagitan ng paglalabis

ng mukha o anumang bahagi ng mukha o anumang bahagi ng katawan na

pinatutungkulan o binibigyang pokus sa pagbibigay larawan sa bagong

katangiang nais tumbukin ng editoryal. Ayon nga kina Horkheimer at Adorno


28

(nasa Amenta et. al 2012) kinuha sa Reyes (2014), the media were capable

of having quite powerful impact on the attitudes and behavior of ordinary

individuals.

Makikita na ang lahat ng paksang tinatalakay sa midya ay mga

kontemporaryong isyung kinakaharap ng isang lipunan na binubuo ng iba’t

ibang sektor; ang pamahalaan, simbahan, pamilya, edukasyon at iba pa. Ito

ay mga mahahalagang salik sa pagpanday ng isang matatag na lipunan at

ditto nakasentro ang mga paksaing nailalathala sa iba’t ibang editoryal.

Ang Mindanao Tech ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng

Pamantasan ng Katimugang Mindanao ito ang pahayagang siyang gagawing

instrumento sa isasagawang pag-aaral. Sa pahayagan na ito kukunin ang

mga datos na editoryal kartun na siyang susuriin sa pag-aaral na ito.

Ang editoryal kartun ay puso ng pahayagan. Ito ay may kakayahang

pumukaw sa masa. May kapangyarihan itong impluwensiyahan ang

damdamin, isipan at paniniwala ng mambabasa. Naglalahad ito ng

mahahalagang komentaryong tumatalakay sa mga seryosong usaping

panlipunan na inihahayag sa paraang nakakatawa at nakadisenyo upang

maapektuhan ang opinyong publiko. Masasalamin dito ang iba’t ibang larawan

ng karanasan ng isang lipunan na binubuo ng iba’t ibang sangay ng

institusyon na binibigkis ng iba’t ibang mithiin at pinagagalaw batay sa kani-

kanilang adhikain.
29

METODOLOHIYA

Ang nilalaman ng kabanatang ito ay ang pamamaraang ginamit sapag-

aaral. Sinasaklaw nito ang disenyo ng pag-aaral, instrumentong ginamit sa

pag-aaral, krayterya sa pagpili ng editorial kartun, tungkulin ng mananaliksik,

mapananaligan at ang konsiderasyong etikal.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng kwalitatibong disenyo. Sinuri ang

mga editorial kartun gamit ang deskriptibong pamamaraan particular ang

content analisis dahil sinusuri ang dokumento sa pamamagitan ng pagkuha ng

mga imaheng sosyo-politiks sa institusyong panlipunan gamit ang semiotics.

Sampung editorial kartun mula sa huling sampung edisyon ng Mindanao Tech

na nagtataglay ng sosyo-politiks na imahen.


30

Tungkulin ng Mananaliksik

Ang mananaliksik sa pag-aaral na ito ay mayroong tungkulin na tukuyin

ang huling sampung edisyon ng pahayang Mindanao Tech. at lilikumin ang

mga editoryal kartun nito. Malaking tungkulin rin ng mananaliksik na dalumatin

ang semiotika bilang gagawing padron ng pagsusuri sa mga imaheng

ipinoprojek ng mga karikatura ng editoryal.

Mabigat na tungkulin ng mananaliksik ang masuri ng sapat ang mga

karikatura at mapalitaw mula rito ang imaheng sosyal at politikal na

masasalamin sa bawat editoryal kartun.

Paraan ng Pag-aanalisa ng mga Datos

Ang mga nalikom na datos ay nilapatan ng semiotikong pagsusuri. Upang

makuha ang denotatibong kahulugan ng mga karikatura ay ginamit ang

istaylistik kanon nina Medhurst at DesouSa. Sa pagpapalutang ng

konotatibong kahulugan ay ginamit ang rhetorical tropes ni Daniel Chandler.

Ang imaheng sosyal at politikal ay napalutang sa pamamagitan ng

sosyolohikal na pagsusuri.

Pagkatapos masuri ng mananaliksik ang mga datos ay ipinabalideyt ito sa

tatlong eksperto sa larangang ito.


31

Instrumentong Ginamit sa Pag-aaral

Ang pahayagang Mindanao Tech ang instrumentong ginamit sa pag-aaral.

Mula sa pahayagan na ito ay nilikum ang sampung huling edisyon ng editoryal

kartun (2013-2019) na siyang gagawan ng pagsusuri na iniangkla sa

semiotikang balangkas.

Konsiderasyong Etikal

Isinaalang-alang ng mananaliksik ang mga konsedirasyong etikal upang

mapangalagaan ang kredibilidad at kalidad ng gagawing suri sa pag-aaral na

ito.

Sumunod sa itinakdang proseso ang mananaliksik sa pagkuha ng datos.

Una dito ay ang pagbibigay ng liham ng mananaliksik sa punong patnugot ng

Mindanao Tech.

Higit na pinahalagahan at pinalutang ng mananaliksik ang katotohanan at

hindi ang personal na damdamin at pananaw.


32 32

Mapananaligan

Ang isasagawang pag-aaral ay mapananaligan dahil ang pagsusuri ay

may teoryang pinagbatayan, hindi pawang mga opinyon, saloobin, at

pananaw

lamang ng mananaliksik. Ang teoryang Semiotika na ginamit ng mananaliksik

ay angkop lamang sa pagsusuri ng mga karikatura.

Tinukoy ang kahulugang denotasyon ng karikatura gamit ang istaylistik

kanon nina Medhurst at DesouSa (1981). Sa pagbibigay naman ng

konotasyon sa mga karikatura ay inilapat ang rhetorical tropes ni Daniel

Chandler (2011). Sa pagkuha naman ng imaheng sosyo-politiks na ipinoprojek

ng mga karikatura ay a

ngkop lamang na ginamit ng mananaliksik ang teoryang sosyolohikaI.

Isinaalang-alang ng mananaliksik ang awtensidad ng pag-aaral lalo pa’t

inaasahan ng mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay maaring gamitin ng

isang guro bilang gabay sa talakayan sa loob ng klase.

Isinaalang-alang din ng mananaliksik ang konsistensi sa pagsusuri ng

mga karikatura. Sinikap ng mananaliksik na maglaan ng sapat na panahon at

tiyaga upang masuri ng tama, wasto at walang kinikilingan ang mga sosyol at

politikal na sinasalamin ng mga editoryal kartun.


33

Mapananaligan din ang pag-aaral na ito sa pagkat ang mananaliksik ay

tumalima ng buo sa responsibilidad na kakibat ng proseso ng pagsasagawa

sa pag-aaral na ito.

PAGLALAHAD, PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG


MGA DATOS

Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng deskriptibo o palarawan na uri ng

pananaliksik, partikular ng content analisis. Nilapatan ng teoryang semiotika

ang mga datos na nalikom mula sa editoryal kartun ng Mindanao Tech.

Ang mga datos na editoryal kartun ay isa isang binigyang

interpretasyon sa pamamagitan ng deskripsyon nito gamit ang istaylistik

kanon ng retorika nina Medhurst at DeSousa upang makuha ang denotatibong

kahulugan nito at ang argumento ng editoryal kartun. Pangalawa, tinalakay

ang mga argumentong tumutukoy sa isyung sosyal at politikal sa konotatibong

pagpapahulugan gamit ang pangunahing tropes ni Chandler.

Mula sa naibigay na pagpapakahulugan, tinalakay ang nangingibabaw

na ideolohiyang ipinoprodyek ng bawat editoryal kartun.


34

Ang DenotatibongLebel

Tinalakay sa bahaging ito ang denotatibong kahulugan ng editoryal

kartun batay sa istaylistik kanon nina Medhurst at Desousa (1981).

Ipinaliwanag ayon sa pagkasunod sunod: deskripsyon, linya at porma,

kaugnayan ng sukat ng imahe, placement, at ugnayan ng teksto sa imahe.

Makikita sa ibaba ang pagtaglakay.

E1. Vol.LXVIII No.1 (SY 2018-2019)

Ang editoryal kartun na ito ay nagpapakita ng isang pigura, si Juan

habang pasan-pasan ang patong-patong hanggang ulo na mga papel na may

nakasulat na PEACE TALK. Mayroon ding isang kalsadang mabangin, putol-

putol at liko-liko.

Ang linya at porma ng larawan ay nagpapakita ng aktibong kilos at

ekspresyon.

Ang pigura sa larawan ay si Juan. Patong-patong hanggang ulo ang

pasan nitong papel na may nakasulat na PEACE TALK, dumadaan si Juan sa

kalsadang ang kaliwa’t kanan ay malalim na bangin. Ang kalsadang ito ay liko-

liko at putol-putol at may nakasulat na malaking salitang PEACE.


35

Ang liko-liko at putol-putol na daan na may sulat na PEACE ay

nakalagay sa gitna ng editoryal. Si Juan naman na tumatahak sa daan ay

nakalagay sa panimulang bahagi nito.

E2. Vol. LXVII No.1 (SY 2017-2018)


Makikita sa editoryal kartun na ito na mayroong dalawang pigura. Ang

isang pigura na nasa bandang kanan ay isang lalaking nakangisi habang

minamaneho ang makinang crane, sa makinang ito ay may nakapaskil na

salitang MONEY. Samantalang ang isang pigura ay napaluhod nang

pumapasan sa isang trosong may nakasulat na LEARNING habang tumutulo

ang pawis nito. Pumapagitna sa dalawang pigura ang isang barkong may

nakapaskil na EDUCATION.

Makikita sa dalawang pigura na ang mga linya at porma nito ay

nagpapakita ng aktibo kilos at may malinaw na pagkakaguhit sa ekspresyon

ng kanilang mga mukha.

Ang pigura sa kanan na nakangising nagmamaneho sa makinang

crane ay naglalarawan ng isang negosyante. Isinasakay nito ang mga trosong

may LEARNING na nabubuhat ng isang pigurang ay naglalarawan ng isang

manggagawa. Sa gitna ng editoryal kartun nakalagay ang barko na

pinaglululanan ng mga trosong buhat-buhat ng manggagawa.

