Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Ilang Batayang Konsepto ng Etnolohiya, Sosyolohiya.

Antropolohiya

Ang lahat ng bagay ay magkauganay: Magkaugnay ang lahat

 Joey Ayala

Unang Bahagi

Batayang Konsepto sa Etnolohiya


 Ayon sa Oxford dictionary, ang terminolohiyang indigenous ay nangangahulugang:
o Originating or occurring naturally in a particular place: native
 Ibig sabihin, tukoy sa katagang ito ang social location, origin o pinagmulan ng bawat grupo sa
isang particular na lipunan.
 Naging isang masalimuot na usapin kasi ang konsepto ng Indigenous People sa mga nakalipas na
siglo direktang epekto na rin ng mga dalumat ng post-Colonialism
 Batay sa kahulugan, tinutukoy nito ang mga taong “katutubo” sa isang lugar. Bagamat
problematiko ito. Bakit? Sapagkat likas sa mga tao (human nature) ang maglagalag at kaparte na
ng ating kasaysayan at migrasyon.
 Gayon, sa pagtama ng depenisyon, maari din tumukoy ito (native, indigene) sa mga grupo ng
mga taong unang nanahan sa isang particular na lugar.
 Dulot nga ng kamalayan naiwan sa mga nasakop na bansa na mga nakaranas ng kolonyal na
karanasa, tinuturing na minorya ang mga IP o mga katutubo sa mga estado kung saan sila
nabibilang.
 Kaugnay nito, ang mga minorya ang madalas makaranas ng diskriminasyon dulot nga ng
etnosentrismo o pananaw na mas supryor ang mayoryang etnologgwistikong grupo kesa sa
minorya.
 Gayon, isa sa mga layunin ng disiplina ng Etnolohiya ay matugunan ang pangangailangang
maunawaan ang paraan ng pamumuhay ng isang particular na grupo ng mga tao.
 Etnolohiya (Pangkailangang Antropolohiya/ Cultural Anthropology) – tumutukoy sa “pagbuo ng
ulat at pang-unawa sa kultura/kalinangan ng isang particular na lipunan/grupo ng mga tao gamit
ang ilang teorya sa pag-aanalisa ng mga datos.

Sa mas malawak na pagtingin, ang isang lipunan ay maaraing magkaroon ng iba’t ibang
kultura/kalinangan o subcultural/kabahaging kalinangan (Salazar, 57)

 Ibig sabihin, ang isang lipunan ay binubo ng napakaraming grupo na may magkakaibang
baryasyon ng makakaugnay na paniniwala.
o Ito ang konseptio ng Cultural Diversity: the cultural diversity and cultural difference
that exist in the world, or in an institution…
 At isang importanteng paraan para maunawaan ang lipunan ay ang alamin ang kaugnayan ng
bahagi ng kabuuan
 Gayon imporatante sa kapwa ang mga displina ng Etnolohiya, Sosyolohiya, at Antropolohoya sa
pag-unawa ng “minorya” at pag-unawa sa ating sarili.

Daigdig

Estado

Komunidad

Pamilya
Sosyolohiya
 Sistematikong pag-aaral ng ugnayang pantao sa loob ng lipunan sa usapin ng mga
pangkaasalan (social behaviour), panggrupo, panlipunang institusion, na nakakaapekto
sa buhay ng tao at ebolusyon ng lipunan mismo
 Ang ama ng sosyolohiya ay walang iba kundi si August Comte.

“Sociology is the systematic study of human society particularly modern industrialized


