Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 190

✔️Billionaire Series #1: The Billionaire's Surrogate (Filipino)

diannestories

Romance
ABSTRACT
Dahil sa kahirapan ng buhay, kahit anong trabaho ay pinatulan ni Ivory. Kahit hindi
niya pa nga alam kung anong klaseng trabaho, pinatos niya na. Gusto niya lang
talagang kumita at makaahon sa eskwater. Huli na nang nalaman niyang ang trabahong
kanyang pinasukan ay ang maging surrogate ng isang bilyonaryo. Anong buhay ang
sasapitin niya sa piling nito at ng mga kamag-anak ng asawa nitong mga gahol sa
pera? She is Ivory Perez and she is the billionaire's surrogate.

Prologue
Umaalingasaw ang mababahong kanal at pinagsama samang mga usok ng sigarilyo, pawis
at alak. Napangiwi si Ivory. Kinusot niya ang kanyang dalawang mata at pilit na
bumangon. Humikab siya at ini-stretch ang dalawang kamay.

Panibagong araw na naman sa napakabahong lugar na iyon ang kanyang haharapin.

"Ivory! Ano ba't wala ka pang sinaing?! Aba't tanginang bata ka talaga! Palamunin
ka na nga lang hindi ka pa kumikilos!"

At panibagong talak na naman mula sa kanyang tiyahin. Napasabunot siya sa kanyang


ulo sa inis.

"Wala na tayong bigas, tiyang!" sagot niya.

Maya-maya pa ay narinig niya na ang mabibigat nitong yapak papunta sa kinaroroonan


niya. Kasunod noon ay ang pagsabunot at pagkaladkad nito sa kanya palabas ng
kanilang barong-barong.

"Aray, tiyang! Aray!" daing niya habang kinakaladkad siya nito palabas.

"Puta ka! Anong walang bigas, ha?! Bakit hindi ka bumili?! Tangina mo!"

"W-Wala po akong pera!"

Halos maiyak na siya sa sobrang sakit ng kanyang anit. Mas hinigpitan iyon ng
tiyahin niya.

"Walang pera?! Aba't naman talaga, Ivory! Nasaan ang pera mo?! Pinanglalaki mo,
ha?! Malandi kang bata ka!"

"Tiyang, h-hindi! Aray!"

Tuluyan nang naiyak si Ivory sa sakit lalo pa noong inihambalos siya ng kanyang
tiyahin sa lupa. Mabuti na lang at naitukod niya ang dalawa niyang kamay at hindi
siya tuluyang nasubsob.

"Putangina ka, wala ka ng naitulong dito! Palamunin ka pa! Bwisit!" talak ng


kanyang tiyahin bago siya iniwan doon.

Napahikbi na lamang siya. Nagkukumpulan na ang kanilang mga kapitbahay doon. Pagod
na pagod na siya. Araw araw na lang ganito ang eksena. Walang araw na hindi siya
nakakatanggap ng sabunot o bugbog.

"Beshy!" rinig niyang sigaw ng kanyang kaibigan at agad siyang tinulungang tumayo.
Agad niyang naramdaman ang hapdi ng kanyang kamay. Nang tingnan niya iyon ay
dumudugo na pala iyon dahil sa maliliit na bubog na nasa lupa.

"A-Ayaw ko na rito, Jas," iyak niya kay Jasmin. Napabuntong-hininga si Jasmin.

"Doon ka muna sa akin," sambit nito at inalalayan siya.

"O, tapos na ang drama! Layas na!" baling pa ni Jasmin sa mga chismosang
nakikiusyuso sa kanila.

Nakayuko lang si Ivory habang inaalalayan siya ni Jasmin. Masikip ang daan doon.
Pang-isang tao lang talaga. Dikit-dikit ang mga barong barong na kung magkakasunog
ay paniguradong matutupok silang lahat. Ilang barong barong lang naman ang pagitan
ng kanila at ng kay Jasmin.

"Halika, umupo ka muna riyan at kukuha ako ng gamot mo," bilin ng kanyang kaibigan
at sinara ang gawa-gawa nitong pinto.

Tahimik siyang naupo sa papag na siyang higaan nila Jasmin. Pagkabukas mo ng pinto
ay nandoon na ang tulugang papag. Sa harap ay isang maliit at kahoy na lamesang
kainan. Sa bandang likod naman ay maliit na lugar para lutuan at isang sulok na
tinabunan ng kurtina ang nagsisilbing CR. Halos lahat ng barong-barong dito ay
ganito lang din ang set up.

"O, akin na iyang mga kamay mo. Mabuti na lang at may betadine at bulak ako rito."

Ibinigay niya ang kanyang kamay sa kaibigan.

"G-Gusto ko nang umalis, Jas. T-Tulungan mo naman ako," naiiyak na sabi niya.
Tumingala ang kanyang kaibigan at bumuntong-hininga.

"Ivy, gustong-gusto kitang tulungan, pero sinasabi ko sa'yo, ang hirap maghanap ng
matinong trabaho rito sa Maynila. Lalo pa at hindi naman tayo nakatapos ng
kolehiyo. Tsaka isa pa, kung aalis ka, saan ka titira? Kahit naman ma-hire ka sa
trabaho, hindi ka agad makakabukod. Ang mahal mahal kaya ng mga pa-renta ngayon.
Tsaka wala ka pang magiging sweldo."

"Pero anong gusto mong gawin ko, Jas? Ayoko na rito! Sampung taon na akong
nagtitiis sa skwater na ito! Hindi ko na kaya iyong pananakit ni tiyang! Ayoko na!"

Isa- isa na namang tumulo ang kanyang mga luha. Humikbi siya nang humikbi. Huminga
nang malalim si Jasmin.

"O, siya sige. Subukan nating maghanap ngayon, okay? Kahit maghapon tayo. Maghanap
tayo ng stable na trabaho," pag-alo ni Jasmin. Mahinang tumango si Ivory.

"A-Ayoko nang bumalik kay tiyang," umiiling na sabi niya sa kaibigan. Napatango na
lang si Jasmin.

"Sige, kung sakali man dito ka na matulog ngayong gabi. Tahan na, Ivs. Magiging
okay din ang lahat. Tiwala lang."

Pagkatapos gamutin ang kanyang mga sugat sa kamay ay pinahiram siya ni Jasmin ng
medyo pormal na damit. Pinakain din muna siya nito ng pandesal bago sila umalis.

"Siguro naman may malapit na mapag-aapply-an dito, Jas. Para hindi na tayo gumastos
ng pamasahe," aniya sa kaibigan.

"Ay sana nga, Ivory. Pero kung wala ay mamasahe na lang tayo. Ako na ang bahala sa
iyo." Agad siyang napatingin sa kaibigan at tipid na ngumiti.
"Salamat, ha," sabi niya.

Nahihiya na kasi talaga siya rito dahil sa tuwing walang wala na siya ito ang
sumasalo sa kanya.

"Asus! Wala iyon! Basta pag sumweldo ka, libre mo ako!" Nagkatawanan sila.

"Oo naman! Sure yan!"

Bago mag-ikot ay pumunta muna silang computer shop at madaling gumawa ng resume. Si
Jasmin ang gumawa ng kanya. Baka raw kasi kailanganin nila iyon. May iba kasing mga
trabahong strikto sa ganoon. Si Jasmin na ang nagbayad kaya mas lalo siyang nahiya.
Wala talaga siyang pera ngayon dahil inubos ng tiyahin niya kagabi. Wala pa naman
siyang raket ngayon. Mas lalo siyang naging desperadong makahanap na ng trabaho
ngayon. Kahit ano basta ba marangal.

***

Halos dalawang oras silang nag-ikot sa may labasan ng skwater pero nagutom na lang
sila at lahat ay wala pa rin silang nakitang trabaho. Kung walang hiring, nauunahan
naman sila. Laglag ang kanilang mga balikat na naupo sa bangketa. Inilabas ni
Jasmin ang kanilang baong pandesal.

"O, kain ka muna." Inabot ni Jasmin ang isang piraso sa kanya. Kinuha niya iyon.

Bumuntong -hininga siya at napatitig sa kawalan.

"Anong oras na, wala pa rin tayong nahahanap," nanlulumong sabi niya. Tiningnan
siya ni Jasmin at tinapik sa balikat.

"Ano ka ba naman. Wag ka ngang manlumo. Ang dami pa kayang hindi natin
napupuntahan. Doon tayo sa may BGC. Magbakasakali tayo roon. Ako na bahala."
Napatingin siya kay Jasmin

"Paano kung wala pa rin? Sayang pamasahe." Umirap si Jasmin at hinampas siya.

"Ang nega! Think positive kasi!" pag-cheer nito sa kanya. Huminga siya nang malalim
at tumango.

"Sige. Dapat talaga makahanap na tayo ngayon, Jas."

"Tiwala lang, makakahanap talaga tayo!"

Tipid siyang ngumiti. Sana talaga.

Pagkatapos nilang mamahinga sa bangketa ay sumakay na sila ng jeep papunta sa


sinasabi ni Jasmin.

Halos malula siya sa taas ng mga building doon.

"Para namang hindi tayo matatanggap dito. Ang so-sosyal, o!" sabi niya kay Jasmin.
Umirap lang ang kaibigan niya.

"Jusko naman, Ivory! Wala namang mawawala ano! Tara na at suyurin natin ang mga
building na iyan!" Hinila siya ni Jasmin papunta sa isang building.

Cuanco Corporation
Lumapit sila sa dalawang guard na nakabantay sa glass door.

"Kuya, may hiring po ba diyan sa loob. Kahit ano pong trabaho." Si Jasmin ang
nagsalita.

"Ah maraming hiring sa loob. Ano bang gusto niyong apply-an?" tanong ng isang
guard.

Nagkatinginan silang dalawa.

"Kahit ano po!" halos sabay nilang sabi.

"Ah, pasok lang kayo. May resume naman siguro kayo. May mga nakapila riyan, o. For
support personnel iyan. Pila lang kayo. " Pinagbuksan sila ng mga ito

Agad na lumiwanag ang mukha nila at excited na pumasok doon. Pigil pigil nila ang
kanilang mga ngiti habang naglalakad papuna sa pila.

"Okay na ba ako? Okay na?" tanong ni Ivory at pinagpag ang damit. Ganoon din ang
ginawa ni Jasmin.

Nang feeling nila ay okay na ay pumila na sila. Hindi mawala ang ngiti sa kanilang
mga mukha habang naghihintay kahit pa sobrang haba ng pila.

Biglang tumayo si Jasmin.

"Teka, Ivs, naiihi ako. Magsi-cr lang ako, ha." Tumingin si Ivory sa kaibigan.

"Sige, i-reserve ko ito sa iyo."

"Salamat, beshy!"

Agad na kumaripas ng takbo si Jasmin. Napailing na lang siya at natawa. Kumunot pa


ang noo niya nang nakitang nagpunta si Jasmin sa may elevator.

"Anong ginagawa niya roon?" bulong niya sa sarili at umiling.

Sumandal siya sa dingding kung saan nakasandal ang upuan nila. Napahikab na siya sa
sobrang tagal. Ang dami naman kasing aplikante. Buti na lang at aircon doon.

Nilinga niya ang paligid. Bakit ang tagal naman yata ni Jasmin? Napanguso siya at
tumingin sa paligid. Binalingan niya iyong isang katabi niya.

"Uhm pwede bang pabantay? Susundan ko lang iyong kaibigan ko," aniya. Nagpasalamat
siya nang tumango ito tsaka tumayo.

Nagdalawang-isip pa siya kung saan pupunta. Napakamot siya sa kanyang ulo at


sinundan na lang iyong pinuntahan ni Jasmin kanina. Nag-abang siya sa may elevator.
Saktong pagbukas noon ay may pumasok na isang babaeng naka-corporate attire at may
hawak hawak na mga papel.

Bahagya siyang nataranta pero agad din namang sumunod doon.

Nakagat niya ang labi.

'Tama ba itong ginagawa ko? Nasaan ba kasi si Jasmin? Pero dito kasi siya pumunta
kanina! Ay bahala na nga!'

Huminga siya nang malalim at pumidpid sa sulok ng elevator. Nasa harap niya iyong
babae.

"Yes sir. I'm on my way already sir." Dinig niyang sabi nito. Yumuko na lang siya.

Kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung saan siya papunta. Sana naman makita na
niya si Jasmin!

Napaangat ang tingin ni Ivory nang tumunog ang lift. Lumabas iyong babae kaya
sumunod din siya. Nalaglag ang panga niya pagkalabas. Dumoble ang kaba sa kanyang
dibdib. She looked around pero wala siyang makitang CR.

'Hala, nasaan ako?!'

Napatingin siya ulit sa elevator pero nakasara na iyon. Hindi siya marunong gumamit
noon!

Hindi na siya mapakali sa kanyang kinatatayuan. Sinundan niya nang tingin ang babae
at nakita niyang pumasok iyon sa isang kwarto. Dalawang kwarto lang ang nandoon.
Isang malaki na may mahabang lamesa tapos maraming upuan- isang conference hall at
iyong pinasukan ng babae.

Naka-glass wall ang conference room pero iyong isa ay semento kaya hindi niya
makita ang loob.

Nakagat ni Ivory ang kanyang kuko sa sobrang kaba. Sana pala hindi na lang siya
umalis doon! Hati ang puso niya kung susundan niya ang babae o ano.

Sa huli ay aalis na sana siya pero biglang bumukas ang pinto ng kwartong pinasukan
ng babae. Nanlaki ang mga mata niya at natuod sa kanyang kinatatayuan.

Kumunot ang noo ng lalaking nasa kanyang harapan. Nakasuot ito ng itim na tuxedo.
Nakaayos ang itim na buhok nito at may dala itong briefcase. Napalunok siya at
napaatras. Nakakatakot ang aura nito. Para siyang lalamunin nito nang buhay sa
paraan ng pagkakatitig nito.

"S-Sorry-"

"Are you the applicant?" malalim ang boses na tanong nito. Mas lalo siyang
napalunok.

"P-Po?"

"Tinatanong kita kung ikaw ba ang ipinadala para magtrabaho sa akin." Mabilis na
nanlaki ang mga mata niya.

"O-Opo!"

Chapter 1
Nanatiling nakayukong si Ivory habang kagat- kagat ang kanyang labi. Nilingon niya
ang paligid. Ang daming muwebles. May mga iba't ibang antique pang naka-display sa
isang sulok. Nakasilid iyon sa isang malaking kabinet na mukhang ipinasadya pa.
Marami ring paintings ang nakasabit sa mga dingsing at kumikislap ang magarbo at
eleganteng chandelier sa mataas na kisami.

Hindi niya alam kung saang lugar siya. Ang alam niya lang ay nasa bahay siya noong
lalaking nag-alok sa kanya ng trabaho. Nakagat niya ang labi. Isa pa iyan sa
ipinag-aalala niya. Hindi niya alam kung iyong tinutukoy nitong trabaho ay ang
pinag-a-apply-an niya kanina. Nataranta lang talaga siya nang tinanong siya nito at
nangibabaw ang pagiging desperada niyang makahanap ng trabaho ngayon araw. Sa
tingin niya pa lang kasi sa pila kanina, 50-50 ang tsansang makuha siya.

"Miss..." Agad siyang nag-angat ng tingin at napatayo nang bumungad sa harapan niya
iyong lalaki kanina.

"What's your name, Miss?" tanong nito. Napalunok siya. Ewan ba niya. Natatakot siya
sa boses nito.

"I-Ivory po s-sir…" Tumango ang lalaki.

"I'm Xamuel Anthony Cuanco, Ivory. CEO and president of the Cuanco Corporation. I'm
sure you already know me." Agad siyang nag-iwas ng tingin.

'CEO? Hala siya ba ang boss ng pinag-aapply-an ko sana kanina? Oh my god.'

Nakagat niya ang labi at mahinang tumango. Kinakabahan pa rin siya kasi paano kung
biglang lumitaw ang totoong ipinadala para magtrabaho rito? Patay talaga siya!

"Follow me, Ivory." Tumalikod ito at nagsimulang maglakad. Agad naman siyang
napasunod dito.

Dinala siya nito sa isang kwartong puno ng libro. Ang daming bookshelf sa mga
gilid. Sa gitna naman ay nandoon ang isang malaking lamesang may swivel chair. May
dalawa pang upuan katapat ng swivel chair.

Naupo si Xamuel sa swivel chair. Itinuro nito ang isang visiting chair sa kanya
kaya agad siyang umupo roon. Tahimik lang siyang nakayuko at panaka-naka ang tingin
sa buong kwarto. May kinukuhang mga papeles si Xamuel sa ibaba ng lamesa.

"Here, Ivory," biglang sabi nito na muntik nang magpatalon sa kanya. Awkward siyang
ngumiti rito at tiningnan ang folder na inilapag nito sa harap niya.

Dahan-dahan niya iyong binuksan.

"That is the contract. But before you sign that, I will discuss to you the benefits
and the things that you need to do while you're working for me." Mahina siyang
tumango.

English ang kontrata. Wala namang problema sa kanya dahil kahit papaano'y marunong
naman siyang mag-english.

"In the duration of your work, you will be staying in a townhouse that I will be
providing. May makakasama kang isang maid doon. You will have your monthly supplies
of grocery, and you will have ten thousand pesos as your allowance. Per month iyan.
In return, you just have to be healthy and follow my rules."

Nalaglag ang kanyang panga sa sinabi nito. Ang laki noon! Halos hindi makapaniwala
si Ivory sa mga narinig.

"Game po ako!" mabilis na sabi niya na nagpakunot ng noo ni Xamuel. Nagulat yata sa
pagka-excited niya. Agad siyang napanguso.

"S-Sorry po. Na-excite lang." Tipid siyang ngumiti.

"Okay. If you don't have any questions, let's go to the clinic already." Bahagyang
kumunot ang noo ni Ivory pero hindi na rin nagtanong pa at tumayo na lang.

Tahimik at nakayukong sumunod lang siya kay Xamuel. Hindi niya maiwasan ang
mapangiti. May trabaho na siya! Sobrang saya niya! Tapos grabe pa iyong mga
benefits! Hindi niya akalaing mabibigyan siya ng ganoong offer. Hindi naman siguro
ganoon ka -grabe ang trabaho? Well, sanay siya sa trabaho kaya kakayanin naman
siguro niya. Ang importante, may bago siyang trabaho at hindi na niya kailangang
bumalik sa skwaters!

Walang mapagsidlan ng saya si Ivory habang nakaupo sa backseat ng sasakyan ni


Xamuel. Wala siyang cellphone kaya hindi niya makausap si Jasmin. Excited pa naman
siyang ibalita rito ang masayang balita.

Napatingin siya sa labas at grabe ang pagkamangha niya sa mga building tapos nasa
isang magarang sasakyan pa siya na sobrang lamig. Nilingon niya ang kanyang boss na
ansa kabilang gilid ng sasakyan. May kausap ito sa cellphone at seryoso ring
nakatingin sa labas.

Napanguso siya. Hindi niya maipagkakailang gwapo ito. Ibang iba sa mga nakikita
niya sa TV na matatanda na. Feeling niya kasi nasa mid-20s lang ang binata.
Nakakamanghang ang aga nitong magpatakbo ng kompanya.

She pressed her lips and stared at him even more. Ngayon niya lang ito matititigan
kasi takot siya rito kanina. He has a fair skin. Matangos ang ilong, halatang may
lahi. His hair was in a clean cut style. His jaw was well formed and his lips was
naturally reddish. Parang malambot din at kissable.

Nakagat ni Ivory ang kanyang labi at mabilis na umiling iling.

'Ano ba iyan! Hoy Ivory! Ugh!'

Naihilamos niya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang mukha. Ramdam na ramdam niya
ang pag-iinit nito.

"Are you okay?" Halos manigas siya sa kanyang kinauupuan nang marinig iyon. Feeling
niya lahat ng dugo niya ay umakyat sa kanyang pisngi. Napalunok siya at napasandal
na lang sa gilid.

"O-Okay lang po," sagot niya nang hindi nakatingin dito. Mariin siyang napapikit.

'Nakakahiya!'

Hindi na muli pang nagtangka si Ivory na lumingon pagkatapos noon. Nanatili lang
siyang nakatingin sa labas o di kaya'y sa ibaba hanggang sa marating nila ang
sinasabi nitong clinic.

Walang imik siyang sumunod sa kanyang boss. Nagtataka talaga siya kung bakit sila
pupunta rito sa clinic pero baka naman kasi ipapa check lang siya? Narinig niya
kasi kay Jasmin noon na may pa medical check up daw talaga ang ibang kompanya. Baka
ganoon lang.

Pumasok sila sa isang maliit na kwarto. Agad na tumayo ang doctor na babae nang
makita sila.

"Mr. Cuanco," bati nito.

Tumango ang boss niya.

"Doc, this is Ivory." Tinuro siya nito. Bahagya siyang ngumiti sa doctor. Ngumiti
rin ito pabalik sa kanya.

"Siya na ba?" makahulugang tanong ng doctor kaya kumunot ang noo niya. Mas lalo
siyang naguguluhan.

"Yes," sagot ni Xamuel. Doon siya tumikhim.

"Uhm sir, ipapa-check up niyo po ako?"tanong niya. Lumingon si Xamuel sa kanya at


tumango.

"Yes. We need to know if you're healthy enough to bear the baby." Napakurap-kurap
ang kanyang mga mata at nagsalubong ang kanyang mga kilay.

"Baby?" takang tanong niya.

Xamuel turned to her with his forehead creased.

"Yes, Ivory."

"Huh? Bakit may baby? Tsaka anong bear the baby? Magbubuntis ako?" Mas lalo siayng
naguluhan. Mas lalo rin namang kumunot ang noo ni Xamuel.

"What are you saying, Ivory? Yes, you're going to bear a baby cause you will be my
surrogate." Nanlaki ang kanyang mga mata at nagpalipat lipat ang tingin kay Xamuel
at sa doctor.

"S-Surrogate?!"

"Yes, Miss Ivory. Mr. Cuanco's wife died a year ago because of a car accident, but
her eggs are freezed. All we have to do is to perform an in vitro fertilization to
form an embryo. After that we will then transfer that embryo to your uterus. You
will bear the child for 9 months and give birth after."

Mabilis na nalaglag ang panga ni Ivory. Ano itong pinasok niya?!

Chapter 2
"T-Teka naman po! Hindi ko alam ito!" naguguluhang sambit ni Ivory at bahagyang
napaatras.

Napahawak siya sa kanyang dibdib. Ano ito?!

"Wait, what are you saying, Ivory?! Aren't you the surrogate that I hired?!" Agad
na umusbong ang kaba sa kanyang dibdib.

Ito na nga ba ang sinasabi niya! Nag-iwas siya ng tingin. Hindi siya makatingin kay
Xamuel! Para siyang kakainin nito nang buhay!

"H-Hindi ko po alam ang tungkol diyan…" pikit matang sabi niya.

Narinig niya ang maririing mura ni Xamuel na mas nagpagapang ng kaba sa buo niyang
katawan.

"Fuck. Then what are you doing here and who are you?! Get the fuck out! Shit!"
Mabilis siyang napatingala at nanlaki ang kanyang mga mata.

"T-Teka sir! Tatanggalan niyo ako ng trabaho?! Wag po! Wag po, please. Hala, sir.
Sorry po! Please, please kailangan na kailangan ko ito, please!" Halos lumuhod siya
sa harap nito at magmakaawa. Tiningnan lang siya ni Xamuel na bakas pa rin ang
galit sa mukha.
"P-Please, sir. P-Please… kaya ko pong magbuntis! Kaya ko po. Wag niyo lang po
akong tanggalan ng trabaho p-please… kailangan na kailangan ko i-ito…"

She suddenly felt her eyes sting. Kumurap kurap pa siya para lang hindi bumagsak
ang mga luhang nagbabadyang lumabas.

'Hindi pwedeng mawala sa'kin to! Ayoko nang bumalik kay tiyang!'

"P-Please, sir. P-Please po…" Nakagat niya ang kanyang labi nang pumiyok siya.

Xamuel let out a frustrated sigh before looking at her intently.

"Look, I don't know who you are, Miss. At hindi basta basta ang ipagbubuntis mo!
You will bear my child, my heir. At hindi ako makakapayag na kahit sino na lang ang
kunin ko." Mas lalong nabahala si Ivory.

"Sir, please! Please po! Kailangan ko po talaga! A-Aalagaan ko po ang baby niyo!
Hindi po ako magpapabaya. Gagawin ko po lahat ng rules niyo. P-Please po kailangan
ko lang talaga ng trabaho…"

Dumiin ang pagkakakagat niya sa kanyang labi nang maramdaman niyang may tumulong
luha sa kanyang mga pisngi. Mabilis siyang yumuko at pinahid iyon. She heard
Xamuel's frustrated sigh again.

"Stay here. I'm gonna talk to my secretary," malamig na sabi nito bago siya iniwan
doon.

Silang dalawa na lang ng doktora at hindi siya makatingin dito dahil sa kahihiyan.
Nanatiling nakayuko lang siya hanggang sa ang doctor na ang lumapit sa kanya.

"Umupo ka muna, miss," anito at iginiya siya sa couch sa gilid. Nagpasalamat lang
siya at naupo roon.

She keeps her glance on the floor. She's fidgeting her hands. Halos hindi rin
mapakali ang kanyang mga paa. The think of losing the job scares the hell out of
her. Ayaw na niyang bumalik sa skwater! Hindi niya na alam kung kakayanin niya pa
ang pagmamaltrato roon.

Pigil ang hikbing hinayaan niyang lumabas ang kanyang luha. Bahagya niya pang
inilugay sa gilid ang kanyang mahaba at straight na buhok para hindi siya makita ng
doctor.

Then she thought about what Xamuel said. Surrogate. Surrogate ang kailangan ng
lalaki. Iyon ang trabahong kailangan niyang pasukan kung sakali. Nasapo niya ang
noo.

Natatakot siya at nagulat din dahil hindi niya naman inakalang ganoon pala ang
trabahong inaalok nito pero mas nananaig ang kagustuhan niyang makawala sa
impyernong skwater na iyon. Lahat gagawin niya para lang makawala doon. She's that
desperate. Kung ito ang magbibigay sa kanya ng buhay na kanyang inaasam noon pa
lang, then bakit hindi?

Halos limang minuto ang kanilang hinintay bago bumalik si Xamuel. Agad siyang nag-
angat ng tingin nang marinig ang pagbagsak ng pinto. Ngunit mabilis niya rin iyong
iniwas nang magtagpo ang mga mata nila ni Xamuel.

"So, what's your plan?" Dinig niyang tanong ng doctor.

Xamuel let out a sigh.


"My secretary said nag decline ang supposed to be surrogate,"anito.

Bahagyang nabuhayan ng loob si Ivory sa nalaman. Wala na siyang kaagaw kaso ang
tanong ay kung papayag ba si Xamuel na siya na lang nga ang maging surrogate.

"So, it means walang problema kung si Ivory ang maging surrogate mo, Mr. Cuanco."
Napaangat ang tingin niya sa sinabi ng doctor.

'Please, please. Pumayag na kayo…'

"I don't want to rush things. Bakit ka nga ba napadpad sa opisina ko, miss? And why
the hell are you in my building?"

Agad na umayos nang upo si Ivory at lumunok. Bahagyang nanginginig ang buong
katawan niya sa takot. Ibinaling niya ang tingin sa ibaba. Nakakatakot talaga si
Xamuel.

"N-Nag-aapply po kasi ako sa baba. Kasama ko ang kaibigan kong si Jasmin. Tapos
nag-cr po siya. Ang tagal niya kasi kaya sinundan ko. Nakita ko siyang pumasok ng
elevator k-kaya sumunod ako. Nakasabay ko iyong secretary niyo. Wala po akong ideya
na sa opisina niyo iyon pupunta. Paglabas ko po hindi ko na alam kung nasaan ako.
T-Tapos bigla po kayong lumabas at tinanong ako. Nabigla po ako tsaka desperado na
rin. Kailangan ko po talaga ng trabaho ngayong araw. Noong sinabi niyong trabaho,
kinuha ko na agad. 50-50 naman kasi kung matatanggap ako sa ibaba. S-Sorry po kung
nagsinungaling ako." She pauses and looks at him. Nakagat niya uli ang mga labi
nang magsalubong ang mga tingin nila.

"P-Please, sir. Gagawin ko po lahat para maayos ang pagbubuntis. P-Please po…"
pagmamakaawa niya. Hindi sumagot si Xamuel.

Namayani ang katahimikan sa kanila sa loob ng ilang minuto. Tumikhim ang doktora.

"Xamuel, I think there is no need to worry about her. She seems harmless. Isa pa,
mukha naman siyang healthy to bear a baby. Although, we still have to check her
medically. You are also running out of time, remember?" Napapikit at yuko na lang
si Ivory sa sinabi ng doktora.

'Please po, lord. Please…'

Taimtim niyang dasal na sana ay pakinggan. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng


lalaki.

"Okay, fine. But let's postpone that for tomorrow I need to background check her."
Mabilis pa sa alas kwatrong umangat ang tingin ni Ivory.

"Hindi na po ako tanggal?" tanong niya. Tumaas ang kilay ni Xamuel.

"Not really. I still need to check where you're from. We need to agree with the
terms before you sign the contract." Nanlaki ang mga mata niya at halos mapatalon
sa sobrang tuwa.

"Sir, thank you!" mangiyak-ngiyak niyang sabi. Walang reaksyon si Xamuel. Sa halip
ay binalingan nito ang doctor.

"We'll be back tomorrow for her check up then let's schedule the in vitro," anito
na agad tinanguan ng doctor.

Bumaling ito sa kanya.


"Let's go. We have a lot of things to talk."

***

Bumalik sila sa mansyon na pinanggalingan nila kanina. Walang pagsidlan ng saya sa


loob ni Ivory habang binabagtas nila ang daan pabalik. Hindi na siya babalik sa
skwater!

"What's your full name? Family? Where do you live?" Xamuel asks out of nowhere.
Mabilis siyang tumingin dito.

"Ako po si Ivory Perez. Iniwan po ako ng mga magulang ko sa aking tiyahin sa


skwater, pero minamaltrato niya naman ako. Kaya nakapagdesisyon po akong umalis na
lang. Kailangan ko po talaga ng trabaho at…m-matitirhan." Napahinto siya at kinagat
ang pang-ibabang labi.

Xamuel throws her a glance which she immediately dodged.

"It's okay. I like your honesty. And I'll let you stay for the night. Tomorrow,
I'll send you to the townhouse. As long as you're healthy to bear the baby, I'm
fine with it. Wala ka naman sigurong history sa drugs?" Agad siyang bumaling dito
at paulit-ulit na umiling. Tumango ang lalaki.

"Theft?"

"Wala po. Hindi po ako magnanakaw," agad niyang sabi.

Naningkit ang mga mata ng lalaki. "Transferrable disease? HIV? AIDS?"

"Wala po! Hindi po ako ganyan. Sa skwater lang po ako pero ni minsan hindi sumagi
sa isip ko ang magpokpok. Kaya wala po talaga." Umiling-iling ulit siya. Tumango
naman ulit si Xamuel.

"Good. Then we'll have no problem," anito at iniwas na ang tingin.

"Nakasakay ka na ba ng eroplano, Ivory?" Agad siyang napatitig dito.

"Hindi pa po, sir." Tumango tango ito.

"Get yourself ready. Sasakay ka ng eroplano. I'll be needing your papers as well.
We will fly to US." Nanlaki ang mga mata niya.

"P-Po?" Lumingon ito sa kanya.

"Ichi-check ka ng doctor ko bukas. Then we will fly to US. Doon isasagawa ang
transplant at in vitro."

Chapter 3
Malapad ang ngiti ni Ivory nang magising siya kinabukasan. Niyakap niya ang sarili
at ibinalot ang comforter sa kanyang katawan. Impit siyang nagtitili sa unan niya.
Para siyang nakalutang sa ulap. Hindi siya makapaniwala. Wala na siya sa mabahong
skwater!

At ito pa, makakarating na sita sa America! Ang sabi naman ng boss niya ito na ang
bahala sa mga papeles niya. Di niya nga alam paano nito ilalakad iyon sa maliit na
oras, pero wala naman kasing impossible sa mga mayayamang may sandamakmak na pera.

Napangiti siya sa sarili. Ito na ang simula ng kanyang pagbabagong buhay. This is
really it.

Huminga siya nang malalim at agad na bumaba ng kama. Inayos niya iyon gaya ng
pagkakaayos noon kagabi.

Pumasok siya sa banyo at agad na naghilamos. Tiningnan niya ang kanyang suot na
pinahiram lang noong isang kasambahay ni Xamuel. Pagkatapos mag-toothbrush ay
lumabas na rin siya. Pinasadahan niya pa ng tingin ang buong cr na halos bago lahat
ng gamit.

Nakarinig siya ng katok sa pinto.

"Maam, kakain na raw po sabi ni sir." Dinig niyang sabi ng kumatok.

Mabilis siyang pumunta sa pinto at binuksan iyon.

"Ay salamat po," sabi niya at agad na lumabas. Tumango lang ang kasambahay at
naunang bumaba. Nakayukong sumunod lang siya rito.

Napasadahan na niya ng tingin ang buong bahay kagabi pero hanggang ngayon ay
namamangha pa rin siya rito.

"Nandito na po si maam, sir," sabi ng kasambahay nang makarating sila sa dining.


Iniwan na rin siya nito.

Sumulyap siya sa lalaking nasa dulong upuan at naghihiwa ng bacon.

Nag-angat ng tingin si Xamuel.

"What are you still doing? Sit." Napalunok siya at agad na napaupo sa katabi noon.

Halos maging tuod pa siya dahil kinakabahan talaga siya pag sila lang dalawa nito
sa iisang lugar.

Tahimik at dahan-dahan siyang kumuha ng ulam at kanin. Baka kasi kung ano na naman
ang sabihin nito sa kanya. Halos tunog na nga lang ng kubyertos ang maririnig sa
buong dining.

Maya maya ay narinig niya itong tumikhim.

"I've bought you clothes. Pinadala ko sa kwarto mo. Magbihis ka pagkatapos. I'll
bring you to the townhouse already. You'll be staying there pagkauwi natin galing
America." walang tingin na sambit nito sa kanya. Lumunok siya at tumango na lang.

Pagkatapos na pagkatapos kumain ay agad siyang nagtungo sa kwartong tinulugan iya


kagabibat halos malula siya sa dami ng paperbags sa kama. Isa isa niya iyong
tiningnan at nanlaki nag mga mata niya nang mapagtantong halos lahat ng iyon ay
branded. Hindi pala halos dahil lahat ng iyon branded! Nakikita niya lang ang mga
iyon sa tv o di kaya ay sa social media accounts ng mga artistang minsan ay
tinitingnan ni Jasmin.

Naitakip niya ang kanyang kamay sa bibig at hindi makapaniwalang inisa isa ang mga
iyon.

'Hala, ang gaganda!'


Hindi niya alam kung ano ang susuotin at pipiliin kaya kung anong una niyang makita
ay iyon na lang ang inihanda niya. Isang simpleng puting polo dress tapos ay
paparesan niya na lang ng isang black belt na may dalawang G sa gitna. May nakita
siyang isang flats na puti kaya iyon na rin ang inihanda niya.

Pumasok na siya sa banyo at naligo. Binilisan niya pa kahit na gusto niya pa sanang
magbabad. Baka kasi sumigaw na namn ang boss niya. Ngayon niya lang napagtantong
ang suplado pala nito. Pero bahala na. Ang importante ay may trabaho na siya.

Pagkatapos magbihis ay nagsuklay lang siya at bahagyang inayos ang pagkakalugay ng


kanyang buhok. Kinagat-kagat niya ang kanyang labi para naman hindi iyon maputla.
Saktong tapos na siya at pumasok naman iyong kasambahay kanina. Napatayo siya.

"Ahm alis na po kami?" tanong niya rito. Tumango lang ito bago kinuha ang mga
paper bags. Agad din siyang tumalima para tulungan ito.

Sabay silang bumaba ng kasambahay habang dala- dala ang sandamakmak na mga
paperbags. Naabutan nila si Xamuel sa sala na may katawag. Nang mapansin sila nito
ay ibinaba nito ang telepono at binalingan sila.

"You ready?" tanong nito. Tumango lang siya.

Naunang maglakad si Xamuel kasunod ang maid tapos ay siya.

"Thank you po," sabi niya sa driver na kumuha ng dala niya. Pinagbuksan din siya
nito ng second seat.

Tahimik siyang pumasok doon at as usual ay nanatili siya sa gilid at hindi na


umusog pa. Nasa kabilang gilid din kasi si Xamuel.

***

Nakaramdam ng bahagyang pagkahilo si Ivory nang idilat niya ang kanyang mga mata.
Tiningnan niya ang paligid at umawang ang kanyang bibig nang makita ang lugar na
kinaroroonan nila. Napatingin siya sa katabi niyang sa bintana lang nakatingin.

Nakakalula! Pataas nang pataas ang binabagtas nilang daan.

"S-Sir nasaan po tayo?" kinakabahang tanong niya. Mabilis pa siyang nag-iwas ng


tingin nang lumingon ang lalaki.

"My private townhouse," maikling sagot nito. Nag-korteng o ang kanyang bibig.

Ikinalat niya ang paningin sa paligid at nakita niya ang maraming bahay na
nadadaanan nila. Ang gagara ng mga iyon!

Halos ilang minuto siyang namamangha nang sa wakas ay tumigil din sila sa isang
bahay. Halos magkakatulad ang mga kulay at disenyo ng bahay rito kaya para siyang
nahilo.

"Let's go," sambit ni Xamuel at naunang lumabas. Natatarantang lumabas na rin


siya.

Sinalubong sila ng isang nasa mid- 40s na babae mula sa pintuan ng bahay. Tuloy-
tuloy na pumasok si Xamuel kaya sumunod na rin siya. Nginitian niya lang iyong
babae at sumunod sa amo.

"You will be living here for the next 10 months. Groceries are provided already. No
need to worry. Nandito si Manang Sally para samahan ka. Safe sa village na ito.
It's a private property at kung wala ka sa registration, hindi ka makakapasok. I
will visit you twice a month and will keep in touch with you through phone kaya
siguraduhin mong palagi kang nakaabang sa cellphone mo." Bumaling ito sa kanya at
naglahad ng isang puting box.

Napalunok pa siya nang makita ang logo noon- isang apple. Nanginginig na tinanggap
niya iyon.

Tumikhim si Xamuel at tinawag ang babae kanina.

"Sally, this is Ivory, the surrogate of my child. I entrust her to you," sabi nito.
Tumango ang babae.

"Makakaasa ka, sir," sagot nito. Nahihiyang ngumiti lang si Ivory rito.

"Excuse me, sir. Ilalagay ko lang ito sa kwarto ni maam," paalam ni Sally at
nilagpasan sila. Dala dala nito ang mga paperbags niya.

Napahinga na naman siya ng malalim. She really feels awkward whenever she's around
with Xamuel.

"Let's set up your phone, Ivory." Dinig niyang sabi ni Xamuel kaya agad siyang
napatingin dito.

Umupo si Xamuel sa mahabang couch. Mabilis naman niyang inabot iyong cellphone at
umupo rin sa pang-isahang couch na katabi lang ng mahaba.

Pinanood niya ang pagkalikot ng boss niya sa cellphone. Ilang minuto pa ay ibinigay
nito iyon sa kanya.

"May manual naman. Kaya mo na yan di ba?" tanong nito. Mabilis siyang tumango at
pinaglapat ang mga labi. May nakikita na siyang ganito na ibinebenta ng mga
snatcher sa skwater kaya pamilyar na naman siya rito.

Bumuntong-hininga si Xamuel at inayos ang coat nito.

"We'll have a check up this afternoon. Pinaasikaso ko na rin ang mga papeles mo
para sa passport at visa. Right after check up, if you're good to go, we'll fly
immediately. I just need to report to work so you stay here. I'll fetch you later.
You can familiarize the house or have a rest. Marami kang pwedeng gawin. May wifi
at TV naman diyan. Naka-save ang number ko diyan. I'll just call you later." Sunod
- sunod na tumango si Ivory. Huminga nang malalim si Xamuel bago tumayo.

"Manang Sally, I'll go ahead," paalam nito sa kasambahay nila.

Naiwan sila ng Manang Sally roon. Napanguso siya at sumandal sa sofa. Tiningnan
niya ang buong bahay at masasabi niyang ang elegante talaga nito.

'Gaano kaya kayaman si Sir?'

Napailing na lang siya. Sa tingin niya, kasing yaman o di kaya naman ay mas mayaman
pa ito sa may-ari ng SM Malls o kay Willie Revillame. Grabe kasi talaga.

"Maam." Agad siyang napalingon nang tinawag ng kasambahay. "Kailangan ko lang pong
mamili ng gulay sa palengke. Iiwan ko po muna kayo," sabi nito. Bahagya siyang
natigilan.

"Ah sige po. Okay lang po ako rito," sagot niya na lang. Tumango ang kasambahay at
umalis na.
Nang maiwan siyang mag-isa ay nagdesisyon siyang mag-ayos na lang ng gamit. Umakyat
na siya sa itaas at tiningnan ang mga kwarto. Dalawa lang naman iyon kaya agad
niyang nahanap ang kanya noong makita ang mga paperbags niya.

Hindi mawala-wala ang kanyang mga ngiti nang makita ang isang malaking cabinet na
halis mapuno ng damit. Excited niyang binuksan ang mga iyon at isa isang in-arrange
sa malaking built-in cabinet.

Nang matapos siyang mag-ayos ay napaupo siya sa kanyang malambot at malaking kama.
Ni minsan sa buhay niya hindi niya akalaing matutupad ang mga pangarap niyang
ganito. At nangyari pa sa pinaka hindi niya inaasahang paraan!

Huminga siya nang malalim at napabangon. Tumingin siya sa paligid para tingnan kung
ano pang magagawa niya pero malinis naman ang paligid kaya hindi na niya kailangang
maglinis.

Bumuga siya ng hininga at kinuha ang phone na bigay ni Xamuel. Kinalikot niya lang
iyon gamit ang manual at inisa isa ang mga apps noon. Nang napunta siya sa contacts
ay tanging number ni Xamuel ang nandoon. Tsaka lang pumasok sa isip niya ang
bestfriend na si Jasmin.

Hindi niya pa ito natatawagan!

Agad na di-nial niya ang number nitong sinaulo na niya. Noon kasi ay ito palagi ang
tinatawagan niya pag may emergency kaya sinaulo na niya talaga ang number nito.

Hindi siya sure kung may load ang sim niya pero sinubukan niya pa rin. Laking tuwa
niya nang sumagot ito.

"Hello? Sino ito?" bungad ng kaibigan.

"Jasmin!" masayang bungad niya.

"I-Ivory?" Natawa siya. Halatang nagulat ang kaibigan.

"Hala ka! Hoy, bruha! Nasaan ka! Nakakaloka, bigla mo na lang akong iniwan! Hoy!
Babaita nag-aalala ako!"

Nakagat ni Ivory ang labi niya nang marinig ang kaibigan. Talagang napag-alala niya
ito. Na-guilty tuloy siya.

"Sorry. Sorry na, Jas. Ang dami kasing nangyari, e." Napakamot siya sa ulo, hindi
alam kung saan magsisimula.

"Aba't magkwento ka! Saan ka ba, ha? Pupuntahan kita!" Agad siyang napalinga sa
paligid. Tsaka siya napasapo sa noo.

Hindi niya alam ang eksaktong lokasyon nila! Nakatulog siya sa biyahe!

"Jas, teka lang ha. Tatawag ako uli, promise. May titingnan lang ako."

"Nako! Siguraduhin mo!"

"Oo nga!"

Binaba niya ang tawag at tumayo. Kagat ang kanyang kuko ay nilibot niya ang buong
bahay. Saan nga ba siya? Paikot ikot siya sa buong bahay hanggang sa nag-vibrate
ang cellphone niya. Tumatawag na naman si Jasmin.
Napabuga siya ng hininga at nagdesisyon na lumabas ng bahay. Nakakita siya ng susi
sa may center table kaya kinuha niya iyon bago lumabas. Nalaglag ang panga niya
nang makita ang kahabaan ng kalsadang binagtas nila kanina.

'Lalakarin ko ito? Hindi ko nga alam kung gaano ito kataas.'

Napakamot ulit siya sa kanyang ulo. Kinalikot niyang muli ang kanyang cellphone.
Tiningnan niya ang kanyang location at muling tinawagan si Jasmin.

"Cuanco Villages, malapit lang sa pinag-apply-an natin."

***

"Bakla!"

"Jasmin!"

Agad na tumakbo si Ivory at sinalubong ng yakap ang kaibigang si Jasmin. Bahagya pa


siyang nailang nang titigan sila ng mga guard sa guardhouse. Dito sila sa entrance
ng subdivision nagkita dahil naalala niya ang sinabi ni Xamuel na hindi basta
bastang nakakapasok ang mga hindi kilalang tao sa loob. Halos hingalin siya sa
paglalakad papunta sa main gate ng subdivision.

"Jusko ka Ivory! Nag-alala ako ha! Akala ko naman kung ano na ang nangyari sa'yo!"
palatak ni Jasmin sa kanya.

"Jas, pasensya ka na talaga. Ang dami lang talagang nangyari. Tsaka alam mo namang
wala akong cellphone." Ngumuso siya. Pinasadahan siya ng tingin ni Jasmin at ganoon
na lang ang panlalaki ng mga mata nito nang mapansin ang suot at hawak niya.

"Bakla! Hala siya! Shet! Ang mamahal nito! Gucci?! Tas iphone?! Hoy,babaita anong
nabingwit mo?!" Agad niyang pinanlakihan ng mata si Jasmin at kinurot sa tagiliran.

"Manahimik ka! Ikukwento ko!" saas niya rito. Agad na nag-zip mouth si Jasmin.
Hinila niya ito sa may plantbox at umupo sila roon.

Isinalaysay niya kay Jasmin ang mga nangyari simula noong pupuntahan niya sana ito,
ang pagkapadpad niya sa opisina ni Xamuel hanggang sa pag aalok nito ng trabaho at
ang mismong trabaho na napasukan niya pati na ang sinabi nitong pupunta sila ng US.
Wala siyang hindi sinabi. Kilala niya naman si Jasmin at ito ang bukod tangi niyang
pinagkakatiwalaan sa buong buhay niya.

Laglag ang panga ni Jasmin sa narinig.

"Oh my gosh! Shet asensado ka na nga! Hala naiiyak ako! Tsaka hala makakasakay ka
na ng eroplano?! Ano, doon na kayo forever?!" Umarte pa itong nagpapahid ng luha.
Natawa siya at sinapak ito.

"Shunga. Hindi. Uuwi kami agad dito pagka-successful na at buntis na ako. Dito ko
ipagpapatuloy ang pagbubuntis ko."

Mahigpit siya nitong niyakap at nagtalunan sila nang nagtalunan.

Sobrang saya ni Ivory na nakita ang kaibigan.

"Friend, masayang masaya ako para sayo! Nako, iyong tiyahin mo roon sa skwater?
Ayon! Nagwawala at hinahanap ka. Syempre di ko sinabi no!" proud na balita nito.
Bahagya siyang nanlumo at nag-alala.
"Baka mapahamak ka Jas. Alam mo namang adik ang kinakasama noon," sabi niya rito.
Umirap lang si Jasmin.

"Asus! Wag kang mag alala at lilipat na rin naman ako. Natanggap ako sa pinag-
apply-an natin!" Nanlaki ang mga mata ni Ivory at napayakap din sa kaibigan.

"Hala! Ang gandang balita, Jas!"

"Aba oo naman!"

Malapad na napangiti si Ivory. Kwento naman nang kwento si Jasmin. Parang dalawang
araw lang silang di nagkita pero ang dami na agad nangyari. Napailing na lang siya
habang nakikinig sa kadaldalan ng kaibigan.

Hindi niya namalayan kung ilang oras na silang nakatambay roon sa guard's house.
Nalilibang na rin kasi siya sa mga kwento ni Jasmin. Natigil lang sila sa
pagkukwentuhan nang umangat ang harang para sa mga sasakyan- tanda na may papasok.

Mas gumilid silang dalawa para padaanin ang sasakyan. Magkahawak kamay sila ni
Jasmin habang tinitingnan ang tinted na sasakyang dadaan. Halos lumuwa pa ang mata
ng kaibigan niya katititig ngunit laking pagtataka niya nang huminto iyon sa tapat
nila.

"Friend, anong problema niyan?" bulong ni Jasmin sa kanya. Siniko niya ito at
tiningnan lang ang sasakyan.

Baka may kausap lang sa kabila. Hindi iyon pinansin ni Ivort hanggang sa bumaba ang
bintana ng second seat.

"What the fuck are you doing here?" Agad na nanlaki ang kanyang mga mata nang
magkasalubong ang tingin nila ng kanyang boss.

Kunot noong nakatitig sa kanya si Xamuel at halatang hindi nito nagugustuhan ang
nakikita. Napalunok siya at napakapit kay Jasmin.

"A-Aray friend!"

"I am asking you Ivory," malamig at mariin nitong sabi na nagpalingon sa kaibigan
niya. Lumunok ulit siya.

"S-Sir Xamuel….

Chapter 4
"Sakay."

Agad na tumalima si Ivory nang sabihin iyon ni Xamuel. Nanlaki naman ang mga mata
ni Jasmin. Pinisil niya lang ang kamay ng kaibigan at marahang tinanguan na para
bang sinasabing okay lang siya. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng kaibigan niya nang
tuluyan na siyang sumakay sa sasakyan.

Nakagat ni Ivory ang kanyang mga labi nang umandar na ang sasakyan. Halos lumuwa na
ang puso niya sa sobrang bilis ng kabog nito. Kung noon ay awkward pag magkasama
sila ni Xamuel, ngayon ay natatakot siya. Natatakot siya sa maaaring gawin nito.

'Kasi naman Ivory!'


Dumiin ang pagkakakagat niya sa kanyang labi.

Buong biyahe papunta sa bahay ay nakayuko lang siya. Nang pumarada ang sasakyan ay
tsaka lang siya gumalaw. Naunang lumabas si Xamuel. Bahagya pa siyang nagulat nang
pabalyang isinara ni Xamuel ang pinto ng sasakyan. Napapikit na lang siya at bumaba
na rin.

Sumunod siya rito papasok.

"Ma'am! Nako! Saan po kayo nagpunta?!" alalang bungad ni Sally sa kanya. Mas lalo
siyang yumuko lalo na noong tingnan siya nang masama ni Xamuel.

"Who the hell told you to go out and meet someone?! And who the hell told you to
give my address to fucking anyone?!" Dumagundong ang sigaw ni Xamuel sa buong
townhouse.

Halos manginig si Ivory sa takot. Kagat kagat niya ang labi para pigilang tumakas
ang luha at hikbing kanina pa nagbabadyang lumabas.

"Answer me!" Napaigtad siya sa gulat nang mariing hinawakan ni Xamuel ang kanyang
baba at iniangat para magtama ang kanilang mga tingin.

Xamuel's brown eyes pierced through her soul. Matalim siya nitong tinitigan.
Napalunok siya.

"S-Sir… k-kaibigan ko po si J-Jasmin. P-Pasensya na po… gusto ko lang pong ipaalam


sa kanyang o-okay lang ako. H-Hindi na po mauulit. S-Sorry po…" mangiyak ngiyak
niyang sabi.

"You always say sorry, yet you always do it again!"

Doon na tuluyang tumulo ang kanyang mga luha. Bahagya namang na-alarma si Xamuel at
agad na binitiwan siya. Nag-iwas ng tingin ang lalaki.

"S-Sorry po, s-sir. Wag niyo po ako t-tanggalin, please…" humihikbing pakiusap ni
Ivory. Bumuntong-hininga si Xamuel.

"Kaibigan mo iyon?" malamig na tanong nito. Mahinang tumango si Ivory kahit na


hindi siya nito nakikita.

"O-Opo."

"Fine. This is your last warning, Ivory. Ayoko ng mga hindi sumusunod. Everything
you do and decide, inform me first. Remember, pinapasweldo kita at dadalhin mo sa
sinapupunan mo ang tagapagmana ko. Don't push me to my limits." Halos kilabutan
siya sa lamig ng boses nito.

"O-Opo..." Hindi na siya nito pinansin at umalis na.

"Sally, bihisan mo iyan at pakainin ng tanghalian. Aalis kami mamaya." Rinig niyang
sabi pa nito bago tuluyang mawala sa paningin niya.

Doon lang siyang nakahinga nang maluwag at napaupo sa sofa. Pinahid niya ang
kanyang mga luha at kinalma ang sarili. Lumapit sa kanya si Sally.

"Halika na po maam, ready na ang tanghalian. Ihahanda ko na rin po ang mga gamit
niyo," anito sa kanya. Mahinang tumango lang siya at sumunod na rito.
Tahimik siyang kumain ng tanghalian. Mag-isa lang siya. Panay pa ang lingon niya sa
sala pero wala naman doon si Xamuel. Si Sally naman ay nasa kanyang kwarto at nag-
aasikaso ng kanyang mga isusuot.

Napatitig siya sa hapag. Noon pa lang pinapangarap na niya ang ganitong buhay.
Iyong pagsisilbihan at wala na siyang poproblemahin pa. Kaya lang napaisip siya,
makakatagal ba siya sa amo niya?

Bahagya siyang lumunok. Naalala niya na naman ang takot niya rito. Kinagat niya ang
labi at mariing iniling ang ulo.

'Hindi, Ivory. Kaya mo yan. Wag mo lang siyang suwayin. Mas mabuti na ito kaysa
naman bumalik ka sa skwater.'

Bumuntong-hininga siya at tinuloy na lang ang pagkain. Dapat niyang tatagan ang
loob niya. Pagkatapos naman ng siyam na buwan ay aalis na siya at makakapagbagong
buhay na rin sa wakas.

Pagkatapos niyang kumain ay dumiretso na rin siya sa kwarto niya at naligo. Mabilis
lang iyon dahil baka magalit na naman sa kanya ang amo niya. Pagkalabas ng banyo ay
isinuot niya ang inihandang bestida ni Sally.

Isa iyong flowy dress na may tatak na LV. Nang matapos na siya sa simpleng pag-
aayos ay lumabas na rin siya at bumaba. Naabutan niya si Sally sa dining at
nagliligpit ng pinagkainan. Nang dumako ang tingin niya sa living room ay
napakunot ang noo niya dahil wala roon si Xamuel.

"Uhm, a-ate nasaan po si s-sir?" tawag niya kay Sally. Lumingon ito.

"Nasa labas maam. Sabi niya nga pala kung tapos na kayo lumabas na kayo kasi may
check up kayo." Mabilis siyang tumango at tumalima rito.

Nakayukong lumabas siya. Naang makita niyang nasa loob na ng sasakyan si Xamuel ay
mabilis siyang lumapit doon. Agad naman siyang pinagbuksan ng driver. Pumasok siya
sa loob at nanatili sa kanyang pwesto.

"Sa hospital, John." Dinig niyang sabi ni Xamuel.

Buong biyahe ay nakatingin at sandal lang siya sa bintana. Halos mag-iisang oras
yata silang nasa daan bago makarating sa hospital.

Walang imik lang siyang sumunod sa kanyang boss. Nakita niya ulit iyong doktorang
tumingin sa kanya noon. Iba't ibang test ang ginawa sa kanya. Halos ilang oras din
silang naghintay ng mga resulta sa kanyang mga test.

Nang makuha nila lahat iyon ay pumasok sila sa opisina noong doktor. Pinaupo sila
ni Xamuel sa
dalawang visiting chair sa harap ng doktor.

"Her test results show that she's healthy, Xamuel. There's nothing wrong with her.
You can already leave asap. I'll call my sister in US to tell her that we'll
proceed with the process immediately." Dinig niyang sabi ng doktor. Nanatili siyang
nakayuko.

Medyo pamilyar naman siya sa mga sinasabi nito. Isa pa, nag-search sila ni Jasmin
ng tungkol sa surrogacy kaya medyo may alam na rin siya tungkol doon.

"Good. I already got her papers. I'll book a ticket later," sagot naman ni Xamuel.
Ngumiti ang doktora.
"I guess we'll be going now, doc. I still have a dinner meeting."

Tumayo si Xamuel kaya tumayo na rin siya. Nakipagkamay ang boss niya sa doktora.
Bahagya lang siyang ngumiti rito bago tumalikod. As usual, nakasunod lang siya kay
Xamuel at tahimik lang sila.

Ayaw na niyang magsalita at baka kung ano na naman ang masabi niya. Ayaw na niyang
galitin ulit ang lalaki. Dahil rush hour ay mas matagal silang nakabalik sa
townhouse. Pansin niyang panay ang tingin ni Xamuel sa relo nito at panay pa ang
mahihinang mura. Ipinilig niya na lang ang ulo at hindi na ito pinansin baka kung
ano na naman ang mangyari.

"You heard the doctor, Ivory. Mag-empake ka na ng mga gamit mo. Sabihan mo rin si
Manang Sally. Bukas na bukas, aalis tayo pa-America," bilin nito sa kanya
pagkarating nila ng bahay. Tumango siya at bumuntong-hininga na lang bago pumasok
na ng bahay.

Naabutan niya si Sally na naghahanda ng hapunan. Nilapitan niya ito.

"O, maam nandito na pala kayo, halina po kayo at kumain," aya nito sa kanya.
Ngumiti lang siya at umupo na.

Hinintay niya munang matapos sa paghahanda si Sally.

"Uhm, sabay na po kayo sa akin. Ang lungkot kasing kumain mag-isa," aniya rito.

Tipid niyang nginitian anf kasambahay. Napabuntong-hininga naman ito bago ngumiti
at tumango. Umupo ito sa kanyang tapat.

"Nako, maam, ito kain kayo at masarap ang pagkakaluto ko niyan." Bahagyang natawa
si Ivory nang paghainan siya nito ng ulam.

"Nako, ako na po," saway niya. Ngumiti lang si Sally at tinuloy ang ginagawa.

"Sabi nga po pala ni sir maghanda raw tayo. Aalis daw tayo pa- America bukas."
Tiningnan lang siya ni Sally saka nginitian at tinanguan.

Huminga nang malalim si Ivory.

"Matagal ka na po kay sir, ate?" tanong niya rito. Bahagyang tumigil si Sally at
napatigil sa kanya. Nagkibit-balikat siya.

Curious lang kasi siya tsaka para naman kahit paano ay may mapag-usapan sila.

"Ay, medyo po. Ako ang yaya niyang ni Xamuel noong bata pa. Umalis lang ako noong
nag-asawa na siya. Pero hindi kami nawalan ng komunikasyon. Kinailangan ko lang
kasing asikasuhin ang asawa kong may sakit noon." Kumunot ang noo ni Ivory.

"Saan na po ang asawa niyo?" Malungkot na ngumiti si Sally.

"Wala na siya." Nakagat ni Ivory ang labi.

"Sorry po," nakayukong sabi niya. Ngumiti lang ang kasambahay.

"Okay lang." Natahimik ulit sila.

Nagsimula nang kumain si Ivory.


"Uhm, ganoon po ba talaga kasungit si sir?" Nakagat niya ang labi. Nag-angat ng
tingin si Sally at malungkot ulit na ngumiti.

"Sa totoo lang, hindi. Nako, sobrang sweet niyang batang iyan. Napaka-gentleman.
Alagang alaga nga niyan iyong namatay niyang asawa. Ni hindi niya iyon pinapadapuan
ng lamok. Mabait naman iyang si Xamuel. Nagbago lang naman lahat noong namatay si
Maam Mesty. Simula noon naging malamig na ang turing niya sa iba. Hindi na
ngumingiti. Naging mainitin ang ulo at mabilis nang magalit. Ulila na rin kasi
iyan. Noong namatay iyong mga magulang niya, si Maam Mesty ang naging hugutan niya
ng lakas kaya noong nawala ito ay talagang gumuho ang mundo niya. Naaawa nga ako sa
alaga kong iyan. Alam ko namang hanggang ngayon ay hindi pa rin iyan nakaka-move
on."

Sandaling natigilan si Ivory. Bumuntong-hininga siya. Ang laki pala ng hugot ng amo
niya. Hindi niya alam kung bakit siya nakaramdam ng lungkot. Siguro dahil pareho
silang wala ng mga magulang at alam niya ang pakiramdam ng nag-iisa. Maswerte lang
ito dahil lumaki ito sa marangyang buhay.

Huminga siya nang malalim.

"Kawawa pala si sir."

Chapter 5
Kinabukasan, maagang sinundo sina Ivory sa bahay. Dala dala na nila ang mga bagahe
nila. Hindi niya pa nga alam kung paano eempake iyon dahil wala rin naman sinabi si
Xamuel kung ilang araw sila sa America. Pero sabi naman ni Sally hindi niya dapat
problemahin ang mga damit.

"Ate, may bahay po sila sir sa America?" tanong niya kay Sally habang nilalabas
nila ang mga bagahe.

"Ay nako, oo. May mansion ang mga Cuanco roon. Kasi noon, doon sila nagsi-celebrate
ng mga holidays o mga importanteng okasyon. Halos lahat din ng kamag-anak nila ay
nandoon na. Pero itong si Xamuel mas gusto rito sa Pilipinas kasi dito nakatira
iyong nasira niyang asawa." Tumango tango na lang siya sa sinabi ni Sally.

Tinulungan na sila ng driver ni Xamuel sa pagpasok ng mga bagahe. Pagkapasok niya


sa kotse ay agad niyang nakita ang tulog niyang boss. Ibang iba ang ayos nito.
Naka-casual lang kasi ito, hindi kagaya ng palagi niyang nakikita. Naninibago tuloy
siya.

Masyadong matagal ang naging biyahe. Sinabihan na rin naman siya kanina. Medyo
nahihilo pa nga siya at hindi komportable dahil naninibago siya sa amoy at lipad ng
eroplano. Mabuti na lang kamo at business class ang kinuhang ticket ni Xamuel.

Tulog si Ivory sa kahabaan ng biyahe. Kung nagigising man siya ay saglit lang dahil
nalulula na naman siya. Para siyang masusuka kaya pinipilit niyang matulog na lang.

Nang makalapag sila sa Los Angeles ay parang lantang gulay na siya. Halos matumba
pa siya nang pababa sila ng eroplano.

"Nako, hija, ayos ka lang?" tanong ni Sally sa kanya. Tumango lang siya rito at
tipid na ngumiti.

Nilingon siya ni Xamuel.

"When we get to the house, you take some rest first. I'll schedule us tomorrow. I
just have to meet my lawyer friend here foe the contract draft,"sambit nito bago
sila sumakay sa sasakyan nito.

Nakasandal lang si Ivory sa likod ng upuan habang papunta sila sa mansion ng mga
Cuanco. Gusto niya sanang i-appreciate ang ganda ng mga nadadaanan nila pero
talagang wala siyang lakas para gawin iyon.

Hanggang sa makarating sila sa mansion ng mga Cuanco. Nagningning na naman ang


kanyang mga mata pagkakita ng kabuuhan ng mansion.

"Manang Sally, ikaw na ang bahala kay Ivory. May lalakarin lang ako," bilin nito sa
kanila.

Buong araw na nagpahinga na lang si Ivory at nang maibsan ang kanyang jetlag.

***

Surrogacy process here in LA is quite complex, but there's nothing money can't do.
Xamuel is willing to pay billions to have his heir. He had to pull some strings to
keep the process confidential. Mabuti na lang at iyong family doctor nila ay may
kamag-anak dito. She owns a private clinic and she's quite popular here. Marami na
itong naging successful surrogacy process.

Isinama ni Xamuel si Ivory sa clinic kinabukasan. Isinagawa na nila ang in vitro


fertilization. Nagsagawa na sila ng sperm retrieval kay Xamuel at ni-mate ito sa
frozen egg cell ng kanyang asawa sa laboratory.

Hindi napansin ni Ivory kung ilang oras ang naging procedure. Nanatili lang kasi
siya sa clinic ng doktora dahil dito raw nila gagawin ang contract signing para sa
pagiging surrogate niya.

Inabala na lang niya ang sarili sa panonood ng kung ano anong videos sa youtube.
May wifi naman kasi rito sa hospital. Kung minsan ay china-chat niya si Jasmin.
Sinabi na rin niya rito ang tungkol sa nangyari noong isang araw. Nag-sorry lang
ang kaibigan at nangakong hindi naman ipagsasabi kung nasaan siya.

Mukhang wala naman siyang choice kung hindi ang sumunod kay Xamuel. Kaya sinabihan
niya na lang si Jasmin na text o chat na lang sila magkamustahan. Sinabi niya rin
dito na nasa America na siya at ginagawa na ang proseso

Nasa kalagitnaan siya ng panonood nang bumukas ang pinto ng clinic. Agad siyang
napaayos ng upo. Magkasunod na pumasok ang doktor at si Xamuel. Sa likod ni Xamuel
ay ang isa pang lalaking naka itim na suit at may dalang brief case.

"Ivory, this is Attorney Legaspi. I asked him to prepare the contract for us."
Ibinigay ng attorney ang isang folder kay Xamuel na inabot naman ng lalaki sa
kanya.

Kinuha niya iyon. Naupo ang dalawang binata sa katapat ng couch niya.

"Nakasaad diyan ang terms of condition ko sa nine months. Nakasulat din diyan na
pagkatapos mong manganak, kinakailangan mo pa rin supply-an ng gatas ang anak ko
for at least two months." Dinig niyang sabi ni Xamuel. Tumingala siya at bahagyang
ngumiti.

"Wala naman pong problema, sir." Tumango si Xamuel. Inabutan siya ng abogado ng
ballpen.
"Well, let us all hope for a good result. I will contact you after two to five days
for the embryo planting. Just make sure that she live a healthy life. Avoid stress,
Miss Ivory," baling ng doktor sa kanya. Bahagya lang siyang ngumiti at tumango.

Tinapos niya ang pagpirma ng kontrata at ibinalik iyon sa abogado. Tumayo si Xamuel
pagkatapos.

"We'll be leaving then," anito. Tumayo na rin siya at sumunod sa amo.

Nagdaan ang mga araw at nanatili lang si Ivory sa mansion ng mga Cuanco. Kung
minsan ay ipinapasyal siya ni Xamuel kasama si manang Sally. Halos mapuno na nga
niya ng pictures ang kanyang iphone. Sobrang ganda ng America tapos ang tatangkad
pa ng mga tao.

Makalipas ang tatlong araw ay kinontak na nga si Xamuel ng doktora kaya agad silang
bumalik sa clinic nito

"Just relax, Ivory. This won't take long okay?" Tango lang ang isinagot ni Ivory.

Huminga siya nang malalim at kinalma ang sarili. Nakahiga na siya sa patient's bed.
In-explain naman sa kanya ang gagawing procedure sa kanya. Bibigyan din siya ng
mild sedative gaya ng request ni Xamuel. Ang sabi rin naman ng doktora ay painless
naman ang magiging procedure. Medyo makakaramdam lang siya ng cramps.

"Okay, Ivory, I will start now," sabi ng doktor.

Bumuntong-hininga ulit si Ivory nang naramdaman na niya ang catheter na ini-insert


sa kanya. Napapikit siya. Ito na ang simula ng kanyang pagbabagong buhay.

***

Two weeks after the egg retrieval…

Nakaupo si Ivory sa visiting chair ni doktora habang hinihintay ito para sa kanyang
pregnancy test result.

Pagkatapos ng transplant ay bumalik na siya sa dati niyang mga routine. Though wala
naman siyang masyadong ginagawa sa mansion at hindi rin siya masyadong lumalabas
dahil nga di naman niya kabisado ang lugar. Busy si Xamuel sa opisina nito kaya
kung hindi siya nanonood ng TV ay tinutulungan niya si Manang Sally sa pagluluto.
Mas gusto kasi ni Xamuel ang mga lutong pinoy dahil puro burger yata ang makakain
dito.

May mga naramdaman siyang side effects gaya ng constipation, mild bloating at mild
cramping. Medyo sensitive din ang kanyang dibdib pero sabi naman ng doktor ay
normal lang daw iyon pagkatapos ng transplant.

Nasa harap niya si Xamuel na nakatutok lang sa cellphone. Bumuntong-hininga siya at


sumandal sa upuan. Sabay pa silang napalingon ni nang bumukas ang pinto. Niluwa
nito ang nakangiting si doktora. May hawak itong mga papel nang lumapit sa lamesa
at naupo sa swivel chair nito.

"A very good news, Xamuel. Ivory, here is pregnant. She is bearing you heir,
Xamuel," ngiting ngiting sabi ng doktora.

Sandaling natulala si Ivory at kapagkuwan ay napatitig sa kanyang tiyan. Natulala


rin si Xamuel at napatitig sa kanya- tila hindi makapaniwala sa sinabi ng doktora.
Napaigtad pa si Ivory nang biglang yumuko si Xamuel at hinawakan ang kanyang tiyan.

"My baby… Our baby…" Napakurap kurap si Ivory.

'Tama ba itong nakikita ko? U-Umiiyak si Sir Xamuel?'

Hindi niya alam kung bakit ganoon ang kanyang nararamdaman. Alam niya namang ang
tinutukoy nito sa sinabing 'our' ay ang namayapang asawa ngunit sadyang hindi niya
napigilan ang pagtalon ng kanyang puso.

Napalunok siya at agad na naglihis ng tingin. Tumikhim si doktora dahilan ng pag-


ayos ng upo ni Xamuel.

"Thank you, doc," anito sa doktor.

"No problem, Xamuel. I will have a general check up on her again to make sure that
she's healthy and safe for travel." Tumango si Xamuel at tumayo na.

Sumunod na rin siya rito.

Sinabihan siya na babalik sila bukas para sa check up kung okay ba talaga siya para
sa mga mahahabang biyahe. Umuwi na rin sila pagkatapos noon.

Hindi niya alam kung bakit pero kakaiba ang araw na iyon sa mga araw na nakasama
niya ito. Parang mas umaliwalas ang awra nito ngayon. Bahagya siyang napangiti.

Nang makarating sila sa mansion ay agad siya nitong pinapasok at inalalayan.


Pinaupo siya nito sa sofa.

"You're now pregnant. I want you to take care of yourself, Ivory. Pagkabalik natin
ng Pilipinas, sa townhouse ka na Dadalaw- dalawin kita roon. Please don't do
anything that can hurt my baby." Parang may kung anong humaplos sa puso ni Ivory
nang marinig iyon.

"Wag po kayong mag-aalala, Sir Xamuel. Aalagaan ko po ang magiging anak ninyo.
Sinisigurado ko po yan," nginiting sambit niya rito. Sandali siyang tinitigan ni
Xamuel bago ito tumango.

"Mabuti. I'll keep in touch, Ivory. I'll also make sure that you get all the things
that you need. Kung may problema o kung may kailangan ka, do not hesitate to call
me." Bahagyang lumuhod si Xamuel at lumibel ang mukha nito sa kanyang sinapupunan.

Huminga nang malalim si Ivory nang idantay ni Xamuel ang isang kamay sa kanyang
tiyan. Hindi niya alam kung namalikmata lang ba siya pero parang nakita niyang
bahagyang umangat ang mga sulok ng labi ng lalaki.

'Sana ngumiti ka na, sir. Kung itong batang ito ang magpapangiti sa iyo, aalagaan
ko ito.'

She felt really weird. Parang all of a sudden ay gusto niya na lang makita itong
ngumiti.

Chapter 6
Nasapo ni Ivory ang noo pagkapasok nila ni Sally ng townhouse.

"Are you okay?" agad na tanong ni Xamuel nang mapansin siyang ganoon. Bahagya pa
siyang napaigtad.

"U-Uhmm wala po sir, nahilo lang ako." Tipid siyang ngumiti rito. Tinitigan siya ni
Xamuel.

"Ivory, if you feel something bad, you tell me. Do you understand? I don't want you
to be in danger. You're bearing my child." Bahagya siyang napatungo at mahinang
tumango. Narinig niyang bumuntong-hininga iyong boss niya.

"Manang Sally, please bring the luggages upstairs. Patulong ka na lang po kay
manong. Ivory, c'mon ihahatid na kita sa kwarto mo." Hinawakan niya ang braso ng
babae kaya bahagyang napaigtad si Ivory.

Hindi na lang siya nagsalita nang inalalayan siya ng lalaki. Hinatid siya nito sa
kanyang kwarto at pinahiga pa sa kama. Kinumutan na parang bata at kulang na lang
ito na ang magpapikit sa mga mata niya.

"Call me if you need anything, Ivory. I'll just go to the office. I need to fix
some things. Don't worrt I'll visit you once in a while." Hinaplos nito ang kanyang
buhok. Napatitig naman siya rito.

Unti unti niyang nakikita ang sinasabi ni Sally na maalagaing Xamuel. He's treating
her like a fragile glass na isang tabig mo lang ay agad nang mabibiyak.

Tipid siyang ngumiti at mahinang tumango. Bumuntong-hininga si Xamuel tsaka tumayo.


Naglakad ito palabas bago dahan dahang isinara ang pinto ng kanyang kwarto.
Napatitig tuloy siya doon. Laki ng pinagbago ng boos niya.

Mahigit 4 weeks na simula noong nalaman nitong buntis siya. Hindi sila agad
nakalipad pauwi dahil sa advice ng doktor kaya sa LA na muna sila nag-stay. Sa
buong stay nila roon ay ramdam na ramdam niya ang pag-aalaga ni Xamuel. Nahihilo at
nagsusuka na kasi siya. Kulang na lang ay tabihan siya ni Xamuel buong araw para
lang tutukan siya.

Hindi na nga ito nakakapagtrabaho dahil inaalagaan siya. Kaya siguro nagmamadali
iyong umalis. Bumuntong - hininga na lang siya at inayos ang kumot. Ipinikit niya
ang kanyang mga mata at tuluyan nang nagpadala sa antok.

***

Kinabukasan nagising si Ivory na sobrang bigat ang pakiramdam. Tipong babangon na


sana siya pero agad din siyang napahiga dahil umiikot talaga ang paningin niya.

Sinubukan niya ulit pero talagang umiikot ang lahat ng nasa paligid niya. Napahawak
siya sa kanyang bibig nang bigla siyang makaramdam ng pagduduwal.

'Ano ba ito!'

Kahit na umiikot ang paningin ay napilitan siyang tumayo at magpunta ng banyo.


Mabilis niyang binuksan anf inidoro at halos isubsob na ang mukha niya roon. Lahat
yata ng kinain niya kagabi ay nailabas niya.

Napangiwi siya sa sangsang ng amoy at agad na kinalabit ang flash ng inidoro.


Humihingal na tinabig niya ang mga buhok na humarang sa kanyang mukha.

"Ivory?" Bahagya siyang natigilan at agad na napalingon nang marinig ang baritonong
boses na iyon.

Mabilis na nanlaki ang mga mata ni Xamuel nang makita ang ayos ng kanyang mukha.
Agad itong dumalo sa kanya at walang ano-ano'y binuhat siya. Muling umikot ang
kanyang paningin kaya nagpatianod na lang siya. Narinig niya pa ang sunod sunod na
pagmumura ni Xamuel habang tumatakbo palabas ng townhouse.

"Manong ang sasakyan bilis!" Dinig niyang sigaw nito. Sinundan iyon ng
natatarantang sigaw ni Sally.

"Dadalhin ko lang siya sa hospital, ikaw nang bahala diyan, manang," muling sigaw
ni Xamuel bago siya dahan dahang inihiga sa backseat.

Hilong hilo na talaga siya kaya hindi na niya namalayan kung ano na ang nangyari.
She's almost unconcious on the way to the hospital. Laking pasalamat niya at hindi
na siya naduduwal. Pero talagang hilong hilo na siya.

Tarantang taranta si Xamuel habang dina-dial ang number ng doktor ni Ivory. Panay
pa ang lingon niya sa babae na nakapikit na ang mga mata.

Pagkaparada nila sa emergency ay agad na lumabas si Xamuel at binuhat si Ivory


pababas.

"Xamuel, what happened?!" salubong ng doktor ni Ivory.

Nasabunutan niya ang kanyang buhok habang nakatingin kay Ivory na nakahiga na sa
hospital bed.

"I-I don't know! Naabutan ko siya sa banyo halos isubsob na sa toilet bowl. She's
like throwing her stomach out! I panicked so I immediately bring her here."
Bumuntong-hininga ang doktor at agad na pinuntahan at ni-check si Ivory.

Naupo si Xamuel sa waiting area habang inaasikaso si Ivory. Ilang sandali pa ay


pinalipat na ito sa isang private room.

"Xamuel," tawag ng doktor sa kanya. Bumuntong-hininga siya at saka lumapit dito.

"Is she fine? What about the baby?" he asked. The doctor just smiled.

"She's fine, Xamuel. Actually that was just part of her morning sickness. That's
normal. Mukhang masyado kang naging paranoid." Kumunot ang noo ni Xamuel.

"Normal? She almost fainted while vomiting!" he insisted. Ngumiti lang ulit ang
doktor at tinapik siya sa balikat.

