Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan- Modyul 6:
Pagmamahal at Paglilingkod:
Tugon sa Tunay na Kalayaan

AIRs - LM
LU_Q1_ESP10_Module6
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
Unang Markahan - Modyul 6: Pagmamahal at Paglilingkod: Tugon sa Tunay na Kalayaan
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o pagkuha ng bahagi
ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Janice S. Pejo


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Content Reviewer: Rosalie C. Gomez
Language Editor: Janice S. Pejo
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Rogelio Runas Jr., Danny Lyn D. Graycochea

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of Edukasyon sa Pagpapakatao
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, San Fernando City, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

LU_Q1_ESP10_Module 6
10
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan- Modyul 6:
Pagmamahal at Paglilingkod:
Tugon sa Tunay na Kalayaan

LU_Q1_ESP10_Module 6
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang
mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

LU_Q1_ESP10_Module 6
Sapulin

Isang napakahalagang karapatan ng bawa’t tao ay ang Kalayaan. Kung taglay


mo ito, walang humahadlang sa iyo sa anumang ninanais at nilalayon mong gawin
sa iyong buhay. Malaya ka na gawin ang mga bagay na magpapaunlad at
magpapasaya sa iyo. Kakabit ng buhay na ipinagkaloob sa tao ay ang
kapangyarihang pamahalaan ito, ito ay katangian ng kilos-loob ng tao … ang
KALAYAAN.

Ang kalayaan ang ninanais na makamit ng tao dahil sa pananaw na: ito ay
pagkilos upang makamit ang ninanais na walang iniisip na hadlang upang magawa
niya ito. Tama nga kaya ang kaisipang ito? Sapat ba ang ganitong pag-unawa
tungkol sa diwa ng kalayaan?
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahan sa iyo na:

3.3 Napatutunayan na ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang tumugon sa


tawag ng pagmamahal at paglilingkod (EsP10MP-Ie-3.3)
3.4 Nakagagawa ng angkop na kilos upang maisabuhay ang paggamit ng tunay na
kalayaan: tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod (EsP10MP-Ie-3.4)

1
LU_Q1_ESP10_Module 6
Aralin
Pagmamahal at Paglilingkod:
1 Tugon sa Tunay na Kalayaan

Simulan

Gawain 1: TAMA O MALI


A. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng tamang paggamit
ng kalayaan subalit kung hindi, isulat ang MALI.

_______ 1. Ang pagtulong ni Pedro sa mga gawaing bahay ay hindi na dapat sinasabi
sa kanya.
_______ 2. Ang hindi pagsuot ng face mask at face shield tuwing lumalabas sa bahay
ay isang kalayaan.
________3. Si Vanessa ay sinabihan ng kanyang magulang na pakasalan si Willy
dahil siya ay mayamang binata kahit hindi niya ito mahal.
_______ 4. Minabuti ni Steven na tumahimik at sumang-ayon sa kagustuhan ng
kanyang mga kaibigan na lumiban sa klase at maglaro ng mobile legend
sa computer shop.
_______5. Pinili ni Aling Maria na mabakunahan laban sa COVID-19 dahil gusto
niyang maprotektahan laban sa sakit na ito.

B. Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang pagkatapos piliin ang tamang
sagot at
isulat sa sagutang papel.

______ 6. Alin sa aytem sa ibaba ang hindi naaangkop na gawain sa pagtugon ng


tunay na kalayaan?
A. Kusang-loob B. Pagmamahal
C. Makasarili D. Responsibilidad
_______7. Bilang mag-aaral, ano ang kailangang mong gawin upang makamit ang
tunay na kalayaan?
A. Magpasa ng batas sa kongreso.
B. Manahimik at maglathala ng mga storya ng naging biktima ng pang
aapi sa social media.
C. Gumawa ng plakard at magwelga sa kalsada o sa labas ng gate ng
paaralan.
D. Makipag-usap sa kaukulang tao at magbigay ng suhestiyon o panukala
tungkol sa isyu.