systems”
- Mascionis
“Sociology is a science which attempts the interpretive understanding of social action in
order thereby to arrive at a casual explanation of its course and effects.”
- Max Weber
 Importanteng mabatid na may dalawang uri ng
agham, ang agham panlipunan o Social Sciences
at Agham Pangkalikasan o Natural Sciences.
 Nasa ilalim ng kategorya ng Agham Panlipunan
kapwa ang Sosyolohiya at Antropolohiya at
imporatanteng mabatid ang kaibihan nito.
 Sa katuturang ito, ang sosyolohiya, bulang
Agham Panlipunan ay pumapaksa sa lipunan ng
mga tao.
 Nababatay madalas sa obserbayon at emperikal na ebidensya ang pag-aaral ng tao.
 Hindi maaring matuntong ang ganitong konklusyon kung hindi paulit-ulit na
inobserbahan ang ugnayan ng mga indibidwal sa isang lipunan.
 At malawak ang daynamiko ng pag-aaral ng lipunan. Kasabay ng pag-aaral sa tao bilang
sentro ay ang pag-aaral din ng kaniyang kapaligiran at panahon na naghahalinhinan sa
paghubog sa bawat isa katulad ng napaliwanag na.
 Idinidikta ng kapaligiran ang kabuhayan ng tao.
 May kakayanan ang tao na hubugin ang kanyang kapiligiran… o magdesisyong iwan ito.
 Kasabay ng mga salik na ito ay ang paghubog sa kamalayan ng tao. Dahil dito,
magkakaiba ang karakter ng bawat lipunan. Gayon, walang iisang batas na maaring
makapagpaliwanag sa napakasalimuot na ugnayan ng mga tao.
o Halimbawa, parehas agrikultural ang Kordilyera at timog Tsina. Sa ekonimikong
antas, maunlad ang huli kesa una:
o Hilaga at Timog Korea. Pinagtuunan ng HK opensibang military, tumuon sa
pagpapaunlad ng ekonomiya ang TK.
o O maging sa eskwela, kung bakit nagtagpo-tagpo dito ang magkakaibang grupo
ng mga kabataan.
Importansya ng Pag-aaral ng Sosyolohiya
1. Malaki ang importansya ng kamalayan sa mga batayang konsepto nito:
o Nagdudulot ng pagrespeto sa kapwa at sa kanilang paniniwala ang pagkilala sa
pagkakaiba-iba ng lipunan at kulturang kaakibat nito.
o Ang kawalang ng ganitong kamalayan ay madalas nagdudulot ng karahasan sa
isang grupo
o Halimbawa ang usapin sa bansa (cultural minority), makakaibang rehiyon,
komunidad ng mga LGBT.
2. Pagkilala rin ito sa sarili. Na ang lahat ng mga bagay. Diwa, gawi o kaisipan na
pinaniniwalaan o ang realidad ng pinanghahawakan ay pawang mga “social construct”
lamang. Tama sa lipunang ginagalawan ngunit maaring mali o hindi tanggap sa ibang
lipunan.
o Pinapalawak nito kung gannon ang kamalayang panlipunan sa usaping personal
at gyundin sa pagtrato sa iba.
3. Kasabay sa pagkilala sa sarili at respeto sa kapwa tao ay ang pagkawasak ng limitasyon
ng ugnayan tungo sa kapakinabangan ng karamihan. Hindi magtatagumpay ang sinuman
kung hindi nagkakaunawaan o kung may maling pananaw sa ibang komunidad o
lipunan.

Sosyalisasyon
“The long and complicated process of social interaction through which the child learns the
intellectual, physical, and social skills needed to function as a member of the society.”
- Espistacio Palispis
 Sa madaling sabi, ito’y panghabambuhay na proseso ng pagkatuto at adapsyon sa mga
pagbabagong idinidikta ng lipunan na may kinalalaman sa paghubog ng panlipunang
kamalayan ng isang indibidwal.