Ang pagkakalagay ng barkong may nakapaskil na EDUCATION sa

gitna ng editoryal kartun ay nagpapakita na ang sistema sa edukasyon ang

pokus ng argumento ng editoryal.


36

E3.Vol.LXVI No.2 (SY 2016-2017)

Ang editoryal kartun na ito ay nagpapakita ng bungo ng tao. Sa loob nito

ay may tatlong pigura na nakaukit. Ang dalawa sa mga ito ay armado at ang

isa ay bandera ang hawak.

Ipinakikita na ang bawat linya at porma ng bawat pigura ay aktibo at

may kaakibat na detalyadong pagguhit sa ekspresyon ng mukha.

Dominante ang isang armadong pigurang naglalarawan sa militar

habang inaapakan ang isang pigurang hubad na nakaluhod na pilit

itinataas ang banderang hawak. Samantalang ang baril ng pigurang militar ay

nakatutok sa isa pang pigurang armado na makikita sa bandang kaliwa mas

mababa ang posisyon kaysa sa pigurang militar.

Ang pagkakalagay ng tatlong pigura sa loob ng bungo ay nagpapakita

na militarisasyon ang pukos ng argumento ng editoryal.

Ginamit ang bungo upang ipakita ang paksa ng editoryal kartun, ang

alaala sa martial law.

E4. Vol.LXVI No.1 (SY 2016-2017)

Makikitang iisa lamang ang pigurang tao sa editoryal kartun na ito.

Kilalang personalidad sa lipunan ang pigurang ito. Mayroon ding malaking

makina sa editoryal kartun na sintaas ng pigura na may nakasulat na

MOLDING CLAY MACHINE. Mayroon ding mga hinulmang clay na may mga
37

matang nakatutok sa pigura at sa ibabaw nito ay mga tandang pananong na

nakaukit ng malaki.

Makikita sa linya at porma ng pigura ang istatik na kaanyuan nito.

Ang pigura ay naglalarawan kay Bise Presidente Leni Robredo na

nakaguhit paharap. Nanunuro ang kanang kamay nito samantalang

nakaangat ang kaliwang kamay nito at nakapormang L o Laban.

Nasa gitna si Leni Robredo, nagpapakita ito na siya ang pukos ng

argumento sa editoryal.

Ginamit ang molding clay upang ipakita ang paksa ng editoryal, ang mga

kayang gawin at pagtatangka ng pangalawang pangulo.

E5. Vol. LXV No.2 (SY 2015-2016)

Ang kartun na ito ay nagpapakita ng dalawang magkasalungat na

emosyon ng dalawang pigura sa ibabaw ng mukha ng ulo ng tao. Sa bandang

kanang gilid ng mukha ay may nakasulat na VICTIMS OF DAVAO BOMBING.

Sa ibabaw ng mukha ng ulo ng tao, makikita na ang linya at porma ng

dalawang piguraay aktibo at detalyadong nakaguhit sa mukha ng mga ito ang

magkasalungat na ekspresyon at emosyon.

Ang mukha ng ulo ng tao ay nahahati ang emosyon. Sa bandang kaliwa

ay nakatahi ang bibig samanatalang sa kanan ay wala. Sa kaliwang bahagi ng

mukha ay may isang pigurang distorted o bangibi ang anyo ng mukha na

nakangisi, may hawak na rake upang papikitin ang kaliwang mata ng mukha.
38

Samantala sa bandang kanan ng mukha ay isang pigurang matandang babae

na umiiyak, may bulaklak na hawak at ang dalang payong nito ay pilit na

ibinubukas ang kang mata ng mukha.

Sa pagkakaguhit nang hindi pangkaraniwang mukha ng isang nakangising

ulo sa bandang harapan ng mukha ay nagpapahiwatig na ang reaksyon ng

mga tao sa Davao bombing incident ang pokus ng argumento ng editoryal.

E6 Vol. LXV No.1 (SY 2015-2016)

Ang kartun na ito ay nagpapakita ng isang malaking pigura na nakasakay

at minamaneho ang isang malaking barena. Sa malaking barena ay may

nakasulat na PUTANG INA MO at PAPATAYIN KO KAYO. Sa ilalim ng

barena ay ang mga nasasagasaang pigura na ang ulo ay injection tablet,

dahon ng marijuana, at buwaya.

Ipinakikita na ang bawat linya at porma ng bawat pigura pati ng makina

ay aktibo at may kaakibat na detalyadong ekspresyon ng mukha.

Ang pigura na nasa ibabaw at nagmamaneho ng eksaheradong barena ay

si Pangulong Duterte na tumutugis sa mga drug addict, pusher, at mga kurap

na opisyal.
39

Ang posisyon ni Pangulong Duterte sa ibabaw na nagmamaneho ng

barena ay nagpapakita na ang pananalita at pagbabanta ni Pangulong Duterte

ang pukos ng argumento ng editoryal.

E7. Vol. LXIV No. 2 (November-March 2015)

Ang kartun na ito ay nagpapakita ng tumpok ng mgaelektronikong

kagamitan tulad ng mga TV at radio. Ang mga elektronikong kagamitan na ito

ay may sinasabing Leave this to us Pres at VOTE HIM. Mayroon ding isang

pigura na may kalayuan na nagsasabing oraayt .

Ang linya at porma ng kartun ay nagpapakita ng detalyadong kilos. Ang

pigurang tao ay nakaguhit ng may kalayuan, patalikod na kumakaway ang

kanang kamay at ang kaliwang kamay nito ay may bitbit na attaché case. Ang

isang TV ay may kamay na sumisenyas ng OKEY pabalik sa pigura at ang

kanang kamay nito ay nagwawagayway at nagsasabing “Leave this to us

pres”. Kapansin pansin ang isang TV na nakaguhit paharap itinuturo ng

kamay nito ang kanyang screen at nagsasabing VOTE HIM. Ang radio at iba

pang TV naman ay nakaguhit ng prominente

Sa pagkakaguhit ng malaki sa mga TV at radio sa bandang harapan ay

nagpapakita na may gampaninang medya sa eleksyon sa Pilipinas, at ito ang

argumentong ipinakikita ng editoryal kartun.

E8. Vol LXIV No. (June-November 2014)


40

Ang editoryal kartun naito ay nagpapakita ng isang hanay ng kilos

protesta. Ang mga pigura ay may taas taas na plakard na may nakasulat na Hi

to my friends, my classmates and cousins,WOMEN’S RIGHTS, atNo to

Smoking na signo. Mayroong ding isang pigurang babaeng media reporter na

nagtatanong ng Purpose of your Rally sa isang raliyista na may plakard na

tandang pananong na sinagot naman ng UGH..MMM…I INVOKE MY RIGHT

AGAINST SELF INCRIMINATION.

Ipinakikita na ang bawat linya at porma ng bawat pigura ay aktibo at

may paakibat na ekspresyon ng mukha.

Mula sa hanay ng mga nagsasagawang kilosprotesta makikita ang

pigurang lalaking may plakard na Hi to my friends, my classmates 40


and

cousins nanakatingin sa media reporter. Ang isang raliyistang babae naman

ay malakas ang panawagan sa WOMEN’S RIGHTS. Kasama sa hanay ang

relihiyosong pundok may moro at kristiyano. May larawan din ng Mongha na

ang bitbit na plakard ay no to smoking na signo. Sa likod naman ay maliliit na

pigura may kani-kaniyang plakard at panawagan.

Ang hanay ng mga ralista ay makikita sa kanang bahagi ng editoryal.

Nasa kaliwang bahagi naman ang pag-iinterview ng media kay Juan. Mula

dito ay makikita na ang argumento ng editoryal ay ang pakikisali ni Juan sa

mga isyung lumilitaw.


41

E9 Vol.LXIII No.2 (November 2013- April 2014)

Ang editoryal kartun na ito ay nagpapakita ng mga sirang gusali, apoy at

usok. Sa mga gusaling ito ay may isang maliit na pigurang nakaupo, at

bahagyang nakayuko ang ulo. Sa gawing kanan ay may dalawang kalapating

bumali sa isang baril nakasulat sa dalawang kalapati ito ang GPH at MILF.

Ang linya at porma ng mga larawan ay istatik.

Ang pagkakaguhit sa larawan ng mga gusali at kabahayan ay malabo at

madilim, napapaligiran ng usok at may bahaging umaapoy. Sa kabilang banda

ay malinaw ang pagkakaguhit sa dalawang kalapati na bumali sa isang armas.

Ang kalapati sa gawing kanan ay may nakasulat na MILF at kalapati naman

sa kaliwa ay may nakasulat na GPH. Malinaw rin ang pagkakaguhit sa

nabaling baril nasa pinagbalian nito ay may nakasulat na PEACE.

Ang malabo at sira-sirang mga gusali ay nakaguhit sa gawing kaliwa ng

editoryal samanatalang sa gawing kanan naman nakaguhit ang dalawang

kalapati at isang armas na nabali. Ang pagkakaguhit nito ay nagpapakita

lamang na ang argumento sa editoryal ay ang paraan upang matuldukan ang

kaguluhan sa Mindanao.

E10. Vol. LXIII No.1 (June-October 2013)

Sa editoryal kartun na ito ay ipinakikita si Pope Francis na umaakay ang

kanyang kanang bisig sa isang box na may signo ng krus at sa mga linyang
42

curved na may letrang LGBT na nakalagay sa harapan ni Pope Francis. Sa

kaliwang dibdib nito ay may nakaguhit na simbahan na bukas ang pintuan.

Makikita sa editoryal kartun na ang linya at porma sa pigura ni Pope

Francis ay aktibo at ang mga kurbang linyang may letrang LGBT ay may

depinidong ekspresyon.

