Yunit II Pakikipagkapuwa Tao

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Yunit II Pakikipagkapuwa-tao

Ang pakikipagkapuwa ay isa sa natatanging katangian ng mga Pilipino. Saanman o kailanman ay


madaling makibagay, mahusay, makisama, at magaling makipagkapuwa ang mga Pilipino.

Sa pakikipag-ugnayan itulinuturing natin ang ating kapuwa na hindi na iba sa atin. May mga pagkakataon
na kapatid o mas higit pa sa kapatid ang turing natin sa kanila. Pinagkakatiwalaan natinnsila ng ating mga
sekreto o saloobin. Sa mga pagkakataon na nakagagawa tayo o nakapagsasabi ng mali, nakatitiyak tayo
na nandiyan palagi ang ating mabubuting kapuwa upang tayo ay maituwid.

Ang ating kaibigan ay may malalin na ugnayan sa atin.

Ang pakikipagkapuwa ay palaging may nga kaakibat na paggalang upang magtagal at manatili aang ating
ugnayan sa kanila.

Aralin 5 Suhestiyon ng Aking Kapuwa, Iginagalang Ko

Sa mga pagkakataon na gumagawa tayo ng pasiya, hinihingi natin ang suhestiyon ninuman sa ating
paligid; magulang, kapatid, kamag-anak, kaibigan, kaklase o sinumang tao na sa palagay natin ay
maaaring makatulong sa atin.

Ang kanilang suhestiyon ay ginagawa nating gabay upang matimbang ang mga bagay-bagay at makapili
ng pinakamainam sa lahat.

Ang pagbibigay ng opinyon ng ating kapuwa ay maaaring makapagdulot ng iba't-ibang damdamin.


Maaari itong makapagbibigay ng positibo o negatibong pakiramdam.

Kung hindi man tayo sang-ayon sa kanilang sinasabi ng ating kapuwa.

Sama-samang Paggawa

Nagpulong-pulong ang magkakamag-aral tungkol sa paligsahan sa paggawa ng parol na sasalihan ng


kanilang paaralan sa buwan ng Disyembre. Nagplano sila kung paano sila magsisimula s gawaing ito.

Tuwang-tuwang umuwi si Christine at ibinalita sa kaniyang mga magulang ang tungkol sa paligsahan.
Naalala niya ang sinalihan niyang Art Workshop sa kanilang barangay. "Tiyak na makakatulong sa akin
ang aking natutuhan," sabi niya.

"Sigurado akong magagamit mo ang iyong natutuhan doon," sabi rin ni Mang Dave, ang kaniyang ama.

"Opo, Tatay!" Tugon muli ni Christine. "Opo, gagawin ko ang akung makakaya para sa aking paaralan.
Sana manalo kami!" Ang masayang sabi ni Christine.

Kinabukasan, pagbalik ni Christine sa paaralan, pinulong silang muli ng kanilang guro. "Ano na ang
inyong mga plano?" Tanong ni Gng Ramos. Isa-isang nagbigay ng kanilang suhestiyon ang mga mag-
aaral. Nakinig ang bawat isa at nagbigay ng kani-kanilang ideya.
"Ano ang masasabi ninyo?" Tanong na muli ni Gng. Ramos. "Maganda po ang idea ng bawat isa.
Pagsasama-samahin namin ito upang mabuo ang parol." Wika ni Christine.

Natuwa si Gng. Ramos sa narinig. Ngayon pa lang ay nararamdaman na niya ang tagumpay ng mga bata.
At bilang pagtatapos ng pulong, ito ang sinabi niya sa mga mag-aaral.

"Lahat ng puna o opinyon at nagbibigay ng pagsubok upang llao pang magsumikap ang bawat isa. Ang
paggalang sa opinyon ay ikabubuti ng bawat gawain at pagsasama."

Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano-ano ang natutuhan ni Christine sa kaniyang mga mag-aaral at guro?

2. Paano makinabang ang klase dito?

3. Paano ipanakita ni Christine at ng kaniyang mga kamag-aral ang paggalang sa opinyon ng iba.

4. Naranasan mo na rin bang magbigay ng suhestiyon sa ibang tao? Ano ang naging resulta nito.

5. Paano mo tinatanggap ang mga negatibong puna ng ibang tao sa iyo? Paano ka naman magpahayag
ng suhestiyon sa iba?

Karagdagang Gawain

Panuto: isulat ang maaaring mangyari kapag ganito ang iyong mga pahayag? Isulat ang paliwanag sa
iyong kuwaderno.

1. "Iyan ang gusto ko sa iyo, sinisikap mo na mapaghusay ang iyong mga gawain kahit na mahirap ang
ilan sa mga ito."

2. "Ano ba yan! Akala mo naman magaling ka. Ayaw na kitang kasama sa pangkat."

3. "Ang ganda-ganda naman ng painting mo. Puwede mo ba akong turuan na magpinta?"

4. "Yehey! Ang taas ng nakuha nating marka. Sabi ko na nga ba, dapat magsipag lang tayo. Kaya natin,
diba?"

5. "Mahuhuli n ko sa klase. Tabi! Tabi!"

You might also like