Gampanin ng Sosyalisasyon
 Kung tutuusin, bata pa lang ang isang indibdiwal ay nasa sa ilalim na siya sa proseso ng
sosyalisayon.
 Sa pag-inog ng panahon, nagbabago-bago din ang daynamiko ng lipunan. Dahil dito,
mula bata hanggang pagtanda ay nasa ilalim tayo ng proseso ng integrasyon sa mga
pagbabago ng lipunan.
o Halimbawa, ano ang mga bagay na mayroon noong bata kayo na wala na
ngayon? O mga bagay na nagbago? O mga bagay na nabago?
o Bagong Kultura vs. Papatay ng Tradisyon
o Pagpapasa ng Wika
o Paghahanap ng Identidad ng mga kabataan
 Isang magandang halimbawa ang komunidad ng mga badjao o Sama ‘D Laut. Napanatili
nila ang tradisyon ng paglalakbay at paninirahan sa karagatan hanggang sa kasalukuyan.
 Isa nga sa mga rites of passage o pagbibinyag ay isinasagawa sa mga sanggol.
 Ang konsepto ng binyag ay importante sa anumang lipunan. Sa pamamagitan nito,
nagiging lehtimong bahagi ng isang lipunana and isang indibidwal.
 Ritwal na maiituring ang binyag sa anu’t anumang lipunan o komunidad. Maaring nasa
anyo ng isang magarbong seremonya o kahit payak.
 Ito kung tutuusin, ang panimulang bahagi ng sosyalisasyon.
o Halimbawa:
 Ritwal na binyag sa mga katoliko
 Tuli
 Binyag sa mga mandirigma ng Kordilyera (Batuk – Tattoo)
 Momma O nganga bilang ritwal ng pagkadalaga/pagbibinata
 Hazing
 Graduation

Binyag
 Masasabi ngang ang mapagtagumpayan ang ritwal ng binyag ay isang importanteng
batayan na kapaki-pakinabang ang isang indibidwal upang ipagpatuloy ang aspirasyon
ng isang lipunan at ipasa naman ito sa mga susunod sa kanya.
 May pakiramdam ng paniniguro (sense of assurance) ang lipunan sa mga bagong binyag.
 Ito ang simula ng sosyalisasyon sa magkakaibang yugto ng buhay. Ibig sabihin, hindi lang
isang beses kang bibinyagan.
Ikalawang Parte: Komunikasyon

 Sa parteng ito ay hahalaw tayo ng mga konsepto’t kaisipang halaw kay Edward Hall sa
kaniyang librong The Hidden Dimension at Beyond Culture.
 Layunin naying unawain muna ang kalikasan ng tao kasabay ng pang-unawa sa konsepto
ng ugnayan sa isang lipunan.

Komunikasyon: Simbolo, Wika


 Kung tutuusin, ang mga hayop kung saan kabilang naman talaga ang tao, ay may
kakayanang lumikha ng mga simbolo upang magpahayag ng:
a) Saloobin
b) Impormasyon
 Kaugnay din nito ang pangangailangan sa tinatawag ngang “survival”. Higit dito ang
survival complex ay nauukol sa laro ng pag-iral na siyang ngang magdidikta ng
pagpapatuloy ng lahi at ebolusyon kapwa ng pisikal at mental na aspekto ng isang
specie.

Komunikasyon
 Kung mapapansin, ang Sistema ng pagbibigay impormasyon at saloobin ng mga
hayop ay mauugnay sa sensual na danas: pagkilos, pandinig, pagpapadama, pang-
amoy.
 Ang komunikasyon ay lagging interaktibo. May magbibigay ng pahiwatig at mayroon
namang tutugon.
 Ang kultura o kalinangan ay kabahagi ng kaisipan ng bawat kasapi ng partikular na
lipunan. Ito ay naipapamahagi sa pamamagitan ng wika.
 Ang wika ay ipinapalagay na isang uri ng simbolo at pagkahulugan pantukoy ng
kapag natutunan ay nananatili sa kaisipan ng tao o kalipunan ng tao.
 Ito ay tumutulong sa kanila upang ipahayag ang iba pang mga pagkahulugan sa
kanila isipin liban sa pagkilos (Salazar, 39)
 Sa depinisyong ito, ang mga nasa kategoryang “High-Context” ay yaong mga
kulturang ang mga kaisipan at saloobin at hindi tuwirang sinasabi kaya mahalaga sa
pang-unawa ng mga kulturang ito and simbolismo, manerismo, galaw ng katawan.
 Samantala, ang mga nasa kategoryang “Low-Context” ay yaong mga kulturang literal
at simple ang mga kahulugang ginagamit.

