AP 7module 4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 36

7

ARALING
PANLIPUNAN 7
Unang Markahan – Modyul 4
Mga Likas na Yaman ng Asya
At Implikasyon nito sa
Pamumuhay ng mga Asyano
Araling Panlipunan – 7
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 4: Mga Likas na Yaman ng Asya at Implikasyon sa nito
Pamumuhay ng mga Asyano
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Gladys Zandy Q. Bonel, Tristan D. Dapito, Irene Mae D. Amistad, Michelle S. Janeo
Editor: April G. Formentera, Noralyn Joy O. Ramos, Arlan S. Ravanera, Emily E. Baculi,
Michael A. Adam, Merjorie Q. Ablay, Maria Fe N. Arca
Tagasuri: April G. Formentera, Noralyn Joy O. Ramos, Arlan S. Ravanera, Emily E. Baculi,
Michael A. Adam, Merjorie Q. Ablay, Maria Fe N. Arca
Tagaguhit:
Tagalapat: April G. Formentera
Tagadisenyo ng Pabalat: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Romelito G. Flores - Schools Division Superintendent
Mario M. Bermudes - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny A. Sumugat – REPS, Araling Panlipunan
Juliet F. Lastimosa - CID Chief
Sally A. Palomo – Division EPS In-Charge of LRMS
Gregorio O. Ruales - Division ADM Coordinator
Lito S. Adanza – Subject Area Supervisor
Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
7

Araling
Panlipunan 7
Unang Markahan – Modyul 4:
Mga Likas na Yaman ng Asya
At Implikasyon nito sa
Pamumuhay ng mga Asyano
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panglipunan 7 ng Alternative

Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Likas na Yaman ng Asya at
Implikasyon nito sa Pamumuhay ng mga Asyano!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode

(ADM) Modyul ukol sa Mga Likas na Yaman ng Asya at Implikasyon nito sa
Pamumuhay ng mga Asyano!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.

Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Naniniwala ka ba na ang tao ay biniyayaan ng masaganang kapaligiran? Ang lahat

ng ating nasa paligid, ang mga kabundukan, dagat, hayop, halaman at mineral, ay
mga likas na yaman na siyang puhunang nililinang ng tao upang matugunan ang
kanyang mga pangangailangan. Noon pa man at magpahanggang ngayon, ang uri
ng pamumuhay at gawain ng tao ay nakaangkop sa kanyang kapaligiran. Pagsasaka
ang karaniwang hanapbuhay kung ang tao ay naninirahan sa kapatagan. Kung sa
baybaying dagat naman ay pangingisda ang ikinabubuhay. Tunay nga na ang
ganitong ugnayan ng tao at kapaligiran ay isang natural na prosesong ipinagkaloob
ng Diyos upang ang lahat ay mabuhay. Sa puntong ito ay simulan mo nang suriin
ang Likas na Yaman ng Asya at ang implikasyon nito sa pamumuhay ng mga Asyano.

Essential Learning Competency:

Nasusuri ang yamang likas at ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal sa
pamumuhay ng mga Asyano

Sa pagtatapos ng araling ito inaasahan na magagawa mo ang sumusunod:

1. Naibibigay ang mga likas na yaman ng iba’t ibang rehiyon ng Asya
2. Nasusuri ang mga implikasyon ng yamang likas sa pamumuhay ng mga Asyano

Subukin

Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang
lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang
mga tanong na hindi masasagutan ng wasto at pag-aralan ang mga ito habang
tinatahak ang aralin sa modyul na ito.

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang pinakaangkop

na sagot mula sa pagpipilian. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang.
_____1. Ayon sa tulang “Likas na Yaman ng Asya”, pagpapastol ang isa sa mga
hanapbuhay ng Hilagang Asya. Alin sa mga sumusunod ang produktong may
kaugnayan sa hanapbuhay na ito?
a. wool b. caviar c. jutes d. goma

_____2. Ang China sa Silangang Asya ay nangunguna sa produksyon ng mais

ngunit maliban dito may yamang mineral rin na nakukuha sa bansang ito. Anong
uri ng mineral ang mayaman at nangunguna ang China?
a. carbon b. chromite c. ginto d. tanso

_____3. Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, bakit itinuturing na

pangunahin at napakahalagang butil pananim ang palay?
a. maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais, at barley
b. palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog-Silangang Asya
c. sagana sa matatabang lupa ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim
d. galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng
rehiyong ito

_____4. Ang mga bansang sa Timog Silangang Asya ay kilalang nag-aangkat ng mga
produktong palay. Ito rin ang isa sa mga pinagkukunang kabuhayan ng mga
naninirahan dito. Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng kasaganaang ito?
a. mainam na klima c. malamig na panahon
b. malawak na lupain d. masisipag na magsasaka

______5. Hindi maitatanggi ang kaugnayan ng likas na yaman sa aspektong pang-

ekonomiya ng isang bansa. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita
ng implikasyon ng likas na yaman sa ekonomiya?
a. ang populasyon sa isang lugar ay nakabatay sa likas na yaman nito
b. ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang mga produktong
panluwas ay nagmumula sa pagsasaka
c. may ilang nga mamayan na may maliit na sakahan at nagbubukid para
sa pansariling ikabubuhay lamang
d. marami sa likas na yaman ng mga bansa sa Asya ang pinagkukunan ng
mga hilaw na materyales na panustos sa kanilang pagawaan

_____6. Ang masaganang likas na yaman ng iba't ibang rehiyon ng Asya ay

napakikinabangan ng mga naninirahan dito. Nagbibigay ito ng pangkabuhayan sa
mga tao, mapa-tubig man, kalupaan o kagubatan. Alin sa mga sumusunod ang
maaaring paraan upang mapangasiwaan ng maayos ang pinagkukunang
kabuhayan?
a. pagtuunan ng pansin ang pag-aangkat ng mga hilaw na materyales mula
sa ibang bansa upang hindi kaagad maubos ang yamang likas
b. ibigay lamang sa malalaking kompanya ang pagkuha at paggamit ng likas
yaman upang mas malaki ang pakinabang na makukuha rito
c. magpatupad ng mga batas sa tamang paglinang at paggamit ng mga likas
na yaman upang maging angkop ang kapakinabangang makukuha rito
d. hikayatin ang mga dayuhang namumuhunan na manguna sa paglinang
ng mga yamang likas upang matiyak na kalidad ng teknolohiyang gagamitin

_____7. Ang ibang mga rehiyon ng Asya ay may patag, malalapad at matatabang
kalupaan. Naging dahilan ito upang iangkop ng tao ang kanilang ikinabubuhay sa
pagsasaka at iba pang gawaing agrikultural. Ngunit sa patuloy na urbanisasyon at
pagsikip ng lupa dahil hindi ito nadadagdagan, paano mo iaangkop ang sarili at
iyong pamilya upang patuloy na may pagkunan ng pagkain at kabuhayan?
a. makiisa sa gawaing nagsusulong ng wastong paggamit ng likas na yaman
b. hayaan ang pamahalaan na lumutas sa mga isyung may kaugnayan sa
ekonomiya
c. humingi ng tulong sa ahensiyang pampubliko ng gobyerno tuwing
nagkukulang ang pangangailangan ng pamilya
d. tumigil muna sa pag-aaral sa tuwing may kakulangan sa
pangangailangan ng pamilya at maghanapbuhay na lamang