2
LU_Q1_ESP10_Module 6
_______ 8. Lahat na naibigay ay mabuting dulot ng pagsasabuhay ng tunay
na kalayaan maliban sa isa.
A. Nagkakaroon ng katahimikan at katiwasayan sa damdamin, loob ng
pamilya at sa pamayanan.
B. Nagkakaroon ng pagkitil ng sariling kahusayan sa paggawa at
pagbibigay tulong sa kapwa tao.
C. Nagkakaroon ng katibayan ng pagsasama, kapatiran at pagtulong sa
kapwa.
D. Nagkakaroon ng malayang pagpili, pagbibigay ng sariling pananaw sa
mga isyu na nararasan sa ating komunidad.
_______ 9. Ano ang pangunahing elemento sa pagtugon ng tunay na kalayaan?
A. Kalayaang pumili
B. Karapatang bumili at magtinda
C. Pagkamit ng hustisya
D. Responsibilad at pagsilbi
_______ 10. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita na ang tunay na kalayaan ay
pagtugon nang may pagmamahal at paglilingkod?
A. Nagagawa ni Asuncion ang bumili ng mga kagamitan na sunod sa
uso.
B. Malakas ang loob ni Agustin kaya lahat ng ayaw niya ay nasasabi
niya ng walang kasinungalingan.
C. Kadakilaan sa kalooban ni Ginang Teresa Diamante ang magbigay
ng ayuda sa mga bahay ampunan kahit kaunti.
D. Matamlay si Corason na sumama sa kanyang nanay sa mga
nasunugan sa kabilang barangay dahil may lakad sila ng kanyang
kaibigan.

3
LU_Q1_ESP10_Module 6
Lakbayin

Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan

Ayon nga sa kahulugang ibinigay ni Santo Tomas de Aquino, “ang kalayaan


ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kaniyang kilos tungo sa maaari
niyang hantungan at itakda ang paraan upang makamit ito.” Ibig sabihin, ang tao
ang nagtatakda ng kaniyang kilos para sa kaniyang sarili. Walang anumang puwersa
sa labas ng tao ang maaaring magtakda nito para sa kaniya.

Nangangahulugan lamang na ang remote control ng kaniyang buhay ay


hawak ng sarili niyang mga kamay, siya ang pumipili ng estasyon ng gawain na
kaniyang nais gawin, sapagkat ang kapangyarihan ng kilos- loob ay hindi maaaring
ibigay sa iba.

Bagama’t may kalayaan ang taong piliin at gawin ang isang kilos, hindi
sakop ng kalayaang ito ang piliin ang kahihinatnan ng kilos na pinili niyang gawin.
Ano kung gayon ang kalayaan? Ano ang kaugnayan nito sa iba pang
pakultad ng tao? May kaugnayan kaya ito sa pagpapakatao ng tao? Naririto ang
paliwanag ni Johann tungkol sa tunay na kalayaan.

Ang salitang kalayaan ay karaniwang gumigising sa puso ng bawat tao.


Ipinaglalaban ng bawat tao ang kaniyang karapatang mabuhay at magpasiya ayon
sa kaniyang nais, sa pangangatuwirang walang panlabas na hadlang na sisirain sa
paggawa niya nito. Karaniwang tinitingnan ang kalayaan bilang kawalan ng
panlabas na hadlang sa pagkamit ng ninanais ng tao. Bibihirang kinikilala na ang
pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas kundi ang
nagmumula mismo sa loob ng tao. Ito ay hiwalay sa ginagawa o kilos ng iba kaya’t
kailangan ng tao ng “higit” pa sa malayang kilos-loob upang maging malaya. Ang
tinutukoy na “higit” ay makikita kung titingnan ang kalayaan sa aspektong mayroon
itong kakambal na responsibilidad o sa madaling sabi, ang kalayaan ay may
kasunod na responsibilidad.