 Kung susundan si Hall, ang “specialize various function” na kanyang binabanggit ang
siyang nagbigay posibilidad sa pag-iral ng kasaysayan. Higit dito, naging direktang bunga
din ng kakayanan ng tao ang magluwal ng mga material at hindi materyyal na kultura.
 Sa kabilang banda, tanging mga tao lamang ang siyang nakatuklas ng potensyal ng
paggamit ng tunog o ponema upang makalikha ng wika.
 Sa wika din nakadeposito ang kasaysayan. Halimbawa, nga’y mga wikang Kastila,
Amerikano, sapagkat may kolonyan na kasaysayan ang ating bansa.
 Gayundin, naging possible ang pag-iral ng panitikan sa pamamagitan nito.
 Ang usapin ng wika ay usapin din ng panlipunang loksyon. Kung tutuusin, walang Hindi
uniporme ang wika
 May Inang Wika sublit mayroon ding dialect at sociolect.
 Dialekto ang tawag sa mga baryasyon ng wika sa isang particular na rehiyon.
o Halimbawa: isang wika ang Tagalog subalit magkakaiba ang baryasyon ng
Tagalaog o dayalektong sinasalita ng mga Tagalog ng Batangas, Kabite (Cavite),
Bulakan, at Rizal.
 Ang usapin ng wika ay usaping pang-uri din.
 May mga tinatawag ang mga elit na “bastardong wika”.
o Halimbawa nito sa popular na kamalayan ay ang mga gay lingo, jeproks,
millennial na salita.
 Kung tutuusin, ang mga wikang gaya nito ay pagtatangka ng mga nasa ibabang (o
espesipikong) uri ng lipunan na bigyan ng panibagong kahulugan ang mga salita, imahen
o simbolo na nasa itaas na bahagi ng lipunan.
 Hindi na rin bago ang pag-iral ng mga “bastardong wika” o wika ng mga uring
pinangingibabawan spagkat mauugat natin ito sa Kasaysayan.
o Halimbawa sa kaso ng mga Chavacano
 Higit dito, may tinatagong potensya ng subersyon ang
wika, hayag man o hindi.
o Halimbawa’y ang pagbabansag. Ano ang tawag
niyo sa kinaiinisan niyong guro noong Elementarya,
High School, o Kolehiyo?
 Tinatayang may higit sa 180 wika sa bansa subalit mas marami ang mga baryasyon nito
na nababatay sa rehiyong kinabibilangan o sa usapin nga din ng uri.
 Iba ang wika ng mga bata sa matanda, ng mga Yuppie sa mga tambay, ng mga nasa
akademya ng mga nasa uring masa.
 Subalit bawat salitang iniluwal, hiniram, o binastardo ay may espesipikong gamit sa
isang espesipikong grupo. Gayon, ang wika ay isa ring manipestasyon ng usaping
pangkapangyarihan. O ang subersyon nito.

Espasyo Uri ng Komunikasyon


 Kung tutuusin, ang tao ay teritoryal at ang konsepto ng teritoryo ay hinubog ng uring
kinabibilangan at kaakibat nitong kultura.
o Halimbawa nga’s may mga contact at non-contact an hayop.
 “Display and aggression serve as handmaidens in the process of natural selection. To
ensure survival of the species, however, aggression must be regulated. This can be down
in two ways: by development of hierarchies and by spacing.” – Hidden Dimension, pp. 14
 “Proxemicx” ang terminong ginamit naman ni Hall upang tumutukoy sa magkakaugnay
na obserbasyon at teorya sa paggamit ng espasyo bilang manipestasyon ng kanyang
kultural na katauhan.
 May tatlong manipestasyong proksemiko ayon sa kaniya: infractural, precultural, at
microcultural.
 May tatlong aspekto ito: fixed-feature, semi-fixed feature at informal.

“We shapre buildings, then they shapeh us” – Winston Churchill

Fixed-featured space
 Mga teritoryang “fixed”, nakatinding, hinuhubog at hindi na muling mahuhubog pa ang
pisikat na tindig maliban nan ga lang kung wasakin.
 Ngunit ang kabuuan ng mga espasyong gaya nito ay hinuhubog din ng mga elementong
dinitermina ng kultura.