_____8. Sa Timog Asya makikita ang malalawak na kapatagan tulad ng Deccan

Plain. Alin sa mga sumusunod na hanapbuhay ang naiuugnay sa behetasyon ng
Timog Asya?
a. pagmimina c. pagpapastol
b. pagsasaka d. pangangalakal

_____9. Ang Kanlurang Asya ay hindi biniyayaan ng malawak na matatabang

lupang maaaring matamnan. Bagamat hindi mayaman sa produktong
agrikultural, bakit itinuturing pa rin itong isa sa mayamang rehiyon sa Asya?
a. dahil mataas ang antas ng teknolohiya sa mga bansa sa Kanlurang Asya
b. dahil langis ang pangunahing produktong panluwas ng Kanlurang Asya
sa Pandaigdigang Pamilihan
c. dahil mayroong mahuhusay na pinuno ang Kanlurang Asya na
nagpaunlad sa ekonomiya nito
d. dahil sa mga tulong pinansiyal mula sa ibang bansa (foreign aid) na
natatanggap ng mga bansa sa Kanlurang Asya

_____10. Ang bansang Maldives ay napakaliit lamang kung ihahambing sa iba pang
mga bansa sa Timog Asya. Paano natutustusan ng bansang Maldives ang
pangangailangan ng mamamayan nito gamit ang likas na yaman ng bansa?
a. sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa turismo dulot ng magagandang
dalampasigan nito
b. sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan sa malalaki at mayayamang
bansa sa Timog Asya
c. sa pamamagitan ng paghingi ng tulong pinansiyal sa mga karatig-bansa
sa Timog Asya
d. sa pamamagitan ng pagkikipag-alyansa sa mga malalakas na bansa sa
daigdig

(Pag-aralan ang larawan sa ibaba at unawain ang nais ipahiwatig nito.)

(Halaw mula sa Modyul ng Mag-aaral, Pahina 39)
_____11. Paano nakakaapekto ang larawan sa itaas sa pamumuhay ng mga
Asyano?
a. natutustusan nito ang pangangailangang pinansiyal ng mga
mamamayang Asyano
b. nagpapakita ito ng ebidensiya na napakayaman ng kontinente ng Asya
c. bagamat ito ay may naitutulong sa pamumuhay ng mga Asyano, maaari
itong magdulot ng pagkaubos ng likas na yaman
d. makakaapekto ito ng malaki sa mga mahihirap na mamamayan sapagkat
ang mga mayayamang mangangalakal lamang ang nakikinabang

(Pag-aralan ang larawan sa ibaba. Gawing itong batayan sa pagsagot sa

susunod na tanong.)

(Halaw mula sa Modyul ng Mag-aaral, Pahina 39)

_____12. Batay sa larawan, ano ang kapakinabangang makukuha ng mga Asyano
sa kanilang mga yamang tubig?
a. ito ay magdudulot ng mga suliranin tulad ng pagbaha
b. ito ay maaaring mapagkunan ng pagkain at hanapbuhay
c. ito ang nagiging pangunahing industriya ng mga mahihirap na mga
bansa
d. ito ang natatanging pinagkukunang yaman ng mga mahihirap na bansa

_____13. Ang pagkain ng mga tao sa isang bansa ay nagmumula sa pagsasaka.

Kung malawak at mataba ang lupain, mas matutugunan ang mga
pangangailangan ng bansa ngunit ang patuloy na paglaki ng populasyon ay
nagdudulot ng suliranin ng kakulangan. Anong pakikiangkop ang ginagawa ng
bansa upang mapalaki ang produksiyon nito?
a. pagpapakilala ng family planning sa mga mamamayan
b. paghihikayat sa mga mamamayan ng urban/backyard gardening
c. paggamit ng mga makabagong makinarya upang mapalaki ang
produksiyon
d. pagpapalawig ng mga kursong agrikultural sa mga kolehiyo

_____14. Ang pag-iral ng suliraning dulot ng COVID-19 sa kasalukuyan ay may

malaking epekto sa yamang lupa ng ating bansa tulad sa industriya ng pagsasaka.
Naging mahirap sa mga magsasaka ang pagbebenta at pagdadala ng kanilang mga
produkto sa pamilihan. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang
sa hakbang na ginagawa ng mga lokal na pamahalaan upang matulungan ang mga
magsasaka?
a. pagtatalaga ng mga mobile market na siyang nagdadala ng mga produkto
sa mga pamayanan
b. paglulunsad ng Online Market and Delivery upang mas maging madali
ang
pamimili ng mga mamamayan
c. pag-aangkat ng mga lokal na pamahalaan sa mga produkto ng mga
magsasaka upang ibahagi sa mga mamamayan bilang ayuda ng
pamahalaan
d. paghihikayat sa mga magsasaka na ibahagi o ipamigay na lamang ang
kanilang aning produkto upang hindi ito masira at mabulok

_____15. Sa kasalukuyan, ang ating bansa ay humaharap sa suliraning dulot ng

COVID-19 na lumilimita sa paggalaw ng tao. Ang suliraning ito ay nagdudulot ng
limitasyon ng mga mamamayan sa pagkuha ng pangunahing pangangailangan
tulad ng pagkain. Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang kahit
papaano ay matugunan ang inyong pangangailangan?

a. pangangampanya sa social media para sa agarang ayuda mula sa

pamahalaan
b. pakikipag-uganayan sa mga non-government organization na nagbibigay
ng food packs
c. pagbabadyet ng inyong konsumo sa araw-araw upang hindi kaagad
maubos ang pagkain
d. paghihikayat sa inyong mag-anak na magtanim ng mga gulay na
madaling anihin sa bakuran o backyard gardening
Aralin Mga Likas na Yaman ng Asya

5 at Implikasyon nito sa
Pamumuhay ng mga Asyano
Kamusta! Binabati kita at natapos mo na ang aralin tungkol sa Katangiang
Pisikal ng Asya at mayroon ka na ring kaalaman tungkol sa mga yamang likas ng
mga rehiyon ng Asya. Sa pagkakataong ito ay mas lalo pang palalalimin ang iyong
kaalaman tungkol sa Likas na Yaman ng Asya at ang Implikasyon nito sa
Pamumuhay ng mga Asyano Noon at Ngayon. Pag-aralang mabuti ang modyul
unawain ang mga bagong konsepto. Kung sakaling may mga bagay kang mahirap
intindihin huwag mag-atubiling magtanong sa iyong guro o tagapagdaloy.

Balikan

Balikan ang aralin tungkol sa Katangiang Pisikal ng Asya sa pamamagitan ng

pagsagot sa gawain sa ibaba.

Gawain 1: Spider web

Ilarawan ang katangiang pisikal ng mga rehiyon ng Asya ayon sa sukat, topograpiya,
klima o vegetation cover. Sundin ang halimbawa.

Silangang
Asya
Halimbawa:
Nakararanas ng
monsoon climate

Timog-
Kanlurang
Silangang
Asya
Asya
Kontinente
ng Asya

Hilagang
Timog Asya
Asya
Pamprosesong Tanong:
1. Magkakatulad ba ang katangiang pisikal ng mga rehiyon ng Asya?
2. Nakakaapekto ba sa pamumuhay ng mga Asyano ang katangiang pisikal ng
rehiyon nito tulad ng sukat, topograpiya, klima at vegetation cover? Magbigay ng
halimbawa.