4
LU_Q1_ESP10_Module 6
Dalawang pakahulugan sa pananagutan na nakaaapekto sa ideya ng
Kalayaan ayon kay Johann:
1. Simulan natin sa pagsasabing ang malayang kilos ay kilos na “mananagot ako.”
Ito ay kilos na nagmula sa akin. Sa puntong ito, ang kalayaan ay nakakabit sa aking
sarili (sa pagiging ako), sa aking kakayahang kumilos, sa aking sariling kagustuhan,
sa pagsasabi ng oo o hindi sa mga nakapalibot sa akin, sa pagpapasiya ko kung ano
ang aking gagawin.
2. Subalit, bagama’t ako ay responsable sa aking ginawa, hindi ito nangangahulugan
na ang kilos ko ay mapanagutang kilos. Bilang tao, ako ay responsable sa aking mga
kilos, subalit hindi ito nangangahulugang ako ay isang responsableng tao. Ang
responsibilidad sa sukdulang kahulugan nito ay hindi lamang pananagutan kundi
ito ay kakayahan o abilidad na magbigay paliwanag (give account). Ibig sabihin, may
kakayahan akong bigyang dahilan kung bakit kailangan kong gawin ang aking kilos
ayon sa hinihingi ng pagkakataon o sitwasyon.

5
LU_Q1_ESP10_Module 6
Galugarin

Gawain 2: HANAP SALITA


Panuto: Hanapin sa hanay ng mga letra at bilugan nang pahalang, pataas,
padiyagonal ang sampung (10) salita na may kaugnayan sa pagtugon at
pagsasabuhay ng tunay na kalayaan.

A K W E D G H J K N M V M A R
P P A N A N A G U T A N A F E
W A E R T Y U H N J D F G Y S
A S G V A N M G H J E O T J P
W E B L G H C V B N A Y I K O
L Q W E I V A G G T Y U M B N
A I O G H L S S A V B G P O S
H F G H J K I K A V B G I N I
A A S D F G A N B N T Y U J B
M C V B N P F G G R T H J J I
A L K H A X D G H K V B N M L
M D F P A H I G I T O E R T I
G A G C V G H Y U J K D T U D
A A S D D A W A T A P G A M A
P A T Y U I O P J K L M N V D

6
LU_Q1_ESP10_Module 6
Palalimin

Gawain 3: MAGING MAPANURI!


Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon at ibigay ang
nararapat na kilos sa pagtugon ng tunay na kalayaan na may pagmamahal at
paglilingkod.

SITWASYON ANGKOP NA KILOS


1. Nahawa ng COVID19 virus and nakatatandang
kuya mo.
2. Nadatnan mong wala pa ang iyong magulang sa
bahay dahil nasa bukid pa sila. Walang nalutong
pagkain at walang tubig sa balde.

3. Inaya ka ng iyong kasintahan na makipagtalik at


sinabing pananagutan ka niya kung ikaw ay
kanyang mabuntis.

4. Binigay ng kamag-aral mo ang kanyang sagot sa


inyong modules, dahil marami kang
pinagkaabalahan tinanggap at kinopya mo ito.
5. Nadagdagan ang lumiliban sa klase dahil sa
palaging nandoon sila sa computer shop naglalaro
ng mobile legend. Ikaw ang pangulo ng Supreme
Student Government (SSG)

Rubric para sa pagbibigay ng Marka

Napakahusay Mahusay Kailangang


3 2 magsanay pa
1
Ang sagot sa kabuuan ay Ang sagot ay Ang sagot ay hindi kaaya-
naipapaliwanag nang naipapaliwanag at aya, pili ang pwedeng
lubos at kaaya-aya, kaaya-aya, kayang gagawa, hindi lubos na
kayang gawin ninuman, gawin ninuman, nagpapakita ng
lubos na nagpapakita ng nagpapakita ng pagmamahal
pagmamahal, paglilingkod, pagmamahal, paglilingkod, sapilitang
malayang desisyon at may paglilingkod, malayang desisyon at walang
kaakibat na desisyon at may kaakibat na
responsibilidad kaakibat na responsibilidad
responsibilidad

7
LU_Q1_ESP10_Module 6
Aralin Ang Tunay na Kalayaan :
2 Magmahal at Maglingkod

Simulan

Gawain 1:
Panuto: Balikan mo ang mga kaisapan at konsepto na natanim sa iyo tungkol sa
kahulugan ng kalayaan. Isulat ito sa kahon na inilaan para sa iyong mga sagot.
Gamiting gabay ang pormat sa ibaba.