"C'mon, Xamuel, chill. Everything will be all right. Siguro ganoon lang talaga siya
magbuntis. Isa pa kagagaling niyo lang sa travel so baka may slight jetlag pa siya
lalo na at hindi pa siya sanay sa ganoon kahahabang biyahe. Pina-swero ko na lang
muna siya dahil mukhang dehydrated siya kanina. Just let her finish her IV and then
you can take her home already. I'll go ahead, Xamuel." Tinapik siyang muli ng
doktor bago ito umalis.

Bumalik ang tingin niya sa babaeng nasa loob ng kwarto at napabuntong-hininga na


lang.

***

Naalimpungatan si Ivory nang tumama ang liwanag mula sa bintana ng hospital.

"Uy, gising ka na pala? Nako, gutom ka ba?" Dahan-dahan siyang bumangon at kinusot
kusot ang mga mata. Naaninag niya si Sally sa gilid ng kanyang kama.
Tipid niya lang itong nginitian.

"Gusto mong prutas? Ipagbabalat kita. Ano bang gusto mo? Orange o itong apple?"
tanong nito sa kanya. Bahagya siyang umayos ng upi at sumandal sa head board.

"Kahit ano na po…" Tiningnan siya nito at nginitian. Pinakita nito ang orange sa
kanya.

"Ito na lang para mas maging hydrated ka. Sabi ni doktora, tapusin mo lang muna
iyang swero at nang makauwi na tayo. Na-dehydrate ka raw. Kasi namang bata ka,
ganyan ka pala magbuntis? Nako, sa susunod, tawagin mo ako ha? Nako, si Xamuel ayon
grabe ang pag-aaalala sa'yo!" Bahagya siyang napaiwas ng tingin at napanguso.

Bumalik sa kanya ang pagkataranta ni Xamuel kanina. Nakagat niya ang labi.

"G-Ganoon po ba talaga siya mag-alala?" nahihiyang tanong niya, hindi pa rin


tumitingin kay Sally.

"Ay nako, grabe! Iyong nangyari kanina? Walang wala iyon, hija. Noon magkasakit
lang si Mesty ay nako, kahit sinat lang iyan itatakbo niya sa hospital. Ganoon ka
praning iyon." Bahagyang tumawa si Sally. Ipinaglapat niya ang kanyang mga labi at
napahawak sa kanyang tiyan.

'Nako, Ivory, hindi ikaw ang inaalagaan noon. Iyong baby lang ang inaalagaan niya.'

Bumuntong-hininga siya.

"O, ito, kain ka na." Inabot nito ang orange. Tinanggap niya naman iyon.

"Salamat po," sabi niya rito at nginitian ito.

***

Kinahapunan ay pinauwi na rin ng doktor si Ivory.

"Nako, halika. Upo ka muna dito sa sofa at nang makapagluto ako. Magti-tinola ako.
Paborito ni Xamuel iyon," sambit ni Sally kay Ivory.

Ngumiti naman si Ivory at tinanguan ito.

"Nako, ikaw ba ay kumakain ng tinola?" tanong pa nito sa kanya. Natawa siya.

"Oo naman po!"

"O, siya sige, teka lang at magluluto ako." Tinanguan niya lang ito bago sumandal
sa likod ng sofa.

Kinuha niya ang remote ng TV at ni-on iyon. Hinimas niya ang kanyang tiyan. Medyo
hindi na siya nakakaramdam ng pagkahilo at hindi na rin naman siya nasusuka pa. She
feels a lot better now.

Nilibang na lang niya ang sarili sa panonood ng TV habang hinihintay na maluto ang
tinola ni Sally.

Nasa kalagitnaan ng panonood si Ivory nang marinig niya ang busina ng sasakyan sa
labas. Agad siyang napabaling sa pinto. Inabangan niya pa ang pagbukas noon kahit
na halos lumuwa na ang puso niya sa sobrang kaba.
Nang bumukas ang pinto ay agad siyang napaayos ng upo. Pumasok doon si Xamuel. Nasa
isang kamay nito ang coat.

"Good evening po sir," bati niya rito. Agad namang napatingin sa kanya ang lalaki
at agad na lumapit sa kanya.

"Hey, are you fine now?" Bahagya pa siyang napaatras nang hawakan nito ang noo
niya. Tipid siyang ngumiti.

"Opo sir. Magaan na ang pakiramdam ko. Salamat nga po pala kanina." Nag-iwas siya
ng tingin. Bumuntong-hininga si Xamuel.

"You really got me worried earlier." Bakas sa boses nito ang pag-aalala. Napatitig
pa siya rito. Talagang hindi pa siya nasasanat na ganoon kabait at kalambot ang amo
niya. Ang nakikita niya kasi ay iyong boss na masungit at walang paki sa buhay.

Bumuntong-hininga siya at napayuko na lang. Binalot sila ng katahimikan. Kulang na


nga lang ay tunugan sila ng mga kuliglig.

"Halina kayo at kakain na!" Sabay silang napatingin sa kusina. Agad namang tumayo
si Ivory.

"Uhm sir, halina po kayo," nahihiyang sabi niya rito. Nag-alangan pa siyang mauna
sa kusina pero agad namang tumayo si Xamuel.

Tahimik lang silang kumain kahit na dinadaldal sila ni Sally. Ewan ba ni Ivory,
awkward lang talaga siya pag kasama ang boss niya. Tapos hindi pa siya sanay sa
pagbabago ng ugali at trato nito sa kanya.

"I know you feel awkward. Don't worry, I'll go after we eat. I am just really
worried for the baby. I want to make sure that you're okay," sambit nito sa kanya
nang minsang pumunta si Sally sa kusina para kumuha ng juice. Nahihiyang nginitian
naman niya ito.

"Okay lang naman po sa akin. Naiintindihan ko."

Chapter 7
"Grabe, gurl! Nakakaloka pala iyan! So ano? Maganda ba talaga sa the US of A?"
Bahagyang natawa na lang si Ivory sa tanong ng kaibigan.

Sumandal siya sa sofa at ipinatong din ang dalawang mga paa roon.

"Hmm oo. Pero hindi ko naman kasi talaga nalibot. Alam mo naman kung anong pinunta
ko roon di ba?" sabi niya rito.

"Hmm sa bagay… pero ito na friend, so jontis ka na?" hindi napigilang tanong nito.
Napanguso si Ivory at bumuntong-hininga.

"Hmm. Ganoon na nga, Jas. Nitong mga nakaraang araw nga madalas akong nahihilo
tapos suka nang suka. Grabe ganito pala pag buntis, ano? Para kang may sakit. Pag
gabi naman okay ako. Pero pag sa umaga grabe talaga, Jas. Noong isang araw pa nga
dinala ako sa hospital, e," kwento niya.

"Ano?!" Bahagyang nailayo ni Ivory ang kanyang cellphone nang sumigaw si Jasmin sa
kabila.
"Ba't di mo sinabi sa akin?! Tsaka ba't ka dinala?! Ikawng babaita ka, naglilihim
ka na sa akin ha?!Hoy!" Napangiwi na lang siya sa ka-OA-han ng kaibigan.

"Tumigil ka nga! Ang OA, Jasmin ha," sita niya.

"Anong OA?! Na -ospital ka na at lahat girl tapos hindi ko pa alam! Nag-aalala ako
syempre!" balik naman ng kaibigan niya.

Lihim siyang napangiti at bumuntong-hininga na lang.

"Relax kasi muna, pwede? Ito na, magkukwento na," sabi niya pa. Narinig niya ang
pagbuntong-hininga ng kaibigan sa kabila.

Bahagya siyang natawa at umayos ng upo. Tuluyan na nga siyang humiga sa sofa at
saka sinimulan ang pagkukwento sa kaibigan.

"Kasi di ba nga, nagsusuka ako at lahat. E noong kauuwi namin parang naghalo halo
na yata iyong puyat ko sa biyahe tapos iyong morning sickness ko pa kaya ayun halos
isubsob ko na iyong mukha ko sa bowl. Ewan ko basta ang bigat ng ulo ko ng mga
panahong iyon, e. Tapos ayun naabutan ako ni sir sa banyo na nagsusuka. Kinabahan
yata siya kaya dinala ako agad sa hospital. Di ko na rin masyadong naalala kasi
nahimatay ako pagkatapos. Pero sabi ng doktor okay lang naman daw ako. Baka raw
hindi lang sanay iyong katawan. Sinuwero lang naman nila ako tapos pinauwi na rin.
Ngayon medyo okay na rin naman ako. Sorry na di kita na-contact agad. E halos ilang
araw din kasi akong naka-bedrest lang. Sorry na, Jasmin." Lumabi siya na para bang
nakikita ng kaibigan.

Narinig niya na naman ang pagbuntong-hininga ni Jasmin sa kabila.

"Hay nako, sa susunod, ha? Magtext ka naman. Nag-aalala ako sa'yo kasi talaga."
Napangiti siya at tumagilid. Nakaharap na siya ngayon sa TV na hindi naman naka-on.

"Oo na. Huwag kang mag-alala, magcha-chat na tayo," sabi niya pa.

"Aba'y dapat lang no! Miss na kaya kita!" hirit ni Jasmin. Natawa siya.

"Sus! Miss din kita! Kumusta nga pala ang trabaho mo? Nakalipat ka na ba ng
titirhan?" pag-iiba niya sa usapan.

"Hmm, okay naman. Mababait naman sila rito. Tsaka iyong bago kong tirahan malapit
na malapit lang dito sa opisina. Alam mo ba? Nakita ko noong isang araw si Sir
Xamuel! Nako, girl! Ang gwapo pala talaga ni sir! Palagi mong nakakasama iyon di
ba? Grabe ang pogi!" Agad na kumunot ang kanyang noo sa sinabi ng kaibigan.
Napailing na lang siya.

"Basta talaga gwapo ang bilis mo," sabi niya rito. Tumawa lang si Jasmin.

"Pero seryoso, te. Anong ganap niyo diyan? Kwento naman!" kulit pa nito.
Nagsalubong ulit ang kilay ni Ivory.

Bumalik sa kanya ang naging reaksyon ni Xamuel noong dinala siya sa hospital tapos
iyong mga nagiging kilos nito sa mga nagdaang araw.

"Hmm. Okay naman si sir na. Medyo hindi na ako natatakot sa kanya. Tsaka mabait
naman pala talaga siya at…maalagain." Halos naging bulong ang huling salitang
kanyang binitiwan.

"Uyy, ano ito? Parang may nasi-sense ako sa boses mo ha!" agad na sambit ni Jasmin
sa kabila. Mas kumunot ang noo ni Ivory bago bumangon.
Nag-indian sit siya sa couch.

"Anong pinagsasabi mo?" tanong niya rito.

"Asus, Ivory! Iyong boses mo may kakaiba!"

"Kakaiba? Kinukwento ko lang naman sa'yo si Sir Xamuel. Ewan ko basta parang ang
weird niya talaga. Bumait, e. Tapos sobra kung mag-alala. Siguro kasi anak nga niya
itong dinadala ko. Baka dahil lang sa pagiging ama niya ito. Peroo ang weird talaga
ni Sir. Hindi ako sanay na inaalagaan niya kahit na sabihin nating dahil ito sa
anak niya," pagpatuloy niya. Tumahimik ang kabilang linya.

Hinintay niya pa kung may sasabihin ito pero wala naman.

"Hello? Jas? Hoy, nandiyan ka pa ba?" tanong niya rito.

"Jasmin!" Kunot noong tinanggal niya ang telepono at tiningnan. Hindi pa naman
putol. Binalik niya iyon sa kanyang tenga.

"Jas!"

"Uyy! Ikaw ha! Kakaiba na yan talaga! Crush mo si Sir Xamuel, no?!" Agad na nanlaki
ang mga mata ni Ivory.

"Ano?! Hoy! Tumigil ka nga! Anong crush! Hindi, no!"

"Ay sus, Ivory!"

"Baliw, hindi nga!"

"K. Fine! Sige na nga, kailangan ko nang umalis. Tapos na break ko. Siguraduhin mo
lang diyan, Ivs ha? Nako! Baka kamo magka-love life ka rin bukod sa sweldo mo!"
Malakas na tumawa si Jasmin.

Napailing na lang si Ivory at tinapos na ang tawag. Kahit kailan talaga si Jasmin.

Bumuntong-hininga siya at inilagay ang kanyang cellphone sa center table bago ni on


ang TV. Manonood na lang siya kaysa isipin ang mga sinasabi ni Jasmin sa kanya.

Kung ano ano naman kasi ang sinasabi ng kanyang kaibigan.

Maghapong nanood na lamang ng TV si Ivory. Iyon lang naman yata kasi ang ginagawa
niya nitong mga nakaraang araw. Kung minsan naman ay nakikipag-kwentuhan siya kay
Sally tapoa sabay silang manonood ng teleserye sa TV.

Nahahawa na nga yata siya kay Sally sa pagiging teleserye-adik.

"Ay nako! Maiwan na muna kita diyan, Ivory! Magsasaing pa pala ako! Nako, muntik ko
nang makalimutan!" Natawa si Ivory nang nagmamadaling umalis si Sally.

"Tulungan ko na po kayo?" tanong niya pero nilingon lang siya nito at inilingan.

"Manood ka na lang diyan. Darating mamaya si Sir Xamuel," sabi nito at nagtuloy
tuloy sa kusina.

Naiwan siya roon na nanonood lang. Sumandal siya sa likod ng sofa at nanatili ang
mga mata sa telebisyon. Napatingin pa siya sa wall clock ng sala. Mag-aalas singko
na. Paniguradong parating na si Xamuel ngayon.
Umayos siya ng upo nang naisip iyon. Ewan ba niya, hindi niya alam kung paano
kumilos oag nandiyan ang lalaki. Na-a-awkward pa rin talaga siya sa lalaki.

Dumating ang hapunan. Bahagyang napaigtad si Ivory nang marinig ang pagbusina ng
sasakyan ni Xamuel. .

"Good evening po, sir." Agad siyang tumaho at binati ito.

"Good evening, Ivory. Have you eaten?" tanong nito.

"Uhm nagluluto pa po si Ate Sally," sagot niya. Tumango naman si Xamuel. Napayuko
si Ivory. Binalot sila ng katahimikan.

"Ahh, upo po kayo, sir!" biglang sabi niya nang mapagtantong pareho pala silang
nakatayo. Tipid siyang ngumiti rito.

Hindi niya talaga alam kung paano ito kakausapin kaya mabuti na lang at may TV
sila. Tahimik na lang siyang nanonood. Mukhang nanonood lang din naman si Xamuel.
Bahagya pa siyang nahiya dahil baka hindi nito gusto ang pinapanood niya. Replay
kasi iyon ng mga teleserye sa Jeepney TV.

Lumunok siya at binalingan ito.

"Uhh sir, gusti niyo po ilipat ko ang channel?" kagat labing tanong niya. Bumaling
si Xamuel sa kanya.

"No, it's fine. You can watch whatever you want, Ivory." Tipid siya nitong
nginitian. Napadiin ang pagkakagat niya sa kanyang labi at mahinang napatango na
lang.

Parang hindi pa rin siya makapaniwalang nginitian siya ni Xamuel.

'Ay, ano ba iyan, Ivory!'

Kung hindi dahil sa ingay ng TV, malamang ay may mga kuliglig nang tumunog sa buong
sala.

"O, halina kayong dalawa habang mainit pa itong tinola." Dinig ni Ivory na sabi ni
Sally.

Agad na sumuot sa kanyang ilong ang amoy ng tinolang niluto ni Sally. Bigla tuloyng
kumalam ang kanyang tiyan. Tumayo na siya at pinatay ang TV.

"Tayo na po, sir," yaya niya sa lalaki at nauna nang pumunta sa kusina.

Umupo siya sa tabi ni Sally habang si Xamuel naman ay nasa tapat nila.

"Nako, tikman niyo ito. Humigop kayo ng sabaw," sabi ni Sally at sinalinan sila ng
tig iisang isda.

Ramdam ni Ivory ang paglalaway ng kanyang mga bagang. Gutom na gutom na siya!

"Kain nang kain, Ivory," sabi pa ni Sally. Tipid lang siyang ngumiti at tumango.

Gaya nang naunang dinner ni Xamuel ay tahimik lang ulit silang kumakain. Paminsan-
minsan ay kinakausap ni Sally ang alaga. Laking pasalamat na lang talaga ni Ivory
at kasama niya si Sally nang sa ganoon ay hindi naman sila nagmumukhang tanga sa
sobrang tahimik.
***

"Hayy." Pabagsak na napaupo si Ivory sa sofa at napahawak sa kanyang tiyan. Busog


na busog siya. Naparami ang kain niya ng tinola ni Sally.

Naipikit niya pa ang kanyang mga mata at napatingala. Dinamdam niya talaga ang
pagkabusog.

Napaigtad lang siya nang biglang lumundo ang sofang inuupuan. Agad siyang napadilat
at napaayos nang upo.

"Ay, sir," bulalas niya nang makita sa tabi si Xamuel.

Nag-iwas agad siya ng tingin.

"It's fine, Ivory. Mukhang busog na busog ka,a." Biglang nag-init ang mukha ni
Ivory nang marinig iyon. Tipid siyang ngumiti rito.

"Medyo po, ang sarap po kasi…" Napakamot siya sa kanyang ulo. Napangisi si Xamuel.

"That's good. Dapat kumain ka nang kumain." Tumango siya rito, hindi pa rin
nakatingin.

Bumuntong-hininga siya at pumidpid sa gilid ng sofa. Busy sa cellphone ang katabi


niya kaya in-on na lang niya ang TV. Awkward na naman kasi.

Panay ang sulyap niya sa lalaki pero nanatili labg itong naka-dekwatro at tutok sa
cellphone. Naisip niya tuloy kung anong oras kaya ito aalis. Di naman niya pwedeng
tanungin kasi ang bastos naman niya roon di ba.

"Ivory…"

"P-Po?"

Nilingon niya ito. Bahagya pa siyang napaatras nang makitang nakatitig pala ito sa
kanya. Pinaglapat niya ang mga labi.

Bumuntong-hining naman si Xamuel at tiningnan siyang maigi.

"Starting tonight, I'll be spending dinner here. I want to check on you everyday."
Tumango tango si Ivory.

"W-Wala pong problema, sir."

Tumayo si Xamuel at tinanguan siya.

"Okay, I'll get going already. You take care of yourself, Ivory," sabi nito.
Ngumiti siya at tinanguan ito.

Ang akala niya ay aalis na ito kaya laking gulat niya na lang nang bigla itong
lumuhod at dumukwang sa kanyang tiyan.

Gulat na gulat si Ivory nang halikan nito ang kanyang tiyan. Napalunok pa siya at
napakurap kurap ang mga mata.

Tumayo si Xamuel. "Goodnight, Ivory," sabi nito bago tumalikod.

Hindi agad nakasagot si Ivory at napatitig lang sa likod nito.


"G-Goodnight p-po," nasabi niya na lang na hindi niya alam kung narinig ba nito.

Napahawak siya sa kanyang dibdib nang maisara na nito ang pinto ng bahay.

"Hala ka, Ivory," naibulalas niya na lang.

'Kung bakit kasi ang hilig manggulat ni sir?' Ay ewan!'

Mariin niyang ipinilig ang ulo at napasandal na lang sa likod ng sofa. Mukhang
kailangan niya nang sanayin ang sarili sa mga ganoong gestures ng boss niya at nang
hindi na siya maging mukhang tanga.

Napahawak siya sa kanyang tiyan.

'Hilig manggulat ng daddy, mo. Wala man lang pasabing hahalikan ka. Hay!'

Chapter 8
Kinabukasan, taliwas sa mga naging morning sickness ni Ivory, maganda ang kanyang
pakiramdam.

Maaga siyang nagising at nagawa niya pa ngang maglakad lakad sa labas. Payo kasi ng
doctor na dapat ay bukod sa dapat healthy ang kanyang kinakain, active din siya.
Makakatulong daw kasi ito sa kanyang nararamdaman- physically and mentally.

Mag-aalas siyete na nang bumalik siya sa townhouse. Nagpupunas na siya ng pawis


pagkapasok ng bahay. Sumalubong sa kanya ang mabangong niluluto ni Sally sa kusina.
Na-excite tuloy siya.

Nagpunas lang muna siya at bahagyang pinagpag ang suot na loose t-shirt. Madali
siyang pagpawisan talaga kahit na naglalakad kaya lagi siyang may dalang bimpo.

Pumasok siya ng bahay at didiretso na sana sa kusina nang mapatigil siya sa sala.
Napatitig siya sa isang malaking bouquet ng mga red roses sa kanilang center table.

Kunot-noong nilapitan niya iyon at sinuri. Those were fresh red roses.

'Para saan kaya ito?'

Napanguso siya at tiningnan kung may card pero wala naman.

"Ivory, kain na."

Muntik na siyang mapatalon nang marinig ang boses na iyon. Napahawak pa siya sa
kanyang dibdib.

"Ate Sally naman!" gulat niyang sambit sa kasama. Bahagya namang natawa si Sally at
nailing na nilapitan siya.

"Hay nako, ano ba naman kasi ang tinitingnan mo diyan?" Nakagat ni Ivory ang labi.

"Ah, nagtataka lang po ako kung para saan ito." Tinuro niya ang bulaklak. "Sa'yo po
iyan?" dagdag na tanong niya.

Ngumisi at umiling si Sally. Kinuha nito ang bulaklak at ibinigay sa kanya. Kumunot
naman ang noo niya.
"Sa'yo yan," sabi nito at kinuha ang kanyang kamay para ipahawak ang bulaklak.

Hindi naman siya makapaniwala. Naituro niya pa ang sarili. "Akin ito?"

"Oo! Bigay ni Sir Xamuel." Ngumisi ulit si Sally.

Hindi alam ni Ivory kung bakit pero bigla na lang nag-init ang kanyang mukha.

Tumawa si Sally. "Kinikilig ka no?" pang-aasar nito. Agad namang nag-iwas ng tingin
si Ivory at napahawa sa isang pisngi.

"H-Hindi, a!" Nakagat niya ang labi. Lumapad ang ngisi ni Sally at inilingan lang
siya.

"Asus."

"Hindi nga po!" Dumiin ang pagkakakagat ni Ivory sa kanyang labi. Ramdam niya pa
rin ang tingin ni Sally. Napayuko na lang tuloy siya.

Humalakhak si Sally at hinawakan ang kanyang kamay.

"Mabuti pa at kumain na lang tayo. Lagay natin sa vase yan mamaya tapos display
natin sa kwarto mo. Para maalala mo lagi si Sir Xamuel."

"Ate Sally!"

Halos kasing pula na ng kamatis ang mukha ni Ivory. Tinawanan lang ulit siya ng
kasama sa iginiya na sa kusina.

Kumain sila ng agahan. Pagkatapos, gaya ng sinabi ni Sally, inilagay nila sa vase
ang mga rosas.

Nakatingin si Ivory sa isang transparent glass vase na nililinis ng kanyang kasama.


Dalawa ang dinala nito na may katamkatamang size. Medyo marami kasi ang mga rosas
kaya baka hindi nga magkasya sa isang vase.

"Teka, kukuha lang ako ng tubig," ani Sally at tumayo. Tumango si Ivory. Sumandal
siya sa likod ng sofa at ni-on ang TV.

Nag-browse na lang muna siya ng channel. Napunta siya sa channel ng mga Filipino
movies. Fan na fan kasi talaga siya ng mga iyon. Inilapag niya ang remote sa center
table. Sakto namang bumalik na si Sally.

"O, simulan mo nang maglagay. Itong isa naman ang lilinisan ko," anito. Tumango
lang si Ivory at kinuha ang vase na may tubig.

Sinimulan niyang kalasin ang bouquet at maingat na kumukuha ng rosas para ilagay sa
vase. Panaka-naka rin ang kanyang tingin sa TV.

Kasalukuyang ipinapalabas ang On the Wings of Love ng Jadine. Tuwang tuwa pa siya
dahil fan na fan siya ng dalawa.

Nasa ganoong posisyon siya nang bigla siyang natakam. Nakita niya kasi ang
kinakaing langka ng bida sa TV. Bahagya siyang napatigil at napatitig sa mga rosas.

Nakagat niya ang labi at napatingin sa kusina.

'May mga prutas na dinala si sir. May langka naman siguro?'


Ngumuso siya at napagdesisyunang tumayo.

"O, saan ka?"tanong ni Sally.

"May titingnan lang po ako sa kusina," sagot niya naman. Tumango lang ang kasama
niya.

Dumiretso siya sa ref at tiningnan ang mga prutas na nandoon. Gusto niya kasi ng
malamig kaya halos lahat ng mga pagkain pinapa-ref niya. Sinuyod niya ng tingin ang
mga prutas na nandoon.

Apple, orange, mango, lansones, avocado, buko, star apple at durian.

Nalukot ang kanyang mukha nang wala siyang makitang langka roon. Napangiwi pa siya
nang maamoy ng durian.

Mabilis niyang sinara ang ref at nasapo ang bibig.

'Ang baho!'

Lumayo siya roon sa pag-aakalang mawawala na ang amoy pero huli na dahil bumaliktad
na ang kanyang sikmura. Napatakbo na lang siya sa lababo at doon sumuka.

"Hala, anong nangyari sa'yo, Ivory?!" natatarantang tanong ni Sally.

Mabilis nitong inilapag ang hawak na vase at agad siyang dinaluhan. Halos lahat ng
kinain niya ng agahan ay sinuka na rin niya. Ni-on niya ang gripo para malinis ang
kanyang naisuka.

"Nako kang bata ka, ano bang nangyari sa iyo?" Hinahaplos ni Sally ang kanyang
likod.

Huminga siya nang malalim at naghilamos. Inalalayan siya ni Sally para makaupo sa
upuan.

"Okay ka lang ba? Anong nangyari?" tanong nito sa kanya.

Bumuntong-hininga si Ivory.

"Naamoy ko po iyong durian. Ang baho." Ngumiwi siya at napatakip na naman sa bibig.
Agad na kumuha si Sally ng tubig.

"O, uminom ka muna. Itong white flower at nang maiba ang pang amoy mo." Tinanggap
ni ya ang baso at ang maliit na bote. Uminom muna siya at sininghot ang maliit na
bote.

Napapikit siya at napabuntong-hininga.

"Okay na?" tanong ni Sally. Tumango siya rito.

"O, siya sige. Balik na muna tayo sa sala at baka may maamoy ka na naman. Ano ba
kasing hinahanap mo? May gusto ka bang kainin?" Pinatayo siya nito at inalalayan
pabalik ng sala.

Napanguso si Ivory.

"Naghahanap po akong langka. Wala po ba?" parang batang tanong niya.

"Ay nako! Walang langka, e. Ayaw mo ba ng apple? Orange?" Mahina siyang umiling at
yumuko.

Umupo siya sa sofa. Tumabi naman sa kanya si Sally.

"Gusto mo talaga ng langka?" Dinig niyang tanong nito. Binalingan niya ito at
nginitian na lang.

"Okay na po. Iyong lanzones na lang siguro." Tiningnan siya ni Sally.

"Sigurado ka? Baka may dumaan sa labas ng village mag-aabang na lang ako." Mabilis
na umiling si Ivory.

"Okay lang po! Wag na. Lanzones na lang." Nginitian niya ito. Ayaw naman kasi
niyang pagbilarin sa araw ang matanda. Medyo may edad na rin ito.

"Sigurado? Bilin kasi ni Xamuel na hindi ka paiiwan, e. Baka magsuka at mahilo ka


na naman." Ngumiti lang ulit si Ivory

"Opo." Bumuntong -hininga si Sally.

"O, sige. Hayaan mo at sa susunod kong pamalengke ay bibilhan na kita ng maraming


prutas. Ilista mo na lang ang mga gusto mo, okay?" Lumapad ang ngiti ni Ivory.

"Sige po!"

"O, sige. Kunan lang kitang lanzones." Tumayo ito at iniwan siya roon.

Napanguso na lang ulit si Ivory at tiningnang muli ang naiwan niyang mga rosas.
Bumuntong-hininga siya at ipinagpatuloy na lang iyon. Nang bumalik si Sally ay
nilantakan niya ang lanzones pero hindi niya naman naubos. Mas gusto niya pa rin
talaga ang langka.

Buong araw niyang inaliw ang sarili para hindi na siya mag-crave ng langka. Inabala
niya sa pag-arrange ng mga rosas ang sarili. Kung hindi man ay nag-you-youtube
siya. Kung minsan nanonood siya ng tv.

Pagkatapos mananghalian ay natulog na lang muna siya.

Bandang mga alas kuwatro siya nagising at nakaramdam ng pagkauhaw. Humikab siya at
bumangon. Lumabas siya ng kwarto. Saktong pagbaba naman niya ay naabutan niyang may
kausap si Sally sa telepono.

"Ay gising na, sir. Medyo matamlay nga ito ngayon pero hindi na rin naman
nagsusuka. Kanina lang noong naamoy niya ang durian."

Bumuntong-hininga si Ivory at umupo sa couch. Sigurado siyang si Xamuel ang kausap


nito.

"Gusto mo kausapin? Sige ito… Ivory…"

Nilingon niya si Sally. Tinuro naman nito ang telepono. Tumango lang siya at
lumapit na roon.

"Paghahanda kitang juice, gusto mo?" mahinang tumango lang siya sa sinabi nito.

Binalingan niya ang telepono at itinapat ito sa kanyang tenga.

"Hello?"
"Ivory… matamlay ka raw? You want something?" Agad siyang napalabi.

"Gusto kong kumain."

"Huh? Wala bang pagkain diyan?"

"Gusto ko ng langka. Walang langka." Agad na nag-init ang sulok ng kanyang mga
mata.

Bahagya pa siyang nagulat pero hindi rin naman niya mapigilan ang sarili sa
pagluha.

Nakagat na lang niya ang labi. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Xamuel sa
kabila.

"Oh… don't worry. I'll find one okay? I'll be there at dinner." Huminga nang
malalim si Ivory at tumango.

"Okay, bye then." Ngumuso siya at tumango ulit.

"Bye, po…" mahinang sabi niya at ibinaba na ang telepono.

Naupo siya ulit sa sofa. Doon lang nag-sink-in sa kanya ang nangyari.

'Ang weird naman magbuntis. Naiiyak ako dahil walang langka? Ay ewan!'

***

Hindi nabawasan ang pagiging matamlay ni Ivory hanggang sa maggabi.

Kahit na amoy na amoy na niya ang nilulutong sinigang ni Sally ay hindi pa rin
nagiging okay ang mood niya.

Ewan ba niya kung bakit gusto niya talaga ng langka. Iyon lang yata ang
makakapagpaayos ng mood niya.

"Ivory, halika na. Kain na tayo." Napabuntong-hininga na lang siya at tumayo.

Tahimik siyang umupo sa hapag nila. Wala pa rin siya sa wisyo kaya pinaghahain na
lang siya ni Sally.

Kakain na sana sila nang marinig niya anf pagbusina ng isang sasakyan.

"Nako, teka, si Sir Xamuel yata." Mabilis na tumayo si Sally. Si Ivory naman ay
napatitig lang sa pinto.

Pinagbuksan ni Sally si Xamuel. Nanatiling nakatitig doon si Ivory.

Halatang galing pang trabaho ang lalaki dahil naka-coat pa ito at may dalang
briefcase.

"Tamang tama, sir. Pakain na kami." Dinig ni Ivory na sabi ni Sally.

Papunta na ang dalawa sa dining. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin at itinuon na
lang ang atensyon sa pagkain.

Narinig niya lang ang pag-upo ni Xamuel sa kanyang tapat. Hindi pa rin siya nag-
angat ng tingin.
"Kain na tayo," giya ni Sally.

Bumuntong-hininga si Ivory at nagsimula nang kumain. Halos tunugan na sila ng


kuliglig sa sobrang tahimik.

"Ivory, kumain ka nito. This is healthy for you." Nilagyan siya ni Xamuel ng
kalabasa sa kanyang plato.

Tahimik niya naman iyong kinain. Hanggang sa natapos ang dinner ay walang nagsalita
sa kanila. Ramdam na ramdam ni Ivory ang mga titig ng dalawa pero hindi niya na
lang iyon pinansin at nanatiling pokus sa pagkain.

Pagkatapos kumain ay dumiretso si Ivory sa sala. Wala pa rin talaga siya sa mood.
Ewan ba niya. Sinundan niya lang ng tingin ang papalabas na si Xamuel. Hindi niya
alam kung uuwi na ito o ano.

Bumuntong-hininga na lang siya at ipinokus ang tingin sa TV. Maya maya pa ay


bumalik si Xamuel na may dalang supot. Lumapit ito sa kanya. Umupo ito sa pang-
isahang sofa na katabi ng mahabang sofanf kanyang kinauupuan.

Bumuntong-hininga ang lalaki t ipinatongang supot sa center table.

Napatitig doon si Ivory tapos ay napabaling din kay Xamuel.

"Iyong langka mo," tanging sabi nito.

Agad na nanlaki ang mga mata ni Ivory at mabilis na kinuha ang supot. Chineck niya
iyon at walang duda, langka nga! Mabilis na nagningning ang kanyang mga mata at
malapad na napangiti.

"You like it?" Dinig niyang tanong ni Xamuel.

Napabaling siya sa lalaki at walang ano-ano'y dinamba niya ito ng yakap.

"Salamat, sir!"

Bahagyang nagulat si Xamuel sa pagkakayakap niya. Humahagikhik na kumalas siya sa


yakap. Abot tenga ang kanyang ngiti at mabilis na hinablot ang langka.

"Ate Sally, may langka na ako!" excited na sambit niya at patalon talong pang
pumunta sa kusina.

Naiwang napatanga si Xamuel. He looked at her amusingly. Ilang sandali pa ay


napailing at napangisi na lang siya.

'Ganyan pala ang mga buntis?'

Napailing na lang ulit siya at tumayo na. Sinundan niya si Ivory at naabutan niya
itong naka indian seat sa isang upuan habang nilalantakan ang langkang dala.

"Gusto mo?" alok pa nito. Umiling lang siya at ngumiti.

"Nako, langka lang pala makakapagpasaya nitong si Ivory!" natatawang komento ni


Sally.

Napailing ulit si Xamuel at ginulo ang buhok ni Ivory.

Nag-angat ng tingin ang babae sa kanya. She flashed him her sweet smile.
Napabuntong-hininga si Xamuel. Tipid niya lang nginitian ang babae at ginulo muli
ang buhok nito.

Chapter 9
Weekend came.
Maagang nagising si Ivory. Balak niya kasing ituloy ang paglalakad lakad. Tiningnan
niya ang wall clock ng kanyang kwarto at alas sais na ng umaga. Naaamoy na rin niya
ang nilulutong breakfast ni Sally. Alam kasi nitong maaga siyang gumigising para
maglakad lakad kaya maaga rin itong nagluluto.
Nagbihis na siya ng pang-workout kahit na hindi naman siya magwo-workout. Mamaya
pagkatapos niyang kumain pa siya maliligo. Itinali niya lang ng ponytail ang
kanyang buhok tsaka bumaba na.
Nakangiti niyang binabagtas ang hagdan pababa pero agad ding nawala ang kanyang
ngiti nang makita niya kung sino ang nakaupo sa sofa ng sala.
"Sir X-Xamuel…" halos malagutan siya ng hininga sa gulat.
Nakaupo si Xamuel sa sofa habang seryosong nakatingin sa hawak nitong cellphone.
Bahagya itong nag-angat ng tingin nang marinig siya.
"Hey, good morning, Ivory." Nginitian siya nito.
"Uhm good morning po," nahihiyang sabi niya. Tumayo si Xamuel.
"Lalabas ka ba? Sabi ni manang kada umaga ka raw umaalis para maglakad lakad."
Nakagat ni Ivory ang labi.
"Ah…opo...uhm ang aga niyo po yata?" tanong niya. Ngumisi si Xamuel.
"Ohh yeah, I just went for a jog. It's weekend anyway, so I figured it's nice to be
here the whole day...just so I could monitor my baby..." Napatango tango na lang si
Ivory, bahagyang nahihiya.
Tumikhim si Xamuel.
"Anyway, I'd like to join you for a walk. Would that be okay?" tanong nito.
Napanguso naman si Ivory at mahinang tumango tango.
"Let's go?"
"Hmm s-sige po…"
Nagpaalam lang si Ivory kay Sally tsaka sila lumabas ni Xamuel.
Pagkalabas nila, napansin niyang wala ang driver ni Xamuel.
"Wala po si Manong Tope?" tanong niya sa lalaki. Nagkibit balikat lang ito.
"I usually drive myself when I'm not working." Ngumuso lang siya at tumango ulit.
Sobrang awkward ng naging lakad ni Ivory kasama si Xamuel.
Halos tunugan na sila ng crickets habang naglalakad.
"So, you do this everyday?" Xamuel asked her. Mahinang tumango si Ivory.
"That's good."
Natahimik ulit sila.
Hanggang sa nakabalik sila sa bahay ay ganoon lang. Hindi na rin naman siya kinulit
ni Xamuel. He was just patiently waiting for her.
Pagkapasok nila ay agad niyang nalanghap ang bango ng niluluto ni Sally.
"Ay tamang tama! Halina kayo at kumain," sabi nito. Ngumiti Ivory at pumunta na rin
sa kusina.
"Uhm sir, tara na po," nahihiyang yaya niya kay Xamuel. Tinanguan lang siya ng
binata at sumunod na rin.
Biglang nagutom si Ivory nang makita ang nasa hapag. Pansin niyang napaparami ang
mga kain niya nitong mga nakaraang araw. Gustong gusto niya ang mga luto ni Sally.
"Sir, dito po kayo maghapon?" tanong ni Sally kay Xamuel. Tiningnan ni Ivory ang
amo. Tumango naman ito. Napalunok tuloy siya.
'Hala siya. Anong gagawin niya rito?'
"I'll be here whole day during weekends. Wala rin naman kasi akong gagawin sa
bahay," anito. Napalunok na lang si Ivory.
Natapos ang agahan nang nasa isip niya kung paano pakikitunguhan ang amo. Halos
hindi nanga siya lumabas ng banyo pagkatapos niyang maligo.
"Ano ba kasing pwede naming gawin? Ang awkward naman kasi." Nakagat niya ang labi.
Nakatingin siya sa repleksyon niya sa salamin. Mariin niyang ipinilig ang ulo.
"Ano ba iyan, Ivory!"
Humugot siya ng malalim na hininga bago tuluyang lumabas ng banyo. Halos takbuhin
niya nga ang kanyang kwarto sa sobrang pagmamadali.
Nakahinga lang siya nang malalim nang makapasok na siya sa kanyang kwarto. Mabilis
siyang nagbihis ng pambahay- simpleng shorts at puting t-shirt lang iyon.
Napanguso siya. Umupo siya sa kama at nagsuklay ng buhok. Ayaw niyang lumabas. Pero
parang ang bastos niya naman kung magkukulong siy rito tapos ang amo niya nasa
baba.
Napaungot siya. Tinuloy niya na lang ang pag suklay ng buhok. Nasa ganoong posisyon
siya nang tumunog ang kanyang cellphone. Napakunot ang kanyang noo at tiningnan
iyon.
Chat galing kay Jasmin. Binuksan niya ang cellphone at tiningnan iyon.
Jasmin:
Hi, Ivs! Kumusta!
May kalakip iyong picture ni Jasmin na may hawak na sandamakmak na kwek kwek.
Nakagat niya ang labi nang biglang magtubig ang kanyang mga gums.
'Ano ba yan! Parang gusto kong kumain ng kwek kwek!'
Napalabi siya at nireply-an si Jasmin.
Ivory:
Okay lang ako, Jas. Saan ka nakabili? Gusto ko rin!
Bumuntong-hininga siya at inilapag na lang ang cellphone.
Sandali siyang napatahimik, nag-iisip kung bababa. Sa huli ay tumayo na siya.
'Bahala na nga!'
Bumuga siya ng hininga at lumabas na nga ng kwarto. Kagat labing bumaba siya.
Naabutan niya si Xamuel sa sala na nalatutok sa cellphone. Dahan- dahan pa siyang
naglakad para hindi ito maistorbo kaso bigla naman itong tumingala. Bahagya pa
siyang napaatras sa gulat.
"H-Hi po," nahihiyang bati niya tsaka umupo sa pang-isahang sofa. Nasa mahabang
sofa si Xamuel.
"Okay ka lang? Wala ka bang nararamdaman? Cravings?" tanong nito. Napalunok siya.
Bigla niyang naalala ang kwek kwek kaso nahihiya siya.
Napayuko siya. Napansin iyon ni Xamuel kaya kinunutan siya nito ng noo.
"What is it, Ivory? Mau gusto ka bang kainin?" malumanay na tanong nito.
Nag-angat siya ng tingin at dahan dahang tumango.
"What?" Bumuntong-hininga si Ivory.
"Uhm… gusto ko po sana ng kwek kwek… tsaka fishball…street foods po." Nakagat niya
ang labi.
Napangiwi si xamuel.
"Iyong binebenta sa daan?" Tumango si Ivory. Bumuga ng hininga si Xamuel.
"Is that even clean? No, Ivory. Baka mapaano ang anak ko," matigas nitong sabi.
Bahagya siyang nanlumo at napakagat ng labi.
Lumunok siya para pigilan ang pangingilid ng mga luha sa kanyang mga mata.
'Ano ba iyan, Ivory! Hindi kumakain ng mga streetfoods ang mga iyan! Tsaka tama si
sir. Baka makasama sa bata.'
Laglag ang balikat niyang napasandal na lang sa sofa. In-on niya na lang ang TV.
Hindi rin naman na siya pinansin ni Xamuel kahit na panay ang sulyap nito sa kanya.
Halos maghapon lang siyang nakaupo sa sala. Si Xamuel naman ay nandoon lang din.
Kung minsan ay lumalabas ito at may katawagan pero bumabalik din naman doon. Lahat
ng palabas napanood niya na nga yata, e. Nang mabagot ay dumiretso siya sa kanyang
kwarto.
Tinawag siya ni Xamuel pero hindi niya pinansin. Ewan din niya, bigla na lang
siyang nainis.
Hinatiran na lang din siya ng tanghalian ni Sally dahil ayaw niya ngang lumabas.
Pagkatapos kumain ay nakatulog naman siya. Bandang alas-singko ng hapon siya
nagising.
Nag-stretching muna siya tsaka tumingin sa bintana. Nakita niyang nandoon pa rin
ang sasakyan ni Xamuel at maging ang lalaki ay nakatayo sa labas ng bahay,
nakatingin kung saan.
Nakagat niya ang labi. Naalala niya ang ginawa niya. Nasapo niya ang noo.
'Ano ba yan, Ivory!'
Napabuntong-hininga siya. Maging siya ay hindi na rin maintindihan ang sariling
mood swings.
Marahas siyang huminga tsaka bumaba. Pinuntahan niya si Xamuel sa labas. Naabutan
niya pa si Sally sa kusina na naglilinis. Bumuntong-hininga siya at nilapitan ang
lalaki.
"Sir…" tawag niya. Lumingon ito.
"Hey, are you okay? Masama ba pakiramdam mo?" tanong nito. Napayuko siya at nakagat
ang labi.
Umiling siya.
"S-Sorry po…" kagat labing sambit niya.
Kumunot ang noo ni Xamuel.
"Why are you saying sorry?"
"Tungkol po sa naging kilos ko kanina. Pasensya na po talaga. Sorry po kung iniwan
ko kayo. Nainis kasi ako. Hindi ko alam kung bakit." Napanguso siya, nakayuko pa
rin.
Xamuel looked at her amusingly. Napailing ito at bahagyang napangiti.
"It's fine, Ivory. I totally understand." Sunod sunod na umiling si Ivory.
"Hindi po-" Nabitin ang sasabihin niya nang hawakan siya ni Xamuel sa magkabilang
braso. Nag-angat siya ng tingin.
"Hey, it's really okay. Actually, I have a surprise for you." Ngumiti ito.
Bahagyang nagulat si Ivory.
May kinuha si Xamuel sa may maliit na lamesa sa may pintuan.
Nanlaki ang mga mata ni Ivory nang makita iyon.
"Hala thank you!" Napatili siya sa saya. Agad niyang kinuha ang supot ng
streetfoods. Ang dami noon!
"Hala! Ang dami!" Halos mag-korteng puso ang mata niya sa nakita.
"Thank you po!" Tiningala niya si Xamuel at nginitian ng abot tenga. Xamuel
chuckled and tousled her hair.
"No biggie." Kinabig siya nito at hinalikat sa noo. Gulat na gulat naman si Ivory
at napatanga sa lalaki. Ngumiti lang ulit si Xamuel at ginulo ang buhok niya.
***
Tuwang tuwa si Ivory nang ilatag ni Xamuel sa maliit na lamesa sa labas ang dala
nitong streetfoods. May mga kikiam, fishball, squidball, kwek kwek at tempura balls
pa iyon. Kumuha rin ito ng dalawang upuan para sa kanilang dalawa.
Excited na nilantakan ni Ivory ang mga iyon.
"Alam mo sir, noon tumatakas ako sa tiyang ko para kumain ng kwek kwek kasi naman
ayaw niyang gumagastos ako kahit piso kasi raw wala kaming pambigas, e , sinusugal
lang naman niya," kwento niya pa habang isinasawsaw ang kwek kwek sa sauce.
Nanatiling nakatingin si Xamuel sa kanya.
Tumingala siya at inabutan ito.
"Try mo po!" nakangiting sabi niya. Nag-aalangan man ay sinubo iyon ni Xamuel.
Napapalakpak naman si Ivory.
Napailing na lang ang lalaki sa asal nito. Parang kanina lang kasi ang sama ng loob
nito sa kanya.
"Sir, kwento ka naman po!" sabi pa nito. Kumunot ang noo ni Xamuel.
"About what?"
Ivory shrugged. "Hmm kayo po. Love story niyo po ng asawa niyo?"
Bahagyang natigilan si Xamuel. Nakagat ni Ivory ang labi.
"Uhm okay lang po kung ayaw niyo," bawi niya. Umiling lang si Xamuel at ngumiti.
"Nah, it's fine. It's not like my life is a secret anyway. Everybody knows my life,
you know." Kumunot ang noo ni Ivory.
"Huh? Ba't di ko po alam?" inosenteng tanong niya. Agad na natawa si Xamuel.
Naguguluhang tiningnan lang naman siya ni Ivory.
Napailing si Xamuel. "Anyway, my wife and I were high school sweethearts. We were
classmates since highschool. You know, typical high school sweethearts story. We
were fine. I could say we were the perfect match. Then she met that accident."
Nag-iba ang aura at mukha ng lalaki. Pinaghalong lungkot at galit. Nakagat ni Ivory
ang labi at hinawakan ang kamay nito.
"Sorry po…" paumanhin niya. Nagkatinginan sila ni Xamuel. Bumuntong-hininga ito.
"Ikaw wala ka bang ikukwento?" pag-iiba nito ng topic. Ngumuso si Ivory at kumuha
naman ng fishball. Sumubo muna ito tapos sinubuan din nito si Xamuel na napilitan
ding tanggapin iyon.
"NBSB ako sir, e, kaya wala masyado sa love life. Tsaka bukod sa pahirap ni tiyang
wala naman akong ibang maikwento." Nagkibit balikat sila.
Natahimik silang dalawa. Panay lang ang kain ni Ivory. Sinusubuan pa rin nito si
Xamuel na para bang napakanormal lang noon.
Tumikhim si Xamuel at umayos ng upo.
"I think we should go already. Medyo mahamog na," sabi nito. Napalingon siya sa
paligid. Lumalamig na nga ang hangin at padilim na rin.
"Iligpit na natin ito. Maghahapunan na. Ipa-ref na lang natin para may makain ka
pa. Ipapainit ko na lang kay Manang Sally," sabi ni Xamuel. Napatango tango siya.
Tumayo silang dalawa.
"alamat po sir at sorry kung makulit," nahihiyang sabi niya habang nagliligpit
sila. Xamuel chuckled.
"Nah I totally understand that it's my baby talking."
Natawa silang pareho.
Pinagmasdan niya si Xamuel na nagliligpit. Napalabi siya.
'Okay naman pala talaga si sir. Hindi naman pala talaga siya ganoon kasungit.'
Napahawak siya sa kanyang tiyan.
'Ay ano ba yan. Ikaw pa rin ba ito, baby?'

Chapter 10
The next week, balik sa dating routine si Ivory. Kapag weekdays ay naglalakad siya
sa umaga tapos nanonood siya ng mga palabas pagkatapos. Natutulog, kumakain,
nanonood, halos ganyan ang naging routine niya sa araw-araw. Medyo nasanay na rin
siya sa presensya ni Xamuel tuwing gabi. Hindi na ganoon ka-awkward pero hindi pa
rin sila nag-uusap.
Nitong mga nakaraang araw din ay sobra ang pagkaadik niya sa mga streetfoods kaya
naman si Xamuel ay palagi siyang pinapadalhan para pang-meryenda niya. Tuwang tuwa
naman siya.
Nasanay na lang din siya sa pabalik balik na routine niya araw araw. Kung minsan ay
nakakachat niya naman si Jasmin pero hindi palagi dahil may trabaho naman ito. Pero
mas maganda sana talaga kung nandito ang kaibigan niya at nang may makausap naman
siya bukod kay Sally.
Another weekend came.
Kunot na kunot ang noo ni Ivory at napasapo pa siya sa kanyang ulo nang maramdaman
ang pagkahilo. Pupungas pungas pa siyang bumangon ng kama.
Hindi niya maintindihan! Bumabaliktad na naman ang sikmura niya at parang bumibigat
na naman ang kanyang ulo.
'Jusko naman, ito na naman tayo.'
Tinakpan niya ng kamay ang kanyang bibig para hindi siya tuluyang masuka. Tinakbo
niya ang kanilang banyo at doon sumuka.
Napangiwi pa siya sa pait ng after taste noon. Huminga siya nang malalim at ni-
flash ang toilet bowl. Sinarado niya ang takip noon at doon umupo.
Humihingal pa siya. Pinakiramdaman niya ang sarili. Medyo okay okay na naman siya.
Iniisip niya kung maglalakad lakad pa ba siya o ano. Nang tumayo siya at bigla
naman siyang nakaramdam ng pagkahilo kaya sa huli ay umupo ulit siya.
Nakagat niya ang labi. Nangingilid na ang kanyang mga luha.
'Kala ko naman wala na ito. Hay nako naman.'
Halos isang oras din siyang nakatunganga sa cr bago magpasyang lumabas. Hindi na
siya nahihilo pero hindi pa rin ganoon kagaan ang kanyang pakiramdam. Bumuntong
hininga siya at kinuha ang kanyang towel.
Nagdesisyon siyang maligo na lang baka sakaling mahimasmasan siya.
Pagkatapos maligo ay bumaba na rin siya. Naabutan niya si Sally na naglilinis sa
sala.
"O, hindi ka ba lalabas para maglakad?" tanong nito nang makita siya.
Ngumuso siya at sumalampak sa sofa.
"Medyo mabigat po ang pakiramdam ko, e," sabi niya. Agad na kumunot ang noo ni
Sally at tumabi sa kanya.
"Gusto mo ipagluto kitang sopas? Para gumaan iyang pakiramdam mo."
Bumuntong-hininga siya.
"Sige po. Akala ko wala na tong morning sickness." Lumabi siya. Napailing si Sally
at hinaplos ang kanyang likod.
"Ay nako, ganyan talaga iyan, hija. Bayaan mo at mawawala rin naman iyan. Sensitive
talaga pag buntis. O siya sige, magluluto na akong sopas, ha?" paalam nito. Tumango
lang siya.
Iniwan siya ni Sally doon. In-on na lang niya ang TV tapos ang kinuha ang kanyang
cellphone. Ni-chat niya si Jasmin. Sabado naman kasi baka wala itong trabaho. Gusto
niya lang ng may kausap.
Naghintay siya ng ilang minuto pero di naman ito sumagot. Napanguso na lang siya at
nanood na lang ulit.
Nasa kalagitnaan siya ng panonood nang bumaliktad na naman ang kanyang sikmura.
Napangiwi siya at agad na tumakbo papuntang CR. Sumuka siya nang sumuka.
"O, Ivory, ayos ka lang? Nako naman…" Pinatayo siya ni Sally. Dahan dahan lang
siyang tumango.
"Sige na halika na, luto na ang sopas." Inalalayan siya nito papuntang kusina.
Bumuntong-hininga siya at umupo sa isa sa mga upuan. Pinaghandaan naman siya ni
Sally ng sopas. Amoy na amoy niya iyon pero ewan niya at wala talaga siyang gana.
Nakatulala lang siya sa sopas.
"Hija, subukan mong kumain. Nako, hindi puwedeng hindi ka kumain," paalala ni
Sally. Bumuntong-hininga siya at tumango.
Sinubukan niyang sumubo ng sopas. Nasasarapan naman siya. Sadyang wala siyang gana.
Pagkatapos ng tatlong subo ay binitiwan niya rin ang kutsara.
Maya maya pa ay bumaliktad na naman ang kanyang sikmura at napatakbo na naman sa
CR.
Sinundan siya ni Sally. Nakahawak siya sa bowl habang sumusuka. Hagod hagod naman
ni Sally ang likod niya.
"Ivory?" Pareho silang napalingon ni Sally nang marinig ang boses na iyon.
Nanlaki ang mga mata ni Xamuel at agad na napatakbo papasok ng banyo. Ito na mismo
ang umalalay kay Ivory habang patuloy itong nagsusuka.
"Teka kukuha akong tubig." Si Sally.
Bumuntong-hininga si Xamuel at pinagpatuloy ang paghagod sa likod ni Ivory.
Nang pakiramdam ni Ivory ay medyo okay na siya ay ni-flash niya ang bowl. Isinara
niya ang bowl. Inalalayan siya ni Xamuel patayo.
Kunot na kunot ang noo ng lalaki habang nakalalay sa kanya. Halatang halata ang
pag-aalala nito. Dinala nito si Ivory sa sala at pinaupo sa mahabang sofa.
"Okay ka na?" Xamuel asked. Ivory gulped and nodded slowly.
"O-Okay lang p-po…" Pilit siyang ngumiti.
"Napapadalas l-lang po ang morning s-sickness…" dagdag niya. Tiningnan siya ni
Xamuel.
"You sure you're okay?" paninigurado nito. Sunod sunod siyang tumango.
"O-opo…"
Bumuntong-hininga si Xamuel at tiningnang maigi si Ivory. Sobrang tamlay nito.
"O, eto na ang tubig." Dumating si Sally.
Xamuel turned to her and got the water. Ito na mismo ang nagpainom kay Ivory.
"Manang, I think she should be in bed." Dinig ni Ivory na sambit ng lalaki.
Naramdaman niya ang pagtingin nito sa kanya.
"Hey, don't worry I'll take care of you," marahang sambit nito at inilapat ang
isang kamay sa kanyang tiyan.
Bahagyang natigilan si Ivory.
Her heart skipped a beat. Hindi niya maintindihan pero parang may humaplos sa
kanyang dibdib. Hindi niya maintindihan pero parang may kung ano siyang
nararamdaman sa kanyang tiyan.
Naramdaman niya ang paghawak ni Xamuel sa kanyang mga braso. Inihilig siya nito sa
dibdib nito. Naipapikit si Ivory. Parang medyo gumaan ang pakiramdam ni Ivory.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Xamuel.
"Ako na magdadala sa kanya sa itaas, manang. Pakihatid na lang po ang sopas," bilin
nito kay Sally.
"O siya sige."
Naramdaman na lang ni Ivory na may bumuhat sa kanya. Nanatili siyang nakapikit
hanggang sa maramdaman niyang inihihiga siya ni Xamuel sa kanyang kama. Bahagya
siyang gumalaw at yumakap sa isang unan.
Umupo sa tabi niya si Xamuel at kinumutan siya.
Bahagya siyang dumilat. Naaninag niya ang mukha ni Xamuel.
"Hey, it's gonna be fine. Just rest, Ivory. Just rest." Hinaplos haplos nito ang
kanyang braso.
Muli siyang pumikit hanggang sa nadala na nga siya ng antok.
***
Hindi alam ni Ivory kung ilang oras siyang nakatulog. Bahagya lang siyang
naalimpungatan nang may maramdamang mabigat na nakadagan sa kanyang tiyan.
Kumunot ang kanyang noo at kinusot kusot ang kanyang mga mata. Napalingon siya sa
katabi at ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita ang
maamong mukha ni Xamuel.
Ito ang nakayakap sa kanya.
Agad na nag-init ang mga pisngi ni Ivory. Sandali siyang napatitig sa lalaki.
Nakagat niya ang labi.
'Ang amo amo ng mukha ni sir. Hindi halatang masungit.'
Dumiin ang pagkakakagat niya sa kanyang labi. Bahagya pa siyang nataranta nang
bahagya itong gumalaw.
Mabilis siyang napatalikod at pumikit.
'Matulog ka na lang ulit, Ivory!'
Halos nahigit niya ang hininga nang humigpit ang yakap nito sa kanya. Dinig na
dinig niya rin ang pagtibok ng kanyang puso. Kinagat niya ang kanyang labi.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at muling nagpadala sa antok.
Nang magising muli si Ivory ay napansin niyang mag- isa na lang siya. Kunot noong
bumangon siya at napatingin sa wallclock.
Mag-aalas dose na rin pala.
'Grabe halos kalahating araw akong tulog lang.'
Bumuntong-hininga siya at tumayo. Medyo okay na naman ang pakiramdam niya.
Nakaramdam na rin siya ng gutom kaya nagdesisyon siyang bumaba.
"O, mabuti naman at gising ka na! Gutom ka na ba?" salubong ni Sally sa kanya.
Ngumuso siya.
"Nasaan po si Sir Xamuel?" Bahagya niyang nakagat ang labi. Hindi niya alam kung
bakit iyon ang biglang lumabas sa kanyang bibig.
Agad namang nangunot ang noo ni Sally. Makahulugang ngumiti ito sa kanya. Nag-iwas
naman ng tingin is Ivory.
"Ay, may binili lang. Babalik din iyon. Halika na at kumain para magkalaman iyang
tiyan mo," sabi ni Sally sa kanya na may makahulugang tingin pa rin.
Bahagyang nag-init ang pisngi ni Ivory at sumama rito sa kusina. Tahimik siyang
kumain ng sopas habang aghahanda ng tanghalian si Sally.
Nang matapos kumain ay dumiretso siya sa sala. Hindi niya maintindihan kung bakit
panay ang tingin niya sa may pinto.
Ngumuso siya.
'Ang tagal naman ni sir.'
Inip na inip si Ivory habang naghihintay kay Xamuel. Kung ano ano na nga lang ang
ginagawa niya habang naghihintay.
Naglaro na siya ng games sa cellphone niya kung minsan naman ay nanonood ng TV pero
bagot na bagot na talaga siya. Nabuhayan lang siya ng loob nang marinig ang
pagparada ng sasakyan sa labas. Agad siyang napatingin sa pinto.
Nang bumukas iyon ay agad na itinaas ni Xamuel ang dalang supot. Nagliwanag ang mga
mata ni Ivory at agad na napatayo.
"Hala! Streetfoods po iyan?!" excited na sabi niya.
Xamuel grinned and went to her.
"Yep. Just for you." Xamuel smiled. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya.
"Hala! Thank you po!" Agad niyang kinuha ang supot at parang batang napalundag.
Natawa si Xamuel sa kanya.
"You like it?" he asked. Parang batang tumango tango naman si Ivory.
Natawa ulit si Xamuel. "Okay ka na?"
"Hmm medyo po. Kumain na rin po ako!" parang batang balita niya rito. Napailing si
Xamuel at ginulo ang kanyang buhok.
"You're cute, Ivory."
Tila nag-hang ang buong mundo ni Ivory nang marinig iyon. Agad na nag-init ang
pisngi niya. Nakagat niya ang labi at napayuko.
Xamuel chuckled and tousled her hair again. Ivory bit her lip.
'Hala ka, Ivory.'

Chapter 11
Wednesday nang umaga.
Maagang sinundo ni Xamuel si Ivory sa bahay dahil may check up siya sa ob-gyne.
"Okay ka lang? You don't feel anything?" paninigurado ni Xamuel. Ngumiti lamang si
Ivory at tumango.
Pumasok na siya sa sasakyan. Sumunod din naman si Xamuel. As usual ay tahimik lang
sila pero hindi na pareho noong nasa magkabilang dulo sila. Literal na magkatabi na
sila ngayon. Napatingin siya kay Xamuel na may kausap na naman sa cellphone.
Hindi na siya masyadong takot dito ngayon. Siguro kasi nakita niyang hindi naman
talaga ito masama.
Bahagya siyang napangiti pero agad din iyong nawala nang ibinaba ni Xamuel ang
cellphone. Nag-iwas siya ng tingin at nagkagat labi. Sumandal na lang siya sa likod
ng upuan at pilit na ipinikit ang mga mata kahit na gising na gising ang kanyang
diwa.
Bandang mga alas-otso sila nakarating sa hospital. Naunang maglakad si Xamuel
habang nakasunod naman si Ivory.
Inilibot niya ang paningin. Halos lahat ng clinic dito sa parte ng hospital ay may
nakapila. Mga buntis rin. May ibang wala pang halos tiyan gaya niya at may iba
namang mga kabuwanan na.
Halos lahat ay may kasamang mga asawa, nasa tabi ng mga ito.
Napanguso siya at napatingin sa lalaking nasa kanyang harapan.
Kinagat niya ang labi.
'Para kaming mag-asawa ni sir, kung ganoon'
Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata at napalunok. Mariin niyang iniilimg ang
ulo.
'Ano ba iyan Ivory!'
"Ivory?"
Kaagad siyang napaigtad nang marinig ang boses na iyon. Muntik pa siyang masubsob
kay Xamuel dahil hindi niya namalayang tumigil na pala ito sa paglalakad. Mabuti na
lang at nahawakan siya nito sa braso.
"S-Sir!" gulat niyang sambit. Kumunot ang noo ng binata.
"Are you okay?" tanong nito. Mabilis at sunod sunod siyang tumango tsaka napakagat
ng labi.
Nag-iwas siya ng tingin. Sandali pa siyang tiningnan ni Xamuel bago nito tuluyang
binuksan ang pinto ng clinic ng kanyang doctor. Una siyang pinapasok ni Xamuel.
"Good morning, doc," Xamuel greeted. Dra. Cruz smiled.
"Good morning, too, Xamuel, Ivory." Ngumiti rin si Ivory.
"Higa ka rito, Ivory," ani Dra. Cruz.
Humiga naman siya sa hospital bed. Chineck ng doctor ang kanyang tiyan.
"This is the baby's heartbeat." Itinapat nito ang aparatong hawak sa kanyang tiyan.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Ivory nang marinig iyon. Napatingin tuloy siya sa
kanyang gilid. Xamuel was just looking at her stomach. Kumunot ang noo ni Ivory
nang mapansing parang naiiyak ang boss niya.
Inabot niya ang kamay nito at pinisil. Nanatili pa rin ang tingin nito sa kanyang
tiyan. Bumalik ang tingin niya roon.
'Grabe, baby. Mahal na mahal ka ng tatay mo. For sure ganoon din ang nanay mo.'
Nakagat niya ang kanyang labi nang mapagtantong may buhay na nga talaga sa kanyang
sinapupunan.
'Wag kang mag-alala, baby. Mamahalin at aalagaan din kita habang nandiyan ka.'
Bahagya siyang ngumiti.
Pinabangon na siya ng doctor pagkatapos. Lumipat sila sa lamesa nito. Magkatapat
sila ni Xamuel sa dalawa nitong visiting chairs.
"Okay naman ang kapit ng bata, Xamuel. Basta ba healthy lang palagi ang kinakain
niya." Nginitian siya ng doktora. Tumango si Xamuel
"Okay, doc."
"Bibigyan ko na lang kayo ng mga reseta para sa mga vitamins niya." Napatango na
rin si Ivory.
Pinaalalahanan lang siyang muli ng doktor sa mga dapat niyang gawin. Naikwento rin
ni Xamuel dito ang mga morning sickness niya kaya pinayuhan siya ng doktor ng mga
gagawin sakaling bumalik na naman ang pagsusuka niya.
Pagkatapos ng check up ay lumabas na rin sila.
"You want to eat something?" tanong ni Xamuel sa kanya habang naglalakad sila sa
hallway ng hospital.
"Uhm wala naman po akong gustong kainin." Ngumiti lang siya. Tiningnan siya nitong
maigi.
"You sure? Pwede tayong kumain sa labas," sabi nito. Ngumiti lang ulit siya
"Okay lang naman po talaga sir," sabi niya. Bumuntong-hininga si Xamuel at tumango.
"Okay. Let's just take out for lunch para hindi na magluto si Manang."
"Sige po."
***
Dumaan ang mga araw at pakiramdam ni Ivory nauubusan na siya ng gagawin. Parang
lahat na kasi ng pwedeng gawin sa bahay ay nagawa na niya. Parang paulit ulit na
lang ang mga ginagawa niya, nakakabagot na rin.
Hindi naman kasi siya sanay na napirmi lang sa bahay kasi noon ay palagi siyang
gala. Kung saan saan nagpupunta.
Napabuntong-hininga na lang siya at napatitig sa TV. Maya-maya ay inabot niya ang
kanyang cellphone at ni-chat si Jasmin.
Napanguso pa siya nang makitang hindi naman ito online. Malamang nasa trabaho pa.
Bumuntong-hininga ulit siya. Wala siyang nagawa kundi ang tumunganga sa TV kahit na
palipat lipat lang naman siya ng channel.
Nabuhayan lang siya ng loob nang tumunog ang kanyang cellphone. Agad niya iyong
kinuha at sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi nang makita ang pangalan ni Xamuel.
Hindi niya alam kung bakit siya na-excite nang sagutin iyon. She bit her lip and
placed the phone on her ear.
"Hello?" Hindi niya naitago ang excitement sa boses.
"Ivory, you okay?" takang tanong ni Xamuel. Nakagat niya tuloy ang labi.
"Ah oo pasensya na po." Napakamot siya sa kanyang ulo.
"Hmm. Anong gusto mong lunch?" tanong ni Xamuel. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni
Ivory.
"Dito ka po magla-lunch?" She pressed her lips suppress her smile.
"Yeah. Magti take out na lang ako pakisabi kay manang."
"Okay po!" masayang sabi niya.
"Anong gusto mo? May gusto kang kainin?" Napanguso siya at nag-isip.
"Hmm gusto ko po ng spaghetti na maraming cheese!"
"Hmm okay. I'll be there in a few."
Naputol ang tawag. Hindi mapuknat ang ngiti ni Ivory. Nakatitig lang sita sa
kanyang cellphone habang abot tenga ang ngiti.
"Naku excited siyang makita si sir Xamuel." Bahagya siyang nagulat nang may
nagsalita.
Napanguso siya kay Sally.
"Ate naman e. Di ko nga maintindihan kung bakit ganoon."
Hindi niya talaga ma-gets kung bakit tuwang tuwa na siya ngayon pag pumupunta ang
amo niya ngayon. Alam niya namang dahil iyon sa pagbubuntis pero ganoon ba talaga?
"Nako, pinaglilihian mo kasi kaya ganoon," sabi ni Sally. Napabuntong-hininga siya.
"Siguro nga pero nakakahiya rin, no." Lumabi siya.
"Ay nako wag kang mahiya ano ka ba naman. Naintindihan ni sir iyan," saway naman ni
Sally. Ngumuso lang ulit si Ivory.
"Nga po, pala, sabi ni sir wag na kayo magluto ng lunch. Mag-take out na lang
siya," sabi niya rito. Tumango naman si Sally at nagpaalam na sa kusina lang.
Bumuntong- hininga si Ivory at nanood na lang ulit.
Nasa kalagitnaan siya ng panonood nang marinig niya ang busina sa labas. Muntikan
pa siyang mapatalon dahil doon.
Maya-maya pa ay lumitaw sa pintuan si Xamuel, dala dala ang take out nito.
Nakangiting inabot nito ang supot sa kanya. Agad siyang napatayo nang maamoy ang
spaghetti.
Mabilis niyang kinuha ang supot.
"You happy?" Xamuel asked, smiling. Sunod sunod na tumango si Ivory.
"Oo!" She screached like a kid.
Xamuel looked at her amusingly. He shook his head.
'How can she be that cute?'
"Ate! May spaghetti po!" Parang batang tumakbo si Ivory papuntang kusina.
Bumuntong-hininga si Xamuel.
"She acts just like you, hon." Malungkot siyang ngumiti at sinundan si Ivory sa
kusina.
They had a pretty good lunch. Hind na gaya noon na halos magka-cricket dahil wala
halos ang nagsasalita. This time, dumaldal si Ivory. Kinuwento niya ang mga
napanood niya at nakipagsabayan din naman si Sally.
Pagkatapos kumain ay tumambay sina Ivory at Xamuel sa sala gaya ng dati.
"Hindi ka pa po papasok?" kunot noong tanong ni Ivory. Xamuel shrugged.
"It's fine. Wala na naman akong gagawin sa opisina." Tumango tango naman si Ivory.
Bumalik siya sa panonood.
"So, how's your day?" Xamuel asked. Bumuntong-hininga siya at nagkibit-balikat.
It's kinda strange because they act like friends now. Parang normal na lang sa
kanila ang ganitong pag-uusap.
"Ito nababagot na rin ako e." Lumabi siya.
"Hmm so what do you want to do?" Tiningnan niya si Xamuel saka nag-isip
"Gusto ko manood ng sine." Nginitian niya ito. Sandaling napatitig sa kanya si
Xamuel bago bumuntong-hininga.
"I'm sorry Ivory. I cannot let you go out. There are dangers out there."
Mabilis na nawala ang ngiti sa kanyang labi at agad din napaupo.
Marahan siyang tumango. "Okay lang po. Naintindihan ko."
Xamuel just looked at her and sighed.
***
Dinner came. Kaswal pa rin naman sila kahit na medyo malungkot si Ivory. Hindi niya
rin maintindihan kung bakit niya dinidibdib iyon. Siguro nga ganoon talaga ang mga
buntis. Nasabi na rin naman ito ni doktora sa kanya pero pag nararanasan mo pala
parang mapapatanong ka rin kung normal pa ba.
Pagkatapos ng hapunan ay dumiretso siya sa kwarto. Nag-half bath na rin siya at
lahat saka nagtalukbong ng kumot. Ang akala niya umalis na si Xamuel kaya laking
gulat niya nang katukin siya nito.
"Ivory."
Agad siyang bumangon at binuksan ang pinto. "Sir?"
Bumuntong-hininga si Xamuel.
"I'm sorry if I can't let you out. You see the surrogacy process that you undergo
is a secret. Marami akong kalaban sa negosyo, Ivory. Ayokong mapahamak ang anak
ko...pati na ikaw. I don't want you to be a colateral damage." Hindi alam ni Ivory
kung bakit parang may humaplos sa kanyang puso nang marinig iyon.
Nakagat niya ang labi.
"Okay lang po talaga. Naintindihan ko naman. Pasensya na po kayo. Minsan kasi di ko
na rin maintindihannang sarili ko na nagtatampo sa mga mabababaw na bagay."
Napayuko siya
Xamuel sighed.
"I understand, Ivory. But don't worry, I'll make a way for that request. I don't
want you stressed." Bahagya siyang napaatras nang yumuko ito at hinalikan ang
kanyang tiyan.
"I'll be going baby." Dinig niyang sabi nito. Napalunok siya at sandaling
napatanga. Naramdaman niya pa ang pagtapik nito sa kanyang balikat bago ito bumaba.
Napkurap kurap na lang siya nang marinig ang pag-andar ng sasakyan nito. Agad
niyang naisara ang pinto at napasandig doon. Napahawak siya sa kanyang dibdib.
'Ano ba Ivory! Iyong baby na nasa tiyan mo kasi, hindi ikaw iyong baby!'

