Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

10

0Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan- Modyul 7:
Ang Dignidad ng Tao

AIRs - LM

LU_Q1_EsP10_Modyul_7
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
Unang Markahan – Modyul 7 : Ang Dignidad ng Tao
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o pagkuha ng bahagi
ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Mary Rose C. Mallari


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Content Reviewer: Rosalie C. Gomez
Language Editor: Janice S. Pejo
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Rogelio Runas Jr., Danny Lyn D. Graycochea

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of Edukasyon sa Pagpapakatao
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, San Fernando City, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

LU_Q1_EsP_10_Modyul_7
10
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 7
Ang Dignidad ng Tao

LU_Q1_EsP_10_Modyul_7
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

LU_Q1_EsP_10_Modyul_7
Sapulin

Lahat ng tao ay dapat bigyan ng respeto. Nagsisimula ito sa pagbigay


galang sa dignidad ng lahat. Lahat ng tao, ano man ang kanilang trabaho, relihiyon,
paniniwala at antas nila sa buhay ay may dignidad.

Marahil, katulad ng ibang tao, may nabubuong tanong din sa iyong isipan.
Kung talagang may dignidad ang tao bakit hindi pantay-pantay ang tao sa mundo?
Bakit mayroong nang-aapi at may naaapi? Sadya nga bang walang kasagutan ang
mga tanong na ito? May magagawa ka kaya upang mabigyang kasagutan ang mga
tanong na ito.

Pagkatapos ng modyul na ito inaasahang masasagot mo ang mahalagang


tanong na: Ano ang kahulugan ng dignidad ng tao? Inaasahan ding natutuhan
mo ang sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga:

1.1 Nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng dignidad ng tao.


(EsP 10 MP – If – 4.1)
1.2 Nakapagsusuri kung bakit ang kahirapan ay paglabag sa dignidad ng mga
mahihirap at indigenous group. (EsP 10 MP – If – 4.2)

LU_Q1_EsP_10_Modyul_7
Aralin
Ang Dignidad ng Tao
1

Simulan

Gawain 1. Ako ba ito?


Panuto. Lagyan ng happy face ang kolum na “Ako ito” kung iyong
pinapahalagahan ang dignidad ng iyong kapwa at sad face naman sa kolum na
“Hindi ako ito” kung hindi mo pinapahalagahan ang dignidad ng iyong kapwa.
Ginagawa Hindi ko
Pagpapahalaga sa Dignidad ng Kapwa
ko ginagawa
1. Pagrespeto sa lahat ng tao anuman ang kanilang
antas sa buhay.
2. Pagkilala sa mga talento ng bawat tao na matuto,
umunlad at magwasto sa kaniyang mga kamalian.
3. Pagsasaalang-alang ng emosyon ng kapwa sa
pamamagitan ng maayos at marapat na
pagsasalita at aksyon.
4. Paggalang sa sariling buhay at buhay ng kapwa.
5. Pakitunguhan o pakisamahan ang kapwa ayon sa
nais mong gawin nilang pakikitungo sa iyo.
6. Itinuturing ang kapwa bilang natatanging anak ng
Diyos na may dignidad.
7. Pagrespeto sa karapatan ng taong mamuhay at
pakitunguhan ang tao ng naaayon sa kaniyang
dangal bilang tao.
8. Paggalang sa karapatan ng tao na umunlad sa
paraang hindi makasasakit o makasasama sa
ibang tao.

LU_Q1_EsP_10_Modyul_7
9. Pinapangibabaw ang paggalang at
pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng Diyos,
pantay pantay ang lahat.
10. Isinasaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago
kumilos o gawin ang isang bagay.

Lakbayin

Lahat ng tao, ano man ang antas nila sa buhay ay may dignidad. Ano man
ang kanilang trabaho, relihiyon at paniniwala, may tinapos man o wala, sila ay
dapat bigyan ng respeto.