KALAYAAN

Rubrik sa Pagbibigay ng Marka


Iskor Pamantayan
5 Nakapagbigay ng 5 na kaisipan tungkol sa kalayaan

4 Nakapagbigay ng 4 na kaisipan tungkol sa kalayaan


3 Nakapgbigay ng 3 na kaisipan tungkol sa kalayaan
2 Nakapagbigay ng 2 na kaisipan tungkol sa kalayaan
1 Nakapagbigay ng 1 na kaisipan tungkol sa kalayaan

8
LU_Q1_ESP10_Module 6
Lakbayin

May dalawang aspekto ng kalayaan: ang kalayaan mula sa


(freedom from) at kalayaan para sa (freedom for).

1. Kalayaan mula sa (freedom from). Karaniwang binibigyang katuturan ang


kalayaan bilang kawalan ng hadlang sa labas ng tao sa pagkamit ng kaniyang
ninanais. Sa ganitong pag-unawa ng kalayaan, masasabing malaya ang tao kapag
walang nakahahadlang sa kaniya upang kumilos o gumawa ng mga bagay-bagay.
Subalit kailangang kilalanin na ang tunay na nakahahadlang sa kalayaan ng tao ay
hindi ang nagaganap sa labas niya o sa kaniyang paligid kundi ang nagmumula sa
kaniyang loob.

Ano kung gayon ang nakahahadlang sa kalayaan mula sa loob ng tao?


Ito ay ang mga negatibong katangian at pag-uugaling ipinaiiral ng tao kaya’t
kahit mayroon siyang kilos-loob, pumipigil ito sa kaniya sa pagkamit at paggamit ng
tunay na diwa ng kalayaan. Kailangang maging malaya ang tao mula sa
makasariling interes, pagmamataas, katamaran, kapritso, at iba pang nagiging
hadlang upang magawa niya ang ikalawang uri ng kalayaan.

2. Kalayaan para sa (freedom for). Ang tunay na kalayaan ayon kay Johann ay ang
makita ang kapuwa at mailagay siyang una bago ang sarili. Kung malaya ang tao
mula sa pagiging makasarili at maiwasang gawing sentro ng kaniyang buhay ang
kaniyang sarili lamang, magkakaroon ng puwang ang kaniyang kapuwa sa buhay
niya. Samakatwid, kailangang maging malaya ang tao mula sa mga pansariling
hadlang upang maging malaya siya para sa pagtugon sa pangangailangan ng
kaniyang kapuwa - ang magmahal at maglingkod.

Ayon kay Scheler, ang kalayaan ay kilos kung saan dumaraan ang isang tao mula
sa pagtataglay nito patungo sa pagiging isang uri ng taong ninais niyang makamit.
Higit sa pagkakaroon ng kalayaan, tinatawag tayo na maging malaya bilang tao.

Dalawang uri ng kalayaan: ang malayang pagpili o horizontal freedom at ang


fundamental option o vertical freedom.

Sa paliwanag ni Cruz (2012), ang malayang pagpili (free choice) o horizontal freedom
ay tumutukoy sa pagpili sa kung ano ang tingin ng taong makabubuti sa kaniya
(goods).

Sa pagpili ng pahahalagahan sa horizontal freedom, naaapektuhan nito ang unang


pagpiling ginawa (antecedent choice) na nakabatay sa vertical level o fundamental
option na nakabatay sa uri o istilo ng pamumuhay na pinili ng isang tao.
May dalawang fundamental option na bukas sa tao, pataas tungo sa mas mataas na
halaga o ang fundamental option ng pagmamahal, at pababa tungo sa mas
mababang halaga o ang fundamental option ng pagkamakasarili (egoism).

9
LU_Q1_ESP10_Module 6
Galugarin

Gawain 2: Suriin Mo!