Chapter 12
Bumuntong-hininga si Ivory at humiga sa couch. Nasa sala na naman siya as usual at
wala na naman siyang gagawin. Si Sally kasi ay nasa kusina at nag-aarrange ng mga
grocery nila. Sinubukan niyang tumulong pero nakaamoy siya ng mabaho kaya bigla
siyang nasuka. Hindi na lang siy pinatulong ni Sally.
Napanguso siya at binalingan ang cellphone. Kinuha niya iyon at tiningnan ang
messenger. Laking tuwa pa niya nang makitang online si Jasmin. Agad siyang bumangon
at nag-indian sit sa couch.
Ni-video call niya ito sa messenger. Ilang ring pa ay sinagot na ito ni Jasmin.
"Friend! Hala miss na kita!" nakatiling salubong nito. Bahagya siyang natawa.
Nakaupo ito sa isang monoblock at nakasandal sa dingding.
Sumandal siya sa sofa.
"Miss na rin kita! Pasensya na, Jas. Mahigpit kasi e. Tsaka komplikado." Ngumuso
siya. Agad na umiling si Jasmin
"Ay okay lang friend. Baka mapaano ka rin no." Napangiti siya.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya at tiningnan ang nasa likod nito. Nagkibit-balikat
si Jasmin
"Ito breaktime sa trabaho." Tumango tango siya.
"Kumusta ka naman? Hindi ka na ba nagagawi doon sa atin?" Bumuntong-hininga si
Jasmin.
"Okay naman ako friend. Di na ako bumalik doon no. Simula noong umalis ka hindi na
ako tumapak doon."
Ivory sighed and noddes.
"Okay ka lang ba diyan, Ivs?" tanong ni Jasmin. Ngumuso siya at nagkibit - balikat
"Okay lang naman. Medyo nababagot lang." Bahagya siyang ngumiti. Naningkit ang mga
mata ni Jasmin.
"Hmm. Gusto mong malibang?" makahuluhang sambit nito. Kumunot ang noo niya.
"Huh? Oo syempre." Ngumisi si Jasmin na mas ikinakunot ng kanyang noo.
"May idea ako!"
"Huh? Ano naman?"
"Stalk mo si Sir!"
Nanlaki ang mga mata ni Ivory. Humagalpak naman ng tawa si Jasmin sa kabila.
"Hoy anong pinagsasabi mo!" agad niyang saway sa kaibigan. Mas lalo itong tumawa.
"Asus! Kunwari ka pa! Ang gwapo kaya ni Sir!" Inirapan siya nito.
Nakagat niya ang labi. Naningkit ang mga mata ng kaibigan niya.
"O? Anong reaksyon iyan, Ivory?!"
Agad niyang naramdamab ang pag-iinit ng kanyang mukha.
'Hala siya.'
"Wala!" tanggi niya at hinawakan ang pisngi. Tinaasan siya ng kilay ni Jasmin.
"Asus! Kilala kita oy! Tigil tigilan mo ako, Ivory. Nako ka!"
"Wala nga!" tanggi niya ulit, nakahawak pa rin sa pisngi.
'Ano ba yan! Bakit kasi ang init init mo?!'
Tinampal tampal niya pa iyon.
"Tingnan mo na lang kasi! Akala ko ba nababagot ka!" pangungulit pa ni Jasmin.
Nakagat niya na naman ang labi. Nginisihan siya ng kaibigan.
"Ewan ko sa'yo. Bye na nga Jasmin," natatarantang sabi niya na tinawanan lang naman
ng kaibigan.
In-end niya ang tawag. Bumuntong-hininga siya at ibinaling na lang ang tingin sa
TV.
'Hay ano ba iyan! Ivory, wag magpapadala sa kantyaw ng isang iyon! Tsaka bakit mo
naman kasi isto-stalk si Sir?!'
Napailing na lang siya at inilagay ang cellphone sa center table. Bumalik ulit siya
sa panonood pero maya-maya lang ay umilaw na naman ang cellphone niya. Kunot-noong
inabot niya iyon.
Jasmin:
Ito na ang mga social media accounts ni sir. Ako na naghanap ha!
Facebook - Xamuel Cuanco
Instagram - xamuel.cuanco
Iyan lang active e. Walang snapchat o twitter si sir. Wala rin naman yata siyang
tiktok. Hahaha
Umawang ang bibig niya nang makita iyon.
'Jusko ka, Jasmin! Ewan ko sa'yo!'
Napairap siya pero napatitig din doon. Muli niyang naramdaman ang pag-iinit ng
kanyang mukha. Ipinilig niya ang ulo at muling nanood pero hindi na siya makapag-
focus. Dumadako talaga ang tingin niya sa cellphone.
Sa huli ay bumuntong-hininga siya at binuksan iyon. Kinagat niya ang labi.
'Wala naman sigurong masama kung titingin di ba?'
Mariin siyang pumikit.
'Ay bahala na nga!'
Kagat labing pinuntahan niya ang kanyang facebook app. Iyon lang naman kasi ang
meron siyang account. Ni type niya sa search bar ang pangalan ni Xamuel at ni-click
ang unang lumabas.
Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan habang nagso-scroll ng news feed nito.
Wala naman siyang makita kundi profile picture nito at cover photo.
Ngumuso siya. Naka-private ito at hindi naman sila friends kaya wala talaga siyang
makikita. Napatingin tuloy siya sa add friend button.
'Hindi! Ano ba Ivory! Wag na no!'
Ipinilig niya ang ulo at ni-exit ang application. Binalikan niya ang message ni
Jasmin.
Wala siyang instagram account at app. Napabuntong-hininga siya at nag-download ng
app. Nang ma-download ay ni-connect niya naman iyon sa facebook. Iyong profile
picture niya sa facebook lang din ang ginawa niyang profile picture sa instagram.
Agad niyang ni-search ang profile ni Xamuel. Namangha pa siya dahil ang dami nitong
followers. Buti na lang at naka-public ang account kaya nakita niya ang mga posts.
Nagda-dalawang isip siya kung ipa-follow.
Sa huli ay finollow niya ito. Nakagat niya ang labi.
'Hindi naman siguro makikita ni sir ito. Busy naman iyon tsaka malamang maraming
magpa-follow dun.'
Bumuntong-hininga siya at ni-scroll ang feed ni Xamuel. Napatigil siya sa isang
post kung saan may kasama itong babae. Isang napakagandang babae.
Nakaputi ang babae na parang beach dress habang si Xamuel ay nakahawaiian na puti
rin. Umawang ang kanyang bibig nang makita ang caption nito.
xamuel.cuanco
Married the most beautiful lad in the land.
Napalunok si Ivory sa realisasyong iyon ang asawa ng kanyang amo. Ang namatay
nitong asawa.
'Hala. Ang ganda ganda naman pala ng asawa ni sir.'
Ang mga sumunod na pictures ay sa mag-asawa pa rin. May nakita siyang picture ng
dalawa na nakatoga. Tapos iyong isa naka puting uniform ang misis ni Xamuel.
Kumunot ang noo ni Ivory.
xamuel.cuanco
Goodluck on med school, hon.
Nanlaki pa ang mga mata niya. 'Magdo-doctor pala sana ang asawa ni sir.'
Hindi niya maiwasan ang malungkot. Bumuntong-hininga siya at naghanap na lang ng
ibang pictures.
Nakarating siya sa mga picture ni Xamuel noong college pa ito. Bahagya siyang
napangiti nang makita ang naka-jersey nitong picture.
'Basketball player pala si sir.'
Nagpatuloy siya sa pag scroll. May mga team pictures pa siyang nakita na
kinailangan niya pang i-zoom para hanapin si Xamuel.
Nang makaabot na siya sa dulo ng account nito ay in-exit na rin niya iyon. Sunod
niyang hinanap ang account ni Jasmin. Finollow niya ang kaibigan at ni-stalk na rin
ito. Napailing pa siya nang makita ang mga taong fina-follow nito.
Finollow na rin niya nag mga iyon. Busy siya sa pagpa-follow nang biglang nag-chat
si Jasmin.
Jasmin:
Hoy post ka sa IG mo! Sayang iyang iphone mo!
Kumunot ang noo niya. Kinalikot niya iyon hanggang sa makapag-selfie nga siya.
Pinost niya iyon.
Napanguso siya.
'Ano ba yan. Dahil to sa kaboringan e.'
Napailing siya at muling pumunta sa profile ni Jasmin. Marami na siyang mga
artistang na follow.
E-exit na sana siya nang may nagnotify.
jasmin followed you.
xamuel.cuanco followed you.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang huling notification. Mariin pa siyang
pumikit at tiningnan ulit iyon pero nandoon parin.
May nagnotify ulit sa dm niya.
xamuel.cuanco
Stalking me, Ivory?
Agad na nag-init ang pisngi niya.
May dumating ulit na notification.
xamuel.cuanco liked your photo
Napalunok siya at ni-reply-an ito.
ivory.perez
Hindi po! Nagawa kasi ako nito nakita ko lang kayo.
Nakagat niya ang labi. Ilang segundo pa ay nag-reply na ulit ito.
xamuel.cuanco
That's why you liked my pictures 5 years ago.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Ivory. Sa pagkataranta ay ni-off niya ang
cellphone. Natulala siya.
Kinuha niya ang throw pillow at ibinaon ang mukha roon saka nagsisigaw
'Nakakahiya!'
Sobra siyang hindi mapakali pagkatapos noon. Buong hapon siyang nagkulong sa
kwarto. Hindi niya alam ang gagawin. Kinakabahan siya.
Mas lalo pa siyang nabalisa pagdating ng gabi.
"Ivory halika na! Kakain na!" tawag ni Sally.
Parang naiihi na ewan si Ivory. Ayaw niyang lumabas! Nandiyan na si Xamuel! Pero
pag hindi naman siya lumabas baka puntahan siya noon dito!
Nakagat na lang niya ang labi at saka pinihit ang pinto. Dahan dahan siyang bumaba
at nagtungo ng kusina. Nakayuko lang din siya habang kumakain.
Ramdam niya ang presensya ng lalaki pero hindi niya iyon inintindi. Para silang
bumalik sa dati na walang imikan at halos tunugan na ng mga kuliglig sa sobrang
tahimik.
Iyon na yata ang pinakamatagal na hapunan ni Ivory. Hindi niya alam kung bakit ang
bagal bagal ng oras. Gusto na lang talaga niyang tumakbo sa kwarto.
Makakahinga na sana siya nang maluwag pagkatapos nilang kumain pero tinawag naman
siya ni Sally.
"Ivory, pahatid muna si sir sa labas. Aayusin ko lang ang mesa," anito. Napalunok
siya.
Nag-aalangan man ay tumango na rin. Nakagat niya pa ang labi.
'Bakit kasi kailangan pang ihatid?!'
Nakayuko pa rin siya habang nakasunod kay Xamuel. Nang makalabas sila ay binalingan
siya nito.
"You're quiet. Okay ka lang ba talaga Ivory?" tanong nito.
Nakagat niya ang labi. Hindi siya sumagot.
"Ivory?" ulit nito. Bahagya siyang napaigtad at napalunok.
"Ah wala po! O-okay lang po ako!" agap niya at agad na nag-iwas ng tingin.
She pressed her lips together. Nakakahiya naman kasi kung sasabihin niyang nahihiya
siya sa katangahan niya kanina
Naaalala na naman niya iyon. Mariin siyang napapikit.
'Ano ba iyan Ivory!'
Bumuntong-hininga si Xamuel.
"You can tell me what is wrong, Ivory." Dumilat si Ivory at lumunok.
"W-Wala-"
"Is this about what happened earlier?"
Hindi niya natapos ang sasabihin at agad na napatingin sa lalaki. Nag-init na naman
ang kanyang mukha at agad na napaiwas ng tingin.
"Pasensya na po! Nakakahiya!" Nakagat niya ang labi.
Hindi sumagot si Xamuel. Mas lalo tuloy siyang kinabahan.
Dahan dahan siyang tumingala rito at ganoon na lang ang gulat nuya nang makita
itong nakangiti.
"S-Sir?" Halos magpang-abot na ang hininga niya sa kaba.
Xamuel grinned.
"Oh that. That's nothing Ivory. I really don't mind you stalking me you know." Mas
lalo itong ngumisi. Ginulo nito ang kanyang buhok at saka ito tumalikod.
Naiwan na naman siya roong nakatanga at hindi alam ang gagawin.
Xamuel looked at her from the car. He shook his head and chuckled.
"You're really cute, Ivory. Even cuter than before."
Hindi niya alam kung bakit pero kinuha niya ang kanyang cellphone at pinicture-an
si Ivory. Napailing ulit siya at pinaandar na ang sasakyan.

Chapter 13
"O anong nangyari sa'yo?" bungad ni Jasmin kay Ivory nang mag-video call sila sa
messenger.
Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. Kumunot naman ang noo ni Jasmin.
"Teka anong ginawa ko uy?" takang tanong nito. Bumalik na naman kay Ivory ang
nangyari kahapon.
Ivory's face soured.
"Na like ko ang picture ni sir limang taon na ang nakalipas!" parang batang sumbong
niya.
"Ano?! Paano nangyari?!" Tumawa si Jasmin. Lumabi naman siya.
'Tingnan mo itong babaeng to! Sobrag kahihiyan na nga dinanas ko pinagtatawanan pa
ako!
"Di ko alam! Nag zoom lang naman ako! Wala akong pinindot na heart!" giit niya pa.
Mas lalong tumawa si Jasmin.
"Hoy, Jas!"
"Baka kaka-zoom mo, napindot mo!" Tawa pa rin ito nang tawa.
Ngumawa si Ivory.
"Kasalanan mo to!" sisi niya sa kaibigan.
"Aba teka! Ako pumindot sis?" Tawang -tawang tanong naman nito. Sinamaan niya ulit
ito ng tingin.
"Kainis ka." Ngumuso siya.
'Napaka true friend mo, Jasmin!'
"Bakit ano ba sabi niya?" usisa pa nito tapos ngumisi
Naalala niya tuloy ang sinabi ni Xamuel kagabi. Nakagat niya ang labi at unti unti
niya ring naramdaman ang pamumulang kanyang mukha.
'Shet naman Ivory!'
"Hoy! Anong sinabi ni sir, ba't ka namumula?!" excited at nanlalaking matang tanong
ni Jasmin. Agad na naalarma si Ivory at napaiwas ng tingin.
"Wala!"
"Anong wala!" Tumawa na naman si Jasmin. Iyong tawa nito parang iyong tawa ng
kaibigan mong nalaman ang crush mong matagal mo nang itinatago.
Kinalma niya ang sarili tapos binalingan ito.
"Wala nga! Trabaho ka na nga!" sabi niya pa, kunwari galit. Humagalpak ulit ng tawa
si Jasmin sa kabila.
Mas lalo siyang nainis. Pinatayan niya tuloy ito.
Inilagay niya ang cellphone sa bedside table tsaka muling humiga. Kanina pa siya
hindi bumabangon. Pagkatapos ng agahan ay bumalik din siya sa kwarto niya para
tawagan si Jasmin. Pero ang magaling niyang kaibigan ayun imbis na tulungan siya
inaasar pa siya.
Nag-init na naman ang mukha niya nang maalala ang nangyari kahapon at kagabi.
Nasapo niya ang mukha at saka dumapa at doon sumigaw sa unan. Natigil lang siya
nang tumunog ang kanyang cellphone.
Kumunot ang noo niya at kinuha iyon. Binuksan niya ang chat ni Jasmin.
Jasmin:
May something ha! Hahahaha. Nakoo! Baka magka-love life ka na! Shet Xamuel Cuanco
yan gurl!
Napanguso siya at inilagay ulit ang phone niya sa bedside table. Ibinaon na lang
niyang muli ang mukha sa unan at doon nagtitili.
'Jusko Ivory! Ba't ka ba kasi nagpapaniwala sa mga suggestion ni Jasmin! Iyan
tuloy! Wag na wag ka nang mag-instagram!'
"Argh! Kainis!"
Tinampal niya ang mukha. Sobrang init noon at feeling niya talaga para siyang
tinapakang kamatis sa sobrang pula!
Marahas siyang bumuntong-hininga at bumangon.
'Mas mabuti pang kumain ka na lang Ivory!'
Napatingin siya sa kanyang tiyan na hindi pa naman obvious.
'Kain na lang tayo baby. Mababaliw na yata ako sa kaiiisip sa daddy mo!'
Mariin siyang umiling tsaka bumaba ng kama. Dinala niya ang cellphone pero in-off
niya ang wifi. Baka kung ano na naman ang i-chat ni Jasmin sa kanya.
Bumaba siya at nagpunta ng kusina. Napakunot pa ang kanyang noo nang hindi niya
makita si Sally doon.
"Saan kaya si Ate Sally?" naitanong niya sa sarili saka binuksan ang ref.
Tumingin tingin siya sa loob nito at naghanap ng pwede niyang kainin. She just
settled for an apple.
Kinuha niya iyon at hinugasan bago kinagat. Nagpunta siya sa sala para i-check kung
nandoon si Sally pero wala naman ito.
Bumuntong-hininga siya at lumabas. Ayaw na niyang tumambay sa sala at mas nababagot
siya. Pagkalabas niya ay naabutan niya si Sally sa harap ng bahay na nag-aayos ng
mga halaman. Kumunot ang kanyang noo at nilapitan ito.
"Ate Sally?"tawag niya. Lumingon ito sa kanya.
"O, ikaw pala Ivory." Nagpatuloy ito sa pagdidilig.
Ngumuso siya.
"Ate tulong po ako," sabi niya rito
"Aba oo naman. Halika."
Ngumiti siya at tinulungan si Sally sa mga halaman. Ang dami noon.
"Ang dami naman po nito," komento niya. Ngumiti si Sally.
"Ay si Xamuel ang bumili ng mga iyan. Ang sabi ipatanim dito sa harap ng bahay para
naman mas maging maaliwalas ang paligid ng bahay. Mahilig ka ba sa halaman?"
Nilingon siya nito habang ipinagpapatuloy ang pagdidilig sa mga halaman.
Lumabi si Ivory.
"Nako hindi po e. Wala kasi akong naaalagaan. Uhm alam niyo naman pong skwater ako
at aksidente lang itong trabaho ko." Napakamot siya sa buhok.
Bumuntong-hininga si Sally at bahagya siyng nginitian.
"Alam ko hija. Nakwento ni Xamuel," anito. Sandaling natigilan si Ivory.
"Kinukwento niya po lahat sa inyo, no?" tanong niya.
"Hmm parang ganoon na nga. Wala na kasi mga magulang noon kaya ako na ang tumayo
ring ina. Di kasi close yun sa mga tito at tita niya. Lalo naman sa lolo at lola
niya." Bumalik si Sally sa pag-aayos ng mga halaman. Tumango tango si Ivory.
"Ah kung hindi niyo po sana mamasamain at kung pwede niyo pong sabihin, ano po
palang kinamatay ng magulang ni sir?" kagat labi niyang tanong. Sandaling napatigil
si Sally sa ginagawa at saka bumuntong-hininga.
"Aksidente rin iyon pero ang tingin ni Xamuel may hindi magandang nangyari. Parang
hindi raw aksidente. Kaya pasensya ka na kung mahigpit siya sa'yo. Marami talagang
gustong makakuha ng kayamanan ng mga Cuanco. Pag nalaman nila na may anak si Xamuel
baka mapahamak kayong dalawa ng bata." Malungkot siya nitong nginitian. Huminga
siya nang malalim at tinanguan na lang ito.
"Naintindihan ko po." Sandali silang natahimik.
"Nako magdilig na lang tayo," natatawang ani Sally. Natawa na rin siya at yumukod
na para tulungan ito.
"Ang hilig niyo po sa halaman," komento niya. Natawa si Sally.
"Ay oo! Kasi nga nakakarelax."
Sa huli ay tinulungan nga niya si Sally sa pagdidilig at pag-aayos ng mga halaman.
Wala naman siyang alam sa pag-aarrange ng mga halaman pero tingin niya ay okay
iyong mga ginawa nila. Di naman siya masyadong napagod kasi magagaan lang naman
iyong mga halaman.
Hindi niya alam kung bakit pero tama si Sally at narelax nga siya sa pag-aayos ng
mga halaman. Para nga siyang professional kung makatingin doon sa ina-arrange nila.
Tuluyan na nga siyang naaaliw sa mga halaman.
Mas lalo pa siyang na-excite nang tinamaan na ng araw iyong mga halaman. Naalala
niya iyong mga nakikita niyang photography sa mga flowers.
Kinuha niya iyong phone niya at kinuhanan iyon ng mga pictures. Iba ibang angle
iyon kahit na hindi naman talaga siya maalam sa angle. Basta magadan sa paningin
niya okay na iyon.
Sa sobrang pagkaaliw niya sa mga halaman ay maya't maya niya iyong chinecheck.
Natatawa na nga si Sally sa kanya dahil pabalik balik siya sa labas para i-check
iyong mga halaman. Ni hindi na nga siya mapirmi sa isang lugar dahil panay ang
labas niya.
"Nako, tuwang tuwa ka na talaga diyan, ha." Napalingon siya at nakita si Sallt na
natatawa sa kanya.
Ngumuso siya.
"Maganda po ba? Parang may kulang, e," sabi pa niya. Natawa at nailing si Sally.
Lumapit ito sa kanya at tinapik siya.
"Okay na yan," sabi nito. Bumuntong-hininga siya.
Ang ending maghapon lang siyang nandoon sa mga halaman. Ewan niya kung bakit tuwang
tuwa talaga siya.
Kinahapunan ay nandoon lang ulit siya sa labas at pinipicture-an ang bagong mga in-
arrange niya kanina. Busy siya sa pagkukuha ng mga pictures nang may pumaradang
sasakyan sa harap ng bahay.
Agad siyang napatingin doon. Lumabas si Xamuel na ikinaatras niya.
Kunot noong nakatingin si Xamuel sa kanya.
"Ba't nandito ka sa labas?" tanong nito. Napalunok siya.
"Uhm nagdilig po ako," sabi naman niya at yumuko.
"You like plants?" kunot noong tanong nito. Ngumuso siya.
"Hmm naaliw lang po ako kanina. May pagkakaabalahan na po akong iba." Tumingala
siya at bahagyang ngumiti.
Bahagya namang natigilan si Xamuel saka bumuntong-hininga.
"Thats good then."
Tumango si Ivory. Binalot sila ng katahimikan pagkatapos. Tumikhim si Xamuel.
"Anyway, I have a surprise for you," anito. Kumunot ang noo ni Ivory.
"Huh ano po?"
"Wait there." Bumalik ito sa sasakyan at may kinuha.
Pagbalik nito ay may dala na itong isang basket ng mga popcorn. Sa kabila nitong
kamay ay may pizza pa.
"Para saan po yan?" takang tanong ni Ivory.
Bahagyang ngumiti si Xamuel at nagkibit-balikat. "You said you want to watch
movies. Netflix then? Brought some popcorns and some snacks. I'll set up later."
Nanlaki ang mga mata ni Ivory.
"Hala! Talaga po?"
Natawa si Xamuel.
"Yes." Biglang nagliwanag ang mukha ni Ivory. Sa excitement ay muntik na niyang
madamba ng yakap si Xamuel.
Agad din naman siyang napatigil nang mapagtanto ang gagawin. Nakagat niya ang labi
at napayuko.
Mariin siyang napapikit.
'Ano ba Ivory! Tama na naman ang kahihiyan!'
Bumuntong-hininga siya at nakangusong tumingala.
"Sir, nakakahiya po talaga yung kahapon,"pagtatapat niya rito. Ramdam niya ang pag-
iinit ng kanyang mukha pero feeling niya talaga kailangan niya ito para di na siya
maging awkward.
Bahagyang natawa si Xamuel. Napatingin tuloy siya rito.
"Tss. Ivory, dont fret about it okay? Just dont mind it really."
"Pero po…" Bumuntong-hininga si Xamuel.
"Listen here Ivory, ikaw lang ang nagpapahiya sa sarili mo. Just forget about it."
He gave her a smile. Natanga naman si Ivory.
Xamuel sighed again.
"Look, I just dont want you to be uncomfortable. I mean I know you feel weird about
the things that you are experiencing and I totally understand that, Ivory. It's my
baby talking there." He paused.
"Ivory, I owe you a lot. You just don't know how much this means to me."
Umawang ang bibig ni Ivory at napatitig sa lalaki. Weird. Ngayon lang niya nakitang
ganoon si Xamuel. Ewan niya pero parang may humaplos na naman sa kanyang dibdib
dahil doon.
Tipid siyang ngumiti at huminga nang malalim.
"Sir, malaki rin po ang utang na loob ko sa inyo. Kayo po ang umahon sa akin sa
kinasadlakan ko at kahit na hindi niyo naman ako kilala. Pareho lang po tayo."
Nagkatitigan sila. Si Xamuel ang unang ngumiti. Napailing pa ito.
"Seems like pinagtagpo tayo ah." Bahagya itong natawa. Napakamot naman sa ulo si
Ivory at natawa rin.
"Baka nga po."
Natahimik ulit sila. Napanguso siya.
Xamuel cleared his throat.
"You know what, nine months is long. We're barely starting so I'd really like us
not to hw awkward. For the baby…" Huminga nang malalim si Ivory at lumabi .
"Wala naman pong problema roon. Nahihiya lang talaga ako. Di ko talaga maintindihan
iyong ganitong pagbabago e." Napayuko siya.
"I understand. I guess we can be friends." Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Ivory
at agad na napatingin kay Xamuel.
"Hala! Opo naman! Grabe una po kitang kaibigan na mayaman!" parang batang sambit
niya. Xamuel chuckled.
"Tss. Friendship knows no status. So, shall we watch a movie now?" pag-iiba ni
Xamuel. Nangunot naman ang noo niya.
"Po? Wala po kayong trabaho?" He just shrugged.
"Saturday bukas tsaka di naman tayo magpupuyat. Bawal sa'yo. Let's just continue
watching tomorrow if ever." Ngumuso si Ivory at tumango tango.
"Hmm sige po."
"So, shall we get inside? Medyo mabigat na ito,e," natatawang sabi ni Xamuel.
Bahagya pang nanlaki ang mga mata ni Ivory.
"Hala sorry po! Tulungan ko na kayo!" natatarantang sambit niya. Tinawanan lang
siya nito.
"Nah. It's fine. Let's just get inside shall we?" Sunod suno niyang tinanguan ang
lalaki at pumasok na nga sila.
Naghapunan muna sila bago tinuloy ang pag-movie marathon. Medyo gumaan ang
pakiramdam ni Ivory dahil hindi na ulit awkward ang naging hapunan nila.
Pagkatapos ng hapunan ay sinet up na nga ni Xamuel iyong kailangan nila. Pinatay pa
ang ilaw sa sala para mukhang sine talaga. Nasa center table ang mga snacks nila.
Pumwesto na silang dalawa ni Xamuel sa mahabang couch. Si Sally naman ay nasa
kusina at inihahanda ang mga prutas na snacks. Sabi kasi ni Xamuel dapat healthy pa
rin daw ang kakainin nila.
"Okay na to sa'yo?" tanong ni Xamuel sa kanya at ni-click ang isang movie, Kissing
Booth.
"Okay lang sa'yo yan panoorin?" takang tanong niya sa amo. Nagkibit balikat ito at
bahagyang natawa.
"Yeah sanay na ako." Bahagyang kumunot ang noo ni Ivory pero nagkibit-balikat na
lang din.
"Okay!"
Ni-play nila ang movie. Tuwang tuwa si Ivory sa mga kalokohan ng mag bestfriends na
bida. Napapatili pa nga siya pag may mga sweet moments ang dalawang bida. Ni hindi
na niya napansin na kasama niya si Xamuel.
Natapos nila ang Kissing Booth at nasa kalagitnaan na sila ng pangalawang movie
nang humikab si Ivory.
Napatingin si Xamuel sa dalaga. Unti-unti na itong sumasandal sa likod ng upuan.
Napailing na lang siya nang makita itong nakatulog na.
Xamuel sighed and stared at Ivory's face. For some unknown reason, he reached for
it and caressed it gently.
Nagtagal ang tingin niya sa labi nito. He touched it with his thumb.
'So soft.'
Parang may mahikang nakabalot ang labi nito na hinihila siya palapit. Napalunok si
Xamuel at unti-unting inilapit ang mukha sa mukha nito. His lips touched hers.
He closed his eyes and nibbled her lower lip gently. Para siyang nawawala sa
sarili. Ang lambot lambot ng labi ng babae.
Ivory flinched, which made Xamuel stopped.
Agad siyang napalayo rito. Nasapo niya ang mukha.
'Fuck, what are you doing, Xamuel.'

Chapter 14
Kinabukasan, nagising si Ivory nang nakakunot ang noo. Kinusot kusot niya ang
kanyang mga mata at bumangon. Bumuntong-hininga siya at sandaling naupo sa kama.
Ikinalat niya ang tingin at bahagya siyang nagulat na nasa kwarto niya na pala
siya. Hindi niya alam kung bakit pero parang may mali siyang pakiramdam. Iyong
tipong parang may nangyari kagabi tapos di niya na maalala.
Nasapo niya ang mukha.
'Jusko naman Ivory. May ginawa ka na naman bang katangahan?'
Pilit niyang inalala ang nangyari kagabi at okay naman iyong mga nangyari. Naging
friends pa nga sila ni Xamuel sa pagkakaalala niya. Naalala niya rin na sobrang
tuwa niya sa pinanood nilang movie. Nakadalawa nga sila kaso di niya yata natapos
iyong pangalawa.
Napakamot tuloy siya sa kanyang ulo. Bumuntong-hininga siya at bumaba na ng kama.
Tiningnan niya ang kanyang wallclock. Mag-aalas siyete na pala ng umaga. Lately
hindi na siya nakakalakad sa umaga. Tinatamad na rin kasi siyang gumising nang
maaga at maglakad. Change of mood na naman yata.
Bumaba na siya at naabutan niya si Sally sa kusina.
"O, good morning," bati nito nang makita siya. Nginitian ko ito.
"Morning, ate."
"Nako, teka lang ha, hindi pa ako tapos dito."
"Okay lang po." Tumabi siya kay Sally na kasalukuyang nagluluto ng agahan.
Ngumuso siya. "Ate, ba't po nasa kwarto na ako?"tanong niya rito. Bahagya itong
lumingon sa kanya.
"Ah dinala ka ni sir doon. Tinulugan mo e." Natawa ito. Napaawang ang labi niya.
"Ay ganoon?" Ngumuso ulit siya.
"Oo. Umuwi lang yun saglit pero babalik din daw. Di nga ginalaw iyong movie niyo o.
Nood daw kayo ulit mamaya." Napatingin tuloy siya sa sala at nandoon pa nga iyong
set up nila kagabi. Walang nagalaw roon kahit ni isa.
Hindi niya tuloy mapigilan ang pagngiti.
"Asus excited na siya, o," tudyo ni Sally. Lumabi naman siya.
"Ate naman inaasar na naman ako." Tinawanan lang siya nito.
Pinanood ni Ivory si Sally na maghain. Nang matapos ito ay umupo na siya at
nagsimula silang kumain.
Bumalik sa kanya iyong weird na naramdaman niya kanina kaya napakunot ang kanyang
noo.
"Ate Sally, wala po ba akong ginawang katangahan o weird kagabi?" tanong niya rito.
Agad namang nag-angat ng tingin si Sally.
"Ha? Anong weird? Wala naman. Nanonood lang kayo ni sir diyan,e. Tapos noong
nagbanyo ako, tulog ka na kaya sabi ni sir dadalhin ka na niya sa taas." Napatango
tango siya at bahagyang nakahinga rin nang maluwag.
Maghapong hinintay ni Ivory si Xamuel pero hindi naman ito dumating. Siya na lang
tuloy ang nag-movie marathon.
Bumuntong-hininga siya. Lumapit si Sally na may dalang juice. Inilagay nito ang
pitsil sa center table at tinabihan siya.
"O, okay ka lang ba?" tanong nito. Marahang tumango lang si Ivory.
"Wala po. Ate samahan mo naman ako. Nood tayo," pakiusap niya rito. Ngumiti naman
si Sally.
"Ay nako, oo naman." Huminga nang malalim si Ivory at itinuon na lang ulit ang
pansin sa pinapanood.
Pinilit niyang mag-focus pero sadyang distracted ang utak niya kaya wala rin naman
siyang naintindihan sa mga pinanood nila. Bumuntong-hininga ulit siya at napatitig
sa kanyang cellphone.
'Hindi man lang tumawag para magpaalam na hindi pupunta.'
Napansin iyon ni Sally kaya tinapik siya nito sa balikat.
"Baka may emergency na inasikaso sa opisina kaya ganoon," pampalubag loob nito.
Hindi siya sumagot. Naramdaman niya na lang ang pangingilid ng kanyang mga luha.
Lumabi siya.
"Naiiyak po ako. Di ko alam kung bakit," tila batang sumbong niya. Bumuntong-
hininga ulit si Sally at hinagod ang kanyang likod.
"Hay nako, alam mo, ganyan talaga iyan. Itong baby mo kasi o."
Napahawak siya sa kanyang tiyan at bumuntong hininga na lang.
'Ang labo ng daddy mo baby. Sabi friends na raw kami tapos di naman tayo sinipot
ngayon. Ang labo talaga. Kaya siguro ako naiiyak kasi malungkot kang in-indian.'
***
Ilang araw na hindi nagpaparamdam si Xamuel at hindi maintindihan ni Ivory kung
bakit. Okay naman kasi ito nang umalis noong gabing nag-movie marathon sila. Kahit
naman hindi niya namalayan ay sabi ni Sally wala naman daw kakaiba noong umalis ito
kaya hindi niya talaga maintindihan kung bakit ganoon.
Bumuntong hininga siya at inilapag ang juice sa center table. Sakto namang bumukas
ang pinto at iniluwa noon si Sally na kagagaling lang ng palengke.
"O, ito na iyong bibingka. Nako, mabuti at merong nagbi-benta." Binigay nito ang
bibingka sa kanya. Nagpabili kasi siya at nag-crave siya nito kahapon lang.
Nginitian niya ito. "Thank you po."
Tumango lang si Sally. "Siya, lalagay ko lang sa kusina ito."
At nilagpasan siya nito dala ang mga pinamili sa palengke. Bumuntong-hininga ulit
si Ivory at nilantakan na lang ang bibingka.
Ilang sandali pa ay bumalik na si Sally sa sala.
"Oo nga pala, Ivory. Ito o, may pinapaabot si sir." Bahagyang napatigil si Ivory at
nilingon ito.
"Ano po ito?" tanong niya pagkakuha ng sobreng inabot ni Sally.
"Yan na ATM mo. Nandiyan na rin daw ang pinag usapan niyo na sweldo mo at
allowance. Ito mga vitamins." May inabot naman itong supot. Kinuha niya iyon.
Nanatili ang titig niya sa sobre.
"Nagkita po kayo?" tanong niya, nakatingin pa rin sa sobre. Narinig niyang
bumuntong-hininga si Sally.
"Ah pinatawag ako sa mansyon para ibigay yan." Nakagat ni Ivory ang labi at
marahang napatango.
"Bakit di na po siya nagpupunta?" Pilit niyang pinatatag ang boses kahit na nag-
iinit na naman ang mga sulok ng kanyang mga mata.
Sandaling hindi nakasagot si Sally. Sa huli ay huminga ito nang malalim.
"Nako, Ivory. Iyan ang hindi ko masasagot. Tinanong ko naman pero hindi rin
sumagot, e." Sandaling hindi nagsalita si Ivory. Kinalma niya muna ang sarili bago
nag-angat ng tingin.
She forced a smile
"Sige po salamat dito." Itinaas niya ang sobra at saka muling nag-iwas ng tingin.
Napabuntong-hininga na lang si Sally sa kanya.
Hindi maintindihan ang sarili pero mas hindi maintindihan si Xamuel. Ilang ara na
ang lumilipas. Magli-linggo na nga, pero wala pa rin itong paramdam. Kahit tawag sa
cellphone o telepono ay wala. Nafu-frustrate siya at naiiyak dahil hindi niya alam
kung bakit naging ganoon. Pakiramdam niya tuloy may nangyari noong gabing iyon.
Pero ano? Tsaka akala niya magkaibigan na sila? Bakit naging ganito?
Huminga siya nang malalim at nagdesisyong umakyat na lang. Mas malulungkot siya sa
sala dahil maaalala na naman niya si Xamuel.
Nilagay niya lang ang mga gamot sa bedside table. Umupo siya sa kanyang kama at
napatitig sa hawak na sobre. Maya maya pa ay tumunog ang cellphone niya.
Si Jasmin, nakikipag video call. Bumuntong hininga siya at sinagot iyon.
"O friend kumusta?" bungad nito. Tipid siyang ngumiti para hindi siya mahalata ni
Jasmin.
"Ito okay naman. Ikaw diyan?" Nagkibit-balikat ang kaibigan niya.
"Ito okay rin! May date ako!" masayang sabai nito at parang kiti kiti kung gumalaw.
Bahagya siyang natawa.
"Talaga?"
"Oo!" Halos magkorteng puso na ang mga mata ni Jasmin. Napailing siya.
"Wow. Masaya ako para sa'yo." Nginitian niya ulit ito.
'Mabuti pa si Jasmin, normal na ang buhay.'
"Sus! Wag kang mag-alala friend, pagkatapos mo ng trabaho diyan kay sir, makakapag
explore ka na!" sabi nito
Napangiti ulit siya at sandaling napaisip.
Tama si Jasmin. Pagkatapos nitong trabaho niya, mawawala na siya sa buhay ni Xamuel
Cuanco. Magsisimula na siya ng kanyang panibagong buhay. Hindi siya dapat
magpaapekto sa mga nangyayari dahil temporary lang naman ito. Iyong mga
nararamdaman niya ngayon ay dala ng pagbubuntis. Dapat ang planuhin niya ang buhay
pagkatapos ng lahat ng ito.
Napatingin siya sa hawak na ATM. She heaved a sigh and looked at her friend on the
screen.
"Jas, may hihingin sana akong pabor," panimula niya. Tumango tayo si Jasmin at
nagpangalumbaba pa.
"Hmm ano yun friend?" Huminga siya nang malalim at ngumuso.
"Napag isip isip ko kasing pagkatapos nito ay magbabagong buhay na ako. Gusto ko
sanang makapag-pundar." Tumango ulit si Jasmin.
"O, anong plano?" Nagkibit-balikat siya.
"Naisip kong mag negosyo, Jas. Kaso hindi ko naman maaasikaso kasi alam mo na,
nandito ako at di pwedeng lumabas. Kung pwede sana ikaw na ang mag-asikaso muna?
Gusto ko na rin talaga kasing magsimula."
Bukod doon at gusto niya ring malibang talaga at nang hindi na niya maisip ang
nangyayari ngayon.
Agad na ipinitik ni Jasmin ang kamay
"Asus! Iyon lang pala! Ano ka ba naman! Aba! Syempre okay lang! Alam mo, balak ko
rin mag negosyo, no." Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa kaibigan.
"Talaga? Edi magsosyo na lang tayo?" suggest niya. Umaliwalas naman ang mukha ni
Jasmin.
"Ay game ako! Pero friend ano bang business ang gusto mo friend?"
Napaisip siya pero agad na dumako ang kanyang isip sa isang bagay.
"Hmm gusto ko sana ng flowershop?"
"Ha?" halos hindi makapaniwalang tanong ni Jasmin. Bahagya siyang natawa at
nagkibit balikat.
Syempre alam ni Jasmin na wala naman siyang hilig sa halaman noon. Pero lately, mga
halaman ang kasama niya sa tuwing nababagot siya. Kaya siguro iyon na rin ang
naisip niyang i-negosyo.
"Okay naman siya, Jas," dagdag niya rito. Ngumuso si Jasmin.
"Hmm okay rin naman. May mga naririnig akong maganda naman daw ang flower business.
Ako kasi gusto ko cosmetics." Tumango tango siya sa kaibigan. Sandali silang
natahimik. Nabg biglang parang may naisip si Jasmin ba magandang ideya. "Ay alam ko
na! Ganito friend, bale partner na lang tayo sa dalawa. Flowershop at cosmetics!
Bet mo yun?" taas babang kilay na tanong nito sa kanya.
Kumunot ang kanyang noo at napatango tango rin. Not bad.
"Hmm sige ba. Game ako." Nginitian niya ito. Napapalakpak naman si Jasmin.
"Okay okay. Sa day off ko, maghahanap na ako ng pwedeng puwesto tapos asikasuhin ko
na ang mga papel. May naipon na rin naman ako kahit papaano," excited nitong sabi.
Natawa siya at napangiti.
"Maraming salamat, Jas. A, gagawan ko ng paraan kung paano ako makakapagdala ng
share ko."
"Sus! Wala yun! Excited na rin akong magsimula ng negosyo!" Natawa ulit siya.
"O, siya sige. Inaantok ako. Tawag na lang ulit ako mamaya?" Humikab siya. Tumango
naman si Jasmin at kumaway na. Kinawayan niya rin ito.
Pinatay niya ang tawag at ang cellphone bago bumuntong-hininga. Humikab siya at
humiga na. Hindi niya napigilang magmuni muni habang nakatingin sa kisame.
She sighed again.
'Ganyan talaga ang buhay, Ivory. Focus ka na lang sa future. Makakapag-bagong buhay
ka rin. Temporary lang ang lahat ng ito. Wag masyadong dibdibin.'

Chapter 15
Nakatayo sa harap ng salamin si Ivory at tinitingnan ang kanyang baby bump. ilang
buwan na ang lumipas at kitang kita na ang bump sa kanyang tiyan. Hindi pa rin
talaga siya makapaniwala hanggang ngayon.
Buntis nga siya. Ipinaglapat niya ang labi at ngumuso.
"Nako, halatang halata na o." Napangiti siya nang pumasok si Sally.
"Oo nga po Ate Sally, e." Nilapitan siya ni Sally at hinaplos din ang kanyang
tiyan.
"Nako, ano kaya ang baby na ito ano?" tanong nito.
Nagkibit balikat siya. Hindi pa kasi siya nakakapagpa-ultrasound.
"Malalaman ko po sa next check up. Kayo po sasama sa akin di ba?" Bahagyang
natigilan si Sally pero agad din namang ngumiti.
"Ah oo hija."
Bahagya siyang nalungkot. Ilang buwan na ring missing in action si Xamuel.
Bumuntong-hininga na lang siya. Malungkot pero wala naman siyang magagawa.
Napahawak siya sa kanyang tiyan.
'Pasensya na baby. Wala talaga yung daddy mo. Di ko alam kung anong nagawa kong
kasalanan.'
Napalunok siya nang bigla na namang nangilid ang kanyang mga luha. Nag-iwas siya ng
tingin sa salamin at bumuntong-hininga.
Bumuntong-hininga rin si Sally.
"O, siya, hija. Maghahanda lang akong merienda ha. Mamayang hapon susunduin tayo ni
Pedring dito para sa check up mo." Ngumiti ito sa kanya. Tumango lang siya at
ngumiti na rin.
Umupo siya sa kanyang kama at bumuntong-hininga. She got her phone and checked her
messenger. May message iyon galing kay Jasmin.
Jasmin:
Video call?
Pinindot niya ang video call button. Ilang ring pa ay sumagot na rin naman si
Jasmin. Hula niya ay nasa trabaho na rin ito dahil naka-uniform na ito.
Humiga siya at itinapat ang cellphone sa kanyang mukha.
"Kumusta na bes?" tanong niya rito. Nagkibit balikat si Jasmin.
"Ito, bes, okay lang. E ikaw ba?"
"Hmm. Okay lang din naman. Nga pala, kumusta na ang negosyo?" tanong niya rito.
"Ay okay naman bes! Kaso, grabe ganito pala ito ka komplikado! Ang daming mga
kailangang papers!" Napanguso siya sa sinabi ng kaibigan.
"Pasensya ka na ha. Wala ako diyan."
"Sus! Wala iyon no! Okay lang naman. Huwag kang mag-alala. Malapit na to bes! Omg!
Hindi ako makapaniwala!" tumili si Jasmin. Bahagyang natawa si Ivory.
"Excited na rin ako," sabi niya pa. Tumango tango si Jasmin.
"So, kumusta ka na? I mean iyong pagbubuntis mo? Hindi ka na nahihilo?" Bumuntong-
hininga siya.
"Okay naman bes. Ito okay na okay naman. Sana tuloy tuloy na. Magpapa-ultrasound
ako mamaya para malaman na iyong gender." Tumango tango ulit si Jasmin at saka
ngumiti.
"Nako! Excited na ako! Kahit di mo yan anak, nakaka excite pa rin bes!" Bahagya
siyang natawa at tumango.
"Sige, Jas. Maghahanda na ako para sa check up ko, e," paalam niya rito.
"Okay bye! Balitaan kita friend!"
"Salamat ulit!"
"Sige." Nginitian niya ulit ito bago pinutol ang chat.
Bumuntong-hininga siya at inilagay ang cellphone sa bedside table.
Nakatingala siya sa kisame. Hanggang ngayon ay ni anino ni Xamuel wala na siyang
nakita. Para itong bulang naglaho na lang bigla. Sinabi niya sa sarili niyang hindi
niya na dapat isipin iyon dahil nga ang dapat niyang isipin ay ang magiging buhay
niya pagkatapos nito. Pero minsan hindi niya na rin talaga maiwasabg mag - isip
nang ganoon.
Kahit na anong abala niya sa kanyang sarili may mga time pa rin talagang bigla na
lang sumusulpot sa isip niya si Xamuel. Ni hindi niya alam kung bakit.
Bumuntong-hininga ulit siya at tumagilid. Pag ganitong malungkot siya, itinutulog
niya na lang at nang mabawas bawasan ang kanyang iniisip. Buntis pa rin siya at
kahit na MIA ang boss niya ayaw niya namang may mangyari sa bata.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at tuluyan nang nagpadala sa antok
***
Bandang mga alas tres nang hapon nang sinundo si Sally at Ivory ng driver ni
Xamuel. May kaunting pag-asang nabuo sa dibdib ni Ivory na sana ay makita niya ang
lalaki pero agad din naman iyong nawala nang pagpasok niya sa van ay wala naman
iyong tao. Napailing na lang siya.
Sa dati niya pa ring doctor sa Clarke Medical Hospital siya napapa-check up kasama
si Sally.
"Wow. Its a baby boy," bulalas ng doctor habang nakatingin sa screen.
Umawang ang bibig ni Ivory at agad na sumilay ang ngiti sa kanyang labi bago
tiningnan si Sally na nakangiti rin sa kanya. Binalik niya ang tingin sa doctor.
"Hala talaga po?" Lumingon ang doctor sa kanya at ngumiti.
"Oo, Ivory." In-explain nito ang naka-display sa screen.
Hindi naman maiwaksi ni Ivory ang ngiti sa kanyang labi. Parang may kung ano pang
humaplos sa kanyang puso habang nakatitig siya sa monitor kung saan nakadisplay ang
bata.
Ang liit nito.
"Nako, matutuwa si Xamuel niyan, hija." Dinig niyang sambit ni Sally.
Doon siya bahagyang natigilan pero tipid na ngumiti pa rin naman. Bumuntong-hininga
siya nang maalala ang huling check up na kasama ang lalaki. Ipinilig niya ang
kanyang uko para iwaglit ang alaalang iyon.
May sinabi pa ang doctor sa kanya. Nagtanong din siya ng mga maaari niyang maging
activity sa bahay ngayong lumalaki na ang kanyang tiyan. Pinayuhan lang siya nitong
maging active sa lifestyle para hindi siya mahirapang manganak lalo pa ay first
time niya iyon.
Pagkatapos ng chikahan niya sa doctor ay bumangon na rin siya sa hospitak bed.
Pinaalalahanan lang ulit siya nito ng mga bagay bagay
"Salamat po doc," sambit niya nang matapos sila.
Nginitian siya ng doctor at tinanguan. Nagpaalam sila rito bago lumabas ng clinic.
Kasalukuyan silang naglalakah sa pasilyo ng hospital nang may naamoy siyang
mabango.
Napanguso siya nang biglang kumalamm ang kanyang sikmura sa amoy. Huminto siya kaya
napahinto rin si Sally.
"O bakit?" tanong nito sa kanya. Mas tumulis ang nguso niya at hinarap ito.
"Ate Sally nagugutom po ako," tila batang sumbong niya.
"Ha? O siya sige, kumain muna tayo at may restaurant naman diyan sa labas." Agad na
nagliwanag ang kanyang mukha.
"Sige po!" halos excited niyang sambit. Bahagyang natawa si Sally sa kanya at
inakay na siya palabas ng hospital.
Naglalakad na sila palabas nang may nakasalubong silang babae.
"Sally?" Dinig niyang sambit nito na agad na nagpatigil kay Sally.
Nasa harap nila ang babae, kunot na kunot ang noo habang ni-he-head to foot siya.
"Sino yan?" taas kilay na tanong nito kay Sally. Agad namang nilingon ni Ivory ang
kasama.
Hindi sumagot si Sally. Kumunot pa ang noo ni Ivory nang makita ang bahagya nitong
pagkataranta. Parang ayaw nitong kausap ang babae. Humigpit ang hawak nito sa
kanyang kamay at bahagya siyang hinila.
"Uh Ivory tara na," sabi nito.
"Po?" gulat niyang sabi pero hinila lang siya ulit ni Sally.
"Tara na.
Niyakag siya nito paalis.
"Teka lang po, Ate Sally!" sabi niya pa nang nagmamadali itong magkalakad papunta
sa parking ng hospital.
"Sally! Oh my god! Wait!" Napalingon siya.
"Dalian mo! Sa bahay na tayo kumain o mag-drive thru na lang tayo," sabi sa kanya
ni Sally. Mas lalong kumunot ang kanyang noo.
"Pero po-" Natigil siya sa pagsasalita nang biglang sumisigaw ang babae.
"Bilisan mo!" yakag ni Sally sa kanya. Wala naman siyang chocie kundi ang
magpatianod
"Nandiyan na po!"
Sinusundan sila ng babae pero mas mabilis si Sally. Pagkarating na pagkarating nila
ay agad siya nitong pinapasok sa sasakyan. Hindi ito mapakali.
"Tara na Pedring! Sa bahay! Drive thru tayo ng malapit na kainan sa bahay," utos
nito kay Pedring nang makasakay sila.
Weird na napatingin si Ivory sa kasama. Hindi niya talaga maintindihan ang mga
nangyayari.
Gaya nang sabi ni Sally ay nag-take out nga sila. Pagdating ng bahay ay hindi na
nagsalita si Sally. Balisa pa rin ito. Dumiretso ito sa kusina para ihanda ang
nabili nilang pagkain tapos ay lumabas ito.
Mas lalo tuloy siyang naguluhan. Gusto niya sanang sumunod sa labas kaso nagugutom
na siya kaya sa dining na lang siya pumunta.
Napahawak siya sa kanyang tiyan habang nakatingin sa pagkain.
'Baby anong nangyari kanina? Ang gulo naman. Tsaka ang balisa ni Ate Sally. Sino
kaya iyong babae kanina?'
Naipilig niya ang ulo nang tumunog na naman ang kanyang tiyan.
'Ay bahala na nga. Nagugutom na talaga ako.'
Ikinain na lang niya ang mga tanong niya kanina pa. Nang matapos kumain ay aakyat
na sana siya nang maulinigan niyang may nagsasalita sa labas. Wala pa rin si Sally
sa loob kaya malamang ito ang nagsasalita. Bumuntong-hininga siya at pumunta sa may
pinto.
Weird lang kasi para itong bumubulong. Nang silipin niya ay nakatapat ang cellphone
nito sa tenga.
Itinapat din niya ang tenga sa pinto.
"Opo sir. Siya nga po iyon. Nakita niya kami. Nakilala pa nga ako. Opo. Okay naman
po." Dinig niyang sabi nito. Pagkatapos noon ay hindi na rin naman ito nagsalita.
Kumunot ang kanyang noo at bahagyang binuksan ang pinto.
"Ate Sally?" tawag niya na bahagyang ikinatalon nito. Mas lalo siyang na-weirduhan.
Para talaga itong may tinatago.
"Kanina ka pa diyan?" tanong nito.
"Sino po yun?" tanong niya naman pabalik, binalewala ang tanong nito.
"Ah wala! Gutom ka na? Nakakain ka na ba?" Bumuntong-hininga siya at tumango.
"Si Sir Xamuel po iyon?" tanong niya. Bahagya itong natigilan pero hindi sumagot.
Tipid lang itong ngumiti sa kanya.
"Halika na sa loob," pagbabaling nito sa usapan. Hindi gumalaw si Ivory at
nanatiling nakatitig sa kasama.
"Ate, hindi ko po alam kung bakit siya galit. Last time naman po magkaibigan na raw
kami. Bakit ganoon?"
Bumuntong hininga si Sally.
"Hija, hindi ko rin talaga alam kung bakit e. Wala na siyang sinasabi. Ang sabi
lang alagaan kita." Huminga nang malalim si Ivory.
"Okay po."
Yumuko siya at dinamdam na naman ang kakaibang lungkot sa kanyang dibdib.
'Hanggang kailan kami ganito? O baka talagang hanggang sa makapanganak ako ganito
na. Kasi naman Ivory, hindi porket sinabing friends na kayo okay na. Boss mo pa rin
iyon.'
Napabuntong-hininga na lang siya at pumasok na sa loob.
'Ang lungkot talaga.'

Chapter 16
Lumipas ang mga araw at hindi na muling pinag-usapan nina Ivory at Sally ang
nangyari pagkatapos nilang magpa-check up. Nawala na rin naman sa isip ni Ivory
iyon. Ginugol niya na lang ang atensyon sa pag-aalaga ng mga halaman at pakikipag-
usap kay Jasmin.
Kasalukuyan itong busy sa pagsisimula sa kanilang dalawang negosyo. Naiintindihan
niya namang matatagalan talaga ito dahil may trabaho rin naman ito. Medyo nagi-
guilty na nga siya dahil wala pa siyang naipapadalang share. Hindi niya kasi alam
kung paano kasi hindi naman siya lumalabas ng bahay. Baka pagalitan pa siya. Kahit
na sinabi ni Jasmin na okay lang na ito muna ang mag abono para sa mga papeles ay
nakokonsensya pa rin naman siya.
It was jusr a regular weekend. Maagang nagising si Ivory para maglakad lakad.
Bumalik na siya sa ganitong routine dahil sa sabi nga ng doktor na mas mabuting ma-
exercise siya.
Ilang minut lang din naman ang kanyang ginugol sa labas. Nang makabalik siya ay
tiningnan niya ang kanyang mga alagang halaman sa hara ng bahay. Tuwang tuwa siya
sa mga iyon.
"Balik ako mamaya. Didiligan ko kayo," masayang sabi niya sa mga ito tsaka pumasok
sa loob.
Bahagya pa siyang nagtaka nang walang tao. May nakahanda namang almusal pero wala
si Sally. Inilibot niya ang paningin at nakita niyang nakausli ang pinto ng kwarto
nito.
Pumanhik siya sa itaas at sinulyapan iyon. Nakita niya itong may kausap sa
cellphone. Nagkibit-balikat siya at bumaba na lang ulit.
Hinintay na lang niya ito sa dining. Umupo na muna siya at nagpunas ng pawis.
Uminom na rin muna siya ng juice dahil nauhaw siya. Ilang sandali pa ay bumaba na
rin si Sally.
Nginitian siya nito pero pansin niyang parang may problema ito. Balisa kasi. Parang
may dinaramdam.
"Ate Sally okay lang po ba kayo?" tanong niya. Bahagya itong tumigil sa pagsandok
at tumingin sa kanya.
Bumuntong - hininga ito.
"May problema, Ivory," malungkot nitong saad. Kumunot ang noo ni Ivory.
"Ano po yun?"
"Namatay yung kapatid ko sa probinsya," pagtatapat nito. Bahagya siyang nagulat at
agad na napatingin kay Sally.
"Hala ano pong nangyari?"
Bumuntong-hininga ulit si Sally.
"Ewan ko rin hija e. Sobrang biglaan." Nakagat ni Ivory ang labi.
"Paano po ito? Uuwi ka po?" Huminga nang malalim ang kanyang kasama.
"Parang ganoon hija. E, wala namang mag aasikaso doon. Ako lang kasi ang inaasahan
din ng mga iyon. Isa pa aasikasuhin ko ang naiwang bahay roon.
"Paano po ako?" Dumiin ang pagkakakagat niya sa kanyang labi. Bumuntong-hininga si
Sally at hinawakan ang kamay niyang naa lamesa.
"Nako, wag kang mag-alala sasabihin ko kay Xamuel."
Natahimik siya at napayuko.
'Si Sir Xamuel? Magkakasama ulit kami? Galit pa rin kaya siya?'
Huminga siya nang malalim at kumurapkurap nang maramdaman na naman ang pangingilid
ng kanyang mga luha. Pinisil ni Sally ang kanyang kamay bago ito huminga nang
malalim. Tiningala niya ito.
"Kain ka na hija." Tipid siya nitong nginitian. Marahan siyang tumango.
"Sige po."
Tahimik silang kumain ng agahan. Pagkatapos kumain ay tinawagan nga ni Sally si
Xamuel.
Hindi tulot alam ni Ivory kung among magiging pakikitungo niya sa amo kung sakali
mang magkakasama ulit sila. Hindi rin naman kasi niya alam kung anong magiging
setup.
Tumuwid siya sa pagkakaupo nang mamataan si Sally na pababa ng hagdan. Nasa sala
kasi siya at nanonood lang ng TV.
"Darating siya mamaya hija, doon ka na lang daw muna sa mansyon," bungad ni Sally.
Natigilan siya at ilang sandali pa ay ngumuso.
"Bakit po? Pwedeng dito na lang ako? Babalik ka naman po agad di ba? Aalagaan ko
naman ang baby." Yumuko ulit siya. Tinabihan siya ni Sally
"Nako, hija. Hindi pwede. Mag isa ka lang dito ano ka ba naman."
Bumuntong-hininga siya.
Nagtatampo ka pa rin kay Xamuel. Ano na ang magiging kalagayan niya roon? Ni hindi
niya alama kung anong kigalit nito noon. Bigla na lag itong nawala. Tumulis ang
nguso niya at umuntong-hininga ulit.
"Mag-usap na lang kayo." Hinagod ni Sally ang kanyang likod.
"Sa ngayon, mag eempake muna ako ha. Susunduin tayo ng driver mamaya." Binalingan
niya ang katabi.
"Kasama po siya?" tanong niya. Malungkot na ngumiti lang si Sally.
"Hindi ko alam, hija e." Dahan dahan siyang tumango na lang.
Iniwan na siya ni Sally roon. Ito na rin kasi raw ang mag-eempake ng mga gamit
niya. Nanood lang siya ng TV at nag mabagot ay nilabas niya ang kanyang mga halaman
para diligan.
Malaki ang nagin tulong ng mga ito sa kanya dahil ito ang naging stress reliever
niya sa tuwing nalulungkot siya.
"Mamimiss namin kayo," kausap niya sa mga ito na animo'y naririnig siya. Napahawak
siya sa kanyang tiyan.
Bumuntong-hininga siya.
'Baby, baka magkita tayo at ang daddy mo. Anong sasabihin natin?'
Hinagod niya ang bilog niyang tiyan habang nagdidilig ng mga halaman.
Nasa ganoong posisyon siya nang may biglang humablot sa kanya. Nabitiwan ni Ivory
ang sprinkler nang may humila sa kaniyang buhok.
"Aray! Teka sino ka?!" gulat niyang tanong pero mas hinila ng tao ang buhok niya.
Hindi niya ito makita dahil nakatalikod siya.
Hawak ng isang kamay niya ang kamay nito na nakakapit sa kanyang buhok habang ang
isa niyang kamay naman ay nasa kanyang tiyan. Napaiyak siya sa takot.
"Walang hiya ka! Malandi!" Dinig niyang sigawnito at mas kinaladkad siya gamit ang
kanyang buhok.
Tuluyan nang tumulo ang kanyang mga luha at takot na takot na napakapit sa kanyang
tiyan.
'Jusko po!
"Teka aray! Ate Sally!"
Mas lalong napahiyaw si Ivory nang sinabunutan siya ng babae. Wala siyang magawa at
hindi siya makapanlaban dahil ang isa niyang kamay ay naa kanyang tiyan na animo'y
pinoprotektahan iyon. Ramdam na ramdam niya ang hapdi ng mga kalmot ng babae. Ang
sakit sakit na rin ng kanyang anit.
"You bitch! Bwisit ka! Ha! Sino ka ba!"
"Ate Sally! "
Umiiyak na siya. Mas lalo pa siyang nahintakutan nang itulak siya nito na muntik na
niyang ikatumba.
"Please wag aray yung baby! Aray!" daing niya nang muli siya nitong hatakin sa
buhok.
"Hindi ako papayag! Hindi ako papayag na bruha ka! Halika dito!"
"Aray ko!"
"Ivory? Jusko Ivory!" Agad na sumilay ang pag-asa sa mukha ni Ivory nang marinig ag
boses ni Sally.
"Ate Sally!" iyak niya. Sinampal siya ng babae kaya muntik na naman siyang matumba.
Iyak siya nang iyak.
Nagmamadaling dinaluhan siya ni Sally.
"Talagang kakampihan mo yan, Sally?!" Dinig niyang sigaw ng babae at akmang
susugurin sila nang hinarang ito ni Sally.
"Wag si Ivory!"
"You old bitch!"
"Ate Sally!" Hawak hawak ang tiyan ay napasigaw si Ivory nang si Sally naman ang
sinabunutan ng babae.
Sigaw siya nang sigaw nang tulong hanggang sa may pumaradang sasakyan sa harap
nila.
Nagamamadaling lumabas si Xamuel kasunod ang dalawang guards.
"Fuck! Guards! Itapon niyo yan palabas!" galit na bulyaw nito at agad na dumalo kay
Ivory.
Sumisigaw ang babae habang hinahatak ng dalawang guards palayo kay Sally.
Mas lalong naiyak si Ivory. Mabilis na ikinulong siya ni Xamuel sa mga bisig nito.
"Ivory, shit."
Mas lalo siyang humagulgol at yumakap kay Xamuel. Niyakap din siya nito nang
mahigpit.
"Shh. I'm here. I'm here already okay? I won't leave. I'm sorry, baby."

Chapter 17
Tulala si Ivory nang makarating sila sa mansyon ni Xamuel. Inalalayan siya ni
Xamuel paupo ng couch. Tumabi rin naman si Sally sa kanya. Hinagod hagod nito ang
kanyang likod.
Bumuntong-hininga si Xamuel. Napatingin naman si Sally sa kanya.
"Sir, paano po pag-"
"Manang, not here."
Natutop ni Sally ang bibig nang sabihin iyon ni Xamuel. Bumuntong hininga ito at
tinanguan ang amo. Binaling nito ang tingin kay Ivory na hanggang ngayon ay tulala
pa rin at humihikbi pa kahit na wala na namang luhang bumabagtas sa pisngi nito.
Huminga nang malalim si Sally.
"Ivory, hija, tahan na ha? Makakasama sa baby. Wag kang mag-alala hindi na yun
makakalapit sayo. Tahan na," alo nito sa kanya.
Hindi pa rin tumitigil sa paghikbi si Ivory. Natahimik silang lahat. Maya-maya pa
ay lumingon si Ivory kay Sally.
Magang maga ang mga mata nito sa pag-iyak. Bahagya rin buhaghag ang buhok nito
dahil sa pagkakasabunot ng babae kanina.
Agad iyong inayos ni Sally at pinahid ang kanyang mga luha.
"Di ko kasi maintindihan. Hindi ko naman kilala yun tapos ganoon… wala akong
kasalanan sa kanya. Kung may nagawa ako bakit di na lang kasi sabihin? Yung mga tao
palagi na lang akong sinasaktan di ko naman alam kasalanan ko. Nadadamay pa yung
baby," halos magpang-abot ang hininga niya habang sinasabi iyon.
Umigting ang panga ni Xamuel. Agad namang napatingin si Sally sa kanyang amo.
Bumuntong hininga ito at humarap kay Ivory. Hinagod nito ang likod at braso niya.
"Ivory, anak, wag ka nang umiyak. Hinding hindi na mangyayari iyon. At wala kang
kasalanan. Wala kang kasalanan okay? Iyong mga taong iyon ang may problema. Wag mo
nang isipin. Nako hindi ako makakaalis nang ganito ka e."
Humagulgol lang siya lalo at yumakap rito.
"Wag ka na po umalis. Natatakot ako," mangiyak ngiyak niyang sambit. Halos hindi
naniya makilala ang boses sa sobrag pag-iyak. Mahapdi na rin ang kanyang mga mata
at halos hindi na niya maaninag ang paligid.
"Nako, anak hindi pwede. Kailangan ako sa amin. Babalik din naman ako agad. Sige
na. Tama na iyan." Umiyak lang ulit siya at ibinaon ang mukha sa balikat nito.
Ilang minuto silang nanatiling ganoon bago tumahan si Ivory. Napabuntong hininga na
lang sina Xamuel at Sally nang makitang nakatulog na si Ivory kaiiyak.
Nasapo ni Xamuel ang noo.
"Siya, ihatid mo na ito sa kwarto at nang makapagpahinga na ito," sabi ni Sally sa
kanya.
Tumango si Xamuel at binalingan ang isang batang helper.
"Sumunod kayo sa guest room na pinaayos ko kanina. Magdala kayo ng bimpo at
maligamgan na tubig," utos niya sa mga ito at saka binuhat si Ivory.
"Sige po."
Buhat buhat si Ivory, tinanguan ni Xamuel si Sally. Nag-thumbs up naman si Sally.
Nabaling ang tingin ni Xamuel sa buhat na dalaga.
Napabuntong hininga siya at naglakad na papunta sa taas.
Ipinasok niya si Ivory sa kwartong pinahanda niya kanina lang. He tucked her to
bed. Umupo siya sa tabi nito at hinaplos ang mukha nito. Napamura pa siya nang
makita ang mga galos nito sa braso at ang magulo nitong buhok.
Dumako ang tingin niya sa nakausling tiyan ni Ivory. Bumuntong hininga siya at
mariing napapikit bago marahang itinapat ang noo sa umbok.
Humunga siya nang malalim.
'Damn it. I'm so sorry anak.'
Ilang segundo siyang nanatiling ganoon hanggang sa pumasok iyong isang katulong.
"Sir, ito na po ang bimpo at maligamgam na tubig."
Bumuntong hining siya at umayos ng upo. Binalingan niya ang katulong.
"Pakipunasan naman siya. Pakiayos na rin ang damit niya. Sabihan mo na rin si Lynn
na magpakuha ng medicine kit. Pakigamot na rin ang mga galos niya. May kailangan
lang akong gawin sa baba. Nandoon pa ba si Manang Sally?"
Tumango ang katulong. "Hinihintay po kayo ni Manang Sally."
Tumango rin si Xamuel. Muli niyang binalingan si Ivory saka bumuntong-hininga.
"Ikaw na ang bahala," bilin niya rito. Tumango lang ang batang katulong.
Umalis na rin naman si Xamuel at bumaba na. Naabutan niya si Sally na nakaupo sa
sofa.
"Kumusta?" agad nitong tanong nang makita siya. Bumuntong-hininga lang siya at
tumango. Tumayo si Sally.
"Hijo, ayoko sana talagang umalis, pero hindi ko nama pwedeng pabayaan ang pamilya
ko…" Bumuntong-hininga ang matanda.
"Nag-aalala ako kay Ivory…" sambit nito. Huminga nang malalim si Xamuel.
"Don't worry, manang. I will do everything in my power to protect Ivory. Hinding
hindi na mangyayari iyong kanina. I'll make sure of that." Umigting ang panga niya
habang sinasabi iyon. Marahang tumango na lamang si Sally.
"Ipapahatid na kita kay Pedring, manang." Tumango lang si Sally.
Tinawag ni Xamuel si Pedring at pinahatid ang kanyang matagal ng katulong.
"Mag-iinga kayo, ha? Alagaan mo si Ivory. Pati na rin ang sarili mo, okay?" bilin
ni Sally bago tuluyang lumabas ng bahay.
Tumango lang si Xamuel at kinawayan ang babae.
Nang makaalis si Sally ay naiwan siya roon sa sala. Napaupo na lang siya couch at
napabuntong-hininga. Kinuha niya ang scotch na nasa center table at sinalinan ang
kanyang shot glass.
Tinungga niya iyon bago nagbitiw ng marahas na hininga. Napatingin siya sa kawalan.
"Sir, nandito po si Atty. Montijo." Dinig niyang sambit ng isang katulong.
Bumuntong-hininga siya at lumingon sa may pinto.
"Cuanco," bati ng bagong dating na lalaking may dalang briefcase. Tumayo si Xamuel
at kinamayan ang kaibigan.
Atty. Luigi Montijo is his co-fratmen in college. He has been Xamuel's personal
lawyer ever since his wife died.
"You have it already?" tanong ni Xamuel sa kaibigan. Tumango ito.
"I already have it, Xamuel."
"Thanks, Luigi. Let's talk about the details in my office. Nauna siyang lumakad.
Sumunod naman ang kaibigan niya na dinala pa ang iniwan niyang scotch at shot
glass.
Inilapag ni Atty. Luigi ang dala sa lamesa ni Xamuel bago umupo sa isa sa mga
visiting chairm umupo na rin namansi Xamuel sa swivel chair.
"Nandiyan na sa folder na iyan ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa
babaeng iyon Xamuel." Tumango si Xamuel at inabot ang folder.
Binuksan niya iyon at kinalkal.
"How did this bitch find that townhouse anyway? Ang sabi ni Manang, sa hospital
sila nagkasalubong pero hindi naman daw ito nakasunod." Umiling iling si Xamuel.
Bumuntong-hininga si Luigi.
"That's what I am thinking too, bro. Wala ka namang binigay na pera sa mga iyon, di
ba? Paano ka niya mapapahanap? Wala siyang resources."
Napatingin si Xamuel sa kaibigan tapos ay sa folder ulit.
"Whoever she's getting funds from, I will make sure he'll regret lending money to
this bitch." Naikuyom niya ang mga kamay at humigpit ang hawak sa folder.
Tumango si Luigi.
"Don't worry, bro. I'll ask Hellion to track that. Just give him one evening. He'll
eventually trace that girl's financer."
Bumuntong-hininga si Xamuel at inilapag ang folder sa lamesa. Nagsalin naman si
Luigi ng inumin sa shot glass at inabot iyon sa kanya. Kinuha niya iyon at tinungga
rin.
"Pero paano iyan, bro? Nalaman na nila. Pare, manganganib iyong anak mo at yung
surrogate mo. Alam mo naman kung gaano kabaliw iyong mga iyon di ba? Fuck, they'll
do everything to get a hold of your money. Baka nga nagpa-plano pa iyon kung paano
ka huthutan, e. " Napailing si Luigi.
Umigting ang panga ni Xamuel.
"That motherfuckers. Hinding hindi mangyayari iyon. I will do my best to protect my
child ...and Ivory. Hinding hindi na makakalapit iyong Mieralyn na iyon."
Natahimik si Luigi at napatingin sa kaibigan. Bumuntong-hininga ito.
"I will do everything to provide you the best bodyguards in town, bro." Tumango si
Xamuel.
"Thanks, bro."
Umiling lang si Luigi.
"No problem. Sige, mauna na ako at may hearing pa ako." Tumayo na ito at kinuha ang
dalang brief case. Tumayo na rin si Xamuel at kinamayan ang kaibigan.
"Salamat ulit, bro."
"Walang problema. Alpha Epsilon Phi stays together, brod." Bahagya siyang napangiti
at tumango.
They did their brotherhood handshake before Luigi went out of his office.
Nang mag-isa na lang siya ay pabagsak siyang umupo sa kanyang swivel chair.
Nagsalin siyang muli ng scotch at tinungga iyon.
Napatanga siya sa kawalan habang nakatitig pa rin sa folder na ibinigay ni Luigi
kanina. Huminga siya nang malalim at tumayo. Itinago niya ang folder sa drawer ng
kanyang lamesa tsaka umalis ng opisina.
Nagdesisyon siyang puntahan sa guest room si Ivory. Nakasalubong niya pa ang mga
maid na inatasan niyang alagaan si Ivory kanina.
"Kumusta siya?" tanong niya sa isa.
"Okay naman po, sir. Tulog na tulog po si Ma'am. Nabihisan na po namin siya tsaka
nagamot na rin po namin iyong mga sugat ni Ma'am." Tumango si Xamuel.
"Sige, salamat. Iyon dinner, pakihanda na lang. Please include a soup for her.
Hindi na rin siya bababa. Hatiran niyo na lang sa itaas okay? I'll just call you in
the intercom to bring her the food later," bilin niya.
"Sige po, sir."
Nilagpasan na niya ang batang maid at dumiretso na sa guest room na pinagsi-stay-
han ni Ivory.
Mahimbing na natutulog ang babae nang madatnan niya. Bumuntong hininga siya at
dahan dahang isinara ang pinto. Ingat na ingat siya sa kanyang mga galaw para lang
hindi makagawa ng ingay.
Huminga siya nang malalim at dahan dahang umupo sa tabi ni Ivory. Dahan dahan
niyang hinaplos ang mukha ni Ivory.
He caressed it like it was some brittle glass na kapag hindi iningatan ay masisira
o mabibiyak. He lowered his face and gently planted a kiss on her lips.
"I'm sorry for leaving, baby. Other than Mieralyn, I'm scared of myself. I'm scared
that I might not be able to stop what I am feeling anymore." Mariin siyang
napapikit at ipinalapat ang kanilang mga noo.
Tuluyan na siyang humiga sa tabi nito at niyakap ito. Bahagyang gumalaw si Ivory
kaya bahagya rij siyang gumalaw. Ang akala niya ay magigising ito pero hindi naman.
Bumuntong-hininga siya at mas hinigpitan ang yakap kay Ivory.
Hindi alam ni Xamuel kung ilang oras siyang nakatulog. Nagising na lang siya dahil
nag-vibrate ang kanyang cellphone.
Kunot noong bumangon siya. Bahagya pa siyang natigilan at napatingin sa kanyang
tabi. Bumuntong-hininga siya at saka tumayo.
Lumapit siya sa intercom ng kwarto.
"Lynn, pakidala na lang ang dinner ni Ivory," sambit niya at nilingong muli si
Ivory.
Himbing na himbing pa ito sa pagkakatulog. Huminga siya nang malalim at umalis na
rin ng kwarto.
Bago tuluyang lumabas ay sinulyapan pa niya muli si Ivory.
'Sweet dreams, Ivory.'

Chapter 18
Nagising si Ivory kinabukasan nang masakit ang ulo. Nasapo niya ang noo at umayos
ng upo. Bumuntong-hininga siya at inilibot ang tingin sa buong kwarto. Kumunot ang
noo niya at agad na kinusot ang kanyang mga mata.
Natigilan siya. Nasa ibang bahay siya. Napahawak ulit siya sa kanyang ulo. Masakit
iyon. Napahawak din siya sa kanyang tiyan nang tumunog din iyon. Nanlaki ang mga
mata niya nang napagtantong wala nga pala siyang nakaing dinner kagabi!
Mabilis siyang tumayo. Bahagya pa siyang napahawak sa kama nang muntikan na siyang
matumba.
"Nako, sorry baby, sorry. Kakain na tayo, promise." Hinimas himas niya pa ang
kanyang tiyan habang dahan dahang lumabas ng kwarto.
Nangangapa pa siya pagkalabas dahil hindi siya masyadong pamilyar sa bahay na ito.
Alam niya namang ito iyong mansyon na pinagdalhan sa kanaya noon pero hindi na niya
talaga matandaan kung saan siya dadaaan o ano. Basta sinundan niya lang ang
grandstaircase at sa awa ng diyos ay nakarating naman din siya sa ibaba. Sala iyong
sumalubong sa kanya.
Ikinalat niya ang tingin para hanapin ang dining. Nang makita niya iyon ay agad
siyang nagpunta roon.
Bahagya pa siyang napatigil nang maabutan niya si Xamuel sa dining. Napalunok siya
at hindi alam ang sasabihin o gagawin. Nasa kabilang dulo si Xamuel habang siya
naman ay nasa kabila. Napahawak siya sa isang upuan. Napansin yata siya ni Xamuel
kaya nag-angat ito ng tingin.
Kumabog ang kanyang dibdib nang magtama ang
kanilang paningin. Nag-iwas siya ng tingin, hindi alam kung saan ibabaling. Nakagat
niya pa ang labi. Para siyang natuod sa kanyang kinatatayuan.
"Ivory, come, let's eat." Sa wakas ay nagsalita si Xamuel.
Napalunok si Ivory. Bumuntong-hininga siya at tahimik na lumapit kay Xamuel. Halos
kumawala na sa kanyang dibdib ang puso niya nang makalapit siya.
"Upo ka, Ivory." Umupo naman siya at lumunok.
Pinagsandok siya nito ng kanin at ulam. Tinanggap niya naman iyon. Kumuha rin siya
ng tinapay at palaman. Nagsimula na siyang kumain.
"Yung vitamins mo iniinom mo ba?" Dinig niyang tanong nito. Tumango lang siya.
"Kumain ka pa, Ivory," sabi pa nito.
Hindi siya sumagot. Tumayo si Xamuel at pumuwesto sa tabi niya kaya bahagya siyang
nagulat.
"You want an apple? Here."
Hindi ulit siya sumagot pero tinanggap niya rin naman iyong apple. Kinagat niya ang
labi. Hindi niya alam kung bakit pero naramdaman niya ang pangingilid ng kanyang
luha.
"Masarap din itong orange," sambit ulot nito at inabot ang isang orange.
Nakagat niya ang labi at lumunok. Talagang naiiyak na siya at hindi niya alam kung
bakit.
"Ito pa." Bigla na lang tumulo ang kanyang luha.
Muntik nang mabitiwan ni Xamuel ang hawak na grapes nang makita ang pagtulo ng
kanyang luha.
"Fuck. Ivory. Bakit ka umiiyak? Ivory."
Hindi niya na napigilan ang paghikbi. Agad naman siya nitong niyakap. Mas lalo lang
siyang naiyak saka napatayo at napayakap na rin sa lalaki.
"Hey, sshh. What's wrong is it still about what happened yesterday? Do we need to
go to the doctor? Na trauma ka ba?" Bakas sa boses ni Xamuel ang pagkataranta
habang hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si Ivory.
"Damn, Ivory. What's wrong? Kinakabahan ako. Is it the baby? Is it about what
happened earlier? Ivory…" Humihikbi pa rin siya. Maya maya pa ay kumalas siya.
Lumabi siya kay Xamuel. Kunot na kunot naman ang noo ni Xamuel habang nakatingin sa
kanya. Ni hindi nito malaman kung anong gagawin o kung saan siya hahawakan.
"A-Ano ba naging kasalanan ko? Bakit ka galit?" Humikbi ulit siya.
Nanlaki ang mga mata ni Xamuel at natulala sa kanya.
"Ivory…" Mas lalo siyang humikbi. Tuloy tuloy ang pagbagsak ng kanyang mga luha.
Nakaawang lang ang bibig ni Xamuel.
Halos hindi na makahinga nang maayos si Ivory dahil sa paghikbi.
"S-Sabihin mo po please. Nasasaktan ako e… magkaibigan tayo di ba?" Iyak pa rin
siya nang iyak.
Napamura si Xamuel at mabilis ulit siyang hinatak para yakapin.
"Fuck, Ivory."
Niyakap siya nito nang mahigpit. Mas lalong humagulgol si Ivory at napayakap din
nang mahigpit kay Xamuel.
"Nagtatampo ako sa'yo. Pati iyong baby mo. Parang ayaw mo sa kanya. Hindi ko naman
alam ang ginawa ko," she said against his chest.
Mariing napapikit si Xamuel at mas lalo lang niyakap si Ivory. Naramdaman niya ang
paghalik nito sa kanyang buhok. Para siyang batang umiiyak sa sa dibdib nito.
Ramdam na ramdam niya ang tibok ng puso ni Xamuel.
She feels really good being on his arms. Para siyang ligaw na batang nakabalik sa
kanyang tahanan. Hindi niya alam kung bakit pero sobrang komportable ng pakiramdam
niya habang nakayakap siya rito.
"Alam mo bang ilang araw akong malungkot? Malungkot din ang baby mo. Nakakainis
ka!" panay ang rant niya sa dibdib nito. Hindi naman tumigil si Xamuel sa kakahagod
sa likod niya.
Narinig niya ang pagbuntong hininga nito tapos ay naramdaman niya ang paghalik nito
sa kanyang ulo. She's almost squeezed because of the way he's hugging her.
Nevertheless, she doesn't feel uncomfortable anyway. Mas gusto niya nga iyon. Mas
komportable siyang nakaganoon kay Xamuel.
Hagod hagod pa rin ni Xamuel ang kanyang likod. Unti unti naman siyang kumakalma.
Bumabalik na rin sa dati ang kanyang paghinga.
"Shh. It will be alright. It's gonna be alright, okay? It's gonna be alright. I'm
really sorry." Hinalikan siya nito ulit sa gilid ng kanyang ulo.
Nakayakap pa rin siya sa lalaki. Maya-maya lang ay si Xamuel na mismo ang kumalas
sa yakap. Tiningnan siya nito at sinapo ang kanyang magkabilang pisngi. Napahawak
pa siya sa dalawang braso nito. Lumabi siya.
Namumungay ang mga mata ni Xamuel na nakatingin sa kanya.
"Hush, okay? I'm here. Hush." Parang batang tumango siya rito. Sandali pa silang
nagkatitigan.
Ivory's heart skipped a beat. Dinig na dinig niya ang pagkalabog ng kanyang dibdib.
Napalunok siya. She was about to say something when her stomack suddenly growled.
Nakagat niya ang labi at agad na napaiwas ng tingin. Xamuel let out a soft chuckle
and tousled her hair.
"Let's eat? Hindi ka na gumising kahapon, di mo tuloy nakain ang dinner mo."
Ngumuso siya at tumango.
Muli naman siyang inalalayan ni Xamuel sa pag-upo. Pinaghain pa siya nito ng mga
prutas at juice. Kulang na nga lang ay ito na ang magsubo sa kanya. Hindi niya
tuloy mapigilang ngumiti. Masaya siya. Masaya silang dalawa ng baby na dinadala
niya.
***
Natagpuan ni Ivory ang sariling nakayakap pa rin kay Xamuel pagkatapos kumain.
Hindi niya nga alam kung ilang oras na siyang nasa ganoong pwesto lang. Nasa couch
sila at nanonood ng TV.
Pagkatapos nilang kumain ng agahan at mag-ayos ay niyaya siya ni Xamuel sa sala at
manonood daw sila ng TV. Hindi rin naman siya tumanggi. Ever since earlier ay hindi
na yata siya nakatayo sa couch. Dinadalhan na lang sila ng mga snacks ng mga
kasambahay. Hindi niya na nga rin mabilang kung ilang palabas na ang napanood nila.
Nang dumako ang tingin niya sa wall clock ng sala ay nakita niyang mag-aalas dos na
rin. Ni hindi niya namalayang hindi sila nakapag-lunch nang matino. Sabagay, busog
na busog naman kasi siya sa nga fruits na snacks.
Inilibot niya ang tingin at saka niya napansing sila lang pala ang nandoon.
Sumandal siyang muli sa balikat ni Xamuel. Umakbay naman ito sa kanya.
"Nakita mo na iyong ultrasound?" tanong niya rito. Naramdaman niya ang pagtango
nito.
Dumako naman ang isa nitong kamay sa kanyang tiyan. Inilapat nito iyon doon na para
bang may gusto itong maramdaman.
"I'm having a mini me huh," Xamuel said.
Ngumuso siya.
"Hmm ganoon na nga po." Nilingon siya nito.
"Thank you for taking care of him, Ivory." He caressed her left cheek.
Hindi siya nagsalita at agad na umayos sa pagkakaupo. Nanatiling nakatingin si
Xamuel sa kanya.
Bumuntong hininga ito.
"Si Manang Sally, nag-indefinite leave. Hindi pa raw niya kasi alam kung kailan
niya na maiiwan ulit ang pamilya niya." Rinig niyang sabi nito. Yumuko siya at
ngumuso.
Naramdaman niya ang paghapit ng isang kamay ni Xamuel sa kanyang bewang. Hinila
siya nito para mas malapit siya rito. Nakayuko pa rin si Ivory.
She felt Xamuel's face on her right shoulder. Bahagya siyang napaigtad nang
maramdaman ang mainit nitong paghinga. Lumunok siya at pasimpleng tinatapik ang
ulot nito pero hindi naman ito umaalis. Mas hinigpitan pa nga nito ang pagkakapit
sa kanyang bewang. Ipinulupot pa nito ang isang kamay sa kanyang tiyan. Bale
nakayakap na ito sa kanya mula sa gilid.
Ramdam niya ang pag-amoy amoy nito sa kanyang leeg. Bahagya siyang nakikiliti.
Huminga siya nang malalim saka lumabi.
"Hindi mo pa po sinasabi ang dahilan, sir. Alam ko pong amo kita pero...kaibigan mo
po ako di ba? Bakit ka po ba galit?" hindi napigilang taning niya. Nakatuon pa rin
sa TV nag kanyang tingin habang sinasabi iyon.
She felt him stiffened. Para itong nag-hang sa tanong niya. Pinakiramdaman niya ito
pero nanatili itong tahimik at hindi gumagalaw.
Kumunot ang kanyang noo at bahagya itong nilingon. Nang magpang-abot ang kanilang
mga tingin ay saka naging balisa si Xamuel.
Kumalas ito sa yakap at marahas na huminga. Nakatukod ang kanan nitong siko sa arm
rest ng sofa habang nakasapo sa noo nito ang kanang kamay.
Mas lalong kumunot ang noo ni Ivory at tinitigan ang lalaki. Panay ang sulyap nito
sa kanya pero agad din namang bumabalik sa ganoong pwesto. Para itong may gustong
sabihin sa kanya pero hindi nito masabi.
Nagtataka tuloy siya kung ano iyon. Umayos siya ng upo at hinarap ang lalaki.
"Sir? Okay lang po kayo?" tanong niya rito. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni
Xamuel bago ito dahan-dahang tumuwid ng upo at bumaling sa kanya.
Sandali silang nagkatitigan. Ang dating namumungay na mata ni Xamuel ay napalitan
ng hindi niya maipaliwanag na ekspresyon. Tinitigang mabuti ni Ivory ang mata ng
amo. Hindi niya maintindihan pero may kung ano siyang nakikita sa mga mata nito.
Hindi niya maintindihan.
Kumabog nang malakas ang kanyang dibdib kaya napahinga siya nang malalim.
"Ivory…" Sa wakas ay nagsalita na ito.
Lumunok si Ivory habang sinasalubong ng mga kakaiba nitong tingin. Umusog ito
palapit sa kanya at ganoon na lamang ang kanyang paglayo nang bigla siyang may
naramdamang kuryente nang magkadikit ang kanilang mga kamay.
"Sir…"
Mariing pumikit si Xamuel. Pagkadilat nito ay huminga ito nang malalim. He looked
at her eyes intensely.
"Ivory, I'm going to do something illegal," paos na sambit nito sa kanya. Nagtaka
naman si Ivory.
Nagpang-abot ang kanyang mga kilay.
"Po?"
Hindi sumagot si Xamuel. Sa halip ay inilapit jito ang sarili sa kanya na mas
lalong ikinataka ni Ivory. Her forehead creased. The next thing she knew, he was
already caressing her face with both of his hands.
Hindi na nakagalaw si Ivory. Para siyang natuod. Nanlaki na lang ang kanyang mga
mata nang marahan siya nitong hinalikan.
Para siyang nawalan ng kaluluwa nang maramdaman niya ang malambot na labi ni Xamuel
sa kanya.