Semi-Fixed featured space


 Ispesipikong espasyo na maaring baguhin ang disenyo’t mga gamit sa loob
 Bakit ito mahalaga?
 May mga espasyong fixed feature ngunit hind isa lahat na pagkakataon ay nakatutulong
ito sa ugnayang pantao.
 Gayon, may mga movable furniture sa ilang mga espasyo. Halimbaway ay mga
restawran
 Sa pamamagitan nito, may interaksyon ang tao sa pagdidisenyo ng tao. Mas magiging
maayos ang komunikasyon. Halimbawa: depende sa nais niya o ng isang grupo.
 Socio-fugal spaces – tawag sa espasyo na idinidistansya ang mga indibidwal sa kasaong
hindi magiging possible ang komunikayon o pakikipag-usap.
 Sociopetal spaces – tawag sa mga espasyon pinahihintulatan ang mga indibidwal na
magkaroon ng ugnayan o komunikasyon.
 Importante ring mabatid na ang isang featured space ng isang grupo ay maaring semi-
featured sa isa pa.
o Hal. Ang konsepto ng silid ng mga Amerikano ay iba sa konsepto ng silid ng mga
Hapon o Tsino
 Masasalamin kung gayon na ang istraktura ang siyang salamin ng kultura, kalinangan, at
posibilidad ng ugnayan sa pagitan ng mga indibidwal.

Informal Space
 Kung tutuusin, ito’y hindi isang saradong espasyo. Ito’y tumutukoy sa distansya ng isang
indibidwal sa kaniyang kapwa sa isang ispesipikong tagpo.
 Ang distansiya ng tao sa kaniyang kapwa ay isang uri din ng komunikasyon
 Sinuma ni Hall sa apar na klasipikasyon ang distansiya ng mga tao kaugnay ng usapin ng
komunikasyon. Ito ay ang: a. intimate; b. personal; c. social; d. public

Intimate Distance
 Ito ang distansya ng tao sa isang indibidwal sa tagpo ng pakikipagbuno, pag-aalo at
pakikipagtalik.
 Sensual ang distansyang ito. Malinaw ang amoy, visual, pandinig at pandama.
 Tulad ng nabanggit, lumalapit sa ganitong distansya ang mga indibidwal sa tagpo ng
pagtaas ng emosyon.
o Maaring galit, natuwa, naawa, nakaramdam ng libog at iba pa.

Personal Distance
 Distansya sa pagitan ng indibidwal na may layong dalawang pulgada o abot-braso.
 Malimit na distansya ito ng magkakasamang magkakaibigan.

Social Distance
 Nasa apat hanggang siyam pulgada ang layo ng mga indibidwal
 Ito ang distansya ng mga indibidwal sa isang opisina.
 Sa pamamagitan nito, minimal ang pagkakataong makapag-usap.
 Maaring mga mahahalagang bagay lamang ang pinag-uuspan at iniiwasan ang personal
na ugnayan sa isa’t – isa.

Public Distance
 Nasa 10 hanggang 50 pulgada. Tinatawag ding espasyo ng dominasyon
 Ang sentro ng publiko ay isang indibidwal. May demarkasyon ang espasyo na itinatakda
ng podium, stage, o kung anumang bagay na nagtatangi sa nagsasalita.
 Ang mga pedestal lamang ang nagsasalita. Ang mga nasa ibaba ang siyang tagapakinig.

Paglalagom
 Natalakay sa bahagin ito ang kahalagan ng komunikasyon at ang gampanin nito sa pag-
iral ng tao kaugnay na rin dito ang usaping panlipunan at kultural.
 Hindi lamang ikinulong ang usapin ng komunikayon sa usapin ng wika, bagkus, maging
sa hindi verbal na uri nito kagaya ng mga sensual na komunikasyon ng pandama, visual
at pang-amoy na nag-uugnay sa mga tao sa iba pang hayop sa daigdig.

You might also like