Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PANGALAN: Samantha Zebedee Publico

ISTRAND & SEKSIYON: STEM R-MOSES PETSA: 11/13/21

ISAISIP AT ISAGAWA

Pagsusulat ng Sanaysay sa Isang Yugto ng Kasaysayan ng Wikang Pambansa. (PT)

Panuto: Sa aralin ito, inaasahang ikaw ay makagagawa ng isang sanaysay tungkol sa kalagayan ng ating

wikang pambansa sa kasalukuyan. Maaring manaliksik upang makatulong sa iyong paggawa. Narito ang

pamagat sa ibaba.

Ang Wikang Pambansa sa ika-21st na Siglo

Sa mga nag daang taon at panahon halos lahat rin ng bagay sa ating paligid ay nagbago. Kung makikita
natin iba na ang paraan ng pamumuhay at klase ng tao. Dahil rito, unti unti naring nagbago ang pag
gamit sa ating wikang Pambansa. Para saaking opinion ay nagbago ito sa parehong masama at mabuting
paraan, bakit? Masamang paraan dahil habang tumatagal pansin kong pag iiba ng wika natin ay
maraming tao o kabataan na ang gumagamit nito sa maling paraan at nakalimutan na ang ating
nakagisnan. Habang tumatagal nakikita ko na marami sa kabataan ay hindi na nirerespeto ang wika at
ang patutungo ng kanilang salita. Ngunit sinabi koring maganda dahil kahit may ganitong sitwasyon, sa
pamamagitan ng mga bagong teknolohiya at uso mas namumulat rin ang maraming tao sa ibat ibang
bagay. Kapag tinignan mo ang tamang daan sa mga social media makikita mong maraming tao ang nag
tuturo parin ng tamang paggamit ng wika at ang maraming kabataang nagiging bukas ang mata para
mas matuto at malaman ang tamang pag gamit ng wika. Mas nabibigyang pansin rin ang wika sa ating
bansa dahil mas lumalawak na ito at habang parami ng parami tayong gumagamit nito ay nailalayag ito.
Kahit marami mang nagbago na sa ating bansa at wika ako ay masaya parin dahil maraming gustong
kumilala sa ating wika at matuto pa nito. Sana sa mga susunod na henerasyon ay hindi malimutan ang
ating wika dahil ito ang isa sa mga pinaka importanteng parte ng ating buhay at ito ang ating kayamanan
bilang mga Pilipino.
Kung ikaw ay naging bahagi sa pagsusulat noong panahon ng rebolusyon, anong wika ang iyong

gagamitin? Bakit?

Wikang Filipino ang pipiliin kong gamitin dahil ito ang magiging susi upang ang mga susunod pang
henerasyon ay ma tangkilik ang ating lenggwahe at dito rin mas makikilala ng mga Pilipino noon ang
ating wikang Pambansa. Para rin saakin ay dapat nating piliin lagi ang wikang Pilipino dahil ito ang mag
papakita ng ating pagigiling tunay na Pilipino at parte ng ating bansa,

Sa kasalukuyan, marami na ring ipinaglaban ang mga mamamayang Pilipino. Mula sa mga naging

karanasan ng mga rebulusyunaryo, ano sa palagay mo ang pinakainam na inspirasyon ang iyong

makukuha sa kanilang paggamit ng wika para maipaglaban mo rin ang mga kailangan

maipaglaban sa kasalukuyan?

Ang inspirasyon ko ay kung paano nag pakahirap at nag bigay ng napakaraming oras/serbisyo ang ating
mga kapwa Pilipino noon upang mailaban lang ang ating wika. Kaya’t bilang isang Pilipino at bilang
karangalan sa kanilang mga sakripisyo dapat tayo rin ay hindi ikahiya ang wika. Tayo mismo ay
magsimulang mas mag aral ng ating wika at mag pakalat ng paalam upang lahat ng Pilipino ay mas
matuto ng ating wikang Pambansa. Bilang parte ng kabataan, tayo mismo ang maging hakbang upang
patuloy na ipaglaban ang sariling atin katulad ng matatapang nating mga bayani noon. Wag na wag
nating kakalimutan ang ating wikang kinagisnan ano man ang mangyari dahil ito ang nag sasalamin sa
atin bilang Pilipino.

You might also like