Malaki ang pagkakaguhit kay Pope Francis at sa bisig nitong yumayakap

sa iba’t ibang linyang LGBT. Makikita din sa editoryal na malaki ang

pagkakabukas ng pintuan ng simbahan. Ang iba’t ibang linyang LGBT ay

nagpapakita ng iba’t ibang reaksyon at ekspresyon.

Ang Konotatibong Lebel

Ang bawat editoryal kartun ay nagtataglay ng mga signo at ang bawat

signo ay may kaakibat na imahe na sinisimbolo. Tinalakay sa bahaging ito ang

sosyo politiks na sinasalamin ng bawat signo na makikita sa editoryal.

Talahanayan1. Ang imahe ng editoryal kartun na matatagpuan sa

pahayagang Mindanao Tech (2013-2019)

Editoyal Signo Imahe


kartun

1 Juan at peacetalk Pagsisikap ng masang Filipino sa


pagsusulong ng usapang
pangkapayapaan
43

Putol-putol at liko-likong Pagkaantala sa usad ng usapang


daan pangkapayapaan

2 Manggagawa at learning Produktibong puwersa ng lipunan


Pagsisipag upang matugunan
ang pangangailangan

Negosyante, barko, Kinakalakal ang edukasyon


edukasyon, at money Mga dayo at negosyante ang
higit na nakikinabang sa
kalakaran ng edukasyon

3 Bungo Alaala sa karahasan ng martial


law

Militar Sandatahang lakas ng Pilipinas


Sumusupil sa karapatang pantao
ng mga mamamayan

Rebelde Taliwas sa pamahalaan


Armadong lumalaban sa
pamahalaan

Aktibista Kritiko ng administrasyon


Determinado sa pagpapahayag
ng mga opinion

4 Leni Robredo at molding clay Bise Presidente Leni Robredo na


may nilulutong plano laban sa
katunggali
5 Ulo at victims of davao Mga nasawi at biktima ng Davao
bombing bombing

Matandang babae Mga nagluluksang kaanak ng


mga biktima

Nakangising lalaki Mga salarin sa insidente ng


pambobomba sa Davao
44

6 President Rodrigo Duterte at Matalim at masakit na pananalita


barena at pagbabanta ni Pangulong
Duterte

Mga taong may ulong Mga drug addict, drug pusher at


injection, tablet, marijuana, at kurap na opisyal
buwaya

7 Telebisyon at radio Midyum ng popularisasyon ang


medya, makapangyarihan at
maimpluwensya
Taong mayaman Kumakandidato sa mga matataas
na posisyon sa pamahalaan
Humahawak at nagdidikta sa
medya

8 Media reporter Kasangkapan upang maipaabot


sa madla ang isyu

Juan at tandang pananong Pakikisawsaw ng masa sa mga


isyung hindi naman hindi naman
nila gaanong alam

Estudyante at Hi to my Walang kabuluhang pagkilos.


friends, my cousin Nagpapaimpres at nagpapasikat

Babae at women’s right Pakikibaka para sa pantay na


karapatan ng babae at lalaki

Relihiyosong pundok Papel ng simbahan sa


pagsusulong ng reporma sa
lipunan
Hanay ng kilos protesta
Aktibong mamamayan bilang
kritiko ng mga kaganapan

9 Sirang mga gusali, apoy at Pagkawasak ng mga tahanan at


usok pagkasira ng kabuhayan
45

Dalawang kalapati, at GPH Pagkakasundo ng dalawang


at MILF partido, GPH at MILF

Baling armas Ceasefire o tigil putukan

10 Juan at peace talk Pagsisikap ng masang Filipino sa


pagsusulong ng usapang
pangkayapaan

Liko liko at putol putol na Pagkaantala at pagkaputol ng


daan usapang pangkayapaan

E1. Vol.LXVIII No.1 (SY 2018-2019)

Ipinakita sa editoryal kartun na ito ang signong si Juan at ang patong-

patong na papel na may PEACE TALK. Si Juan ay representasyon ng

masang Pilipino. Ang patong-patong na mga papel na may nakasulat na

PEACE TALK ay sumisimbolo sa pasanin ng mga mamamayan na siyang

nag-uudyok sa kanila upang isulong ang usapang pangkapayapaan upang sa

ganoon ay malutas at matugunan ang ugat ng kahirapan ng masang Pilipino,

tungo sa pagwakas ng problema sa insurhensiya.

Ginamit din bilang signo ang daang liko liko at putol putol na may

nakasulat na PEACE. Ito naman ay sumasalamin lamang sa masalimoot na

proseso sa pagkamit ng kapayapaan. Ang pagkaputol putol nito ay tumutukoy


46

sa pagkaantala ng usad ng peacetalk. Maiuugnay natin ito sa naging takbo ng

usapang pangkapayapaan sapagitan ng GPH at NDFP na hanggang sa

kasalukuyan ay hindi parin naipagpapatuloy.

E2. Vol. LXVII No.1 (SY 2017-2018)

Ipinakikita sa sentro ng editoryal ang signo ng barkong may nakasulat na

EDUCATION na pinaglululanan ng mga trosong may nakasulat na learning,

isa itong metapora sa pag-uugnay sa edukasyong kinakalakal at sa mga hilaw

na materyales ng bansa na kinakalakal palabas ng bansa.

Ang nakangising pigura sa bandang kanan na nagmamaneho sa crane na

may nakasulat na MONEY ay sumisimbolo sa isang negosyante. Samantala

ang pigura namang nagbubuhat ng trosong may nakasulat na “learning” ay

ang mga graduate ng Pilipinas.

Ito ay sumasalamin sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Upang

makamit ang edukasyon ay pinaghihirapan itong itaguyod ng bawat pamilyang

Pilipino.

E3.Vol.LXVI No.2 (SY 2016-2017)


47

Ang bungo sa larawan ay sumisimbolo sa mapait na ala-ala ng mga

karanasan sa martial law. Nangangahulugan din ito ng pangamba na muling

sapitin ang karahasan na dulot ng martial law.

Ang dalawang armadong lalaki ay sumasalamin sa labanan ng

sandatahang lakas ng Pilipinas at mga rebeldeng grupo. Ang pagpapakita ng

signo ng militar na nakaapak sa hubad at nakaluhod na pigurang pilit itinataas

ang banderang dala nito ay sumasalamin naman na kaakibat ng

pagpapatupad ng batas militar ay ang pagkasupil sa karapatan ng mga

sibilyan sa pagpapahayag ng kanilang pananaw at mga puna sa isyung

panlipunan.

Ang alaala at pangambang ito na muling maranasan ang kalupitan sa

kamay ng mga militar ay nagbunsod mula ng ideklara ng kasalukuyang

pangulo, Pangulong Duterte ang martial law sa Mindanao noong Mayo 2017.

E4. Vol.LXVI No.1 (SY 2016-2017)

Makikita sa editoryal kartun ang signong molding clay at ang pigura ni

Bise Presidente Leni Robredo na nakaharap. Ang kanang kamay nito ay

nakapormang “L” na ibigsabihin ay Laban, samantalang nanunuro naman ang

kaliwang kamay nito. Ang paggamit ng molding clay ay nangangahulugan ng

pagsasagawa ng mga hakbang o pagpaplano upang makabuo ng isang


48

natatanging bagay. Maihahalintulad ito sa pagluluto ng plano upang

maisagawa ang isang bagay o maganap ang isang pangyayari.

Matatandaan na mula ng batikusin ng Bise Presedente ang

transparensiya ng kampanya ng pangulo laban sa ilegal na droga ay lumabas

na ang isyu kay Leni Robredo hinggil sa pagpaplano nito ng kudeta laban sa

pangulo. Nangangahulugan lamang ito na ang molding clay ay ang pagluluto

ng panglawang pangulo sa pagsasagawa ng kudeta laban sa pangulo.

Ang pormang L sa daliri ni Robredo ay nagpapahiwatig ng polotikal na

partido nito, na kilalang katunggali ng politikal na partido ng pangulo.

E5. Vol. LXV No.2 (SY 2015-2016)

Makikita sa editoryal kartun ang signo ng ulo at VICTIMS OF DAVAO

BOMBING. Ang ulo ay sumasalamin sa mga taong nasawi bunga ng insidente

ng pambobomba sa Davao. Matatandaan na ang pangyayaring ito ay kumitil

sa buhay ng labing-apat (14) na mga tao at umabot naman sa pitumpu ang

nasaktan.

Ang signo ng matandang babae na umiiyak ay kumakatawan sa mga

nagluluksang pamilya at kaanak ng mga nasawi. Samantalang ang signong

nakangising lalaki ay kumakatawan sa mga taong nasa likod ng

pambobomba.
49

Ang dalawang magkasalungat na reaksyon sa insidente ay nagpapakita

rin na sa ganitong mga pangyayari ay hindi lahat ay nalulungkot at

kumukundena sa ganitong mga krimen. Sadyang mayroong mga tao na sa

halip na tumulong at kumundina sa mga karahasan ay nagsasawalang

bahala, minsan pa ay ang mga biktima pa ang sinisisi. Ang ganitong katangian

o pag-uugali ay hindi nalalayo sa mismong gawi ng mga kriminal at may utak

ng mga karahasan.

E6 Vol. LXV No.1 (SY 2015-2016)

Makikita sa editoryal kartun si Pangulong Duterte at ang dambuhalang

barena. Sumisimbolo ang barena sa mga matatalim na banta at maaanghang

na mga salita ng pangulo. Ang mga sinasagasaan ng barena ay ang mga

pigurang ang ulo ay injection, tableta, marijuana at buwaya. Sinisimbolo

naman ng mga pigurang iyon ang mga drug addict, drug pusher at mga kurap

na opisyal ng pamahalaan na siyang pangunahing target sa kampanyang

inilulunsad ng pangulo, ang tokhang.

