Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

FILIPINO 10

PARALLEL ASSESSMENT TEST


UNANG MARKAHAN
PANGKALAHATANG PANUTO:
A. Basahin at unawaing maigi ang mga tanong.
B. Dapat maging malinis at walang bura ang inyong sagot.
C. ITIMAN ang bilog ng letra ng tamang sagot sa inyong sagutang papel
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.
Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit.
1. Parang sirang plaka na ipinapaalala sa madla ang pagsusuot lagi ng face mask, paghuhugas ng kamay ay
physical distancing ng pamahalaan.
A. hindi na magagamit B. wasak C. paulit-ulit D. madalang
2. Matindi ang paghihikayat ng Dept. of Health sa mamamayan na sumunod sa IATF protocol.
A. paghimok B. pagsunod C. pagkakataon D. paghintay
3. Bihasa sa pagguhit ng kapaligiran si Mona at ang kaniyang kambal na si Mina ay mas magaling naman sa pagpinta.
A. kapaligiran B. bihasa C. pagpinta D. pagguhit
4. Napapansin natin na sa bagong henerasyon iba na ang kanilang pananamit di gaya noon na ang kasuotan ay balot na balot.
A. balot na balot B. napapansin C. henerasyon D. pananamit
5. Tayo ay may iba’t ibang paniniwala at pananampalataya kaya anoman ang Relihiyon natin ay kailangang bigyang respeto.
A. respeto B. pananampalataya C. paniniwala D. bigyan
Para sa bilang 6-9. Tukuyin at piliin sa loob ng kahon kung anong pokus ng pandiwa ang ginamit sa pangungusap.
Titik lamang ang isulat.
A. Aktor B. Layon C. Kagamitan D. Pinaglalaanan
6. Natuwa ng mga magulang ang pagtulong ng mga kabataan sa kanilang komunidad.
7. Sinusuot palagi ng mga kabataan ang face mask kapag lumalabas ng bahay.
8. Ibinili ng Tita ng mga gamit sa eskuwelahan ang kaniyang mga pamangkin.
9. Ang dahon ng saging ang ipinambalot niya sa baong pananghalian ng asawa.

Para sa bilang 10-11. Tukuyin kung ano ang gamit ng pandiwang may salungguhit.
10. Nasasabik na ang lahat na magkakaroon na ng face to face classes.
A. Aksiyon B. Damdamin C. Karanasan D. Pangyayari
11. Nag-eehersisyo ang kapitbahay namin habang nakikinig sa kaniyang online classes.
A. Aksiyon B. Damdamin C. Karanasan D. Pangyayari

Para sa bilang 12
Nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa
nang mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan.
12. Ano ang mensaheng nakapaloob sa binasang pahayag?
A. Hindi madadala ng sinoman ang kaniyang kayamanan.
B. Gamitin ang kayamanan upang makapasok sa tahanang walang hanggan.
C. Mararating mo ang langit kapag ang iyong kayamanan ay uubusin mo sa kapwa.
D. Huwag manghinayang na maubos ang iyong yaman sa pagtulong sa iyong kapwa dahil pinagpapala ang tumutulong.

Para sa bilang 13
Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng
inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.
13. Anong pangyayari ang maaaring maiuugnay mula sa binasang pahayag?
A. Sa panahon ng pangangampanya maraming magagandang plano ang ipinangangako ng mga politiko.
B. Paghahatid ng medical mission ng mga health workers sa mga mamamayang nasa malalayong lugar.
C. Pagbibigay ng ayuda ng pamahalaan sa panahon ng pandemya.
D. Buong oras at panahon ang ibinubuhos ng mga frontliner sa mga taong biktima ng pandemya at iba pang sakit.
14. “Ang mapagkakatiwalaan sa maliliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malalaking bagay, ang mandaraya sa maliliit na
bagay ay mandaraya rin sa malalaking bagay.” Ano ang ipinalulutang na kagandahan na dapat taglayin ng bawat isa batay
sa binasa?
A. Magtiwala lagi sa mga taong nakapaligid sa iyo.
B. Ibigay ang tiwala sa mga taong nagbibigay sa iyo ng malalaking bagay.
C. Huwag sirain ang tiwala na ibinigay sa iyo.
D. Pagkatiwalaan lamang ang mga taong malalapit sa iyo.