Chapter 19
Tulalang tulala si Ivory habang nakalapat ang kanilang mga labi. Para siyang na-
kuryente nang biglang gumalaw ang labi ni Xamuel. Doon siya napaatras dahilan para
matapos ang halik.
Napalunok siya habang nakatingin kay Xamuel. Para ring nabigla ang lalaki sa nagawa
nito. Ilang segundo silang nagkatitigan bago marahas na huminga si Xamuel at
tumayo.
Naiwang tulala roon si Ivory at wala siyang ibang nagawa kundi sundan ng tingin ang
among naglakad palayo. Nang mawala na sa paningin niya ang bulto ni Xamuel ay
pabagsak siyang napasandal sa sofa. Napatingin siya sa kanyang tiyan at napaawang
ang kanyang mga labi.
Hinawakan niya ang umbok doon. She swallowed hard and bit her lip.
'Baby, hinalikan ako ng daddy mo. Hinalikan ako ni Sir Xamuel!'
Muli siyang napalunok. Agad niyang naramdaman ang pag-iinit ng kanyang pisngi.
Nanlaki ang kanyang mga mata. Mabilis siyang kumuha ng isang throw pillow ay
niyakap iyon nang mahigpit. Ibinaon niya ang mukha sa yakap na throw pillow.
Para siyang tangang nakatungo roon ng ilang minuto.
Nag-angat lang siya ng tingin nang may kumalabit sa kanya. Bahagya pa siyang
nagdalawang isip pero sa huli ay nag-angat din ng tingin.
"Ma'am? Okay lang po ba kayo?" Bumungad sa kanya ang nagtatakang mukha ng isang
batang kasambahay.
Agad siyang napalunok at umayos ng upo. Hindi siya makatingin sa kasambahay.
Ipinokus niya ang tingin sa nakabukas na TV.
"Okay lang ako." Hindi niya alam kung paano niya napanatili ang matatag na boses
kahit na abot abot na ang kanyang kaba at nanggagatog na ang kanyang tuhod.
Feeling niya ay pulang pula na siya ngayon. Kunwari ay kinuha niya ang remote at
naghanao ng ibamg palabas. Nagliligpit pa ang kasambahay ng mga pinagkainan nila
kaya nanatili siyang ganoon ng ilang segundo. Browse lang siya nang browse.
Nang makaalis na ang kasambahay ay saka siya nabunutan ng tinik at nakahinga nang
maluwag.
Marahas siyang bumuga ng hininga at napasalampak ulit sa sofa. Mariin siyang
napapikit. Huminga siya nang malalim at kinalma ang kanyang sarili. Nang makalma
siya ay dumilat siya at sinubukan ulit na manood kaso nakailang palit na siya ng
palabas dahil hindi siya makapag- focus kapag may halikang nagaganap sa mga bida.
Bigla na lang nag-iinit ang kanyang mukha tapos feeling niya may mga nakatingin sa
kanya. Nahihiya siya na ewan.
She groaned in frustration. Pinatay niya na lang ang TV. Bumuntong hininga siya at
inilibot ang tingin sa buong mansyon. May mangilan ngilang kasambahay siyang
nakita. Siguro sa laki ng mansyon kaya hindi niya makita ang iba pa.
Ngumuso siya at napatingin sa center table tapos sa kanyang tiyan.
'Baby, ano ba ito? Ay ewan! Ang weird ng tatay mo! Tapos ito ako nagiging weird na
rin ang nararamdaman! Ikaw pa rin ba ito, baby?'
Tumulis ang nguso niya at hinagod hagod ang kanyang tiyan.
Ilang minuto siyang nag-stay doon. She was actually hoping that Xamuel would come
back pero nag-alas kwatro na lang ay walang Xamuel na bumalik.
Nang may dumaang kasambahay ay tinawag niga ito.
"Bakit po, ma'am?" tanong nito. Ipinaglapat niya ang kanyang labi.
"Uhm si Sir Xamuel, nasaan?" Halos hindi siya makatingin dito. Ewan ba niya kung
bakit siya nahihiya, e.
"Ahh buong hapon po sa opisina si Sir Xamuel, ma'am. May kailangan pa po ba kayo?"
tanong nito. Ngumuso lang ulit siya at umiling. Ngumiti ang kasambahay kaya
tinanguan niya lang din ito.
Nang umalis ang katulong ay bumuntong-hininga siya. Wala na rin naman siyang
gagawin doon kaya nagpasya siyang umalis na lang din. Bumalik siya sa itaas, sa
kanyang kwarto. Nagdalawang isip pa nga siya nang mapadaan sa opisina ni Xamuel
pero tumuloy din naman sa itaas. Hindi niya rin naman kasi alam ang sasabihin.
Nang makarating sa kanyang kwarto ay humilata siya at napahawak sa kanyang tiyan.
'Ano ba ito, baby. Akala ko naman magiging maayos na kami ng daddy mo'
Ngumuso siya at pumikit. Buong hapon siyang hindi na lumabas ng kwarto at buong
hapon din siyang wala sa wisyo. Hindi niya maintindihan. Gusto niya nga sanang
matulog kaso kada pikit naman niya ay nagpa-flashback na parang sirang plaka ang
nangyari kanina. Sa huli ay naiinis siya kaya didilat ulit. Para na tuloy siyang
tangang nakatitig lang sa kisame ng kanyang kwarto.
Bumuntong-hininga siya, nakahiga pa rin. Napalingon lang siya nang may kumatok.
"Pasok," sagot niya. Bumukas naman ang pinto at bumungad sa kanya iyong isang
batang maid na kausap niya kanina.
Bumangon siya at nag-indian sit sa kama.
"Maam, kain na raw po," sambit nito pagkalapit. Agad siyang napatingin sa malaking
wall clock ng kwarto.
Bumuntong-hininga na lang siya nang nakitang mag-aalas siyete na rin pala.
"Si Sir Xamuel?" nag-aalalangang tanong niya. Nakagat niya ang labi.
"Ah, nasa baba po." Marahang napapikit si Ivory at tumayo. Binalingan niya ang
babae at tipid na nginitian.
"Sige bababa na ako." Tumango ang babae at tumalikod na rin. Huminga siya nang
malalim bago bumaba ng kama at sumunod sa labas.
Parang lalabas ang puso niya sa sobrang kaba nang pababa na siya. Napahawak pa siya
sa hawakan dahil feeling niya ay nanlalambot ang mga tuhod niya. Hindi nga niya
maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya.
Bakit nga ba alalang-alala siya e hindi naman siya ang nanghalik?
Napabuga na lang siya ng marahas na hininga. Tumigil siya sandali at kinalma ang
sarili bago tuluyang bumaba.
Lumihis sa sala ang katulong kaya mag-isa siyang pumasok ng dining. Naabutan niya
si Xamuel sa usual spot nito. Iyon din iyong inupuan ng lalaki kaninang umaga. Apra
tuloyng deja vu ang nangyari.
Nakayuko lang si Xamuel kaya huminga siya ng malalim at parang wala lang na umupo
sa inupuan niya kanina, sa tabi nito.
Walang nagsasalita. Isa isa silang kumuha ng mga pagkain. Nakagat na lang ni Ivory
ang kanyang labi sa sobrang awkward.
Nakayuko lang siya at nanatiling pokus sa pagkain. Tanging tunog na nga lang ng
kubyertos ang maririnig sa buong hapag.
Ilang minuto pa ay tumikhim si Xamuel. Napalunok si Ivory.
"Kumain ka pa Ivory," sabi nito. Bumuntong-hininga lang siya at marahang tumango.
Hindi niya nga alam kung nakita ba nito ang pagtango niya.
Kumain siya. Gaya kanina ay ito pa mismo ang naghain sa kanya. Tinanggap niya lang
iyon at kinain. Hindi pa rin siya nagsasalita.
Ilang sandali pa ay bumuntong-hininga si Xamuel. Sandaling napatigil si Ivory.
Napaigtad pa siya nang hinawakan nito ang ang kanyang isang kamay. Ayaw man niya ay
marahan siyang napaangat ng tingin. Nakatitig sa kanya si Xamuel.
Napalunok siya.
"Iyong kanina...h-hindi ko sinasadya. I-I'm sorry." Napayuko ang lalaki, nakahawak
pa rin sa kanyang kamay.
Napalabi siya. Sa totoo lang ay hindi rin namab niya alam kung ano ang sasabihin.
Namayani ang katahimikan sa buong hapag. Huminga nang malalim si Ivory at marahang
tumango. Naramdaman niya ang pagpisil ni Xamuel sa kanyang kamay kaya nag-angat
siya ng tingin at marahan siyang ngumiti rito.
"Let's eat?" tanong nito. Tumango lang ulit siya at bumalik na sa pagkain.
Ang akala niya ay babalik na sila sa normal pagkatapos noon pero nanatili silang
tahimik hanggang sa matapos sila sa pagkain.
Nagpaalam lang si Xamuel sa kanya bago ito naunang pumunta sa opisina nito. Wala na
rin naman siyang gagawin kaya pumunta na lang din siya sa kanyang kwarto.
Naligo at nagbihis na lang muna siya bago tuluyang sumalampak sa kanyang kama.
Sinubukan niyang matulog kaso hindi naman siya makatulog. Kahit na anong gawin niya
ay gising na gising pa rin ang kanyang diwa.
Napatingin tuloy siya sa kanyang cellphone na nasa bedside table lang. Gusto niya
sanang tawagan si Jasmin at magkwento, kaso baka mas mabaliw naman siya sa mga
sabihin noon. Baka kung ano na namang isuksok ng isang iyong sa utak niya.
Sa huli at ipinikit niya na lang ang kanyang mata at sinubsob ang mukha niya sa
isang malaking unan. Kalaunan ay dinala na rin siya ng antok.
~***~
Kinabukasan ay nagising si Ivory nang maaga. Gustuhin man niyang gawin ang mga
nakasanayan niyang ginagawa sa townhouse dahil hindi naman siya pamilyar sa
subdivision na kinabibilangan ng mansyon ni Xamuel.
Bumuntong hininga siya at bumangon na lang. Naligo na siya at nagbihis bago
tuluyang lumabas. Inilibot niya ang tingin sa buong mansyon.
'Grabe, baby, ang ganda ng magiging bahay mo.'
Hinimas niya ang kanyang tiyan at tiningnan ang kabuuhan ng ibaba mula sa itaas.
Napansin niya pa ang iilang kasambahay na naglilinis dito sa itaas.
Napanguso siya.
'Ilan kaya ang mga maids ng daddy mo, baby?'
"Ma'am?" Napalingon siya nang tawagin siya ng isang maid. Nginitian niya ito.
"Bakit?" tanong niya.
"Gusto niyo na pong kumain?" Nagkibit balikat siya. Hindi pa naman siya ginugutom
pero ang sabi ng doctor dapat kumain siya sa tamang oras kaya tumango siya.
"Sige po, hatid ko na kayo." Agad niyang itinaas ang isang kamay at umiling.
"Ah, okay na ako." Nginitian niya lang ulit ito. Nakakahiya naman kasi kung mang-
iistorbo pa siya kaya siya na lang ang bababa.
"Sigurado po kayo?" tanong pa nito. Ngumiti lang ulit siya at tumango.
Bumaba na siya at dumiretso papuntang dining pero bago pa man makapasok ay bahagya
siyang napatigil nang magkasalubong sila ni Xamuel. Nagkakape ito sa sala.
Napalunok siya. Nag-angat naman ng tingin ang lalaki at tumayo. Lumapit ito sa
kanya.
"Morning," bati nito na parang wala lang nangyari. Parang normal na ulit ang lahat.
Ngumuso siya.
"Uhm good morning din," bati niya pabalik. Nginitian siya ni Xamuel.
"Let's eat?" aya nito sa kanya. Tumango naman siya at sabay silang pumwesto sa
hapag.
Pagkalapag ni Xamuel ng kape nito ay napansin niya ang damit nito. Kumunot ang
kanyang noo.
"Wala ka pong trabaho?" hindi mapigilang tanong niya. Naalala niya kasing
kinukwento ni Sally noon na maaga talaga itog pumapasok kaya nagtataka siya kung
bakit hindi pa ito bihis gayong mag-aalas siyete na.
Nagkibit balikat lamang si Xamuel at nilagyan ng slice ng pakwan ang plato niya.
"From now on, Ivory, I will be working from home. Your stomach is getting big. I
wanna personally take care of my son." Tiningnan siya nito at bahagya pa siyang
napaigting nang hawakan nito ang kanyang tiyan. Awkward siyang napangiti.
"Hmm okay po." Bahagyang tumawa si Xamuel at nailing.
"Drop the po. Xamuel na lang," nakangiting sambit nito sa kanya. Takang napatingin
tuloy siya rito.
"Huh?"
Nagkibit balikat lang ulit si Xamuel. Nakangiti pa rin ito.
"I mean we're still friends right?" tanong pa nito. Bahagyang umawang ang labi ni
Ivory.
Mayamaya pa ay ipinalapat niya rin iyon at kinagat.
'Ang bilis magbago ng mood ng daddy mo baby.'
Nahimas niya ang tiyan.
Sa huli ay bumuntong hininga siya at tipid din nginitian ang kanyang amo.
"Hmm. Okay po." Lalong lumapad ang ngiti ni Xamuel.
"Good. Let's eat?" Ngumiti lang din si Ivory at tumango.
"Hmm sige po." At bumalik na sila sa pagkain.
Si Xamuel pa rin ang naghahain sa kanya. Di niya tuloy mapigilang mapatitig dito.
Nawe-weirduhan talaga siya. Pero kung iisipin, mas mabuti nga ring huwag na lang
isipin iyong nangyari kahapon para hindi na sila maging awkward. Malay niya naman
kasi kung lutang din pala ang lalaki at masyadong na-overwhelmed sa anak kaya
inakala na siya ang namatay nitong asawa.
'Tama. Baka napagkamalan nga lang ako ni sir.'
Napangiti siya nang abutan siya nito ng grapes. Inabot niya naman iyon at kinain
din.

Chapter 20
Kinabukasan ay weekend. Body clock na yata ni Ivory ang magising nang maaga. Hindi
rin naman kasi siya nagpupuyat sa gabi. Kagabi lang ay sobrang sarap ng tulog niya.
Wala siyang ginawa kahapon kung hindi manood ng TV at maglaro ng mga board games.
Tinuruan kasi siya ni Xamuel. Maghapon silang naglalaro ni Xamuel kahapon.
Nagpapasalamat siya at hindi na nga sila naging awkward.
Pag may inaasikaso si Xamuel sa opisina iyong ibang mga batang maid naman ang
niyayaya niyang maglaro. Game na game naman ang mga iyon. Kaya rin ang sarap ng
tulog niya dahil sobrnag saya niya buong araw. Naaliw siya nang todo sa mga board
games na nakalimutan niyang i-text si Jasmin para kumustahin.
Tiningnan niya ang sarili sa full body mirror ng kanyang cr. Nakasuot siya ng isang
sundress para presko lang at hindi siya mahihirapan sa tiyan niya. Nang masiyahan
siya sa kanyang ayos ay lumabas na rin siya ng banyo.
Sobrang komportable ng kwarto niya. Iyong mansyon kasi ay parang pinaghalong
ancient at modern spanish look. Iyong interior ay brown-ish and woody ang color
scheme. Presko rin dahil may mga halaman sa mga kwarto at sala. Palagi iyong
pinupuntahan ng mga katulong para diligan.
Muli siyang umupo sa kanyang kama at kinuha ang kanyang cellphone. Tinext niya lang
si Jasmin para mangumusta. Ang sabi kasi nito ay nag-aasikaso na ito sa mga papel.
Medyo natagalan dahil humanap pa ito ng magiging pwesto nila. Hindi niya pa nga
alam kung paano siya magpapadala ng shares sa kaibigan. Siguro ay kakausapin niya
si Xamuel tungkol doon.
Inilagay niyang muli sa bedside table ang cellphone pagkatapos niyang gamitin.
Sakto namang may kumatok.
"Pasok," sagot niya. Dumungaw naman sa pinto ang batang maid na palaging sumsundo
sa kanya.
"Good morning," bati niya rito at pinalapit ito.
"Ano ngang pangalan mo?" nakangiting tanong niya. Bahagyang yumuko ang bata.
"Cindy po." Tumango si Ivory.
"Okay, ano iyon Cindy?" Nag-angat ng tingin si Cindy.
"Ah pinapatawag po kayo ni Sir Xamuel."
"Breakfast na?" tanong niya. Umiling ito. Kumunot ang noo niya.
"Bakit daw?" Nagkibit balikat si Cindy.
"Hindi ko po alam maam pero nandoon si sir sa isang kwarto. Sa tabi lang po nito.
Iyang kwartong tapat ng hagdanan." Tumango si Ivory.
"Hmm okay. Sige salamat." Nginitian niya si Cindy. Tumango rin naman ang bata.
Sabay silang lumabas ng kwarto niya. Inihatid pa siya nito sa kinaroroonan ni
Xamuel na katabi lang naman ng kanyang kwarto.
Pagkapasok niya ay nandoon si Xamuel tapos may kasama itong dalawang lalaki na
nagsusulat sa mga dingding. Kumunot ang noo niya at nilapitan si Xamuel.
"Ano po meron?"tanong niya.
"What do you think?"
"Huh?" Kunot noong tiningnan niya ang lalaki. May kinuha itong folder at ipinakita
iyon sa kanya.
"Ano po to?" takang tanong niya.
"That's for my son." Mas lalong nangunot ang nok ni Ivory at napatitig sa hawak na
folder.
"Huh?"
"Kwarto ng baby. Ipaparenovate ko ang kwartong to," paliwanag ni Xamuel. Doon siya
napatango at binuklat ang laman ng folder.
"Ahh okay okay." Sinuri niya ang picture at napangiti siya nang makitang ang ganda
noon. Puro blue. Iba't ibang klaseng blue ang color scheme ng kwarto.
Napatigil siya at muling bumaling kay Xamuel.
"Ba't sa'kin ka po nagtatanong?" tanong niya.
Nagkibit balikat si Xamuel.
"I just want some opinion. And please I told you to drop the po already." Nginitian
siya nito. Napanguso naman siya at nagkamot ng ulo.
"Ay sorry." Napailing si Xamuel sa kanya at ginulo ang kanyang buhok. Mas tumulis
tuloy ang nguso niya.
"So what do you think?" muling tanong nito. Napatingin siya sa picture. Baby na
baby ang dating noon. Ang cute cute ng mga laruan lalo na ng kama.
Napangiti siya.
"Hmm okay naman. Ang cute cute nga niya,e. "
Bahagya siyang natawa. Natawa na rin si Xamuel.
"Good then. Let's head out. Kain na tayo. I'll just give this to them." Tinuro nito
ang dalawang lalaking tinitingnan pa rin ang mga sulok ng kwarto. Tumango lang si
Ivory at hinintay ito sa may pinto.
Hindi niya mapigilang ilibot ang buong paningin sa kabuuhan ng kwarto.
Napahawak siya sa kanyang tiyan.
'Ang ganda ng kwarto mo baby!'
Mas lalo siyang napangiti. Bumalik na rin si Xamuel sa kanya.
"After breakfast, you go with me," anito at inakbayan siya. Kumunot ang noo niya.
"Ha? Saan?" Xamuel looked at her and smiled.
"Sa pool lang naman."
"Gusto mo maligo?" inosenteng tanong niya.
Ngumisi lang si Xamuel at ginulo ulit ang buhok niya. Lumabi siya sa lalaki.
"Para akong aso naman." Tumawa lang ulit si Xamuel at umiling.
Kunot na kunot pa ang noo ni Ivory habang papunta sila sa dining. Para kasing bata
ang boss niya. Hindi niya talaga maintindihan. Sa bawat araw na magkasama sila ni
Xamuel ay lumalayo ito sa Xamuel Cuanco na nakilala at kinatakutan niya noon.
Sobrang laki ng pinagbago. Para talaga itong bata o iyong mga teenager ba na walang
ibang ginawa kundi kalokohan noong high school. Hindi niya masabi kung okay iyon o
ano.
Sobrang maalaga na rin nito. Pagkakain nga nila ay sobrang asikaso nito sa kanya.
Kulang na lang talaga ay subuan siya nito.
Bumuntong-hininga siya at napayuko sa kanyang tiyan.
'Baby, dahil siguro sa'yo kaya nagkakaganito daddy.'
Ngumuso siya at lihim na napahagikhik. Agad namang bumaling sa kanya si Xamuel.
"Anong tinatawa tawa mo riyan?" kunot noong tanong nito habang binabalatan ang
apple niya. Nag-angat naman siya ng tingin dito.
"Hmm? Wala naman." Nginitian niya lang ito. Naningkit ang mga mata ni Xamuel pero
ngumisi lang ulit si Ivory. Pilyang kumuha lang siya ng slice ng apple at kinain
iyon. Napailing na lang din si Xamuel.
Pagkatapos nilang kumain ay nagpunta nga sila sa pool. Nagulat pa siya dahil may
nakahandang laptop sa lamesa na nasa gilid ng pool. May dalawang upuan din doon na
hula niya ay para sa kanila. Nangunot ang noo niya nang pinaupo siya ni Xamuel sa
isang upuan tapos ay tumabi ito sa kanya. Napakamot siya ng ulo. Akala niya kasi
maliligo sila sa pool.
"Uhm anong gagawin natin?" tanong niya habag nagsi-set up ang katabi niya ng
laptop. Ngumuso siya.
'Hindi naman guro siya matatrabaho?'
"Shopping," Xamuel finally said. Mas lalong nangunot ang noo niya.
"Ha? Shopping? "
"Yeah." Napatingin siya sa binuksan nitong site sa laptop.
"Online shopping?" tanong niya ulit.
"Yeah. Cause we can't go out," sagot naman ni Xamuel. Napatango siya
"Oh. Okay."
Pinagmasdan niya ang lalaki na may tina-type sa search bar ng isang online store.
"Baby crib…" basa pa niya at ngumuso.
"Para ba yan sa kwarto ni baby?" tanong niya pa. Tumango si Xamuel at ini-scroll
ang page. Nakitingin na rin siya roon.
"Ayan o, cute," turo niya sa isang blue-ish na crib na may mga polka dots na
design.
"This?" Ni-click ni Xamuel iyon. Tumango tango siya.
"Perfect iyan sa kwarto!" masayang sabi niya. Tumango naman si Xamuel at ni-add to
cart iyon.
"Okay na iyon for a crib right?" Xamuel asked to which she nodded. Bumuntong-
hininga si Xamuel. May kinuha itong isang papel - parang listahan.
"Okay then, done with the crib. Next stop would be…baby dresses." Bahagyang sinilip
ni Ivory ang hawak nitong listahan. Napanguso siya at binalik ulit ang tingin sa
laptop.
Nag-type ulit si Xamuel. Napapalakpak pa si Ivory nang makita ang mga cute na mga
damit pambata.
"Hala! Ang ko-cute!" bulalas niya. Napailing na lang si Xamuel sa kanya.
"So, which one?" tanong nito. Ngumuso siya at inilagay sa ilalim ng baba ang
hintuturo.
"Hmm. Ito, ito, tapos ito pa. Cute din ito kaya ito rin. Ito rin!" Lahat ng tinuro
niya ay ni add to cart naman ni Xamuel.
Nagturo pa siya ng iba. Hindi niya nga alam kung ilan na iyong naturo niya. Basta
kapag may nakita siyang maganda ay tinuturo niya. Wala namang reklamo si Xamuel at
automatic na add to cart lahat.
"Okay na siguro iyon? Baka masyadong marami. Lalaki pa naman si baby," sabi niya
sabay himas sa kanyang tiyan.
Tumango si Xamuel at pinalitan na ang nasa search bar. Nasa mga sapatos at medyas
naman sila ngayon. Halos tumili siya sa sobrang saya nang makita nag mga cute na
mga sapatos. Natawa ulit si Xamuel sa kanya.
"Ito, o. Tapos ito. Then ito rin." Ngumuso siya at nagkamot ng ulo.
"Mag-suggest ka rin naman. Puro na lang ako. Nahihirapan na ako sa pamimili, e,"
reklamo niya. Mas lalong humalkhak si Xamuel an ikinataka niya.
"Ba't ka tumatawa? Seryoso kasi." Nagkamot ulit siya ng ulo.
Namamanghang tiningnan siya ni Xamuel at ginulo ang kanyang buhok. Mas lumabi si
Ivory.
"Fine fine, but I think this is all good, Ivory. Sabi mo nga lalaki pa naman si
baby." Bahagya siyang napaigik nang hawakan nito ang kanyang tiyan.
"Hmm. Sige sige. Tama na iyan. Next na tayo." Sabay silang tumingin sa listahan ni
Xamuel.
"Itong ano uhm bathtub ni baby!" excited niyang sabi. Iyon nga ang sinearch ni
Xamuel.
"Hala! Ang ko-cute! Iyong maliit lang muna siguro? Tapos isang medyo malaki?"
tanong niya pa. Tumango lang din naman si Xamuel.
They ended up buying a small and medium one. Magkapareho lang ang design noon pero
magkaiba ang laki.
Sunod nilang tiningnan ay mga baby bottles. Tuwang tuwa si Ivory nang makakita sila
ng mga baby bottles na may mga cute designs.
Originally, tatlo lang dapat ang bibilhin nila kaso nagdadalawang isip talaga siya.
Ang tagal tuloy nilang natapos
"How about this?" tanong ni Xamuel. Tumango siya pero agad ding umiling.
"Mas nice ito." May tinuro siya pero may tinuro rin si Xamuel.
"What about this?"
"Ay oo. Ay teka ito na lang pala! Ay ito pa! Hala ang cute!" Nasapo ni Ivory ang
magkabilang pisngi nang wala na siyang mapili talaga.
"Bakit naman ang dami kasing cute! Hala! Di ko na alam ang pipiliin!" Ibinaon niya
ang mukha sa dalawang kamay.
Tawang tawa naman si Xamuel sa kanya. Bahagya niyang tinanggal ang kanyang kamay
para sulyapan ang katabi.
"Bakit?" inosenteng tanong niya. Umiling si Xamuel.
"Nothing. You're just really cute."
Lumabi siya. Tumawa na lang ulit si Xamuel. Binalik niya ang tingin sa laptop at
may nakita na naman siya. Sumimangot siya.
"Ay yan pa o ang cute! Hala ang cute naman nilang lahat." Napakamot siya ng ulo at
tumingin kay Xamuel. He just patted her head.
"We'll buy them all then." He chuckled. Ivort pouted even more.
"Grabe. Ang dami mong binili," sabi pa niya peror ngumiti lang si Xamuel.
Tiningnan nita ulit ang mga nasa cart nang bigla siyang may naisip.
Bumaling siya kay Xamuel.
"May pangalan ka na sa baby?" tanong niya. Halos ready na kasi lahat ng materyal na
kailangan ng baby.
Xamuel's forehead creased.
"Actually, not yet. I'll still think about that." Ivory made a face.
"Nako, kompleto na gamit ni baby tapos wala pa siya pangalan. Ano ba yan."
Napakamot ulit siya sa kanyang ulo. Tumawa lang si Xamuel at ginulo ang kanyang
buhok.
She pouted even more. Xamuel pinched her cheek lightly.
"You'e so cute."
Agad na nag-init ang kanyang pisngi kaya nag-iwas siya ng tingin. Xamuel shook his
head and chuckled before turning his attention back to his laptop.
'Ano ba yan. Kainis tong daddy mo, baby.'

Chapter 21
Natapos ang araw na iyon sa pag-sho-shopping nila ni Xamuel. Kakilala ni Xamuel ang
may-ari ng brand kaya mapapadali daw ang mga deliveries, in time para sa pagde-
decorate ng kwarto ni baby. Mas lalong natuwa si Ivory nang sinabihan siya ni
Xamuel na pwede siyang maging hands on sa pag-de-decorate ng kwarto ng bata. Mas
excited pa nga siya kay Xamuel.
"Hey, you okay?" Ngumuso siya at humarap kay Xamuel. Ngumiti siya at tinanguan ito.
Katatapos lang nilang mag-breakfast at nasa couch sila ng living room. Kaharap ni
Xamuel ang laptop nito habang siya ay nagbabasa ng magazine. Naka-in din ang TV
pero naka-minimum volume naman iyon.
"Bored ka na?" tanong nito habang nagta-type sa kanyang laptop.
Bumuntong-hininga lang si Ivory. Napansin iyon ni Xamuel kaya napangiti ito at saka
tumayo. Kunot-noong sinundan niya naman ito ng tingin. Nakita niya itong pumasok sa
opisina. Ilang minuto pa ay lumabas din naman ito at may dala pang isang papel at
ballpen.
Nagkibit-balikat na lang siya at sinalampak ang likod sa sofa. Aabutin na sana niya
ang remote para palakasin ang volume nang may biglang ibinigay si Xamuel sa kanya.
Kunot noong tiningala niya ang lalaki nang bigyan siya nito ng isang pirasonh papel
at ballpen.
"Anong gagawin ko diyan?" tanong niya pa. Umupo si Xamuel sa kanyang tabi.
"I can see that you're bored. Masyado mo kasing nilaro iyong mga board games
kahapon." He slightly chuckled that made het pout.
"Anyway, just list all the things that you want to do," nakangiting sabi nito sa
kanya. Mas lalong kumunot ang kanyang noo.
"Huh? Bakit? Iyon na maglilibang sa akin?" inosenteng tanong niya. Tumawa lang ulit
si Xamuel.
"I don't want you bored. Ilista mo lahat ng gusto mong gawin. Gagawan ko ng paraan
para magawa mo iyan, Ivory." Ngumiti ito sa kanya. Agad namang nagliwanag ang
kanyang mukha at excited na napatingin sa hawak na papel at ballpen.
"Hala! Talaga?" Halos magkorteng puso na ang kanyang mga mata habang sinasabi iyon.
Xamuel just chuckled and nodded.
"Yeah."
Ivory giggled.
"Sige sige!" Kaagad siyang kumuha ng isang throw pillow at excited na nagsulat
doon. Nakatingin lang sa kanya si Xamuel pero sobrang focused niya sa pag - iisip
ng mga gusto niyang gawin.
Sa huli ay napailing na lang si Xamuel at bumalik sa kanyang pagtitipa. Panaka-naka
niyang sinusulyapan si Ivory na parang bata habang naglilista. She always does that
cute gestures and even make faces that are just adorable.
Parang wala sa sariling napangiti ang lalaki ar napapailing na lang.
Xamuel has something work related to do kaya matapos nilang mag-lunch ay nagkulong
ito sa opisina. Si Ivory naman ay nilibot na lang ang mansyon. Sobrnag laki noon na
ilang beses din siyang nagpahinga. Dala-dala niya pa rin ang ibinigay ni Xamuel
kanina na papel.
May laman na iyon pero may gusto pa siyang gawin kaya mag-iisip muna siya. Napadpad
siya sa infinity pool ng mansyon. Napapikit pa siya dahil sa preskong hangin na
pumapasok. Dahil maraminh mga halaman sa loob ay medyo presko nga ang nalalanghap
niya. Isa nga ang gardening at flower arrangement ang nilagay niya sa mga gusto
niyang gawin. Na-miss niya kasing gawin iyong noong nasa town house pa siya.
Ngumuso siya at umupo sa sun lounger na nasa gulid ng pool. Namangha pa siya at
napahiga roon. Para talagang sa mga resort ang ayos ng pool ng mansyon. Pwedeng
pwede kang mag-sunbathing.
Napahagikhik siya nang biglang may naisip.
'Tama! Magswimming! Baby, swimming tayo!'
Hinimas niya ang kanyang tiyan at saka nagsulat doon sa papel.
Pagkatapos ay itinabi niya muna iyon sa maliit na lamesang katabi ng lounge tsaka
muling humiga. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Tamang tama dahil naka-sundress
ulit siya ngayon. Ewan ba niya at nahihilig siya sa mga ganitong damit ngayon.
Siguro dahil presko.
Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakaganoon hanggang sa dalawin siya ng
antok. Ni hindi nga niya namalayang nakatulog na pala siya. Nalaman lang niya nang
ginising siya ni Cindy. May dala itong orange juice.
"Hala, ilang oras akong nakatulog?" tanong niya rito. Ngumiti si Cindy.
"Mga dalawang oras po, ma'am," sabi nito. Napanguso na lang siya at tumango tango.
Umayos siya ng upo at ininom iyong juice.
"Thank you," sambit niya rito.
"Uhh, Cindy, si Sir Xamuel nasaan?" Inilagay niyang muli ang baso sa mesa.
"Ah, nasa opisina pa po ma'am pero pinapasabi po niya sa inyo na malapit na rin daw
po siyang matapos. Magkita na lang daw po kayo sa sala. Gusto niyo pong sa sala na
mag-merienda?" Agad siyang umiling at kinuha ang papel at ballpen. Sa kabilang
kamay niya naman ay ang juice.
"Hindi naman ako gutom. Okay na ako sa juice. Sa sala na ako maghihintay. Sabay na
tayo?" Tumango lang si Cindy at sabay nga silang nagpunta ng sala.
In- on niya ang TV at doon na naghintay kay Xamuel. Wala na rin naman siyang maisip
na idagdag sa listahan niya kaya nanood na lang din siya. Sinulyapan niya ang wall
clock ng sala at mag-aalas tres na rin pala ng hapon. Napahawak siya sa kanyang
tiyan at hinagod iyon.
'Napasarap nga pala talaga ang tulog ko. Ang sarap naman kasi ng hangin sa pool.
Excited na tuloy akong mag-swimming, baby!'
Hinintay niya si Xamuel doon. Inaliw niya na lang ang sarili sa pinapanood. Ilang
saglit pa ay tumabi na kanya si Xamuel.
Agad niyang kinuha ang papel at abot tengang ngiting lumingon dito.
"Yan na!" masayang abot niya sa listahan. Kinuha iyon ni Xamuel at tiningnan.
Bahagya pang kumunot ang noo nito nang mabasa ang mga nilista niya.
BUCKET LIST NI IVORY AT NI BABY
• Mag-alaga ng halaman. Iba ibang klaseng halaman.
• Maglakad sa umaga
• Mag-decorate ng baby room
• Mag swimming
"Sabi kasi ni doc last time dapat active ako para hindi ako mahirapan pagkapanganak
at para healthy si baby niyo. Hindi ako makapaglakad sa umaga kasi baka maligaw
ako, e." Nagkamot siya ng ulo.
Sandaling natigilan si Xamuel at nakatitig lang sa papel. Nagtaka tuloy si Ivory.
"Bakit?" tanong niya rito. Bumuntong- hininga naman ito at bumaling sa kanya. Tipid
lang siya nitong nginitian.
"Nothing. You sure ito lang? Ang konti ata?" manghang tanong nito. Nagkibit-balikat
siya.
"Hmm oo. Dagdagan ko na lang pag may naisip na akong ibang gagawin para kay baby.
Wala na rin kasi akong maisip." Bahagya pa siyang natawa.
Hinaplos niya ang baby bump. Si Xamuel naman ay napatitig sa kanya.
"Ivory, okay lang naman kung yung mga gusto mong gawin. Iyong ikaw talaga ang may
gusto. Hindi lang para sa baby ko." Dinig niyang sambit nito. Ngumuso siya at
binalingan ito.
"Hmm. Yung mga gusto kong gawin, gusto ko rin makakabuti kay baby. Tsaka wala
namana kasi na talaga aong maisip na gagawin. Pasensya na."
Hindi nakapagsalita si Xamuel. Saglit pa siya nitong tinitigan. Bahagya naman
siyang umiwas ng tingin. Sa huli ay bumuntong-hininga si Xamuel at hinaplos ang
kanyang tiyan. Napatingin tuloy siya rito.
"Okay let's do this." Ngumiti ito sa kanya. Napangiti na rin siya at saka tumango
tango. Hindi niya tuloy maiwasan ang excitement na kanyang nararamdaman.
***
True enough, kinabukasan ay nagising si Ivory na ang dami ng halaman sa garden.
Pagkapasok na pagkapasok niya roob ay halos lumuwa ang mga mata niya sa
pagkamangha.
Iba ibang mga bulaklak nga ang nandoon! Ni hindi niya nga alam ang pangalan ng mga
iyon e. Bukod pa roon ay may kasamang babae si Xamuel.
"Ivory, this is Ina. Isa siyang flower and garden decorator. Pwede kang magpatulong
sa kanya," pakilala ni Xamuel doon sa babae. Mas lalo lanv siyang na-excite.
"Wow! Talaga? Salamat! Hala!" Agad niyang dinaluhan ang mga bulaklak.
"You want to start now?" She heard Xamuel say. Walang lingon siyang tumango.
Napailing na lang si Xamuel at binalingan ang ang decorator. Aliw na aliw naman si
Ivory sa pag tingin sa iba't ibang klase ng mga bulaklak.
"Ivory, I'll leave you with Ina. She will be helping you." Si Xamuel. Lumingon si
Ivory at tumango.
Iniwan na rin sila ni Xamuel doon. Agad niyang tinanong iyong Ina sa mga pangalan
ng mga bulaklak tapos ay nagsimula na rin sila.
Nakapag-gardening sila noong elementary siya pero ibang-iba ang experience kapag
ang kasama mo ay professional na talaga sa field na iyon.
Tuwang tuwa siya sa pag-aalaga at paghahanay ng mga bulaklak. Di niya pa nasasaulo
ang mg iyon dahil sa sobrang dami.
"Ivory, dapat ma-maintain mo ang pag-aalaga nitong mga bulaklak para mas mag-bloom
sila. Siguraduhin ming tamang tubig lang ang ilalagay mo, okay? Alam mo na rin
siguro kung aling bulaklak ang may pinakakailangan ng tubig at iba pa."
Magiliw na tumango tango lamang si Ivory. Pauwi na si Ina at halos patapos na rin
sila. Actually may natapos naman silang isang side. Ibinigay kasi ni Xamuel sa
kanya ang corner na iyon ng garden para sa mga bulaklak niya. Medyo malaki iyon at
maraking bulaklak ang kakailanganin kaya matagal silang natapos. Tinulungan na nga
sila ng ibang kasambahay pero hindi pa rin iyon natapos.
"Paano, I'll see you again next week? Alam mo na ang gagawin ha," paalala ulit ni
Ina. Tumango at ngumiti lang ulit si Ivory.
"Yes na yes po! Thank you po!"
"O, siya sige,bye."
"Bye po, Miss Ina!" Kinawayan niya lang ito.
Nagpatulong siya kay Cindy sa pagliligpit bago sila muling bumalik sa loob ng
bahay.
Nadatnan niya roon si Xamuel na nakaupo sa sala. Masayang binati niya ito.
"O, tapos na kayo?" tanong nito na tinanguan lang niya.
"Good, let's take a walk later," nakangiting sambit nito.
Agad na napatalon sa tuwa si Ivory.
"Hala, seryoso?" Natawa si Xamuel at tumango.
"Yeah. Para di ka maligaw kung sakali."
Mas lumapad ang kanyang ngisi at excited na nagpaalam kay Xamuel.
"Bihis lang ako!" sabi pa niya at nagmamadaling pumanhik sa itaas.
Hindi mapigilan ni Ivory ang mapangiti habang nagbibihis. Xamuel kept his promise.
Ginawan nga nito ng paraan ang mga gusto niyang gawin kahit na nasa bahay lang
sila. Madali lang namang gawin iyong iba dahil available naman ang mga resources
dito sa mansyon pero iyong bigyan siya ng garden niya tapos may mga mamahalin at
iba ibang klaseng bulaklak pa ay talagang nakaka-touch.
Hinaplos niya ang kanyang tiyan.
'Baby, mahal na mahal ka ng daddy mo. Grabe. Hindi ka pa lumalabas, parang spoiled
ka na.'
She chuckled a bit and caressed her swelling tummy again.

Chapter 22
Masayang kumakain sina Ivory at Xamuel sa gilid ng pool. Ang ikinakatuwa pa ni
Ivory ay nagmi-mini boodle fight sila sa agahan. Tinanong kasi siya ni Xamuel
kagabi kung anong gusto niyang breakfast tapos biglang sa palabas na pinapanood
niya ay nagboodle fight nag mga bida kaya ang ending ay nag-request na rin siya ng
boodle fight.
May dahon talaga ng saging na nakalatag sa maliit na lamesa sa tabi ng pool.
Magkatabi silang dalawa ni Xamuel. Bukod sa kanin ay may hipon at inihaw na isda at
baboy doon. May mga prutas din at isang pitsil ng fresh grape juice sa tabi nila.
Ngumuso siya nang inilagay ni Xamuel ang hinimay nitong isa sa kanyang harapan.
Excited niya naman iyong isinubo.
"You want more?" Xamuel asked, smiling. She smiled giddily and nodded. He just
chuckled and got another fish.
Hindi gutom si Ivory pero ganadong ganado siyang kumain. Hindi na nga niya
namalayan kung nakailang isda na sila. Si Xamuel ang taga himay tapos siya ang
kumakain.
"Kain ka rin." Sinubuan niya ito. Ngumanga naman si Xamuel at kinain ang sinubo
niya. Nagkatawanan pa sila.
Naglagay ulit si Xamuel ng hinimay sa harapan niya kaya kinain niya iyon ulit at
sinubuan na naman ang lalaki.
Napalingon pa siya nang may marinig siyang mga hagikgikhikan. Sabay pa silang
napalingon ni Xamuel. Kaagad namang nagtakbuhan papasok ang mga kasambahay na
kanina pa papla nakatingin sa kanila.
"Tss. Just don't mind them." Dinig niyang sambit Xamuel. Ngumuso lang siya.
"Pilya talaga sila Cindy," sabi niya pa. Sinubuan niya ulit si Xamuel.
"Gusto mo pa?"muling tanong nito. Umiling na siya.
"Okay na ako." Tumango lang ito at binigyan siya ng mansanas. Tinanggap niya iyon
at sinubuan din ito.
"Anong gagawin mo ngayon?" tanong nito. Bahagya siyang nag-isip tapos ay napatingin
siya sa katabing infinity pool. An idea then popped in her mind.
"Hmm gusto ko mag swimming! Nasa listahan ko iyon!" proud niyang sabi. Bahagyang
natawa si Xamuel tsaka tumango.
"Okay ipapahanda ko ang pool." Napapalakpak siya.
"Anything else?" Umiling siya.
"Hmm wala na naman. Okay pa naman iyong mga halaman ko," dagdag niya pa. Xamuel
just chuckled and tousled her hair.
Ngumiti ulit siya.
"Tulungan na kita," offer niya pa at sabay nilang niligpit ang pinagkainan nila.
Dahil sa gusto niyang mag-swimming ay agad siyang pinasamahan ni Xamuel sa ibang
kasambahay sa kanyang kwarto. Gulat na gulat pa siya nang makita ang sandamakmak na
mga swimsuit sa kanyang kama.
'Saan niya naman kaya to nakuha?'
Napanguso siya.
"Ma'am ang dami mo pong swimsuit. Alin po gagamitin niyo?" Dinig niyang tanong ni
Cindy na kasalukuyan nang tumitingin sa mga swimsuit. Napatingin na rin siya roon.
May limang pares ng swimsuit na iba iba ang mga style.
Hindi siya masyadong mahilig sa swimsuit at wala naman siyang masyadong alam doon
kaya tinanong niya ang mga kasamahan niya kung anong bagay.
Pinasuot pa sa kanya lahat ng pares.
"E, nakakahiya naman ito, e," reklamo niya nang isuot niya iyong red na two piece.
Tie ang mga long noon at low waist.
Iyong bra ay itinatali sa likod habang ang underwear ay nakatali ang bawat gilid.
'Nako, buti na lang nakapag-shave ako sa ibaba!'
"Maam bagay na bagay po sa puti niyo iyong pula!" Pumalakpak pa ang mga kasama
niya. Ngumuso ulit siya.
"E, halatang halata ang tiyan ko, o," sabi niya pa.
"Maam, talagang halata po iyan sa lahat ng swimsuit," sabi naman no Cindy. Napaisip
siya. Oo nga naman. Buntis nga naman siya.
Bumuntong-hininga siya.
"Okay ba talaga?" tanong niya ulit. Sabay na tumango tango ang dalawa. May kinuha
si Cindy na robe.
"Ito po, mag-robe ka na lang po muna para hindi ka lamigin." Inabot ni Cindy iyon
sa kanya.
Kinuha niya naman iyon at isinuot.
"Baba na po tayo maam!" ani ng kasama ni Cindy na mukhang mas excited pa sa kanya.
Bumuntong-hininga ulit siya at tumango. Agad naman siyang inalalayan ng dalawa
pababa. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan at nako-conscious.
Pagkarating nila sa pool ay nakaupo si Xamuel sa isang sun lounger. May mga fruits
at juice na rin sa maliit na table na katabi nito. Naligpit na rin ang pinagkainan
nila kanina.
"Sir, nandito na po si Maam Ivory!" maligayang sambit ni Cindy. Mas lalo tuloy
siyang na-conscious. Excited na dinala naman siya ng mga kasaa niya palapit kay
Xamuel.
Hindi niya maintindihan kung bakit mas excited pa sa kanya ang dalawa e.
Napayuko pa siya pagkarating nila sa harapan ni Xamuel.
"Sige po!" sabay na sabi ng dalawa tapos ay tumakbo na paalis. Weird siyang
napatingin sa mga ito.
Mas lalo tuloy siyang naging awkward. Bumuntong -hininga siya at nanatiling
nakayuko. Para tuloy siyang tangang nakatayo lang sa harap ni Xamuel at hindi
gumagalaw. Sinusulyapan niya pa si Xamuel at nagulat siyang nakatitig ito sa kanya,
kunot na kunot ang noo.
"Ivory, are you okay? What's wrong?" Sa wakas ay sambit nito. Ngumuso siya at
bumuntong hininga.
"E nakakahiya po," sabi niya sa maliit na boses, nakayuko pa rin.
"Bakit ka mahihiya?" balik naman ni Xamuel. Lumabi siya
"E ang laki na po kaya ng tiyan ko para mag two piece." Agad na nag-angat ang mga
kilay ni Xamuel.
"So what Ivory? That's normal. Buntis ka." Hindi siya nagsalita. Narinig niya na
lang ang pagbuntong -hininga ni Xamuel.
"Come on." Napaangat siya ng tingin at nakita na lang niyang nakatayo na ito at
nakalapit na sa kanya.
"Why are you even shy? There's no one here anyway. Tsaka maliligo ka lang naman.
What is there to be shy of?" Ngumuso siya.
Oo nga naman bakit nga ba siya mahihiya e wala namang tao tsaka gusto niya lang
naman mag-swimming. Walang mali roon. Ipinilig niya ang ulo at bumuntong-hininga.
Tiningnan niya si Xamuel at nginitian.
"Okay. Sorry, emotional lang,"nakangiting sambit niya sabay nguso. Ngumiti lang din
si Xamuel at ginulo ang buhok niya.
"Ligo na ako," paalam niya pa. Tumango lang si Xamuel.
Napangiti si Ivory at excited na tinanggal ang bathrobe. Tumambad ang kanyang mala-
gatas na kutis na mas lalong nangibabaw dahil sa kulay hot red niyang bikini.
Napalunok pa si Xamuel nang makita si Ivory na naka two piece. Malutong siyang
napamura sa kanyang isip nang hagudin ng tingin ang dalaga. She just looks so hot
in those bikinis.
'Fuck. How can a pregnant woman be that freaking hot?'
Agad na ipinilig ni Xamuel ang kanyang ulo para umiwas sa tukso.
'Damn, Xamuel, cut it.'
"Uh you know how to swim?" hindi mapakaling tanong niya. Kumunot ang noo ni Ivory
at tumingin sa lalaki.
"Ha? A, marunong naman po." Ngumuso siya. Agad na nag-iwas ng tingin si Xamuel.
"O, okay sa lounger lang ako," sabi nito at agad siyang tinalikuran. Sandaling
natigilan si Ivory pero nagkibit balikat lang din naman.
"Sige po," paalam niya at agad na pumunta sa hagdanan ng pool
Napalunok si Xamuel habang nakatingin sa dalaga na bumababa sa pool. Kinailangan pa
niyang uminom ng juice at mag-iwas ng tingin.
'Damn it.'
Masayang nagtatampisaw si Ivory. Dinama niya ang malamig na tubig bg pool. Idagdag
pa ang preskong hangin. Talagang nakaka-relax. Sumandal siya sa may gilid at
tiningala ang kanyang mukha. Ipinikit niya pa ang kanyang mga mata para damhin ang
lamig ng tubig. Hanggang dibdib niya ang lalim ng pool kaya sakto lang.
Ilang minuto siyang nakaganoon, parang nasa spa lang. Tumigil lang siya nang bigla
siyang makaramdam ng gutom. Napanguso siya at napatingin kay Xamuel na nasa sun
lounger. Nag-si-cellphone lang ito at mukhang wala namang balak maligo. Hindi kasi
ito nakapanligo. Naka- t shirt lang ito at pambahay na shorts.
Bumuntong-hininga si Ivory at nagdesisyong umahon muna. Natakam kasi siya sa mg
prutas na nasa tabi ni Xamuel. Nasa gitna siya ng pool kaya kinailangan niyang
lumangoy papunta sa hagdanan.
Paakyat na siya sa hagdanan na bigla naman siyang madulas dahilan para mapasigaw
siya.
Agad na nagising ang diwa ni Xamuel at mabilis na lumusong papunta sa kanya.
"Shit! Are you okay?!" tarantang sambit nito na nasa kanyang paanan na.
Gulat na gulat naman si Ivory. Nakaupo na siya sa hagdan at hindi naman siya
tuluyang nadulas sa kanya. Nasa harapan na niya si Xamuel at basang basa na.
"Ah opo. Basang basa ka na," sabi niya rito. Tila walang narinig si Xamuel.
Sinapo siya nito sa bewang at pinatayo sa panghuling baitang. Ngayon ay kapwa na
silang nakatayo. Hawak hawak pa rin ni Xamuel ang kanyang bewang
Nagkatitigan sila. Napalunok si Ivory nang makaramdam siya ng pagkuryente sa hawak
ni Xamuel. Nag-init din ang kanyang mukha nang mapansing hinahagod siya nito ng
tingin. Ang mga kamay nito'y hindi mapakali. Iniisip niyang baka sinisigurado
nitong okay lang siya kaya palipat lipat ang mga kamay nito.
Hindi maintindihan ni Ivory kung bakit parang umiinit ang kanyang katawan sa tuwing
dadampi ang kamay ni Xamuel sa kanyang mga hita. Nakatitig pa rin ito sa kanyang
kabuuhan. Ilang sandali pa ay pinaupo siya nito. Nanatili itong nakatayo. Narinig
niya ang pagbuntong-hininga nito. Hindi siya makatingin sa lalaki. Ang mga kamay
nito ay patuloy na humahagod sa kanyang mga hita hanggang sa makarating ito sa
kanyang gilid.
Malakas na napasinghap si Ivory nang kalasin ni Xamuel ang kaliwang tali ng kanyang
bikini. Nanlalaking matang napatingin siya rito. He was staring at her with desire.
Hindi makapagsalita si Ivory.
Halos magpang-abot ang kanyang hininga nang unti unting inilapit ni Xamuel ang
mukha sa kanya. Naramdaman na naman niya ang malalambot nitong labi. Napapikit siya
lalo na nang lumandas ang isa nitong kamay papasok ng kanyang panty.
Nakahawak ang isang kamay ni Xamuel sa kanyang likod habang banaya siya nitong
hinahalikan. Hindi maintindihan ni Ivory ang nararamdaman. Xamuel's other hand
parted her two legs which gave access to his hand.
Napatukod ang mga kamay ni Ivory sa malamig na hagdan ng swimming pool nang
haplusin ng mga makasalanang kamay ni Xamuel ang kanyang hiyas. He urged her to
kiss back to which she did. Kahit na hindi marunong ay humalik siya pabalik. Ginaya
niya lang ang paghagod na ginagawa ni Xamuel. She moaned between their kisses.
His index finger was now playing with her clit. He rubbed it gently. Naikuyom ni
Ivory ang mga kamay na nakatukod. Halos maghabol na siya ng hininga nang tuluyang
ipasok ni Xamuel ang daliri nito sa kanya. Hindi niya maintindihan ang
nararamdaman. She can't help but moan and moan while his finger was thrusting in
and out of her pearl.
Kumalas siya sa halik at tuluyang napakapit sa mga braso ni Xamuel. Iniyuko niya
ang kanyang ulo at halos ilublob na iyon sa tubig.
"X-Xamuel…"

Chapter 23
"Xamuel…ohh." Hindi na napigilan ni Ivory ang mapasigaw habang nakakapit sa mga
braso ni Xamuel.
Humihingal silang pareho. Kahit na nakalublob sa tubig ang kanyang katawan ay
ramdam na ramdam niya ang pag-agos ng likido mula sa kanya. Nakagat niya pa ang
labi nang unti-unting tinanggal ni Xamuel ang daliri sa kanya.
Agad na nag-init ang kanyang mukha. Mariin siyang pumikit. Ipinaglapat naman ni
Xamuel ang kanilang mga noo. Nakahawak pa rin siya sa mga braso nito habang ang mga
kamay nito ay nakaalalay na sa kanyang bewang. Ni hindi pa nito ibinalik ang
pagkakatali sa isang side eng kanyang bikini!
"S-Sir," sambit niya at bahagyang nag-angat ng tingin.
"Xamuel. Call me X-Xamuel…" humahangos na sambit nito sa kanya. Napalunok siya at
nagtagpo ang kanilang mga tingin.
"X-Xamuel…" she called him.
Mariing napapikit ang lalaki at agad na lumayo.
"Fuck," mura nito. Agad na napakagat ng labi si Ivory.
"B-Bakit?" nag-aalangang tanong niya. Tiningnan siya nito.
"Umahon na tayo. Baka ano pang magawa ko sa'yo." Mabilis na nag-init ang mukha ni
Ivory. Yumuko si Xamuel at bahagya pa siyang napaigtad nang itali nito ang isang
side ng kanyang bikini.
"Ha? Naguguluhan ako…" marahang sambit niya. Nagbuga ng marahas na hininga si
Xamuel at tinitigan siya.
"Mas naguguluhan ako, Ivory."
Nakagat niya ang labi. Nag-iwas ng tingin si Xamuel at agad siyang inalalayan para
makaahon sila. Agad siya nitong pinalibutan ng robe pagkaahon sa pool.
Niligpit ni Xamuel ang mga pagkain habang siya ay natulala at napakagat sa kanyang
kuko. Hinawakan niya ang kanyang tiyan.
'Anong nangyari, Ivory!'
Pakiramdam niya ay pulang pula na siya ngayon. Parana nga siguro siyang tinapakang
kamatos sa sobrang pula. Dumiin ang pagkakagat niya sa kanyang kuko.
Nasa skwater siya pero hindi naman siya tanga para hindi malaman kung anong
nangyari kanina. Palagi niya iyong naririnig sa mga pokpok nilang mga kapitbahay
noon. Iyon daw ang ginagawa ng mga kano nitong mga costumer bago sila pasukin.
Agad niyang ipinilig ang ulo.
'Ano ba iyan Ivory!'
"Ivory, let's go, ihahatid kita sa kwarto mo." Bahagya siyang napaigtad nang
hawakan siya ni Xamuel sa balikat.
Nanatili siyang nakatulala habang papasok sila. Tinanong pa siya nina Cindy nang
makapasok pero hindi niya nasagot. Mabuti na lang at si Xamuel na ang sumagot.
"Magbihis at maligo ka na lang muna. I'll prepare your dress here then I'll change
too." Dinig niyang sambit ni Xamuel pagkapasok nila ng kwarto niya.
Napatingin siya sa lalaki pero busy na ito sa paghalungkat ng mga damit niya sa
cabinet. Napabuntong hininga na lang siya at pumasok na nga sa cr.
Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakababad sa bathtub. Kagat ang labing
iniisip niya pa rin ang nangyari kanina. Napatinfin pa siya sa kanyang ibaba at
hindi niya mapigilan ang pag-init ng kanyang mukha.
Hindi niya mapigilan ang sariling isipin ang nararamdaman niya habang ginagawa iyon
ni Xamuel. Para siyang mababaliw na ewan. Siya pa nga mismo ang mag-request na
bilisan nito at nang marating niya ang rurok.
Nanlaki ang mga mata niya at impit siyang napatili. Halos ilublob niya ang sarili
sa mga bubbles ng bathtub.
Hindi matanggal sa kanyang isipan ang nangyari at ang sinabi ni Xamuel pagkatapos
iyon.
'Bakit ginawa ni sir yon? Anong ibig niyang sabihin?
Halos sabunutahn niya ang kanyang sarili. Nag-iinit na naman ang kanyang mukha.
'Ano ba yan!'
Dumako ang dalawang kamay niya sa kanyang tiyan at hinagod iyon. Kinakabahan siya
na ewan. Bumuntong- hininga siya.
'Baby, ano ba naman iyang daddy mo! Hindi ko na maintindihan! '
Impit ulit siyang napatili at halos lumublob na sa bathtub. Ayaw na nga sana niyang
lumabas ng banyo kung hindi lang siya gininaw.
Bumuntong-hininga siya at nagdesisyon nang umalis ng banyo. Nagbanlaw lang siya sa
showe tapos ay nagtapis na ng tuwalya at lumabas. Nakita niya sa kanyang kama ang
isang terno ng pajama at isang pares ng underwear. Nag-init ulit ang mukha niya sa
kaisipang si Xamuel ang naghanda noon.
'Ano ba yan, Ivory!'
Mariin siyang pumikit at kinalma ang sarili bago tuluyang umupo sa kama at
nagbihis. Itinodo niya ang kanyang aircon at nang may silbi naman ang kanyang pag-
pajama. Bumuntong-hininga siya at pumasok na sa comforter. Nakatagilid siya at
nakahawak sa kanyang tiyan.
Inabot niya ang kanyang cellphone at tiningnan ang mga updates na sinesend ni
Jasmin sa kanya. Nakagat niya ang labi.
Sasabihin niya ba kay Jasmin ang nangyari? Pero baka kung ano na naman ang sabihin
ng kaibigan niyang iyon at mas lalong gumulo ang pag-iisip niya.
Sa huli ay huminga siya ng malalim.
'Wag na nga lang.'
Nag-thank you lang siya sa mga text ni Jasmin tapos ay nag-youtube na lang.
Nanatili siya sa kwarto buong umaga at bumaba lang noong tanghalian. Nagdalawang
isip pa nga siya dahil hindi niya alam kung paano pakikitunguhan si Xamuel.
'Ano ba iyan. Para kaming cycle. Paikot ikot lang.'
Bumuntong-hininga siya at tumuloy sa dining. Ikinalat niya ang tingin pero ni anino
ni Xamuel ay hindi niya naman makita.
"Saan si sir?" tanong niya kay Cindy pagkaupo niya sa dining. Wala kasi siyang
kasabay kumain.
"A, nasa opisina po," sagot naman ni Cindy habang sinasalinan ng juice ang baso
niya.
"Hindi siya sasabay kumain?" nag-aalangang tanong niya.
"Sabi po niya mauna na lang kayo. May tatapusin daw siyang trabaho." Bumuntong-
hininga na lang siya at tumango.
"Oh okay."
Dahil wala rin naman siyang choice ay mag-isa siyang kumain ng tanghalian.
Pagkatapos ay nagpasama na lang siya kay Cindy na dalawin ang mga halaman niya sa
garden. Tinulungan siya nitong magdilig.
Pagkatapos ay niyaya niya naman ai Cindy na mag-board games.
"Cindy, hindinpa ba babalik iyong interior designer para sa kwarto ni baby?" tanong
niya rito habang nagsi-snake and ladder sila.
"Hindi ko po alam, Ma'am. Baka po ngayong sabado." Tumango na lamang siya at
bumuntong-hininga.
Gusto niya sanang tingnan ang kwarto ng bata kaso baka pagalitan naman siya ng
designer o ano. Ipinagkasya niya na lang ang mga board games para libangin ang
sarili.
Nang halos malaro na nila ni Cindy ang lahat ay nakipag-bingo siya sa iba pang mga
kasambahay. Gamit nila iyong mga plastic na pang bingo. Hindi niya nga alam kung
bakit meron silang ganoon.
Buti na lang at game na game naman ang mga kasambahay sa request niya. Noong una ay
ayaw pa ng mga ito pero noong kinulit niya ay bumigay din naman ang mga ito.
"Ma'am, kayo lang po talaga ang amo naming nakikipagalro sa amin," sabi oa ng isa
habang naglalaro sila. Ngumuso siya.
"Nako, hindi niyo naman ako amo,e. Amo ko rin kaya si Sir Xamuel." Ngumiti siya sa
mga ito. Alam naman kasi ng mga tao sa bahay kung ano siya rito.
"Ay nako, ma'am! Ganoon na rin iyon! Dinadala mo iyong future amo namin!" segunda
namana ng isa na sinang-ayunan ng lahat. Natawa na lang siya at tumango na lang.
"O, sige na. Saan na ba tayo? Next draw na!" excited niyang sambit at pinag-draw si
Cindy.
Natapos ang araw niya sa pagbi-bingo. Nang dumating ang dinner ay akala niya
sasabay na si Xamuel pero wala pa rin ito. Pinatawag niya kay Cindy pero ang sabi
ay mauna na siya. Wala naman siyang nagawa kundi mauna na rin.
Hindi niya rin maintindihan ang sarili dahil kahit na kinakabahan siya sa pagkikita
nila ay parang mas gusto niya pa itong kasabay kumain at makita. Ang weird lang din
talaga.
Bumuntong-hininga siya at tinapos ang kanyang dinner. Pagkatapos kumain ay pumunta
na rin siya sa kanyang kwarto.
Nakahiga na siya at matutulog na sana nang biglang pumasok si Xamuel. Agad pa
siyang napabangon nang makita ang lalaki. Napalunok siya at napaatras sa may
headboard.
"Drink your milk first before you sleep," sabi nito at lumapit sa kanya. Huminga
siya nang malalim
"Uhm okay." Inabot nito ang gatas sa kanya. Kinuha niya naman iyon at ininom ito.
Akala niya ay aalis na ito kaya nagulat siya nang bigla itong umupo sa kanyang
tabi.
Agad niyang ininom ang gatas. Ni hindi siya makatingin kay Xamuel. Pagkatapos itong
maubos ay ibinigay niya ang baso kay Xamuel na inilagay naman ng lalaki sa kanyang
bedside table.
Nabalot sila ng katahimikan. Ramdam na ramdam niya ang mga titig nito sa kanya.
"Ah may kailangan ka pa po?" mahinang tanong niya. Nakagat niya ang labi.
Narinig nuya ang paghinga nang malalim ni Xamuel
"Ivory…" tawag nito.
Kinagat niyang muli ang labi.
"About earlier…" patuloy nito.
Ngumuso siya at mas lalong kumabog ang kanyang dibdib. Huminga siya nang malalim.
"Sir, hindi ko po alam kung bakit niyo ginawa iyon…"
Mariing napapikit si Xamuel.
"Fuck. I'm sorry. I'm really sorry." Hinawakan nito ang kanyang kamay at yumuko.
Lumabi siya.
"Bakit niyo po ba ginawa kasi?" medyo nahihiya niyang sabi.
Xamuel heaved a deep sigh.
"That won't happened again. I swear. I'm really sorry..." Nagulat ulit siya nang
hinila siya nito at hinalikan siya sa noo.
Hindi niya alam kung ilang minuto silang nakaganoon. Basta ang alam niya ay
komportable siya sa naging yakap na iyon.
Si Xamuel ang kumalas sa kanya at muli siyang hinalikan sa noo. Walang salita itong
tumayo at umalis. Ni hindi ito nagpaalam sa kanya. Pinagmasdan niya na lang ang
papaalos nitong likod.
Bumuntong-hininga siya at napatitig sa kanyang tiyan.
'Hay nako, baby. Ang labo labo naman talaga ng ama mo. Hindi naman niya sinagot ang
tanong ko, e.'
Ngumuso siya at huminga ulit nang malalim. Humiga na siya at napatitig sa kisame.
Hindi niya alam kung anong mangyayari ngayon. Sobrang naguguluhan na siya. Ito
naman kasing amo niya ay mas magulo pa. Kung ano anong ginagawa.
'Nako naman kasi, Xamuel Cuanco! Napakagulo mo rin, e.'
Napailing na lang siya at saka niyakap ang malaking unan na katabi.

Chapter 24
Ang akala ni Ivory ay babalik sila sa dati ni Xamuel matapos ang tagpong iyon sa
kwarto niya pero mali siya. Simula noong gabing iyon ay naging mailap si Xamuel sa
kanya. Hindi nga lang katulad noong nangyari noong hinalikan siya nito na naging
awkward sila.
Ngayon kasi ay talagang naging mailap ito sa kanya. Minsan na lang niya itong
makita. Madalas ay nasa opisina ito. Sa pagkain naman ay hindi na sila
nagkakasabay. Kung minsan ay tapoa na itong kumain pagkababa niya. Minsan ay
pinapauna naman siya nitong kumain or kung hindi man ay patapos na itong kumain pag
bumababa siya.
Pinapansin naman siya nito at nginingitian pero halata pa ring iniiwasan siya nito.
Hindi na lang niya iyon pinansin at hinayaan na lang din ito. Siguro mas mabuti
nang ganoon na nga lang dahil sa totoo lang maging siya hindi na alam kung paano
ito pakikitunguhan. Ang gulo gulo kasi talaga ng mga kinikilos nito.
Kaya sa halip na problemahin pa niya iyon ay inabala na lang din niya ang kanyang
sarili. Si Cindy na ang sumasama sa kanya ngayong maglakad lakad sa umaga. Para nga
niya itong naging PA na. Pagkatapos maglakad lakad ay inaasikaso naman niya ang
kanyang mga halaman.
"Ivs!" Natawa siya sa sigaw ni Jasmin.
Kasalukuyan silang nagvi-video call ngayon habang inaayos niya ang kanyang mga
halaman dito sa garden. Nakapatong ang kanyang cellphone sa maliit na lamesang
pinaglagyan ng merienda nila. Nakaupo naman siya sa upuan habang si Cindy ay
nagdidilig.
"Kumusta ka na? Pasensya ka na, ngayon lang ulit ako nakatawag. Ang dami kasing
nangyari." Ngumuso siya.
"Sus! Okay lang! Pero sigurado kang okay ka na ba diyan sa mansyon ni Sir Xamuel?"
Bakas sa mukha ng kaibigan niya ang pag-aalala. Bumuntong-hininga siya.
"Oo, Jas. Ayoko nang isipin iyon. Nakakatakot." Ang nangyari sa townhouse ang
sinasabi niya. Naitext niya kasi iyon kay Jasmin at ang kaibigan niya muntik pang
sumugod kung hindi niya lang napigilan.
"Tama yan sis, wag mo nang isipin nako! Ang laki na ng tiyan mo!" Bahagya siyang
natawa.
"Ikaw talaga. Ano na nga pala updates? Pasensya na talaga, bes. Sa dami ng nangyari
hindi ko pa nasasabi kay sir iyong balak kong ipapasuyo sa kanya ang share ko.
Hindi na rin kasi siya pumapasok sa opisina. Dito na siya sa opisina niya sa bahay
nagta-trabaho." Bumuntong hininga siya. Nagkorteng o naman ang bibig ni Jasmin.
"Ohh kaya pala. Akala ko kasi chika lang iyong mga sinasabi ng mga kasama ko. Baka
kinabahan talaga siya sa nangyari sa'yo bes."
"Hindi ko rin masisisi, bes. Anak niya ito, e." Hinaplos niya ang kanyang tiyan.
"Hmm oo nga naman. Hay nako, friend, wag ka na kasing ma-stress. Okay lang naman
kasi talaga sa akin na ako muna ang aabono. Parang tanga naman to o!" Natawa siya
sa sinabi ng kaibigan.
"Basta pag nagawan ko na ng paraan bibigay ko mga naging kulang ko," giit niya.
Inirapan lang siya ni Jasmin. Natawa siya at napailing na lang.
"O, siya sige na at tapos na ang break ko e. Nako, kailan ba kita makikita ulit?
Miss na kita, friend!" Napangiti siya nang lumabi ito.
"Magkikita rin tayo no! Miss na rin kaya kita!" sabi niya pa.
"O siya ba-bye!"
"Bye!" Kumaway siya rito tsaka ni-end ang tawag.
Hindi na niya sinabi kay Jasmin ang mga nangyayari sa kanila ni Xamuel ngayon at
baka kung ano na naman ang masabi ng isang iyon. Tsaka, problema niya naman at ni
Xamuel iyon kaya hindi na niya pa po-problemahin si Jasmin
Bumuntong-hininga siya at bumalik sa pag-aarange ng mga maliliit na pot ng mga
bulaklak.
Bumaling sa kanya si Cindy.
"Ma'am Ivory, tapos na po," sabi nito. Ngumiti lang siya.
"Sige, salamat. Ito last na ito. Arrange na lang natin doon." Tinuro niya ang
bakanteng lalagyan. Tinulungan naman siya ni Cindy na i-aarrange iyong mga maliliit
na pots.
Pagkatapos noon ay kumain na muna siya ng merienda saka pumasok na sa loob ng
bahay. Mag-iisip pa siya kung ano na naman ang pagkakaabalahan niya. Naisip niya
ngang mag-bake o magluto naman kaso wala pa siyang ingredients. Hindi niya pa rin
nasasabi kay Xamuel kaya hindi pa siya makapagpabili ng ingredients din.
Sa mga nagdaang araw ay iyon na ang naging routine niya. Okay naman ang lahat
maliban na lang siguro sa hindi sila gaanong pagpapansinan ni Xamuel.
Maalaga pa rin naman ito. Sinisigurado nitong kumakain siya sa tamang oras,
pinapainom siya ng vitamins at kung ano ano pa pero iyon nga hindi na palasalita at
halos hindi na sila magkita. Pinapautos na lang nito kay Cindy ang mga ginagawa
nito dati.
Bumuntong-hininga siya at napasandal na labg sa sofa. Pag wala na talaga siyang
maisip ay nanonood na lang siya ng TV.
"Ma'am, bored na kayo, no?" Dinig niyang sabi ni Cindy na naghahanda ng grapes
niya. Ngumuso siya at mahinang tumango.
"Pwede po kayong mag-swimming ulit! Marami pa kayong swimsuit!" Tila nabulunan si
Ivort kahit na wala naman siyang kinakain o iniinom.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi.
'Hinding hindi na ako magsu-swimming!'
Nakagat niya ang labi at napatikhim. Nilingon naman siya ni Cindy.
"Uhmm. W-Wala akong gana, e. Wala na rin akong maisip na gawin. Okay lang, Cindy.
Samahan mo na lang ako rito," palusot niya na lang at agad na nag-iwas ng tingin.
"O, sige po. Wala namang problema. Ito po, o."
Huminga siya nang malalim at kumuha ng grapes.
***
Kinabukasan, nagulat si Ivory nang sabihan siya ni Cindy na pinapatawag siya ni
Xamuel. Akala niya naman kung bakit, iyon pala, sinimulan na ng mga interior
designers ang kwarto ng bata.
Nasa garden kasi siya kanina kaya hindi niya napansin na dumating pala ang mga
interior designers.
Agad na nagliwanag ang kanyang mukha nang makita ang kwarto ng bata na nasimulan na
at nakakalahati na yata.
"Ang ganda!" bulalas niya at napahawak sa kanyang tiyan.
"You like it?" Agad na sabi ni Xamuel na nasa tabi niya na pala.
"Oo naman! For sure magugustuhan to ni baby." Nilingon niya ito at nginitian.
Nakangiti rin ito habang pinagmamasdan ang mga ginagawa ng mga ID.
"I'm glad," sambit nito at lumingon din sa kanya.
Hindi na siya nakaiwas ng tingin kaya nagkatitigan sila. Lumunok siya at umayos ng
tayo. Bahagya pa siyang napaigtad nang hawiin ni Xamuel ang mga hibla ng kanyang
buhok na tumatabon sa kanyang mukha.
Nakatitig pa rin ito sa kanya.
"You're so beautiful Ivory," mamaos maos nitong ani. Bahagyang umawang ang bibig ni
Ivory. Muli siyang lumunok.
Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Bumilis ang tibok ng kanyang puso na
halos rinig na rinig na niya iyon.
Nag iwas siya ng tingin.
"Uhh sa labas na ako," kagat labing paalam niya habang hindi mapakali ang mga mata.
"Okay," tanging sagot ni Xamuel.
Mabilis siyang tumalikod at agad na lumabas. Napasandal siya sa nakasarang pinto at
pinakiramdaman ang sarili. Nasapo niya pa ang kanyang kaliwang dibdib.
Hindi siya makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso.
"Kalma, Ivory." Hinagod niya pa ang sariling dibdib na para bang babalik iyon sa
normal sa ginagawa niya.
Ang isa niyang kamay ay napahawak sa kanyang tiyan. Bumuga siya ng marahas na
hininga.
'Baby ano ba yan! Ano bang ginagawa ng daddy mo sa akin!'
Mariin siyang pumikit at nanatili sa ganoong posisyon para kumalma ang kanyang
sistema. Nang pakiramdam niya ang okay na, saka siya bumaba at nagtungo ng sala.
Hindi na siya nakabalik pa sa kanyang garden at sinabihan na lang niya si Cindy na
bukas na sila magpapatuloy.
Inabala niya ang sarili sa pagkain ng mga prutas na ibinigay ni Cindy sa kanya
habang tutok na tutok ang atensyon sa TV. Himas himas niya sa kanyang isang kamay
ang kanyang tiyan.
'Baby naman kasi. Hindi ko na naiintindihan iyang ama mo! Pati ako! Dahil pa rin ba
ito sa'yo?'
Sa tuwing naiisip niya nag sinabi ni Xamuel kanina, para siyang nawawala sa wisyo.
'Ano ba yan, Ivory, sinabihan ka lang maganda nagkakaganyan ka na! E samantalang
nag-'
Agad na nanlaki ang mga mata niya at mariing umiling iling.
'Ano ba iyang pinag-iisip mo!'
"Are you okay?"
Tila nag-hang ang buong sistema ni Ivory nang marinig ang boses na iyon. Hindi siya
nakagalaw nang maramdaman ang paglundo ng sofang inuupuan niya. Bigla niyang naamoy
ang isang pamilyar na pabango.
Natuod siya sa kanyang kinauupuan.
"Ivory, are you okay?" tanong nito ulit kaya napilitan siyang tingnan ito. Hilaw
lang siyang ngumiti rito.
"Hmm? O-Okay lang ako," kinakabahang sambit niya at saka nag-iwas ng tingin.
Huminga siya nang malalim at nanood na lang ulit.
Hindi siya makagalaw. Kagat kagat niya lang ang kanyang labi habang nakatingin sa
TV. Maya maya pa ay umakbay ito sa kanya. Napalunok siya. Agad na nagharumentado
ang kanyang puso lalo na nang pinasandal siya ni Xamuel sa balikat nito.
Tumikhim siya.
"Uhm Xamuel…" she tried saying, but Xamuel just tapped her shoulder.
"Shh. Stay like that okay?"
Hinalikan siya nito sa ulo tapos ay hinaplos ang kanyang tiyan.
Nakagat niya ang kanyang labi at napatingin sa kamay nitong nakadantay sa kanyang
tiyan. Bumuntong hininga siya.
Sa huli ay pinabayaan niya na lang ito. Para tuloy silang mag-asawang nanonood ng
TV sa siyesta time. Hindi na lang siya nagsalita. Nanatili silang nakaganoon
hanggang sa mag-dinner.
Kagat kagat niya ang labi habang inaalalayan siya ni Xamuel sa pag-upo. They had
their usual dinner. Ito ang naglagay ng pagkain sa plato niya. Panaka-naka rin siya
nitong sinusubuan at pinapainom. Pansin niya rin ang pagka good mood nito.
Pagkatapoa nilang kumain ay sinamahan pa siya nito sa itaas.
"I'll get your milk downstairs. Take a bath first, okay?" bilin nito sa kanya.
Tumango naman siya at pumasok na sa banyo.
Nag-half bath lang siya tapos ay lumabas na rin. Saktong pagkatapos niyang magbihis
ay bumalik si Xamuel dala dala ang gatas niya.
Pumuwesto na siya sa kama habang si Xamuel naman ay umupo sa kanyang tabi. Ibinigay
nito ang gatas sa kanya.
"Thank you," sabi niya pagkatanggap. Ininom niya iyon at ibinalik na rin kay
Xamuel.
Pinahiga siya nito at hinalikan sa noo. Pagkatapos ay hinalikan din nito ang
kanyang tiyan.
"Sleep tight Ivory," anito at muling hinaplos ang kanyang tiyan.
"Ikaw rin," sagot naman niya at nginitian ito.
Tumango lang si Xamuel at tumayo na rin. Bumuntong-hininga siya at pinagmasdan ang
kakasarang pinto. Hinaplos niya ang kanyang tiyan.
"Ang weird talaga ng daddy mo, baby."

