Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Summative Assessment sa ESP 2

Unang Markahan

Pangalan: ________________________________________ Marka: _______________________


Baitang at seksyon: ________________________________ Lagda ng Magulang: ____________

Basahin ng mabuti ang mga nakatala sa bawat bilang at sagutin ang mga tanong. Ilagay ang mga
sagot sa patlang na nakatalaga sa bawat bilang.

______1. ____________ ng malakas ang mga tao pagkatapos tumula si Mike sa entablado.
a. umiyak c. pumalakpak
b. sumigaw d. kumanta

______ 2. Aling kakayahan ang ipinakikita sa larawan?


a. pagkanta c. pagpinta
b. pagsayaw d.pag-arte

______ 3. Alin ang tamang kilos na dapat ipakita kapag may nagtatanghal sa harap?
a. sumigaw ng napakalakas c. lumabas sa silid tanghalan
b. manood ng tahimik d. makipagkwentohan sa katabi

______ 4. Kung papalakpakan mo ang iyong kaibigan pagkatapos niyang magtanghal, siya ay
a. magugulohan c. iiyak
b. magagalit d. matutuwa

______ 5. Naipahayag ko ang aking damdamin sa pamamagitan ng paggawa ng aking sariling


dibuho gamit ang angking abilidad. Ano ang kakayahan ko?
a. kagalingan sa pagguhit b. paglikha ng konsepto
c. pagpalawak ng imahinasyon

______6. Alin sa mga sumusunod ang maaaring gawin sa pagguhit?

a. Pagbabalangkas ng bahay sa gitna ng hardin.


b. Paglalapat ng tono sa isang awitin.
c. Pagsusulat ng kwento.

______ 7. Anong kakayahan sa pagguhit ang pagpaplano para sa paggawa ng mga bagay?

a. kagalingan
b. pagdesinyo
c. pagkonsepto

______ 8. Naipakita ko ng mabuti sa aking pagguhit ang aking sariling kalaman o ideya tungkol sa
paksa kaya ako ay nagwagi sa paligsahan. Anong kakayahan ang ipinakita ko?
a. Pagbuo ng konsepto b. Pagiging natatangi
c. Pagpapakita ng angking galling

______ 9. Alin sa mga gawain ang dapat gawin upang makabuo ng natatanging mga guhit?
a. Hindi ko na kailangan ang pag-eensayo
b. Palagi akong maglalaro
c. Papalawakin ko ang aking imahinasyon
______10. Ano ang tawag sa uri ng pakikipagtalastasan kung saan ay memoryado o saulado
ang pyesa bago ito bigkasin?
a. pagguhit b. sayaw c. tula

______11. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na ibahagi ang iyong galing sa pagbigkas
ng tula, paano mo bibitawan ang bawat salita?
a. dapat mabilis ang pagsasalita
b. dapat malakas palagi ang boses
c. dapat nagbibigay ng damdamin

______12 . Paano ang wastong pagbigkas o pagbitaw ng mga salita kung ikaw ay tumutula?
a. Dapat malinaw ang pagbigkas ayon sa wastong diin at pagkakapantig ng tula.
b. Mahina lamang mula simula hanggang matapos ang tula.
c. Pasigaw dapat ang pagbigkas upang maintindihan ng mga nakikinig.

______13 . Kung ikaw ay sasali sa paligsahan sa pagbigkas ng tula, aling patnubay ang
dapat mong isaalangalang?
a. Gaan ng kamay
b. Pag-indayog ng katawan
c. Tikas o tindig