Sumasalamin din ang editoryal kartun na ito sa imahe ng Pangulong

Duterte, isang masigasig at mabangis na pangulo laban sa droga at

katiwalian.
50

E7. Vol. LXIV No. 2 (November-March 2015)

Ang editoryal kartun na ito ay mayroong signo ng pundok ng telebisyon at

radyo na nagsasabi ng Leave this to us Pres at Vote him. Nagbibigay

pahiwatig lamang ito na makapangyarihan at maimpluwensya ang medya.

Ginagamit ito sa pagpapalaganap at pagpopularisa sa pangalan ng mga

politiko. Ipinakikita rin nito na pangunahing ginagagamit ang medya tulad ng

telebisyon at radyo sa pangangampanya ng mga kumakandidato sa matataas

na posisyon sa pamahalaan upang maabot nila ang malawak na

sambayanan.

Ang mga nanalo sa eleksyon ay ang mga politikong may matataas na

estado sa buhay at may kakayahang magbayad ng malaking halaga sa

komersyal ng pangangampanya sa telebisyon at sa radyo. Pinatunayan ito ng

pigurang may dalang attaché case na kumakaway sa pundok ng telebisyon at

radyo.

Sumasalamin ang editoryal na ito sa realidad ng lipunan na kung sino ang

may hawak ng ekonomiya ay siyang nagdidikta sa paniniwala ng mga tao sa

pamamagitan ng ipinalalabas nito sa medya, at sa huli ay siya rin ang

naghahari sa politika. Kung mapapansin natin ang mga personaheng umuupo

sa matataas na posisyon sa pamahalaan ay makikitang mayayaman ang mga

angkang kinabibilangan ng mga ito.


51

Sa tuwing eleksyon sa bansa ay marami ang naghahangad na Juan at

Juana subalit sa huli ay ang mga nasa tuktok parin ng tatsulok ang siyang

naghahari.

E8. Vol LXIV No. (June-November 2014)

Ang editoryal kartun na ito ay nagtataglay ng signong hanay ng kilos

protesta. Ang signong ito ay nagpapakita lamang na marami na ang mga

pangyayari at mga ganap na salungat sa kagalingan ng masang Pilipino,

dahilan upang manindigan at magsalita ang mga mamamayan sa lipunan.

Ginamit din ang signong media reporter upang bigyang diin na

isinasapubliko at isinisiwalat sa madla ang mga usapin at isyung

kinakailangang bigyang pansin, tugunan at ipaglaban.

Ipinakita rin sa editoryal kartun ang signong si Juan kasama ng kanyang

plakard na may tandang pananong. Ito naman ay isang batikos sa masang

nakikilahok sa mga isyu samantalang wala naman gaaanong pag-unawa sa

usaping ipinaglalaban.

Ang pagpapakita naman sa pigurang may plakard na Hi to my friends,

classmates and cousins ay nagpapakita na may mga taong kumikilos at

nakikilahok sa aktibismo para lamang magpakilala, magpapansin at maging di

pangkaraniwan.
52

Ang pagpapakita naman ng relihiyosong pundok sa hanay ng mga ralista

ay nagpapakita na ang mga taong simbahan ay may paninindigan din sa mga

pangyayaring nagaganap sa lipunang Pilipino.

E9 Vol.LXIII No.2 (November 2013- April 2014)

Ang editoryal kartun na ito ay gumamit ng mga signong may sirang gusali,

usok at apoy. Nagpapahiwatig ito sa pagkasira ng tahanan, kabuhayan, at at

kaguluhang kumikitil ng buhay. Ang kalagayang ito ay bunga ng digmaan sa

pagitan ng armadong grupo ng mga muslim sa Mindanao (MILF) at

sadatahang lakas ng Pilipinas. Ito ay pinatunayan ng dalawang kalapating

may sulat na MILF at GPH.

Ang signong kalapati ay nangangahulugan ng kapayapaan. Ang

pagpapakita sa dalawang kalapating pumutol sa isang baril ay

nangangahulugan ng tigil putukan at pagkakasundo ng dalawang

magkabilaang panig. Nangangahulugan ito ng pagsusulong ng kapayapaan

sa pamamagitan ng diplomatikong pamamaraan. Tumutukoy ito sa

nangyaring pagkakasundo ng GPH at MILF noong nagkaroon sila ng usapang

pangkapayapaan. Nagpirmahan sa napagkasunduan noon na Bangsamoro

Basic Law (BBL) na sa kasalukuyan ay ang Bangsamoro Organic Law (BOL)

na ipinapatupad ngayon sa rehiyon ng BRMM na dati ay ARMM.


53

E10. Vol. LXIII No.1 (June-October 2013)

Ipinapakita sa editoryal kartun na ito ang signong si Pope Francis at ang

simbahang Katoliko. Si Pope Francis ay natatanging personalidad ng

simbahang Katoliko, nagpapahiwatig ito sa pananaw at paninindigan ng

simbahan. Tinataglay rin sa editoryal na ito ang signong mga baluktot na mga

linyang LGBT, ito naman ay tumutukoy sa mga taong pumili ng kanilang

katauhan at kasarian, ang LGBT community.

Ang pagpapakita sa bisig ni Pope Francis na umaakay sa mga baluktot na

linyang LGBT at bukas na pintuan ng simbahan ay nangangahulugan lamang

na ang simbahang katoliko ay tanggap na ang homosekswalidad. Patunay rito

ang naging pahayag ni Pope Francis na;

“If a homosexual person is of good will and in


search in God, I am no one to judge… religion has the right
to express its opinion in the service of people, but God in
creation has set us free.”

Sa nagdaang mga panahon ay hindi tinatanggap ng lipunan at simbahan

ang pagiging bakla at pagiging tomboy. Subalit sa kapanahunan ngaun ni

Pope Francis ay nagiging bukas na ang international community sa

pagtanggap ng homosexuality.

Ang Ideolohiyang Lebel


54

May ideolohiyang nangingibaw sa bawat editoryal kartun. Makikita sa

bahaging ito ang pagtalakay sa nangingibabaw na ideolohiya na ipinoprojek

sa bawat editoryal.

Talahanayan2. Ang tatlong Lebel ng Pagpapakahulugan batay sa Order of


Signification ni Barthes

Editoryal DENOTASYON KONOTASYON IDEOLOHIYA


Kartun
1 Liko-liko at putol- Hindi nakakamit Mahalaga ang
putol na daanan ang senseridad ng
pangmatagalang magkabilang
kapayapaan bunga partido sa
ng pagkaantala sa pagsusulong ng
usad ng usapang usapang
pangkapayapaan pangkapayapaan

2 Naghihirap ang Kinakalakal ang Export oriented


mga Pilipino sa edukasyon sa ang sistema ng
pagtaguyod ng Pilipinas edukasyon sa
edukasyon Pilipinas

3 Alaala ng martial Nakakapangamba Ang martial law ay


law ang muling pag apak/pagsupil
pagpapatupad ng sa karapatang
martial law pantao
55

4 Pagpaplano at May nilulutong Nagtutunggali sa


pagbabanta ni hangarin at politika ang mga
Leni Robredo pangyayari ang matataas na
pangalawang opisyal
pangulo ng
Pilipinas

5 Biktima sa Pagluluksa ng mga Pag-iral ng culture


pambobomba sa kaanak ng mga of impunity at
Davao biktima sa kawalan ng
pambobomba sa hustisya
Davao at
pagsasawalang
bahala ng iilan
6 Pagtugis sa mga Pagpapatupad ng Ang droga at
drug addict , kampanyang kurapsyon ay sakit
drug pusher at “Tokhang” ng ng lipunan
kurap Pangulo at
pagpapanagot sa
mga kurap na
opisyal

7 Paggamit ng Nananalo sa Laganap ang vote


politician sa eleksyon ang mga buying sa
medya sikat at popular sa eleksiyon sa
radyo at telibisyon bansa

8 Pakikisali ni Juan Marami na ang Itinututok ng


sa kilos protesta lumulutang na mga medya ang tuon
pangyayaring sa mga
nagiging isyu ng sekondaryong isyu
masang Pilipino ng masa

9 Pagkamit ng Marami na ang Ang kapayapaan


kapayapaan sa nasasakripisyo sa ay nakakamit sa
Mindanao digmaan sa diplomatikong
Mindanao, buhay pamamaraan
tahanan at
kabuhayan

10 Ang pag-akay ni Bukas si Pope Pantay pantay ang


Pope Francis sa Francis sa LGBT bawat tao sa
LGBT community usapin ng
56

karapatan

E1. Mahalaga ang senseridad ng magkabilang partido sa pagsusulong


ng usapang pangkapayapaan
Tampok ang ideolohiya na ito sa editoryal kartun, ang kahalagahan ng

sinseridad ng bawat partidong kalahok sa pag uusap sa peacetalk ay isang

batayang pundasyon o rekisito sa ikatatagumpay ng usapang isinusulong.

Mahalaga rin ito upang matiyak na matutugunan ang mga pangunahing

problema na siyang pinag-uugatan ng kahirapan na kinasasadlakan ng

masang Filipino. Kung ang batayang prinsipyo ng pagiging sinsero ay hindi

mapaiiral ay tiyak na walang mapatutunguhan ang usapang pangkapayapaan.

Patunay rito ang sinabi ni Maria Karina Africa Bolasco ng Ateneo De

Manila University Press sa papel na The GRP-NDFP Peace Talks: Tactical

Discontinuities in a Shared Narrative na

“If the two parties are serious about resolutely ending violence,
then they must also begin to imagine what can, and must, happen
next. The paper notes that negotiations have been conducted
without clearly agreeing, and perhaps intentionally, how the end of
violence between the protagonists will actually look like “.