Mga Tala para sa Guro

Bilang pinakamalawak na kontinente ng daigdig, ang Asya ay nagtataglay
rin na napakaraming likas na yaman na siyang nililinang ng mga Asyano
upang umunlad. Malaki ang kaugnayan ng mga Likas na Yaman na ito sa
patuloy na pagsulong ng pag unlad ng bansa sa bawat rehiyon ng Asya.

Tuklasin

Kumusta? Handa ka na ba sa bagong aralin? Upang higit mong maintindihan ang

mga konsepto sa araling narito ang mga talasalitaang gagamitin mo sa araling ito:

1. Likas na Yaman ay mga bagay na nagmula sa kalikasan tulad ng lupa,

kabundukan, kagubatan, karagatan, mga ilog at lawa maging ang mga
depositing mineral.

2. Yamang Lupa ay ang mga anyong lupa at mga bagay na nakukuha dito, kagaya
ng prutas, gulay, palay, halamang gamot, atb. Pinagmumulan din ito ng
alternatibong enerhiya tulad ng geothermal energy.

3. Yamang Tubig ay mga katubigan kung saan makakakita ng mga kayamanan

tulad ng mga isda, corals at kung anu-ano pa. Ilan sa mga katubigang ito ay ang
mga karagatan, ilog, dagat, lawa, golpo, talon at iba pa. Pinagmumulan ng
alternatibong enerhiyang hydroelectric energy.

4. Yamang Gubat ay yamang pinagmumulan ng iba’t-ibang species ng

punongkahoy, halaman at hayop.

5. Yamang Mineral ay yamang kinabibilangan ng ginto, pilak, tanso, mga

panggatong tulad ng petrolyo, gas at karbon.
6. Agrikultura ay isang agham kung saan nililinang ang pag-aalaga at
pagpaparami ng mga halaman at hayop. Ito ay ginagawa upang makalikha ng
pagkain, damit at iba pang pang produkto na makatutulong para
masustentuhan ang pamumuhay ng tao.

7. Ekonomiya ay tumutukoy sa produksiyon at pagkonsumo ng mga ipinagbibili

at serbisyo sa komunidad.

8. Panahanan ay ang estado o katunayan ng patuloy na pamumuhay ng mga

mamamayan sa kabila ng pagsubok, mahirap na kalagayan at patuloy na
pagkikipag-ugnayan sa kapaligiran.

Gawain 2: Talahanayan ng Paglalahat

Ang gawaing ito ay magsisilbing gamit sa pagtataya ng kaalaman mo sa tatalakaying
aralin. Sa bahaging ito ng gawain, sagutin muna ang unang kolum. Ang mga
natitirang kolum ay sasagutan pagkatapos ng pagtalakay sa aralin.

Implikasyon ng Kapaligirang Pisikal sa Pamumuhay ng mga Asyano

Noon at Ngayon
Ang aking Mga Mga katibayang Mga Ang aking mga
mga pang- natuklasan at nagpapatunay kalagayang ganap na
unang pagwawasto katanggap- naunawaan
kaalaman tanggap
Suriin

Gawain 3. Larawan-suri
Suriin ang mga larawan na makikita sa ibaba. Sagutin ang pamprosesong tanong.

(Photo Credits: Gladys Zandy Q. Bonel) (Photo Credits: Gladys Zandy Q. Bonel)

(Photo Credits: Gladys Zandy Q. Bonel) (Photo Credits: Michelle J. Gula)

Pamprosesong Tanong:
1. Ano anong uri ng likas na yaman ang nakikita mo sa larawan?
2. Paano nililinang ng mga tao ang mga ito?
3. Sa palagay mo, may pinsala kayang naidudulot ang paglinang ng ating
kapaligiran? Kung mayroon, sa anong mga pagkakataon ito nagaganap?

Pagyamanin

Gawain 4: Tula Ko, Bigkasin Mo!

Basahin, unawain at suriin ang tulang “Likas na Yaman ng Asya”. Sagutin
ang Pamprosesong Tanong.

Likas na Yaman ng Asya

Awtor: Gladys Zandy Q. Bonel

Likas na yaman sa kontinente ng Asya ay lubhang kahanga-hanga

Yamang lupa, tubig, mineral at gubat, sa mga rehiyon ay makikita
Iba-iba man ang pisikal na katangian, mga bansa’y tunay na pinagpala
Ang masaganang kalikasan, sa mamamayan ay tiyak na biyaya

Ang Hilagang Asya ay kilala, sa pagpapastol ng baka at tupa

Ang Caviar ng isdang sturgeon, panluwas na produkto ng Siberia
Ang Kyrgyzstan at Uzbekistan, sa produksyon ng ginto nangunguna
Ang bansang Turkmenistan at Russia, sa natural gas naman ay sagana

Pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga mamamayan ng Timog Asya

Mga kapatagan ay pinagyaman ng mga ilog Ganges, Indus at Brahmaputra
Sa malawak na taniman matatagpuan ang trigo, jute, tubo maging ang tsaa
Ang birheng kagubatan ay makikita sa gulod ng Himalayas at Sri Lanka

Sa mga lupain ng Timog-Silangang Asya makikita ang malalawak na kagubatan

Pinakamaraming punong teak sa buong mundo, sa Myanmar matatagpuan
Nasa Pilipinas naman ay matitigas na kahoy gaya ng apitong, narra, ipil, kamagong at lauan
Liquified gas ay nasa Malaysia, deposito ng langis at natural gas sa Indonesia naman
mapagkukunan

Ang malawak na lupain ng Silangang Asya, sa pagsasaka at pagtatanim nakatuon

Pananim na mais at palay, ang China sa buong mundo pinakamalaki ang produksiyon
Salat man sa yamang mineral ang Japan, sa daigdig nangunguna naman sa industriyalisasyon
Alternatibong enerhiya sa Taiwan ay pinagyaman, wind at solar energy sa bansa ang mayroon

Kanlurang Asya’y kilalang tagapagtustos ng yamang mineral na petrolyo at langis

Natural gas, zinc, magnesium at phosphate, produkto ng mga bansa sa rehiyon na
magkawangis
Sa mga bansang Syria, Iraq, Iran at Kuwait, dumadaloy ang kambal na ilog ng Euphrates at
Tigris
Agrikultura’y mahalaga rin sa mga taga-Middle East, tulad ng Iran na tanim ay trigo at barley
sa mga oasis

Ang Asya ay tunay na mapalad sa natatangi nitong likas na yaman

Biyaya na handog na nararapat pagyamanin at pangalagaan
Pamprosesong
BawatTanong:
Asyano sa paglinang nito ay dapat makilahok at magtulungan
Upang ninanais na kaunlaran at kapakinabangan patuloy na makamtan

Pamprosesong mga tanong:

