Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
DIVISION OF CAVITE PROVINCE
MUNTING ILOG INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
SUMMATIVE NA PAGSUSULIT SA FILIPINO 8
TP 2021-2022
Pangalan ng Mag-aaral: __________________________________________________________
Asignatura: Filipino Guro: Edith B. Velazco/Crystel Anne P. Aquino
Baitang at Seksyon: 8 Kwarter / Linggo: 2 / 7-8

LINGGO 7 – MELC – Naihahambing ang anyo at mga elemento ng tulang binasa sa iba pang anyo
ng tula.
LINGGO 8 – MELC 2 – Nabibigyang interpretasyon ang tulang napakinggan.
Panuto: Basahin ang bawat pahayag at piliin ang tamang sagot.
1.Isang sikat na awitin/tula na ginamit sa mga kilos protesta Noong 1986.
a. Lupang tinubuan b. Lupang hinirang c. Bayan ko d. Bayani
2.Anong tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod?
a. Sukat b. Saknong c. Tugma d. Taludtod 
3.Ano ang tawag sa linya ng isang tula?
a. Sukat b. Saknong c. Tugma d. Taludtod 
4.Ano ang tawag sa huling tunog sa linya ng isang tula?
a. Tugma b. Talinghaga c. Sukat d. Taludtod
5.Ito ay binubuo ng apat o higit pang mga taludtod?
a. Sukat b. Tugma c. Saknong  d. Talinghaga

Panuto: Basahin at unawain ang tula sa loob ng kahon at sagutin ang kasunod nitong mga tanong.
Pagbaba ng Tabing
Ni Rufino Alejandro
Ang mundo`y dulaan at pawang artista tayong lahat-lahat.
May kani-kaniyang bahagi sa dulang ating ginaganap,
Mayroong prinsipe, may mangangbubukid, may mangmang, may pantas
May salat sa ganda at may pinagyaman ng langit sa dilag.
Ngunit kapatid ko, sa iyong bahagi`y huwag ibubuhos,
Pakataas-taas man ng iyong tungkulin, iyang iyong loob;
Kung mababa nama`y hindi nararapat nating ikalungkot,
Ang dula`y maigsi, at ang mundong ito`y mayroong pagkatapos.
Pagbaba ng tabing, walang pagtatanging tayo`y hahatulan
Ng Poong May-akda sa Banal na Dulang ating itatanghal;
Hahatulan tayo, di ayon sa papel nating ginagampanan,
Kundi kung paano yaon tinupad, ano kung hamak man.

6.  Sa ano itinulad ng may-akda ang daigdig?


a. langit      b. tanghalan c. dula      d. tabing
7. Kanino niya itinulad ang tao?
a. magbubukid         b. prinsipe c.pantas d. artista
8. Ano ang ibig ipakahulugan ng may-akda sa pamagat ng “Pagbaba ng Tabing”?
a. Kamatayan b. Kahirapan c. Kalungkutan d. Kabiguan
9. Sa taludtod na “Walang pagtatanging tayo`y hahatulan ng Poong May-akda,”  
       ipinahahayag na ang Diyos ay-
a.Mahabangin b. makatarungan c.Mapagkupkop d. mapaghatol
10. Ang mundong ito`y mayroon pagkatapos. Ang pahayag na ito`y isang-
a. Paniniwala b. opinion c. Katotohanan d. pamahiin
Inihanda nina: Sinuri at iniwasto ni: Pinagtibay nina:

EDITH B. VELAZCO BENIPIE S. ATLAS ERMELINA P. ASUNCION


Guro II Dalubguro II Ulongguro III, English/Filipino

CRYSTEL A. VIVAR AURORA P. CHAVEZ


Guro I Punongguro IV

Munting Ilog, Silang, Cavite


0917-3155152
depedcavite.muntingilognhsmain@gmail.com

You might also like