E2. Export oriented ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas

Ito ang ideolohiyang ipinoprojek ng editoryal kartun. Makikita ito sa pasan

pasang troso at learning ng manggagawa na nilululan sa barkong may

nakapaskil na education samantalang ang negosyante ang lumululan gamit


57

ang crane na may nakalagay na money. Nagpapakita lamang ito ng

kalagayan ng edukasyon sa ilalim ng sistemang globalisasyon. Ina-angkat ang

edukasyon palabas sa bansa, at ito ay nangangahulugan sa kinakalakal na

edukasyon sa Pilipinas. Sa halip na ang mga hilaw na materyales o produkto

ng bansa at lakas paggawa o skills ng mga gradweyt na Pilipino ay magsilbi

sa pangangailangan at kagalingan ng mamamayan nito, ang kapitalista at

dayuhan pa ang siyang higit na nakikinabang sa mga ito.

Patunay rito ang pag-aaral ni Apilado (2008) na kanyang inilahad na

“the secondary and tertiary educations appear to be gearing itself


towards the need of the international labor market”. Globalization
resulted in competition among the rich countries to attract
individuals with technical skills or knowledge from other
countries, notably from the third world countries which support
the concept of brain drain. As education is commodified, the
operations of schools run like a corporate entity, putting primary
goal on profit rather than social responsibility or the humanizing
intents and purposes of education.

Batay naman sa inilabas na pahayag ng ILO Multilateral Framework on

Labour Migration, higit na marami sa kasalukuyan ang nangingibang bansa

upang tumaas ang antas ng kanilang pamumuhay. Umabot na ng 10 milyon

ang Filipino na naninirahan na sa abroad at mahigit 1 milyong Filipino ang

lumalabas sa bansa taon-taon para magtrabaho. Sa kabilang banda may mga

mangagawa sa abroad na napipilitang magtrabaho sa gawaing ipinapagawa

sa kanila dahil sa kalikasan ng trabaho doon at sa baba ng sahod taliwas sa

napagkasunduan noong nag-aaplay palang sila.


58

E3. Martial law ay pag apak/pagsupil sa pantaong karapatan

Ang ideolohiyang ito ang namayani sa alala ng mga Filipino hinggil sa

martial law. Ang ideolohiyang ito ay tumatak sa isipan ng sambayanan nang

maranasan ito sa bansa sa panahon ng panunungkulan ng dating pangulong

Ferdinand Marcos. Nagdulot ito ng sikolohikal na trauma dahil sa naranasang

kalupitan at direktang pang-aabusong pisikal at emosyonal mula sa kamay ng

mga sundalong Filipino noong dekada setyenta. Sa panibagong deklarasyon

ng batas militar sa Pilipinas ay namamayani ang pangangamba ng nakararami

sapagkat nakondisyon na ang mamamayan na ang Martial Law ay pag-apak

sa pantaong karapatan.

Patunay rito ang nakuhang mga pahayag mula sa panayam ng Bulalat sa

mga biktima ng batas military sa panahon ni Marcos.

“Gabi-gabi ay nanghuhuli sila ng 10 kalalakihan. Pinaghuhukay


nila ito ng sarili nilang mga libingan at doon din ay binabaril
hanggang sa mamatay. Gabi-gabi ay kumukuha rin sila ng 10
kababaihan dinadala sa Navy boat at doon ginagahasa, ang mga
nanlalaban ay tumatalon nalang sa dagat upang magpakamatay,
ang iba ay binabaril ng mga sundalo” Abunawas Kali.

Ang pinsang babae ni Abunawas kali ay isa sa naka-survibe sa mga

kababaihang napagsamantalahan, labing apat na taong gulang pa lang siya

ng mga panahon na iyon. Sinabi naman ni Loida Magpatoc “hindi ako

naging ligtas sa panunurtyor nila kahit na buntis ako”. Sa pahayag naman

ni Trinidad Repuno Herrera ay sinabi niyang “tinalian nila ng electric wire

ang aking hinlalaki. Ang wire ay konektado sa field phone ng military, sa

tuwing pipindutin nila iyon ay nakukuryente ako. Inin-terrogate nila ako


59

at bawat tanong na hindi ko masagot ay kukuryentehin na naman ako”.

Mula naman sa panayam kay Romeo Luneta sinabi niyang “kinukuryente

nila ako ng hubo’t hubad at binubugbog”.

E4. Nagtutungali sa pulitika ng matataas na opisyal

Ito ang ideolohiyang ipinoprojek ng editoryal kartun. Ang paggamit ng

signong molding clay ay nangangahulugan na mayroong mga hangarin o

pagtatangka na nais na maisagawa o mangyari. Ang mga hangarin na ito ay

nagmumula sa isang motibo. Ano man ang motibo na iyon ay nag-uugat sa

politika.

Dahil si pangalawang pangulong Leni Robredo ay kasalungat ng

partido politikal na kinabibilangan sa pangulo at mula sa mga isyu nila sa isa’t

isa tulad na lamang ng pagbatikos ni Robredo sa kampanyang Tokhang ng

pangulo, at sa paglabas ni Duterte sa konspirasiyang si Robredo ang lider ng

tangkang pagkudeta sa kanya ay malinaw na basehan na ang alin mang mga

pagtatangka ay nahuhulog sa tunggalian sa politika ng dalawang matataas na

opisyal ng Pilipinas.

Ang tunggalian sa politika ay hindi makatutulong sa bansa. Sapagkat

sa halip na maging sinsero at magtulungan ang matataas na opisyal ng bansa

sa pagharap at pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng

sambayanan ay naiuukol na lamang nila ang kanilang tuon sa pagsisiraan at


60

pagbabantayan para lamang sa pagtitiyak at pagpapaniguro sa kanilang

posisyon at kalalagyan sa politika.

Matatandaan ang bago pa lamang na naging bangayan ng dalawa.

Sinabi ni Bise Presedente Leni Robredo “Alam ng Pangulo kung ano ang

posisyon ko sa drug war: tutol ako sa pagpatay ng mga inosente, kontra

ako sa pang-aabuso ng mga opisyal. Alam niya ang aking mga puna.

Alam niya ang mga balak kong ayusin”.

 Ayon pa sa pangulo ang Bise Presedente ay wala naman talagang

ginagawa kaya’t inalok niya ito ng trabaho bilang ICAD co-chairperson.

Tinanggap ni Robredo ang posisyon na iyon. Humihingi ng maraming reporma

sa kampanya laban sa druga si Robredo na siyang hindi naman sinasang-

ayunan ng pulisya. Sa loob ng ilang lingo lamang na pagtatrabaho ni Robredo

ay sinibak na siya kaagad ng Pangulong Duterte, ang pangyayaring ito ay

patunay lamang ng kawalan ng pagtutulungan ng mga opisyal na nasa

mataas na posisyon.

E5. Pag-iral ng culture of impunity o kawalan ng hustisya

Ang ideolohiyang ito ang ipinoprojek ng editoryal kartun. Makikita ito sa

sentro ng argumento ng editoryal kartun, ang signo ng distorted na lalaking

nakangisi. Ang pagkamit ng hustisya ay hindi natatamo, at ang mga may sala

ay malaya. Walang nananagot sa mga insidente ng pambobomba at sa iba

pang mga krimen na nagaganap.


61

Ang culture of impunity sa ating bansa ay napakataas. Maraming mga

krimen at insidente ang hindi nalulutas ng batas. Kung magpapatuloy at higit

pang tataas ang index of impunity sa bansa sa susunod na mga taon ay

mapangangambahan na ang sistema ng pagpapatupad ng batas sa Pilipinas

at makukuwestyon ang kakayahan ng Pilipinas sa pangangalaga nito sa

kapakanan ng kanyang mamamayan. Sa madaling sabi ay mawawalan na ng

tiwala ang mamamayan sa seguridad na kayang ipatupad sa bansa.

Patunay rito ang naging resulta ng pinakabagong Global Impunity Index

(GII) na inilabas ng University of Americas Puebla (UDLAP) at Center of

Studies on Impunity and Justice (CESIJ) noong 2017. Nangunguna ang

Pilipinas sa animnapu’t siyam (69) na mga bansang pinag-aralan. Dagdag pa

ng Rappler ay sa usapin ng karapatang Pantao, ang pag-abot ng Pilipinas sa

rating na 97.99 ay sumasalamin sa kakulangan ng pamahalaan sa pagsusuri

sa kalagayang umiiral sa bansa sa dimensiyon ng karapatang pantao ng

bansa.

E6. Ang droga at kurapsyon ay sakit ng lipunan

Ang druga at kurapsyon ay sakit ng lipunan ang ideolohiyangipinoprojek

ng editoryal kartun. Ang signo ng pagsasagasa sa mga pigurang ang ulo ay

injeksyon, tableta, marijuana at buwaya ay nagpapakita ng isang

determinadong hakbang upang sugpuin ang problema sa droga at katiwalian


62

sa bansa. Nagbibigay pahiwatig ito na ang problema sa droga at adiksyon ay

isang seryoso at malalang kaso na kailangang puksain.

Kung maisasawalang bahala na lamang ang kurapsyon sa bansa ay

magpapatuloy ang kabulukan sa sistema ng pagpapatakbo sa pamahalaan,

ang paghihirap ng mamamayan ay higit na madaragdagan kung lalala ang

kurapsyon mula sa itaas patungo sa maliit na yunit ng lipunan.

Sa kabilang banda malaking perwisyo ang maidudulot kung higit pang

maging talamak ang problema sa droga. Maraming kabataan ang masisira

ang buhay at maraming tahanan ang mawawasak ang pamilya dahil lamang

sa hindi normal na takbo ng kaisipan bunga ng kemikal na reaksyon na

naidudulot ng droga sa isipan ng tao.

Ang mga ito ang batayan ng gayon na lamang na pagbabawal ng

Panulong Duterte sa droga at kurapsyon. Sikat na sikat sa madla ang

matinding kampanya ng pangulo laban sa droga, ang Kampanyang Tokhang.

Ang salitang ito ay mula sa salitang Bisaya na “toktok” at “hangyo”. Ayon sa

unang ibinunyag ng Pangalawang Pangulong Robredo ay nasa 5,526 na mga

drug personalities ang inabot na ng kampanya mula sa mga lihetimong

operasyon ng mga militar, na siyang taliwas naman sa naging tala ng Human

Rights Organization na umaabot na sa 27,000 kabilang ang mga napaslang

sa vigilant style.

