Tula Na Gusto Ko

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang tula ay anak sa sinapupunan,

-Pagwawangis (Metaphor)

Kung ina'y agawan - sanggol sa kandungan,


Di ba't ilalaban kahit sa digmaan?
-Pagmamalabis (Hyperbole)

Kung karangalan man, gamitin ng iba


Ang paa't kamay ko pati kaluluwa,
Hindi ba nararapat na bigyang-halaga,
Ang may-ari nitong bahaging dakila?
-Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)

Itong pagnanakaw sa pawis ng kapwa,


Ay tila pulitikong hindi nagtitika,
Ang ibig ay kabig na tila nga linta,
Tuloy ang sipsip kahit pigang-piga!
- Pagtutulad at Pagpapalit-tawag (Simile & Metonomy)

Ang nagsasabi ngang umibig ng lubos,


Ngunit hindi naman nakikita sa kilos,
Daig pa sa daan ang mga busabos,
Na hingi ng barya't kaunti pang limos.
-Pauroy o Mapang-uyam (Sarcasm)

Ibigay ang puri sa dapat purihan,


At sa nagkasala ay kapatawaran,
Ngunit dapat naman na maliwanagan,
At maipaalam, kanyang kamalian!
-Padamdam (Exclamation)

You might also like