1. Tungkol saan ang tulang binasa?
2. Ano ano ang mga likas na yaman na nabanggit sa bawat rehiyon sa Asya?
3. Magsagawa ng paghahambing ng likas na yaman ng dalawa mula sa limang
rehiyon. Ano ang puna o masasabi mo tungkol dito?
4. Masasabi mo bang mas uunlad ang isang bansa kung sagana ito sa likas na
yaman? Magbigay ng patunay?
Gawain 5: Punan ang Ideya Mo!
Gamit ang tulang “Likas na Yaman ng Asya”, buuin ang konsepto sa bawat bilang
sa pamamagitan ng pagpupuno ng tamang impormasyon. Sundan ang ibinigay na
halimbawa.
Halimbawa:
Pangungusap: Mayaman ang (bansa) sa (likas na yaman) kaya naman ang
pangunahing hanapbuhay dito ay (hanapbuhay).
Sagot: Mayaman ang India sa matatabang lupain kaya naman ang pangunahing
hanapbuhay dito ay pagsasaka.
Pangungusap 1: Salat man ang (bansa) sa (likas na yaman), napaunlad pa rin
nila ang kanilang ekonomiya sa pamamagitan ng (hanapbuhay).
Sagot:___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Pangungusap 2: Katulad ng Pilipinas ang (bansa) ay may malawak rin na (likas
na yaman). Nagagamit nila ito sa pamamagitan ng (hanapbuhay).
Sagot:___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Pangungusap 3: Tulad ng (bansa), kapag nalinang natin ang kalikasan ay maaari
itong mapagkunan ng alternatibong enerhiya tulad (alternative energy source).
Sagot:___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Pangungusap 4: Malaki ang bahaging ginagampanan ng pagluluwas ng produkto
sa pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa tulad ng (bansa) na ang pangunahing
produktong panluwas ay (produkto).
Sagot:___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Pangungusap 5: Ang (bansa) ay nangunguna na (produkto), malaki ang
pakinabang na nakukuha ng mga mamamayan dito sa pamamagitan ng
(hanapbuhay).
Sagot:___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Gawain 6: Suri-teksto
Basahin at unawain ang teksto sa ibaba. Sagutin ang pamprosesong tanong.

MGA LIKAS NA YAMAN NG ASYA

Iba’t-iba ang mga likas na yaman ng mga rehiyon sa Asya. May rehiyon na
maraming yamang mineral habang ang iba ay may matabang lupa na angkop sa
pagtatanim. Mayroon naming natatabunan ng makapal na kagubatan. Ang iba ay
mayaman sa pagkaing dagat. Tatalakayin sa bahaging ito ang likas na yaman ng
bawat rehiyon sa Asya.

TIMOG ASYA
Sa mga bansa sa Timog Asya, tanging India lamang ang biniyayaan ng
humigit-kumulang na 54% na lupa na maaaring bungkalin. Kaya lupa ang
itinuturing na pinakamahalagang likas na yaman nito. Ang kapatagan ng Ganges ay
isa sa mga pinakamatabang rehiyon sa India dahil sa alluvial soil. Ang alluvial soil
ay mataba at pinong lupa na dineposito o tinambak sa lambak at bukana ng ilog
matapos ang pagbaha o pag-apaw ng ilog. Samantalang maliit lamang ang matabang
lupa sa Afghanistan, Bangladesh, Maldives, Nepal, Pakistan at sa Sri Lanka na
tanging 30% lamang ng pangkalahatang lupa ang binubungkal.
Sa matabang lupa, nagtatanim ng barley, mais, palay, trigo, oilseed, jute,
kape, patatas, kamote, bulak, kasuy, at iba’t-ibang sangkap na pampalasa tulad ng
chili, cinnamon, pepper at cloves. Ang pangunahing tanim na iniluluwas ng Nepal
ay oilseed, tubo, jute at tabako at ang Sri Lanka ay tsaa, goma, at niyog.
Sinasakop ng yamang gubat ng Nepal ang humigit-kumulang 27% ng
pangkalahatang lupain. Ang mga kagubatan ay matatagpuan sa mga gulod o
matataas na pook ng bulubunduking Himalayas. Ang gubat bakawan ng Pakistan
ay matatagpuan sa mga baybaying dagat.
Makapal ang rainforest o mga mayabong na gubat sa mga maulang pook sa
timog-kanlurang Sri Lanka. Ang mga puno na matatagpuan dito ay mahogany at
iba’t ibang uri ng palm tulad ng niyog, bunga, at palmera. Sa matataas na lugar sa
gitna ng pulo matatagpuan ang mga kagubatang evergreen. Ang mga punong ebony
at satinwood at matatagpuan sa hilaga at silangan.
Ang alagang hayop sa Afghanistan ay tupang karakol at sa Bangladesh ay
baka. Nahuhuli naman mula sa Indian Ocean ang palos, tuna, dilis at hipon. Ang
mga dagat ay nagtataglay ng iba’t ibang uri ng shellfish at isda tulad ng mackerel at
salmon.

Talahanayan 1.1: Yamang Mineral ng mga Bansa sa Timog Asya

Bansa Yamang Mineral
Afghanistan* langis, natural gas, tanso, bakal, lapis lazuli
Bangladesh natural gas, batong apog, luwad
Bhutan batong apog, dolomite, karbon
India karbon, bauxite, bakal, langis, natural gas, manganese,
chromite, gypsum, batong apog, mica
Maldives ** ----------
Nepal bakal, tanso, mica
Pakistan karbon, gypsum, batong apog, chromite, bakal, rock salt, silica
sand, natural gas, langis, asin
Sri Lanka gemstone, graphite, luwad, ilmenite, batong apog, monazite,
asin, titanium, zircon
*Bagamat bahagi ng Timog Asya sa paghahating heograpiya, minsan ay ibinibilang sa ilalim ng Kanlurang Asya
**Walang natalang datos

SILANGANG ASYA
Mayaman ang China, North Korea, at Tibet sa mga depositong mineral. Nasa
China ang pinakamalaking reserba ng antimony, magnesium, at tungsten sa buong
daigdig. Ang reserbang karbon sa China ay tinatayang 115 bilyong metriko tonelada.
Ito ay isa sa mga pinakamalaki sa buong daigdig. Bagama’t nangunguna ang Japan
sa industriyalisasyon, salat naman ito sa yamang mineral.
Ang yamang lupa ng Silangang Asya ay matatagpuan sa mga talampas,
kapatagan, bundok, lupaing prairie sa Mongolia, mga lambak tulad ng daluyan ng
Yangtze River, Mongolian steppe, at iba pang mga lupang binubungkal. Sa Mongolia,
malaking bahagi ng lupain ang natatabunan ng buhangin o tigang na lupa.
Sakop ng China ang 7% ng lupa sa buong mundo na maaaring bungkalin.
Ang pinakamahalagang pananim nito ay palay. Nangunguna ang China sa buong
daigdig sa produksiyon ng palay. Ang mga ibang pananim ay trigo, mais, oats, at
kaoliang, isang uri ng sorghum at millet. Ang kaoliang ay ginagamit sa pagkain ng
mga alagang hayop at ginagawang alak. Ilan sa mga pananim ng ibang bansa sa
Silangang Asya ay sugar beets, patatas, repolyo, mais, soybean, bawang, red beans,
at prutas tulad ng ubas, peras, at peach.
Iba’t ibang malaking hayop ang ginagamit ng China bilang katulong sa
paghahanapbuhay tulad ng kalabaw, kamelyo, buriko, at yak. Dagdag dito ang
inaalagaang kabayo, kamelyo at tupa ng Mongolia.
Ang timog-silangang baybaying-dagat sa China ay mayaman sa mga pagkaing
dagat tulad ng flounder, cod, tuna, cuttlefish, sea crab, at prawn. Ang mga ilog ay
hitik sa carp, sturgeon at hito.