E7. Laganap ang vote buying sa election sa Pilipinas


63

Laganap ang vote buying sa election sa Pilipinas ang nangingibabaw na

ideolohiya na ipinoprojek ng editoryal kartun. Patunay rito ang paggamit ng

signong telebisyong kumakaway sa sa pigurang naka attaché case at

nagsasabing leave this to us Pres, at sa isa pang telibisyong nakaharap na

itinuturo ang screen na may nakasaad na vote him.

Tuwing eleksyon ang medya ang pumapapel sa napakahalagang

gampanin sa pangangampanya ng mga politiko. Sa pamamagitan ng mga

radyo at telebisyon ay may kakayahan ang mga kumakandidato na makilala

sila at maging popular sa mga mamamayan saan mang sulok ng bansa.

Magkakaroon sila ng kakayahan na abutin ang hindi nila kayang mapuntahan

sa pamamagitan ng pagkokomersyal sa telebisyon at radyo, minsan pa ay

may espesyal pang programa para lamang sa kanilang pangangandidato.

Ang ganitong prebilehiyo ay tinatamasa lamang ng mga matataas na uri

ng tao sa lipunan. Hindi lahat ng mga nagtatangka na maupo sa mga

posisyon sa pamahalaan ay may ganitong kakayahan at pribilehiyo. Kung sino

ang humahawak ng ekonomiya ay siya ring nananalo at naghahari sa politika.

Ayon pa kay pangulong Duterte sa isang panayam sa kanya noong

midterm election “Yang pagboto, lahat ‘yan. Walang hindi nagbibili ng

boto dito maniwala ka. ‘Yang… Walang hindi nagbibili ng boto. Sinong ---

ituro mo kung sino ang hindi nagbili ng boto." Patunay lamang ito na

naging kultura na sa Pilipinas ang vote buying.


64

Sa kabilang banda ay nakasaad sa Omnibus Election Code ng Bansa

na ang pagbibili ng boto ay isang krimen. Ang sinumang mapapatunayang

lumabag ay makukulong ng hindi bababa sa isang taon at hindi rin naman

lalampas sa 6 na taong pagkakabilanggo.

E8. Itinutuon ng medya ang tuon sa mga sekondaryong panawagan ng

masa

Itinutuon ng medya ang tugon sa mga sekondaryong panawagan ng

masa. Patunay rito ang ginawang interview ng media reporter, mula sa hanay

ng mga nagsasagawa ng kilos protestang nagdadala ng lehitimong

panawagan ay si Juan pa ang kinapanayam na nagdadala ng plakard na

tandang pananong. Sa halip na kapanayamin ang mga may bitbit na

seryosong isyu tulad ng women’s right na isang lehitimong panawagan. Mas

binibigyang pansin ng media ang mga isyung mabababaw at hindi

pangunahin. Nagpapakita ito ng pagkakaroon ng bias sa panig ng medya sa

pagbabaling ng atensyon ng madla mula sa mga batayan at pangunahing

problema tungo sa mga maliliit at hindi pangunahing isyu ng mamamayan.

E9. Ang kapayapaan ay nakakamit sa diplomatikong pamamaraan

Ang kapayapaan ay nakakamit sa diplomatikong pamamaraan ang

nangingibabaw na ideolohiyang ipinoprojek ng editoryal. Ang pagpapakita ng

signo ng mga gusaling sira sira bunga ng digmaan ay patunay na kupas na


65

ang pamamaraan ng armadong pakikipaglaban sa pagkamit ng kapayapaan

sa Mindanao. Sa halip na matuldukan ang kaguluhan at kahirapan ay mas

nagbubunga lamang ito ng matinding kahirapan sa mga mamamayang

apektado ng digmaan sa pagitan ng mga armadong grupo ng Muslim sa

Mindanao at sa sandatahang lakas ng Pilipinas. Patunay rito ang dekadang

taon nang pakikibaka ng Bangsamoro sa paraan ng armadong pakikipaglaban

subalit wala paring pagbabago sa kalagayan ng Bangsamoro sa usapin ng

ekonomiya, politika at kultura.

Kung gayon ay nangangailangan na baguhin ang paraan upang matamo

ang inaasam na pagkamit sa karapatan ng mga Moro sa sariling pagpapasya.

Iangat ang pamamaraan sa pamamagitan ng mapayapa subalit determinado

at sistematikong proseso sa pagkamit ng kapayapaan. Ang diplomatikong

proseso sa pagsusulong ng pangmatagalang kapayapaan.

Katulad na lamang ng sa kasalukuyan ay mas higit na nasa panig na ng

diplomatikong pamamaraan ang pakikibaka ng mamamayang moro tulad ng

pagkamit ng kasunduang pangkapayapaan ng MILF ng BBL na sa

kasalukuyan ay ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

E10. Pantay-pantay ang bawat tao sa usapin ng karapatan

Pantay-pantay ang bawat tao sa usapin ng karapatan ang ideolohiyang

ipinoprojek ng editoryal kartun. SiPope Francis ay kinatawan ng relihiyong

katoliko at isinasabuhay niya ang doktrina ng Katoliko. Kung kaya ang


66

paggamit sa kanya bilang signo ng editoryal at sa kanyang pag-akay sa mga

linyang LGBT ay patunay ng pantay na pagtingin at pagtanggap sa lahat ng

likha ng Panginoon maging ang homosekswalidad.

Pantay-pantay ang lahat ng nilalang sa mata ng Panginoon, kung kayat

dapat lamang na ang mga tao ay maging pantay rin sa pagtingin sa kanilang

kapwa tao. Walang deskriminasyon maging ano pa man ang estado sa

pamumuhay ng isang tao at maging ano pa man ang piniling kasarian o

pagkatao ng kapwa tao.

Ayon pa kay Pope Francis noong tinanong siya ng isang journalist hinggil

sa usapin ng pagiging ‘gay’ na priest sinabi niyang “Kung ang isang tao ay

‘gay’ at may pananampalataya at may mabuting hangarin, sino ako para

manghusga?”. Sa ibang pagkakataon naman na nagkaroon ng panayam kay

Pope Francis sinabi niyang

“Sa Buenos Aires ay madalas akong makatanggap ng liham mula


sa homosekswal na tao na kung saan ay ‘socially wounded’ dahil
sinabi nila sa akin na pakiramdam nila ay lagi silang hinahatulan
ng simbahan. Ngunit hindi ito gustong gawin ng simbahan. Noong
flight ko pabalik ng Rio de Janeiro sinabi kong kung ang
homosekswal na tao ay may mabuting hangarin at may
pananampalataya, wala akong karapatang humusga. Sa pagsagot
ko nito ay naipahahayag ko kung ano ang isinasaad ng katesismo.

Dagdag pa niya

“may isang taong nagtanong sa akin sa paraang probokatib kung


inaaprobahan ko ba ang homosekswalidad. Sumagot ako ng isang
tanong: Sabihin mo nga, kung tinitingnan ng Panginoon ang isang
taong ‘gay’, tumatalima ba siya sa taong iyon ng malugod, o
umaayaw at hinahatulan niya ito sa halip. Dapat ay lagi nating isa-
alang-alang ang tao. Sa buhay ay pinapatnubayan ng Panginoon
67

ang tao, kung kaya tayo ay dapat na maging gabay rin ng iba mula
sa kanilang mga kalagayan”.

DISKUSYON NG PAG-AARAL

Sa kabanatang ito inilahad ng mananaliksik ang diskusyon ng pag-aaral,

implikasyon sa pagtuturo, implikasyon sa susunod na pananaliksik, at

konklusyon mula sa naging resulta ng isinagawang pag-aaral.

Ang isinagawang pag-aaral ay may pamagat na “Sosyo Politiks sa

Editoryal ng Mindanao Tech: Isang Semiotikong Pagsusuri”, na may

pangkalahatang layuning matukoy ang kalagayang sosyal at politikal na

ipinoprojek ng sampung editoryal kartun ng Mindanao Tech. Ginamit sa pag-

aaral na ito ang disenyong kwalitatib at pamaraang deskriptibo o palarawang


68

uri ng pananaliksik. Ang ginawang suri sa pag-aaral na ito ay iniangkla sa

Order of Signification ni Roland Barthes (1957) Denotasyon, Konotasyon at

Ideolohiya. Sa pagbibigay ng kahulugang literal ay ginamit ang Istaylistik

Kanon nina Medhurst at DeSousa (1981). Napapaloob sa istaylistik kanon na

ito ang kaugnayan ng sukat ng imehe, placement, eksaherasyon ng mga

karikatura, linya at porma at ugnayan ng teksto. Samantala ay ginamit naman

ang pangunahing tropes ni Chandler (2011) metapora, sinekdoke, metonomi

at ironya sa pagtalakay ng mga argumentong tumutukoy sa isyung sosyal at

politikal sa konotatibong pagpapahulugan. Mula sa mga datos na nalikom ay

tinukoy ang namamayaning ideolohiya ng bawat editoryal. Ang pagsusuri ay

idinaan sa tatlong dedriefer na siyang mag bibigay balidasyon sa ginawang

suri sa pag-aaral na ito.

Sinasaklaw sa pag-aaral ang sampung (10) editoryal kartun ng

pahayagang Mindanao Tech (2013-2019), huling sampung edisyon ng

pahayagan mula nang isagawa ang pag-aaral na ito.

Ang mga sumusunod ang lumitaw sa pag-aaral na ito batay sa

isinagawang pagsusuri:

1. Mula sa denotatibong pagpapakahugan ay lumabas ang liko liko at

putol putol na daan, paghihirap ng mga Filipino sa pagtaguyod ng

edukasyon, alaala ng martial law, pagpaplano at pagbabanta ni

Robredo, biktima ng pambobomba sa davao, pagtugis sa mga drug

addict at kurap, paggamit ng politician sa medya, pakikisali ni Juan sa


69

kilos protesta, pagkamit ng kapayapaan sa Mindanao at ang pag-akay

ni Pope Francis sa LGBT.