Ang dignidad ng tao ay isang halaga at isang likas, hindi malalabag at hindi
madaling unawain na karapatan ng tao, ito ay isang pangunahing karapatan at ito
ay likas na halaga ng tao sapagkat ito ay isang may katuwiran na nagtataglay ng
kalayaan at may kakayahang lumikha ng mga bagay.

Ang pag-angkin na ang lahat ng mga tao ay ipinanganak na may dignidad


ay isang uri ng ontological dignidad. Nangangahulugan ito na ang lahat ng mga
tao ay maaaring humubog, magbago at mapabuti ang kanilang buhay sa
pamamagitan ng paggamit ng kanilang kalayaan at sa pamamagitan ng paggawa
ng mga desisyon na mamuhay nang may dignidad.

Heto ang mga halimbawa ng pagbibigay galang sa dignidad ng mga tao:


• Pagkilala sa mga talento ng bawat tao na matuto, umunlad at magwasto
sa kaniyang mga kamalian.
• Pagsasaalang-alang ng emosyon ng kapwa sa pamamagitan ng maayos
at marapat na pagsasalita at aksyon.
• Paggalang sa sariling buhay at buhay ng kapwa.
• Pakitunguhan o pakisamahan ang kapwa ayon sa nais mong gawin
nilang pakikitungo sa iyo.

LU_Q1_EsP_10_Modyul_7
Galugarin

Gawain 2: Kamay ng Dignidad

Panuto. Magtala ng mga pagpapahalagang kailangan mong ibigay sa iyong kapwa


bilang patunay na iginagalang mo ang kaniyang dignidad. Itala ang iyong sagot sa
mga kamay na nasa ibaba. Gabay mo ang unang bilang.

1. 4.

Pantay na
Pagtingin

2. 5.

3. 6.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Napakahusay Mahusay Nangangailangan
Pamantayan pa ng Kasanayan
(10) (8) (6)
Napakahusay at Mahusay at May kahusayan
talagang naaayon ang ngunit hindi tiyak
Nilalaman naaayon ang nakapaloob na ang ilang
nakapaloob na kaisipan sa nakapaloob na
kaisipan sa sagot. kaisipan sa sagot.
sagot.

LU_Q1_EsP_10_Modyul_7
Palalimin

Gawain 3. Maskara ng Dignidad

Panuto: Sa gawain na ito, gumawa ng dalawang maskara na siyang sumasalamin


sa mukha ng dignidad. Sa kaliwang maskara, iguhit ang mukha ng walang
dignidad, at gumawa naman ng mukha ng may dignidad sa kanang maskara.

Gawing gabay ang sumusunod na kriterya:


Kasiningan ng presentasyon 5 puntos

Kalinawan ng konseptong nais ipahiwatig 5 puntos

Kabuuan: 10 puntos

Matagumpay mo bang nagawa ang inyong maskara? Ngayon naman ay


sagutin mo ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Ano ang naramdaman mo habang isinasagawa ang gawain? Ipaliwanag.


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Ano ang uri ng dignidad na inyong nailarawan?


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

LU_Q1_EsP_10_Modyul_7
Aralin Pantay na Pagkilala sa
2 Dignidad

Simulan

Gawain 4. Pantay na Pagkilala sa Dignidad, Sa Kapwa Mo Ibigay


Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga sitwasyon sa ibaba, pusuan ( ) ang
mga sitwasyong nagpapakita ng pagrespeto sa mga katutubo at sa mga mahihirap.

____1. Pakikipagkaibigan sa mga anak ng kasambahay.


____2. Pakikisama sa lahat ng taong nakasasalamuha.
____3. Pagtanggal sa trabaho sa isang tao dahil sa away etniko.
____4. Pakikisali sa mga selebrasyon ng mga katutubo.
____5. Iniiwasang makatabi ang isang kaklaseng katutubo.
____6. Pagpintas sa kulay ng balat ng isang kaklase na mula sa tribo ng mga Aeta.
____7. Gumagawa ng mga modyul kasama ang kaibigan mula sa tribo ng mga
Indigenous People.
____8. Pagpapahiram ng cellphone sa anak ng kasambahay para makapagsaliksik
sa internet.
____9. Pagbibigay ng mas mababang sahod sa mga tauhang hindi nakatapos ng
pag-aaral.
___10. Pagtulong sa mga gawaing bahay kahit may kasambahay na gagawa nito.