Talahanayan 1.2: Yamang Mineral ng mga Bansa sa Silangang Asya

Bansa Yamang Mineral
China bakal, aluminum, tin, antimony, magnesium, tungsten,
molybdenum, mercury, manganese, tingga, zinc, tanso,
uranium, fluorite, mica, phospahate, rock quartz, asin, silica,
talc, karbon, langis, natural gas
Japan natural gas, bakal, zinc, tingga, bauxite, karbon
North Korea karbon, bakal, tungsten, magnesium, graphite, ginto, pilak,
tanso, tingga, zinc, molybdenum
South Korea karbon, bakal, graphite, zinc, tungsten, tingga, tanso, ginto,
pilak, molybdenum, batong apog
Taiwan ginto, tanso, karbon, langis, natural gas, marmol

KANLURANG ASYA
Mayaman sa yamang mineral ang mga bansa sa Kanlurang Asya. Pangunahin
dito ang langis at petrolyo. Malawak ang mga deposito ng petrolyo at natural gas na
matatagpuan sa timog-kanluran at sa paligid ng Persian Gulf. Ang natural gas ng
Iran ang pangalawang pinakamalaking reserba sa buong daigdig. Tinatayang ang
Iran ay may 10% na reserba sa buong daigdig. Pinakamalaking tagapagluwas ng
petrolyo ang Saudi Arabia.
Sa Iran, sangkatlo (1/3) ng lupainay bukirin bagama’t 8% lamang nito ang
tinataniman. Habang sa Israel, 20% ng lupa ay inuukol sa pagtatanim. Mataba
naman ang lupa sa baybaying-dagat ng Turkey. Sa ibang bansa, ang lupain ay tigang
tulad ng sa Oman at mabuhangin gaya ng sa United Arab Emirates. Sa Jordan,
malaking bahagi ng lupain ay disyerto at steppe.
Ilan sa mga pananim sa rehiyon ay dates, kamatis, sibuyas, melon, trigo,
barley, tabako, ubas, tsaa, mais, hazel nut, at mga prutas. Sa mga bundok ng
Lebanon tumutubo ang pinakatanyag na puno ng bansa, ang cedar. Sa mga gilid ng
mga bundok pangunahing itinatanim ang olive, fig, cherry at plum.
Sa Saudi Arabia, ang pinakamalaking lupang binubungkal ay sa mga oasis
sa silangan kung saan ang itinatanim ay dates. Tumutubo rin ang mga punong plum
sa mga oasis at sa baybaying-dagat. Ang ibang lupain sa mga bansa ay ginagamit
na pastulan ng tupa, baka, at kambing.
Bahagi ng yamang tubig ng rehiyon ang Tigris River at Euphrates River.

Talahanayan 1.3: Yamang Mineral ng mga Bansa sa Kanlurang Asya

Bansa Yamang Mineral
Bahrain langis, natural gas
Cyprus tanso, pyrites, asbestos, gypsum, asin, marmol, clay earth pigment
Iran langis, natural gas, tanso, bauxite, karbon, bakal, tingga, zinc,
chromium
Iraq barite, asin, gypsum, molybdenum, mica, silica, talc, uranium, langis,
natural gas, bakal, ginto, tingga, pilak, platinum, zinc, phosphate,
sulfur, asin, gypsum
Israel potash, bromite, magnesium, tanso, phosphate, luwad, natural gas
Jordan potash, phosphate
Kuwait langis, natural gas
Lebanon batong apog, gypsum
Oman langis, tanso, ginto, chromite, manganese, asbestos, karbon, batong
apog
Qatar langis, natural gas
Saudi Arabia petrolyo, natural gas, iron ore, ginto, tanso
Syria langis, phosphate rock, asphalt, asin, karbo, bakal, tanso, tingga,
ginto
Turkey chromium, boron, bakal, langis, natural gas, karbon, bauxite,
manganese, antimony, tingga, zinc, magnesium, asbestos, mercury,
pilak, sulfur
United Arab langis, natural gas
Emirates
Yemen langis, natural gas, rock salt, batong apog, marmol, alabaster

TIMOG-SILANGANG ASYA
Malaking bahagi ng lupain ng Myanmar at Brunei ay kagubatan. Sa Brunei,
sa halos 84% ng kagubatan naninirahan ang iba’t ibang uri ng unggoy, ibon, at
reptile. Matatagpuan sa kagubatan ng Myanmar ang pinakamaraming punong teak
sa buong mundo. Iba pang mahalagang puno ang goma, cinchona, acacia, niyog at
bunga. Sa kagubatan ng Pilipinas makikita ang maraming uri ng punong palm at
matigas na kahoy tulad ng apitong, yakal, lauan, kamagon, ipil, pulang narra,
mayapis at iba’t ibang species ng dapo.
Ang pinakamatabang lupa sa Myanmar ay matatagpuan sa mga lambak ng
Irrawaddy River at Sittang River. Sa Cambodia, ito ay sa paligid ng Mekong River at
Tonle Sap.
May iba’t ibang pananim ang rehiyon tulad ng palm oil, sesame, bulak, trigo,
main, soybean, niyog, cacao, kape, abaka at mga prutas. Ang Pilipinas ay isa sa mga
nangunguna sa buong daigdig sa produksiyon langis ng niyog at kopra.
Karaniwan ding inaalagaang mga hayop sa rehiyon ang kalabaw, baka, baboy,
kabayo, kambing, at manok. Matatagpuan sa Pilipinas ang tamaraw, iba’t ibang uri
ng reptilya at ibon.
Ang Mekong River, Irrawaddy River, Sitang River at Red River, gayundin ang
iba’t ibang lawa at look ay ilan sa mga anyong tubig ng rehiyon.
Malaki ang mga deposito ng langis at natural gas sa Indonesia. Karamihan
nito ay nasa silangang baybaying-dagat ng Sumatra at Kalimantan. Ang mahigit sa
80% ng langis mula sa Tmog-Silangang Asya ay nanggagaling sa Indonesia. Dito rin
nanggagaling ang mahigit sa 35% ng liquefied gas sa buong daigdig. Ito rin ang
pangunahing mineral ng Malaysia habang tanso naman sa Pilipinas.