2. Batay sa pagsusuri sa sosyo-politiks na aspeto ng editoryal lumabas

ang hindi pagkamit ng pangmatagalng kapayapaan bunga ng

pagkaantala sa usad ng usapang pangkapayapaan, kinakalakal ang

edukasyon sa Pilipinas, nakapangangamba ang muling pagpapatupad

ng martial law, may nilulutong plano ang pangalawang pangulong

Robredo, pagluluksa ng mga biktima ng Davao bombing,

pagpapatupad ng kampanyang Tokhang ng pangulong Duterte at

pagtugis sa mga kurap, nananalo sa eleksiyon ang mga sikat at

popular sa radio at telebisyon, marami ang isyu ng masang Filipino,

marami ang nasasakripisyo sa digmaan sa Mindanao at bukas si Pope

Francis sa LGBT.

3. Ang mga ideolohiyang lumutang sa bawat editoryal ay mahalaga ang

senseridad ng magkabilang partido sa pagsusulong ng usapang

pangkapayapaan, export oriented ang sistema ng edukasyon sa

Pilipinas, martial law ay pagsupil/pag-apak sa karapatang pantao,

nagtutunggali sa politika ang mga matataas na opisyal, pag-iral ng

culture of impunity/ kawalan ng hustisya, ang druga at kurapsyon ay

sakit ng lipunan, laganap ang vote buying sa eleksiyon sa bansa,

mahilig makilahok sa mga kilos protesta ang mga Filipino, ang


70

kapayapaan ay nakakamit sa doplomatikong pamamaraan at pantay

pantay ang tao sa usapin ng karapatan.

Implikasyon sa Pagtuturo

Ang mga binigyang suri sa pag-aaral na ito ay editoryal kartun, na

samakatuwid ay kasasalaminan ng mga kaganapang nangyayari sa isang

lipunan batay sa paningin ng mga manunulat. Ito ay maituturing na bahagi ng

panitikan na may adhikaing makalikha ng boses upang marinig, naglalaman

ng mga argumentong makapagmumulat sa nahihimbing na kamalayang

panlipunan.

Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay upang masuri ang mga

adhikaing may kinalaman sa mga isyung sosyal at politikal na masasalamin sa

bawat editoryal. Mabibigyan ng karampatang interpretasyon ang bawat

larawang nakasaad sa mga ito at mabibigyan ng gabay ang mga mambabasa

sa kung paano ito titingnan ayon sa kontekstong nais nitong palutangin.

Kabilang na rin sa imlpikasyon sa pagtuturo ng pag-aaral na ito ang

magagamit ang mga editoryal kartun bilang lunsaran sa pagtuturo ng mga

akdang pampanitikan na may kaugnayan sa paksa ng talakayan sa klase.

Samantala ay magsisilbi rin itong gabay kung paano susuriin ang mga

larawang inihahatid ng editorial kartun hindi lamang sa literal nitong kahulugan


71

kundi maging sa kontekstong panlipunan. Magiging daan ito sa mas malalim

na pag-unawa at tamang paraan ng pagpapakahulugan sa paggabay ng guro

sa mga mag-aaral sa pag-aaral ng mga pangyayaring sosyal at politikal na

sinasalamin ng mga editoryal kartun.

Isa sa mahalagang implikasyon sa pagtuturo ng pag-aaral na ito ay

nakabuo ang mananaliksik ng isang banghay aralin sa pagtuturo ng mga

editorial kartun. Ang banghay aralin na nabuo ng mananaliksik ay magsisilbing

gabay sa pagtuturo sa klase ng mga ganitong anyo ng panitikan. Makikita ang

banghay aralin sa ibaba.

Banghay Aralin sa Filipino

I. Layunin
Saloob ng 60 minutong talakayan ang mga mag-aaral ay
inaasahang

Makatatamo ng 75% tagumpay sa mga sumusunod:

1. Natatalakay ang kaisipang nakapaloob sa imahe ng editorial


kartun ng Mindanao Tech 2018-2019;
2. Natutukoy ang aspetong sosyal at politikal na nakapaloob sa
editorial kartun; at
3. Napahahalagahan ang editorial kartun sa pamamagitan ng
paggawang poster, slogan at sanaysay.
4.
II. PaksangAralin

Paksa: Editoryal Kartun ng Mindanao Tech


72

Sanggunian: Editoryal Kartun ng Mindanao Tech, Edisyong


2018-2019

Kagamitan: Projector, laptop, task card

III. Pamamaraan

Gawaing Guro

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng lumiban sa klase
4. Pamantayan sa klase
5. Pagganyak (Kahon ng Kaalaman)

Mekaniks- Mula sa kahon ng kaalaman nainihanda ng guro, ang


mga mag-aaral ay bubunot ng mga papel mula sa kahon. Bawat
papel na kanilang mabubunot ay naglalaman ng mga katanungan
at sasagutin nila ito sa loob lamang ng isang minuto.

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad ng mga gabay na tanong


Mga Gabay naTanong
a. Ano- ano ang mga imaheng makikita sa editorial kartun?
b. Ano ang salitang nakasulat sa patong-patong na mga papel na
pasan-pasan ng pigura ni Juan.
c. Ano ang katangian ng daang tinatahak ni Juan, ano ang
malaking salitang nakasulat sa daang ito?
d. Ano ang emosyong inilalarawan ng pigurang may pasang troso,
ano ang nakapaskil na sulat sa pasan nitong troso?
e. Ano ang emosyong ipinapakita ng pigurang nakasakay sa
sasakyan, ano ang salitang nakapaskil sa makinang sinasakyan
73

nito?
f. Anong bagay ang inilalarawan sa editorial kartun na kung saan
ay mayroong nakapaskil na salitang EDUCATION?
g. Ano-ano ang mga bagay na hawak ng dalawang pigura sa loob
ng bungo, ano ang emosyong ipinakikita ng dalawang pigurang
ito?
h. Ano ang inilalarawan ng pigurang may hawak na bandila sa loob
ng bungo?
i.
2. Presentasyon ng mga Editoryal Kartun
( Ipapakita ng guro ang mga editorial kartun sa pamamagitan ng
paggamit ng projector)

3. Pagtalakay Pangkagandahan

a. Ano ang pahayagan?


b. Ano-ano ang mga bahagi ng pahayagan?
c. Ano ang editorial kartun?
d. Anong bahagi ng pahayagan ang sinuring editorial kartun?

4. Pagtalakay Pangkaisipan
(Pagtalakay gamit ang mga gabay natanong)
a. Ano ang sinisimbolo ng pigurani Juan?
b. Ano ang ipinapahiwatig ng putol-putol na daang may nakasulat
na PEACE?
c. Ano ang nirerepresenta na sector ng pigurang may
pasanpasang troso?
d. Ano ang nirerepresenta ng pigurang nakangising nakasakay sa
makina?
e. Ano ang ipinahihiwatig ng barkong may nakapaskil na
EDUCATION?
f. Ano ang ipinahihiwatig ng bungo sa editoryal?
g. Ano ang sinisimbolo ng pigura sa bandang harapan ng bungo?
h. Ano ang ipinahihiwatig ng hubad na pigura sa ilalim ng bungo na
may itinataas na bandila?

5. Pangkatang Gawain
74

Panuto: Hahatiin ang klase sa tatlong grupo at ang bawat grupo ay


maaatasang sundin ang mga gawain ayon sa kanilang nabunot na
aktibiti. Ang bawat pangkat ay bibigyan lamang ng limang minuto
upang tapusin ang nakatakdang gawain.

Poster- Gumawa ng poster ayon sa kaisipang nakapaloob sa


editorial kartun.

Slogan- Gumawa ng slogan ayon sa mga kaisipang nakapaloob sa


editorial
kartun. Ang mga salita ay hindi dapat bababa sa 8 salita at hindi rin
naman lalampas sa 14 na salita.

Sanaysay-Gumawa ng sanaysay na ayon sa kaisipang nakapaloob


sa editorial kartun. Ang sanaysay ay binubuo lamang ng 3 talata,
panimula, katawan, at ang pangatlong talata ay wakas.

- Pamantayan
Poster Slogan Sanaysay

Orihinalidad15% Orihinalidad Nilalaman


Kaangkupan 10% 15% 15%
Kooperasyon 5% Kaangkupan Kaangkupan
10% 10%
Kooperasyon Kooperasyon
5% 5%

Kabuuan 30 Kabuuan 30 Kabuuan 30


puntos puntos puntos

C. Paglalahat
1. Ano ang kakayahang kayang abutin nge ditoryal kartun?
2. Paano nakatutulong ang editorial kartun sa pag-unlad ng sistemang
lipunan?
3. Paano ba natin tinitingnan ang mga kaganapan sa ating lipunang
75

ginagalawan.
4. Paano ka makatutulong sa pagpaunlad ng lipunang Filipino?

IV. Pagtataya
Panuto: Sa isang pirasong papel, maglista ng mga pangyayaring
iyong napansin na satingin mo ay nararapat lamang maging
nilalaman ng editoryal. Magsulat din ng mga detalye sa bawat
pangyayaring mailista.

V. TakdangAralin

Panuto: Gumupit ng isang editorial kartun at idikit sa isang buong


papel. Sumulat ng iyong sariling pagbibigay pakahulugan ayon sa
larawan ng editorial.

Implikasyon sa Susunod na Pananaliksik

Upang mahahasa ang intelektwal na kakayahan ng mga mag-aaral sa

pag-aanalisa ng mga pangyayari sa lipunan at upang maging mulat sa

kalagayan ng lipunang ginagalawan, kinakailangan pa na magkaroon ng mga

pag-aaral na katulad nito. Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod

na pananaliksik sapagkat magsisilbi nila itong .gabay sa pagsusuri ng iba

pang mga anyo ng panitikan.