Panuto: Sa pagkakataong ito ay napatunayan mo na ang tunay na kahulugan ng
kalayaan, at ito ay ang kakayahang magmahal at maglingkod. Ngayon, balikan at
suriin mo naman ang iyong mga naging pasiya at kilos nitong mga nagdaang araw.
Isa-isahin mo ang mga negatibong katangiang naipamalas mo na maaaring naging
hadlang sa iyong paggamit ng tunay na kalayaan. Sundin ang pormat sa ibaba.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Mga Negatibong Mga Sitwasyon na Ano ang Naging Epekto sa


Katangian na naging Naipakita Ko Ito Akin at sa Aking
Hadlang sa aking Kapuwa?
Paggamit sa Tunay
na Kalayaan

Halimbawa:
pagiging
mapagmataas
(pride) Nagkatampuhan kami
ng kaibigan ko, hindi Isang taon kaming hindi
ko siya binabati at magkabati, nag-iiwasan,
hindi ako hihingi ng at hindi komportable sa
paumanhin kasi para presensiya ng isa’t isa.
sa akin, siya ang may Nabagabag ako, kaya
kasalanan kaya siya naapektuhan ang aking
ang dapat maunang pag-aaral.
gumawa ng hakbang
para magbati kami.

1.
2.
3.
4.
5.

10
LU_Q1_ESP10_Module 6
Pamantayan sa Pagbibigay ng Marka

Pamantayan NAPAKAHUSAY MAHUSAY NALILINANG NAGSISIMULA


( 10 ) (8) (6) (4)
Kalidad ng Nasuri ng Nasuri ang Nasuri ang Hindi nasuri ng
Pagpapaliwanag mabuti ang sariling ilang sariling maayos ang
sariling karanasan at karanasan at sariling
karanasan at may mabuting matatanggap karanasan at
napaka - husay pagpapa – ang pagpapa kailangang
ng liwanag –liwanag isaayos ang
pagpapali (Katamtamang ( May kaunting pagpapaliwanag
wanag pagpapa – kamalian ang ( Malaki ang
(Buo at liwanag) pagpapa – kakulangan,
maliwanag) liwanag ) nagpapakita ng
kaunting
kaalaman )

Palalimin

Gawain 3: News Patrol!


Panuto: Pumili ng limang isyung napanood sa telebisyon na may kinalaman sa
Kalayaan na tumutugon sa pagmamahal at paglilingkod. Magbigay ng iyong
reaksyon tungkol sa mga isyung ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Rubrics sa Paggawa ng Reaksyon


Pamantayan Indikator Puntos Natatamong
(5 puntos) Puntos
Organisasyon Mahusay ang pagkakalahad ng ideya
sa kabuuan ng talata at mabisa ang
panimula at kongklusyon.
Paggamit ng Wika at Napakahusay ang paggamit ng wika,
Mekaniks walang mali sa grammar, baybay, at
gamit ng bantas, may mayamang
bokabularyo.
Presentasyon Malinis at maayos ang pagkakasulat
ng reaksyon.
Kabuuan

11
LU_Q1_ESP10_Module 6
Sukatin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Ano ang itinuturing na kakambal ng kalayaan?


A. Kilos-loob B. Konsensiya C. Pagmamahal D. Responsibilidad
2. Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas ng
tao kundi ang nagmumula mismo sa loob ng tao. Ano ang nais ipakahulugan
nito?
A. Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili.
B. Nakahahadlang ang kapwa sa pagkamit ng kalayaan.
C. Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging malaya.
D. Ang hadlang sa pagiging malaya ay ang sarili niyang pag-uugali.

3. Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan at ayon
sa pagdidesisyon kung ano ang gagawin?
A. Dahil ang tao ay may malayang kilos-loob.
B. May likas na batas moral na gumagabay sa kaniya.
C. May kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensiya.
D. Sapagkat ang tao ay may kakayahang pag-isipan ang mga ito.
4. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
A. Nagagawa ni Connie ang mamasyal anumang oras niya gustuhin.
B. Inamin ni Lala ang kaniyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa
ginawa.
C. Hindi mahiyain si Greg kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang
tao.
D. Kahit pagod na galing sa trabaho, sinamahan pa rin ni Jake ang kapitbahay
na isinugod sa ospital.

“Higit na nagiging malaya ang tao kapag ginagawa niya ang mabuti.
Walang tunay na kalayaan kundi sa pagmamahal at paglilingkod.”