LU_Q1_EsP_10_Modyul_7
Lakbayin

“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo’’. Kung ano
ang makakasama sa iyo ay makasasama rin ito sa iyong kapwa. Kung ano ang
makabubuti sa iyo, makabubuti rin ito sa kaniya. Bakit nga ba kaibigan? Sapagkat
siya ay iyong kapwa tao. Magkatulad ang inyong pagkatao bilang tao. Ito ang tunay
na mensahe ng gintong aral (Golden Rule). Kinikilala nito ang karapatan ng bawat
indibidwal sa paggalang ng kaniyang kapwa. Hindi nga ba’t ito rin ang utos ng Diyos
sa tao? Sinabi niyang ‘’Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa
iyong sarili.’’ Nangangahulugan ito ng pagkilala sa dignidad na taglay ng lahat ng
tao. Nilikha ng Diyos ang lahat ng tao ayon sa Kaniyang wangis .Ibig sabihin,sa
Kaniyang anyo, katangian at kakayahan . Samakatuwid, ang dignidad ng tao ay
nagmula sa Diyos, kaya’t ito ay likas sa tao. Hindi ito nilikha ng lipunan at ito ay
pangkalahatan, ibig sabihin taglay ito ng lahat ng tao.

Ngunit,marahil tinatanong mo ang iyong sarili,”Bakit may pagkakaiba ang


tao? Bakit may taong mayaman? Bakit may mahirap? Bakit magkakaiba and
kanilang edad, kasanayang pisikal, intelektuwal at moral na kakayahan, ang
benepisyo na natatanggap mula sa komersiyo, at ang pagkakabaha-bahagi ng
yaman? Sa kaniyang kapanganakan, hindi ibinigay sa tao ang lahat ng kaniyang
pangangailangan dahil ipinahihiwatig nito na kailangan natin ang ating kapwa.
Kasama ito sa plano ng Diyos na tunay na nagnanais na matanggap ng bawat
indibidwal ang kaniyang mga pangangailangan mula sa kaniyang kapwa.

Saan ngayon nagkakaroon ng pagkakapantay-pantay ang tao? Ang


pagkakapantay-pantay ng tao ay nakatuon sa kanyang dignidad bilang tao at ang
karapatan na dumadaloy mula rito.

Ano ba ang dignidad? Ang dignidad ay galing sa salitang Latin na dignitas,


mula sa dignus, ibig sabihin ‘’karapat-dapat’’. Ang dignidad ay nangangahulugang
pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang
kapwa. Lahat ng tao, ano man ang kaniyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at
kakayahan ay may dignidad.

LU_Q1_EsP_10_Modyul_7
Dahil sa dignidad, lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa
paraang hindi makakasakit o makakasama sa ibang tao. Nangingibabaw ang
paggalang at pakikipagkapatiran dahil sa mata ng Diyos pantay-pantay ang lahat.
Samakatuwid, kailangan mong tuparin ang iyong tungkulin na ituring ang iyong
kapwa bilang natatanging anak ng Diyos na may dignidad. Nakasalalay ang ating
tunay na dangal sa katotohanang tinawag tayo upang makapiling ang Diyos.

Paano mo maipapakita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang


tao?

1. Pahalagahan mo ang tao bilang tao.


- Ibig sabihin, hindi sya isang bagay o behikulo upang isakatuparan ang
isang bagay na ibig mangyari. Lalong hindi sila katulad ng ibang bagay
na basta na lamang itapon at isantabi kung luma na at walang
pakinabang. Wala man siyang natapos na kurso, siya man ay bata o
matanda o may espesyal na kondisyon, siya ay nararapat na igalang.
2. Ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay ibinibigay
hangga’t siya ay nabubuhay.