Para sa bilang 15
May isang lalaki na may isandaang tupa ngunit nawala ang isa. Iniwan niya ang siyamnapu’t siyam at hinanap ang
nawalang isa. Nang makita ang nawawalang tupa ay masaya niya itong pinasan saka umuwi. Pagdating sa bahay ay
inanyayahan niya ang kaniyang kaibigan at mga kapitbahay at sinabing, “Makipagsaya kayo sa akin dahil nakita ko na ang
tupa kong nawawala!”
15. Tungkol saan ang binasa?
A. Nalungkot ang lalaki sa pagkawala ng kaniyang mga tupa.
B. Nagbunyi ang lalaki nang matagpuan na ang kaniyang isang nawawalang tupa.
C. Ikinabahala ng lalaki na mawawala rin ang siyamnapu’t siyam niyang tupa.
D. Malupit ang lalaki dahil iniwan niya ang siyamnapu’t siyam na tupa dahil sa isang nawawala.
16. “Ipinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng pitong araw at gabi. Sa huli, ipinagpatayo niya
ito ng estatwa sa tulong ng kaniyang mga tao bilang alaala.” Mahihinuha na ang katangian ni Gilgamesh sa kaibigan ay__
A. mapagmalasakit B. maalalahanin C. maunawain D. mapagmahal
17. “Mananalangin ako sa mga dakilang Diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan upang maihayag ang kasasapitan ng
sinoman sa pamamagitan ng panaginip.” Ang nagsasalita ay nagpapakita ng __
A. pagmamalasakit at pag-aalala C. bukas ang loob na tumulong
B. pagiging madasalin D. kabutihan sa kapwa
Para sa bilang 18-19. Tukuyin ang panghalip na panuring sa loob ng pangungusap.
18. Mainam na kasama ka sa kanilang pagpupulong.
A. ka B. kanila C. na D. sa
19. Hindi nagbago ang kaniyang itsura mula nung dumating sa Amerilka.
A. mula B. nung C. kaniya D. hindi
20. Mga kabataan magsumikap nang maigi dahil ang inyong kinabukasan ay ang pinakamahalaga sa amin. Anong panghalip
panuring ang angkop sa salitang kabataan?
A. nang B. inyo C. amin D. dahil
Para sa bilang 21-23. Pagkiklino. Ayusin ang mga salita ayon sa tindi ng kahulugan nito. (1 mababaw, 3 pinakamatindi)
21. Di matutumbasan ang (1) pighati na kaniyang nararamdaman mula nang siya’y lumisan. Ano kaya ang maaaring pumawi
sa (2) lumbay na kaniyang nadarama upang ang kaniyang (3) lungkot ay mapalitan ng saya.
A. 123 B. 321 C. 213 D. 231
22. (1) Inalagaan namin ang inuwing aso ni kuya. Nakita niya lamang ito sa kalye at dahil sa awa ay (2) kinupkop niya ito. Kaya
dahil sa hilig naming magkakapatid sa aso ay (3) kinalinga at minahal namin nang lubos ang aso.
A. 213 B. 231 C. 132 D. 123
23. Sa tindi ng (1) galit niya sa taong nagwasak ng kaniyang plano sa buhay ang kaniyang (2) pagkasuklam ay di matatawaran,
at sa tuwing magtatagpo ang kanilang landas ay (3) poot ang kaniyang nararamdaman.
A. 312 B. 132 C. 213 D. 123
Para sa bilang 24-27. Pang-ugnay. Piliin ang angkop na pang-ugnay sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.

A. upang B. kapag C. alinsunod sa D. na

24. ______ batas ng IATF, bawal lumabas ang mga bata. Sumunod na lamang tayo 25. _____marami ang mailigtas
26. _____ buhay. 27. _________ mag-iingat ang lahat marami ang maisasalbang buhay sa panahon ng pandemya.

Para sa bilang 28-29. Bigyang-reaksiyon.


28. “Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Mathilde dahil sa kaniyang paniniwalang siya’y isinilang sa daigdig na
magtamasa nang lubos na kaligayahan sa buhay at maraming salapi. Dahil sa taglay niyang alindog, siya ay hindi
nababagay sa kasalukuyang buhay na kinalalagyan niya ngayon.
A. Kailangang tanggapin ng bawat isa sa atin na hindi lahat ay binibigay ng Diyos sa tao upang maging perpekto.
B. Ang itsura ng isang tao ay hindi dapat nakasalalay sa estado ng kaniyang buhay.
C. Kapag mayaman dapat maganda, kapag mahirap hindi.
D. Ang kaligayahan ng isang tao ay nakasalalay sa kaniyang ganda at kayamanan.
29. “ Nalalapit na ang araw ng sayawan ay hindi pa rin masaya si Mathilde, kahit mayroon na siyang nakahandang suotin. Dahil
nais niyang may isusuot din siyang magandang hiyas upang hindi siya magmukhang kahiya-kahiya sa okasyon.”
A. Dapat kung dadalo ng espesyal na okasyon ay magara ang damit na susuotin.
B. Magiging maganda ka sa paningin ng nakararami at dadami ang lalapit sa iyo kung magara ang iyong damit.
C. Maging totoo sa sarili at makuntento sa kung anong meron ka at huwag piliting maging mayaman.
D. Makisabay sa mga mayayaman kahit alam mong malayo ang agwat ng estado mo sa kanila.

Para sa bilang 30
“Ang pag-ibig ay matiisin, may magandang loob, hindi nagmamapuri, hindi palalo, hindi lumalabag sa kagandahang-asal,
di naghahanap ng para sa sarili, di nagagalit, di nag-iisip ng masama, hindi natutuwa sa kasamaan, ngunit ikinagagalak
ang katotohanan.” (-unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto 13: 1-13)
30. Ano ang opinyong mabubuo batay sa binasa?
A. Hindi lamang talino ang kailangang pairalin ng isang tao kundi kailangan din ng pag-ibig upang tama ang magiging
desisyon.
B. Walang katuturan ang buhay ng tao kung puno siya ng pag-ibig sa kaniyang sarili.
C. Ang taong kulang sa pag-ibig ay magiging maganda ang kahihinatnan sa buhay.
D. Malayo ang mararating ng isang tao kung puro talino ang mangibabaw at walang pag-ibig sa kaniyang puso.

You might also like