Chapter 25
Nagising si Ivory kinabukasan dahil sa amoy ng hotdog. Kumunot ang kanyang noo at
kusot kusot ang mga matang bumangon. Para siyang naalimpungatan sa pagkakabangon.
"Good morning." Narinig niyang sambit ng isang lalaki. Kumunot ang noo niya at
napabaling sa may bedside table.
Doon niya nakita si Xamuel na nakaupo sa may paanan niya at ang kaninang naaamoy
niyang hotdog ay nasa isang tray na nakapatong sa kanyang bedside table. May kasama
iyong scrambled egg, toasted bread, pancake at sliced apples.
"Ano ito?" takang tanong niya.
"Breakfast in bed. For you," nakangiting sabi ni Xamuel. Ngumuso siya at napangiti
na rin.
Bahagya itong dumukwang sa kanya at hinalikan siya nito sa ulo tapos hinaplos pa
ang kanyang tiyan.
"Can't wait to see you little one…" Dinig niyang sambit nito sa kanyang tiyan.
Napangiti siya.
"For sure gusto na rin niya lumabas," sabi pa niya. Nagkatinginan siya. Maya maya
pa at natawa na lang sila tapos bigla ring natahimik.
Xamuel just smiled and went near the side table. Inabot nito ang tray at nilagay sa
harap niya.
"Kumain ka na," sabi nito. Ngumuso siya at nagsimulang kumain.
"Hmm sarap a," komento niya at napatango tango pa.
"Talaga, masarap?" Xamuel asked. Napatingin siya rito.
"Oo bakit?"
Nagkamot ito ng ulo. Kumunot naman ang noo niya.
"Hmm?" Huminga nang malalim si Xamuel at nagkamot ng batok.
"Ako kasi nagluto," tila nahihiyang sambit nito.
Nagkorteng o ang kanyang bibig. Nakagat niya ang kanyang labi at bahagyamg natawa.
"Oh! Kaya pala may paghatid!" Bahagya siyang natawa.
Natawa rin si Xamuel.
"Masarap!" She smiled giddily. Nahihiyang nagkamot ulit ng ulo si Xamuel.
"Thanks."
Napailing siya at mas napangiti
"Masarap siya talaga," ulit pa niya.
Tumawa ulit si Xamuel at umiling iling.
"Oo na. Di mo na kailangang mambola."
"Totoo!" Pinanlakihan niya ito ng mga mata.
Nagtawanan ulit sila.
"Wala naman akong sinabing hindi, Ivory." Ngumuso siya.
"Kasi naman parang hindi ka naniniwala." Umiling lang si Xamuel, nakangiti pa rin.
"I believe you, Ivory. And that means a lot, really." Hinawakan nito ang kamay niya
at pinisil.
Yumuko siya at lumabi ulit. Xamuel tousled her hair and kissed her forehead.
Nagtagal ang halik nito. Napapikit siya. Naramdaman niya ang pagyakap nito sa
kanya. Bumuntong hininga siya at yumakap din dito.
Hindi niya alam kung bakit nila ginawa iyon pero hinayaan na lang niya. Kumalas
lang siya nang medyo nangawit na siya sa posisyon. Nakatuwid kasi ang mga paa niya
habang nakaupo kaya medyo nangangawit nag bewang niya.
Nagtawanan pa sila pagkatapos.
"Kain ka rin." Sinubuan niya si Xamuel ng apple. Tinanggap naman iyon ng lalaki.
"What are you gonna do today?" Xamuel asked. Napaisip siya.
"Hmm kailan babalik iyong mga interior designers?" tanong niya pa. Nagkibit balikat
si Xamuel.
"They'll be back again next week. Don't worry, I told them to let you survey the
room first before tha final touches. So, don't worry about it, okay?" Hinaplos nito
ang kanyang pisngi. Tumango tango naman siya at ngumuso.
"Hmm baka sa garden lang muna ako ngayon. May tatapusin kami ni Cindy. Ikaw ba?"
"I might be in the office. Once I finish, I'll go with you in the garden." Lumapad
ang ngiti ni Ivory.
"Talaga? Sige!" Ngumiti lang si Xamuel at hinalikan ulit siya sa noo tapos sa
tiyan.
"Uhm bihis na ako," sabi niya rito. Tumango naman ito at kinuha na ang tray.
"Una na ako sa baba." Tinanguan niya lang ito at saka siya tumayo at pumunta na rin
sa banyo.
Napasandal siya sa dingding ng shower room. Nakagat niya ang labi at napatingin sa
kanyang tiyan. Hinaplos haplos niya iyon.
Sa totoo lang ay sobrang gulong gulo na siya sa mga nangyayari sa kanila ni Xamuel.
Iyong tipong may gagawin itong kakaiba sa kanya tapos ilang araw lang parang wala
na lang ulit tapos babalik ulit sa ganoon and the cycle goes on.
Hindi niya alam kung magpapasalamat siya na ganoon ang nangyayari pero hindi rin
naman niya alam ang mararamdaman sa mga ginagawa nito sa kanya. Idagdag pa ang
kakaibang nararadaman niya sa tuwing nagiging sweet ito sa kanya.
Napabuga siya ng marahas na hininga at saka mariing napapikit. Pagkadilat niya ay
hinaplos niyang muli ang kanyang tiyan.
"Baby, hindi ko na talaga alam ang gagawin. Hindi ko na maintindihan ang mga
kinikilos ng daddy mo. Ang gulo!" Ngumuso siya at nanatili ang kamay sa kanyang
tiyan.
Napabuntong-hininga siya at napailing na lang. Pumasok na siya sa bathtub. Nagbabad
muna siya roon at saka bumaba na rin.
Gaya ng sinabi niya kay Xamuel ay sa garden lang siya nagpalipas ng oras. Tinapos
nila ni Cindy ang ginagawa nila kahapon tapos ay nagsimula na rin siyang mag-ayos
ng ibang mga halaman. Nagdidilig na siya ng mga halaman nang biglang sumulpot si
Xamuel sa kanyang tabi.
"What are you doing?" tanong nito. Ngumuso siya at nagpatuloy sa pagdilig.
"Hmm nagdidilig. Mamaya mag-a-arrange pa ako ng mga bulaklak. Gusto mo turuan
kita?" tanong niya rito.
Kumunot ang noo ni Xamuel. Nilingon niya ito at nginitian. Binaba niya ang
sprinkler na hawak.
"Halika turuan kita." Kinuha niya ang kamay nito at hinila papunta sa side na wala
pang mga halaman. Pinaupo niya si Xamuel sa isang kiddie chair at inilapag ang mga
halaman sa harapan nito.
"So, how are we going to do this?"tanong nito. Bumuntong hininga siya at kumuha ng
isang pot.
"Siguraduhin mo lang na maayos ang pagkakatanim ng mga ito. Pag sure na na perfect
na ang pagkakatanim. Lagay mo muna diyan tapos arrange natin mamaya roon." Tinuro
niya ang bakanteng side na wala pang mga display.
Tinuruan niya si Xamuel sa pagsigurong maayos ang pagkakatanim noong mga bulaklak
tapos ay magkasama nilang in-arrange ang mga iyon sa bakanteng lugar sa garden.
"Ay, magdahan dahan naman!" tili niya nang mahagisan siya ng lupa. Tumawa si
Xamuel. Sinamaan niya ito ng tingin.
Tinawanan lang siya ni Xamuel at bahagya pang tinapatan ng maliit na sprinkler.
Nanlaki ang mga mata niya.
"Hoy! Ano ba iyan!" Tinawanan ulit siya ni Xamuel at binasa ulit.
"Ay ang kulit naman!" Naningkit ang mga mata niya pero mas lalo lang siyang kinulit
ni Xamuel.
Ang ending ay nagkulitan lang sila nang nagkulitan. Tawang tawa si Ivory nang
maghabulan sila ni Xamuel sa bermuda.
"Hoy, ayoko na! Teka lang! Ayoko na!" natatawang pigil niya rito.
Agad naman siyang niyakap ni Xamuel hanggang sa napaupo sila sa bermuda. Humihingal
na sinapo niya ang kanyang tiyan.
"Kainis ka. Napagod ako!" aniya habang hinahabol ang hininga. Agad namang naalarma
si Xamuel at mabilis na tumabi sa kanya.
"Sorry. Okay lang ba si baby?" agad na tanong nito at hinawakan din ang kanyang
tiyan. Ngumuso siya at tumango.
"Hmm okay lang naman siya. Excited ka na no?" tanong niya rito. Niyakap siya ni
Xamuel mula sa likod at ibinaon ang mukha nito sa kanyang balikat.
"Super," he sais against his skin.
Napangiti si Ivory. Natahimik silang dalawa. Nakapulupot sa kanyang tiyan ang
dalawa nitong braso. Hinawakan niya ang mga kamay nitong nasa kanyang mga tiyan.
Inugoy ugoy pa siya nito. Bumuntong-hininga siya nang biglang may sumagi sa kanyang
isipan.
Ipinaglapat niya ang kanyang labi.
"Ah Xamuel, pwede ba akong humingi ng favor?" She was fidgeting her fingers as she
said those. Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap ni Xamuel.
"Sure. Tungkol ba saan?" Huminga siya nang malalim at pinaglaruan ang mga kamay ni
Xamuel.
"Uhm kasi yung allowance na binibigay mo balak ko sanang i negosyo. Actually si
Jasmin yung pinapaasikaso ko kasi di naman ako pwede lumabas di ba? Gusto ko sana
mag abot ng share ko kaso naman hindi kami nagkikita. Pwede ba akong makisuyo?
Nagtatrabaho naman iyon sa kompanya mo…"
"Hmm of course." Bahagya siyang napatingin sa lalaki
"Talaga?" Ngumiti at tumango si Xamuel.
"Oo naman." He buried his face on her shoulder again. Siya naman ang gumulo sa
buhok nito.
"Thank you," sabi niya.
"Welcome. Never thought you're doing something like that, huh." Xamuel chuckled.
Lumabi siya.
"E, gusto ko naman hindi masayang yung sweldo ko no," paliwanag niya pa.
Bumuntong hininga si Xamuel at kumalas sa yakap. Doon siya humarap sa lalaki.
Hinawakan niya ang kamay nito at seryoso itong tiningnan sa mata.
"Thank you." He flashed her a smile.
"You're welcome. Anything for you…"
He caressed her face. Nagkatitigan ulit siya. Napalunok si Ivory. Ito na naman siya
sa kakaibang pakiramdam. Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili pero
mas lalo lang siyang kinabahan nang unti-unting inilapit ni Xamuel ang mukha sa
kanya. Muli siyang napalunok.
Sinapo ni Xamuel ang kanyang magkabilang pisngi at saka unti unting idinampi ang
labi nito sa kanya. Napapikit na lang siya at dinama ang marahang paghagod ng
malambot nitong labi. Ikinawit niya ang dalawa niyang kamay sa batok nito.
'Jusko, ikaw na ang bahala sa akin. Baby, sorry na. Ang gulo ng daddy mo!'

Chapter 26
Warning: Mature Scenes ahead.
Napaungol si Ivory nang humagod ang malambot na labi ni Xamuel. His tongue was
making circles inside her mouth which made her feel light headed even more.
Naliliyo siya sa sarap ng halik nito. Banayad ngunit mariin ang paraan ng paghalik
nito sa kanya. Nakakabaliw, nakakanginig ng kalamnan.
She felt her stomach churning as his tongue savored every corner of her mouth.
Dumiin ang pagkakakapit niya sa batok ni Xamuel. Hinapit naman siya nito palapit sa
katawan nito at kung hindi lang malaki ang kanyang tiyan ay nagpang-abot na ang
kanilang mga katawan.
Xamuel's kiss became hungry. Ang dating banayad na paghagod ay naging mapusok at
tila gutom na gutom. His tongue urged hers to kiss back the way he is kissing her.
Kahit na hindi sanay ay sinubukan niyang gayahin ang ritmo ng halik nito.
Ilang sandali pa ay tumigil sila. Magkalapat ang kanilang mga noo habang
humahangos. Tila nawala na rin ang hipnotismo sa halik ni Xamuel at doon lang
napagtanto ni Ivory kung ano na naman ang nangyari.
Mariin siyang napapikit habang habol pa rin ang hininga. Nakagat niya ang labi at
saka dumilat. Dahan dahan niyang kinalas ang pagkakapit ng dalawa niyang kamay sa
batok ni Xamuel.
Hindi niya maipaliwanag pero parang nanginginig ang buo niyang kalamnan. Naramdaman
na lang niya ang pagsapo ng isang kamay ni Xamuel sa kanyang pisngi. Dahan dahan
siya nitong pinatingala para magpang-abot ang kanilang mga tingin.
Mas lalong bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. Para siyang nalulunod sa mga titig
nito. Damang dama na rin niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi. Gustong gusto niyang
mag-iwas ng tingin pero dahil sapo ni Xamuel ang kanyang mukha ay hindi niya
magawa.
"I'm not gonna say sorry for what I did," mamaos maos na sambit ni Xamuel. Umawang
ang kanyang bibig, gulat na gulat sa sinabi nito. Nakatitig lang ito sa kanya.
"Xamuel…" Hindi niya natapos ang dapat niyang sabihin dahil itinapat nito ang
hintuturo sa kanyang labi.
He was so close to her that she could already feel his hot breath.
"Stop, Ivory. Kahit ngayon lang. Let's just let this fucking feeling. Mababaliw na
rin ako kakapigil." Muli nitong ipinaglapat ang kanilang mga noo
Nakagat niya ang labi nang muling inilapit ni Xamuel ang mukha sa kanya. He claimed
her lips once again. Banayad ulit ang paghagod noon. He was about to deepen the
kiss when she suddenly pushed him.
Napayuko si Ivory habang kagat kagat pa rirn ang labi.
"W-Wag dito..." sa maliit na boses ay sabi niya.
Bumuntong hininga si Xamuel. Pinatayo siya nito at mabilis hinatak papasok ng
bahay. Nanatiling nakayuko si Ivory habang hawak hawak siya ni Xamuel. Ni hindi
niya alam kung saan siya nito dadalhin. Ayaw niyang mag-angat ng tingin dahil baka
may makita siyang mga kasambahay.
Hindi niya sigurado kung may nakakita ng nangyari kanina pero pakiramdam niya kasi
ay malalaman ng mga ito ang nangyari pag nagpang-abot ang kanilang mga tingin.
'Ivory, ano ba ito?'
Dumiin ang pagkakakagat niya sa kanyang labi nang paakyat na sila ng grand
staircase. Napalunok pa siya nang pumasok sila sa isang kwarto.
Pagkasara ni Xamuel ng pinto ay agad siyang nag-angat ng tingin. Bahagya pa siyang
nagulat nang mapagtantong nasa master's bedroom sila. Napabaling siya kay Xamuel na
ngayon ay nasa kanyang harapan at nakapulupot ang dalawang braso sa kanyang bewang.
Medyo malayo sila sa isa't isa dahil sa kanyang tiyan.
Tiningala niya ang lalaki na noo'y titig na titig sa kanya. Lumunok siya at
magtatanong sana pero agad siya nitong hinalikan. Hindi kagaya kanina ay mapupusok
at gutom na gutom ang mga halik nito. Agad niyang ipinulupot ang dalawang kamay sa
batok nito at tinumbasan ng kaparehong intensidad ang halik nito.
"You're a fast learner, huh," Xamuel said in between the kiss. Bigla siyang namula
at napatigil. Xamuel just chuckled and kissed her hungrily again.
Humalik siya pabalik hanggang sa tuluyan nang bumaba ang mga halik ni Xamuel sa
kanyang leeg. Napakapit si Ivory sa buhok nito at napapikit.
"Ohh…Xamuel…" she moaned when he planted wet kisses on her neck.
Nakapulupot pa rin ang mga braso ni Xamuel sa kanyang bewang na tila inaalalayan
siya. She's thankful of that though. Dahil baka kung hindi dahil diyan ay natumba
na siya sa panlalambot ng kanyang mga tuhod.
Nakagat niya ang labi at mariing naipikit ang mga mata nang sipsipin nito ang
kanang parte ng kanyang leeg. Bumaba ang halik nito sa kanyang collar bone. Mas
humigpit ang pagkakapit niya sa buhok nito.
Unti unti namang umatras si Xamuel hanggang sa mapaupo ito sa kama. Sinubukan siya
nitong pakandungin paharap pero malaki na ang kanyang tiyan kaya mahihirapan sila.
Sandaling tumigil si Xamuel at tumayo.
"Lay on the bed, baby. I'll ravish you." Mabilis na nag-init ang kanyang mukha nang
sabihin iyon ni Xamuel. Idagdag pang bahagya nitong pinisil ang isa niyang boobs.
Kagat labi siyang humiga sa kama. Sumunod naman si Xamuel at tumabi sa kanya.
Ibinaba nito ang strap ng suot niyang sundress. Sinunod niyo ang kanyang strapless
bra na ni hindi man lang nito ni-unhook sa likod.
Pakiramdam ni Ivory ay pulang pula na ang kanyang mukha lalo na nang tumambad na
kay Xamuel ang kanyang dalawang bundok. Wala itong oras na sinayang at agad na
sinunggaban ang mga iyon. Sakmal sakmal nito ang isa habang ang isa naman ay gigil
nitong minasahe. Napahawak na lamang si Ivory sa bedsheet. Tumingala siya at
napapikit habang dinaramdam ang nakakapanginig laman na paghagod ng dila at kamay
ni Xamuel.
Salit salitan nitong dinakma ang kanyang mga bundok at salit salitan din itong
minamasahe.
"Ohhh…" malakas niyang ungol at bahagya pang napaliyad nang paglaruan ng dila ni
Xamuel ang kanyang isang nipple.
Halos mapunit na ang bedsheet sa lakas ng pagkakakapit niya sa bedsheet.
"Xamuel…ahh…ohh!"
"Shh…"
Muli nitong dinakma ang kabila niyang bundok at iyon naman ang sinipsip.
Halos mapugto ang hininga ni Ivory habang ginagawa iyon ni Xamuel. Hingal na hingal
siya nang huminto si Xamuel. Tinangala siya nito at dinampian sa labi.
Halos wala na siyang lakas sa dahil sa ginawa ni Xamuel. Napapikit na lang siya.
Ramdam na ramdam niya ang pawis at ang pamamasa niya sa ibaba. Ipinagdikit niya
nang maigi ang mga hita dahil sa kakaibang nararamdaman. Nakagat niya ang labi.
Pinagpahinga lang siya saglit ni Xamuel pero maya maya pa ay unti unti niya na
namang naramdaman ang pagbaba ng mga halik nito kasama ang kanyang sundress at bra.
Dahil nangihihina ay pinabayaan niya na lang ang lalaki hanggang sa naibaba at
nahubad na nga nito nang tuluyan ang kanyang sundress at bra.
Now, she's just on her underwear. Kung nasa wisyo lang siya malamang gugustuhin
niya nang magpalamon sa sobrang kahihiyan pero sadyang wala siyang lakas ngayon.
She felt him kiss her stomach. Dahan dahan niyang tiningnan ito. Tumingala si
Xamuel kaya nag-abot ang kanilang mga tingin. Napalunok siya at agad na nag-iwas ng
tingin.
Naramdaman niya ang paghinga ni Xamuel sa kanyang tiyan. Maya maya pa ay bumaba ito
papunta sa kanyang hita. She swallowed hard when he parted her legs.
Gusto niyang magsalita para pigilan ito pero tila walang lumalabas sa kanyang bibig
at hindi niya maintindihan.
He slowly rubbed her pearl with her panty on.
"X-Xamuel…"
"You're wet baby…" he whispered against her thigh.
Nakagat na lang uli ni Ivory ang labi muling napakapit sa bedsheet.
"Ivory, tell me if you want me to stop…and I will." Tumingala si Xamuel sa kanya.
Binalingan niya rin ito.
She pressed her lips together and heaved a deep sigh. Mariin siyang pumikit at
pinakiramdaman ang galaw ni Xamuel pero wala itong ginawa.
'Batman… ikaw na ang bahala sa akin!'
Lumunok ulit siya at mahinang tumango.
"O-Okay l-lang…" Halos hindi na marinig ang boses niya.
Bumuntong-hininga si Xamuel at as if on cue ay marahan nitong ibinaba ang kanyang
natitirang saplot.
Hindi siya dumilat. Naramdaman niya ulit ang daliri ni Xamuel sa kanya.
"So fucking wet…" bulong ni Xamuel at marahang hinagod ang kanyang gitna. He rubbed
her clit. Mabagal sa una pero habang tumatagal ay bumibilis ito.
Humigpit ang hawak niya sa bedsheet at lumiyad.
"Ahhh!" Hindi na niya napigilang mapasigaw nang may naramdaman siyang bagay na
namumuo sa kanyang puson.
"X-Xam- Ahh! Ohhh! Ahh!"
Tuluyan na siyang napahiyaw nang biglang ipinasok ni Xamuel ang hintuturo nito sa
kanya. Nanlaki ang mga mata ni Ivory nang mabilis nitong ilabas masok ang isang
daliri sa kanya.
"J-Jusko! Ahh! Xamuel! M-May lalabas! Ahh! Ohh!"
"Let it go, baby….Let it go."
"Ahh!"
At tuluyan na niyang naabot ang ikalawang langit. Parang lantang gulay na napapikit
si Ivory nang matapos iyon. Hingal na hingal siya nang tabihan siya ni Xamuel at
niyakap.
He rubbed his face on her shoulder.
"I wanna do this with you baby… if you'll allow me..." bulong nito sa kanya.
Napadilat siya nang wala sa oras. Lumunok siya at nagkatitigan sila. Xamuel
caressed his face and planted wet kisses on her lips.
"Just say the word… Ivory." She swallowed hard again. Huminga siya nang malalim at
mahinang tumango. Bumuntong-hininga si Xamuel at agad bumaba.
She heard him unbuckling his shorts. She heaves a deep sigh again and looked at
him.
"Pwede ba to sa buntis?" nag-aalangang tanong niya. Bumaling sa kanya si Xamuel at
bahagyang ngumiti.
"Pwedeng pwede, baby…" Agad na nag-init ang kanyang mukha at napaiwas ng tingin.
Pumwesto naman si Xamuel sa kanyang gitna. Lumunok ulit si Ivory. Akmang iibabaw na
si Xamuel sa kanya nang bigla siyang umigik.
"T-Teka, iyong tiyan ko..." mahinang sambit niya. Mariing napamura si Xamuel.
"Yeah... shit." Bahagya itong umatras at nag-isip. Kinagat niya ang labi.
"P-Paano?" nahihiyang tanong niya. Bumaling sa kanya si Xamuel.
"Baby, can you turn around?" Agad na kumunot ang noo ni Ivory.
"H-Ha?"
"Dapa ka, baby…" Halos hindi makagalaw si Ivory. Hindi nita na mabilang kung ilang
beses siyang napapalunok.
Lumapit si Xamuel sa kanya at tinulungan siya. She was already on her knees.
Naramdaman niya ang paglapit ni Xamuel at ang paghawak nito sa magkabilang pisngi
ng kanyang puwet. Dumiin ang pagkakakagat sa kanyang labi at ang pagkakakapit niya
sa bedsheet.
"I'll be gentle, I promise…" bulong nito na marahan niyang tinanguan.
Napapikit siya nang maramdaman niya ang unti unting pagpasok nito sa kanya. Hindi
niya ito nakita pero ngayon ramdam na ramdam niya.
"Ahhh…m-masakit…" daing niya.
"Shhh… it will go away, baby…I won't move…" marahan lang siyang tumango.
Hindi niya alam kung ilang segundong hindi gumalaw si Xamuel hanggang sa nasanay na
rin siya sa laki nito.
"Baby, I'll move…" he whispered. Napalunok na lang si Ivory at tumango.
Dahan dahang umulos si Xamuel hanggang sa naging mabilis at mabilis ito.
"Ahhh! Ahhh! Ohh! Xamuel!" Ang dating masakit na naramdaman niya ay pinalitan na ng
kakaibang sarap.
"Fuck, baby….fuck!"
Mas lalong bumilis ang pag-ulos ni Xamuel at halos manginig ang buong kalamnan ni
Ivory nang may namuo na naman sa kanyang puson.
"Xamuel!"
"Hold on tight, baby! I'm fucking there!"
"Ahh!"
"Shit, Ivory! Shit!"
"Xamuel!"
"Ivory!

Chapter 27
"Sa makalawa may check up ka…"
Bumuntong-hininga si Ivory at marahang tumango. Haplos haplos ni Xamuel ang kanyang
isang braso habang nakayakap siya rito. Nakasandal sa headboard si Xamuel habang
nakayakap siya sa dibdib nito.
"Hmm…"
Mas lalo lang siyang napayakap dito. Naramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang
buhok. Iniyakap din ni Xamuel sa kanya ang isa nitong braso.
Tiningala niya ito. Sinalubong naman siya ng mga tingin nito. Lumunok siya.
Gusto sana niyang magtanong pero wala pa man siyang sinasabi ay hinahalikan na siya
nito ulit.
Humalik siya pabalik. Bumalik na naman iyong nakakaliyong pakiramdam sa tuwing
hinahalikan siya nito. He cupped her face again and pushed her to the bed.
He deepened the kiss. Ikinawit niya naman ang mga kamay sa batok nito. Bumaba ang
mga halik ni Xamuel at ilang segundo pa ay pinatuwad na naman siya nito.
Bumuntong hininga si Xamuel at hinalikan siya sa pisngi.
"I'm sorry if yoy need to be in this position. Nandiyan na kasi si baby…" Ngumuso
lang si Ivory.
Muling bumalik si Xamuel sa ibaba niya. The next thing she knew he was inside her
again and she was screaming in bliss again.
"Ahh! Xamuel!"
"Yes baby! Yes! Shit!"
Bumilis ang pag-araro nito sa kanyang likod kaya mas lalong napapikit si Ivory at
naisubsob na ang mukha sa kama.
"Xamuel!" she screamed against the sheets.
Xamuel's gripped on her butt cheeks tightened and thrusted harder and deeper.
"Ivory fuck!"
"Xamuel!"
"Oh ahh! Shit!"
"Ahhh!" Isang malakas na tili ang pinakawalan ni Ivory nang tuluyan na nilang
maabot ang rurok ng kaligayahan.
Hingal hingal na bumagsak ang katawan niya sa kama. Agad pang nabahala si Xamuel sa
kanyang tiyan kaya mabilis siya nitong pinatihaya.
Sa sobrang kapaguran ay hindi na niya naidilat ang kanyang mga mata. Naramdaman
niya ang marahang paghalik ni Xamuel sa kanyang noo.
"Sleep tight, baby…"
"Hmm…" ungol niya lang at bumaling ng pwesto. Naramdaman niya ang pagtakip ng
comforter sa kanyang katawan hanggang sa tuluyan na siyang hilahin ng antok.
Hindi alam ni Ivory kung ilang oras siyang nakatulog. Nagising na lang siya nang
masakit ang katawan lalo na ang nasa gitna ng kanyang hita. Napangiwi siya
pagkabangon. Parang binugbog ang gitna ng kanyang hita at halos hindi niya na
magalaw ang kanyang mga hita.
Nasapo niya ang noo at dahan dahang sumandal sa headboard. Isinandal niya ang ulo
at muling ipinikit ang mga mata. Tanging comforter lang ang nakatakip sa kanya.
Napatitig siya sa kawalan at nakagat ang labi. Napahawak siya sa kanyang tiyan at
mariing napapikit.
'Jusko naman ano ba itong nagawa ko?! Ivory!'
Dumilat siya at bumuga ng marahas na hininga. Wala na siyang magagawa. Nangyari na.
Bumuntong-hininga siya at napahilamos sa kanyang mukha.
Hindi niya na talaga alam ang nangyayari sa kanila. Ginagawa nila iyong mga
ginagawa ng mga magkasintahan pero wala naman silang klarong discretion kung ano
talaga sila. Wala itong sinasabi sa kanya.
'At saka ano iyong sinabi niya sa garden? Anong hindi niya mapigilan? Ano ba kasing
ibig sabihin ng daddy mo, baby?'
Naitakip niya ang dalawang kamay sa kanyang mukha bago mariing pumikit.
'Ay ewan, baby!'
Bumuga siya ng marahas na hininga at napatingin sa kanyang cellphone. Gustong gusto
na niyang tawagan at mag-kwento kay Jasmin pero may isang bahagi sa sarili niya na
ayaw naman. Ewan ba niya. Parang mas gumugulo lang ang lahat.
"Ugh! Ang gulo naman kasi! Ang gulo ni Sir Xamuel! At ikaw naman Ivory, ang rupok
mo rin!"
Para na siyang tangang kinakausap ang sarili. Bumuntong hininga siya. Alam naman
niya. Alam niya sa sarili niyang may gusto na siya kay Xamuel, pero alam din naman
niyang amo niya pa rin ito at isa lang siyang surrogate na binabayaran para dalhin
ang anak nito. Pero sa mga nangyayari ngayon, ewan niya na lang talaga.
"Kasi naman!" Naipikit niya na lang ang mga mata at saka nagtalukbong bg comforter.
"You're awake." Napatingala lang siya nang marinig ang boses na iyon. Bumungad sa
kanya ang nakangiting si Xamuel na may dalang isang tray ng pagkain.
Napalunok siya at bumuntong-hininga.
"Uhh a-anong oras na?" nag-aalangang tanong niya. Bumuntong-hininga si Xamuel at
tiningnan ang wallclock sa kwarto.
"It says 9 AM, baby. You need to eat. Hindi tayo nakapag-dinner kagabi." Lumapit
ito sa kanya at inilagay ang tray sa bedside table.
Yumuko siya at kinagat ang pang-ibabang labi.
Gumalaw siya at lalapit sana sa may bedside table nang napangiwi siya. Sandali
silang natigilan. Kagat niya ang labing napatingin kay Xamuel.
"M-Masakit…" Ngumuso siya. Bumuntong-hininga si Xamuel at bahagyang ngumiti.
Kinabig nito ang kanyang ulo at hinalikan siya sa noo.
"Dont worry I'll take care of you. I'll prepare your bath while you eat, okay?"
Lumabi siya at tumango. Ginulo ni Xamuel ang buhok niya at muli siyang hinalikan sa
noo.
Umalis na rin ito at nagpunta ng banyon. Huminga siya nang malalim saka inabot ang
tray na nasa side table. Inilagay niya iyon sa kanyang harapan at nagsimula nang
kumain. Bahagya ulit siyang napangiwi nang muli na namang kumirot ang kanyang
gitna.
Ngumuso na naman siya at napahimas sa kanyang tiyan.
"Ang gulo gulo talaga baby." Umiling iling siya at kumain na lang ulit. Gutom na
rin kasi talaga siya. Parang ngayon niya lang naramdaman iyong gutom sa sobrang
pagod niya.
Pinalibo niya ang pisngi nang maramdaman na naman niya ang pag-iinit ng kanyang mga
pisngi.
'Aish! Bakit ba kasi sulpot nang sulpot iyon sa isip ko!'
Ngumuso ulit siya at mariing napailing.
Itinuon niya na lang ang atensyon sa pagkain. Dinig na dinig niya ang paglagaslas
ng tubig sa banyo. Na-curious tuloy siya kung anong ginagawa roon ni Xamuel.
Saktong pagkatapos niyang kumain ay ang paglabas naman ni Xamuel.
"You done?" nakangiting tanong nito. Tumango siya. Lumapit naman ito sa kanya at
kinuha ang tray. Ibinalik nito iyon sa bedside table tapos ay kumuha ito ng
tuwalya.
"Here…" Ibinigay nito iyon sa kanya. Tinanggap niya naman ito at itinapis sa
sarili.
Inilahad ni Xamuel ang isa nitong kamay. Tinanggap niya naman iyon at akmang tatayo
na siya nang muli siyang mapangiwi sa sobrang sakit.
"Ang sakit…" mangiyak ngiyak niyang sambit at napangiwi.
Bumuntong-hininga si Xamuel at agad na dumalo sa kanya.
"It's okay, baby. I'll just carry you okay?" marahang sambit nito. Tumango siya.
Dahan-dahan naman siyang binuhat ni Xamuel nang pa-bridal style. Napakapit siya sa
leeg nito para hindi siya mahulog.
Pumasok sila sa banyo. Bahagya pang napaawang ang kanyang labi nang makita ang
bathtub na punong puno ng bubbles.
Dahan dahan siyang nilapag ni Xamuel doon.
"That's warm water. That would lessen the soreness." Dinig niyang sabi nito bago
kinuha ang isang kiddie chair at itinapat iyon sa labas ng bathtub.
"I'll stay here until ypu decide to come out, okay?" sabi nito sa kanya at
hinawakan ang kamay niya.
Napanguso siya at tumango tango. She felt him kissing the back of her hand.
Bumuntong-hininga si Ivory at palihim na sinulyapan ang lalaki. Nakagat niya ang
labi. Napansin ni Xamuel na medyo balisa siya kaya binalingan siya nito.
"You want to say something?" tanong nito, nakangiti pa rin sa kanya. Dumiin ang
pagkakakagat niya sa kanyang labi at sandaling natahimik.
Bumuntong-hininga siya at binalingan ito.
"X-Xamuel…kasi…" natigilan siya. Mariin pa siyang napapikit.
'Aish paano ko nga ba kasi itatanong?'
"Come on, Ivory, you can say anything," he urged. Ngumuso lang ulit siya at
napakamot ng batok.
"N-Naguguluhan ako…" tanging nasabi niya sabay labi.
Hindi siya nakatingin kay Xamuel pero ramdam na ramdam niya ang mga titig nito.
Xamuel kissed her hand again.
"Don't think too much... don't stress yourself okay? Just remember that you're
important to me just like this baby inside your womb. Hmm?" Hinalikan siya nitong
muli sa pisngi bago niyakap.
Napapikit siya.
"I-Importante ka rin sa akin…" Halos hindi na marinig ang boses niya. Xamuel
chuckled and hugged her tightly.
"Hmm...bango naman," pilyong sambit nito. Agad na nanlaki ang mga mata niya at
sinamaan ito ng tingin.
Tinawanan lang siya ni Xamuel at ginulo ang buhok. Hinawakan nito ang kanyang
tiyan. Pilyo pa nitong pinasadahan ang boobs nita kaya tinampal niya ang kamay.
"Nabasa ka na," komento niya na hindi pinansin ni Xamuel.
"Cute cute ng mommy mo baby." Bahagya itong tumawa. Sandali siyang natigilan at
napatingin dito. Nanatili namang nakahawak ang kamay nito sa tiyan niya.
Magtatanong na sana siya pero kinabig siya nitong muli at niyakap. Bumuntong-
hininga na lang siya.
Buong araw siya nitong ni- pamper hanggang sa nakatulog na naman siya sa kwarto
nito at may nangyari na naman sa kanila.
Nagising siya nang maramdaman niyang may humahalik sa leeg niya.
"Modrning…hmm…bango talag ni mommy," agad siyang napasimangot sa sinabi nito.
Mahina niya itong tinampal.
"Ayoko. Masakit pa." Lumabi siya. Narinig niya naman ang pagtawa ni Xamuel.
"Okay, baby." Agad na nag-init ang mukha niya at sinamaan ito ng tingin.
Umayos siya ng higa at itinaas ang comforter nila. T-shirt lang ni Xamuel ang suot
niya at pang-ibabang underwear kaya medyp giniginaw na rin siya.
"You want breakfast in bed, hmm?" tanong nito sa kanya. Ngumuso siya at saka
marahang tumango.
"Hmm. Okay. I'll get us breakfast okay?" sabi nito at hinalikan siya sa noo.
Dahan dahan itong bumangon at umalis ng kama.
Nanatili lang siyang nakahiga sa kama habang naghihintay kay Xamuel. Gusto niya nga
sanang lumabas kaso masakit pa talaga ang katawan niya. Hindi niya nga alam kung
anong excuse ang sinabi ni Xamuel sa mga kasambahay dahil panigurado ay napapansin
na ng mga ito na dalawang araw na siyang hindi lumalabas ng kwarto.
Bumuntong-hininga siya at napatitig sa kawalan.
Magulo ang nangyayari sa kanya pero siguro nga hindi niya na muna dapat isipin iyon
sa ngayon. Kasi sa huli, matatapos din naman ito lahat. Pagkapanganak niya sa baby,
doon niya malalaman kung ano nga ba ang mangyayari sa kanya.
Huminga siya nang malalim at hinagod ang kanyang tiyan.
"Wag kang mag-alala baby, aalagaan kita hanggang sa lumabas ka, okay? Hindi ko na
muna iisipin ang mga bagay bagay. Aalagaan kita."
"Hey, you okay?" Agad siyang nag-angat ng tingin at nakita niya si Xamuel na may
dalang tray.
Nginitian niya ito.
"Yup. Okay lang kami ni baby. Kain na tayo?" tanong niya pa. Kumunot ang noo ni
Xamuel at bahagyang tumawa. Lumapit ito sa kanya at inilapag ang tray sa harapan
niya. Umupo naman ito sa tapat niya.
"Here." Sinubuan siya nito ng apple. Tinanggap niya naman iyon.
Napangiti siya.
'Sana pagkatapos nito baby, hindi gaanong masakit ano? Kasi sa totoo lang, umaasa
akong sana totoo iyong nararamdaman ng daddy mo. Or sana huminto na lang ang oras
para mas matagal pa tayong magkasama nang ganito - masaya.'

Chapter 28
Nakangiting pinagmamasdan ni Ivory ang kanyang tiyan. Napailing siya at hinagod
hagod iyon.
Ilang buwan na ang lumipas. Nasa ikapitong buwan na siya ngayon at bilog na bilog
na ang kanyang tiyan. Mukha na nga siyang balyena sa laki ng kanyang tiyan.
Napanguso tuloy siya. Noong isang beses ay umiyak pa siya dahil ang laki laki na
niya. Wala naman talaga siyang pakialam sa pisikal niyang katawan noon pa pero
hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang siyang umiyak nang makitang
lumalaki na siya. Isang buong araw nga siyang pinatahan ni Xamuel.
He told her a lot of encouragements and stuff para hindi na siya maging conscious
sa katawan niya. Tumahan din naman siya pagkatapos noon. Simula din ng araw na iyon
ay palaging pinaparamdam ni Xamuel sa kanya na walang nagbago sa katawan niya.
Kahit na alam niyang pambobola lang ang mga sinasabi nito, naniniwala pa rin siya.
Hindi niya talaga maintindihan ang sarili niya, e.
"Ma'am Ivory! Nako, ang laki na po ng tiyan niyo! Pero ang ganda ganda niyo pa rin
po!" Dinig niyang sabi ni Cindy habang inilalagay nito ang dalang juice sa center
table.
Nasa sala kasi siya at nakaupo sa couch. Nginusuan niya na lang ang katulong.
"Kayo, a. Binobola niyo rin ako katulad ng sir niyo!" bulalas niya. Humagikhik si
Cindy.
"Hindi naman kasi, maam! Maganda pa rin po talaga kayo! Tsaka normal lang naman po
talaga iyan sa buntis no!" giit pa nito.
Tumulis ang nguso niya at inabot ang hinanda nitong juice. Kinailangan pa niyang
tumayo nang bahagya dahil hindi na siya makayuko.
"Alam ko naman. Itong si baby lang kasi, ang sensitive, e," sabi niya pa at bumalik
na sa pagkakaupo. Uminom siya sa juice. Humagikhik ulit si Cindy at inilapit na sa
kanya ang mga sliced apples.
"Salamat," sambit niya rito at kumuha ng isang slice.
"Sige po, una na po ako." Tinanguan niya lang si Cindy. Nag-bow pa ito at tumalikod
na rin.
Bumuntong-hininga siy at kumuha ulit ng apple. Kinuha niya rin ang remote at
pinalakasan ang volume ng TV.
Itinabi niya ang remote at hinawakan ang tiyan niya. Ang isa naman niyang kamay ay
nasa apple at paisa isang kumuha noon.
Halos ganito na lang din ang nagiging routine niya araw araw. Hindi na kasi siya
nakakapunta sa garden at nahihirapan na siyang yumuko sa tiyan niya. Mas lalo
namang ayaw na niyang mag-swimming. Minsan na lang din siya maglakad lakad sa
subdivision kasi palagi siyang tinatamad.
Kapag hindi busy si Xamuel ay sinasamahan siya nito at naglalaro sila ng kung ano
anong mga board games. Minsan nagmo-movie marathon o di kaya ay nagkukwentuhan lang
sa garden. Pero kapag ganitong busy ito at nagkukulong lang sa opisina nito ay nasa
sala lang din naman siya at nanonood ng mga kung ano anong movies sa netflix o mga
series sa iba't ibang channel.
Bumuntong-hininga siya at patuloy na hinihimas ang kanyang tiyan nang bigla siyang
natigilan. Nanlaki ang mga mata niya at napatitig sa kanyang tiyan. Nakiramdam ulit
siya at napaawang ang kanyang bibig nang may naramdaman nga siyang parang sumisipa.
Naitakip niya ang kanyang isang kamay sa bibig.
'Hala! Sumipa si baby?!'
Hindi siya makagalaw sa kanyang kinauupuan. Ibinalik niya ang isang kamay sa
kanyang tiyan. Napalunok pa siya habang nakikiramdam.
Ilang segundo pa ay nanlaki ang mga mata niya.
"Xamuel! Hala siya! Xamuel!" Halos lumitaw na ang mga ugat niya sa leeg kasisigaw.
"Teka, Maam ano pong nangyari?" natatarantang tanong ni Cindy. Mukhang lahat pa
yata sa bahay ay nataranta sa sigaw niya.
"Cindy! Cindy, tawagin mo si Xamuel! Bilis!" nagmamadaling utos niya rito. Agad
namang tumalima si Cindy at mabilis na tumakbo.
"Sir Xamuel!" Dinig niyang sigaw nito.
Napatanga na naman siya sa kanyang tiyan. Hindi niya alam kung bakit mangiyak
ngiyak na siya habang nakatitig doon.
Nakagat niya pa ang labi. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Masaya na ewan
na excited na kung ano ano pa!
Nilingon niya ang opisina ni Xamuel.
"Xamuel!" sigaw niya ulit. Agad namang tumakbo palabas si Xamuel.
"O bakit?!" tarantang tanong nito habang nagmamadaling pumunta sa kanya. Kasunod
naman nito si Cindy na hindi rin mapakali.
Agad na umupo si Xamuel sa tabi niya.
"What happened, huh?"
"Sumipa!" excited niyang sambit. Kumunot naman ang noo ni Xamuel, gulong gulo sa
sinasabi niya.
"Ha?"
"Sumipa siya!" giit niya at hinimas ang tiyan niya.
"Sumipa siya, Xamuel! Iyong baby, sumipa!" mangiyak ngiyak sa tuwang sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ni Xamuel at hindi makapaniwalang napatingin sa malaki niyang
tiyan.
"Wait, what? Teka…" Nanginginig ang mga kamay nitong itinapat sa kanyang tiyan.
Ramdam na ramdam niya ang panginginig ng kamay nitong nakalapat sa kanyang tiyan.
Huminga siyang malalim at sabay nilang pinakiramdaman iyon. Ilang segundo pa ay
nagkatinginan sila, parehong nanlalaki ang mga mata.
"Shit! Sumipa nga!" Malutong na mura ni Xamuel at napasigaw sa tuwa.
Hindi na rin napigilan ni Ivory ang mapaiyak sa sobrang tuwa!
"Sumipa yung baby! Oh shit! Iyong baby ko!" parang batang sigaw ni Xamuel.
Si Cindy na nakatanaw sa gilid ay napatili rin at agad na tumakbo paalis.
Natatawang pinahid ni Ivory ang mga luhang lumalandas sa kanyang pisngi habang si
Xamuel ay hindi malaman ang gagawin sa sobrang tuwa. Nakayakap na ito ngayon sa
kanyang tiyan at panay ang hagod doon.
Maya maya pa ay biglang dumating ang mga katulong at humilera sa magkabilang side
ng sofa.
"Congratulations po, Maam, Sir!" sabay sabay na sabi ng mga ito. Lahat ng mga ito
ay nakangiti sa kanila.
Bahagyang napatawa si Ivory. Si Xamuel naman ay umayos ng upo. Hindi mawaglit
waglit ang ngiti nito sa mukha habang nakatingin sa mga kasambahay.
"Maraming salamat sa inyo. Pasensya na. I'm just really overwhelmed." Napakamot ito
sa batok. Natawa ulit si Ivory na sinundan naman ng hagikhikan ng mga kasambahay.
Umiling si Xamuel at tumabi sa kanya.
Nikayap siya nito nang mahigpit. Agad namang nagkantyawan ang mga kasama nila.
"Yiee! Ang sweet sweet naman talaga ni sir! Nakakakilig!" hirit pa ni Cindy.
Ngumuso lang si Ivory. Narinig niya pa ang pagtawa ni Xamuel sa kanyang balikat.
Humigpit pa ang yakap nito sa kanya.
Nagkantyawan na ulit ang mga katulong. Kumalas si Xamuel sa kanya.
"Manang, pahanda po ng masarap na dinner mamaya. May isi-celebrate tayo," masayang
sambit ni Xamuel. Napakunot naman ang noo ni Ivory.
"Grabe naman, sumipa lang si baby…." komento niya. Xamuel just chuckled and kiss
her forehead in front of them.
And just like that, nag-celebrate nga sila kinagabihan para sa pagsipa ng baby.
Napapailing na lang si Ivory pag naiisip ang pagiging isip bata ni Xamuel. Ewan
niya ba, ang cute cute nito pag umaasta itong bata. Talagang malayong malayo na sa
boss niyang sininghalan siya noon. He's changed …a lot.
Kinabukasan, sa sala lang ulit tumambay si Ivory. Busy pa rin kasi si Xamuel sa
opisina nito. Maya maya pa ay sumulpot na rin naman ito sa tabi niya.
Kumunot ang noo niya nang yakapin siya nito.
"Hmm tapos ka na work? " tanong niya pa. Tumango tango lang si Xamuel, nakayakap pa
rin sa kanya mula sa gilid.
"Yep." Ngumuso siya at bumuntong hininga. Sumandal siya sa dibdib nito at yumakap
na rin.
Ito na ngayon ang nakasandig sa couch at siya naman ang nakayakap dito.
"Nood tayo," lambing niya. Hinagod nito ang kanyang buhok.
"Hmm, okay." He kissed her forehead again. Napapikit siya.
Inilipat naman ni Xamuel ang channel. Maya maya la ay nagsimula na ang palabas na
gusto nilang panoorin.
Nanatili sa braso niya ang kamay ni Xamuel. Nakahilig pa rin siya rito habang
nanonood sila. Ilang sandali pa ay unti unting gumapang ang kamay nito papunta sa
dibdib niya.
Kumunot ang noo niya at tinampal ang kamay nito.
Tumawa si Xamuel. Tiningala niya ito at sinamaan ng tingin.
"Napakapilyo mo!" Pinaningkitan niya ito. Tumawa lang ulit si Xamuel at muling
pinalandaa ang mga kamay papunta sa dibdib niya.
"Xamuel ano ba…" Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Xamuel just chuckled again and
planted a kiss on her forehead. Napanguso siya at mas humigpit ang yakap sa lalaki.
"Wag dito…" mahinang sabi niya tapos ay kinagat ang labi. Tiningala niya ito.
Tumaas naman ang kilay ni Xamuel.
"O saan pala?" pilyong tanong nito.
Lumabi siya. "Sa kwarto na…"
Naiiling na ngumisi si Xamuel bago siya niyakap nang mahigpit.
"Okay, let's go then," sabi nito at agad siyang binuhat. Napatili pa siya sa
pagkakabuhat nito sa kanya. Tinawanan lang siya ni Xamuel at dinala na nga sa
kwarto nito.
Halos sa kwarto na rin nito siya natutulog. Hindi niya alam kung alam ng mga
katulong o ano. Wala rin naman kasing nagsasalita. They have been doing it for more
than a month now. Kung tutuusin ay para na talaga silang mag- asawa sa lagay nila.
Wala silang label pero masaya siya. How she wish time would just stop so they can
stay like this forever. Kaso alam naman iyang may hangganan ito. Hindi lang niya
iniisip para hindi na siya ma-stress pa. Saka na lang niya iyon iisipin kapag
nandoon na siya sa sitwasyong iyon. Sa ngayon, ee-enjoy na lang muna niya ang mga
nangyayari sa kanila ni Xamuel.
Chapter 29
Ang bilis lumipas ng panahon. Totoo nga iyong sinasabi nila na kapag masaya ka ay
parang hangin lang na lilipas ang mga araw. Parang kailan lang ay naghahanap lang
naman ng trabaho si Ivory. Ngayon, nasa ikasiyam na buwan na siya ng pagbubuntis.
Anytime now, lalabas na ang batang nasa tiyan niya.
Bumuntong-hininga siya at hinawakan ang kanyang tiyan. Pinasadahan niya ng tingin
ang buong kwarto ng baby. Napangiti siya.
Punong puno na ang kwartong iyon mg mga laruan at gamit ng bata. Hindi nga niya
namalayang napuno na pala nila ang kwartong iyon.
Lahat ng gamit doon ay mula sa online shopping nila ni Xamuel. Minsan naman,
nakikiusap siya kay Jasmin para bumili ng ibang gamit lalo na kung wala siyang
magustuham sa online. Pinapakuha na lang ng driver ni Xamuel ang mga iyon sa
opisina. Hindi pa rin kasi pumapasok si Xamuel. Nang tanungin niya kung kailan ito
babalik, ang sabi lang naman nito ay aalagaan siya nito at ang baby.
Unti unti na ring naaayos at naisasakatuparan ang plano nilang negosyo ni Jasmin.
Sobrang hands on kasi ng kaibigan niya. Hindi niya nga alam paano nito napagsasabay
ang regular na trabaho sa pag-aasikaso ng negosyo nila.
Everything feels so right for Ivory. Parang too good to be true ang mga nangyayari
sa kanya. Kaya siguro siya kinakabahan kasi alam niya, pagkapanganak niya, maaaring
may magbago na.
Huminga siya nang malalim at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit ng baby.
"Hmm. So, how is it?" Agad siyang napangiti nang may mga brasong pumulupot sa
kanyang bewang.
Inugoy ugoy pa siya nito.
"Hmm ito, okay naman. Grabe ang bilis ng panahon." Huminga siya nang malalim. Mas
humigpit ang yakap ni Xamuel sa kanya.
"Yeah... the little one will soon come out huh." Hinaplos nito ang kanyang tiyan.
"Hmm."
"You sure ayaw mo pang magpa-admit na?" tanong nito sa kanya.
Ngumuso siya. Ilang araw na rin siya nitong kinukulit tungkol sa pagpapa-admit.
Pagtungtong niya pa lang yata ng 9th month, gusto na nitong magpa-admit siya.
"Sabi naman ni doc okay lang na wag muna, e. Tsaka hindi naman daw maselan ang
pagbubuntis ko. Ayoko sa hospital no, malungkot don," sagot niya naman.
"Hmm. Okay okay. Basta naka ready na iyong mga gamit natin." Tinanguan niya lang
ito.
"Tulungan na kita," anito. Nginitian niya lang ito at tinanguan.
"Dapat color coded ha," instruct niya rito habang tinuturuan niya itong magtupi ng
mga maliliit na damit. Natawa si Xamuel. Nginusuan niya naman ito.
"Wag ka ngang mang-inis," inis na sabi niya rito. Tumawa lang ulit ito at ginulo
ang buhok niya. May tumulis ang kanyang nguso.
Nagpatuloy sila sa pagtupi ng mga gamit ng bata. Nang mangawit siya katatayo ay
umupo siya sa malaking kama.
May malaking kama kasi ang kwarto maliban sa isang malaking crib. Syempre pag
lumaki na ang bata, ito na ang magiging permanente niyang kwarto. Blue ang color
scheme ng buong kwarto. Sa may corner ay may nakalatag ding mga foam na alphabey
puzzles para paglaruan ng bata. Hands on na hands on si Ivory noong inaayos pa lang
ang kwartong ito. Bukod sa kanyang garden ay ito ang isa niya pang pinagkaabalahan.
"Xamuel…" tawag niya sa lalaki nang may naisip. Huminto siya sa pagtutupi at
tiningala ito. Kumunot naman ang noo nito.
"O?" Bumuntong hininga siya at ngumuso.
"Yung name ng baby, meron na ba?" tanong niya. Ilang buwan na niya kasi itong
pinapaalalahanan tungkol sa pangalan ng bata pero wala pa itong naiisip.
Sandaling natigilan si Xamuel tsaka bumuntong-hininga.
"Hmm meron kaming napag usapan ni Leah noon pero…"
Siya naman ang natigilan. Ngayon lang kasi nito binanggit ang asawa nito ever
since. Tumikhim siya at bumalik sa pag-aayos.
"O, edi yun na ipangalan mo," sabi niya pa na parang walang nangyari. Lumunok siya.
Hindi niya alam kung bakit parang mag kumurot sa kanyang dibdib.
Saglit lang iyon pero ramdam na ramdam niya. Iyong kurot na maliliit pero masakit?
Ganoon ang naramdaman niya.
Umayos siya ng upo at muling tumikhim. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni
Xamuel.
"I don't feel like its right?"
Agad na kumunot ang noo niya at tiningnan ang lalaki.
"Ha? Bakit? Anak niya naman to," sabi niya. Totoo naman kasi. Pagbaliktad-
baliktarin man ang mundo, anak pa rin naman ng dating asawa ni Xamuel ang bata sa
sinapupunan niya.
Egg cell nito at sperm cell ni Xamuel ang bumuo sa batang ito. Siya lang ang
nagdala pero walang bahid ng dugo niya ang batang ito.
Hindi nakasagot si Xamuel. Napatingin tuloy siya rito. Tahimik lang itong
nakatingin sa maliit na damit na hawak. Hindi naman nito iyon tinutupi, tinititigan
lang.
Kumunot ang noo ni Ivory at sinundot ito. Doon lang tila natauhan si Xamuel.
"Okay ka lang?" tanong niya. Bumuntong-hininga lang si Xamuel at tipid na ngumiti.
"Yeah."
Natahimik ulit sila at nagkatitigan. It was getting awkward kaya agad na nag-iwas
ng tingin si Ivory.
"Ah tulungan mo na lang ako sa mga ito," pag-iiba niya ng usapan. Patapos na sila
sa mga damit kaya tinuro niya iyong mga hindi pa nabubuksang laruan.
"Hmm ano ba itutulong ko?"
"Ito, arrange naman natin ito. Tapos habang naf-aarrange tayo ay mag-isip ka na rin
ng name okay? Baka biglang lumabas anak mo tapos wala ka pa palang pangalan," sabi
niya pa. Walang nagawa si Xamuel kundi tumango.
"Okay, pero tulungan mo ako?" balik nito sa kanya. Nagsalubong ang kilay niya.
"Ha?" Nagkibit balikat ito.
"Yung name. Gusto ko sana dalawang pangalan. Parang sa akin, Xamuel Anthony."
Tinaas baba pa nito ang dalawang kilay at saka siya nginisihan. Ngumuso ulit siya.
"Hmp. Okay. Sige isip tayo," sagot niya na lang. Mas lalong lumapad ang ngiti ni
Xamuel.
Kinuha nila iyong mga laruan at isa isang sinilid sa isang box habang nag-iisip
sila ng maaaring pangalan ng baby. Nakailang suggest na nga siya pero ang arte
naman ni Xamuel. Sa huli, ito na lang ang pinag-isip niya.
Nag iisip sila nang biglang nanlaki ang mga mata ni Ivory. Napatigil siya sa
paglalagay ng mga laruan sa box at nahulog pa ang hawak niya.
Agad na natigilan din si Xamuel at napabaling sa kanya.
"Ivory? Hey, what's wrong?" Mabilis itong umupo sa tabi niya at agad na ipinulupot
ang kamay sa bewang niya.
"Hey, Ivory." Bakas na sa boses nito ang kaba at panginginig.
Napalunok si Ivory at dahan dahang napatingin sa ibaba niya. Tumingin din naman si
Xamuel doon.
"Ivory what the heck-"
"Yung panubigan ko!" putol niya sa sasabihin nito.
Nanlaki ang mga mata ni Xamuel at tila natuod pa sa kinauupuan.
"Hoy! Yung panubigan ko! Manganganak na ako!" Niyugyog niya ito at doon lang yata
natauhan si Xamuel.
"Fuck!" malutong nitong mura at walang ano-ano'y binuhat siya.
Napakapit siya sa leeg nito nang halos tumakbo ito palabas ng kwarto.
"Cindy, iyong bag! Manang! Manganganak na si Ivory! Iyong driver!"
Dumagundong sa buong bahay ang boses ni Xamuel. Agad namang naalerto ang mga
kasambahay at agad na kumilos.
Napapikit si Ivory nang makaramdam na siya ng paghilab sa kanyang tiyan. Ibinaon
niya ang mukha sa braso ni Xamuel at hinigpitan ang kapit sa batok nito.
"Xamuel ang sakit…" daing niya.
"Fuck! Cindy bilis! Manong!" muling sigaw ni Xamuel at patakbong ipinasok siya sa
kotse.
Halos paliparin na ng kanilang driver ang sasakyan dahil sa sobrang taranta ni
Xamuel. Nakakapit lang si Ivory sa kamay ni Xamuel habang hinahagot nito ang
kanyang tiyan.
"Xamuel ang sakit na!" Mariin niyang naipikit ang mga mata nang humilab ulit ang
kanyang tiyan.
Muling napamura si Xamuel.
"Manong, bilis!"
***
"Okay, mommy, push lang. One …two…three push!"
"Ahhh!"
"Isa pa, mommy, isa pa. Go!"
"Ahhh!"
"Come on, baby. You can do it..." Hawak hawak ni Xamuel ang isang kamay ni Ivory
habang umeere ito.
Humihingal na tiningnan niya si Xamuel. Humigpit ang hawak nito sa kanyang kamay at
tinanguan siya. Huminga siya nang malalim at bumwelo ulit.
"Come on, mommy, nakikita ko na ang ulo," ani ng doktor. Bumwelo ulit si Ivory.
"Ahhh!"
"Okay, that's it, another one. Last one, mommy, go!"
"Ahhh!"
Pakiramdam ni Ivory ay naubos ang lakas niya sa huling ire na iyon. Narinig niya na
lang ang pag-iyak ng isang bata.
"It's a healthy baby boy," huling narinig niya bago siya tuluyang nawalan ng malay.
Hindi alam ni Ivory kung ilang oras siyang nakatulog dahil sa sobrang pagod.
Nagising na lang siya sa isang kwartong kulay puti ang mga dingding. Kumunot ang
noo niya at nagkusot kusot ng mga mata.
"Ivory! Friend!" Mas lalong kumunot ang noo niya nang marinig ang boses na iyon.
Nasapo niya ang noo at napalingon sa kanyang gilid pero wala siyang masyadong
maaninag.
"Jasmin?" mahinang tanong niya.
"Friend, ako nga!" malakas na tili ni Jasmin at agad na umupo sa upuang nasa gilid
niya. Kumurap kurap si Ivory.
Doon niya nakita ang kapatid na nakaupo sa visiting chair. Malaki ang ngising
nakatingin ito sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya at nagliwanag ang kanyang mukha.
"Jasmin!" masayang sambit niya. Jasmin giggled
"Ivs!" Nagkatilian sila. Agad namang tumayo si Jasmin at niyakap siya.
"Oh my gosh! Na-miss kita!" Natawa siya nang mas humigpit ang yakap nito.
"Na-miss din kita!"

Chapter 30
"Miss na miss kita, Jas!" masayang sambit ni Ivory sa kaibigan at muli itong
niyakap nang mahigpit.
Natawa si Jasmin. Hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala si Ivory na sa wakas ay
nasa harap na niya ang kanyang bestfriend.
Kumalas siya sa yakap ang ngumuso.
"Sinong nagsabi sayo?" mangiyak ngiyak niyang tanong kaya mas lalong natawa si
Jasmin
"Si Sir Xamuel! Nandito ba ako habang nagli-labor ka no! Grabe, friend miss na miss
kita!" excited na sabi ni Jasmin.
"Miss din kita!" sabi niya naman at nagyakapan na naman sila.
Para silang mga batang ngayon lang ulit nagkita. Well, ngayon lang naman talaga
sila ulit nagkita.
"Awe, friend grabe! Ang ganda mo pa rin! Infairness naman kasi sa'yo, o! Mas
gumanda ka at naging blooming!" komento pa ni Jasmin. Hinampas niya ang kaibigan.
"Ewan ko sa'yo!" mangiyak ngiyak na sabi niya. Sobrang saya niya lang talaga na
nakita niya ulit ito. Si Jasmin na lang kasi ang itinuturing niyang kapamilya niya
simula nang maulila siya.
"Hala siya! Napakaiyakin! Ganyan ba talag pag bagong panganak?" tanong pa nito.
Nilabian niya lang ito. Tumawa naman si Jasmin at niyakap lang ulit siya.
"Happy lang ako na nandito ka na," sabi niya pa rito.
"Ay nako, ako rin no! Excited na nga ako,e."
Kumalas siya sa yakap. Bumalik naman sa pagkakaupo si Jasmin.
"Ay maiba ako, te, nakita mo ba iyong baby, ha? Jusko! Ang gwapo! As in!" Parang
kiti-kiting binudburan ng asin si Jasmin.
Nanlaki naman ang mga mata ni Ivory. Her heart skipped a beat.
"Talaga?" excited na tanong niya.
"Oo te!" Sunod sunod na tumango si Jasmin.
Nakagat niya ang labi at hindi mapigilang mapangiti. Narinig niya ang pag-iyak nito
kanina pero hindi niya nakita ang mukha nito dah agad naman siyang nakatulog.
"Te, grabe! As in, ang gwapo gwapo talaga niya!" kwento pa ng kaibigan.
Mas lalong lumapad ang ngiti ni Ivory. Gusto niyang puntahan ang bata. Gusto niyang
makita ang batang dinala niya ng siyam na buwan. Hindi niya alam kung bakit pero
naiiyak na naman siya. May kakaibang kabang namumuo sa kanyang dibdib na hindi nita
maipaliwanag.
Tiningnan niya si Jasmin.
"Jas, gusto kong makita-"
Nabitin sa ere ang kanyang sasabihin nang biglang bumukas ng pinto ng kanyang
kwarto. Sabay silang napalingon ni Jasmin. Doon pumasok si Xamuel na may karga
kargang batang nakabalot sa puting lampin. Nakangiti ang lalaki sa kanya habang
niyuyugyog ang bata.
Hindi nakapagsalita si Ivory. Dinig na dinig niya ang pagtili ni Jasmin nang
naglakad palapit si Xamuel pero tila nag-hang ang lahat sa paligid niya. Nanatili
ang tingin niya sa bata. Mas lalong umusbong ang kabang hindi niya maipaliwanag.
Naiiyak siya na ewan. Sobrang weird.
Huminga siya nang malalim nang makalapit na si Xamuel. Agad na umalis si Jasmin
para ang lalaki ang umupo sa visiting chair.
Napalunok si Ivory habang unti unti nang nasisilayan ang batang dinala niya ng
siyam na buwan. She's too emotional that she couldn't helo the tears coming our
from her eyes already.
Inilapit ni Xamuel ang mga bisig sa kanya para mas matingnan niya ang bata.
Napalunok siya at marahang pinahid ang mga luhang tahimik ba lumalandas sa kanyabg
pisngi.
"Look at him, Ivory. Look at Ivo Xamuel…" Napaawang ang bibig ni Ivory at hindi
makapaniwalang tumingin kay Xamuel.
"I-Ivo X-Xamuel?" garalgal ang boses na tanong niya. Ngumiti sa kanya si Xamuel.
"Yeah…"
Ibinalik niya ang tingin sa bata at naiiyak na naman siya. Huminga siya nang
malalim
"P-Pwede kong hawakan?" alangang tanong nita kay Xamuel. Ngumiti naman ito at
tumayo para ibigay sa kanya ang bata.
Sari- saring emosyon ang namayani sa kanya. Hindi niya mapigilan ang mga luhang
lumalandas sa kanyang pisngi. Mas lalo pa siyang ngumiti. Para na tuloy siyang
baliw. Sobrang saya at excitement niya na hindi niya na rin maipaliwanag ang
nararamdaman. Dumoble pa iyon nang tuluyan na nga niyang mahawakan ang bata sa
kanyang mga bisig.
Para siyang natulala sa mukha nito. Ang liit liit! At ang cute cute! Para itong
anghel! Gusto niya itong yakapin nang mahigpit! Parang gusto niya na nga lang itong
ihiga at yakapin!
"A-Ang gwapo nga niya…" mangiyak ngiyak niyang sabi at inugoy ugoy ito sa kanyang
mga bisig.
Narinig niya ang pagsabi ni Jasmin ng 'awe' tapos ang pag-click ng camera.
"Friend picture kayo ni baby!" sabi pa ng kaibigan niya. Kinalma niya naman ang
sarili bago nagpose.
Nakangiti siya sa una habang hawak hawak ang natutulog na bata. Sa pangalawa naman
ay nakahalik siya sa noo nito.
"Sali ka naman po sir!" Dinig niyang sabi ni Jasmin. Nag-pose silang tatlo.
"She's such an angel, Ivory. Thank you for bringing him to life." Dinig niyang
sambit ni Xamuel at saka siya hinalikan sa gilid ng ulo.
Napapikit siya at napasandal sa dibdib nito. Walang pagsidlan ang saya niya ngayon.
Para silang isang pamilya talaga.
Malungkot siyang napangiti.
'Sana huminto na ang oras ngayon.'
Bumuntong-hininga siya at umayos na ng upo. Nakita niya ang mga makahulugang tingin
ni Jasmin sa kanya. Nag-iwas na lang siya ng tingin. Binalingan niya ulit ang bata.
Bahagya itong gumalaw kaya marahan niyang niyugyog.
'Hi, baby.'
Ngumiti siya na animo'y nakikita siya nito.
Ilang sandali siyang nakaganoon lang hanggang sa may pumasok ba nurse.
"Excuse me po, uhm kailangan po natin munang ibalik sa nursery si baby. Papunta na
po si doc doon para ma-check siya," sabi nito. Tumango naman siya.
"I'll bring him to the nursery, nurse," agap ni Xamuel. Tumango lang din ang nurse.
Hinarap niya ang lalaki at ibinigay na ang bata rito.
"I'll be back okay? I'll just bring him back to the nursery," marahang sambit nito
at muli siyang hinalikan sa noo. Napapikit siya.
Ramdam na ramdam niya pa rin ang mga tingin ni Jasmin sa kanya. Bumuntong-hininga
siya at hinatid na lang ng tingin ang papalabas na si Xamuel. Nang sumarado ang
pinto ay natulala siya roon.
Agad namang umupong muli sa visiting chair si Jasmin.
"Friend, okay ka lang?" agad na tanong nito. Tipid niya itong nginitian.
"Ha? Ah oo naman."
Sandali siyang tinitigan ni Jasmin saka ito bumuntong-hininga.
"Paano ba yan, magbabagong buhay ka na? Iyong apartment na nirerentahan ko ngayon,
kasya tayo roon. Sabihin mo lang. Kailan ka ba aalis sa kanila?" tanong nito.
Napayuko siya at bahagyang natigilan.
Ito na iyon. Ito na ang hinihintay niyang panahon. Nanganak na siya. Mawawala na
rin siya sa buhay ng mga Cuanco. Hindi niya maintindihan kung bakit may kirot sa
kanyang dibdib.
'Ivory, tama na iyan. Hinanda mo na ang sarili mo rito, di ba? Tapos na ang trabaho
mo. Tapos na rin ang mga walang kasiguraduhang feelings niyo ni Xamuel. Sinabi mo
na iyan dati.'
Mariin siyang pumikit.
"Uhm hindi ko pa alam, Jas. After 2 months pa talaga ako matatapos pero pwede na
naman siguro tayong mag open ng negosyo natin. Kailangan ko pa kasing mag stay sa
bahay para sa breastmilk ng bata." Nakagat niya ang labi at lumunok. Huminga siya
nang malalim para kalmahin ang sarili.
Nang kumalma ay saka siya nag-angat ng tingin. Nagkibit balikat si Jasmin.
"Hmm sabagay. Pero sige mag open na tayo." Tumango tango pa ito. Ngumiti siya.
"Sige, sasabihin ko rin kay Xamuel," aniya rito. Agad namang natigilan si Jasmin at
napatingin sa kanya.
Magkasalubong ang kilay nito na animo'y may ginawa o sinabi siyang masama.
Ipinagkuros nito ang mga braso sa dibdib.
"Xamuel?" naniningkit ang mga matang tanong nito. Para namang binuhusan nang
malamig na tubig si Ivory sa sinabi nito.
"Ha?" nag-aalangang tanong niya at hindi na makatingin kay Jasmin. Napalunok siya.
Mas lalo namang naningkit ang mga mata ni Jasmin.
"Xamuel na lang tawag mo sa kanya?" makahulugang tanong nito.
Muli siyang napalunok. "I mean Sir Xamuel pala sorry."
Sinulyapan niya ito ngunit muli rin siyang nag-iwas ng tingin.
Nanatili ang mga makahulugang tingin ni Jasmin sa kanya. Nakagat niya ang labi at
hindi na nagsalita. Lihim siyang nagdarasal na sana ay palagpasin na lang iyon ni
Jasmin ngunit sadyang observant ang kaibigan niya.
Bahagya pa siyang napaigtad nang sundutin siya nito.
"Hoy, Ivory, akala mo hindi ko napapansin ang mga sweet gestures niya sa'yo kanina
ha. May pa-halik pa sa noo. Ba't ganoon friend? Anong meron?" Tinaasan siya nito ng
kilay. Mas lalong hindi siya makatingin dito.
Sinundot ulit siya nito.
"Ay nako, Ivory. Anong meron, ha?" tanong nito ulit. Nakakuros pa rin ang mga braso
at nakataas din ang dalawang kilay.
Napabuntong hininga siya at tiningnan ito.
"Uhm…g-ganoon lang talaga siya, Jas. Maalaga talaga tsaka noong pinagbubuntis ko pa
iyong baby ay naging magkaibigan na rin naman kami kaya ayun sinabihan niya akong
Xamuel na lang ang itawag ko sa kanya kasi nga magkaibigan na kami. Nasanay na lang
siguro ako." Nakagat niya ang labi at agad na iniwas ang mga mata sa tingin ng
kaibigan niya.
Kilalang kilala pa naman siya nito kapag nagsisinungaling. Sana lang hindi siya
nito mabisto. Ilang sandali pa siyang tiningnan ni Jasmin bago ito bumuntong-
hininga.
"Hmm sige. Sabi mo,e. Iyong tungkol naman sa negosyo natin, may nahanap na akong
supplier ng mga bulaklak at lipstick din. Go signal na lang ang hinihintay nila
para magdeliver. So ayun. Inayos ko na rin naman ang page natin sa facebook para
mas makahanap tayo ng mga costumers." Nginitian siya ni Jasmin. At nagsimula na
itong magkwento tungkol sa mga pinagdaanan nito sa paglalakad ng mga papeles nila.
Para siyabg nabunutan ng tinik sa dibdib. Wala na siyang balak ipaalam kay Jasmin
ang mga nangyari sa loob ng mga buwang nagbubuntis pa siya. She just find it
useless already. Mawawala na rin naman itong lahat.
Bumuntong-hininga siya.
'Ito naman ang hinihintay mo noon, Ivory. Ang mabuhay nang mag-isa at malayo sa
skwaters na kinalakihan mo. Matutupad na rin siya. Walang problema roon.'

