Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Filipino sa Larangang Akademik

Sulatin # 1 Buod at Sintesis

Michael Morante

12 – Zeppelin

I. Kabagyan ni Rommel Rodriguez


Nabalitaan ng isang binata na may nangyaring masama sa kanyang babaeng kapatid. Ang
pangalan ng babaeng ito ay si Mia. Kaya’t nagpaalam ang binata sa kanyang opisina upang
pumunta sa lugar kung saan nakaburol si Mia. Ang binata ay bumyahe mula Maynila hanggang
sa Tui kasama ang kanyang kasintahan na si Gina at ang kasamahan nitong si Marlon.
Sumakay sila sa itaas ng dyip upang sila ay ma preskohan at makakita ng magagandang
tanawin. Habang nasa byahe ay naalala ng binata ang paalam ng kaniyang kapatid na si Mia na
gagawa lamang daw sila ng “research”. Nag iwan si Mia ng kubing sa kanyang kapatid ngunit
hindi alam ng binata kung paano gamitin ang kubing. Ibinaba na sila ng dyip sa tapat ng
simbahan, Hindi makapaniwalang natuklasan ng binata na karumal dumal ang nangyari sa
kapatid nitong si Mia at ang nobyo naman nito na si Renzo ay sinunog. Nakilala ng binata ang
isang bata na nagngangalang Memory na anak pala nina Mia at renzo. Ibinigay ng binata ang
kubing kay memory na bigay sa kanya ng kanyang kapatid na si mia at pinatugtog ito ni
memory na bumalot sa malamig na gabi.

Mga Susing Salita: rebelde, militar, aksidente, kubing, aktibista

II. Ang Tatay kong Cochero ni Jimmuel C. Naval


Nakaranas ng unang pagsakay sa kalesa ang isang binata kaya naman ay inikot nito ang
buong Luneta. Dahil sa mga naririnig nyang yapak ng kabayo ay naisip nya na nasa dugo na
nya ang pagiging cochero dahil karamihan sa kanyang pamilya ay cochero o di kaya naman ay
nagmamaneho ng trak at dyip naman sa kanyang tatay.Dumating sa puntong napalitan na ng
traysikel ang dyip ng kanyang ama dahil sa kataasan ng presyo ng petrolyo. Sa paulit ulit na
pag sakay ng binata sa kanilang traysikel, tila ba nasanay na ang kanyang tatay sa pagiging
cochero dahil paminsan ay napapasigaw padin ito habang nagmamaneho. Ilang taon
nagserbisyo ang kanya ama sa pag sundo ng mga isda kaya naman ay bumili na sya ng
bisikleta dahil hindi na masyadong nakakasabay ang binata sa kanyang ama sa traysikel.
Napansin ng binata na dumadalang na ang mga isda sa palengke dahil sa pinatayong planta
malapit sa lugar ng palengke. Ilang araw natigil sa pagta-traysikel ang tatay ng binata at may
napansin naman itong pamamaga sa paa ng kanyang ama at napag alamang may dyabetis
kaya naman ay tuluyan na nga itong tumigil sa pagta-traysikel at ibinigay na ang traysikel sa
binata. Tumagal at umabot na sa puntong hindi na gumagaling ang sugat ng ama ng binata,
kaya naman kung ano ano na ang pumapapasok sa isipan ng binata at dahil doon ay
napagpasyahan nalang ng binata na libutin muli ang buong Luneta.

Mga Susing Salita: Kabayo, cochero, traysikel, kalesa, palengke


III. Sintesis ng dalawang maikling kuwento
Pinapakita sa dalawang kwentong ito kung ano o paano mo matatanggap at malalabanan ang
isang problema gaaano man ito kahirap. Hindi din naman maiiwasan ang mga paghihirap na
dadanasin ng bawat tauhan lalo na kung ito ay tungkol sa pagsasakripisyo upang ma-
resolba ang bawat problema ng tauhan sa dalawang kwentong ito. Natalakay din sa dalawang
ito ang pagkawala ng mga minamahal nila sa buhay spesipiko na ang pamilya.

You might also like