Talahanayan 1.4: Yamang Mineral ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya

Bansa Yamang Mineral
Brunei langis, natural gas
Cambodia zircon, sapphire, ruby, asin, manganese, phosphate
East Timor ginto, petrolyo, natural gas, manganese, marmol
Indonesia langis, natural gas, tin, bauxite, tanso, nickel, karbon, pilak, ginto,
diyamante, ruby
Laos karbon, batong apog, gypsum, tin
Malaysia langis, natural gas, tin, bauxite, tanso, bakal, pilak, ginto
Myanmar langis, natural gas, tin, antimony, zinc, tanso, tungsten, tingga,
karbon, tanso, carbon, nickel, pilak, marmol, batong apog, jade, ruby,
sapphire
Pilipinas tanso, ginto, pilak, nickel, tingga, chromium, zinc, cobalt, manganese,
langis, natural gas
Singapore luwad
Thailand karbon, zinc, tingga, tin, gypsum, bakal
Vietnam ginto, bakal, tin, zinc, phosphate, chromite, karbon

HILAGANG ASYA
Maraming yamang mineral ang mga bansa sa Hilagang Asya. Ang
pinakamahalagang yamang mineral ng Kyrgyzstan ay ginto. Ang deposito ng ginto
rito ay tinataya na isa sa mga pinakamalaki sa mundo. May tatlong uri naman ng
yamang mineral ang Tajikistan. Ito ang metalikong mineral tulad ng ginto, mineral
na panggatong tulad ng natural gas, at ang industriyal na mineral tulad ng
phosphate. Ang paghango ng langis at natural gas ang pangunahing indutriya ng
Turkmenistan. Pangalawa ito sa Russia sa produksiyon ng natural gas. Ang
Uzbekistan naman ay isa sa mga nangunguna sa produksiyon ng ginto sa buong
mundo.
Sa mga lamabak-ilog at sa mga mababang burol ng mga bundok nagtatanim
ang mga taga-Hilagang Asya ng palay, trigo, bulak, gulay, tabako, sugar beets,
sibuyas, ubas, at mansanas. Ang Uzbekistan ay isa sa pinakamalaking tagaluwas
ng cotton seed sa buong daigdig. Ang produksiyon ng pagkaing butil ay nakatuon sa
pagtatanim ng trigo, palay at barley.
Ang mga hayop tulad ng baka at tupa ay inaalagaan at pinararami. Sa
ganitong gawain nagkakaroon ang mga tao ng lana, karne at gatas.

Talahanayan 1.5: Yamang Mineral ng mga Bansa sa Hilagang Asya

Bansa Yamang Mineral
Kazakhstan karbon, bakal, manganese, bauxite, chromium, tungsten, ginto,
tanso, tingga, zinc, uranium, langis, natural gas
Kyrgyzstan ginto, antimony, mercury, langis, natural gas, karbon, uranium,
nepheline, bismuth, tingga, zinc
Siberia karbon, langis, natural gas
Tajikistan ginto, pilak, tanso, antimony, molybdenum, zinc, karbon, natural
gas, langis, uranium, phosphate
Turkmenistan langis, natural gas, karbon, sulfur, magnesium, gypsum, iodine,
bromite, asin
Uzbekistan ginto, karbon, natural gas, langis
(Halaw mula sa Batayang Aklat, Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan, pahina 36-42)

Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng mga Asyano

Agrikultura
Ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang mga produktong panluwas
niya ay nagmula sa pagsasaka. Kung malawak at mataba ang lupain, mas matutugunan
nito ang mga pangangailangan ng bansa at makapagluluwas ng mas maraming
produkto. Sa pagpapalaki ng produksiyon, ang ilan ay gumagamit ng mga makabagong
makinarya. May ilang mga mamamayan na may maliit na sakahan at nagbubukid para
sa pansariling ikabubuahy lamang.

Ekonomiya
Marami sa mga bansa sa Asya ay papaunlad bunsod sa kasaganahan nito sa
likas na yaman. Ang mga ito ay pinagkukuhanan ng mga materyales na panustos sa
kanilang mga pagawaan. Maging ang mauunlad na bansa ay dito kumukuha ng mga
hilaw na materyales kung kayat halos nauubos ang kilas na yaman ng huli at hindi sila
ang nakikinabang nito. Sa kabilang banda, likas na yaman din ang kanilang iluluwas,
kasabay nang paggamit ng mga tradisyonal at makabagong teknolohiya upang
mapataas ang antas ng pambansang kita nang sa gayon ay mapabuti ang pamumuhay
ng mga mamamayan nito.

Panahanan
Sa patuloy na pagdami ng tao ay patuloy din ang pagdami ng nangangilangan ng
ikabubuhay at panahanan nito. Ang dami ng populasyon sa isang lugar ay nakabatay
sa katangian ng likas na yaman nito. Isang katotohanan na ang populasyon ay lumalaki
ngunit ang lupa ay hindi, kung kaya’t ang ilan ay isinasagawa ang land conversion na
nagdudulot naman ng pagkasira ng tirahan ng mga hayop. Gumagamit ang tao ng
teknolohiya upang baguhin ang kakayahan ng lupa at ng kanilang kapaligiran.

(Halaw mula sa Modyul Para sa Mag-aaral, Pahina 42)

Pamprosesong Tanong:
1. Paano nakakaapekto ang mga anyong lupa, anyong tubig, kagubatan at iba
pang likas na yaman sa pamumuhay ng mga Asyano? Maglahad ng mga
halimbawa.
2. Karamihan ba sa ating mga pangangailangan at kagustuhan ay tinutugunan ng
ating mga likas na yaman? Patunayan ang sagot.
3. Ano sa palagay mo ang mainam na solusyon kung paanong matutugunan ng
likas na yaman ng isang bansa ang lumalaking dami ng populasyon gayong ang
lupa naman ay hindi lumalaki? Pangatwiranan.

Gawain 7: Talahanayan ko, Punan mo!

Gamit ang mga natutunan sa aralin ay punan ng tamang impormasyon ang Data
Retrieval Chart. (Magbigay lamang ng tig-isang bansa sa bawat rehiyon sa Asya).
Sundan ang ibinigay na halimbawa.

Pangunahing Implikasyon sa pamumuhay ng mga tao sa larangan ng:

Likas na
Rehiyon Bansa Yaman Agrikultura Ekonomiya Panahanan

Hal. China Yamang Lupa Nangunguna Iniluluwas ang Hindi pantay ang
Silangan (Palay) sa mga produktong densidad o dami ng
produksiyon agrikultural tulad populasyon sa isang
ng palay sa ng palay sa lugar dulot ng
buong mundo ibang bansa magkakaibang
produktibidad ng lupa.

Pamprosesong Tanong:

1. Magsagawa ng paghahambing ng likas na yaman ng dalawa mula sa limang

rehiyon. Ano ang puna o masasabi mo tungkol dito?
2. Paano nakakaapekto ang mga anyong lupa, anyong tubig, at kagubatan sa
pamumuhay ng mga Asyano? Maglahad ng mga halimbawa.
3. Mayroon bang mga bansa sa Asya na salat sa likas na yaman ngunit maunlad,
at mga bansang sagana sa likas na yaman ngunit hindi gaanong maunlad? Paano
ito nangyari?

Gawain 8: Mag-kwentuhan Tayo!

Magsagawa ng isang interview sa pinakamatandang miyembro ng inyong
pamilya tungkol sa kanilang hindi malilimutang karanasan noong kanilang
kabataan na may kaugnayan sa likas na yaman o kalikasan ng ating bansa.
Maaaring ito ay pamamasyal sa mga magagandang tanawin, paliligo sa ilog,
paglalaro sa kabukiran, pag-akyat ng kabundukan at iba pa.

Sa gagawing interview, bigyang-diin sa pagtatanong ang paghahambing sa

kalagayan ng ating yamang likas noon at ngayon. Maaaring gamitin ang mga
sumusunod na gabay na tanong sa ibaba.