Chapter 31
Ilang araw matapos siyang manganak ay ni-discharge na rin siya ng doctor.
Kasalukuyang nag-eempake si Ivory kasama si Jasmin dahil ngayong hapon ay uuwi na
rin siya sa mansyon kasama ang bata.
"Nako, balitaan kita, friend kung anong magiging resulta ng meeting ko sa supplier
mamaya. Pasensya ka na at hindi kita mahihintay na lumabas ha? Kasi naman, ngayon
lang iyong avaiable nilang oras para sa meeting." Ngumuso ang kaibigan niya.
Ngumiti lang si Ivory rito.
"Okay lang iyon, Jas. Naiintindihan ko tsaka ano ka ba, suppliers natin iyan, dapat
unahin mo talaga. Okay naman na ako," paninigurado niya rito. Bumuntong-hininga si
Jasmin.
"O, siya sige. Basta pag aalis ka na tatawagan mo ako ha! Tsaka sabi nga pala ni
Sir Xamuel, pwede na raw akong dumalaw sa'yo!" excited nitong sambit. Bahagyang
nanlaki ang kanyang mga mata at mas napangiti.
"Hala! Talaga?!"
"Oo!" Sunod sunod na tumango si Jasmin.
"Good news iyan, Jas!"
"I know right! Yiee!" Agad silang nagyakapan na dalawa.
Ilang sandali pa ay kumalas na rin sila.
"Ano ba yan, ang drama natin!" natatawang komento ni Jasmin. Natawa rin siya.
"Oo nga. Tapusin na nga natin ito," aniya at bumalik na sa pag-aayos.
Pagkatapos nilang mag-ayos ay umalis na rin si Jasmin. Naiwan siyang mag-isa sa
kanyang kwarto pero dumating din naman agad si Xamuel kasama iyong bata. Sabay
silang kumaing dalawa. Hawak hawak niya sa kanyang bisig si Ivo tapos sinusubuan
naman siya ni Xamuel.
Sa tuwing naiisip niyang huli na ito ay para siyang nabi-bitter pero sa kabilang
banda naman ay gusto niya ring sulitin ang pagkakataong ito na makasama kahit na
sandali na lang ang mag-ama. Iwinawaglit na lang niya ang mga negatibong pakiramdam
at tinitingnan na lang ang mga positibong side. Tutal ay may dalawang buwan pa
naman siyang masusulit kasama ang bata at pati na si Xamuel.
Mag-aalas tres na ng hapon nang ni-discharge sila ng doctor.
"Bye po, ma'am, sir!" bati sa kanila ng mga nurse. Kumaway naman si Ivory sa
kanila. Hawak hawak niya sa bisig ang bata habang si Xamuel ay nakasunod sa kanya.
"Congrats po!" bati ng iba. Nginitian niya lang ang mga iyon.
Bandang mga alas-tres ng hapon nang dumating sila sa mansyon.
"Dahan dahan lang," ani Xamuel at inalalayan siyang bumaba.
Nakangiting tinitigan niya ang sanggol na sobrang himbing ng tulog.
"Welcome Home!" Bahagya siyang napaigtad nang sabay sabay na sumigaw ang mga
kasambahay pagkapasok na pagkapasok nila ng bahay. Nakahilera ang mga ito at may
dalang cartolina na may nakasulat na 'Welcome Home'.
Hindi napigilan ni Ivory ang mapangiti. Bigla pa siyang naiyak.
Sabay sabay na nagsabi ng 'awe' ang mga ito sa kanya.
"Na-touch si ma'am!" tudyo pa ni Cindy. Ngumuso siya. Niyakap naman siya ni Xamuel
dahilan para magtudyuan ulit ang mga kasambahay.
Naramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang noo.
"Si baby!" tampal niya rito nang muntik nang maipit ang bata. Agad namang lumayo si
Xamuel at bahagya pang natawa.
"I have a surprise for you, baby," bulong nito sa kanya. Agad na binalingan niya
ito at kinunutan ng noo.
"Huh? Ano?" tanong niya. Ngumisi lang ito at may itinuro. Tiningnan niya iyon at as
if on cure ay lumabas mula sa gilid si Sally.
Nakangiti itong kumaway sa kanya.
Agad na nanlaki ang mga mata niya.
"Ate Sally!" excited na bulalas ni Ivory at bahagya pang napatalon. Natawa si
Xamuel at kinuha muna ang bata mula sa kanya.
"Ivory! Nako!" Agad na tumakbo si Sally papunta sa kanya.
Agad namang ibinuka ni Ivory ang dalawang braso para salubungib ito ng yakap.
"Ate!"
"Nako! Na-miss kita!" sabi pa nito.
"Na-miss din po kita!" balik niya naman tsaka kumalas.
Dumako ang tingin ni Sally kay Xamuel at sa hawak nitong bata.
"Nako ito na ba ang baby?" manghang tanong nito. Ngumiti si Ivory
"Siya na nga po." Agad na nagliwanag ang mukha ng matanda.
"Ang cute cute! Pakarga!" Agad namang ibinigay ni Xamuel ang bata rito. Nakangiting
pinagmasdan lang ito ni Ivory.
"Anong pangalan nito hijo?" Bumaling ito kay Xamuel.
"Ivo Xamuel, manang," sagot naman ni Xamuel.
Bahagyang natigilan ang matanda at napatingin kay Ivory. Tipid niya lang itong
nginitian at saka nag-iwas ng tingin.
Tumikhim si Xamuel.
"Uhm, Cindy, iyong hapunan handa na ba?" baling nito sa mga katulong.
"Opo, sir!" Tumango si Xamuel.
"Okay then, ihanda niyo na sa dining. We're going to celebrate tonight." Agad na
nagpalakpakan ang mga kasambahay at excited na umalis doon. Naiwan si Ivory kasama
si Sally, Xamuel at ang bata sa sala.
Binalingan ni Sally si Ivory.
"Nako! Ang cute cute naman nitong batang ito!" bulalas nito at bahagyang hinaplos
ang pisngi ng bata.
Natawa si Ivory at hinaplos ang ulo ng bata. Sandali silang natahimik. Maya-maya pa
ay nagsalita si Sally.
"Ay teka, magpahinga na muna kayo at ako na muna ang bahala dito sa maliit na ito.
Dadalhin ko na sa nursery."
"Sige, manang. Salamat." Si Xamuel. Ngumiti lang si Ivory at hinalikan sa noo ang
bata.
Bumuntong- hininga siya at sinundan na lang ng tingin si Sally na paakyat.
Naiwan silang dalawa ni Xamuel sa sala. Binalot sila ng katahimikan. Nanatili
silang nakatayo at nakatingin. Lang sa may hagdan.
Naramdaman niya ang pagpulupot ng isang kamay ni Sally sa kanyang bewang. Nakagat
niya ang labi at napayuko. Biglang sumagi sa isipan niya ang sinabi ni Jasmin
tungkol sa negosyo nila. Huminga siya nang malalim at saka lumingon dito.
"Xamuel…" tawag niya. Ngumiti naman ito at agad na humarap sa kanya. Pinulupot rin
nito ang isang braso sa kanyang bewang. Ngayon magkaharap na silang dalawa habang
ang dalawang mga braso nito ay naka-encircle sa kanyang bewang.
"What is it hmm?" malambing na tanong nito.
Yumuko siya at ngumuso. Napahawak siya sa balikat nito.
"Uhm…ngayong naipanganak ko na si Ivo, gusto ko sanang simulan nang i-open iyong
business namin ni Jasmin. Pero wag kang mag-alala hindi naman ako palagi roon
tatapusin ko yung dalawa pang buwan dito syempre…" mahinang sambit niya at tipid na
ngumiti.
Hindi sumagot si Xamuel. Hindi niya alam pero tila nag-iba ang timpla ng mukha
nito. Parang nawala sa mood. Diretsong nakatingin na lang ito ngayon sa kanya.
Nawala ang kaninang maaliwalas nitong mukha.
Nagtaka si Ivory.
"Xamuel?" kunot noong tanong niya rito. Nabigla siya nang kinalas nito ang
pagkakahawak sa kanya. Tinalikuran siya nito. Umawang ang kanyang labi.
"You can work from home. 'Wag mo munang iwan ang bata." Tila tumayo ang lahat ng
buhok niya sa katawan dahil sa lamig ng boses nito. Magsasalita pa sana siya pero
nag walkout na ito.
Naiwan siya roong nakatulala.
Napalunok siya at nakagat ang labi.
'May nasabi ba akong mali? Bakit nag-walkout? Tatapusin ko naman ang dalawang
buwan, a.'
Napahugot siya ng malalim na hininga. Napailing na lang siya at sumunod na lang sa
itaas. Balak niya sanang sundan si Xamuel pero nag-alangan siya.
Sa huli ay sa nursery na lang siya nagtungo.
Naabutan niya si Sally na inilalagay sa crib si Ivo. Napangiti siya at nilapitan
ito.
"Ate Sally…" tawag niya at umupo sa kamang katabi ng crib. Binalingan siya ni Sally
at nginitian. Inayos muna nito ang mga lampin at unan ng bata bago ito tumabi sa
kanya.
Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay.
"Nako, ang tagal kong nawala kumusta ka naman?" tanong nito sa kanya. Bahagya
siyang ngumiti.
"Okay naman po ako,"sagot niya. Tumango tango ito.
"E, kayo ni Xamuel?" dagdag pa nito.
Hindi siya nakapagsalita. Bumuntong-hininga siya at napatitig sa crib. Malungkot
siyang ngumiti.
"Ang cute cute niya, Ate Sally. Tapos ang lambot lambot ng balat niya. Maputi rin
tsaka mamula mula. Parang magiging kamukha niya si Xamuel paglaki niya.
Paniguradong ang gwapo gwapo niya rin," kwento niya rito, binalewala ang tanong
nito.
"Oo nga." Binalingan niya si Sally na noo'y nakangiti na rin sa kanya.
"Mami-miss ko to panigurado." Malungkot siyang ngumiti at pinisil ang kamay ni
Sally. Agad namang kumunot ang noo nito.
"Huh? Bakit naman?" takang tanong nito. Bumuntong-hininga siya at nag-iwas ng
tingin. Nagkibit- balikat siya.
"E, may dalawang buwan na lang ako, e." Bahagya siyang tumawa.
Hindi nagsalita si Sally. Nabalot sila ng katahimikan. Ngumuso si Ivory at
tiningnang muli si Sally.
Ipinaglapat niya ang labi at malungkot na ngumiti
"Mami-miss po kita, ate," malungkot niyang sabi.
Agad na nalungkot ang mukha ni Sally.
"Ivory, ano ka ba naman. Wag ka ngang magsalita nang ganyan," sabi pa nito.
Nagkibit balikat siya.
"Bakit hindi po? Totoo naman po kasi. Pagkatapos ng dalawang buwan, kapag pwede na
kay Ivo iyong commercial na gatas, tapos na rin po ang kontrata ko. Aalis na rin po
ako. Ilang buwan ko lang po kayong nakasama pero mami-miss ko po kayo. Si Ivo…mami-
miss ko rin po siya. Ganito po pala pag nagbuntis? Kahit na hindi po akin iyong
bata, parang anak ko na rin po siya. Nasasaktan po ako kapag iniisip kong malalayo
ako sa kanya. Hinding hindi ko po kayo makakalimutan. Pati na po sina Sir Xamuel…
sina Cindy…" Mariing nakagat niya ang labi.
Nangilid ang kanyang mga luha. Suminghot siya at tumingala para pigilan ang luhang
lumandas sa kanyang pisngi.
"Ivory…" alalalang sambit nito. Pilit niya itong nginitian at muling suminghot.
Humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang mga kamay.
"Hija, wag kang magsalita nang ganyan…" Malungkot niya lang ulit itong nginitian.
"Ate, Alam ko naman po na ito ang mangyayari. Tanggap ko rin naman po na ganito ang
mangyayari. Hinanda ko na nga ang sarili ko, e." Hindi ko lang akalaing ganito pa
rin pala kasakit at kabigat pag dumating na ang panahong ito. Akala ko kasi handa
na ako, e. Palagi kong tinatatak sa isip ko na mangyayari rin ito dahil ito naman
talaa ang kahihinatnan ng lahat ng ito. Trabaho lang ito pero hindi ko naman
maikakailang naging pamilya na rin ang turing ko sa inyo…kay Baby Ivo…at kay
Xamuel…"
Tuluyan nang lumandas ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. Kahit anong pigil
niya at lumabas pa rin ang kanyang hikbi.
"Ivory…" Agad siya nitong kinabig. Doon na siya mas napaiyak.
'Ba't kasi ganito kasakit?'

Chapter 32
"Uhm, sa kwarto na lang siguro ako ni Ivo matutulog ngayon. Baka kasi bigla na lang
siyang umiyak,"ani Ivory pagkatapos nilang kumain ng hapunan.
Yumuko siya at ngumuso. Hindi siya pinapansin ni Xamuel at hindi niya maintindihan
kung bakit. Siguro dahil pa rin sa nangyari kanina. Pero ano nga ba kasi ang
ikinagalit nito kanina?
Napabuntong-hininga na lang siya.
"Ivory, hija, okay lang naman na ako na ang matulog sa kwarto ni Ivo. Ako na lang
ang magbabantay. Pagod ka pa galing sa hospital," sabad ni Sally. Tiningnan niya
ito at nginitian.
"Okay lang naman po, Ate Sally. Tsaka gusto ko rin namang makasama siya." Tipid
siyang ngumiti. Agad na nalungkot si Sally. Malamang naalala nito ang pinag-usapan
nila kanina lang.
Nag-iwas siya ng tingin.
"Sige mauna na ako," paalam niya kay Xamuel tsaka tumayo sa hapag.
Dumiretso siya sa kwarto ni Xamuel para kumuha ng damit. Simula kasi noong may
nangyari sa kanila ay doon na siya nito pinapatulog.
Bumuntong-hininga siya at sandaling napatitig sa malaking kama. Sa loob ng siyam na
buwan ang daming nangyari sa kanila. Hindi niya alam kung paano niya tatanungin si
Xamuel o kung ano ang magiging pamamaalam nila. Siguro ay hihintayin na lang niyang
matapos ang dalawang buwan?
Huminga siya nang malalim. Hindi niya maipagkaila ang takot at pangambang kanyang
nararamdaman. Kaya rin siguro siya nagdesisyong sa kwarto na ng bata matulog para
paunti unti ay makapag-adjust din siya. Sasanayin niya ang sariling dumistansya kay
Xamuel nang sa ganoon ay hindi na rin siya manibago. Ganoon din ang gagawin niya
kay Ivo paglipas ng mga araw. Pagbibigyan niya lang muna ang sarili niya ngayon.
Bumuga siya ng marahas na hininga at saka nagdesisyong lumabas na ng kwarto. Nakita
niyang paakyat si Xamuel kaya mabilis siyang naglakad papunta sa kwarto ni Ivo.
Tulog pa ito sa crib kaya pumasok na muna siya sa banyo at naghanda na para sa
pagtulog.
Hindi rin naman siya nagtagal doon. Pagkalabas niya at ni-check niya ulit si Ivo at
tulog na tulog pa naman ito. Bumuntong-hininga siya at hinalikan ang sanggol sa noo
nito. Napangiti pa siya rito. Pagkatapos noon ay humiga na siya sa kama. Niyakap
niya ang malaking unan at ipinikit ang mga mata. Ilabg minuto pa ay nagpadala na
rin siya sa antok.
The next morning, Ivory woke up with someone kissing her cheek. Agad na kumunot ang
kanyang noo at kinusot ang kanyang mga mata. Napakurap kurap pa siya.
Nang makaaninag siya ay nakita niya ang isang bulto ng tao.
"Xamuel?" kunot-noong tanong niya at bahagyang napabangon.
"Good morning," nakangiting sagot nito sa kanya.
Doon siya umayos ng upo.
"Bakit?" tanong niya at humikab. Umupo rin si Xamuel sa kanyang tabi. Nagkibit-
balikat ito.
"Nothing. Let's have breakfast. Kasama na ni manang si Ivo," sabi nito. Agad siyang
napatingin sa crib at wala na nga roon si Ivo.
"Pinaarawan lang ni manang nang maaga
Tulog ka pa kasi," anito sa kanya. Tumango lang siya. Napagod din kasi siya dahil
nagising siya ng hatinggabi.
"Let's go?" aya nito sa kanya at inabot ang kamay nito.
Kumunot ang noo niya. Xamuel just smiled at her though. Ngumuso siya at ibinigay na
lang ang kamay niya.
Magkahawak kamay silang naglakad pababa. Hindi mawala wala ang tingin niya sa
magkahawak nilang mga kamay. Nawi-weirduhan siya sa kinikilos nito.
Parang ang sweet kasi nito ngayon e kahapon lang ay nag walk out ito sa kanya.
Ngumuso ulit siya.
'Weird talaga tong si Xamuel.'
Bumuntong-hininga na lang siya at nagpatianod dito.
Pagdating nila sa hapag ay pinaupo siya nito at pinagsandok ng pagkain.
"You like this?" tanong nito at ipinakita ang apple. Tumango lang siya at weird na
napatitig dito.
Nilagyan siya nito ng sliced apple tapos sinalinan din nito ng juice ang baso niya.
Kulang na nga lang ay subuan siya nito.
Mas lalong kumunot ang noo niya. Ang weird kasi talaga ng mga kinikilos nito. Ang
sweet sweet nito sa kanya. Parang noong buntis lang siya. Maiintindihan diguro niya
noong buntis siya dahil dinadala niya ang bata pero ngayon… nakakapagtaka lang.
Bumuntong-hininga siya at napalunok. Binalingan niya ito.
"Uhm Xamuel okay ka lang ba?" tanong niya. Napatigil naman sa pagkain ang lalaki at
kinunutan siya ng noo.
"Huh? I'm very much okay," anito at ngumiti pa. Napatitig lang ulit siya rito.
"Let's eat, shall we?" Xamuel urged and smiled even more. She just gave him a weird
look though.
Sa huli ay kumain na lang siya ulit. Panay pa rin ang pag-asikaso nito sa kanya na
para bang normal na normal lang iyon dito.
Nakakapagtaka talaga ang kinikilos nito, e.
Huminga siya nang malalim at hinarap ito. Tipid niya itong nginitian.
"Uhm Xamuel tungkol dun sa sinasabi ko...iyong sa negosyo namin…" Kinagat niya ang
labi.
Tiningnan siya ni Xamuel pero as if on cue ay biglang nawala ang ngiti nito.
Napalunok tuloy siya. Biglang umusbong ang kaba sa kanyang dibdib.
"U-Uhh m-may nasabi ba akong masama?" nag-aalangang tanong niya.
Hindi ito sumagot. Mas lalo tuloy siyang kinabahan. Nagpatuloy ito sa pagkain.
Napahinto siya at napatitig dito.
"Uhh Xam-"
Nabitin sa ere ang dapat niyang sasabihin nang dumating si Sally kasama si Ivo.
"Hi, baby!" Agad siyang tumayo at kinarga ito.
"Hmm tapos na ikaw magpa-araw?" kausap niya rito at hinalikan ang bata sa noo.
Tiningnan niya si Sally na nakangiti lang sa kanya. Nag bumaling siya kay Xamuel at
ay agad namang napawi ang ngiti nito. Napanguso siya.
Bumuntong-hininga si Xamuel at tumayo.
"Tapos ka na?" tanong niya rito pero hindi ulit ito sumagot. Sa halip ay lumapit
lang ito sa kanya at hinalikan si Ivo sa pisngi. Akala niya ay kakausapin siya nito
pero walang pasabi naman itong umalis.
Umawag ang kanyang bibig.
"Walk out na naman?" bulong niya at napatingin kay Ivo. Huminga siya nang malalim
at lumabi sa bata.
"Ang gulo talaga ng daddy mo baby." Bumuntong-hininga siya at hinele na ang bata.
***
"So, okay na tayo?" Tinanguan ni Ivory si Jasmin.
"Hmm okay na, Jas. Maganda naman iyong offer di ba?" tanong niya pa.
Nag-uusap sila tungkol sa magigin supplier nila ng mga bulaklak. Hindi nga siya
makapaniwala na nakakuha si Jasmin ng maganda at malaking flower farm para mag-
supply sa kanila ng mga bulaklak.
Confident naman siya sa pinasok niya dahil kahit papaano noong nagbubuntis pa siya
ay nagri-research din siya tungkol samga flower business. Nagtatanong din siya kay
Xamuel sa ibang business operation kaya kahit na hindi siya nag-aral ng
pagpapatakbo ng negosyo ay may alam na siya kahit papaano. Nasa plano niya rin
naman talaga ang mag-aral muli pero saka na siguro pag may stable na siyang
pagkakakitaan.
Bumuntong-hininga siya. Speaking of Xamuel, naisip na naman niya tuloy kung paano
ito makitungo sa kanya kanina.
Ngumuso siya at hinele si Ivo. Karga karga niya ito habang nagbi-video call sila ni
Jasmin dito sa garden.
"Friend, okay ka lang?" tanong ni Jasmin. Doon siya napatingin sa kaibigan.
Nakagat niya ang labi. Gustong gusto niyang mag-open up dito dahil sa mga ganitong
pagkakataon ay ito lang talaga ang sandalan niya kaso nagdadalawang isip talaga
siya. For sure kasi ay mauungkat ang mga nangyari noon pag nagsabi siya ngayon.
Sa huli ay bumuntong-hininga siya at nginitian ito.
"Wala friend, iniisip ko lang ang negosyo," palusot niya.
Tumango tango naman si Jasmin.
"Sige, friend. Paano una na ako?" Tinanguan niya ito.
"Sige, Jas. Bye." Kinawayan lang niya ang kaibigan at pinatay niya ang tawag.
Huminga siya nang malalim at tiningnan ang kargang sanggol. Napangiti na lang siya.
'Hay nako, baby. Kahit na weird ang daddy mo, cute cute mo pa rin.'
Hinalikan niya ito sa noo.
"Uy, may bonding na naman kayo, a." Agad siyang napaangat ng tingin nang marinig
iyon.
Napangiti siya kay Sally na may dalang juice. Ngumiti rin ito sa kanya.
Umupo ito sa tapat niya.
"Akin na muna si Ivo?" tanong nito. Tumango naman siya at tumayo para ibigay si
Ivo.
Nilaro ni Sally ang bata. Bumuntong hininga sita at bumalik sa kanyang upuan.
"Uhm, si Xamuel po? Nasa opisina pa rin?" tanong niya. Kanina pa kasi ito hindi
lumalabas.
Bumuntong-hininga si Sally at malungot siyang nginitian.
"Oo, e. Ano bang nangyari? Pansin ko kasinghindi kayo nag-iimikan simula kanina.
Akala ko okay na kayo?"
Napanguso siya sa tanong nito.
"Hindi ko rin alam Ate Sally, e. Nagtataka ako sa ikinikilos ni Xamuel." Yumuko
siya at pinaglaruan ang mga kuko.
"Ha? Bakit naman?" kunot noong tanong ni Sally habang hinehele si Ivo. Bumuga ng
malalim na hininga si Ivory at nag-angat ng tingin.
"Basta po ang sweet sweet niya tapos pag tinatanong ko tunkol sa last two months ko
nagagalit at nagwo-walk- out. Ewan ang gulo niya…" Lumabi siya.
Natahimik sila. Nanatiling nakatitig si Sally sa kanya. Maya maya ay bumuntong
hininga ito.
"Hija, noong nawala ba ako, anong nangyari?"
Tila binuhusan ng malamig na tubig si Ivory. Napalunok siya at nakagat ang labi.
"P-Po?" Agad na bumilis ang tibok ng kanyang puso. Huminga nang malalim si Sally.
"Hija, pansin na pansin ko. Maging ang mga kasambahay nga rito pansin na pansin…"
Mas lalo siyang kinabahan.
"Ang alin po?"
"Na may namamagitan sa inyong dalawa?
Napalunok siya. Dumiin ang pagkakagat niya sa kanyang labi.
"Ate…kasi…" Natigilan siya. Hindi niya maituloy-tuloy ang sasabihin niya. Tipid na
ngumiti si Sally sa kanya.
"Alam mo, yang si Xamuel, nako napakapihikan niyan…" kwento nito. Napatitig siya
rito. Huminga ito nang malalim at tiningnan ang kargang bata.
"Yung si Leah, alam mo bang iyon ang nanligaw diyan? Nahuli ang kiliti kaya ayun
nahulog. Sobrang hulog." Bahagya itong natawa. Sandali itong tumigil at tumitig sa
kanya. "Hindi ako dapat ang nagsasabi nito sa'yo pero napansin ko, unang mga araw
mo pa lang, titig na titig na siya sa'yo hija."
Nginitian siya ni Sally.
Nakagat ni Ivory ang labi.
"Hindi ko po maintindihan…" naguguluhang sambit niya.
Nginitian lang siya nito.
"Hindi maintindihan o ayaw mo lang pansinin?"
Ngumisi ito sa kanya. Agad siyang nag-iwas ng tingin.
'Pansinin ang alin?'
Napabuga ulit siya ng hininga at napainom na lang ng juice.

Chapter 33
Bumuntong-hininga si Ivory at inilapag ang mga tinuping damit ni Ivo sa cabinet
nito. Hindi mawala wala sa kanyang isipan ang sinabi ni Sally kahapon. Naguguluhan
talaga siya. Hindi niya alam kung anong gusto nitong ipahiwatig.
Alam niyang may feelings siya kay Xamuel pero alam din niya ang lugar niya. Oo at
umasa siya. Umasa siyang sana pareho na lang sila ng nararamdaman pero wala siy sa
fairytale. Naa reyalidad siya. Alam niyang malabong mangyari iyon. This is not some
movie nor novel na maiinlove ang isang prinsipeng ubod ng yaman sa isang
ordinaryong babaeng tulad niya. Sobrang laki ng agwat ng kanilang mga mundo.
Nasa itaas na bahagi ng lipunan si Xamuel at kahit pa sabihing unti unti na siyang
umaasenso, hindi pa rin naman noon nabubura ang katotohanang isa lang siyang
mahirap at nasa mababang bahagi siya ng lipunan.
Iyong mga nangyari sa kanila noong mga nakaraang buwan ay maaaring dala lang ng
bugso ng damdamin nila. Buntis siya at ayun sa research niya, kakaiba ang hormones
ng mga buntis sa aspetong sexual. Si Xamuel ay malamang nadala lang din sa
kaisipang siya ang nagdadala ng anak nito. Marahil ay na-imagine lang nito ang
asawa sa kanya. All in all, it boils down to one thing. Ang mga nangyaring iyon ay
dahil sa pagiging surrogate niya, dahil sa trabaho niya.
Mariin niyang naipikit ang kanyang mga mata. Huminga siya nang malalim at tinigil
ang pagtutupi. Tumayo siya at tiningnan si Ivo na mahimbing na natutulog sa crib.
Napangiti siya at bahagyang hinaplos ang mukha ng sanggol.
"Ano kayang meaning ng pangalan mo, ano? Ayokong mag-assume pero sa akin kaya
kinuha ng daddy mo iyong pangalan mo? Ang layo kasi ng Leah sa Ivo." Bahagya siyang
natawa at ngumuso.
Gumalaw si Ivo kaya tinapik tapik niya pero sa halip na matulog ulit ay pumalahaw
ito ng iyak. Bumuntong-hininga na lang siya at kinarga ito. Marahan niya itong
niyugyog sa kanyang bisig. Pinadede niya rin ng ni-pump niyang breastmilk. Minsan
direkta siyang nagpapadede pero sinasanay niya ito sa baby bottle para sa pag-alis
niya ay hindi ito manibago. Iyon din naman kasi ang napagkasunduan nila noon ni
Xamuel.
Napahinga ulit siya nang malalim.
'Ayan, baby, naisip ko na naman ang daddy mo. Ewan ang gulo.'
Napailing siya at inugoy ugoy si Ivo. Nakatulog din naman ito agad. Na-bored siya
roon kaya nagdesisyon siyang bumaba.
Hinanap niya sina Cindy o si Sally pero mukhang may ginagawa ang mga ito.
Napalingon din siya sa saradong opisina ni Xamuel. Bumuntong hininga na lang siya.
Mukhang buong araw na naman itong magkukulong sa opisina. Napailing na lang siya at
umalis na roon.
Nagtungo sila sa garden, sa may side niya. Nakangiting pinagmasdan niya ang mga
naka-pot na mga bulaklak. Sobrang saya niya at naayos na nila iyon bago pa siya
manganak. Sobrang fresh lang kasi noong tingnan.
Naglakad lakad lang siya at tinitingnan ang mga bulaklak niya habang marahang
niyuyugyog ang sanggol na nasa kanyang bisig.
Ilang minuto siyang nanatiling ganoon.
Hinehele si Ivo nang may bigla siyang narinig na nagsisisigaw sa labas ng gate.
Pinakiramdaman niya iyon. Noong una ay nawala rin naman pero muli iyong bumalik.
Mas lumakas pa.
'Ano naman iyon?'
Kumunot ang noo niya at dahan dahang naglakad papunta sa main gate.
Nang ilang metro na lang ang layo niya ay naaninag niya ang isang babaeng nakatayo
sa labas ng gate. Nagwawala ito at sinusubukang paalisin ng mga guardz.
Sandali siyang napatitig sa babaeng sumisigaw. Naningkit ang mga mata niya nang
mapagtantong medyo familiar ang babaeng iyon sa kanya
"Palabasin niyo si Cuanco diyan! Putangina! Palabasin niyo!" Bahagya siyang
napaatras nang marinig ang boses nito. Galit na galit ito at sinusubukang dambahin
ang malaking gate ng mansyon pero nahawakan naman ito agad ng dalawang guard.
Napalunok siya at napalingon sa paligid. Walang tao roon bukod sa kanya. Napahigpit
tuloy ang hawak niya kay Ivo habang patuloy sa paghele rito.
'Sino itong babaeng ito? At bakit siya galit na galit kay Xamuel?'
"Maam alis na po!" Sinubukan itong pigilan ng mga guards ngunit hiniklas nito ang
mga nakahawak na kamay dito.
"Aba'y hindi kami aalis!"
Umawang ang labi ni Ivory nang makitang may biglang sumulpot na babae sa likod.
Hula niya ay nasa mid 50s na ang babaeng iyon. Ito ang tumulong sa babaeng
nagwawala kanina para makawala sa hawak ng dalawang guards.
"Sinabi nang palabasin mo! Or kami ang papasok! Tangina niyo!" sigaw ng ikalawang
babae at malakas na tinabig ang isang guard. Muntik pa iyong matumba. Agad na
tumakbo sa malaking gate ang dalawang babae at kinalampag iyon ng malakas.
"Maam teka lang po!" habol naman ng dalawang guards dito.
Napaatras ulit si Ivory sa takot. Dumoble ang bilis ng tibok ng kanyang puso.
Nakagat niya ang labi at napatingin sa batang hawak. Nagsimula na siyang magpanic.
Gusto na niyang tumakbo papasok pero para siyang natutuod sa kinalalagyan.
"Labas, Xamuel!" Nanlaki ang mga mata ni Ivory nang tuluyan nang makalas ng dalawa
ang lock ng gate sa loob.
Parang grills kasi ang design noon kaya madaling mabuksan mula sa labas. Muling
napaatras si Ivory at tatakbo na sana papasok nang biglang lumabas si Xamuel.
"Xamuel…" tawag niya na mukhanh hindi nito narinig.
Diretso ang lakad nito at matalim na matalim ang mga tingin. Mukha ngang hindi siya
nito nakita.
"What the hell are you doing Mieralyn!" Dumagundong ang boses nito pagkalapit sa
bukana ng gate.
Nakagat ni Ivory ang labi sa sobrang kaba. Dinig na dinig niya ang galit sa boses
ni Xamuel habang nakaharap ito sa dalawang babae. Humahangos iyong mas batang
babae. Hula niya ay mga nasa edad lang din iyon ni Xamuel. Halos dambahin na nito
si Xamuel sa sobrang galit
"Anong what the hell am I doing?! Tangina mo! Bakit mo kami pinapalayas ha?! Iyong
negosyo namin?! Bakit mo pinasarang hayop ka!" Nanlilisik ang mga mata nitong sigaw
kay Xamuel.
Mas lalong napaatras si Ivory at saka inilapit si Ivo sa kanya. Hindi niya alam
kung bakit takot na takot siya nang mga oras na iyon. Dapat na nga talaga siyang
pumasok pero hindi niya napigilan ang sarili. Sino ba kasi ang mga babaeng iyan?
Anong koneksyon nila kay Xamuel? At iyong mas batang babae…sobrang familiar noon sa
kanya. Pati boses nito familiar na familiar.
"Hindi niyo 'yon negosyo. That's my fucking money," kalmado ngunit mariing sambit
ni Xamuel. Hindi niya nakikita ang mukha nito pero sigurado siyang galit na galit
din itong nakatitig sa babae.
"Binigay ni Leah sa amin iyon!" sigaw naman ng nakatatandang babae.
Tila binuhusan ng malamig na tubig si Ivory nang marinig ang pangalang iyon.
'Leah? Iyong asaw ni Sir Xamuel? Kaano ano nila?'
"Sa'kin pa rin galing. At ang bahay na iyon akin din!" Bahagya nang tumaas ang
boses ni Xamuel. Kitang kita ni Ivory ang panggagalaiti noong mas batang babae
"Walang hiya ka talaga!"
Nanlaki ang kanyang mga mata at hindi na niya napigilang tumili nang akmang
susugurin ng babae si Xamuel. Tila natuod sa kinatatayuan ang dalawang babae at
agad na napalingon sa kanya. Gulat na gulat ang mga ito at maging si Xamuel din ay
nagulat na nandoon pala siya.
Niyakap niya nang mahigpit si Ivo.
Kitang kita niya ang paniningkit ng mga mata ng mas batang babae. Hinagod siya nito
ng tingin at saka tinaasan ng kilay. Hindi niya alam kung bakit pero kinilabutan
siya sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya.
"Sino to?" baling nito kay Xamuel pero hindi ito sinagot ng huli dahil nakatitig
lang sa kanya si Xamuel.
"Ito ba ang surrogate mo?!" Nanggagalaiti ulit ang babae.
Nag igting ang panga ni Xamuel at tiningnan siya. Napalunok siya.
"Pumasok na kayo," mariing utos nito.
Nanginginig na tumango siya at agad na pumasok ng bahay. Panaka naka pa siyang
lumilingon sa labas para tingnan ang kalagayan ni Xamuel doon. Hindi niya alam pero
sobrang kinakabahan siya. Nanginginig ang halos buong katawan niya.
Muntik pa siyang mapatalon nang makasalubong si Sally.
"Ivory? Okay ka lang ba?" agad na tanong nito nang mapansin ang kanyang
panginginig.
"Cindy, ikuha mo ng tubig si Ivory!" madaling utos nito kay Cindy at kinuha na muna
si Ivo sa kanya.
"Umupo ka muna. Juskong bata ka, anong nangyari sa'yo?" Bahagya na ring nataranta
si Sally.
"Ito na po ang tubig!" agad na sigaw ni Cindy at agad na ibinigay sa kanya ang
tubig.
Madaling ininom niya naman iyon kahit na nanginginig pa rin ang kanyang kamay.
"Hija, anong nangyari? Cindy, ang ma'am mo!" utos ni Sally kay Cindy habang
niyuyugyog si Ivo.
Agad na tumabi si Cindy sa kanya at hinagod ang kanyang likod.
"A-Ate…m-may nagwawalang babae roon sa labas…k-kausap ni Xamuel…h-hindi ko alam
pero kinakabahan ako…pamilyar siya sa akin…parang nagkita na kami noon!" sumbong
niya sa matandang katulong. Kumunot naman ang noo ni Sally at umawang ang labi.
"Si Xamuel nandoon ba?" tanong nito. Sunod sunod siyang tumango.
Bumuntong-hininga si Sally at kinabig siya gamit ang isa nitong kamay.
"Tahan na hija...walang masamang mangyayari sa iyo…tahan na."
Isinubsob ni Ivory ang mukha sa balikat ni Sally at niyakap na rin si Ivo.
'Jusko, ano ba ito? Bakit ako kinakabahan nang ganito?'

Chapter 34
Halos isang oras ding nakatulalala si Ivory dahil sa nasaksihan niya kanina.
Kinailangan pa siyang samahan ni Sally sa kwarto ni Ivo para lang kumalma siya.
Hindi niya na alam kung anong nangyari sa labas pero ang sabi ni Cindy noong
hinatiran sila nito ng tanghalian ay wala na naman daw iyong mga nanggugulo at si
Xamuel ay nasa opisina na nito, nagtatrabaho.
Doon lang siya nakahinga nang maluwag. Para siyang binunutan ng tinik nang marinig
iyon.
Pabagsak siyang napaupo sa kama at napabuntong hininga. Nasa harapan niya si Sally
at hinehele si Ivo.
"Okay ka na ba?" tanong nito sa kanya. Bahagya lang siyang ngumiti at tumango rito.
Bumuntong-hininga si Sally at nginitian siya.
"Kumalma ka na. Wag kang mag-alala kasi hinding hindi naman kayo pababayaan ni
Xamuel," anito. Bumuntong-hininga lang ulit siya at tipid na ngumiti.
Pinagmasdan niya lang si Sally na inilalagay na sa crib si Ivo. Maya-maya ay
bumuntong hininga ulit siya at tumayo.
"Uhm ako na po magdadala nito sa baba," sabi niya at kinuha ang tray ng pinagkainan
nila.
Tiningnan siya ni Sally. "Sigurado ka?"
Nginitian niya lang ito at tinanguan. "Opo. Mabuti na ring malibang ako at nang
hindi na ulit sumagi iyon sa isip ko," sabi niya na lang at umalis na.
Bumaba na siya at inilagay na ang tray sa kusina. Balak niya sanang pumunta na lang
sa mini garden niya nang bigla siyang matigilan.
Bahagyang nakaawang ang pinto ng opisina ni Xamuel kaya medyo kita niya ito sa
loob. Nakatayo ito at nakatalikod sa kanya. Nakatapat ang cellphone sa tenga nito.
Bumuntong-hininga siya at tinanaw ito.
Gusto niya sanang pumasok kaso baka makaistorbo siya kaya pinagkasya na niya ang
sariling tanawin ito. Medyo napatagal ang kanyang pagtingin at nawala siya sa wisyo
kaya hindi niya napansing nakita na siya ni Xamuel.
Nagulat na lang siya nang palabas na ito at agad siyang kinabig ng yakap. Napalunok
siya at napayakap din dito.
"B-Bakit? Anong problema?" tanong niya. Bumuntong hininga si Xamuel.
"I just need a hug," tanging sabi nito at mas hinigpitan ang yakap.
Napatango si Ivory at hinayaan muna ito. Ilang sandali pa ay pumasok sila sa
opisina nito. Sinara ni Xamuel ang pinto at umupo sila sa pahabang couch.
"May problema ba?" tanong niya.
Hindi sumagot agad si Xamuel. Nakatitig lang ito sa coffee table. Kinagat ni Ivory
ang labi.
"Iyong mga babae ba kanina?" tanong niya ulit
Bumuntong-hininga si Xamuel at hinawakan ang kamay niya.
"That was Mieralyn. My wife's twin."
Hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Pamilyar din maging ang pangalang iyon.
Hindi niya maipaliwanag pero parang narinig n aniya iyon noon.
Ipinaglapat niya ang labi at tumingin kay Xamuel.
"Familiar siya…" aniya rito. Doon lumingon si Xamuel sa kanya. Bumuntong hininga
ito at hinawakan ang magkabila niyang kamay.
"Iyon iyong sumugod sa'yo sa townhouse, Ivory," tanging sabi nito.
Doon umawang ang kanyang bibig at as if on cue ay nagbalik ang alaalang iyon sa
townhouse. Naalala na niya ang mukha ng babae pati ba ang pagsabunot at pagsigaw
nito sa kanya.
"Iyong isang kasama niya, auntie iyon ni Leah." Napatingin ulit siya kay Xamuel na
noon ay nakatingin na rin pala sa kanya.
Humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay at malungkot siyang nginitian. She
was appalled. Ngayon niya lang nakitang ganoon si Xamuel. Nakita na niya itong
galit, strikto at walang pake. Nakita na rin niya itong masaya at isip bata. Pero
hindi niya pa ito nakitang malungkot…ngayon lang.
May nakapaloob sa mga titig nitong hindi niya maintindihan. Para itong may malaking
pinagdadaanan sa buhay.
'Tungkol ba sa asawa niya?'
Bumuntong - hininga ulit siya at pinisil ang kamay ng lalaki. Nag-iwas ng tingin si
Xamuel at huminga nang malalim. Nakatitig na ito sa malaking protrait na nasa
harapan nila. Bahagyang nagulat si Ivory nang makita iyon.
Portrait iyon ng isang pamilya. May ina at ama at may anak. Hindi siya
nakapagsalita nang matitigan ang batang lalaking naroon.
Si Xamuel…
'Iyan siguro ang pamilya niya.'
"Do you know why I want an heir?"
Kumunot ang noo ni Ivory at napabaling dito.
"Ha?"
"Do you know why I want to have a child?" ulit nito.
Napalunok siya.
Uhm para sa namatay mong asawa…" kagat labing tugon niya.
Xamuel sighed at nodded a bit.
"Partly. But mainly because of her family."
"Huh?" kunot noong tanong niya. Hindi niya kasi maintindihan.
Ang buong akala niya ay dahil hindi ito nagkaanak at ang asawa nito bago ang
aksidente kaya gusto nitong magkaroon ng anak sa asawa sa pamamagitan ng isang
surrogate.
Huminga nang malalim si Xamuel.
"Leah was a middle class girl, but when we got together I made sure to give her the
world. Ayoko nang maghirap siya kaya pati pamilya niya kinupkop ko at binihisan.
I'm an orphan anyway. I have all the money and means. If we get married they'll be
my family eventually. I gave everything her family needs and even wants. Leah wants
to be a doctor so I let her go to med school. I pamper her and her family with
material things. Walang kaso. Pamilya ko na naman sila. Her family likes me so
much… because of my money." Sandaling tumigil si Xamuel na para bang humuhugot ng
lakas. Umawang ang bibig ni Ivory.
"I thought what I was giving was enough but those people dont know the word
contentment. They want more. Gahaman sila. They threatened my wife. They asked her
to lure me to give out my properties to them. And I don't fucking understand why
she gave in. When I found out, we fought. She cried and said sorry. Natakot daw
siya. Galit na galit ako. She ran away. Then the accident happened. I want an heir
because I want a family, Ivory. And I want to protect my family's hard earned money
too. I cannot let those greedy people have it. I don't hate my wife, but I condemn
her family. "
Hindi alam ni Ivory kung ano ang ire-react. Bakas na bakas sa boses ni Xamuel ang
galit at sakit habang isinasalaysay iyon.
Nanatili siyang nakatitig sa lalaki. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.
She saw Xamuel as a ruthless and rude boss. Naiyak pa nga siya rito. Hindi niya
akalaing may ganito palang pinagdadaanan ang lalaki. Napayuko siya.
'Kahit pala mayaman hindi rin masaya. Hindi totoong magiging masaya ka kapag marami
kang pera. May paghihirap din sila. At isa roon ay ang hirap na makatagpo ng mga
taong totoo at hindi lang yaman ang habol sa'yo.'
Nakagat ni Ivory ang labi at mas hinigpitan ang hawak sa kamay nito.
Napatitig siya sa kawalan nang biglang may sumagi sa kanyang isip.
"Pero di ba may habol sila sa bata kasi kamag-anak nila yun? Paano yun?"
Doon lang bumaling sa kanya si Xamuel. Nagkatitigan sila. Hindi niya alam pero
parang may hindi maganda siyang nararamdaman.
"I know. That's why I need you." Nagsalubong ang kanyang kilay.
"Huh? Hindi kita maintindihan, Xamuel.
"I want you to marry me Ivory and adopt our child."

Chapter 35
Gulat na gulat si Ivory sa narinig. Hindi makapaniwalang napatitig lang siya kay
Xamuel.
"Xamuel anong sinasabi mo? Wala sa usapan iyan," agad niyang sambit dito.
Marahas na nagbuntong-hininga ang lalaki at tiningnan siya. Itinaas nito ang mga
kamay niyang hawak nito.
"Alam ko. Alam ko. But that was when I thought I got everything under control. When
Leah died, I thought her family wont bother me again. The first reason that I
wanted a child with her was to honor her. Wala na akong ibang mamahalin pa kundi
siya. Gusto ko ng pamilya, kaya gusto ko ng anak. Hindi naman sila dapat ang kaaway
ko dahil wala na naman si Leah. I was protecting my family's legacy from our
enemies in business so I need an heir. Pero bigla na lang silang sumulpot. Now, I
have to protect my family not just from business enemies but also from the greedy
relatives of my wife. "
Umawang ang bibig ni Ivory. Ramdam niya na agad ang pag-iinit ng sulok ng kanyang
mga mata. Tila may karayom na tumusok sa kanyang dibdib.
"P-Pakakasalan kita p-para roon?" halos pumiyok na siya habang sinasabi iyon.
Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ngayon. Naninikip ang kanyang dibdib.
Pinilit niya ang sariling huwag magpaapekto pero sadyang hindi niya na mapigilan.
Hindi pa rin nagsasalita si Xamuel. Doon siya lumunok at nag-iwas ng tingin.
Marahan niyang binawa ang mga kamay.
"Sorry, Xamuel, pero hindi ko yata kaya iyan…" Tuluyan nang tumulo ang kanyang mga
luha. Napilitan siyang tumalikod dito para hindi nito makita ang pag-iyak niya.
Nasasaktan siya, iyon ang totoo. Iyong sakit na naramdaman niya habang iniisip na
may dalawang buwan na lang siya ay mas dumoble pa.
Mariin niyang kinagat ang labi para pigilan ang hikbing namumuo. Lumunok siya at
agad na tumayo.
"E-xcuse me..."
"Ivory."
Hindi niya pinakinggan ang pagtawag nito at dire diretso siyang lumabas ng opisina.
Halos takbuhin pa niya ang grand staircase para makarating agad sa kanyang kwarto.
Pagkarating niya roon ay agad niyang isinarado at ini-lock ang pinto. Nasapo niya
ang bibig at napasandak sa nakasarang pinto.
Hirap siyang huminga dahil sa pag-iyak at paghikbi. Ipinikit niya nang mariin ang
kanyang mga mata at hinayaan ang mga masaganang luhang lumabas doon. Hindi na rin
niya napigilan ang paghikbi.
Tila ngayon lang nag-sink in sa kanya nang malinaw ang lahat ng sinabi ni Xamuel.
He wants her to marry him, so that they coyld adopt Ivo and Leah's family won't get
hold of the child. Base sa mga sinabi ni Xamuel, ayaw niya rin namang gamitin ng
mga masasamang loob ang bata para lang makakuha ng yaman. Hindi niya hahayaan iyon.
Pero hindi niya kayang tanggapin…
Hindi niya kayang tanggapin na kaya siya nitong pakasalan para roon. Parang
nagiging malinaw na sa kanya ang lahat ngayon.
This must have been his plan in the first place. Kasi kung tutuusin, sobrang himala
ang naging pagbabago sa ugali nito. Wala itong awaal sa kanya noong una. Muntik pa
nga siya nitong ipatapon. Ganoon na lang din kung sigawan siya nito noong nahuli
sila ni Jasmin.
Napaka-impossible talaga na agad na nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. Pero
ngayon, parang napagtatagpi tagpi niya na ang lahat at dahil diyan mas nasasaktan
siya.
Tuluyan na siyang napaupo. Humihikbing niyakap niya ang kanyang mga tuhod at doon
isinubsob ang kanyang mukha.
'Kaya ba siya mabait at sweet para pumayag ako? Pakitang tao lang lahat para
pumayag ako sa plano? Yung nangyari sa amin? Kaya rin nagagalit siya sa paalam ko
sa huling dalawang buwan ko? Kasi iyon iyong talagang plano niya.'
Mas lalo siyang umiyak.Mahigpit pa rin ang pagkakayakap niya sa kanyang tuhod
habang nakabaon ang kanyang mukha roon.
Hindi na niya namalayan kung ilang oras siyang nakaganoon. Pagkaangat niya ng mukha
ay ramdam na ramdam niya ang hapdi sa kanyang mga mata. Habol pa rin niya ang
hininga dahil sa walang tigil na paghikbi at patuloy pa rin sa paglandas ang
kanyang mga luha sa kanyang pisngi.
Bumunton hininga siya at pabagsak na isinandal ang likod sa pinto. Tinuwid na rin
niya ang kanyang dalawang paa habang ang dalawang kamay ay nakapatong sa kanyang
mga hita. Nakatingin lang siya sa kawalan, parang isang gulay na lantang lanta.
Blanko na ang kanyang isipan. Ang tanging nararamdaman niya na lang ngayon ay ang
sakit, pisikal at emosyonal na sakit.
Napapikit siya nang maalala na naman ang mga sinabi ni Xamuel. Itinakip niya sa
kanyang mukha ang dalawang kamay at doon na naman humagulgol.
'Hindi na ba ito titigil? Bakit ganito?'
***
Maghapong hindi lumabas si Ivory ng kwarto. Nakatulog na nga siya sa pag-iyak.
Pagkagising niya ay saka niya napagtantong hapon na. Alas sais na ng hapon ag
sinasabi ng wall clock niya sa kwarto.
Naroon pa rin siya sa may pinto, nakasandal. Ni hindi niya alam kung paano siya
nakatulog doon.
Sobrang hapdi ng kanyang mga mata. Nasisguro niyang sobrang pula at na ng kanyahg
mukha at malamang ay namamaga na rin ang kanyang mga mata.
Bumuntong-hining siya at dahan dahan nang tumayo roon. Pumasok siya sa CR at doon
niya nakita ang kanyang mukhang namumula at namamaga nga sa pag-iyak. Napayuko siya
at naghilamos sa sink.
Mas lalong hindi siya lalabas sa mukha niyang iyon. Paniguradong magtatanong ang
mga tao sa labaa at wala siyang gana ngayong sumagot o magsalita man lang.
Huminga siya nang malalim at saka nagtungo sa kanyang kabinet. Mabuti na lang at
nailipat na rin niya ang kanyang mga damit dito.
Kumuha lang siya ng pantulog saka bumalik sa banyo. Mabilis siyang naligo at
nagbihis na rin pagkatapos.
Gabi na pero ni hindi man lang siya nakaramdam ng pagkagutom. Siguro dahil nawala
sa isip niya sa kaiiyak o nawalan na lang talaga siya ng gana.
Sinuklay niya ng kanyang buhaghag at magulong buhok. Nagpulbo siya ng maliit para
maging presentable naman ang kanyang mukha kahit na kitang kita pa rin doon ang
bakas ng kanyang pag-iyak kanina.
Nang matapos ay bumuntong hininga ulit siya at nagpasyang lumabas ng kwarto.
Tahimik ang labas kaya nagmamadaling pumunta siya sa kwarto ni Ivo. Akala niya
nandoon si Sally pero wala, pati ang bata ay wala.
Bumuntong-hininga siya at pabagsak na naupo sa kama. Pinagmasdan niya ang buong
kwarto ni Ivo. Malungkot siyang napangiti habang isa isang nilalaro ang ma
nakasabit na laruan sa crib nito.
Nakagat niya ang labi ang napalunok. Ayan naiiyak na naman tuloy siya. Mariin
siyang pumikit para pigilan ang pagbaba na naman ng mga luhang hindi yata napapagod
na lumabas sa kanyang mga mata.
Natulala siyang muli. Nagbalik lang siya sa wisyo nang mag-vibrate ang kanyang
cellphone. Kinuha niya iyon sa kanyang tabi at tiningnan.
Si Jasmin, tumatawag.
Huminga siya ng malalim at tumikhim. Sinigurado niyang hindi maririnig sa boses
niya na galing siya sa pag-iyak.
Nang masigurong kalmado na siya ay saka niya sinagot ang tawag.
"Hello, Jas?" sagot niya. Isang tili ang ibinalik ni Jasmin. Bahagya pa niyang
nailayo ang kanyang cellphone dahil para siyang mabibingi sa boses nito.
"Ano ba yan, Jasmin!" sita niya.
"Ay sorry, friend!"
"Bakit ka ba kasi sumisigaw?"tanong niya. Narinig niya pa ang pagtikhim nito sa
kabila na para bang kinakalma ang sarili.
"O, eto na nga friend, iyong supplier ko kasi sa cosmetics natin, nag okay na rin!
Friend this is it!this is really is it is it!" Tumili ulit ito. Rinig na rinig niya
ang excitement sa boses nito.
Malungkot siyang ngumiti.
"Wow. Congrats sa atin, Jas!" Pilit niyang pinapasaya ang boses para hindi mapansin
ni Jasmin na matamlay siya.
Masaya naman talaga siya. Masayang siyang napo-progress ang kanilang negosyo,
sadyang sobrang affected niya lang talaga sa nangyari kanina kaya hindi nito agad
mabago ang kanyang mood.
"Masaya ka talaga, bes?" Agad siyang natigilan sa sinabi nito. Bumuntong-hininga
siya.
"Masaya ako, no. Ano ka ba naman! So, ano na, ready na talaga tayo sa pagbubukas?"
pag-iiba niya sa usapan. Bumalik sa mood si Jasmin.
"Yes na yes, mah friend! Pwede ko nang pasimulan ang construction para sakto namang
pagkaalis mo diyan sa trabaho ay official na tayong mga businesswoman! Magre-resign
na rin siguro ako rito pagkatapos mo diyan."
Tanging pagbuntong hininga lang ang ginawa ni Ivory habang nakikinig sa mga
sinasabi ni Jasmin.
Dinaldal siya nito tungkol sa mga plano nito sa magiging negosyo nila. Hindi na
siya nagsalita at hinayaan lang itong magkwento nang magkwento. Kahit sandali ay
maging kalmado naman siya at hindi niy maisip ang mga nangyari kanina.
Tumagal ng humigit kumulang dalawang oras ang pag-uusap nila ni Jasmin. Nagpaalam
lang ito nang antukin na. Halos sa buong pag-uusap ay ito lang din ang nagsasalita
at. Nagsilbi siyang tagapakinig na lang.
Nang matapos ang tawag ay napatingin siya sa wall clock. Mag-aalas otso na at hindi
pa rin siya kumakain. Napatayo siya. Hanggang ngayon kasi ay wala pa si Ivo at si
Sally.
Ayaw man niya ay nagdesiyon na rin siyang lumabas pero papalabas pa lang sana siya
nang biglang bumukas ang pinto.
Agad siyang napahinto. Umusbong ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib. Nang pumasok
si Sally na karga karga si Ivo ay saka siya nakahinga nang maluwag.
"Ate Sally, ikaw pala…"
"Ivory? Kanina ka pa ba rito? Bakit hindi ka bumaba para maghapunan?"
Agad siyang lumapit dito at isinara ang pinto. Dumiretso naman si Sally sa may crib
para ilagay roon si Ivo.
Bumuntong-hininga siya at lumapit din doon. Tiningnan niya ang sanggol na himbing
na himbing na sa pagtulog. Maya maya pa ay naramdaman niya ang mga tingin ni Sally.
Agad siyang nag-iwas ng tingin dito at umupo sa kama. Tumungo siya.
Ilang sandali pa ay tumabi sa kanya si Sally. Bumuntong-hininga siya.
"Nag-away ba kayo ni Xamuel? Ang sabi ni Cindy ay nakita ka niyamg umiiyak na
lumabas ng opisina. Nagkulong naman si Xamuel sa opisina at hindi rin kumikibo.
Malamang nag-away kayo." Bahagya siyang natigilan sa sinabi nito at yumuko. Kinagat
niya ang labi at pinagsiklop ang mga kamay.
"Nasasaktan ako, Ate Sally…" Nag-init na naman ang mga sulok ng kanyang mata.
"Shh. Tahan na." Naramdaman niya ang paghagod ng kamay nito sa kanyang likod.
"Bakit ka nasasaktan?" pahabol nitong tanong.
Hindi siya sumagot.
"Ano bang nangyari?" tanong nito. Dumiin ang pagkakakagat niya sa labi saka nag-
angat ng tingin sa matanda. Pilit niyang pinipigil ang pag-iyak.
"Si Xamuel… gusto niya akong pakasalan para protektahan ang anak niya.... Ate,
mahal ko yung bata pero sobra naman yata ang hinihiling niya."
Tuluyan na siyang umiyak. Agad naman siyang kinabig ni Sally payakap.
Pinahid niya ang mga luhang lumalabas.
'Bakit ba kasi ayaw niyng tumigil!'
"Shhh, Ivory tahan na." Humihikbi pa rin siya.
"Pakiramdam ko ginagamit lang niya talaga ako. Ba't pa kasi ako umasa? Bayad ako
rito. Lahat ng serbisyo ko bayad..."

Chapter 36
Mugtong mugto ang mga mata ni Ivory kinabukasan. Umiyak na naman kasi siya kay
Sally hanggang sa makatulog na siya.
Pumalahaw ng iyak si Ivo. Napabuntong hininga na lang siya at bumangon kahit na
hilo hilo pa. Agad niyang nilapitan ang crib nito at kinuha ito. Niyugyog niya ito
at saka kinuha ang baby bottle nito.
Humihikab siya habang hawak hawak ang baby bottle ni Ivo. Napatitig siya sa maliit
nitong mukha habang ganadong ganadong uminom ng gatas. Hindi niya tuloy napigilang
ngumiti.
'Ang cute cute mo talaga, Ivo. Talagang ma-mi-miss kita.'
Bumuntong-hininga na naman siya.
'Pasensya ka na, baby. Gustong gusto rin naman kitang protektahan. Kaso talagang
hindi ko kayang gawin iyong gusto ng daddy mo. Sana paglaki mo ay magkita pa rin
tayo. Ma-mi-miss kita.'
Malungkot siyang ngumiti. Kinagat niya ang labi. Naiiyak na naman kasi siya.
Huminga siya nang malalim. Gumalaw si Ivo na tila ba tapos na sa pag-inom.
Tinanggal na rin niya ang baby bottle at hinalikan ang bata sa noo. Hinele niya
ulit ito at hindi nagtagal ay nakatulog din naman ulit.
Nang masigurado niyang mahimbing na ito ay nilagay niyang muli sa crib. Tiningnan
niya ang wall clock ng kwarto. Inaantok pa siya pero masyado ng mataas ang sikat ng
araw kaya nagdesisyon siyang maligo na lang.
Matapos maligo at magbihis ay hinanda niya na ang mga gamit ni Ivo. Nang magising
si Ivo ay pinaliguan niya ito saka sila lumabas ng kwarto para mapaarawan niya ang
bata.
Tahimik ang buong kabahayan pagkalabas niya. Alas siyete na ng umaga at may mga
kasambahay na namang nasa kusina, ang iba ay nagdidilig na rin. Nagpasya siyang
pumunta na labg sa garden at doon paarawan si Ivo.
"Paaraw tayo, baby," kausap niya rito habang karga karga ito.
Natanaw niya pa si Cindy na dinidiligan ang mga bulaklak niya.
"Good morning, Maam Ivory, Baby Ivo!" masayang bati nito nang makita sila. Itinaas
niya ang maliit na kamay ni Ivo at pinakaway kay Cindy.
"Morning!"
Nakasandal ang likod ni Ivo sa kanyang dibdib at nakaharap ito sa mga bulaklak.
Nang matapos si Cindy ay nilapitan sila nito.
"Maam, handa na pala ang breakfast niyo kung gusto niyo nang kumain," sabi nito sa
kanya. Tumango siya.
"Si Ate Sally pala, gising na?" tanong niya. Nagkibit-balikat si Cindy.
"Baka kasama po nina manang sa kusina." Tumango ulit siya. Nagpaalam si Cindy na
mauuna na kaya naiwan sila ni Ivo roon.
Ipinasyal niya muna si Ivo sa buong garden bago sila bumalik sa loob. Dumiretso
siya sa hapag at may pagkain na nga roon. Sakto namang lumabas mula sa dirty
kitchen si Sally.
"Oh, kakain ka na? Akin na muna si Ivo," anito sa kanya. Tipid niya itong
nginitian.
"Ahh okay lang po. Kumain na po ba kayo? Sabay na lang tayo," sagot niya naman
dito. Ngumiti lang si Sally at lumapit sa kanya.
"Nagkape na kami roon. Hindi pa naman ako gutom. Akin na lang muna si Ivo at nang
makakain ka," giit nito. Bumuntong-hininga lang si Ivory ang ibinigay si Ivo kay
Sally.
"Napaarawan ko na po siya," sabi niya rito. Tumango naman ito at tumalikod na.
Bumuntong-hininga ulit siya at umupo na sa usual niyang inuupuan. Kukuha na sana
siya ng tinapay nang mabitin sa ere ang kanyang kamay.
Nakagat niya ang labi nang mahagip ng paningin niya ang pag-upo ni Xamuel sa palagi
nitong inuupuan.
"Manang, coffee please." Dinig niyang sabi nito. Napalunok siya at huminga nang
malalim.
Kinalma niya ang sarili at kumuha ng tinapay. Sinubukan niyang umakto nang normal
habang kumakain. Hindi niya ito kinibo pero ramdam na ramdam niya ang tingin nito
sa kanya.
Nanatili siyang nakayuko sa kanyang pagkain. Maya-maya pa ay tumikhim ito.
"Ivory…" Humigpit ang hawak niya sa tinapay.
"Ivory…" Mabilis siyang tumayo at dinala na lang ang sandwich na hawak.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito bago siya tuluyang lumayo sa dining.
Nagpunta siya ng sala at naabutan niya roon sina Sally at Ivo. Nilalaro ni Sally si
Ivo. Napangiti siya at tumabi rito. Inilapag niya naman ang platong may sandwich sa
center table.
"Hello, Ivo!" Sinubukan niya rin itong laruin. Napatingin naman si Sally sa kanya.
"Tapos ka nang kumain? Ang bilis naman yata?" tanong nito sa kanya. Ngumuso lang
siya at tipid siyang ngumiti.
"Okay na po ako," tanging sabi niya at kinagatan ang sandwich na dala. Bumuntong-
hininga lang si Sally sa kanya.
Buong araw niyang hindi pinansin si Xamuel. Nakailang attempt din itong kausapin
siya pero hindi niya ito pinansin at nanatili lang siyang abala kay Ivo.
Nasa stroller si Ivo habang siya ay nakaupo sa upuan. Nasa garden sila at
kasalukuyan niyang ka-chat si Jasmin.
"Ivory, merienda." Natigilan siya nang marinig ang boses na iyon. Bahagya siyang
nag-angat ng tingin pero agad ding umiwas.
Inilagay ni Xamuel ang tray sa lamesang nasa harapan niya bago ito umikot at
pumunta kay Ivo. Sandali nitong nilaro ang anak bago siya tiningnang muli. Hindi pa
rin siya nagsalita. Sa huli, narinig niya ang pagbuntong-hininga nito.
"I'll just go somewhere, baby. I'll be home later." Dinig niyang sambit nito. Alam
naman niyang si Ivo ang kausap nito pero hindi niya mapigilan mapalingon dahil
ramdam niya ang titig nito.
Nagpang-abot ang kanilang mga tingin pero siya naman ang agad na nag-iwas ng
tingin. Ipi okus niya ang atensyon kay Jasmin. Maya maya pa ay narinig niya ang
pag-alis ng mga yapak nito. Bumuntong-hininga siya at napatingin kay Ivo.
Bahagya niya hinaplos ang mukha nito. Napangiti siya. Ibinalik niya ang tingin sa
kanyang cellphone at sakto namang nagri-request si Jasmin ng video call.
Bumuga siya ng hininga at tinanggap ang request nito.
"Hi, friend!" hyper na bati nito sa kanya. Bahagya siyang natawa.
"Kumusta na?" tanong niya. Nagkibit balikat si Jasmin.
"Ito, enjoy na enjoy ang ate mo! Sis, grabe businesswoman na businesswoman ang peg
ko!" Natawa siya sa reaksyon nito. Napailing na lang siya.
"Excited na ako, te!" sabi pa nito. Napahalakhak siya.
"Ako rin, Jas," sabi niya.
"Nga pala, magpipirmahan na tayo ng kontrata kasama ang Legaspi Flower Farm kaso
wala pa raw iyong may-ari at nasa states pa. Ang sabi ay tatawag na lang daw kung
nakauwi na si Mr. Legaspi at nagbakasyon daw sa US. Ang sabi ko, tama lang kasi may
two months ka pang tinatapos diyan di ba," kwento nito sa kanya. Tipid siyang
ngumiti at tinanguan si Jasmin.
"Sige, Jas, mabuti iyan."
"And, oo nga pala, friend, iyong sa cosmetics naman ay okay na rin ang mga
suppliers natin. Ngayong weekend, titingnan ko na ang mga materyales. Sendan kita
ng video pagkatapos para makita mo rin. Super ganda nila bes! Nakakaganda, pramis!"
Tuwang tuwa ito sa mga kinukwento. Hinayaan niya na lang at nakinig na lang dito.
Nagchikahan lang sila ni Jasmin buong umaga. Nang mag tanghalian ay nagpaalam na si
Ivory kay Jasmin at pumasok na sa loob. Nagdalawang isip pa siyang pumunta ng
dining dahil baka nandoon si Xamuel.
"Wala si Xamuel, umalis kanina." Agad siyang napalingon kay Sally. Tipid lang siya
nitong nginitian. Bumuntong-hininga siya.
"Akin na si Ivo," anito sa kanya. Tumango lang siya at ibinigay na rin si Ivo rito.
Mag-isa siyang kumain ng tanghalian. Nang matapos ay bumalik siya sa sala at kinuha
na ulit si Ivo. Buong hapon niyang kasama si Ivo. Hindi niya ito inihihiwalay sa
kanya.
Wala rin si Xamuel maghapon. Ang sinabi lang sa kanya ni Cindy ay nagpunta raw ito
ng opisina. Hindi niya na lang pinansin. Ginugol niya na lang ang mga oras niya sa
pag-aalaga kay Ivo.
Kinagabihan nang pa-dinner na sila ay dumating si Xamuel. Kumunot ang noo ni Ivory
nang maging aligaga ang isang kasambahay at tinawag lahat ng kasambahay.
"Ate, no pong nangyayari?" tanong niya kay Sally. Nasa dining na sila at kakain na
sana. Hawak hawak niya si Ivo habang katabi si Sally.
"Ay hindi ko alam, hija."
"Manang Sally! Sa sala po tayong lahat, nandiyan na si Sir Xamuel, maya kasamang
bisita!" balita ni Cindy sa kanila at saka muling tumakbo papuntang kusina.
Nagkatinginan sila ni Sally.
Hindi alam ni Ivory kung bakit bigla siyang kinabahan. Hinele niya si Ivo at sabay
silang pumunta ni Sally sa sala. Nakahilera na ang mga kasambahay roon. Nasa may
gilid lang sila ni Sally.
Nanatili ang tingin niya sa main door. Ilang sandali pa ay bumukas ito at iniluwa
nito si Xamuel na seryosong seryoso ang mukha. Kasunod nito ay ang isanag babae.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Ivory nang makilala ang babaeng kasama ni Xamuel.
Maging ang mga kasambahay ay napasinghap nang nakita ang babae. Nakangisi ito at
nakapamewang.
Tumigil si Xamuel sa gitna at tiningnan silang lahat.
"Mula ngayon dito na titira si Mieralyn. Shelly, pakihanda iyong isang guestroom,"
utos nito sa isang kasambahay. Napuno nang bulong-bulungan ang buong sala.
Umawang ang bibig ni Ivory sa narinig. Napatingin siya sa babae na tila masayang
masaya sa narinig.
Iyon ang babaeng nagwawala noong isang araw, ang kapatid ng asawa ni Xamuel.
Humigpit ang yakap niya kay Ivo.
'Akala ko ba ayaw niya sa mga pamilya ng asawa niya? Bakit?'
Bumuga siya ng marahas na hininga. Naramdaman din niya ang pagkapit ni Sally sa
kanyang braso.
"Pakihatid na lang siya sa kwarto niya, Shelly," tanging sambit ni Xamuel at saka
umalis. Nilagpasan siya nito na para bang walang nakita.
Naiwan sila roon kasama si Mieralyn. Tiningnan niya ang babae. Nakapamewang pa rin
ito. Maya maya pa ay tinaasan nito ng kilay ang mga kasambahay.
"Oh, ano pang hinihintay niyo? Tsupi! And you, yaya, where is my room? Pagod na
ako. Hulas na hulas ang make up ko! Gosh! Gusto ko ng milkbath! Bilis!" Bahagya
nitong tinulak ang isang kasambahay at pakembot kembot na rumampa papunta sa
hagdanan na akala mo siya ang may ari ng bahay.
Hindi niya alam kung hindi siya nito nakita o sadyang wala lang itong pakialam sa
kanya.
"Iyong mga maleta ko!" sigaw pa nito habang paakyat.
Nagbulong-bulongan ulit ang mga kasambahay. Napatingin siya kay Sally ngunit
tanging paghagod lang sa kanyang likod ang naging sagot nito.
Napatingin siya kay Ivo tapos ay sa opisina ni Xamuel.
'Anong ginagawa ng daddy mo, Ivo?'
"Ivory, hija, mabuti pa ay kumain ka na muna tapos ay pumunta ka na sa kwarto mo
para makapagpahinga." Nilingon niya ulit si Sally pero tipid lang sita nitong
nginitian at inakay papuntang dining.
Nakatulala siya sa kanyang pagkain. Nasa tapat niya si Sally at sinasabayan siya.
"Hindi ko maintindihan, Ate Sally," panimula niya. Nag-angat siya ng tingin.
Huminga nang malalim si Sally.
"Ivory, sa totoo lang hindi ko rin alam kung anong tumatakbo sa isip ni Xamuel.
Mag-usap na kasi kayo, hija." Mariin niyang naipikit ang mga mata.
"Ang concern ko lang naman po ay si Ivo. Parang kailan lang sinabi niyang ayaw
niyang mapasama si Ivo tapos ngayon…" Natigilan siya at napabuga ng marahas na
hininga.
"Hindi ko talaga maintindihan."

Chapter 37
Kinabukasan, maagang nagising si Ivory dahil maaga ring nagising si Ivo. Pinaarawan
niya lang muna ang bata sa garden. Bukod sa iilang mga kasambahay ay hindi niya
nakita si Sally. Maging si Xamuel ay hindi rin niya napansin. Iyong bisita nila,
wala naman siyang pakialam.
Bumuntong-hininga siya at tiningnan si Ivo. Humigpit ang yakap niya sa bata. Ewan
ba niya, iba ang pakiramdam niya nang makita ang babaeng iyon kahapon. Bumuga siya
ng hininga.
Hindi niya talaga ma-gets si Xamuel. Alam niyang wala siyang karapatan sa pamilya
nito pero natatakot siya para sa bata. Dahil ba hindi siya pumayag na magpakasal
dito kaya pinatira na lang nito ang kakambal ng asawa dito? Ito na kaya ang gustong
mapangasawa ni Xamuel?
Nakagat niya ang labi nang makaramdam siya ng kirot sa kanyag dibdib. Hinalikan
niya si Ivo sa pisngi.
"Baby, hindi ko na alam ang nangyayari. Pero promise, hindi kita pababayaan."
Hinalikan niya ulit ang bata.
Maya maya pa ay nagdesisyon na rin siyang pumasok sa loob. Dumiretso sila ni Ivo sa
dining. May nakahanda ng pagkain roon pero wala siyang kasama.
Bumuntong-hininga siya at nilagay si Ivo sa stroller na nasa tabi niya. Ilang
sandali pa ay dumating si Cindy.
"Ay, good morning po, ma'am." Nginitian niya lang ito.
"Kunin ko po si Ivo para makakain kayo?" alok nito. Agad siyang umiling iling.
"Uhh, no need. Okay lang naman si Ivo dito." Mabilis niyang hinawakan ang stroller
ni Ivo. Tipid siyang ngumiti at agad na nag-iwas ng tingin.
"Okay po." Weird na tiningnan lang siya ni Cindy.
Nakagat niya ang labi. Hangga't maaari ay ayaw niyang mawala sa paningin niya si
Ivo. Hindi niya alam kung napa-praning siya o ano pero masama lang talaga ang kutob
niya sa kakambal ng asawa ni Xamuel.
Hanggang sa matapos siyang kumain ay nasa tabi lang niya si Ivo. Pagkatapos ay
lumabas ulit sila ng bahay. Gusto niyang makalanghap ng fresh air si Ivo kaya
ipinasyal niya na lang muna ito sa garden tapos ay nagpunta rin sila sa pool dahil
mas malamig ang hangin doon.
Tulak tulak niya ang stroller ni Ivo. Nakayuko siya rito at nagmi-make face.
Mukhang tuwang tuwa naman si Ivo at panay ang padyak ng mga paa nito. Bahagya
siyang natawa. Napailing siya at pupunta sana sa may mga sun lounger nang bigla
siyang matigilan.
Naabutan niyang nakahiga sa isang sun lounger si Mieralyn. Naka two piece pa ang
babae at naka sunglasses. Nakaunan ito sa dalawang kamay habang nakatingala.
Bumuntong hininga siya at babalik na lang sana sa loob ng bahay nang bigla naman
siya nitong nakita.
"Hey, kunin mo nga iyang towel." Dinig niyang sabi nito at tinuro ang towel na
nakasabit lang sa katabi nitong sun lounger. Kumunot ang noo niya at hindi ito
pinansin.
Tinulak niya na lang pabalik sa loob ang stroller ni Ivo. Nawalan na siya ng gana
na magpahangin sa labas kaya nanatili na lang silang dalawa ni Ivo sa kwarto nito.
Tutok na tutok siya kay Ivo buong maghapon. Noong nagtanghalian ay nagpadala lang
siya ng pagkain sa kwarto ni Ivo at doon na siya kumain. Ayaw niyang lumabas lalo
pa at wala pa rin hanggang ngayon sina Sally at Xamuel.
Hindi niya tuloy mapigilang magtaka. Miski isa kasi sa kasambahay ay walang
nakakaalam kung saan nagpunta ang dalawa. Weird talaga.
"Cindy, sabihan mo ako pag nandiyan na si Ate Sally, ha," bilin niya kay Cindy nang
kunin nito ang pinagkainan niya sa kwarto.
Kasalukuyan niyang pinapalitan ng damit si Ivo dahil dumumi ito kanina.
"Sige po, ma'am sasabihan ko po kayo." Tinanguan niya lang ito. Umalis na rin si
Cindy pagkatapos.
Pinatulog niya si Ivo at hindi niya namalayang nakatulog na rin pala siya.
***
Nagising na lang si Ivory na madilim na ang paligid. Napatingin siya sa wall clock
at mag-aalas sais na pala ng gabi.
Bumuntong-hininga siya at binalingan si Ivo. Napangiti siya nang gising na rin pala
ito.
"Drink ka ng milk, Ivo?" Kinuha niya ang baby bottle at pinainom dito. Hindi mawala
wala ang ngiti niya sa mukha habang nakatitig dito.
He's just too cute. Nang matapos painumin si Ivo ay nagdesisyon siyang bumaba.
Karga karga niya si Ivo habang pababa.
Kumunot ang noo niya nang makarinig ng parang sigawan sa baba.
"Tanga ka ba talaga?! Ang sabi ko diet coke! Bwisit! Bakit ang tatanga ng mga tao
rito!"
Habang pababa siya ay mas lalong naging klaro ang mga boses sa kanya.
"M-Ma'am s-sorry po w-wa-"
"Aba bwisit ka! Edi ikaw ang uminom niyan!"
Agad na napahinto si Ivory nang makitang sinabuyan ni Mieralyn ng hawak ng canned
coke ang isang kasambahay na kaharap nito.
Napasinghap ang mga kasambahay na nakapanood noon. Nanlaki rin ang mga mata niya at
napayakap kay Ivo
Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Mabilis siyang naglakad palapit kay
Mieralyn.
"Anong ginagawa mo?! Bakit mo siya sinabuyan?!" Hindi na niya napigilan ang pagtaas
ng kanyang boses.
Agad na napalingon sa kanya si Mieralyn. Humigpit naman ang yakap niya kay Ivo.
Bahagya siyang napaatras nang taasan siya ng kilay ni Mieralyn
"Aba bakit sino ka ba?" mataray nitong tanong at pinasadahan siya ng tingin. Ilang
sandali pa ay ngumisi ito.
"Hmm. I know you. Ikaw iyong wannabe surrogate ni Xamuel. Huh. Bakit, miss? Sino ka
ba sa tingin mo? Surrogate at yaya ka lang naman di ba?" Pinanlakihan siya nito ng
mata. Agad siyang nag-iwas ng tingin.
Hindi siya nakasagot.
Inirapan siya nito.
"Hindi mo naman kasi siya kailangang pagalitan at ipahiya," aniya. Pinaningkitan
siya ng mata ni Mieralyn.
"Wag mo akong pagsasabihan! Wala ka namang karapatan dito! Sampid ka lang!"
Agad siyang napaatras dahil sa sigaw nito. Matalim na nakatingin pa rin ito sa
kanya. Napalunok siya at napayuko, yakap yakap pa rin si Ivo.
"Akin na nga yang pamangkin ko!"
Nanlaki ang mga mata niya nang bigla nitong hablutin si Ivo mula sa kanya.
"Ano ba, magdahan dahan ka naman!" Biglang dumoble ang kaba sa kanyang dibdib
habang nakatingin kay Ivo na nagsisimula nang umiyak.
"Ano bang paki mo?!" balik sa kanya ni Mieralyn. Tuluyan nang umiyak si Ivo.
Nakagat ni Ivort ang labi.
"Bata yan! Akin na nga!" Sinubukan niyang kunun si Ivo ngunit inilayo ito ni
Mieralyn. Mas lalong pumalahaw ng iyak si Ivo.
Halos magpang-abot na ang hininga ni Ivory dahil sa sobrang takot.
"Ano ba! Wag mong idamay ang bata!"
"So? Pamangkin ko to!"
Niyugyog nito si Ivo kaya mas lalong umiyak. Nagtiim ang bagangni Ivory.
"Akin na! Ano ba! Nasasaktan ang bata!" Sinubukan niya ulit itong kunin pero
pinigilan siya ng isang kamay ni Mieralyn. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya sa
takot.
"Ayoko! Papapel ka ha!"
Umawang ang bibig ni Ivory sa takot nang mas umiyak si Ivo.
"Ano ba! Leche ka namang bata ka!"
Mas lalong kumulo ang kanyang dugo nang marinig iyon. Inisang hakbang niya ito at
pilit na kinuha si Ivo.
"Sinabing akin na! Ano ba umiiyak na!" Sinampal niya ito sa mukha kaya natigilan
ito.
Hindi ito agad nakagalaw kaya kinuha niya ang bata at tinakbo sa itaas.
"You bitch!" Dinig na dinig niya ang sigaw nito at ang pagsinghap ng mga nasa baba.
Binilisan niya ang pag-akyat habang sapo sapo ang umiiyak na si Ivo.
"Shhh. Andito na ako baby…shhh," alo niya rito habang papunta sa kwarto nito.
Akmang bubuksan na niya ang pinto nang biglang may humila sa kanyang buhok. Nanlaki
ang mga mata niya at humigpit ang yakap kay Ivo.
"Aray!" daing niya nang maramdmaan niya ang halos pagkakatanggal ng buhok niya sa
kanyang anit.
Her eyes widened in horror. Gustuhin niya mang tanggalin ang pagkakahawak nito sa
buhok niya, hindi niya magawa dahil karga niya si Ivo.
"Wag mo akong tatalikuran at wag na wag mo akong sasampaling you fucking bitch!"
Mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang buhok.
Tuluyan na siyang naiyak.
"Aray! Teka may bata!" Mangiyak ngiyak niyang sigaw nang hila hilahin nito ang
buhok niya.
"Tama na! Please si Ivo!"
"Mieralyn!"
"Jusko, Ivo!"
Naramdaman na lang ni Ivory ang pagkatanggal ng mga kamay nito sa kanyang buhok.
Agad na dumalo si Sally sa kanya at kinuha si Ivo. Tuluyan na siyang umiyak at
dinaluhan ang batang umiiyak.
"What the hell are you doing with Ivory?!" Xamuel's voice roared on the walls of
the corridor. Mahigpit nitong hawak si Mieralyn sa braso.
"Eh bwisit tong babaeng to e!"
"Tama na! In my office, Mieralyn!" Nanlisik ang mga mata ni Xamuel at agad na
hinila si Mieralyn pababa.
"Aray! Ano ba!" daing pa ni Mieralyn nang kaladkarin ito ni Xamuel pababa.
Naiwan doon si Ivory na yakap yakap si Sally na karga naman si Ivo.
"Sorry, baby. Sorry," umiiyak na sambit niya habang hinahagod ang likod ng umiiyak
na sanggol.
"Hija, Ivory, tama na. Pumasok na tayo. Patatahanin natin si Ivo.
Mas lalo lang siyang naiyak at napayakap kay Sally.
'I'm sorry, Ivo. Hindi kita naprotektahan. Sorry.'
***
Nakatulala si Ivory sa natutulog na si Ivo. Tuloy tuloy pa rin ang pagbagsak ng
kanyang mga luha habang nakatitig sa himbing na himbing na bata.
Takot na takot siya kanina nang bigla itong hablutin ni Mieralyn sa kanya. Hinding
hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may mangyari ritong masama.
Kinuha niya ang maliliit na kamay nito at hinalik halikan.
"Sorry, baby. Sorry. Hinding hindi ka na iiwan ni mommy. Hinding hindi na kita
hahayaang mawala sa paningin ko. Poprotektahan kita sa tita mong iyon. Hindi ka man
galing sa akin pero mahal kita at itinuturing kitang anak. Sana nga ako na lang ang
naging mommy mo, e."
Mas lalo siyang umiyak at niyakap ang natutulog na sanggol. Pinalibutan niya ito ng
unan at saka siya humiga sa tabi nito.