- Patuloy na isaalang-alang at hangarin ang lahat ng makabubuti para sa


iyong kapwa. Halimbawa, ang pagmamahal ng anak sa magulang ay dapat
walang pasubali o walang hinihintay na kapalit (unconditional). Hindi
nararapat na mabawasan ang paggalang ng anak sa kaniyang mga
magulang kapag ang mga ito ay tumanda at naging mahina na.

LU_Q1_EsP_10_Modyul_7
Galugarin

Gawain 5: Pagsusuri ng Larawan

Panuto. Tunghayan ang mga sumusunod na larawan. Tukuyin kung ano ang
ipinapahayag ng bawat larawan. Gamiting gabay ang sumusunod:
a. Madalas na katawagan sa kanila ng mga tao
b. Ang iyong damdamin kapag nakakakita ka ng mga taong kagaya nila
c. Paraan ng pakikitungo sa kanila ng mga tao

Halimbawa:
a. Pulubi

b. Naaawa

c. Pinandidirihan, nilalayuan, iniiwasan

1. a. ______________________________________________
______________________________________________
b. ______________________________________________
______________________________________________
c. ______________________________________________
______________________________________________

2. a. ______________________________________________
______________________________________________
b. ______________________________________________
______________________________________________
c. ______________________________________________
______________________________________________

LU_Q1_EsP_10_Modyul_7
3. a. ______________________________________________
______________________________________________
b. ______________________________________________
______________________________________________
c. ______________________________________________
______________________________________________

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Napakahusay Mahusay Nangangailangan
Pamantayan pa ng Kasanayan
(10) (8) (6)
Napakahusay at Mahusay at May kahusayan
talagang naaayon ang ngunit hindi tiyak
Nilalaman naaayon ang nakapaloob na ang ilang
nakapaloob na kaisipan sa nakapaloob na
kaisipan sa sagot. kaisipan sa sagot.
sagot.

LU_Q1_EsP_10_Modyul_7
Palalimin

Gawain 6. Dignidad Ko, Pagninilayan Ko

Ano ang iyong natutuhan tungkol sa pagpapahalaga sa dignidad ng iyong


kapwa? Ano ang dapat mong gawin bilang taong may dignidad? Paano mo
mapapaunlad ang pakikipag-ugnayan mo sa iyong kapwa? Ano ang mga dapat
iwasang gawin bilang taong may dignidad? Isulat ang iyong kasagutan sa isang
malinis na papel, gawing gabay ang mga sumusunod.

Ang aking natutuhan tungkol sa Mga dapat kong gawin bilang taong
pagpapahalaga sa dignidad ng aking may dignidad:
kapwa

1. 1.
2. 2.
3. 3.
Mga paraan upang mapaunlad ko ang Mga dapat kong iwasang gawin
pakikipag-ugnayan sa aking kapwa bilang taong may dignidad

1. 1.
2. 2.
3. 3.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Napakahusay Mahusay Nangangailangan
Pamantayan pa ng Kasanayan
(10) (8) (6)
Napakahusay at Mahusay at May kahusayan
talagang naaayon naaayon ang ngunit hindi tiyak
Nilalaman
ang nakapaloob nakapaloob na ang ilang
na kaisipan sa kaisipan sa nakapaloob na
sagot. sagot. kaisipan sa sagot.

LU_Q1_EsP_10_Modyul_7
Sukatin

Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang diwa ng pangungusap at isulat naman
ang MALI kung hindi wasto ang diwa nito. Isulat ang iyong sagot sa inyong
sagutang papel.