Gabay na Tanong:
1. Ano ano ang mga lugar na inyong napuntahan na may kaugnayan sa likas na
yaman ng ating bansa?
2. Mayroon ka bang paborito sa mga lugar na ito? Bakit ito ang iyong paborito?
3. Makikita pa rin ba ang mga pook na ito sa kasalukuyan? May pagbabago ba?
4. Sa iyong palagay, may pagkakaiba ba ang yamang likas noon at ngayon? Sa
anong aspekto ito?
5. Kung mayroong pagbabago sa yamang likas noon, may malaki ba itong epekto
sa kasalukuyan? Sa anong aspekto ng pamumuhay ng tao?

Mga Sagot:

1._________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

2._________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

3._________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

4._________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

5._________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
Isaisip
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

Gawain 9: Talahanayan ng Paglalahat

Sa puntong ito ng gawain, sagutin ang mga natitirang kolum (2-5) ng talahanayan
bilang paglalahat.
Implikasyon ng Kapaligirang Pisikal sa Pamumuhay ng mga Asyano Noon at
Ngayon
Ang aking mga Mga Mga katibayang Mga Ang aking mga
pang-unang natuklasan at nagpapatunay kalagayang ganap na
kaalaman pagwawasto katanggap- naunawaan
tanggap

Isagawa

Gawain 10: Pagsusulat ng Sanaysay

Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa isa sa mga sumusunod na paksang
may kinalaman sa rehiyon ng Asya. Gamiting gabay ang pamantayan sa
pagmamarka sa iyong gagawing sanaysay.

1. Ang Langis at Petrolyo na Nagbunsod sa Paglago at Pag-unlad ng Ekonomiya ng

Kanlurang Asya
2. Ambag ng mga Yamang Dagat sa Kaunlaran ng Timog-Silangang Asya
3. Pag-unlad ng Kabuhayan ng Hilagang Asya Dahil sa Ginto
4. Ang paghubog ng Agrikultura sa kabuhayan ng mga tao sa Timog Asya
5. Ang Kapakinabangan ng Mayamang Depositong Mineral at Yamang Lupa sa
Pamumuhay ng mga Bansa sa Silangang Asya
____________________________________________________________________________________

Pamantayan ng Pagmamarka:
Puntos Berbal na Katangian ng Sanaysay o Komposisyon
Interpretasyon
Napakahusay Masining, malinaw at maayos ang konstruksyon at daloy ng
kaisipan at paglalahad ng ideya, impormasyon at saloobin ukol
10 sa paksa. Gumagamit ng mga siping batayan sa pagpapatibay
ng kaisipan, sumunod sa pamantayan ng pagsulat ng
sanaysay, malinis, maayos at kaaya-aya ang kaanyuan ng
komposisyon.
Mahusay Malinaw at maayos ang konstruksyon at daloy ng kaisipan at
paglalahad ng ideya, impormasyon at saloobin ukol sa paksa,
9 sumunod sa pamantayan ng pagsulat ng sanaysay, malinis,
maayos at kaaya-aya ang kaanyuan ng komposisyon.
Katamtamang Hindi gaanong malinaw at maayos ang konstruksyon at daloy
husay ng kaisipan at paglalahad ng ideya, impormasyon at saloobin
8 ukol sa paksa, sumunod sa pamantayan ng pagsulat ng
sanaysay, malinis, maayos at kaaya-aya ang kaanyuan ng
komposisyon.
Hindi gaanong Hindi mainaw at maayos ang konstruksyon at daloy ng
mahusay kaisipan at paglalahad ng ideya, impormasyon at saloobin ukol
7 sa paksa, hindi gaanong sumunod sa pamantayan ng pagsulat
ng sanaysay, hindi gaanong malinis, maayos at kaaya-aya ang
kaanyuan ng komposisyon.
Hindi Mahusay Magulo ang konstruksyon ng kaisipan at paglalahad ng ideya,
5 impormasyon at saloobin ukol sa paksa, hindi sumunod sa
pamantayan ng pagsulat ng sanaysay, hindi ganap na
naisagawa ang Gawain.
Tayahin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang pinakaangkop

na sagot mula sa pagpipilian. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang.

_____1. Ayon sa tulang “Likas na Yaman ng Asya”, pagpapastol ang isa sa mga
hanapbuhay ng Hilagang Asya. Alin sa mga sumusunod ang produktong may
kaugnayan sa hanapbuhay na ito?
a. wool b. caviar c. jutes d. goma

_____2. Ang China sa Silangang Asya ay nangunguna sa produksyon ng mais

ngunit maliban dito may yamang mineral rin na nakukuha sa bansang ito. Anong
uri ng mineral ang mayaman at nangunguna ang China?
a. carbon b. chromite c. ginto d. tanso

_____3. Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, bakit itinuturing na

pangunahin at napakahalagang butil pananim ang palay?
a. maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais, at barley
b. palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog-Silangang Asya
c. sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa
pagtatanim
d. galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng
rehiyong ito

_____4. Ang mga bansang sa Timog Silangang Asya ay kilalang nag-aangkat ng mga
produktong palay. Ito rin ang isa sa mga pinagkukunang kabuhayan ng mga
naninirahan dito. Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng kasaganaang ito?
a. mainam na klima c. malamig na panahon
b. malawak na lupain d. masisipag na magsasaka

______5. Hindi maitatanggi ang kaugnayan ng likas na yaman sa aspektong pang-

ekonomiya ng isang bansa. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita
ng implikasyon ng likas na yaman sa ekonomiya?
a. ang populasyon sa isang lugar ay nakabatay sa likas na yaman nito
b. ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang mga produktong
panluwas ay nagmumula sa pagsasaka
c. may ilang nga mamayan na may maliit na sakahan at nagbubukid para
sa pansariling ikabubuhay lamang
d. marami sa likas na yaman ng mga bansa sa Asya ang pinagkukunan ng
mga hilaw na materyales na panustos sa kanilang pagawaan

_____6. Ang masaganang likas na yaman ng iba't ibang rehiyon ng Asya ay

napakikinabangan ng mga naninirahan dito. Nagbibigay ito ng pangkabuhayan sa
mga tao, mapa-tubig man, kalupaan o kagubatan. Alin sa mga sumusunod ang
maaaring paraan upang mapangasiwaan ng maayos ang pinagkukunang
kabuhayan?
a. pagtuunan ng pansin ang pag-aangkat ng mga hilaw na materyales mula
sa ibang bansa upang hindi kaagad maubos ang yamang likas
b. ibigay lamang sa malalaking kompanya ang pagkuha at paggamit ng likas
yaman upang mas malaki ang pakinabang na makukuha rito
c. magpatupad ng mga batas sa tamang paglinang at paggamit ng mga likas
na yaman upang maging angkop ang kapakinabangang makukuha rito
d. hikayatin ang mga dayuhang namumuhunan na manguna sa paglinang
ng mga yamang likas upang matiyak na kalidad ng teknolohiyang gagamitin