Chapter 38
Kinabukasan, hindi muling lumabas ng kwarto si Ivory. Nang puntahan siya ni Sally
ay sinabihan niya lang ito na doon na lang muna siya kakain.
"Wala si Mieralyn sa ibaba. Sigurado kang ayaw mo munang bumaba?" tanong ni Sally
sa kanya habang kumakaon siya. Karga karga nito si Ivo.
"Mamaya na lang po siguro. Papaarawan ko si Ivo."
Bumuntong-hininga si Sally at napatitig sa kanya.
"Huwag ka nang mag-alala, Ivory, Hinding hindi na mauulit iyon nangyari kahapon.
Hindi hahayaan iyon ni Xamuel. Kinausap niya na rin si Mieralyn."
Ngumuso siya at hindi sumagot.
Wala na siyang pakialam kung anong ginawa ni Xamuel sa babaeng iyon. Ang tanging
concern niya lang talaga ay ang bata na muntik nang mapahamak kahapon.
Kapag naiisip niya ang nangyari kahapon ay kumukulo na naman ang kanyang dugo at
umiinit ang kanyang ulo sa galit. Bumuntong-hininga siya at tinapos ang pagkain.
Pagkatapos paliguan at bihisan si Ivo ay saka siya bumaba kasama si Sally. Nakita
niya oa si Xamuel na papasok ng opisina pero hindi niya iyon pinansin. Dumiretso
sila sa garden at doon niya pinaarawan si Ivo.
Karga karga niya lang si Ivo habang si Sally ay nakaupo sa upuan sa gilid. Mas
naging paranoid lang yata siya dahil sa nangyari kagabi. Huminga siya nang malalim
at napatingin sa mga nakahilera niyang bulaklak. Marahan niyang inuugoy si Ivo
habang pinagmamasdan abg iba't iba niyang mga halaman.
Ilang sandali pa ay narinig niyang may kausap si Sally. Napalingon siya sa
kinaroroonan nito ata bahagya siyang natigilan nang makita roon si Xamuel na kausap
ng matanda. Napatitig siya sa lalaki. Ilang araw na rin niya itong hindi kinikibo.
Huminga siya nang malalim at akmang mag-iiwas na siya ng tingin nang lumingon ito
sa kanya. Nagkasalubong ang kanilang mga mata bago pa man siya makaiwas. Tumikhim
siya at hinele ulit si Ivo. Nakita niya namang naglakad ito palapit sa kanya.
Lumunok siya at nag-aktong hindi ito nakita. Nang makalapit ito ay natigil siya sa
pagyugyog kay Ivo. Nakita niyang yumuko ito at humalik sa bata. Nilaro laro pa nito
ang anak bago tumuwid ng tayo at tiningnan siya.
Hindi pa rin siya kumibo at pinanatili ang tingin sa ibang direksyon.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Akala niya may sasabihun ito pero yumuko
lang ito ulit at humalik kay Ivo bago tumalikod.
Nakahinga lang siya nang maluwag nang mawala na ito sa kanyang paningin. Ngumuso
siya at lumapit na kay Sally. Ramdam na ramdam niya ang mga titig nito.
"Akin na muna si Ivo?" tanong nito sa kanya. Tumango naman siya at ibinigay ang
bata. Si Sally lang talaga ang pinagkakatiwalaan niya ngayon kay Ivo. Hindi rin
naman siya umaalis sa tabi nito kaya nakabantay pa rin siya sa bata.
Umupo siya sa katapat na upuan ni Sally. Inabot niya ang pitsil ng juice at
nagsalin sa kanyang baso. Sinalinan niya na rin si Sally.
Pinagmamasdan niya lang na laruin ni Sally si Ivo habang siya ay umiinom ng juice.
Napangiti pa siya nang makitang nagpapadyak padyak na naman si Ivo.
Nang mag-angat siya ng tingin ay saka siya natigilan nang makita di kalayuan si
Mieralyn. May kausap ito sa cellphone.
Bigla siyang kinabahan lalo na nang lumingon ito at nagpang-abot ang kanilang mga
tingin. Ang akala niya ay tatarayan siya nito pero agad din naman itong nag-iwas ng
tingin.
Huminga siya nang malalim at napainom ulit ng kanyang juice. Nasapo niya ang
dibdib. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan pa rin siya. Hindi lang basta kaba
iyon. Kakaibang kaba na hindi niya maipaliwanag.
"Ivory, hija, okay ka lang?" nagtatakang tanong ni Sally sa kanya. Tipid lang
siyang ngumiti at bumuga ng hininga.
"Okay lang po manang medyo kinakabahan lang po ako. Hindi ko alam kung bakit."
Nagkibit-balikat siya. Bumuntong-hininga si Sally ang tinapik ang kanyang balikat.
"Ay nako baka naman grabe ka lang mag isip. Halika kain na lang tayo sa loob.
Masarap ang niluto ni Precy para sa tanghalian." Ngumiti ito sa kanya. Ngumiti na
lang din siya saka tumayo.
Kinuha niya si Ivo at dinala naman ni Sally ang pitsil at baso nila. Sabay silang
pumasok ng bahay. Pagdating nila sa dining ay wala roon si Xamuel pero naabutan
niyang naglalagay ng pagkain si Shelly sa isang tray.
Napatitig siya rito.
"Para kay Xamuel ba iyan, Shelly?" Hindi nita napigilang magtanong. Nag-angat ng
tingin ang batang kasambahay at ngumiti sa kanya.
"Opo. Sa opisina daw po siya kakain. Kain na lang po kayo, Maam Ivory." At umalis
na ito dala ang tray.
Huminga nang malalim si Ivory at nilagay si Ivo sa stroller nito. Nginitian niya
ang bata bago nagsimulang kumain. Inaya na rin niya ang ibang kasambahay para
saluhan siya dahil medyo nalulungkot din siyang mag-isa lang doon.
Hindi niya alam kung nasaan si Mieralyn at wala na rin naman siyang balak alamin
pa. Simula noong dumating ito noong isabg araw ay parang mas lumala ang gap nila ni
Xamuel. Kung noon ay sinusubukan siya nitong kausapin, ngayon wala na talaga.
Palagi itong nasa opisina o di kaya ay umaalis.
Bumuntong-hininga siya at tiningnang muli si Ivo. Nginitian niya ang sanggol na
nagpapadyak padyak na naman. Kahit alam niyang wala pa naman itong muwang sa
ginagawa ay tuwang tuwa pa rin siya rito.
Hinaplos niya maliit nitong mukha at muling ngumiti.
'Buti na lang nandiyan ka, baby. Di bale nang hindi kami nagpapansinan ng daddy
mo.'
***
Dumating ang hapunan at unang pagkakataon na nandoon sina Xamuel at Mieralyn kasama
ni Ivory.
Nagdalawang isip pa siya nang pagkatapos niyang umupo ay dumating ang dalawa. Gusto
niya sanang umalis pero pinigilan siya ni Xamuel.
"Dito lang kayo, Ivory. I wanna be with my son," malamig na sambit nito. Napalunok
siya at muling napabalik sa pag-upo.
Ayaw niya namang iwan si Ivo kasama si Mieralyn kahit na nandoon pa si Xamuel.
Paranoid na kung paranoid pero pagkatapos ng ginawa nito sa bata kagabi, hindi na
siya makakapayag na makalapit ito sa bata.
Wala rin naman siyang choice. Nasa dulo ng lamesa si Xamuel. Siya ang nasa bandang
kanan nito at napapagitnaan nila ang stroller ni Ivo sa kaliwa naman nito at tapat
niya si Mieralyn na walang humpay sa pag-check ng kuko.
Tahimik silang kumain. Ramdam niya ang tingin ni Xamuel sa kanya at panaka naka pa
siya nitong nilalagyan ng pagkain na akala mo ay okay sila. Tinatabi niya lang ang
mga inilalagay nito sa kanyang plato hanggang sa tumigil na rin sa paglalagay si
Xamuel.
Nanatili siyang nakayuko. Tanging mga tunog g kubyertos ang maririnig. Maya maya pa
ay tumikhim si Mieralyn.
"Xamuel, gusto kong mag shopping sa weekend. Isasama ko ang pamangkin ko." Agad na
napaangat ang tingin ni Ivory sa babae. Binalingan niya rin si Xamuel.
"Bakit mo pa isasama ang anak ko?" tanong ni Xamuel. Nakita niyang umirap si
Mieralyn.
"Duh. Para may bonding kami. Sama ko na rin itong yayey niya." Nginisihan siya nito
bago inirapan.
Ibinalik niyang muli ang tingin kay Xamuel.
'Wag kang papayag!'
Gusto niyang isigaw iyon pero wala namang lumalabas sa bibig niya. Bumuntong-
hininga si Xamuel.
"Just make sure you will be home early," anito na lubos na ikinagulat ni Ivory.
"Of course." Mieralyn smirked.
Hindi makapaniwalang tiningnan niya si Xamuel. She was hoping that he would change
his mind but he didn't say anything.
Hanggang sa matapos silang kumain ay hindi na ito nagsalita. Hindi pa rin siya
makapaniwala sa naging desisyon nito kaya ibinigay niya na muna si Ivo kay Sally at
pinapunta na ang mga ito sa kwarto ng bata.
Siya naman ay nagpunta sa opisina ni Xamuel. Ni hindi na siya kumatok at agad na
pumasok doon.
"Ivory…" tila gulat na gulat nitong sambit nang makita siya. Huminga siya nang
malalim.
"Pumapayag kang lumabas kami?" diretsong tanong niya. Kumunot ang noo ni Xamuel.
"Bakit?"
"So pwede ko nang asikasuhin ang negosyo ko?" balik niya rito.
Sandaling tumigil si Xamuel at tumalim ang tingin sa kanya. Tila nagbago na naman
ang mood nito.
"Di ba sabi ko tapusin mo muna ang kontrata mo?" malamig nitong sabi. Nangunot ang
noo niya.
"Pero-"
"Enough! Fucking go to sleep!" Bahagya siyang napaatras nang tumaas ang boses nito.
Nagsimula na siyang mainis. Hindi na siya pinansin ni Xamuel. Napailing iling siya
at saka walang sabing tinalikuran ito.
Pagdating niya sa kwarto ni Ivo ay agad siyang nag-half bath at nagbihis.
"Ako na po bahala diyan," aniya kay Sally at saka kinuha si Ivo rito. Pinahiga niya
ang bata sa kama at pinalibutan ulit ito ng unan saka siya tumabi rito.
***
Nagpabiling biling ang ulo ni Ivory nang hindi oa rin sita makatulog. Kanina pa
siya pumikit pero gising na gising pa ang kanyang diwa.
Napatingin tuloy siya kay Ivo na himbing na himbing sa pagtulog. Bumuntong-hininga
siya at hinalikan sa pisngi ang bata. Dahan dahan siyang bumaba ng kama. Kalkulado
ang mga galaw niya dahil baka magising si Ivo.
Tiningnan niya ang wall clock. Alas diyes na pala ng gabi. Huminga siya nang
malalim at nagpasyang lumabas para kumuha ng makakaing snacks sa ibaba. Baka
sakaling makatulog siya pag kumain.
Nasa kalahati siya ng hagdan nang bigla niyang mahagip ng tingin ang si Mieralyn
papasok sa opisina ni Xamuel.
Kumunot ang kanyang noo at sinundan ito. Nang makalapit siya sa may pinto ay
mabilis siyang natigilan.
"Ahhh... ohh!"
Nanlaki ang mga mata niya at nasapo ang kanyang bibig.
Para siyang natuod sa kinatatayuan. Akala niya ay pinaglalaruan lang siya ng
imahinasyon niya pero narinig niya ulit ang mga ungol
"Oh my gosh…ahh!"
Doon na siya napaatras at agad na napatakbo pabalik sa itaas.
Napasandal siya sa pinto matapos niyang isara iyon nang dahan dahan. Umawang ang
kanyang bibig at nanikip ang kanyang dibdib.
'Kaya pala ganoon na lang kung sundin niya ang babaeng iyon? Dahil may nangyayari
sa kanila?! Hindi lang ako pumayag na magpakasal, ganoon na?!'

Chapter 39
"Ivory, hija, kumain ka na. Sige na, baka kung mapaano ka pa, e. Dalawang araw ka
ng hindi kumakain. Nag-aalala na kami sa'yo. Ito si Ivo, o. Nag-aalala din ito
panigurado."
Marahang iniangat ni Ivory ang tingin at bumungad sa kanya ang inosenteng mukha ni
Ivo na nakatingin sa kanya.
Bahagya siyang ngumiti at inabot ang maliliit nitong kamay. Hinalik halikan niya
ang iyon at itinapat sa kanyang pisngi.
Nakahiga lang siya sa kama habang nakaupo si Sally sa gilid niya at karga karga si
Ivo.
Bumuntong-hininga siya at umupo sa kama. Damang dama niya ang pamumugto ng kanyang
mga mata. Mahapdi na iyon at halos hindi na niya maibuka ang kanyang mga mata.
Siguro dahil dalawang araw na rin siyang nakaganoon.
Napatitig siya kay Ivo. Huminga nang malalim si Sally at hinawakan ang kanyang
kamay. Pinahiga muna nito si Ivo sa harapan niya.
"Hija ano bang nangyayari sa'yo? Noong isang araw ka pa ganyan. Nag-aalala na ako
sa'yo. Ano ka ba namang bata ka."
Napatingin siya kay Sally. Unti unti na namang nag-iinit ang sulok ng kanyang mga
mata.
"A-Ate gusto ko nang umalis…" mangiyak ngiyak niyang sambit. Nakagat niya ang
kanyang labi. Bahagya namang nanlaki ang mga mata ni Sally.
"A-Ano? Ano bang pinagsasabi mo, hija?" naguguluhang tanong nito sa kanya. Humikbi
siya.
"P-Pwede bang i- breach na lang yung k-kontrata? M-Magsusupply pa rin naman ako ng
gatas kay I-Ivo. Hindi ko po siya p-pababayaan. A-Ayoko na lang dito, a-ate.
Tulungan m-mo naman ako…" Mariin niyang pinikit ang mga mata at mas lalong umiyak.
Suminghap si Sally at agad siyang niyakap.
"Jusko, ano bang nangyayari Ivory? Bakit ka nagkakaganyan?" sunod sunod na tanong
ni Sally pero hindi siya sumagot. Mas umiyak lang siya hanggang sa tanging paghikbi
na lang niya ang maririnig sa buong kwarto.
Hindi niya pa rin ito sinagot at humikbi lang nang humikbi.
Buong araw ulit na hindi lumabas. Nasa kwarto lang din niya si Ivo. Minsan
pinapasyal ni Sally ang bata sa garden pero binabalik din naman sa kwarto nito.
Noong nagtanghalian ay nanatili pa rin siya sa kwarto. Panay ang tanong ni Sally sa
kanya pero wala naman siyang sinasagot.
Nakahiga lang siya sa kama katabi ni Ivo. Nag-video call sila ni Jasmin kanina para
kumustahin ito sa negosyo tapos ay bumalik na ulit siya sa pagkakahiga. Ganoon lang
ang ginawa niya maghapon.
Nang dumating ang dinner ay hindi pa rin siya bumaba. Kasalukuyan siyang naka-
indian sit sa kama habang binibihisan si Ivo ng pantulog.
Nilaro laro niya pa ito habang pinapalitan ng diaper. Nasa ganoong posisyon siya
nang biglang may kumatok. Nag-angat siya ng tingin sa pinto.
"Ate Sally?" tawag niya pero walang sumagot. Maya maya pa ay dahan dahang bumukas
ang pinto.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang imbis si Sally ang nandoon
ay si Xamuel ang kanyang nakita.
May dala itong tray ng pagkain. Agad siyang nag-iwas ng tingin nang dahan dahan
itong naglakad palapit sa kanya.
"Ang sabi ni Manang Sally hindi ka lumalabas. Magdadalawang araw na." Inilagay nito
ang dalang tray sa may bedside table bago umupo sa kanyang tabi.
Bahagya siyang umusog pagilid. Napaigtad pa siya nang lumapat ang isang palad nito
sa kanyang noo tapos ay sa kanyang leeg.
"May sakit ka?" tanong nito sa kanya. Lumunok siya. Tinuloy ang pagbibihis niya kay
Ivo.
"W-Wala naman. Ayoko lang lumabas…" Hindi ito agad umimik. Natapos na niya ang
pagbihis kay Ivo kaya kinarga niya ito.
"Bakit ayaw mong lumabas?" Huminga siya nang malalim at hinele si Ivo.
"Wala lang. Mas gusto namin ni Ivo rito." Nakagat niya ang labi. Ayan pati si Ivo
nadamay na.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Xamuel.
"Kumain ka na. Akin na muna si Ivo." Akmang kukunin nito si Ivo sa kanya pero agad
niyang inilingan iyon.
"Okay lang ako. Hindi pa naman ako gutom." Nag-iwas siya ng tingin pero nagulat
siya nang hawakan siya nito sa bewang.
Gulat na gulat siya nang iniharap siya nito rito. Nagsalubong ang kanilang mga
tingin. Bumilis ang tibok ng puso ni Ivory.
Nagtagisan sila ng tingin. Napalunok ulit siya.
"Wag matigas ang ulo. Akin na si Ivo," matigas nitong sabi. Napabuga siya ng
hininga at sa huli ay pumayag na rin.
Ibinigay niya si Ivo rito. Agad namang tumayo si Xamuel at inugoy ugoy ang anak.
Napatingin na lang siya sa mag-ama.
'Ang ganda nilang tingnan.'
Huminga siya nang malalim at saka dahan dahang kinuha ang tray sa bedside table. Si
Xamuel ay nilaro laro muna si Ivo. Ang akala nga niya ay ilalabas nito ang bata
pero hindi. Umupo lang ito sa couch na nasa may bandang cr at doon nito nilaro ang
bata.
Nagbuga siya ng hininga at saka nagsimulang kumain. Tahimik niyang pinapakiramdaman
ang mag-ama. Mukha namang tuwang tuwa si Ivo na nilalaro ng tatay nito. Napailing
na lang siya.
Tinapos na niya ang pagkain at kukunin na sana si Ivo kay Xamuel pero nang tumayo
na siya ay papunta naman si Xamuel sa crib para ilagay ang natutulog ng si Ivo.
"N-Nakatulog?" alangang tanong niya tapos ang nakagat ang labi.
Bumuntong-hininga si Xamuel at tumango. Inayos muna nito ang higaan ng anak bago
tumuwid nang tayo at humarap sa kanya.
Bumuntong-hininga ulit siya at tinalikuran ito.
"Ihahatid ko lang ito sa baba."
Akmang kukunin na niya ang tray na dinala niyo nang biglang may yumakap sa kanya.
Tila natuod si Ivory sa kanyang kinatatayuan nang maramdaman ang mga labi ni Xamuel
sa kanyang leeg.
Agad siyang umigtad at marahang kinalas ang pagkakayakap nito.
"Excuse me, dadalhin ko lang ito sa ibaba." Lumunok siya at huminga nang malalim
para pakalmahin ang sarili.
Ngunit kukunin palang niya ulit ang tray nang bumalik na naman ang pagkakayakap ni
Xamuel sa kanya. This time, mas mahigpit na.
Nagpumiglas siya pero hindi ito gumalaw at mas hinigpitan lang ang yakap.
"Xamuel, ano ba," reklamo niya at muling sinubukang tanggalin ang pagkakayakap nito
pero wala pa rin.
"Xamuel, bitiw." Inipon niya ang kanyang lakas at mabilis na hiniklas ang
pagkakayakap ni Xamuel.
Nang makalas ang mga kamay nito sa kanyang bewang ay agad niyang kinuha ang tray at
akmang aalis na pero nahawakan naman siya agad ni Xamuel sa braso. Marahas niya
itong nilingon.
"Xamuel, ano ba!"
"May problema ba, Ivory?"
Agad siyang natigilan sa tanong nito. Pilit man niyang iwasan ang tingin nito ay
hinuhuli at hinuhuli lang din naman ni Xamuel iyon.
"Please, ibababa ko lang to, Xamuel." Kinagat niya ang labi.
"You don't have to, Ivory." Humigpit ang hawka nito sa kanya. Bumuntong-hininga
siya.
"Okay. Edi umalis ka na lang, please?" pakiusap niya. Agad na kumunot ang noo ni
Xamuel.
"What the hell, Ivory?"
"Alis na lang please..." Nakagat niya ang labi nang mag-init ang kanyang mga mata.
Umawang ang bibig ni Xamuel.
"Ivory…."
"Alis na!" Mabilis niyang iniwas ang tingin nang biglang tumulo ang kanyang mga
luha. Narinig niya ang malutong na pagmura ni Xamuel sa siya kinabig at niyakap.
"Shit. Why are you crying?" Bakas sa boses nito ang pag-aalala at pagtataka.
Pinaupo siya nito sa kama at kinuha ang hawak niyang tray.
Tuluyan na siyang humikbi nang humikbi.
"Ano ba, Ivory? Fuck." Umupo ito sa tabi niya at niyakap siya. Marahas niyang
hinawi ang kamay nito.
"Doon ka na lang kay Meiralyn pwede? Siya na lang!" Marahas niya itong nilingon.
Mas lalong kumunot ang noo ni Xamuel at tila gulat na gulay sa sinabi niya. Bahagya
itong napaatras.
"Wait? What the heck? Anong pinagsasabi mo?" takang tanong nito. Umiwas siya ng
tingin.
"Ivory, hey, what the hell are you talking about?! Talk to me, Ivs!" Hinawakan siya
nito sa magkabilang balikat tapos ay pinaharap siya rito.
"Ivory, what is happening? And why the hell are you pushing me to Mieralyn?! What
the hell?!" Masama niya itong tiningnan.
"Nakita ko kayo kagabi! Sa opisina mo, tapos ngayon gusto mo ako naman?! Wag naman
ganyan Xamuel! Porket hindi ako pumayag sa plano mo, ganoon na lang?! Dahil hindi
kita sinunod, ganoon na lang? Bakit ba hindi mo na lang ako pakawalan?! E may
Mieralyn ka na naman! Pakawalan mo na lang ako! Ang sakit sakit na e! Palagi ka na
lang ganyan! Napapagod din naman ako!" Mas lalo siyang humikbi.
Halos magpang-abot na ang kanyang hininga sa tindi ng kanyang hikbi. Nanatiling
nakaawang ang bibig nitp at hindi makapaniwalang tinitigan siya.
"Fuck, hindi ko alam ang sinasabi mo!"
Kinabig siya ni Xamuel at niyakap nang mahigpit.
"Noong umalis ka, umalis na rin ako! Hindi ko alam na pumasok siya sa opisina ko!
The hell!" Hikbi pa rin siya nang hikbi sa dibdib nito. Naramdaman niya ang
paghagod nito sa kanyang likod.
Kinagat niya ang labi at unti unting inangat ang tingin kay Xamuel.
"Bakit umuungol siya?" umiiyak niya pa ring tanong. Nanlaki ang mga mata ni Xamuel.
"I dont know! Fuck Ivory! Wala akong kinakalantari! Ikaw lang!"
Bago pa man siya makapagsalita ay muli siya nitong niyakap nang mahigpit.
Mas lalo siyang humagulgom sa dibdib nito. Napapikit si Xamuel at hinalikan siya sa
ulo.
"Oh god, baby. I fucking miss you so much."

Chapter 40
Nagising si Ivory sa palahaw ni Ivo. Pupungas pungas siyang bumangon.
"Hmm," ungol ng nasa tabi niya.
Nilingon niya ito at nakita nagkukusot na rin ng mata si Xamuel.
"Anong oras na?" tanong nito.
Tiningnan niya ang wall clock tsaka bumaling dito.
"Alas-sais na. Teka, umiiyak si Ivo." Kinuha niya ang kamay nitong nakadantay sa
kanyang tiyan.
Umalis siya ng kama at agad na kinuha si Ivo sa crib. Kinuha rin niya ang baby
bottle nito saka pinainom si Ivo.
Isinayaw sayaw niya ito habang pinapadede.
"Good morning." Nag-angat siya ng tingin at binalingan si Xamuel na nasa kama pa
rin. Nakasandal ito sa headboard habang nakatingib sa kanila ni Ivo.
Tipid niya itong nginitian.
"Morning din. Nagutom si Ivo," sabi niya rito at nginuso ang dumededeng sanggol.
Ngumisi si Xamuel at bumaba ng kama. Nilapitan siya nito at niyakap silang dalawa.
Bahagya siyang natigilan at napatingin sa kawalan. Humigpit ang yakap ni Xamuel sa
kanila. Natawa pa sita nang sumiksik si Ivo sa dibdib niya.
"Ang cute ng anak mo," wala sa sariling wika niya habang nakatitig kay Ivo.
Xamuel chuckled and rubbed his chin againsr her shoulder. Ivory heaved a sigh and
kissed Ivo's cheek.
Kusang tinanggal ni Ivo ang baby bottle at humikab pa. Natawa ulit si Ivory.
Inilapag niya ang baby bottle nito at pinaharap ito sa kanya para mag-burp.
Bahagyang lumayo si Xamuel. Lumipat ito sa kabila niyang balikat, nakayakap pa rin
ang mga kamay sa bewang niya.
Nanatili silang ganoon ng mga ilang minuto hanggang sa nag-burp si Ivo.
Bumuntong-hininga si Xamuel. Naramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang pisngi.
"I'm sorry. I'm sorry for everything," he said against her cheek.
Hindi siya nagsalita. Naramdaman niyang hinalikan siya nito sa ulo. Huminga siya
nang malalim. She could feel his hot breath on her neck.
"Everything is just messy right now Ivory, but dont worry, everything will be
alright," paos na sambit nito.
Hinalikan ulit siya nito sa ulo tapos ay lumipat ito sa kabilang side para si Ivo
naman ang halikan.
Bumuntong-hininga siya at nilingon si Xamuel. Saktong nakatingin naman ito sa kanya
kaya nagkasalubong ang mga tingin nila.
Nakagat niya ang labi nang ipinaglapat nito ang kanilang mga noo. Xamuel cupped her
face with his two hands. Napapikit siya nang hinalikan nito ang tungki ng kanyang
ilong.
"Let's get down for breakfast?" anito sa kanya. Huminga siya nang malalim at
napatitig dito.
May gusto siyang itanong tungkol sa nangyayari sa kanila pero pinili niyang huwag
na lang muna. Bumuntong-hininga ulit siya at tipid lang itong nginitian.
"Uhm s-sige. Tawagin ko na lang muna si Ate Sally para ibigay si Ivo. Mamaya pa ito
magigising ulit, e." Xamuel raised his hands in front of her face.
"Nah. I'll call manang," presinta nito tsaka ngumiti at pinatakan siya ng halik sa
labi.
Bahagyang pa siyang nagulat at napaatras. Tumalikod na si Xamuel. Nakagat naman
niya ang labi at napahalik na lang sa noo ni Ivo.
Maya maya pa ay dumating na rin si Sally at kinuha ang bata.
"Hinihintay ka na ni Xamuel sa ibaba." Nginitian siya nito.
"Masaya akong okay na kayo," dagdag pa nito sa kanya. Nakagat niya na lang ang
labi.
"Marami pa rin akong tanong, ate. Sobrang gulo pa rin," nakayukong sambit niya.
Bumuntong-hininga si Sally at hinawakan siya sa kamay.
"Anak, maging ako ay hindi alam kung ano nga ba anng nangyayari o ano nga ba ang
plano ni Xamuel at pinatira niya iyong kambal ni Leah...pero, Ivory, maniwala kang
walang gagawin si Xamuel na makakasama sa iyo. Wala siyang gagawin na makakasama sa
inyo ni Ivo. Ivory, maniwala ka sanang importante ka sa kanya, higit pa sa pagiging
surrogate mo… maniwala ka, hija. Alam kong ramdam mo iyon. "
Pinisil nito ang kamay niya. Nag-angat siya ng tingin at tipid itong nginitian.
Bumuntong-hininga siya.
"Uhm, sige po, bababa na ako," tanging sabi niya at tumalikod na.
Ipinilig niya ang ulo bago tuluyang lumabas ng kwarto ni Ivo.
Bumaba siya at nagtungo sa dining. Naabuta niya si Xamuel doon na parang nag-
aarrange ng mga pagkain. Agad na kumunot ang noo niya.
'Si Xamuel, nag-aarrange ng hapag?'
Bahagya siyang natawa at nilapitan ito. Naramdaman yata nito ang presensya niya
kaya lumingon ito. Tinaasan niya ito ng kilay.
"Marunong kang mag- ayos ng lamesa?" manghang tanong niya.
Nagsalubong ang kilay ni Xamuel.
"Tss. You underestimate me so much, baby," naiiling na sabi pa nito. Natawa siya.
Ngumisi si Xamuel at agad siyang hinapit sa bewang. Napakapit naman siya sa
dalawang braso nito.
"Let's eat?" bulong nito sa kanyang tenga. Nakagat niya ang labi tsaka tumango.
Narinig niya pa ang paghagikhik nito bago siya inalalayan sa pag-upo. Ngumuso siya
at sinundan ito ng tingin hanggang sa makaupo ito sa tabi niya.
"Eat well, baby. You have been skipping meals for two days," anito at nagsimulang
lagyan ng mga pagkain ang plato niya.
"Tama na, di ko naman mauubos iyan," reklamo niya nang sobrang dami ng nilagay nito
sa kanyang plato.
"Tss. Nangangayayat ka na, o," komento pa nito. Ngumuso lang ulit siya.
"Here, say a." Napabuntong hininga na lang siya nang subuan siya nito. Hindi niya
sana isusubo pero pinanlakihan siya nito ng mata kaya wala na rin siyang choice
kundi ang isubo iyon.
"You must really eat more, baby. Ayokong pumapayat ka," anito na ikinapula ng
kanyang pisngi.
Napahawak pa siya sa kanyang dibdib nang bahagya itong bumilis ng tibok. Kinagat
niya ang labi.
'Ito na naman po tayo sa ganitong pakiramdam.'
Bumuntong-hininga na lang siya.
"Anyway, I'll have a break today. Let's have a bonding with Ivo?" Nag-angat siya ng
tingin dito. Nakangiti lang ito sa kanya na para bang naghihintay ng sagot niya.
Huminga siya nang malalim at tipid na ngumiti.
"Sige. Picnic tayo sa garden?" suggest niya. Mas lalong lumapad ang ngiti ni
Xamuel.
"Aight, baby." He pinched her cheeks. She pouted. Tinawanan naman siya ni Xamuel.
Mas lalo tuloy siyang napanguso.
Sa huli at huminga siya nang malalim.
Napag-isip isip niyang parang dahil sa sobrang dami ng nangyari sa kanila nitong
mga nakaraang buwan, hindi na niya matandaan kung kailan siya huling ngumiti.
'Sana lang ay tumagal ito.'
***
Gaya ng pinangako ni Xamuel ay nag-set up ito ng isang picnis mat sa harap ng mga
bulaklak niya sa garden. May iba't ibang basket doon na may lamang mga prutas.
Nasa gilid ang stroller ni Ivo pero nagdala rin naman sila ng higaan nito na
inilatag nila sa picnic mat. Pinapagitnaan nilang dalawa ni Xamuel si Ivo na
naglulumikot ang mga paa at kamay.
Panay ang laro niya sa bata na para bang naiintindihan din ang ginagawa niya. Dinig
na dinig niya ang hagikhikan ng mga kasambahay na nakatanaw.
It brought her back to the time when she was still pregnany with Ivo, iyong mga
panahong wala pang Mieralyn na nanggugulo sa kanila. How she wish that she could
turn back time and just stay in that period forever.
Bumuntong-hininga siya at luminga sa buong paligid. Karga karga ni Xamuel ngayon si
Ivo. Speaking of Mieralyn, hindi niya nakita ni anino nito sa buong bahay mula pa
kanina.
Binalingan niya si Xamuel na busy sa pakikipaglaro sa anak.
"Xamuel, hindi ko yata nakita si Mieralyn?" tanong niya. Sandaling natahimik ang
lalaki tsaka lumingon sa kanya.
"She's just probably in her room. Don't mind her Ivory. Let's not spoil the day
okay?" sabi nito.
Bakas na bakas sa mukha nito ang pagkawala sa mood nang banggitin niya ang pangalan
ni Mieralyn.
Huminga siya nang malalim at tipid na ngumiti.
"Sorry. Tama ka, enjoy na lang natin ito. Mukhang nag-eenjoy din si Ivo,e." Ngumiti
siya at pinagmasdan ang bata.
Their day ended that way.
Noong mag-alas kwatro ay pinaligpit na rin ni Xamuel ang picnic mat at kinailangan
nitong makipagkita sa abogado. Naiwan naman si Ivory kasama si Ivo sa garden habang
nililigpit nina Cindy ang picnic mat.
Hindi na sila pumasok dahil mas mahangin doon at mas nakakarelax. Tulak tulak niya
ang stroller ni Ivo at iniikot nila ang garden nang bigla siyang mapahinto.
May naramdaman siyang parang may nakatingin. Hindi niya maintindihan pero
kinakabahan siya. Ayan na naman iyong kakaibang kaba sa kanyang dibdib.
Sa takot ay mabilis niyang kinuha at kinarga si Ivo. Tinawag niya lang si Cindy at
pinakuha ang stroller.
Pabalik na siya sa loob nang bigla namang may sumulpot sa kanyang harapan.
"Hi!" nakangiting bati ni Mieralyn pero halatang halata naman na plastic lang ang
mga ngiti nitp sa kanya.
Hindi siya sumagot. Ang weird ng ngiti nito. Hindi siya mapakali. Napalunok siya at
mabilis itong nilagpasan. Agad siyang naglakad papasok ng bahay. Bahagya niya pang
nilingon si Mieralyn na noon ay nakatingi din pala sa kanya. Kumaway pa ito nang
makitang nakalingon siya. Napalunok siya mabilis ding tumalikod.
Masama talaga ang kutob niya sa babaeng iyon. Hindi niya maipaliwanag.
Kinagabihan ay sabay ulit silang nag-dinner ni Xamuel. Silang dalawa lang at wala
si Mieralyn. Hindi niya alam kung saan na naman ito nagsuot pero buti na lang din
at ayaw niya itong makasama. Nawi-weirduhan pa rin kasi siya sa inasal nito kanina.
Hindi niya alam kung napaparanoid lang siya o talagang may nais itong ipahiwatig sa
kanya.
'Jusko, wag naman sana, please. Si Ivo...'
Bumuntong-hininga siya. Talagang paranoid siya sa kaligtasan ng bata.
Pagkatapos kumain ay dumiretso na siya sa kwarto ni Ivo habang si Xamuel naman ay
sa opisina dumiretso at may tatapusin daw. Pialitan niya si Sally sa pagbabantay
kay Ivo at siya na rin ang nagpatulog dito.
Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa noon si Xamuel na may
dalang dalawang unan. Kinunutan niya ito ng noo.
Inihagis naman nito ang dalawang unan sa kama bago siya niyakap mula sa likod.
"I'll sleep here with you two. I miss you so much." Ibinaon nito ang mukha sa
kanyang leeg.
Bumuntong hininga siya.
Okay sila ni Xamuel pero magulo pa rin. Magulo ang lahat.

Chapter 41
Dumating ang weekend at kasalukuyang nakahiga si Ivory katabi si Xamuel. Nasa
kwarto pa rin sila ni Ivo at nakasandal siya sa dibdib nito. Hagod hagod naman nito
ang kanyang buhok.
Nasa crib pa rin si Ivo at himbing na himbing ang tulog.
"Kailangan ko talagang sumama?" nakangusong tanong niya at tiningala ito.
Napatitig si Xamuel sa kanya at saka siyang pinatakan ng halik sa lips.
"Ivory please? I just need an eye there too. Baka kung anong gawin ni Meiralyn sa
bata…" Mas lalo siyang ngumuso at ibinaon ang mukha sa dibdib nito.
Humigpit ang yakap ni Xamuel sa kanya.
"Edi wag nang payagan. Bakit kasi pinayagan mo?" nagtatampong wika niya.
Bumuntong hininga si Xamuel at muli siyang hinalikan sa buhok.
"Baby, please….Now is not yet the time to throw Mieralyn out of the house. I need
more time, baby. Baka kung ano pang gawin niya sa inyo…"
Kumunot ang noo niya at muling tiningala si Xamuel.
Nakatitig lang ito sa kanya at saka tipid na ngumiti. Nakakunot pa rin ang noo
niya. Hindi niya maintindihan. Anong pinaplano nito? Bakit kailangang nasa bahay si
Mieralyn? Bakit ang bait nito sa babaeng iyon.
"Anong meron, Xamuel?" she tried asking again.
Hindi sumagot si Xamuel. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya. Maya maya pa ay
ngumiti ito at hinalikan siya ulit sa noo.
Ngumuso si Ivory at bumuntong hininga na rin.
"Please, baby… do it for me," he said against her hair.
Huminga siya nang malalim.
"Sige na nga."
Xamuel held her chin and made her looked up to him.
"Thank you baby," sambit nito at marahang hinalikan siya.
Otomatikong napapikit siya at napakapit sa braso nito.
Xamuel deepened the kiss. She felt light headed again. She felt her stomach
churning. His tongue savored every corner of her mouth.
Lumalim ang kanyang paghinga.
How she missed this feeling. Dahil sa dami ng mga nangyari ay ngayon lang ulit siya
nagkasolohan ni Xamuel at ngayon lang niya ulit natikman ang matatamis nitong mga
halik.
Napaawang ang bibig ni Ivory nang unti unti itong kumalas sa halik. Tinitigan siya
nito.
"I miss this damn lips." Muli siya nitong hinalikan. Napapikit ulit siya.
Xamuel rolled over which made her below him. Nakadagan na ito sa kanya pero hindi
pa rin pinuputol ang kanilang halikan.
Unti unti niyang naramdaman ang pagbaba ng isang kamay ni Xamuel sa kanyang dibdib.
Ivory moaned when Xamuel started massaging her breast. Bumaba na rin ang halik nito
sa kanyang leeg. Napaliyad siya at napapikit. Nakagat niya ang kanyang labi nang
lumapat ang dila ni Xamuel sa kanyang leeg. Napakapit siya sa buhok nito at
bahagyang napanganga.
Xamuel started sucking her neck while massaging her right breast.
"Xamuel…"
Pababa na sana ang halik nito sa kanyang dibdib nang bigla namang pumalahaw ng iyak
si Ivo. Pareho silang natigilan at nagkatitigan. She immediately laughed when
Xamuel frowned and groaned in frustration.
"Ughh... my son will be give me blue balls. Tsk." Agad na nag-init ang mukha ni
Ivory nang marinig iyon.
Hinampas niya si Xamuel.
"What?" takang tanong nito. Sinamaan niya ito ng tingin.
"Alam ko iyon ! Tabi nga, umiiyak na iyong anak mo!" Tinulak niya ito. Humalakhak
lang namab si Xamuel at tumihaya lang sa kama.
Siya naman ay nagmamadaking pinuntahan si Ivi sa crib at kinuha ito.
"Don't worry, baby, you'll have your bodyguards okay? Tsaka mabilis lang kayo roon.
Pagbalik mo, ibigay mo muna si Ivo kay manang." Narinig niya ang paghalakhak nito.
Sinamaan niya ulit ito ng tingi pero mas lalo lang tumawa si Xamuel.
Inis na inirapan niya ito.
***
Pagkatapis kumain ng breakfast ay nagbihis na rin si Ivory. Binihisan niya na rin
si Ivo at ni-prepare ang baby bag nito.
Bumuntong-hininga siya at sinara ang blue nitong baby bag.
"Ate, hindi ka ba talaga sasama?" nakangusong tanong niya kay Sally.
Ito ang may hawak kay Ivo habang naghahanda siya ng mga gamit na dadalhin nila sa
pag-shopping mamaya. Syempre kailangan niyang dalhin ang mga kakailanganin ni Ivo
in case.
Bumuntong-hininga si Sally at tumabi sa kanya.
"Hija, sinabi ko naman sa'yo di ba? Magtiwala ka lang kay Xamuel. Tsaka sabi nga
niya may bodyguards naman kayo." Napatitig siya rito at sa huli ay bumuntong-
hininga na rin.
Tipid na ngumiti lang si Sally at tinapik ang kanyang balikat.
"Sige na, baka tawagin na kayo," paalala nito. Huminga ulit siya nang malalim tsaka
tumayo.
Sukbit sukbit niya na ang baby bag ni Ivo. Tinulungan siya ni Sally na ipasok si
Ivo sa baby bag nito para hindi siya mahirapan sa pagkarga nito kapag maglalakad na
sila mamaya.
Sinabayan siya nito pababa. Nasa sala na si Mieralyn at handang handa na mula sa
gold bodycon na tube hanggang sa black pumps nito na pinaresan ng isang gold
clutch.
Hindi maiwasan ni Ivory na tumaas ang kilay. Sa mall lang naman kasi sila pupunta
pero parang sa isang party ang punta ng ootd nito. Siya nga ay naka-simpleng dresa
lang at sandals. Napailing na lang siya at tumikhim.
Agad namang bumaling sa kanya si Mieralyn. Ngumiti ito nang malapad at saka tumayo.
"Oh, hi there! Hello, baby pamangkin!" Nilaro laro nito si Ivo.
"Excited na ako! Tara na!" excited na sabi pa ni Mieralyn. Nag-iwas ng tingin si
Ivory at nilingon si Sally.
"Ate Sally pasabi na lang po kay Xamuel na umalis na kami," paalam niya rito. Tipid
na ngumiti lang si Sally at tinapik ulit ang kanyang balikat.
"Drivers and bodyguards! Lets go! Yayey, halika na!" sigaw ni Mieralyn at pakendeng
kendeng na naglakad palabas.
Bumuntong-hininga lang ulit si Ivory at sumunod na rin.
"Bye po," paalam niya kay Sally na tinanguan at kinawayan lang siya.
Nasa backseat silang dalawa ni Mieralyn. Nakalagay sa pagitan nila ang baby bag ni
Ivo. Panaka naka niyang tinitingnan ang babae. Ewan ba niya kung bakit siya
kinakabahan at hindi komportable pag kasama ito. Wala naman itong ibang suspicious
na ginagawa. Panay lang ang tingin nito sa kuko tapos ay nagpi-picture.
Napailing na lang siya at binalingan si Ivo na nakasubsob sa dibdib niya. Napangiti
siya at hinagod hagod ang ulo nito.
'Hay, Ivory. Wag kang paranoid. Marami kayong guards. Tama si Ate Sally, hindi ka
pababayaan ni Xamuel. Magulo ang lahat pero hinding hindi ka pababayaan ni Xamuel.'
Bumuntong-hininga ulit siya at niyakap na lang si Ivo.
***
Pagdating nila sa mall ay agad na namili si Mieralyn. Kung saan saang boutique ito
napadpad habang siya naman ay nakasunod dito kasama ang isang guard na may hawak ng
baby bag ni Ivo.
"Oh my gosh! Ang gaganda!" Dinig niyang bulalas ni Mieralyn at kinuha halos lahat
ng mga naka-display sa boutique na iyon.
Napahinga siya nang malalim at umupo na lang sa couch.
Pinanood niyang mag-shop nang mag-shop si Mieralyn. Halos hindi na nga magkanda
ugaga ang isa lang guard na may dala ng mga paper bags na pinamili nito.
"Ikaw, Ivory? Won't you shop?" tanong nito at nilingon siya. Tipid na ngumiti lang
siya.
"Okay lang ako. Ikaw na lang." Tinaasan lang siya nito ng kilay saka ito nagkibit-
balikat.
Hindi niya na lang ito pinansin at nag-focus ulit kay Ivo.
Ilang minuto silang nanatili roon hanggang sa ma-satisfy ito sa mga pinamili.
Lumipat din naman sila sa ibang boutique.
Napailing na lang siya. Bumalik na nga iyong isanag bodyguard sa sasakyan para
ilagay iyong first wave ng mga binili nito.
"After this sa department store tayo. I'm gonna shop for my very very cute
pamangkin!" anito at nilaro laro ang pisngi ni Ivo.
Tipid na ngumiti lang ulit siya. Tumalikod din naman agad si Mieralyn at nagpatuloy
sa pagkuha ng mga damit. Napahikab tuloy siya. Inaantok na siya sa tagal ng
pamimili nito. Ni hindi na nga niya mabilang, e.
Napasandal siya sa likod ng sofa at pinagmasdan ang tulog na si Ivo. Maging si Ivo
nga ay nakatulog na rin sa paghihintay sa tita nito.
Humikan ulit siya nang biglang nag-vibrate ang phone niya. Kumunot ang noo niya at
kinuha ang cellphone.
Ngumuso siya at sinagot ang tawag ni Jasmin.
"Hello, friend! May update ako! Oh my gosh! Excited na ako! Oks na oks na ang
cometics natin!" excited na balita nito. Napangiti siya.
"Wow! Excited na rin ako, Jas! Pero pasensya ka na ha, hindi pa talaga ako
makakalabas..." Ngumuso siya.
"Ay sus! Okay lang nga! Ito naman,oo! Papaalam ko lang na pa ready na tayo.
Naintindihan ko naman sitwasyon mo. Gora lang ako rito, gurl!" Napangiti siya.
"Wait, saan ka ba? Baka pwedeng magkita tayo?" pag-iiba nito ng topic. Ngumuso
siya.
"Sa mall. May pinasamahan lang si Xamuel," sabi niya. Ayaw na niyang banggitin pa
si Mieralyn sa kaibigan.
"Ahh okay. Pwede ka naman palang lumaba. Next time tayo naman lumabas!"
"Sige, Jas."
"Okay, sige bye na sis! Tumawag lang ako para sa updates!" Mas lalo siyang
napangiti.
"Sige, bye, Jas."
Tinapos niya ang tawag at muling humikab. Sasandal na sana siya sa likod nang
saktong lumabas naman si Mieralyn.
"Tara na! We're shopping for my baby pamangkin!" anunsyo nito. Tumayo naman siya
agad at sinundan ito.
Natagpuan niya na lang ang sariling nasa department store na at kung ano ano na ang
pinaglalagay ni Mieralyn sa cart nila. Hinayaan niya na lang.
Mga bagong damit, sapatos at laruan ang mga binili nito para kay Ivo. Hindi niya
tuloy maiwasang mapangiti.
May care din naman pala kasi si Mieralyn sa pamangkin pero hindi pa rin siya dapat
magtiwala ng buo rito.
Halos isang oras ang ginugol nila roon hanggang sa ma-satisfy na ito sa mga
pinamili nito oara sa bata.
Nang nasa cashier na sila ay bigla namang umiyak si Ivo.
Agad niya itong inalo at hinele hele pero hindi pa rin ito tumitigil.
"Shhh, baby, tahan na," alo niya pero iyak pa rin ito nang iyak. Lumingon sa kanya
si Mieralyn.
"Ivory pwede na kayong mauna sa sasakyan kaya ko na to." Agad na kumunot ang noo
niya.
"Ha?" Umirap ito.
"Umiiyak na yang pamangkin ko o. Baka pagod na. Mauna na kayo roon," ulit nito.
Sandali siyang natigilan at napatango na rin.
"Ah sige."
"Iwan mo na lang ang dalawang guards. Marami anag pinamili ko," bilin nito sa
kanya.
Bahagyang kumunot ang kanyang noo pero may punto naman ito. Siya na lang mag-isa
ang nagpunta ng parking lot. Inaalo alo niya pa rin si Ivo. Unti unti na rin naman
itong tumatahimik at muli nang nahimbing.
Pagdating niya sa parking ay saka niya napagtantong wala nga pala siyang susi ng
sasakyan. Nasapo niya na lang ang noo.
"Mabilis na lang naman siguro iyon," bulong na lang niya at inugoy ugoy si Ivo sa
gilid ng sasakyan.
Bahagya siyang lumingon lingon. Hindi niya alam pero parang may nakamasid sa kanya.
Bigla siyang kinabahan at napayakap kay Ivo. Inalerto niya ang tingin. Bumigat ang
kanyang paghinga nang may narinig siyang papalapit na yapak. Humigpit ang kanyang
yakap kay Ivo.
Napalunok siya at dahan dahang lumingon pero bago pa man siya makalingon ay may
tumakip ng panyo sa kanyang ilong. Nagpumiglas siya pero unti unti siyang nawalan
ng lakas.

Chapter 42
Nagising si Ivory dahil sa masangsang na amoy. Agad siyang napabangon nang
maramdaman niyang wala na ang baby bag na yakap yakap niya kanina. Nanlaki ang mga
mata niya at agad na hinanap si Ivo ngunit mabilis ding napahinto at nasapo ang
batok. Napapikit siya nang makaramdamn ng pagkahilo.
Nang medyo maging okamay tumakip ng panyo sa kanyang ilong. Nagpumiglas siya pero
unti unti siyang nawalan ng lakas.y okay na siya ay agad siyang dumilat at
nagpalinga linga sa paligid. Biglang rumehistro ang kakaibang kaba sa kanyang
dibdib nang hindi niya alam kung nasaan siya.
Ang nakikita niya lang ay ang malawak na karagatan at isang malaking ferry boat na
nakadaong.
Napaawang ang kanyang bibig.
'Nasa pier ako? Paano ako nakaabot dito?'
Natataranta na siya nang mapagtantong malayo ito sa mall na pinanggalingan niya
kanina. Natataranta na siya habang kinakapa ang matigas na sementong kanyang
kinalalagakan. Gusto niyang tumayo pero hilo pa siya at baka sumubsob lang din siya
ulit kapag pinilit niya.
Kinagat niya ang labi para pigilan ang pag-iyak. Ramdam na ramdam niya ang
panginginig ng buong katawan niya habang mangiyak ngiyak na sinusuyod ang paligid.
"Ivo? Baby! I-Ivo!" nanginginig ang mga labi niyang sigaw ma para bang maririnig
siya ng sanggol at sasagutin siya nito.
"Ivo!" she shputed at the top of her lungs as tears started to roll down her
cheeks.
Hindi niya maintindihan! Nasaan siya? Bakit siya napunta rito sa pier? Ni hindi
niya alam kung nasaan ng pier na ito. Para itong isang abandonadong pier ma matagal
ng hindi ino-operate.
Hindi niya alam kung iyong malaking ferry sa harap niya ay umaandar pa. Malaki iyon
pero parang luma at kinakalawang na.
Mariing naipikit ni Ivory ang mga mata at naitukod ang dalawang kamay sa magaspang
na semento. Ramdam na ramdam niya ang hapdi ng mga maliliit na batong natutukuran
ng dalawa niyang kamay.
Napayuko siya at tuluyan nang humikbi.
"Ivo…nasaan ka baby? Ivo!"
Dumiin ang pagkakakagat niya sa kanyang labi. Kinapa niya ang kanyang suot na dress
pero wala na roon ang kanyang cellphone. Mas lalo siyang nataranta at napaiyak.
Nahihilo man ay pinilit niyang tumayo. Wala na siyang pakialam kung magkandasubsob
man siya o hindi basta mahanap lang niya si Ivo at makaalis lang sila sa lugar na
iyon.
Nang makatayo siya nang tuwid ay mas lalo siyang umiyak at huminga nang malalim.
Akmang hahakbang na siya paalis nang biglang may tumulak sa kanya dahilan para
masubsob siya ulit sa lupa.
Agad siyang lumingon at nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang taong hindi
niya inaasahan makikita pa niya ulit.
"T-Tiyang?" gulat na gulat niyang sambit.
Nasa harapan niya ang isang babaeng nasa early fifties na. May hawak itong yosi.
Nakamalaking t-shirt at malaking jersey shorts. Buhaghag ang buhok nito at
nakakuros ang mga braso habang nakatitig sa kanya. May mga malalaking lalaki itong
kasama sa likod. Pamilyar ang mga iyon sa kanya. Mukhang iyon ang mga kasama ng
kanyang tiyahin noon kapag humihithit.
"Hi Ivory. Kumusta na." Umawang ang kanyang bibig at takot na takot na napatitig sa
kanyang tiyahin.
"T-Tiyang ano to?! Bat ako nandito? P-Paano niyo ako n-nakuha? Ang bata? Tiyang wag
iyong bata…nasaan si Ivo, tiyang?" Mas lalo siyang umiyak pero sa halip na sumagot
ay ngumisi lang ito.
Napaatras si Ivory nang dahan dahang lumapit sa kanya ang kanyang tiyan. Nakangisi
pa rin ito.
Umiling iling siya habang halos gumagapang na papalayo sa tiyahin niya. Mas ngumisi
ang tiyahin niya at mas humalakhak.
"Akala mo makakatakas ka na sa akin dahil lang may pera ka na?! Ha! Tangina mong
puta ka! Wala kang utang na loob! Ganoon ganoon na lang?! Hindi!"
"Ahh! Tiyang!" daing niya nang hinawakan nito nang mariin ang kanyang buhok.
"Tiyang please!" Sinubukan niyang tanggalin ang kamay nito pero agad na rumesbak
ang mga kasamahan nito at hinawakan siya sa magkabilang kamay.
"Pasok puta ka!" Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto ang gustong mangyari sa
kanya.
"Tiyang, ano ito?! Tiyang! Tiyang!"
"Pasok! Ipasok niyo iyan!"
"Tiyang!"
Nagpupumiglas siya sa mga lalaking nakahawak sa kanya pero sobrang lakas ng mga
iyon kaya wala na rin siyang nagawa nang ipasok siya ng mga ito sa ferry. Akmang
tatakbo siya palabas nang bitiwan siya ng mga ito pero agad namang may dumutdot sa
kanya papasok.
Nanlaki ang mga mata niya nang pumasok ang maraming babae dahilan para matulak siya
palayo sa entrance.
Mas lalo siyang nataranta at pilit na tumalon talon para makita ang kanyang tiyang
sa labas.
"Tiyang teka! Tiyang!" Halos pumutok na ang kanyang litid sa sigaw na iyon.
"Bye, Ivory! See you when I see you, bitch!"
Nalaglag ang kanyang panga nang makita sa tabi ng kanyang tiyahin si Mieralyn.
Nakangisi ito habang kumakaway sa kanya.
"Tiyang! Pakawalan mo ako rito! Tiyang!" Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang lakas
sa pagsigaw pero wala na siyang nagawa nang sumarado na ang ferry.
"Hoy! Puta ka, ang ingay ingay mo!"
Napalingon siya sa kanyang paligid. Halos lahat ng nandoon ay nakatingin na sa
kanya. Halos lahat din ng nandoon ay mga babaeng may makakapal ang make up.
Nakasuot ng mga sexy na damit.
Mataray siyang tinitingnan ng mga ito habang siya ay hindi na alam ang gagawin. Mas
lalo pa siyang nagpanik nang maramdaman niya ang pag-andar ng ferry.
Isa isa nang umakyat sa hagdan ang mga kasama niya. Mangiyak ngiyak naman siyang
nagpalinga linga para makahingi ng tulong pero agad namab siyang tinulak ng isang
lalaki para makaakyat na.
Tuluyan na siyang humikbi pagkadatin nila sa itaas ng ferry. Nayakap niya ang
sarili habang ang iba ay isa isa ng pumwesto sa mga regular na upuan.
Pinagtitinginan siya ng mga ito.
Hindi na niya alam ang gagawin. Gulong gulo ang kanyang utak. Saan siya dadalhin ng
tiyahin niya? Nakipagsabwatan ito kay Mieralyn? Paano siya nito nahanap?
Libo libong tanong ang tumatakbo sa kanyang isipan ngayon pero wala siyang magawa
kundi ang umiyak nang umiyak.
Naalala niya si Ivo. Anong gagawin ng mga ito sa bata? Si Xamuel? Alam na ba nito
ang nangyari sa kanya? Baka kung anong gawin ng mga iyon kay Ivo!
Mariin siyang pumikit at yumuko. Yakap yakap pa rin niya ang sarili habang
nakasandal sa railing.
"Hoy mga puta! Pagdating doon dapat wala nang hiya hiya ha!"
Nag-angat siya ng tingin nang marinig iyon. Dumoble ang kaba sa kanyang dibdib.
Nilingon niya ang mga kasama at mas kinabahan siya sa mga ayos ng mga ito.
Kinapa niya ang sarili. Wala siyang ni isang dala. Mas lalo siyang naiyak.
Pinaghalong takot, galit at kung ano ano pa ang ang kanyang nararamdaman.
'Xamuel, nasaan ka? Iligtas mo ako please…'
Tuluyan na siyang napaupo sa gilid ng railings habang yakap yakap pa rin ang sarili
at patuloy pa rin sa pag-iyak.
***
Wala pa ring tigil ang pag-agos ng luha ni Ivory habang nakatitig sa malawak na
karagatan. Hindi niya alam kung nasaan na sila. Ni hindi niya alam kung ilang araw
na ba silang naglalayag pero mukhang magdadalawa pa lang naman.
Hindi niya alam ang gagawin. Ang lalagkit pa ng mga tingin ng mga lalaking kasama
niya. Iyong mga babaeng nandito ay tila wala namang pakialam kung paano sila
titigan ng mga lalaki. Kung minsan pa nga ay nakikita niya itong gumagawa ng
milagro sa kanyang harapan.
Napaiyak ulit siya.
Kanina ay sinubukan niyang makitawag sa mga mababait na babaeng nakilala niya pero
wala ring mga cellphone ang mga iyon. Sa kanila rin niya nalaman na mga prostitute
pala ang mga ito at ipapadala sila sa ibang lugar para magputa.
Mas lalo lang siyang umiyak nang malaman iyon.
Hindi siya papayag! Hinding hindi siya magpuputa!
"Hoy, mga puta. Maghanda na kayo at padaong na tayo!"
Bigla ay napatayo si Ivory sa narinig. Pinagmasdan niya ang isang islang
pinupuntahan ng barko. Malamang ay yan na ang sinasabig pupuntahan nila.
Biglang bumilis ang tibok ng kanyang dibdib at agad na napatingin sa mga kasama na
naghahanda na sa pagbaba.
Nangunot ang noo niya. Hindi niya maintindihan kung bakit parang tanggap na ng mga
ito ang kahihinatnan.
Mariin niyang ipinilig ang kanyang ulo.
'Hindi. Hinding hindi ako magiging katulad nila. Hindinh hindi nila pagkakakitaan
ang aking katawan.'
Nag-igting ang kanyang panga at mariing napahawak sa railing. Tanaw na tanaw na
niya ang islang pagdadaungan ng barko. Mas humigpit ang kanyang hawak sa railing at
bumaling sa dagat na dinadaanan ng barko.
Napalunok siya.
'Mas pipiliin kong mamatay kaysa babuyin niyo.'
Huminga siya nang malalim at marahas na pinahid ang kanyang luha. Walang
pagdadalawang isip na umakyat siya ng railing at tumalon sa dagat.
"Hala iyong isang babae!"
Hind niya pinansin ang mga sigawam sa barko, sa halip ay mabilis siyang lumangoy
palayo roon. Hindi niya alam kung saan siya papunta. Wala aiyang pakialam. Ang
importante makalayo siya roon.
'Kaya mo yan, Ivory. Mas malala pa ang dinanas mo noon. Kaya mo yan!'
Hindi siya tumigil sa paglangoy. Hindi niya rin alam kung nakalayo na siya o ano
pa. Basta lumangoy lang siya nang lumangoy. Nakakaramdam na siya ng pagod pero
hindi siya tumigil. Mas nadagdagan pa ang kanyang pag-asa nang makakita siya ng
isang malaking styrofoam na nakalutang.
Mas binilisan niya ang paglangoy. Nang maabutan iyon ay pagod na isinampa niya ang
dalawang kamay roon. Naipikit niya ang kanyang mga mata.

Chapter 43
"Omg buhay pa ba?"
"Buhay siya Cali."
"Thank god! Natakot ako! Shocks!"
Naalimpungatan si Ivory nang makarinig ng mga boses. Kumunot ang kanyang noo at
sinubukang dumilat. Kumurap kurap pa siya nang masilaw siya sa ilaw na nakatapat sa
kanya.
Nang maka-adjust ang kanyang mga mata ay saka siya dumilat.
Sumalubong sa kanya ang isang babaeng nakangiti at lalaking naka coat ng puti. Nag-
uusap ang mga ito at mukhang hindi napansin na gising na siya. Sinubukan niyang
igalaw ang kanyang isang kamay kaya napatingin ang babae sa kanya.
Bahagya pang nanlaki ang mga mata nito nang makita siyang nakadilat.
"Hi! I'm so glad you're okay! Oh my god, AJ!" Kinalabit nito ang katabing lalaki.
"Nasaan ako?" Sinubukan niyang bumangon pero agad siyang pinigilan ng lalaki.
May nakasabit na stethoscope sa leeg nito at naka-white coat ito kaya napagtanto
niyang isa itong doctor.
"Miss, wag ka munang gumalaw. Baka mahilo ka. May sprain ankle ka rin," anito kaya
napatingin siya sa kanyang ibaba. Nakabenda ang kanyang kaliwang paa. Nakaswero
naman ang kanyang isang kamay.
Nasapo niya ang kanyang ulo at napasandal na lang ulit sa higaan. Pumikit siya at
pilit na inalala ang mga huling nangyari. Ang alam niya ay tumalon siya sa barko
kanina at lumangoy palayo pero pagkatapos noon ay hindi na niya alam ang nangyari.
Bumuntong-hininga siya at dumilat nang maramdaman niyang may humawak sa kanyang
kamay.
Nakita niya ang babaeng kasama ng doctor kanina. Napalinga tuloy siya sa paligid.
Puro puti. Siguradong nasa isang medical facility siya. Hindi niya lang sigurado
kung clinic o hospital.
"Alam kong marami kang questions pero save that for later. Chill ka muna. Doctor
ang boyfriend ko. You're in a safe clinic." Nginitian siya ng babae.
Bumuntong hininga at napapikit na lang ulit
Sinunod niya ang sinabi nito. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya ulit.
***
Hindi niya alam kung anong oras na nang magising siyang muli. Nadatnan na lang niya
ang babaeng tumulong sa kanya kanina na nakaupo sa visiting chair na katabi ng
kanyang kama
Dahan dahan siyang bumangon. Agad naman siyang tinulungan ng babae. Pinataas nito
ang itaas na bahagi ng kama niya para magmukha siyang nakaupo.
"Okay na? Comfortable?" tanong nito.
Tipid siyang ngumiti at marahang tumango. Inayos nito ang kanyang paa at kumot.
"AJ said na hindi naman daw ganoon kalala ang sprain mo. Mukhang may nasipa ka raw
na malaking bato nang lumalangoy ka kaya ganoon." Nakangiti pa rin ito sa kanya.
Dahan dahan siyang tumango. Hindi niya talaga maalala ang mga nangyari pagkatapis
niyang lumangoy palayo sa barko.
"Uhm oo nga pala, I forgot, I'm Caleiah nga pala." Inilahad ng babae ang kamay nito
sa kanya. Tinanggap niya naman ito.
"Ivory." The girl shook their hands.
"Hi, Ivory, nice to meet you." Ngumiti ito nang malapad. Ngumiti rin siya pabalik.
Huminga siya nang malalim at tiningnan ang paligid.
"N-Nasaan ako?" tanong niya dahil bukod sa puting mga dingding ay rinig na rinig
niya ang agos ng alon mula sa dalampasigan. Nakikita niya rin mula sa bintana ang
asul na asul na dagat.
"Hmm nasa Bantayan Island, Cebu ka. Iyong boyfriend ko, may medical mission and
iyong sister ko at asawa niya nagbabakasyon dito. Some rescuers saw you sa
dalampasigan kanina. Nagtaka nga kami kasi paano ka napunta rito? AJ said you're
one lucky girl kasi sa dalampasigan inanod ang styrofoam na nasampahan mo. Wala
namang shipwreck sa malapit. If you don't mind, what happened to you?" Kumunot ang
noo nito.
Agad siyang nag-iwas ng tingin. Ramdam niya ba naman ang panginginig ng kanyang
katawan habang inaalala ang mga nangyari sa kanya.
"Nasa mall lang kami ng baby ko. Pumunta kami ng parking para hintayin ang kasama
namin tapos biglang may tumakip sa ilong ko. Nahilo ako. Pagkagising ko nasa isang
pier na ako. Ni hindi ko alam kung saang pier iyon. Tapos pilit akong pinasakay
noong tiyahin ko sa isang lumang ferry. Hindi ko alam ang gagawin kaya nang makita
kong padaong na kami ay tumalon ako tapos iyon na…"
Naitakip ng babae ang isang kamay nito sa bibig.
"Oh my gosh, may baby ka na? Wait, saan ka ba galing?" Yumuko siya.
"Manila…"
"What? Hala ka-"
Hindi na natapos ng babae ang sasabihin nito nang biglang bumukas ang pinto.
Iniluwa noon ang doctor na tumingin sa kanya kanina na boyfriend daw ng kasama niya
ngayon. May kasunod itong isang babae at lalaki. Iyong babae ay hawig na hawig sa
katabi niya pero mas maamo ang mukha ng babaeng kanyag katabi.
"O gising na pala siya," ani ng doctor at lumapit sa hospital bed niya
Agad na tumayo si Caleiah at nilingon ang boyfriend. Nang makita nito ang dalawa
pang tao ay lumapit ito roon. Ang doctor naman ay lumapit sa kanya at chineck ang
paa niya.
"Cai, taga manila siya!" Dinig niyang sambit ni Caleiah sa babaeng bagong dating.
Kumunot ang noo ng isang babae at agad na lumingon sa janya
"Ano? Nakidnap ka ba, miss?" Naglakad ito papunta sa kanyang hospital bed. Yumuko
siya.
"Pilit akong pinasakay ng tiyahin ko sa barko. Yung barkong sinakyan ko parang
barko ng bugaw," kagat labing tugon niya.
"Oh my god. 'Yan yung na raid ng police kanina! Buti na lang hindi ka nasama roon!"
Agad siyang nag-angat ng tingin at hindi makapaniwalang napatingin sa babaeng
kasama ni Caleiah.
Hindi siya nakapagsalita at napalunok na lang. Bumuntong-hininga ang babae at
inilahad ang kamay nito sa kanya.
"I'm Cairish Castilleja- Del Rio. I'm a lawyer, Miss. I can help you."
Umawang ang labi ni Ivory sa sinabi nito. Biglang nag-init ang sulok ng kanyang
mata at sumibol ang katiting na pag-asa sa kanyang puso.
"T-Talaga? T-Tutulungan niyo ako?" mangiyak ngiyak niyang tanong.
Ngumiti iyong Cairish at umupo sa kanyang paanan. Hinawakan nito ang kanyang kamay.
"Miss, I don't know what your story is, but I cam see that you are in pain right
now. Ang pinaka ayoko sa lahat ay iyong may taong pinagkakaitan ng hustisya at
tinatapakan. My job is not the most nobke job in the country, but I always tell
myself to do noble deeds through it." Pinisil nito ang kanyang kamay.
Hindi niya alam pero mas lalo lang siyang naiyak sa sinabi nito.
Bumuntong-hininga ito at tinapik ang kanyang balikat.
"I will help you, but you need to get better okay? You will newd strength if you
want ot punish your abductors." Tipid siya nitong nginitian bago tumayo. Bumaling
ito kay Caleiah.
"Anyway, we need to go, Cai. May pupuntahan pa kami ni Des." Tumango lang si
Caleiah dito.
Bumaling ito sa kanya at kinawayan ulit siya tapos ay umalis nito kasama ang
lalaking kasama nitong pumasok kanina. Sumunod din namang lumabas ang boyfriend ni
Calieah kaya naiwan silang dalawa roon.
Umupo si Caleiah sa kanyang kama.
"Gusto mong kumain? Mukhang hindi ka pa kasi kumakain e," sabi nito. Nakagat niya
ang labi at mahinang tumango. Ngumiti si Caleiah at kinuha ang isang tray.
"Ito o, eat ka muna," anito.
"Salamat," sabi niya naman at nagsimulang kumain.
Tinolang isda at kanin iyon. Naalala niya tuloy si Sally at si Ivo. Kinabahan ulit
siya. Baka kung anong ginawa ng mga iyon kay Ivo!
"Okay ka lang?" tanong ni Caleiah nang mapansin ang pagkabalisa niya. Tipid siyang
ngumiti.
"Ahh oo, okay lang. " Yumuko siya ulit at kumain na.
Sandali siyang natahimik bago siya muling nag-angat ng tingin.
"Uhmm Caleiah…" tawag niya. Agad naman itong bumaling sa kanya.
"Call me Cali na lang," anito. Tumango siya.
"Cali…"
"Yes?"
Bumuntong-hininga siya. "Uhm iyong babae kanina, kaano ano mo?"
"Hmm. My twin. And yes, she's a lawyer so wag kang mag-alala at tutulungan ka
talaga niya. She works in PAO before pero ngayon nasa prosecutor na siya."
Nagkorteng o ang kanyang bibig. Ngumiti si Cali.
"She's really attach to cases that involves women kaya whenever she gets the
chance, tumutulong talaga siya." Kumunot ang kanyang noo.
"Asawa niya iyong kasama niya kanina?" Tumango tango si Cali.
"Pamilyar siya," aniya. Humalakhak lang si Cali.
"Bakit?" kunot noong tanong niya. Nagkibit balikat ito.
"Well, he's just the son of the former president." Nanlaki ang mga mata ni Ivory.
Tinawanan lang ulit siya ni Caleiah.
"Don't be too starstruck though. Focus tayo sa paggaling mo. May aasikasuhin lang
sina Cairish. Pagbalik noon, pwede ka nang kausapin tungkol sa nangyari sa'yo."
Huminga siya nang malalim at tumango na rin.
Bumalik siya sa pagkain. Gaya ng sabi ni Cali ay nagpahinga lang siya nang araw na
iyon. Hindi naman siya na-bored dahil nandoon si Caleiah. Kahit paano'y na-relax
din siya at hindi na masyadong nag-isip pero naroon pa rin ang kaba niya. Hindi
siya mapapakali at mapapanatag hangga't hindi niya nasisigurong safe si Ivo.
Kinahapunan ay kinailangang umalis ni Caleiah at may pupuntahan daw. Ibinilin lang
siya nito sa isang nurse na kasama rin sa medical mission.
Bumuntong-hininga siya at tumagilid. Tanaw na tanaw niya ang kulay orange ng
kalangitan mula roon. Nakagat niya ang labi at napapikit.
'Lord sana okay lang si Ivo. Sana rin alam na ni Xamuel ang nangyari sa akin.
Please sana ligtas si Ivo…'

Chapter 44
Kinanukasan ay naging okay na rin ang paa ni Ivory. Hindi na rin siya nahihilo kaya
ni-discharge na siya sa maliit na clinic na iyon. Dinala na muna siya ni Caleiah sa
pinagsi-stay han nitong hotel di kalayuan sa pinag-admit-an sa kanya.
Doon niya nalaman na ang kinaroroonan niya pala ay isang isla sa Cebu. Maraming
tourist spots doon kaya dinadagsa ng turista. Malayo ito sa mainland Cebu.
Kakailanganin pang sumakay ng ferry bago ka makarating doon mula sa mainland Cebu.
Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung anong pier ang pinanggalinyan ng
ferry na sinakyan niya at nakaabot siya rito. Ang sabi ni Caleiah ay napilitan daw
sa Bantayan Island dumaong iyong ferry na sinakyan niya dahil may nakaabang ng mga
pulis sa pagdadaungan sana nito sa Cebu mainland. Mabuti na lang pala talaga at
tumalon siya roon kung hindi, baka nasa kulungan na siya ngayon.
Inilibot niya ang tingin sa buong resort na pinasukan nila. Dito naka-check in ang
magkapatid na Castilleja at sabi ni Cali, kakausapin na siya ni Cairish mamaya
tungkol sa nangyari sa kanya.
"Ahh, Cali, ano na palang nangyari roon sa ferry na sinakyan ko?" hindi napigilang
tanong niya.
Nagkibit-balikat si Cali.
"I don't know, e. But for sure, nasa mga autoridad na iyon. " Ngumiti ito sa kanya.
Tumango naman siya.
"Tara. Your room is upstairs," anito at iginiya siya sa elevator. Dala dala niya
ang mga pinamili nitong mga damit sa kanya mula sa mga souvenir shops.
Pagkarating na sa second floor ay may binuksan itong isang kwarto. Napamaang pa
siya nang makitang ang laki noon. Nakagat niya ang labi. Medyo nahiya siya dahil
alam niyang mahal ang kwartong iyon.
Pagkapasok ay umupo siya sa malaking kama na nasa gitna. Tinabihan naman siya ni
Cali.
"Dito ka na muna mag-stay, ha? Cairish will just see you here mamaya. May sinusundo
kasi sila ni Des na mga kaibigan sa mainland," anito. Tumango lang siya rito.
"Thank you, Cali. Pagkabalik ko ng Manila, babayaran kita sa mga nagastos
mo,"nahihiyang sabi niya ritp pero umirap lang ito.
"Sus! No need! Hello? Okay lang no! I am helping you, hindi kailangan ng bayad
okay?" Tinapik siya nito. Napanguso tuloy siya. Cali chuckled and stared at her.
"If you think of it, you're pretty, a. Anak mayaman ka ba?" Mabilis siyang umiling.
"Hindi. Ulila na nga ako. Nagkatrabaho lang…basta komplikado…" Napakamot siya ng
ulo.
Narinig niya ang pagtawa ni Cali.
"Hmm. Mukha ngang complicated ang life mo. I'll just wait for Cairish's
interrogation later na lang," natatawang sabi nito at tumayo.
"Let's order room service muna para magpalipas ng oras. Bored din kasi ako kaya
sasamahan na lang kita. Nasa medical site pa kasi si AJ," kwento nito saka tumawag
sa telepono.
Napangiti siya habang nakatingin dito. Naalala niya si Jasmin. Bumuntong-hininga
siya. Mamaya, makikitawag siya kay Caleiah para tawagan si Jasmin.
***
"May idea ka ba sa mga kumuha sayo at nagpasok sayo sa barkong iyon?"
Bumuntong-hininga si Ivory sa tanong ni Cairish. Magkaharap sila ngayon sa couch ng
kanyang kwarto. Katabi niya si Caleiah at nasa tapat naman nila si Cairish. Di
kalayuan sa kanila ay ang asawa naman nitong may katawagan sa cellphone. Kadarating
lang nito mula mainland Cebu at agad itong dumiretso sa kanya.
Napayuko siya.
"Iyong tiyang ko at yung kapatid ng dating asawa ng boyfriend ko…" Nakagat niya ang
labi. Hindi nita pwedeng sabihin ang totoong relasyon nila ni Xamuel dahil mas
magiging komplikado lang. Isa pa, ang gusto niyang parusahan ay ang tiyang niya at
si Mieralyn.
Oh my ang complicated, Cai?" komento ni Cali. Bumuntong-hininga siya.
'Kung alam mo lang na mas complicated pa diyan ang buhay ko.'
Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Cairish.
"Bakit nila ginawa iyon? Alam mo ba? May atraso ka ba sa kanila?" Nag-angat siya ng
tingin at marahang umiling.
"Hindi ko rin alam…"
Totoo naman. Hindi niya alam kung bakit ginagawa ni Mieralyn ang bagay na ito. Alam
niyang hakog ito sa pera, pero ano nga ba naman amg kinalaman niya sa pera ng mga
Cuanco?
Bumuntong-hininga si Cairish at napatingin sa kanya. Tumikhim ito.
"I hope you don't mind pero sino bang boyfriend mo?" Napalunok siya sa tanong nito.
Nagdadalawang isip siya kung sasabihin ba ang pangalan ni Xamuel o ano.
Sa huli ay huminga siya nang malalim.
"Uhmm…X-Xamuel Cuanco…" Agad siyang napakagat ng labi. Kumunot ang noo ni Cairish
at napalingon sa asawa nitong naglalakad na rin palapit.
"Des, does it ring a bell? Xamuel Cuanco. Parang he's from the corporate world,"
anito. Sandaling napahinto si Des at nagkatinginan ito at si Cairish.
"Kind of familiar, but I'm not sure." Hindi niya alam kung bakit tila nabunutan
siya ng tinik sa sinabi nito.
Tumango tango si Cairish at muling bumaling sa kanya
"Uhm listen here, Miss Ivory. Madali lang ito kasi kilala mo ang naging abductor
mo. Ang sabi mo ay may kasama kang bata. We still don't know kung anong nangyari sa
anak mo, so it would be better to call Manila first before we make our move. Kung
ang tiyahin mo ang nagdala sa'yo sa ferry na iyon na puno ng prostitute, maaaring
isa siya sa amga contact na bugaw ng sindikatong may hawak ng prostitution scheme
na iyon. Pinaiimbestigahan na ng mga pulis lahat ng koneksyon ng ferry na iyon so
baka masali ang tiyahin mo. If you want to file a separate case for the what she
did to you, we can once we get bac to Manila. We can help you get back to Manila
pero kasi hindi pa kami pwedeng umuwi. We have stuff to do here. It would be
dangerous naman kung pauuwiin ka namin nang mag-isa. For now, you can call anyone
na related sa'yo para ipaalam sa kanila kung nasaan ka, pero sabihin mong wag na
munang ipagsabi na ligtas ka at nandito. That's for their safety na rin dahil baka
nga kasali ang tiyahin mo sa sindikatong iyon. Okay ba? Do not worry, I will help
you sa abot ng aking makakaya."
Marahan siyang napatango kay Cairish.
"Thank you talaga," mahinang sambit niya. Tipid lang siyang nginitian nito.
"You also need rest, miss. Siguradong pagod ka sa lahat ng mga nangyari sa'yo,"
segunda naman ng asawa ni Cairish.
Tumango ulit siya. Kinagat niya ang labi at bumaling kay Cali na nakahawak lang sa
kanyang balikat.
"Pwede bang tawagan ko bestfriend ko?" tanong niya. Agad namang tumango at tumayo
si Cali.
"Sige, sure. Here." Inabot nito ang cellphone sa kanya. Tumayo na rin sina Cairish.
"Iwan ka na muna namin," paalam nito sa kanya.
Nagpasalamat ulit siya bago umalis ang mga ito. Nang siya na lang ang nandoon ay
napaupo siya sa couch at naiiyak na denial ang number ni Jasmin.
Matapos ang ilang ring ay sumagot na ito.
"Hello? Sino to?" Naitakip niya sa bibig ang isang kamay nang marinig ang boses
nito.
"J-Jasmin..." mangiyak ngiyak niyang sambit.
"Ivory?! Jusko! Ikaw ba yan?!" Napapikit siya nang mariin at tuluyan nang bumagsak
ang mga luhang kanina pa nagbabadya.
"Ako to Jas…" mahinang sambit niya rito.
"Hala! Anong nangyari sa'yo! Gulong gulo ang mga tao rito! Jusko, Ivory! Nasaan
ka?! Oh my gosh!" Napalunok siya at pinahid ang mga luha.
"Jas, si Ivo? Nasaan si Ivo?" Kinagat niya ang labi para pigilan ang paghikbi.
"Nasa bahay nina sir!" Doon siya nabunutan ng tinik at nakahinga mang maluwag.
"Safe ba siya?"
"Oo! Pero bigla kang nawala sa mall. Pinaghahanap ka nina sir! Ano bang nangyari?!
Ivory, sabihin mo! Jusko!"
Napapikit siya at tuluyan nang humikbi.
'Salamat at safe si Ivo.'
"Ivs ano?! Kinakabahan ako! Jusko naman!"
Huminga siya nang malalim at kinalma ang sarili.
"Ivory nandiyan ka pa ba?!" Lumunok siya at nagbuga nga marahas na hininga.
"Nandito ako Jas…"
"O, anong nangyari?!"
Bumuntong-hininga ulit siya.
"S-Si tiyang… ipinasakay niya ako sa isang ferry ng mga prostitute, J-Jas… hindi ko
alam kung saan at paano niya ako n-nakita pero tingin ko kasabwat niya si
Mieralyn-"
"Ha? Sinong Mieralyn?! Tsaka akala ko ba may mga bodyguard ka? Paanong nangyari na
nakuha ka ng tiyang mo?"
Mariin ulit siyang napapikit.
"A-Ang complicated, Jas, e…si Mieralyn kambal ng dating asawa ni sir. Basta ayaw
niya sa akin…ilang beses niya nang pinagtangkaan ang buhay ko noong buntis pa ako…
hindi ko alam kung anong gusto niya bukod sa gusto niyang kamkamin ang mga
kayamanan ni Xamuel…hindi ko maintindihan Jas. At hindi ko rin alam kung paano sila
nagkakilala ni tiyang at bakit niya nalamang may tiyahin ako…gulong gulo na rin
ako…"
Mas lalo siyang humikbi. Narinig niya ang pagsinghap ni Jasmin sa kabila.
"Jusko, Ivory. Ano ba itong nangyayari, sa'yo!"
Hindi siya nakasagot. Iyak pa rin siya nang iyak.
"Teka, paano ka nakatakas doon sa ferry? Kasama mo pa rin ba ang mga prostitute?"
sunod sunod nitong tanong sa kanya. Bumuntong hininga siya.
"H-Hindi na, Jas…tumalon ako sa dagat kaya hindi ako nakasama sa kanila." Isang
malakas na pagsinghap ulit ang pinakawalan ni Jasmin.
"Jusko naman Ivory!"
Mariin na lang siyang napapikit habang tuluyan pa ring umaagos ang kanyang mga
luha. Narinig na rin niya ang bahagyang paghikbi ni Jasmin sa kabila. Mas lalong
rumagasa ang mga luha sa kanyang pisngi.