______ 14. Si Rodrigo ay nag-eensayo sa pagbigkas ng tula. Ayon sa turo ng kanyang


guro, ang patnubay na ito ay maaaring magbagu-bago ayon sa diwang isinasaad nito.
Mahalaga raw na alam niya kung kalian hihinaan o lalakasan. Anong patnubay sa
pagbigkas ng tula ang tinutukoy ng guro ni Rodrigo?
a. melodiya b. memorya c. tinig
______15. Si Ken ay nanonod ng patimpalak ng pag-awit sa kanilang paaralan, anong kilos ang
dapat taglayin niya upang magbigay halaga sa mga kalahok?
a. Lalaitin ang kanilang pagbigkas.
b. Sisigaw habang sila ay umaawit.
c. Tumahimik at making sa pagtatanghal.
______16. Nag-eensayo si Mitch ng kanyang deklamasyon, ano ang gagawin mo?
a. Siya ay guluhin.
b. Siya ay bigyan ng suporta’t papuri.
c. Siya ay lalaitin dahil hindi siya mahusay.

______17. Pinagtatawanan ng ilang kaklase mo si May habang siya ay sumasayaw sa entablado,


ano ang iyong gagawin?
a. Sasabayan sila sa pagtawa.
b. Hindi makikialam at hayaan lang sila.
c. Pagsasabihan sila na irespeto si May.
______18. Si Mike ay Tim ay tumutula sa harap ng klase, ano ang iyong gagawin?
a. Makinig at tumahimik.
b. Sasabayan sila sa pagtula.
c. Guluhin habang sila ay tumutula.

______19. Sino sa mga sumusunod ang may mabuting pagpapahalaga sa


ibinabahaging talento ng iba?
a. Si Fe na laging kinukutya ang kaklase.
b. Si Lyn na walang pakialam sa mga nangyayari.
c. Si Mar na laging ipinagmamalaki ang mga kaklase.

______ 20. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng wastong pagtulog at pahinga.

a. b. c.

______ 21. Bakit mo kailangang matulog sa tamang oras?


a. upang makapag pahinga ng maayos
b. upang makapaglaro ng maaga
c. upang makapanood ng telebisyon ng maaga

______ 22. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita sa pagsunod sa tuntunin sa pagkain sa
tamang oras?
a. b. c.

______ 23. Palagi kang napapagalitan dahil matagal kang gumising, ano ang dapat
mong gawin?
a. Makipagkwentohan sa kapatid hanggang hating-gabi.
b. Matulog nang maaga para maaga ring magigising.
c. Manonood ng tv hanggang antukin.

______ 24. Ikaw ay inutusan ni nanay na magwalis sa loob ng bahay, ikaw ay..
a. pupunta sa kapitbahay para makipaglaro
b. hihingi muna ng pambili ng chichirya sa tindahan
c. susunod sa utos ni nanay

______ 25. Ipagpapaliban mo muna ang pagwawalis sa likod ng bahay dahil hindi pa naman ito
masyadong madahon.
a. Mali b. tama c. hindi sigurado

______ 26. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng paggsunod sa tuntunin sa bahay?
a. b. c.
______ 27. Alin sa mga sumusunod ang tamang gawain ng isang batang katulad mo.
a. Kusang kukuha ng walis at lampaso upang maglinis ng bahay.
b. Magdadabog kapag uutosan ni nanay.
c. Iuutos sa nakababatang kapatid ang utos ni nanay.

______ 28. Nakita mong naghahanda ang iyong mga ka barangay sa gaganaping programa
sa inyong lugar. Ano ang gagawin mo upang ipakita ang iyong malasakit?
a. Titingnan ko lang sila
b. Mananatili lang ako sa loob ng bahay.
c. Lalabas ako ng bahay at pupuntahan sila upangtumulong narin sa paghahanda.

______ 29. Nakita mo ang iyong nanay na maraming dalang pinamalengke habang hirap na hirap sa
paglalakad. Anong aksyon ang gagawin mo?
a. Titingnan lang siya sa pagbubuhat.
b. Lalapit sa kanya at tutulungan siya.
c. Pabayaan siya at makipaglaro na lamang sa kaibigan.

______ 30. Alin sa mga sumusunod ang bawal gawin?


a. Maghugas ng mga pinggan.
b. Isara nang maayos ang gripo matapos gamitin.
c. Paglaruan ang mga matutulis na bagay.

You might also like