_____7. Ang ibang mga rehiyon ng Asya ay may patag, malalapad at matatabang
kalupaan. Naging dahilan ito upang iangkop ng tao ang kanilang ikinabubuhay sa
pagsasaka at iba pang gawaing agrikultural. Ngunit sa patuloy na urbanisasyon at
pagsikip ng lupa dahil hindi ito nadadagdagan, paano mo iaangkop ang sarili at
iyong pamilya upang patuloy na may pagkunan ng pagkain at kabuhayan?
a. makiisa sa gawaing nagsusulong ng wastong paggamit ng likas na yaman
b. hayaan ang pamahalaan na lumutas sa mga isyung may kaugnayan sa
ekonomiya
c. humingi ng tulong sa ahensiyang pampubliko ng gobyerno tuwing
nagkukulang ang pangangailangan ng pamilya
d. tumigil muna sa pag-aaral sa tuwing may kakulangan sa
pangangailangan ng pamilya at maghanapbuhay na lamang

_____8. Sa Timog Asya makikita ang malalawak na kapatagan tulad ng Deccan

Plain. Alin sa mga sumusunod na hanapbuhay ang naiuugnay sa behetasyon ng
Timog Asya?
a. pagmimina c. pagpapastol
b. pagsasaka d. pangangalakal

_____9. Ang Kanlurang Asya ay hindi biniyayaan ng malawak na matatabang

lupang maaaring matamnan. Bagamat hindi mayaman sa produktong
agrikultural, bakit itinuturing pa rin itong isa sa mayamang rehiyon sa buong
Asya?
a. dahil mataas ang antas ng teknolohiya sa mga bansa sa Kanlurang Asya
b. dahil langis ang pangunahing produktong panluwas ng Kanlurang Asya
sa Pandaigdigang Pamilihan
c. dahil mayroong mahuhusay na pinuno ang Kanlurang Asya na
nagpaunlad sa ekonomiya nito
d. dahil sa mga tulong pinansiyal mula sa ibang bansa (foreign aid) na
natatanggap ng mga bansa sa Kanlurang Asya

_____10. Ang bansang Maldives ay napakaliit lamang kung ihahambing sa iba pang
mga bansa sa Timog Asya. Paano natutustusan ng bansang Maldives ang
pangangailangan ng mamamayan nito gamit ang likas na yaman ng bansa?
a. sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa turismo dulot ng magagandang
dalampasigan nito
b. sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan sa malalaki at mayayamang
bansa sa Timog Asya
c. sa pamamagitan ng paghingi ng tulong pinansiyal sa mga karatig-bansa
sa Timog Asya
d. sa pamamagitan ng pagkikipag-alyansa sa mga malalakas na bansa sa
daigdig

(Pag-aralan ang larawan sa ibaba at unawain ang nais ipahiwatig nito.)

(Halaw mula sa Modyul ng Mag-aaral, Pahina 39)

_____11. Paano nakakaapekto ang larawan sa itaas sa pamumuhay ng mga
Asyano?
a. natutustusan nito ang pangangailangang pinansiyal ng mga
mamamayang Asyano
b. nagpapakita ito ng ebidensiya na napakayamang kontinente ng Asya
c. bagamat ito ay may naitutulong sa pamumuhay ng mga Asyano, maaari
itong magdulot ng pagkaubos ng likas na yaman
d. nakakaapekto ito ng malaki sa mga mahihirap na mamamayan sapagkat
ang mga mayayamang mangangalakal lamang ang nakikinabang

(Pag-aral ang larawan sa ibaba. Gawing itong batayan sa pagsagot sa

susunod na tanong.)
(Halaw mula sa Modyul ng Mag-aaral, Pahina 39)

_____12. Batay sa larawan, ano ang kapakinabangang makukuha ng mga Asyano

sa kanilang mga yamang tubig?
a. ito ay magdudulot ng mga suliranin tulad ng pagbaha
b. ito ay maaaring mapagkunan ng pagkain at hanapbuhay
c. ito ang nagiging pangunahing industriya ng mga mahihirap na mga
bansa
d. ito ang natatanging pinagkukunang yaman ng mga mahihirap na bansa

_____13. Ang pagkain ng mga tao sa isang bansa ay nagmumula sa pagsasaka.

Kung malawak at mataba ang lupain, mas matutugunan ang mga
pangangailangan ng bansa ngunit ang patuloy na paglaki ng populasyon ay
nagdudulot ng suliranin ng kakulangan. Anong pakikiangkop ang ginagawa ng
bansa upang mapalaki ang produksiyon nito?
a. pagpapakilala ng family planning sa mga mamamayan
b. paghihikayat sa mga mamamayan ng urban/backyard gardening
c. paggamit ng mga makabagong makinarya upang mapalaki ang
produksiyon
d. pagpapalawig ng mga kursong agrikultural sa mga kolehiyo

_____14. Ang pag-iral ng suliraning dulot ng COVID-19 sa kasalukuyan ay may

malaking epekto sa yamang lupa ng ating bansa tulad ng industriya ng pagsasaka.
Naging mahirap sa mga magsasaka ang pagbebenta at pagdadala ng kanilang mga
produkto sa pamilihan. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa hakbang na
ginagawa ng mga lokal na pamahalaan upang matulungan ang mga magsasaka?
a. pagtatalaga ng mga mobile market na siyang nagdadala ng mga produkto
sa mga pamayanan.
b. paglulunsad ng Online Market and Delivery upang mas maging madali
ang
pamimili ng mga mamamayan
c. pag-aangkat ng mga lokal na pamahalaan sa mga produkto ng mga
magsasaka upang ibahagi sa mga mamamayan bilang ayuda ng
pamahalaan
d. paghihikayat sa mga magsasaka na ibahagi o ipamigay na lamang ang
kanilang aning produkto upang hindi ito masira at mabulok

_____15. Sa kasalukuyan, ang ating bansa ay humaharap sa suliraning dulot ng

COVID-19 na lumilimita sa paggalaw ng tao. Ang suliraning ito ay nagdudulot ng
limitasyon ng mga mamamayan sa pagkuha ng pangunahing pangangailangan
tulad ng pagkain. Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang kahit
papaano ay matugunan ang inyong pangangailangan?

a. pangangampanya sa social media para sa agarang ayuda mula sa

pamahalaan
b. pakikipag-uganayan sa mga non-government organization na nagbibigay
ng food packs
c. pagbabadyet ng inyong konsumo sa araw-araw upang hindi kaagad
maubos ang pagkain
d. paghihikayat sa inyong mag-anak na magtanim ng mga gulay na
madaling anihin sa bakuran o backyard gardening

Karagdagang Gawain

Gawain 11: Tayo ng Magsaliksik!

Magsaliksik ng mga suliraning kinahaharap ng mga Likas na Yaman ng Asya.
Isulat ang iyong sagot sa kwaderno bilang paghahanda sa susunod na aralin.
Subukin Pagyamanin Tayahin
1. A 1. A
2. A 2. A
3. B 3. B
4. B 4. B
5. D 5. D
6. C 6. C
7. A 7. A
8. B 8. B
9. B 9. B
10.A 10.A
11.C 11.C
12.B 12.B
13.C 13.C
14.D 14.D
15. D 15. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Blando, Rosemarie C., et al., Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba.

Modyul Para sa Mag-aaral., Eduresources Publishing, Inc., Pasig City,
Philippines. 2014. pp. 40-43.

Mateo, Ph.D., Grace Estela C., et al., Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan.

Batayang Aklat. Vibal Publishing House, Quezon City, Philippines. 2010. pp.
36-42
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like