______ 1. Ang “dignidad” ay galing sa Latin na salita na ibig sabihin ay “karapat-


dapat”.
______ 2. Gawin mo sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo.
______ 3. Kailangan mangibabaw ang paggalang at pakikipagkapatiran dahil sa
mata ng Diyos ang lahat ay pantay-pantay.
______ 4. Lagi mong isa-isip na ang iyong kapwa ay dapat gamitin para sa sariling
kapakinabangan.
______ 5. Pilihin mo ang taong dapat irespeto.
______ 6. Ang kahirapan ay hindi paglabag sa dignidad ng mga mahihirap.
______ 7. Nagsisimula sa pagrespeto ang pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao.
______ 8. Ang pagpintas sa kulay ng balat ng isang tao ay hindi isang
diskriminasyon.
______ 9. Ang lipunan ay isang moral na institusyong binuo ng Diyos upang
pangalagaan ang karangalan at dignidad ng tao.
______ 10. Patuloy na mararanasan ang di makatarungang pang-aabuso kung
hindi marunong rumespeto ang mga tao.

LU_Q1_EsP_10_Modyul_7
Panuto: Sa bilang 11-15, basahin at suriing mabuti ang mga sumusunod na
pahayag. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.
____ 11. Bakit nilikhang HINDI pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?
A. Matututo tayo na magpakumbaba at magpaubaya.
B. Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng
talento at kakayahan na biyaya ng Diyos sa iilang tao.
C. Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan
tayong magsikap at magpunyagi para sa pag-unlad ng ating pagkatao.
D. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kaniyang kapwa dahil sa
kanila natin matatanggap ang ating mga pangangailangang materyal at
ispiritwal.
____ 12. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
A. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan
B. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
C. Sa pagdating ng huling yugto ng kaniyang buhay sa daigdig
D. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito
____ 13. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?
A. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.
B. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang
paggalang ng kapwa.
C. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging
karapat-dapat sa kanilang pagkilala
D. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian mayroon
kundi sa karangalan bilang tao.
____ 14. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad ng
tao?
A. Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili.
B. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.
C. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang
pag-aalinlangan.
D. Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi
makasasakit o makakasama sa ibang tao.

LU_Q1_EsP_10_Modyul_7
____ 15. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang
dignidad bilang tao?
A. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw.
B. Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may mag-aruga
sa kaniya.
C. Humanap ng isang instituyon na maaaring kumalinga sa kaniya at
mabigyan siya ng disenteng buhay.
D. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang
konsepto sa kanyang sarili.

LU_Q1_EsP_10_Modyul_7
LU_Q1_EsP_10_Modyul_7
Gawain 2/Gawain 5/Gawain 6
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Napakahusay Mahusay Nangangailangan
Pamantayan pa ng Kasanayan
(10) (8) (6)
Napakahusay Mahusay at May kahusayan
at talagang naaayon ang ngunit hindi
Nilalaman naaayon ang nakapaloob tiyak ang ilang
nakapaloob na na kaisipan nakapaloob na
kaisipan sa sa sagot. kaisipan sa
sagot. sagot.
Gawain 1. Gawain 4. Sukatin
1. 1. 1. Tama
2. Mali
2. 2. 3. Tama
3. 3. 4. Mali
5. Mali
4. 4. 6. Mali
5. 7. Tama
5.
8. Mali
6. 6. 9. Tama
7. 10. Tama
7. 11. D
8. 12. D
8.
13. B
9.
9. 14. D
10. 15. C
10.
Susi ng Pagwawasto
Sanggunian
Yangken, Mariliese C., 2020. Unang Edisyon.Edukasyon sa Pagpapakatao 10.
Alternative Delivery Mode. Department of Education, Rehiyong Pampangasiwaan
ng Cordillera

Edukasyon sa Pagpapakatao, Grade 7. Learner’s Material (Units 1 and 2)

Larawan
https://www.google.com/search?q=skin+disease+whole+body+picture&tbm
https://www.bulacandeped.com/wp-content/uploads/2013/08/Filipino-2-Yunit-
1.pdf
https://games.lol/beggar-life-clicker-adventure/
https://www.pinterest.ph/pin/437271445041027310/
https://www.pinterest.ph/pin/248190629441130611/
https://www.pinclipart.com/pindetail/iiRxomw_man-woman-line-art-image-
percentage-men-or/

LU_Q1_EsP_10_Modyul_7
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, San Fernando City La Union 2500
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

LU_Q1_EsP_10_Modyul_7

You might also like