5. Ano ang mensahe nito?


A. Ang kalayaan ay ang paggawa ng mabuti.
B. Ang pagiging malaya ay nakabatay sa kilos ng tao.
C. Makabubuti sa bawat tao ang pagkamit ng kalayaan.
D. Ikaw ay malaya kapag naipakita ang pagmamahal at paglilingkod.

12
LU_Q1_ESP10_Module 6
6. Ano ang tinutukoy na mabuti?
A. Ang pagkakaroon ng kalayaan.
B. Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapuwa.
C. Ang kakayahan ng taong pumili ng mabuti.
D. Ang magamit ang kalayaan sa tama at ayon sa inaasahan.

7. Bakit kailangang lumaya ang tao mula sa makasariling interes, pagmamataas,


katamaran, at iba pang negatibong pag-uugali?
A. Nakasentro lamang siya sa kaniyang sarili kaya hindi makakamit ang
kalayaan.
B. Magkakaroon ng kabuluhan ang buhay kung walang ganitong katangian.
C. Nag-iiwan ito ng hindi magandang imahe sa pagkatao ng tao.
D. Nilalayuan ng ibang tao ang may ganitong mga pag-uugali.

8. Para saan ang pagkakaroon ng kalayaan ng tao?


A. Dahil kailangang malinang ang pagkatao ng tao sa pamamagitan nito upang
matamo ang layunin ng kaniyang buhay sa mundo.
B. Para maging malaya ang tao sa pansariling kahinaan at maging malayang
tumugon sa pangangailangan ng sitwasyon.
C. Para maging masaya ang tao sa buhay niya dahil nagagawa niya ang kaniyang
nais na walang nakahahadlang dito.
D. Mahalaga ito upang malinang ang kakayahan ng taong piliin ang mabuti kaya
ibinigay sa kaniya ang kalayaan.

9. Hindi mo maunawaan ang leksiyon ng inyong guro at nakababagot sa


pakiramdam kaya nawalan ka ng interes na makinig sa kaniya. Dahil dito wala
kang natutuhan sa itinuro niya, sinisi mo ang iyong guro. Sang-ayon ka ba sa
kaniya?
A. Sang-ayon, dahil responsibilidad ng guro ang maipaunawa sa mga mag-aaral
ang leksiyon.
B. Sang-ayon, dahil kailangang mapaganda ang leksiyon para hindi nakababagot
sa mag-aaral.
C. Di sang-ayon, dahil may pananagutan ang tao sa kaniyang kilos.
D. Di sang-ayon, dahil may kakayahan kang piliin ang iyong kilos.

10. Ang tunay na kalayaan ayon kay Johann ay ang makita ang kapuwa at
mailagay siyang una bago ang sarili.
A. Freedom From B. Freedom For
C. Fundamental Option D. Vertical Freedom

13
LU_Q1_ESP10_Module 6
LU_Q1_ESP10_Module 6
14
ARALIN 1:
Gawain 1
1. TAMA 6. B
2. MALI 7. D
3. MALI 8. B
4. MALI 9. D
5. TAMA 10. C
Gawain 2
K M R
P P A N A N A G U T A N A E
A R G S
G A O T P
L H A I O
L I A T M N
A L S A P S
H I K A I I
A A N N B
M P G I
A A K L
M P H I G I T O I
G G D D
A A D A W A T A P G A M A
P D
SUKATIN
1. D 6. C
2. D 7. B
3. A 8. A
4. B 9. C
5. D 10. B
Susi ng Pagwawasto
Sanggunian
Aklat

Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral 2015, FEP Printing


Corporation Department of Education - Instructional Materials Council Secretariat,
Deped Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Self Learning Module – Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Modyul 7: Pagmamahal at


Paglilingkod- Tugon sa Tunay na Kalayaan, Vicenta C. Danigos

15
LU_Q1_ESP10_Module 6
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, San Fernando City La Union 2500
Telephone: (072) 607 - 8127
Telefax: (072) 205 - 0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

16
LU_Q1_ESP10_Module 6

You might also like