76

Magagamit bilang batayan ang pananaliksik na ito sa mga sumusunod

pang pag-aaral hinggil sa editoryal karton. Inirerekomenda ng mananaliksik sa

mga sumusunod pang mananaliksik na suriin ang mga editorial kartun ng mga

nagungunang pahayagan sa bansa. Upang magkaroon ng konkretong

larawan sa mga pangunahing isyu na kinahaharap ng Pilipinas.

Ang mananaliksik ay nagmumungkahi na lalo pang pagtibayin ang

pagsasagawa ng mga pag-aaral sa iba’t ibang anyo ng panitikan na sumusuri

kalagayan ng lipunan upang magkaroon ng iisang larawang diwa ang bawat

mamamayang Filipino at higit na mapagtibay ang bigkas para sa pagsusulong

ng repormang higit na magpapaunlad ng bansang Pilipinas.

Konklusyon

Matapos maisagawa ng mananaliksik ang pag-aaral na ito ay

napatunayan ang sumusunod: una, ang kaugnayan ng sukat ng imahe,

placement, eksaherasyon ng karikatura, linya at porma at kaugnayan ng

teksto ay mahalaga at nagpapahiwatig sa paglalarawan sa literal na

kahulugan ng mga figurative language tulad ng editoryal kartun. Pangalawa,

ang bawat editoryal kartun ay kasasalaminan ng imaheng sosyal at political, at

panghuli ang editoryal kartun ay may malaking papel sa pagbibigay kabatiran

sa mga mamamayan ng mga napapanahong pangyayari at kalagayan.


77

TALASANGGUNIAN

MGA AKLAT

Littlejohn, S. (1999).Theories of Communication.California. Wadsworth Pub.


Company.

Maciones, J. (1999). Sociology: A Student Media Version.New Jersey.


Prentice Hall Inc.

MGA TESIS/DISERTASYON
78

Reyez,F. (2014). Imaheng Sosyo-Politiks sa Editoryal Kartun ng Phillipine


DailyInquirer: Isang semiotikong Pagsusuri. (Unpublished
master’sthesis). University of Southern Mindanao

Gallarde, D. (2018).Pragmatiksng Sitcom sa ABS-CBN. (Unpublished


undergraduate thesis). University of Southern Mindanao

Sanico,M. (2017). MgaIsyung Panlipunang Masasalamin sa Mga Piling


Makabagong Awiting Filipino.(Unpublished undergraduate thesis).
University of Southern Mindanao

Gallego, D. (2017).Morpo Semantikang Pagsusuri sa Mga Signature Line ng


Ilang Piling Personalidad sa Mass Media. (Unpublished undergraduate
thesis). University of Southern Mindanao

Polito, R. (2011).Language and Power in Blogs of Freshman Students of


MSUIIT: A Critical Discourse Analisis.(Unpublished
master’sthesis).School of Graduate Studies,MSUIligan Institute of
Technology, Iligan City.

Matthews, CA. (2011). Witticism of Transition: Humor and Rhetoric of


EditorialCartoons on Journalism.(Unpublished master’s
thesis).Graduate School, University of Missouri Columbia Degree.
Tayag, D. (2011). Ang “PugadBaboy” bilang May krokosom ng ‘Pinas:
Pagiistrip ng Pinoy Sosyo-Politiks sa Komik Pragmatiks.
(Unpublishedmaster’s thesis).Paaralan ng mga Gradwado, MSU-Iligan
Institute of Technology, Iligan City.

INTERNET

Anonuevo, R. 2008. Ang Editoryal Bilang Lunsaran ng Panunuri.


http://www.alimbukad.com/2008/08/ang-editoryal-bilang-lunsaran-ng
panunuri/

Chandler, D. 2011. Semiotics for Begginers: Rhetorical Tropes.


http://www.aber.ac.uk/media/Documents/S4B/semiotic.html.
79

Desousa, M. at Medhurst, M. Political Cartoons as Rhetorical Forms: A


Taxonomy of Graphic Discourse
http://www.tandfonline.com/doi/abs/10.1080/03637758109376059#prev
ew

Ordonez, R. 2009. Pluma at Papel


http://www.plumaatpapel.wordpress.com/2009/03/15/bakit-may
karahasan/

ANG SIMULA: Editorial Cartooning is Journalism


http://www.barangayrp.wordpress.com/category/editorial-cartoon
80

APENDISES

Appendix A. Application for Research Adviser

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO


Kabacan, Cotabato
Philippines
APPLICATION FOR RESEARCH ADVISER

Date:
WINNIE O. AQUINO, MALT-FIL
Filipino Department
College of Arts and Sciences
USM, Kabacan, Cotabato

Madam:
81

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO


Kabacan, Cotabato
Philippines
APPLICATION FOR RESEARCH TITLE
I would like to request that you will be my Research adviser effective 2 nd semester, SY
2019. I intend to work on “SOSYO-POLITIKS SA EDITORYAL KARTUN NG MINDANAO
TECH: ISANG SEMIOTIKONG PAGSUSURI’’.

I am hoping for your most favorable approval on this request. Thank you very much.

Very truly yours,

Joanisa G. Kamid
Printed Name and Signature of Student

RECOMMENDING APPROVAL NOTED


PAUL JOHN D. ONGCOY, MST Department
Research Coordinator
SONIA F. ALAMAZAN, MA-MUSIC
Department Chairperson
_______________ _______________
Date Date
APPROVED

WINNIE O. AQUINO, MALT-FIL


Adviser
_______________
Date
Appendix B. Application for Reseach Title

Date:

SONIA F. ALMAZAN, MA-MUSIC


Department Chairperson,
Department of Secondary Education

MADAM,

I would like to request your office to allow me to research on the study entitled “SOSYO-
POLITIKS SA EDITORYAL KARTUN NG MINDANAO TECH: ISANG SEMIOTIKONG PAGSUSURI”.

The study has the following objectives:


1. Matukoy ang mga literal na kahulugan na masasalamin sa editoryal kartun ng
Mindanao Tech.
82

2. Matukoy ang imaheng sosyo-politiks sa bansa naipinoprojeksa editoryal kartun


sa huling sampung magkakasunod-sunod na edisyon.
3. Matukoy ang ideolohiyang namamayani sa loob ng sampung edisyon.

Very truly yours,

JOANISA G. KAMID
Printed Name and Signature of Student

NOTED

WINNIE O. AQUINO, MALT-FIL ________________


Adviser Date

PAUL JOHN D. ONGCOY, MST ________________


Department Research Coordinator Date

NORQUEZ T. MANGANSAKAN, EdD ________________


College Research Coordinator Date
REMARKS: ___________________________
APPROVED

________________
Appendix C.SONIA
Estimated Budget
F. ALMAZAN, of the Research
MA-MUSIC Date
Department Chairperson

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO


Kabacan, Cotabato
Philippines

ESTIMATED BUDGET OF THE RESEARCH

Title of Study

SOSYO-POLOTIKS SA EDITORYAL KARTUN NG MINDANAO TECH:


ISANG SEMIOTIKONG PAGSUSURI

Budgetary Requirements

ITEMS ESTIMATED COST


A. Bond Paper 500
B. Folder and Clip 100
C. Ball pen 140
D. Meals 1,000
E. Internet Expenses 200
F. Printing 600
83

G. Softbound 485.00
H. Reproduction of Manuscript 800
I. Adviser 500
J. Examining Committee 600

Grand Total P 4,925

Prepared and submitted by:

Joanisa G. Kamid
Printed Name and Signature of the Student

NOTED

WINNIE O. AQUINO, MALT-FIL ___________________________


Adviser Date

PAUL JHON B. ONGCOY, MST ___________________________


Department Research Coordinator Date

SONIA F. ALMAZAN, MA-Music ___________________________


Department Chairperson Date

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO


Kabacan, Cotabato
Philippines

APPLICATION FOR THESIS MANUSCRIPT DEFENSE


Name JOANISA G. KAMID
Degree/Major BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION /FILIPINO
Thesis Title SOSYO-POLITIKS SA EDITORYAL KARTUN NG MINDANAO TECH:
ISANG SEMIOTIKONG PAGSUSURI
Date of Examination
Time
Appendix D. Application for Thesis Manuscript Defense
Place

MEMBERS OF THE EXAMINING COMMITTEE


Name Signature Date
EIMER M. ESTILLOSO, EdD __________________
84

PAUL JOHN D. ONGCOY, MST __________________


Ma. LEZEL P. PATARAY, EdD ________________ _

RECOMMENDING APPROVAL:

WINNIE O. AQUINO, MALT-FIL


Adviser
APPROVED:

SONIA F. ALMAZAN, MA-MUSIC PAUL JOHN D. ONGCOY, MST


Department Chairperson Department Research Coordinator
REPORT ON THE RESULT OF EXAMINATION
Name Signature Date
EIMER M. ESTILLOSO, EdD __________________ ___________
PAUL JOHN D. ONGCOY, MST __________________ _____________
Ma. LEZEL P. PATARAY, EdD _________________ ____________
APPROVED:

PAUL JOHN D. ONGCOY, MST


Department Research Coordinator

_____________________
Date
E1. Vol.LXVIII No.1 (SY 2018-2019)
85

E2. Vol. LXVII No.1 (SY 2017-2018)

E3.Vol.LXVI No.2 (SY 2016-2017)


86

E4. Vol.LXVI No.1 (SY 2016-2017)

E5. Vol. LXV No.2 (SY 2015-2016)


87

E6 Vol. LXV No.1 (SY 2015-2016)

E7. Vol. LXIV No. 2 (November-March 2015)


88

E8. Vol LXIV No. (June-November 2014)

E9 Vol.LXIIINo.2 (November 2013- April 2014)

E10. Vol. LXIII No.1 (June-October 2013)


89

You might also like