Chapter 45
"Jusko, Ivory ano ba ito. Okay ka lang ba diyan?"
Marahang pinahid ni Ivory ang mga luha saka bumuntong-hininga.
"May tumulong sa akin. Okay lang ako rito, Jas." Narinig niya ang pagbuntong-
hininga ni Jasmin sa kabila.
"Nako! Sasabihin ko ito kay Sir Xamuel!" Agad siyang naalarma sa sinabi nito.
"Jas, teka!" pigil niya rito.
"O, bakit?!" Bumuga siya ng marahas na hininga.
"Pwede ka bang makipag usap sa kanya nang kayo lang? Please, Jas…Please. Puntahan
mo siya. Tatawagan mo ulit ako sa number na ito. Please…"
"Ha? O sige sige." Halata sa boses nito ang pagdadalawang isip pero pumayag din
naman.
"Salamat, Jas."
"Sige. Tatawagan kita ulit ha." Tumango tango siya na akala mo'y nakikita ni
Jasmin.
"Basta siguraduhin mong kayo lang, okay?" Narinig niya ang pagbuntong -hininga ni
Jasmin sa kabila.
"Oo, Ivs."
Pinutol niya ang tawag at napasalampak sa likod ng couch. Ilang minuto pa ay
bumalik si Cali at may dalang isang supot.
"Hi. Uhmm I just brought you food," anito sa kanya. Nakagat niya ang labi.
"Uhm Cali, pwede bang pahiram muna nito? Pinatawag ko kasi ulit ang bestfriend ko
para magkausap kami ng boyfriend ko." Bahagya siyang namula pagkasabi ng boyfriend.
Ngumiti naman si Cali sa kanya.
"No problem! My room is just beside yours, ha. Iyong 304. If you want to talk to
someone or have someone to eat with. Katok ka lang," sabi pa nito. Napangiti siya.
Hindi na niya napigilan ang sariling tumayo at niyakap ito.
"Salamat talaga." Bahagya pa itong nagulat pero agad din namang tinapik ang kanyang
balikat.
"No problem, Ivory. Sinabi ko naman sa'yo di ba." Kumalas ito sa yakap.
"Una na ako, ha. Go talk to your family first." Tinapik siya nito sa balikat bago
ito tuluyang tumalikod. Napangiti ulit siya.
Bumalik siya sa pagkakaupi at hinintay ang tawag ni Jasmin. Ilang minuto pa ang
nakalipas at tumawag na nga ito. Napabalikwas siya ng upo at kaagad itong sinagot.
"Hello?"
"Ivory?"
Sandali siyang natigilan nang marinig ang boses na iyon. Bumigat ang kanyang
paghinga at nag-init na naman ang sulok ng kanyang mga mata. Kinagat niya ang labi.
"X-Xamuel…" mangiyak niyak niyang sambit.
"Fuck. What happened to you?! Where are you?!" Mariin siyang napapikit sa sigaw
nito. Hindi siya agad nakasagot dahil sa pag-iyak.
"Ivory!" Huminga siya nang malalim at kinalma ang sarili. Nang kalmado na siya ay
muli siyang nagsalita.
"Xamuel, makinig ka okay? Si Ivo… please alagaan mo. Si Meiralyn, kinuntsaba niya
iyong tiyang ko. "
"What?" Dinig na dinig niya ang galit sa boses nito. Bumuntong-hininga siya.
"Sa parking, naghihintay ako sa kanya habang nagbabayad siya kasi umiiyam na si
Ivo. Tapos biglang may tumakip ng panyo sa ilong ko kaya nawalan ako ng malay.
Pagkagising ko nasa abandonadong pier na ako at wala na sa akin si Ivo. Pinadala
nila ako sa barkong sakay ang mga pokpok pero tumalon ako. Napapad ako rito sa
bantayan island sa cebu. May tumulong sa akin kaya ako nakatawag sa inyo. Xamuel…
kung ano mang kasinungalingan ang sinabi ng babaeng iyon sa'yo, wag kang maniwala
please… nagsasabi ako ng totoo… b-baka may balak siyang masama kay Ivo…please wag
mong ihihiwalay ang bata… baka kung anong gawin niya kay Ivo…Xamuel…" Muli ay hindi
niya napigilan ang mapahikbi.
Malutong na nagmura si Xamuel sa kabila.
"I'm gonna kill that bitch! I'll have you fetch, Ivory." Nanlaki ang mga mata niya.
"Wag!" agad niyang naibulalas.
"What?" takang tanong nito sa kabila. Napalunok siya at huminga nang malalim.
"O-Okay naman ako. Please ayokong iwan mo si Ivo. Mapagkakatiwalaan ang mga taong
tumulong sa akin. Sasabay ako sa kanila pauwi. Please si Ivo lang, nag-aalala ako
sa kanya. Please, kayo ang mag-ingat diyan baka kung anong gawin ni Mieralyn sa'yo,
Xamuel…sa inyo ni Ivo…" Nakagat niya ulit ang labi. Narinig niya ang pagbuntong
hininga ni Xamuel.
"Okay. Don't worry. Manang Sally is here to protect him. And that bitch, I am going
to hunt her down, baby." Mariin siyang pumikit at tumango tango.
"Sige... siguraduhin mo lang ma safe si Ivo, please. Panatag na ako…" Bumuntong-
hininga ulit si Xamuel.
"Ivory…" Bumuga siya ng hininga.
"Xamuel, okay lang ako. Iyong bata na lang please. Babalik din naman ako diyan.
Sasabay ako sa mga tumulong sa akin…" marahang sambit niya. Xamuel sighed in
defeat.
"I don't know why you don't want me to fetch you, but can I atleast know their
names?" She presses her lips together.
"Uhm magkapatid sila. Si Caleiah Castilleja at Atty. Cairish Castilleja- Del Rio…"
wika niya. Sandaling natahimik ang kabilang linya.
"What? Is Desiderius there?" Agad na kumunot ang noo niya.
"Huh?"
"Cairish's husband, baby…" Umawang ang kanyang bibig. Magkakilala ang mga ito?
"Ah oo kasama. Kilala mo?" takang tanong niya. Nasapo niya ang noo pagkatapos.
Bakit nga naman hindi kilala ni Xamuel, e anak ito ng dating presidente. Baka nga
may koneksyon pa ito at si Xamuel dahil pareho lang naman ang mundong ginagalawan
ng mga itp.
"Yeah." Napatangi tango siya.
"Oh. Okay." Bumuntong-hininga ulit si Xamuel.
"I'll check on you from time to time okay? Please let me know kung kailan kayo
uuwi. Mabuti na rin sigurong nandiyan ka habang inaasikaso ko pa lahat ng gusot ko
rito." Bahagyang kumunot ang kanyang noo sa huli nitong sinabi. Gusto niya sanang
magtanong kung ano iyon pero pinili niyang wag na lang.
"Basta si Ivo Xamuel please …" sabi niya na lang.
"Yes Ivory."
Bumuntong-hininga siya at pinutol ang tawag. Siguro nga ang pinakatamang desisyon
na gagawin niya ay ang manatili rito. Gusto niyang asikasuhin ang dapat na kasong
isasampa sa kanyang tiyahin at kay Mieralyn. Isa pa baka mapahamak na naman si Ivo
kapag bumalik siya agad sa Manila kaya susundin niya ang sinabi ni Cairish at ni
Xamuel na rin.
Siguro ito rin ang oras na makakapagpahinga ang utak niya sa mga nangyayari para
makapag-isip nang malinaw.
Bumuntong-hininga siya at kumatok sa pinto ni Caleiah. Agad naman itong nagbukas.
Bumungad sa kanya ang nakangiting si Cali. Tipid siyang ngumiti rito at inabot dito
ang cellphone.
"Uhm ito na, salamat." Kinuha iyon ni Cali.
"Welcome! You wanna eat with me? Sabayan mo na ako, please! Wala kasi si AJ."
Ngumuso si Cali. Napaawang ang bibig niya nang hawakan nito ang kanyang kamay at
yugyugin para pumasok siya sa loob.
Nagkamot siya ng ulo.
"Uhmm sige pero kunin ko lang iyong dinala mo kanina," sabi niya rito. Agad naman
itong tumango. Tumalikod na siya at bumalik sa kanyang kwarto para kunin ang
binigay ni Cali kanina.
Pagkakuha nito ay bumalik din siya sa kwarto ni Cali at sabay silang kumain.
Kinuwentuhan lang siya nang kinuwentuhan ni Cali. Sa kadaldalan nito ni hindi na
nila namalayan ang oras.
Kinahapunan ay niyaya siya nito sa dalampasigan dahil nandoon daw ang mga kaibigan
nito at ni Cairish.
Pinakilala siya ni Cali sa mga ito at niyaya pang sumama sa mga ito pero agad
siyang tumanggi. Gusto niya na munang mapag-isa sa ngayon.
"Sure ka ayaw mong sumama sa amin?" tanong ni Cali. Tipid niya lang itong nginitian
at tinanguan.
"Magpapahangin lang muna ako rito," sabi niya na lang.
Pinagmasdan niya na ang mga itong naglakad palayo sa kanya. Bumuntong-hininga siya
at saka nag-indian sit sa buhangin. Nakaharap siya ngayon sa maamong dagat at sa
papalubog na araw. Kulay orange na ang kalangitan dahil doon.
Bumuntong hininga siya at napatitig sa tubig. Gusto niya na lang talaga ng
mapayapang buhay gaya ng plano niya noon.
'Sana matapos na ang lahat ng ito.'

Chapter 46
Quezon City- Manila.
Padabog na hinampas ni Xamuel ang kanyang lamesa nang matapoa ang tawag nila ni
Ivory.
Bahagya pang napaatras si Jasmin nang kumalabog iyon at nagsibagsakan ang mga
ballpen na naroon.
Napalunok siya at dahan dahang lumapit sa galit na lalaki.
"A-Ahh s-sir… iyong phone ko po," kinakabahang sambit niya at saka napalunok.
Marahas na bumuga ng hininga si Xamuel at iniabot sa kanya ang cellphone. Napalunok
ulit siya.
"Uhm sir pa-"
"Wait, Jasmin." Halos takasan siya ng hininga nang marinig ang malamig na boses ni
Xamuel.
"Y-Yes po?" Napalunok muli siya. Bumuntong hininga si Xamuel at tiningala siya.
"Stay here first. I want you to tell me all the things about Ivory's aunt."
Umawang ang bibig ni Jasmin. Napalunok na naman siya bago dahan dahang lumapit at
umupo sa isa sa visiting chair ni Xamuel.
Bumuntong-hininga siya at tumuwid ng upo.
"Uhmm w-wala po kasi talaga akong alam sa background nila sir. Napadpad lang din po
kami ng pamilya ko noon sa skwaters kasi galing kaming probinsya. Nandoon na po
sina Ivory noon. Wala na iyong mga magulang niya. Iyong Tiyang Leni niya na lang
ang kasama niya noon. Hindi po sila magkasundo. Galit po iyong tiyahin niya sa
kanya kaya nga po hindi siy pinagtapos e. Simula rin po noon, si Ivory na ang
rumarakey para may makain sila sa araw araw. Lulong kasi sa bisyo at sugal iyong
tiyahin niya. Tapos po may kinakasama rin iyon. Papalit palit…iyong huli ang alam
ko drug addict…" Nakagat niya ang labi. Kumunot ang noo ni Xamuel.
"E, iyong tiyahin, nagdo-droga rin? Or is she a pusher or what?"
Bumuntong-hininga si Jasmin.
"Iyon po ang hindi ko sigurado. Pero noon, nakikita ni Ivory na humihithit iyon.
Kaya nga minsan sa akin siya natutulog kasi natatakot siya. Pero di ko na po kasi
alam kung nasaan na iyong si Tiyang Leni, e. Simula noong nakapasok ako sa kompanya
niyo at napunta si Ivory sa inyo, hindi na po ako nagagawi roon. Hindi ko nga po
alam kung paano niya nahanap si Ivory at paano niya po nakuh nang ganoon ang
kaibigan ko. Wala naman kasing pera iyon."
Umigting ang panga ni Xamuel at naikuyom ang kanyang mga kamay.
Mukhang tama ang kanyang hinala tungkol sa nangyari. Hindi makakakilos ang tiyahin
ni Ivory nang walang tulong. At isa pang nakapagtataka ay kung bakit bigla bigla na
lang itomg sumulpot. Kung habol nga nito si Ivory, dapat noong mga unang buwan pa.
Halos mag-iisang taon na rin.
"Anong buong pangalan ng tiyahin niya?"tanong niya kay Jasmin. Bahagyang kumunot
ang noo ni Jasmin na parang nag-iisip.
"Uhmm di ko po sure kung Leni lang siya pero ang apelyido niya po ay Suarez."
"Okay, Jasmin. Wag ka munang umuwi. I might need you later. Stay here first. Akong
bahala sa sweldo mo ngayon. I'll just contact some people." Tumayo si Xamuel.
Sumunod din si Jasmin.
"Hindi na po kailangan ng bayad, sir. Kaibigan ko naman si Ivs. Tsaka kahit ano
pong maitulong ko, mahuli lang iyong tiyahin niya. Sige po." Tinanguan siya ni
Xamuel. Agad naman siyang tumalikod at lumabas ng opisina.
Bumuga ng marahas na hininga si Xamuel at nag-dial sa kanyang telepono.
"Hello, Hellion."
"Oh, Cuanco, anong kailangan mo?" Tumikhim siya.
"Desiderius is in Bantayan, Cebu. My girlfriend is with them. I need you to send
ten men to watch her." Humalkhak ang lalaki sa kabilang linya.
"Hmm. You finally got someone after being head over heels of your wife, huh."
Umismid siya.
"I have no time for jokes. Just send your men and I need you to find someone. A
woman named Leni Suarez. She lives in the slums. Just here in Metro Manila. Find
everything that you can found about her. I need it asap."
"Oh. Sindikato ba ito? Pamilyar. May pinapahanap din si Cairish na ganito," tila
excited na tanong ng kabila. Kumunot ang noo ni Xamuel.
"That's the same person. But I want you to report it to me immediately. Hindi ko na
hihintayin ang mga Del Rio. I want her to rot in jail within the day," gigil na
wika niya. Humalakhak ulit si Hellion.
"Copy, Cuanco."
Ibinaba niya ang tawag. Sakto namang may kumatok sa kanyang opisina. Dumungaw ang
ulo ni Cindy.
"Sir, si Atty. Montijo nandito po," anito. Huminga nang malalim si Xamuel at
tumango.
"Papasukin mo," utos niya. Maya maya pa ay pumasok na ang kanyang family lawyer na
may dalang isang makapal na folder.
"Any good news?" tanong niya rito. Ngumisi ito sa kanya.
"Very good news. The autopsy result came out already. Seems like you're right."
Umupo ito sa visiting chair niya at inilahad ang makapal na folder na hawak nito.
Isa isa niya iyong binuklat.
"That day, nakipagkita muna si Leah kay Mieralyn bago siya maaksidente. It wasn't
an accident. Hindi sa pagkakabangga namatay ang asawa mo dahil hindi naman siya
dapat mababangga nang mga panahong iyon. Her cause of death was cardiac arrest due
to cyanide poisoning. Leah met Mieralyn in the latter's apartment. May nakakitang
nag-uusap at nagtatalo sila. Noong pina-raid ko ang apartment ng bayaw mo, may
nakita silang mga juice at bote ng cyanide. We interviewed the witness and she
confirmed that Mieralyn did gave a drink to Leah. Bobo lang ng bayaw mo at hindi
siya naglinis ng apartment bago tumakas. Any moment now, darating na ang warrant
niyan. Nasaan na nga ba iyon?"
Muntik nang malakumos ni Xamuel ang kanyang hawak. He always have been suspicious
of his wife's accident. Nakakapagtaka dahil hindi careless driver ang asawa niya.
Ang akala niya may foul play na nangyari sa sasakyan pero nang ipa-check niya iyon
wala namang mali. Kaya naman pala. Wala sa sasakyan ang mali.
Bumigat ang kanyang paghinga dahil sa galit.
"They'll fucking pay for what they did." He gritted his teeth. Tumayo si Luigi.
"Xamuel ito na ang mga hinihintay mo. Nasaan ba si Mieralyn? She cannot get out of
the house," paalala nito sa kanya. Huminga nang malalim si Xamuel at agad na kinuha
ang teleponong nakakonekta sa mga guards sa labas.
"Si Mieralyn, lumabas ba?" tanong niya.
"Hindi po, sir." Tumango tango siya.
"Good." Ibinaba niya ang tawag at tiningnan si Luigi.
"Where are the police?"
"Parating na, Xamuel."
Muli siyang bumuntong-hininga at saka niligpit ang mga folder. Sabay silang lumabas
ni Luigi ng opisina at as if on cue ay narinig nila ang tunog ng police car.
Naging aligaga ang mga tao sa loob ng mansyon.
"Manang Sally, Jasmin, bring Ivo to my office," utos niya sa dalawang babaeng nasa
sala.
Agad namang napatayo ang mga ito at kahit naguguluhan ay sumunod sa kanya.
Lumabas sila ni Luigi para salubungin ang tatlong police.
"Nasa loob siya, chief?" aniya at sinamahan ang mga ito sa loob.
"Nasaan si Mieralyn?" tanong niya sa isang katulong. Agad naman nitong itinuro ang
kwarto ng babae.
Naunang umakyat si Xamuel doon kasunod ang mga police. Pinakuha niya ang master key
ng bahay at siya na mismo ang nagbukas noon.
Agad na pumasom ang mga police. Nagsusuklay ang babae at nakatalikod sa kanila.
"Meiralyn Sanchez," tawag ng isang police
Lumingon ito at nanlaki ang mga mata nang makita ang mga police na may dalang
posas.
"Inaaresto ka namin sa salang pagpatay sa kapatid mong si Leah Sanchez. May
karapatan kang manahimik o magsawalang kibo. Anuman ang iyong sasabihin ay maaaring
gamiting pabor o laban sa iyo sa anumang hukuman. Ikaq ay mayroon ding karapatang
kumuha ng tagapagtanggol na iyong pinili at kung wala kang kakayahan, ito ay
ipagkakaloob sa iyo ng pamahalaan." Ibinigay ng pulis ang warrant sa rito.
Gulat na gulat ang mukha nito at namumutla nang lumapit ang isang pulis para siya
ay pusasan.
"A-Ano? Aray ano ba!" Nagpupumiglas pa ito ngunit agad ding natahimik nang
magsalita si Xamuel.
"You really think I won't know? I am not fucking dumb."
Nanlaki ang mga mata ni Meiralyn
"Anong pinagsasabi mo?!" sigaw nito.
"You're busted, Meiralyn. Leah didn't die in the car crash. She was already dead
before the car crashed. Cyanide huh. Pina-autopsy ko ang katawan ng asawa ko kahit
na ayaw niyo. Huli ka na. I've got my evidence here. You'll fucking rot in jail.
Just wait for another case, though. Hindi ko rin palalampasin ang ginawa mo kay
Ivory. I'll just wait for her.
Mas lalong nanlaki ang mga mata nito at nagsimula nang manginig ang labi. Sunod
sunod itong umiling.
"Pagsisisihan mo to! Ibo-broadcast ko ang tungkol sa surrogate mo at nang malaman
ng mga kaaway mo! We had a deal Xamuel! We had a fucking deal!" Hindi sumagot si
Xamuel, sa halip ay tinitigan niya lang ang babae.
"Go ahead be my fucking guest." Tinalikuran niya ito.
Sigaw nang sigaw naman si Mieralyn habang dinadala ng mga pulis palabas.
"You'll pay for this! Hindi mo pwedeng gawin sa akin to, Xamuel! Hindi!"
Hindi siya umimik at pinagmasdan lang si Mieralyn na dalhin ng mga pulis palabas.
Napatingin siya sa kawalan.
Dahan dahan namang lumapit si Sally sa kanya at tinapik siya sa balikat.
"Anak…"
Bumuntong hininga siya.
"It's finally over, manang. Now, I can marry the woman that I love. I already gave
Leah her justice."
"Proud na proud ako sa'yo, Xamuel." Nilingon niya ang kanyang pangalawang ina at
tipid na nginitian.
"Thank you, manang." Mangiyak ngiyak na tumango lang si Sally.
"Xamuel, Hellion texted, na trace na ang location ng tiyahin ni Ivory. Papunta na
ang mga pulis doon. Ire-raid na nila ang lugar." Agad siyang napatingin kay Luigi.
"I want to be there," madilim niyang sabi. Tumango tango si Luigi.
***
Nakakuros ang mga brasong pinagmasdan ni Xamuel ang mga nagtatakbuhang mga tao sa
skwaters area. Ang iba ay nakatakip ang mga kamay sa ulo at ang iba ay mga nakayuko
lang at nakaposas ang mga kamay.
His eyes settled on the woman in a loose shirt and shorts. Parang kaedad lang ito
ni Sally. Hawak hawak ito ng dalawang pulis sa magkabilang braso. Ang mga kamay ay
nasa likod nito. Kunot na kunot ang noo nito. Kitang kita niya ang pamumula ng mga
mata at ang malalaking itim na bilog sa labas ng mga mata nito.
Huminto ang dalawang pulis sa kanyang harapan. Matalim niyang tiningnan ang ginang.
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay nito.
"Sino ka?"
"I'm your nightmare."

Chapter 47
Bantayan Island - Cebu.
"Hi, Ivory! Kain ka, o." Napangiti si Ivory nang ibinigay ni Cali ang isang paper
plate sa kanya.
"Ay, salamat," nahihiyang tugon niya at tinanggop iyon. Cali chuckled and sat
beside her.
Nasa dalampasigan sila. Pinilit siya nitong sumama sa mga ito dahil sayang naman
daw kung magmumukmok lang siya sa hotel room niya. May ilang araw pa kasi siya
rito.
Kaso hindi niya naman kayang magsaya nang may problema siya sa Manila. Hindi rin
siya mapapanatag pa.
Bumuntong-hininga siya at nagsimulang kumain.
"Nako, oo nga pala. Your boyfriend called my brother in law. Wow small world ha.
Magka-brod pala sila." Kumunot ang kanyang noo at agad na lumingon kay Cali.
"Ha?" Ngumiti ito at nagkibit balikat.
"I mean magkasama sila sa iisang frat noon. You know fraternity things. Iyong mga
brotherhood brotherhood back in college. Turns out na magkabatch pala sila ni Des
noon sa Clarke. Lower ka pala ng ilang taon sa amin," kwento nito. Umawang ang
kanyang labi.
Wala siyang masyadong alam sa mga frat frat na iyan at sa ganap ng college pero
medyo pamilyar naman siya dahil sa mga napapanood niya at naging kwento ni Jasmin
sa kanya noon.
"You know, fraternities can do great things talaga lalo na kapag kinailangan mo ng
connections in the future," dagdag pa ni Cali. Tumango tango lang naman siya.
"Anyway, what do you do in Manila pala? Alam mo, kahit na may baby ka na, ang sexy
mo pa rin ha. Infairness naman sa'yo. Are you just a housewife or you do anything
else?"
Hindi niya alam kung bakit biglang nag-init ang kanyang mukha nang marinig ang
salitang housewife. Muntik pa siyang nabulunan. Mabuti na lang at mukhang hindi
naman napansin ni Cali.
Tumikhim siya at nilunok muna ang pagkain.
"Uhmm sa totoo lang, may itatayo kaming negosyo ng kaibigan kong si Jasmin. Uhh
flowershop iyon tsaka cosmetics. Ako iyong nagplano ng flowershop at siya naman sa
mga cosmetics. Pero sosyo kami sa dalawa," kwento niya. Tumango tango si Cali.
"That's nice, huh. You know I wish to have business din someday, kaso di ko pa alam
kung ano, e. Sabi ni AJ pwede raw akong mag-exhibit ng mga pininta ko, but I'm kind
of hesitating." Kumunot ang kanyang noo at tiningnan ang babae.
"Nagpipinta ka?" tanong niya. Sunod sunod na tumango ito.
"Yep. Noong huminto ako sa work temporarily, ginawa kong hobby ang painting. Ever
since naman gusto ko na magpinta. I tried making portraits na nga. Family
protraits. Iyong sinampulan ko iyong kapatid ko at si Des. Our friends tried to
convince me na rin pero para kasing mahirap kasi ako pag nawalan ng inspiration, I
cannot paint. So, what if di ba, bigla akong mawalan ng inspiration, edi kawawa
client ko. Bale hobby ko lang talaga ang mag paint. I don't think I could make it a
business." Bahagya pa itong tumawa. Nagkorteng o ang bibig ni Ivory.
Nilingon siya nito.
"Ikaw, you must be an environmentalist no? Mahilig ka sa plants e. Nakita kita last
night. You were so fascinated sa mga plants sa may garden." Ngumuso siya at
napakamot ng ulo.
"Hmm hindi talaga noon. Noong nagbuntis lang ako nahilig kasi wala akong magawa sa
bahay kaya iyong mga halaman na lang ang pinagdiskitahan ko." Muli siyang napakamot
ng ulo. Bahagya ng natawa si Cali.
May sasabihin pa sana ito nang bigla silang matalsikan ng tubig.
"Sorry!" sigaw ng isang babaeng may kulot na buhok at may gumamela pang nakaipit sa
tenga.
Nakikipaghabulan ito sa ibang mga kasama nila. Di niya matandaan ang pangalan nito
basta may R.
Napangiti na lang siya nang makitang nagkakasiyahan ang mga ito. Mukhang naglalaro
yata ng doudge ball o ano ba. Napailing si Cali.
"Pagpasensyahan mo na ha, they're really loud," sabi nito sa kanya. Ngumiti siya.
"Nakakatuwa nga sila,e." Ngumuso siya. Noong bata siya ay wala siyang ganyan
karaming kaibigan. Si Jasmin lang talaga ang naging kaibigan niya noon hanggang
ngayon kaya natutuwa talaga siya pag nakakakita ng mga magkakaibigang ganyan.
Parang ang saya lang nila tingnan. Kahit na mga adult na ay nagagawa pa rin nilang
magsaya.
"Yeah. They always light the mood, e. Parang mga bata no? Ewan ko sa mga iyan."
"Hmm mga boyfriend nila iyan?" tanong niya. Tumango tango si Cali.
"Yup." Bumuntong-hininga siya.
"Ang saya naman nilang tingnan. Para silang mga in love na in love talaga…" wala sa
sariling sambit niya.
Muli siyang bumuntong-hininga at malungkot na napangiti.
Hindi niya maiwasang mag-isip. Kailan kaya niya mararanasan ang ganyan? Hindi niya
nakita ang love story ng mama at papa niya. She was never exposed to an environment
full of love. Iyong kinalakihan niya kasi mabaho, masikip, masakit at malungkot.
Well may pagkakataon namang masaya siya noon pero mas lamang pa rin ang mga
nakakalungkot na mga pangyayari. Nasanay siya sa kalungkutan at pasakit.
Being exposed to an environment that is full of love is just so new to her. Hindi
niya mapigilan ang sariling hindi mainggit sa mga iyon. Kung sa kabilang strata
kaya siya lumaki, mararanasan niya ang ganoon?
Bumuntong-hininga siya at napatitig na lang sa mga kaibigang masayang naglalaro at
naghaharutan.
"Okay ka lang?" Agad siyang napaigtad nang tapikin siya ni Cali. Nilingon niya ito.
Kunot noong nakatingin naman ito sa kanya.
"Huh? Okay lang naman…" She pressed her lips together and avoided Cali's gaze.
Pinanliitan siya ng mata ni Cali.
"May hugot ka sa love no?" walang abog na tanong nito. Bahagya siyang napalingon
"Huh?" Tinaasan lang siya nito ng kilay. Ipinagkuros nito ang dalawang braso.
"Sus. Alam ko na 'yang tinginang ganyan e. I used to be like that." Nagkibit
balikat ito. Siya naman ang nagkunot ng noo rito.
"Hindi ko maintindihan..." Bumuntong-hininga si Cali at nagbaling ng tingin sa mga
kaibigan nilang nagbabasaan na ng tubig. Ngumiti ito pero nakita niya ang lungkot.
Nanibago tuloy siya. Cali's smile has always been a ray of sunshine.
Nakakapanibagong parang malungkot ito ngayon.
"Yung feeling na sana ganyan ako. Sana may ganyan ako. Alam ko na yan. Pinagdaanan
ko. But really, no need to be envious with them. Bilog ang bola. Hindi palaging
kalungkutan na lang. Magiging masaya ka rin. You'll have yours in no time, Ivory…"
Nilingon siya nito at nginitian. Iyong ngiting nakasanayan niya kay Cali mula noong
napadpad siya rito.
Bahagyang umawang ang kanyang labi. Sa huli ay ngumiti na rin siya. Sabay silang
tumingin sa mga naghahabulan sa dagat.
Bumuntong-hininga siya. Sobrang daming nangyari. Ang gusto niya lang naman ay ang
umahon sa hirap pero ito siya nasasangkot sa gusot ng mga Cuanco.
'Ang labo rin talaga ng tadhana minsan. Pero sana nga tama si Cali. Sana maranasan
ko na rin iyang ganyang kasiyahan.'
***
Kinahapunan ay kinausap si Ivory ni Cairish at ni Cali. Nagtaka pa siya kung anong
meron dahil ang seseryoso ng mga ito.
"Uhm anong meron?" nahihiyang tanong niya. Nagkatinginan ang magkapatid.
Bumuntong-hininga si Cairish.
"Xamuel Cuanco called earlier. It seems like your boyfriend took care of everything
already, Ivory. Iyong kambal ng dati nitong asawa ay nasa kulungan na. Iyong
tiyahin mo rin ay nasa kulungan na. Hindi ko alam kung anong kaso ang isinampa ni
Xamuel sa bayaw niya pero iyong sa tiyahin mo ay drug related. Nag-raid ang mga
pulis kanina sa skwaters area at isa ang tiyahin mo sa mga nahuli. He called Des
earlier to talk to me. Ivory, pwede ka pa ring magsampa ng kaso sa ginawa nila sa
iyo. Aside sa mga nakasampa ng kaso sa kanila, pwede ka pa ring magsampa. Just tell
me if you want to, and I'll work it from here."
Hindi siya agad nakapagsalita. Umawang ang kanyang labi sa sinabi ni Cairish.
'Ang bilis naman yata? At anong kaso ang isinampa ni Xamuel kay Mieralyn?'
Huminga siya nang malalim.
"Uhm pwede bang pag-isipan ko muna?" Nakagat niya ang labi. Nagkatinginann muli ang
magkapatid.
Bumuntong hininga si Cairish.
"It's up to you. Just tell me your plans. Nga pala, since nasa kulungan na iyong
mga abductors mo, pwede ka nang umuwi sa Manila. We can help you get back there.
Also, nagpadala si Xamuel Cuanco ng mga body guards para sa'yo." Agad na nanlaki
ang mga mata niya at nagpalinga linga sa paligid.
Ngumiti si Cairish.
"They're almost invisible. You won't see them. They're just here to protect you.
Just tell us your plan." Bahagya siyang napayuko.
Dapat maging masaya siya at nadakip na ang dalawa pero hindi siya sigurado kung
gusto na niyang umuwi. Parang may nagsasabi sa loob niyang kailangan niya munang
manatili rito.
Huminga siya nang malalim at tiningnan ang magkapatid.
"Uhmm. P-Pwede bang sumabay na lang ako sa inyo pag-uwi gaya ng napag-usapan? G-
Gusto ko kasi munang manatili rito…" Nakagat niya ang labi.
Agad namang ngumiti si Cali.
"No problem! Alam mo, after everything that happened to you, I think you need a
break talaga. Hindi ko alam kung anong buong nangyari sa iyo pero I can feel that
you need some time alone," anito sa kanya.
Bumuntong-hininga siya at ngumiti rito.
Tama si Cali, kailangan niyang mag-isip. Sa ilang araw niya rito sa Bantayan,
aaminin niyang ang daming tumatakbi sa kanyang isipan. May mga nakikita siyang
nakakapagpa-realize sa kanya ng mga bagay bagay. Sobrang gulo na ng mga pangayayari
simula noong pumasok siya sa buhay ng mga Cuanco. At tama si Cali na ngayon lang
siya makakapag-isip nang mag-isa.
"Okay, sige. I'll tell Des to tell Xamuel. You know what, you are very lucky to
have him." Nginitian siya ni Cairish. Bahaya siyang nag-iwas ng tingin at tipid na
ngumiti.
'Kailangan ko nga ang mapag-isa. Para sa sarili ko. Para makapag-isip kung ano nga
ba ang dapat kong gawin pagkatapos. Para rin maliwanagan kung ano na ang mangyayari
sa amin ni Xamuel.'

Chapter 48
Kinabukasan nagising si Ivory nang maaga. Kusot kusot niya pa ang mga mata nang
bumangon. Akmang papasok na siya ng CR nang biglang may kumatok sa kanyang pinto.
Kumunot ang noo niya at naglakad papunta sa pintuan. Humikab siya at saka binuksan
iyon. Bumungad sa kanya ang nakangiting si Cali.
"Hi, Ivs! Sama ka sa medical mission?" tanong nito sa kanya. Bahagyang kumunot ang
noo niya at ngumuso.
Napaisip siya. Ilang araw na rin naman siyang nakamukmok sa kwarto niya kung hindi
siya niyayaya ng mga ito sa may dalampasigan.
"Hmm sige. Pero pwedeng maligo muna ako?" Nagkamot siya ng ulo. Bahagyang tumawa si
Cali.
"Oo naman, no! Tsaka, mamayang nine pa naman ako pupunta. I'll be with Cairish and
our friends. Si AJ kasi nauna na para sa maagang check up ng mga senior citizens,"
kwento pa nito. Tumango tango siya. Lumawak ang ngiti ni Cali.
"So, kita na lang tayo downstairs for our breakfast. Magpi-pictorial sina Rhaia
after then bibili silang souvenirs them punta na tayo sa medical mission to bring
snacks and lunch."
"Sige, sige."
"Okay, see you!" Kumaway ito sa kanya tsaka tumalikod. Kumaway din siya pabalik
saka iainara ang pinto.
Bumalik siya sa loob at dumiretso na sa banyo. Mabilis siyang naligo at nagbihis.
Suot niya ang siang shorts at iyong binili ni Cali na souvenir shirt sa kanya.
Nagsuklay lang siya tapos ay lumabas na rin.
Sakto namang nakasalubong niya si Cali sa labas kaya sabay na rin silang bumaba.
Kasama nila iyong mga kaibigan ni Cali at Cairish. Bahagya pa siyang nahiya sa mga
ito dahil halata namang mga anak iyon ng mayaman. Mukha ring mga stable na ang mga
ito sa buhay.
Nakakatuwa lang dahil ang approachable ng mga ito. Hindi rin siya hinahayaan ni
Cali na ma-out of place sa mga usapan. Napangiti siya dahil kahit sandali man lang
ay naranasan niyang magkaroon ng mga kaibigan.
"Hey, after this doon tayo sa may beach ha! Wala pa akong sunkissed na picture!
Nakakaloka!" reklamo noong babaeng kulot na may gumamela ulit sa tenga.
Bahagya siyang natawa. Ito kasi ang pinakamaingay sa kanila.
"Sus, kahit anong sunkissed mo, hindi ka naman pinapansin ni Sancho!" asar ng
lalaking katabi nito. Nagtawanan ang iba nitong mga kaibigan. Agad na sinamaan ng
tingin nong babae ang lalaking katabi.
"Shut up, magkatext na nga kami!" Nagtawanan ulit ang mga kasama niya. Napailing na
lang siya.
Palagi niya kasing naririnig ang mga asaran ng mga ito doon sa babae.
'Parang si Jasmin lang pag inaasar ko sa crush niya.'
Pagkatapos ng breakfast ay nagpunta nga muna sila ng dalampasigan at nag-pictorial
ang mga kaibigan nina Cali. Pilit pa nga siyang pinasali ng mga ito pero tumanggi
siya kasi di naman siya sanay. Tsaka aanhin niya naman iyon e matagal na nga niyang
hindi binubuksan ang instagram niya.
Nang matapos ang mga ito ay pumunta naman sila sa mga souvenir shops na malapit.
Iyong mga lalaki ay hindi sumama at pinabili nina Cali ng mga dadalhing snacks. Ang
daming binili ng mga kasama niya.
Sinabihan pa siya nitong mamili rin pero tumanggi siya. E iyong mga suot niya nga
mga souvenirs na. Aanhin niya pa ang mga iyon. Isa pa hindi naman siya nandito para
magbakasyon. Siguro babalik na lang siya rito para talaga magbakasyon.
Pagdating ng alas nuebe ng umaga ay bumalik na sila sa resort. Kinakarga na ng mga
lalaki ang mga dadalhing snacks sa medical mission.
Pagkatapos ng lahat ay umalis na sila papunta sa maliit na medical facility na
pinagdalhan sa kanya noon. Malapit lang naman iyon kaya agad din silang nakarating.
Sumalubong sa kanila ang napakaraming tao at ang isang malaking tent sa harap ng
medical facility.
Agad niyang nakita si AJ na nakaupo sa harapan at may mga pasyenteng nakaupo sa
harap nito. May ibang mga doctor din itong katabi.
Tumulong siya sa pagbubuhat ng mga supot ng sandwich. Pumwesto sila sa may gili ng
tent. Iyong mga kasama niya ay hinahanda na ang mga snacks. Nang magsitayuan ang
mga doctor ay agad na umalis sa tabi niya si Cali para puntahan si AJ at punasan ng
pawis. Napangiti na lang siya. Ang saya sa pakiramdam makakit ng mga taong in love
kahit na sa kaloob looban niya ay medyo naiinggit siya. Masaya siya para sa
kaibigan.
Nagsimula na silang magdistribute ng mga snacks. Hindi niya alam pero parang may
humaplos sa kanyang dibdib nang makita ang mga ngiti ng mga taong binibigyan niya
ng sandwich. Naaalala niya ang sarili niya noon sa mga ito.
Naghintay sila roon pagkatapos ng snacks dahil may mga pack lunch pa raw.
Pinagmasdan niya lang ang mga doctor na nagchi-check up ng mga pasyente.
Hindi niya nga alam kung bakit siya napapangiti na lang. Parang gusto niya rin nang
ganoon. Gusto niya ring makatulong.
"Okay ka lang?" Bahagya siyang napaigtad nang magsalita si Cali. Mabilis siyang
ngumiti rito.
"Ah oo. Nakakatuwa talagang tumulong no. Tingnan mo iyong mga doctor o. Grabe
saludo talaga ako sa kanila." Napatingin ulit siya sa harap. Narinig niyang
bahagyang tumawa si Cali.
"Oo naman. Super fulfilling. Kung tayo nga na simpleng pag-aassist lang ang
ginagawa, fulfilled na, siguradong mas sa kanila. AJ once told me how he always
feel motivated whenever he give out that small paper to his patients." Nakangiting
tiningnan nito ang boyfriend. Napangiti tuloy siya.
"Noon pa kayo tumutulong?" tanong niya. Tumango tango si Cali.
"Yep. Iyong mga kasama ni Cairish, they are conducting free legal consultations
every month kapag hindi sila busy." Agad siyang napalingon sa mga kasama nila.
Umawang ang kanyang bibig.
"Ang grabe. Bigatin pala yung mga kaibigan mo?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Napansin na naman niyang magaganda ang mga buhay ng mga ito. Hindi niya lang
akalaing mga abogado pala ang mga kasama niyang kahapon lang ay naghaharutan pa sa
dalampasigan.
Natawa si Cali.
"Yeah they're all lawyers. Magugulo lang pero yep abogado na yang mga yan. My
boyfriend's a doctor yung isa diyan, CEO." Tinuro nito ang isang lalaki na katabi
noong babaeng may mahaba at kulot ding buhok. Pinsan daw iyon ni Cali at Cairish.
Napamaang siya at napalingon sa kausap. "E ikaw Cali?" tanong niya. Doon niya
napagtantong hindi niya nga pala alam ang trabaho nito.
Ngumiti lang si Cali.
"I'm an architect. Ikaw ba?" Halos malaglag ang panga niya. Parang bigla tuloy
siyang nanliit.
"Hmm wala akong tinapos e," nahihiyang sabi niya tsaka nagkamot ng ulo. Naramdaman
niya ang pagtapik ni Cali sa kanyang balikat.
"O, that's okay." Ngumiti ito sa kanya.
Bumuntong hininga siya.
"Gusto ko nga sanang magtapos. Plano ko naman pero magnenegosyo muna ako para
makapag-ipon. Gusto kong tumulong din parehas ninyo," sabi niya. Mas lalong lumaki
ang ngumit ni Cali.
"Then? Go! It's never too late naman no. Ano ba gusto mo maging?" tanong nito.
Napaisip naman siya.
"Noong bata ako, gusto ko talaga mag nurse o doctor kaso… mahirap lang kami, e."
Kaya rin ganoon na lang ang pagkamangha niya sa mga doctor na nasa harapan nila.
Noon pa man kasi ay gusto na niyang magsuot ng puting coat na may nakasabit na
stethoscope pero noong namulat siya sa katotohanang malabi iyon ay nanatili iyong
pangarap na lang.
"O, yun naman pala! I can get you into Clarke Medicine school! Then sa Clarke ka na
rin mag college."
Nanlaki ang mga mata niya at napaangat ng tingin kay Cali. Nakangiti pa rin ito sa
kanya. Siya naman ay shock na shock.
"Ha?" Nagkibit ito ng balikat
"Our family has been offering a lot of scholarships. Kaya lang di ba boyfriend mo
si Xamuel? I'm kind of confused kasi ang alam ko may mga foundations din ang
pamilya nila e. Have you not tell him about your plans? I mean he could help you
din," kunot noong sambit nito.
Bumuntong-hininga siya at malungkot na ngumiti.
"Mahabang kwento, e…" Napaawang ang bibig ni Cali.
"O, I understand. But no worries. The offer still stands though." Ngumiti ulit ito.
Nagliwanag ang kanyang mukha at muli ay mag pag-asang nabuo sa kanyang dibdib.
Bahagya ring naging malinaw ang mga plano niya sa kanyang isip.
"Talaga?! Salamat!" hindi makapaniwalamg bulalas niya. Tumawa lang si Cali at
tinapik siya sa balikat.
***
Pagkatapos ng medical mission ay bumalik na rin sila sa hotel. Bumuntong hininga
siya at napatitig sa cellphone na pinahiram ni Calieah sa kanya.
The talk with Caleiah earlier somehow cleares her mind. Somehow ay may naging
konkretong plano siya pagbalik. May idea na rin siya kung saan at paano
magsisimula.
Huminga siya nang malalim at tinawagan niya si Jasmin. Excited na sumagot naman ang
kaibigan niya at kinuwento ang mga nangyayari roon. Bumuntong-hininga siya.
"Jas, may sasabihin ako," simula niya.
"Sure, friend ano iyon?" Bumuntong-hininga siya at sinimulang ikwento ang mga plano
niya pagbalik pati na ang offer ng mga Castilleja.
"Friend! Excited na excited ako diyan! Suport kita always!" Napangiti siya.
"Thank you, Jas."
Bumuntong hininga siya.
Sa ilang araw niyang nanatili rito, marami siyang napagtanto. Maganda ang buhay.
Maganda ang mabuhay. Noon ang tanging gusto niya lang ay umahon sa hirap. Akala
niya pag may pera na siya magiging masaya na siya pero hindi. Hindi naman kasi pera
ang solusyon sa lahat.
All her life, she thought she just wanted to be rich to live life. Pero noong
makita niya nag mga tao kanina, na-realize niyang sa buhay, para maging masaya siya
dapat kontento at fulfilled siya sa kanyang ginagawa. Kagaya ng mga kasama niya.
Mga mayayaman ang mga ito pero ramdam niyang hindi pera ang nakapag papasaya sa mga
ito. It's their work and charity.
Noong pumasok siya sa buhay ni Xamuel, parang lahat sa buhay niya walang
kasiguraduhan. Naging magulo ang kanyang buhay. Umikot ang buhay niya sa lalaki at
sa nararamdaman nitong wala namang kasiguraduhan. Ni hindi niya maalala kung kailan
ang huling pagkakataong inisip niya ang sarili.
Siguro oras na rin para sa sarili naman siya magpokus. Ito na rin siguro ang
magiging unang hakbang niya sa pag-alis niya sa buhay ng mga Cuanco.
Nakagat niya ang labi. Parang may biglang kumurot sa kanyang dibdib.
'Kaya mo iyan, Ivory. Kinaya mo nga noon.'
Chapter 49
Buo na ang desisyon ni Ivory. Tatanggapin niya ang offer ni Caleiah. Kakausapin na
rin niya si Xamuel tungkol doon.
Bumuntong-hininga siya. Ilang araw na lang at aalis na rin naman siya rito. Babalik
na sila ng Manila.
Nilibang niya lang ang sarili sa pagtulong kina Caleiah. Bawat araw na dumadaan mas
lalo niyang na-aappreciate ang pagiging doctor. Mas lalo rin siyang naging
motivated para roon. Hindi niya pa nasasabi kay Cali na tatanggapin niya ang offer
dahil medyo busy rin sila nitong mga nakaraang araw.
Nitong mga nakaraang araw ay panay na rin ang pag-uusap nila ni Jasmin. Dito niya
kasi kinakamusta si Ivo. Miss na miss niya na rin ang bata. Medyo nagi-guilty pa
siya at muntik na siyang umuwi noong isang araw para sa gatas ni Ivo. Pero agad
naman siyang sinabihan ni Jasmin na wala rawng problema at sa milk bank daw
kumukuha si Xamuel para sa bata.
Guilty na guilty siya dahil hindi niya inisip na dependent pa nga pala ang bata sa
kanya. Naalala niya lang iyon nang isang araw na may makita siyang nagpadede ng
sanggol. Tapos nakaramdam pa siya ng pagsakit ng dibdib dahil sa gatas na naipon
doon. Kinailangan niya tuloy na mag-pump. Mas lalo lang siyang naiyak.
Sa sobrang dami ng nangyari ay nawala sa isip niya ang tungkulin niya sa bata.
"Jas, sigurado bang okay lang si Ivo? Hindi ba siya nangangayayat? Ha? Healthy ba
siya?" hindi mapakaling tanong niya kay Jasmin.
Inirapan siya nito.
"Friend okay lang nga. Masigla siya tsaka si Sir Xamuel na mismo ang nagsabi na
okay lang talaga si Ivo." Nasapo niya ang noo.
"Nagi-guilty ako. Nawala sa isip ko si Ivo! Nadamay pa iyong bata sa gulo. Feeling
ko ang selfish selfish ko." Kinagat niya ang labi. Naiiyak na siya.
Bumuntong-hininga si Jasmin.
"Friend, okay nga lang si Ivo. Pero kung nag-aalala ka, umuwi ka na kasi," sabi
nito. Bumuntong hininga siya.
"Uuwi na naman. Bukas matatapos na medical mission nila," sabi niya. Tumango tango
si Jasmin. Ngumuso siya.
"Gusto kong makita si Ivo. Hindi yata ako mapapanatag kung hindi ko siya makikita."
"O, edi makipag-video call ka na kay Sir Xamuel. Noong isang araw ko pa sinabi
sa'yo." Umirap ang kaibigan niya. Nakagat niya ang labi.
Noong isanv araw pa kasi sinabi ni Jasmin na gusto siyang makausap ni Xamuel pero
hindi siya tumugon. Gusto niya kasi na sa personal na ito kausapin dahil baka
maiyak na naman siya.
Kaakibat ng mga plano niya para sa sarili ay ang katotohanang kailangan na niyang
iwan ang mga Cuanco.
Bumuntong-hininga siya.
"Sige, pasabi sa kanya, video call kami. Ipadala mo si Ivo." Kinagat niyang muli
ang labi.
Napapalakpak si Jasmin.
"Okay, friend, copy!"
Huminga siya nang malalim at pinatay na ang tawag.
Tumihaya siya sa kanyang kama at napatulala aa kisame. Bumuntong-hininga siya at
kapag-kuwan ay napapatingin sa kanyang cellphone.
Huminga siya nang malalim.
Hindi nita mapigilang hindi mag-isip sa mga mangyayari. Bukas, last day na ng
medical mission. The day after tomorrow, maaga ang magiging flight nila.
Ang plano niya ay sa mansyon ng mga Cuanco siya tutuloy. Kakausapin niya si Xamuel.
Kakausapin niya ito tungkol sa natitirang mga linggo sa kontrata niya.
Iniisip pa lang niya ay parang may karayom nang tumutusok sa kanyang dibdib.
Huminga siya nang malalim at tumagilid. Niyakap niya ang isang malaking unan at
ibinaon ang kanyang mukha roon.
'Sana madali na lang ang lahat. Sana lahat ng gusto at nagpapasaya mo makukuha mo.
Wala sanang problema. Wala sanang masakit.'
***
Kinagabihan, nakasandal si Ivory sa headboard ng kanyang kama. Nakatuwid ang
kanyang mga hita at may malaking unang nakapatong doon. Hawak niya ang cellphone at
nakapatong ang kanyang dalawang kamay sa unan.
Bumuntong-hininga siya habang naghihintay sa tawag ni Xamuel.
Maya maya pa ay tumawag na nga ito. Bahagya pa siyang napaigting. Bumuntong-hininga
siya at lumunok.
Ni slide niya ang accept. Nakagat niya ang labi at inayos ang camera. Bumungad sa
kanya ang seryosong mukha ni Xamuel.
"Hi, baby…" A smile flashed on his face. She immediately felt her face heating.
Tumikhim siya.
"Uhmm…s-si Ivo?" kagat-labing tanong niya.
Sandaling natigilan si Xamuel at napatitig sa kanya. Sa huli ay bumuntong-hininga
ito.
"Nandito…" Lumapit si Sally sa gilid ni Xamuel at binigay si Ivo rito.
"Hi po, Ate Sally…" bati niya sa babae. Ngumiti lang ang babae sa kanya.
"Hija… miss ka na namin."
Bahagyang may sumikdo sa kanyang puso nang marinig iyon. Tipid niya lang nginitian
ang matanda. Tumalikod na rin ito pagkatapos.
Naiwan na naman ai Xamuel doon na karga karga si Ivo.
"You wanna see him?" tanong nito sa kanya. Marahan siyang tumango.
Bahagyang dumukwang si Xamuel at ipinakita si Ivo sa kanya.
Nasapo niya ang bibig at nakagat ang labi para pigilan ang nangingilid niyang luha.
"Hala miss na miss ko na siya…" garalgal ang boses na sambit niya.
"Miss ka na rin namin…" si Xamuel.
Natigilan siya at bahagyang napayuko. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni
Xamuel.
"Ivory, let's talk when you get back…" paos na sambit nito.
Sandali siyang tumigil. Parang nahigit ang kanyang hininga
'Bakit ang hirap?'
Huminga siya nang malalim at dahan dahang tumango.
"Hmm oo. May gusto rin akong pag-usapan..."
Dumiin ang pagkakakagat niya sa kanyang labi.
Siguro dapat na niyang bitiwan ang mga Cuanco para makapagsimula siyang muli. Tutal
ay wala na naman ang tiyahin ni Ivo.
Nakapagdesisyon siyang hindi na lang din magsasampa ng kaso. Gusto na niyang
manahimik at magsimulang muli. Sapat na sa kanyang nakakulong na si Mieralyn pati
ang tiyahin niya. Sigurado naman siyang hindi na hahayaan ni Xamuel na makapanggulo
iyong si Mieralyn kay Ivo. Wala na siyang dapat ipag-alala.
"Uhm s-sige… bye na? Uuwi na rin naman ako sa susunod na araw. Nag-alala lang
talaga ako kay Ivo...p-pasensya ka na talaga kung nakalimutan ko iyong
breastfeeding…sana pala umuwi na lang ako agad…" Nakagat niya ang labi at napayuko.
Bumuntong-hininga si Xamuel.
"Ivory… it's fine. And Ivo's fine… I understand how you feel…just please go home
already, baby…"
Hindi siya nagsalita. Maya maya ay bumuntong hininga si Xamuel. Ramdam na ramdam
niya ang tingin nito sa kanya.
"Uhmm sige… pahinga ka na," sabi niya na lang, hindi pa rin nakatingin sa lalaki.
Bumuntong-hininga ulit ito.
Siya na mismo ang nagpatay ng tawag.
Naipikit niya ang mga mata at tumingala. Hinayaan niya ang luhang kusang maglandas
sa kanyang mga pisngi.
***
Kinabukasan, naghanda na silang lahat para sa last day ng medical mission.
Kasalukuyan silang nagbibilang ng mga food packs. Bumuntong-hininga si Ivory at
bumaling kay Caleiah na nasa tabi niya.
"Cali…" she called.
"Hmm?" nakangiting sagot nito. Huminga siya nang malalim at tipid itong nginitian.
"Hmm. Tatanggapin ko na yung offer mo… tungkol doon sa scholarship? G-Gusto kong
mag-aral ulit…Cali…" mahinang sambit niya. Agad na napatigil si Cali at mas lumawak
ang ngiti sa kanya.
"Wow, that's great news! Don't worry, hindi pa naman ako babalik sa work. Pagdating
natin ng Manila, aasikasuhin ko agad!" excited na sabi nito sa kanya. Napangiti
lang din siya.
Napatalon talon pa ito at niyakap siya. Bahagya tuloy siyang natawa.
"Salamat, Cali," aniya rito nang kumalas siya sa yakap nito.
"Ano ka ba, wala na nga iyon. Pero what about the case pala, are you gonna pursue
it?" tanong nito. Bumuntong-hininga siya at umiling na lang.
"Uhm. Hindi na, ang importante naman sa akin ay nakakulong na silang dalawa. Hindi
na rin iyon makapanggugulo. Sisiguraduhin naman ni Xamuel na hindi na iyon
makakapanggulo." Bumuntong-hininga si Cali.
"Okay, your call. Sabihan mo na lang kay Cairish." Tinanguan niya lang ito.
Ngumiti si Cali at hinawakan siya sa magkabilang braso.
"I'm so excited for you, Ivory." Napangiti na rin siya.
"Ako rin, Cali…"
'Kahit may maisasakripisyo ako at masakit sa akin ang gagawin ko.'
"Yes! Balik na tayo?" Nagkatawanan sila at bumalik na rin sa pagbibilang.
Pagkatapos ng medical mission ay dumiretso na siya sa kwarto niya para mag-empake
ng mga damit na binili ni Cali sa kanya. Binilhan din kasi siya nito ng bag para
may mapaglagyan siya.
Pagkatapos niyang mag-empake ay tinawagan niya si Jasmin. Sinabi niya ang plano
niyang pakikipag-usap kay Xamuel.
"Sinabi ko na rin kay Cali na tatanggapin ko na iyong scholarship. Hindi na rin ako
magsasampa ng kaso kay tiyang at bayaw ni Xamuel."
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Jasmin sa kabila.
"Paano sina Xamuel at Ivo friend? Di ba may kontrata ka pa sa kanila?" Bumuga siya
ng hininga.
"Kaya nga mag uusap kami. Makikiusap ako tungkol doon sa kontrata. Habang nag-aaral
ako, pwede na tayong magsimula. Tsaka kung pwede sana Jas, makikitira muna ako
sa'yo pagkaalis ko kina Xamuel."
"Sus! Oo naman no! Sige ba! Sinadya ko itong apartment na malaki para sa atin no!
Tsaka baka mag-resign na rin ako pagka nagsimula na rin tayo sa negosyo. Excited na
ako, friend!" Malungkot siyang ngumiti.
"Ako rin, Jas…"
Nakagat niya ang labi.
"Sige, Jas...maaga pa ang flight namin bukas."
"Hmm. Sige, friend, bye. Ingat sa biyahe, ha."
"Oo, bye."
Pinatay na niya ang tawag at muling bumuntong-hininga.
Humiga na siya sa kama at niyakap ang malaking unan.
Bukas na.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata.
'Kaya mo ito, Ivory. Kaya mo.'

Chapter 50
Alas kuwatro ng umaga tumulak sina Ivory paalis ng Bantayan Island. Ilang minuto
lang naman ang biyahe papuntang main land Cebu. Nag-land travel pa sila ng ilang
oras bago makarating sa Mactan International Airport.
The flight took almost an hour. Pagkarating nila sa NAIA ay may sumalubong sa
kanilang mga sasakyan. Hula niya ay pagmamay-ari ng mga kaibigan nina Cali ang mga
iyon.
"Ivory, kami na ni AJ ang maghahatid sa iyo," sabi ni Cali sa kanya. Tumango naman
siya at ngumiti.
"Pasensya ka na, Ivory. Des and I have a meeting to attend to. Just send our
regards to Xamuel and if ever you change your mind about the case, I gave you my
number already okay? Pwede mo rin akong puntahan sa prosecutor's office." Si
Cairish.
"Sige, salamat ulit, Cai," sabi niya naman. Ngumiti lang si Cairish sa kanya at
bumeso na rin. Nagpaalam din siya sa mga kaibigan ng dalawa.
Doon niya nakitang hindi lang pala basta bastang mga may pangalan ang mga kasama
niya. Kilala ang mga ito sa iba't ibang larangan. Iyong iba nga ay nakikita na pala
niya noon sa mga balita. Sobrang swerte niyang naging kaibigan niya ang mga ito.
"Tara na?" Cali asked. Huminga siya nang malalim at tumango.
Inakay siya ni Cali papunta sa isang itim na SUV. Ang boyfriend ni Cali ang nasa
front seat at silang dalawa naman ang nasa back seat.
"Sa mansyon ng mga Cuanco?" tanong ni Cali. Ngumuso siya at marahang tumango.
Sinabi nito sa driver ang address saka ito sumandal sa likod ng upuan.
Buong biyahe ay dinaldal lang siya nito. Si AJ na nasa harapan ay tulog na tulog.
Panay ag kwento ni Cali sa mga pwede niyang maging pre med. Tuwang tuwa at flatter
na flatter pa siya dahil sobrang bait nito at willing na willing siyang tulungan.
Napangiti na lang siya. Hinding hindi niya sasayangin ag tulong nito.
Bumuntong hininga siya at napatingin sa labas. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang
puso nang pumasok na ang sasakyan nila sa village na kinaroroonan ng mansyon ng mga
Cuanco.
"This monday, meet tayo, ha. I gave you my number na rin," ani Cali sa kanya.
Nahihiyang ngumiti siya.
"Siguradong akin na ang phone na ito?" nag-aalangang tanong niya. Sinubukan niya
kasi itong isauli pero ayaw naman tanggapin ni Cali.
Nginitian siya nito.
"Yup! Okay lang. Spare phone ko naman iyan," sagot nito. Bumuntong-hininga na lang
siya at tumango.
Naramdaman na lang niyang huminto na ang SUV. Napatingin siya sa labas at ang
malaking bakal na gate ng mansyon ang sumalubong sa kanya.
Huminga siya nang malalim at binalingan si Cali.
"Paano, una na ako," aniya. Tumango si Cali at ngumiti.
Binuksan na ni Ivory amg pinto niya saka bumaba.
"Bye, Ivory! " Kumaway si Cali. Kumaway rin siya.
"Bye. Maraming maraming salamat sa inyo," sabi niya pa. Umiling si Cali.
"Nako, wala iyon no! Basta kita na lang tayo sa monday ha!" pahabol nito. Ngumiti
lang siya.
"Sige, Cali," sagot niya. Isasara niya na sana ang pinto nang biglang lumabas si AJ
sa front seat. Nginitia lang siya nito bago lumipat sa back seat.
Umatras siya at kinawayan ang dalawa. Hinintay niya munang makaalis ag SUV bago
siya pumasoj ng gate.
"Ma'am Ivory! Nako, mabuti po at nandito na kayo!" bati ng mga guards sa kanya na
nginitian nita lang.
Tuloy tuloy siyang pumasok. Nakabukas ang main door kaya diretso siyang pumasok.
Naabutan niya pa si Jasmin n nakaupo sa sala at pumapapak ng grapes. Natawa siya.
Pagkalingon at pagkakita sa kanya ay agad na nanlaki ang mga mata nito at napatayo.
"Ivory!" Natawa siya nang hindi ito magkanda-ugagang tumakbo papunta sa kanya.
"Omg, friend!" tili nito at agad siyang niyakap.
Sa lakas ng boses ni Jasmin ay mukhang narinig ito ng buong kabahayan at agad na
nagsilabasan ang mgakasambahay.
"Ma'am Ivory! Welcome back po!"
"Ma'am miss ka po namin!"
"Hi, Ma'am Ivory!"
Napangiti na lang siya sa mga ito.
"Salamat," sagot niya bago muling bumalin kay Jasmin.
"Friend, miss na miss ka namin!" tili uli ni Jasmin. Natawa na lang siya.
Inilibot niya ang paningin. Kunot noong tiningnan niya si Jasmin.
"Si Ivo?" tanong niya. Bago pa man makasagot si Jasmim ay may nagsalita na.
"He's here," ani ng isang baritonong boses.
Bahagya siyang natuod sa kinatatayuan nag marinig iyon. Dahan dahan siyang lumingon
at bahagyang bumilis ang tibok ng kanyang puso nang magpang-abot ang mga mata nila
ni Xamuel.
Napaiwas siya ng tingin. Napabaling siya sa stroller na dala nito. Agad niyang
naramdaman ang pangingilid ng kanyang mga luha nang makita ang maliit na sanggol sa
loob noon.
Agad siyang napatakbo roon at mabilis na kinuha at niyakp si Ivo.
Pinugpog niya ito ng halik na bahagya pang ikinaiyak ng bata.
"Miss na miss kita…shh…sorry na," mangiyak ngiyak niyang bulong rito. Sabay sabay
na nag-aw ang mga kasambahay sa pangunguna ni Jasmin at Cindy.
Natawa siya. Mahigpit niyang niyakap si Ivo. Miss na miss niya ito, sobra.
"Ivory!" tawag ng isang babaeng kararating lang. Napalingon siya at agad na
napangiti kay Sally. Niyakap siya nito.
"Okay ka lang ba hija? Wala bang masakit sa'yo?" alalang-alalang tanong nito
pagkakalas sa yakap.
"Okay lang po ako," sagot niya at nginitian ito. Inugoy ugoy niya si Ivo.
"Nako, salamat naman!" Ngumiti lang ulit siya. Natahimik silang lahat nang tumikhim
si Xamuel.
Bahagya pa siyang napaigtad nang pumulupot ang dalawa nitong braso sa kanyang
bewang. Para siyang tinakasan ng dugo sa mukha. Kitang kita niya rin ang pamimilog
ng mga mata ni Jasmin habang ang ibang katulong ay tila sanay sanay na pero
nagsiiwas pa rin ng tingin.
Napalunok siya nang maramdaman ang hininga nito sa kanyang tenga.
"Wag kang mag alala hinding hindi ka na nila guguluhin…"bulong nito.
Halos magkarambola na sa sobrag bilis ng tibok ang kanyang puso.
Binalot ulit sila ng katahimikan. Tumikhim si Sally.
"O siya mabuti pa at kumain na lang tayo!" anito.
"Ay bet!" Agadna segunda ni Jasmin bago siya pinanlakihan ng mga mata.
Bumuntong-hininga siya. Isa isa namang nagsialisan ang mgakasambahay at nagpunta na
sa kusina. Sumunod si Sally at Jasin kaya naiwan silag tatlo ni Xamuel.
Humigpit ang yakap ni Xamuel sa kanya. Bahagya siyang kumalas dito.
"Uhmm, kain na tayo? Medyo nagugutom ako, e," palusot niya. Bumuntong-hininga si
Xamuel at tumango.
Nauna siyang maglakad papunta sa dining habang nakasunod naman ito sa kanya.
Nagpasalamat na lang siya at hindi ganoon ka naging awkward dahil sobrag daldal ni
Jasmin. Kung ano ano na lang ang kinukwento nito sa kanila. Tuwang tuwa pa nga si
Sally at ang daldal daw nito. Pinabayaan niya na lang.
Kumakain siya habang nasa hita niya si Ivo. Ewan ba niya at parang ayaw niya muna
itong bitiwan kaya kahit hirap siyang kumain ay hindi niya talaga ito binitiwan.
Pagtapos nilang kumain ay dumiretso siya sa kwarto ni Ivo. Si Xamuel ay nagpunta sa
opisina nito. Sinamahan siya ni Jasmin na makahulugang nakatitig sa kanya.
"May utang kang kwento sa akin, Ivs." Pinaningkitan siya nito ng mata nang isarado
nito ang pinto.
Bumuntong-hininga siya at nilagay si Ivo sa crib nito. Hinayaan niya muna ang bata
roon tsaka siya umupo sa kama.
"May something talaga, friend. Umamin ka na," anito sa kanya.
Huminga siya nang malalim.
"Jas, mahabang kwento. Pwede bang next time na lang? Pagkaalis ko na lang dito
please…"pakiusap niya. Napatitig si Jasmin sa kanya at saka tumabi sa kanya.
Niyakap siya nito. "Alam mo namang nandito lang ako sa tabi mo. Matagal ko nang
napapansin ito. Simula noong nawala ka. Grabe. Nakakatakot magalit si Sir Xamuel,
friend. Talagang alalang alala siya sa iyo noon e. Muntik pa niyang masuntok iyong
pulis na kausap namin."
Agad siyang napatingin sa kaibigan. Kumunot ag kanyang noo rito.
"Ano nga bang nangyari noong araw na iyon, Jas?" tanong niya.
Kumalas si Jasmin sa yakap at bumuntong-hininga.
"Well friend, tinawagan ako ni Sir Xamuel kung nasaan ka kasi raw umuwi iyong si
Mieralyn na si Ivo na lang ang kasama. Iyon bruhang iyon! Muntik ko nang sugurin,e.
Di mo naman sinabing may pagka witch pala ang pamilya ng dating asawa ni Sir
Xamuel! Jusko! Iyon na nga, syempre alalang alala ang beauty namin sa yo no. Kasi
naman ag sabi noong Mieralyn iniwan mo raw si Ivo sa parking lot! Iyong bruhang
iyon!" Gigil na gigil ang mukha ni Jasmin.
Nasapo niya na lang ang noo.
'At least hindi sinaktan si Ivo.'
Bumuntong-hininga siya at nginitian ang kaibigan.
"Basta sasabihin ko sa iyo lahat ng hindi mo alam. Sa ngayon, kakausapin ko muna si
Xamuel." Tinitigan muna siya ni Jasmin bago ito bumuntong-hininga.
"Okay, sige. O siya, friend, alis na ako. Aasikasuhin ko pa opening natin. Excited
na talaga ako!" Biglang nagbago ang mood nito. Napagiti siya.
"Sige." Bumuntong-hininga ito at tinapik siya sa balikat.
"Mag usap na kayo ha?" paalala nito. Tumango lang siya.
"Oo, Jas." Ngumiti si Jasmin at tumango na rin. Kumaway ito sa kanya at lumabas na
ng kwarto.
Bumuntong-hininga siya at tumayo. Nilapitan niya ang crib at muling kinarga si Ivo.
Tinitigan niya ito nang mabuti. Agad namang nag-init ang sulok ng kanyang mga mata
habag nakatitig dito.
"Ma-mi-miss kita, Ivo…" She caressed his cheeks gently as tears started rolling
down her cheeks again.
Mahigpit niyang niyakap ang bata at hinalikan it sa noo.

Chapter 51
"Ivory? Why are you crying?" Agad na natuod si Ivory sa kanyang kinatatayuan nang
marinig ang boses na iyon.
Lumunok siya para pigilan ang paglabas ng kanyang hikbi. Kumurap kurap pa siya para
pigilang lumabas ang iba pang luhang nagbabadya.
Inayos niya ang pagkakarga kay Ivo. Paharap niya itong kinarga, nakasandal ang
mukha nito sa kanyang kaliwang balikat at naka-suporta naman ang dalawa niyanh
kamay sa likod nito.
Bumuntong-hininga siya nang marinig ang papalapit na mga yapak ni Xamuel.
Napaigtad pa siya nang maramdaman ang isang kamay nito sa kanyang kanang braso.
"Ivory, what's wrong?" Bakas sa boses nito ang pag-aalala. Agad siyang umiwas ng
tingin at palihim na nagpahid ng luha.
"Wala…" mahinang sambit niya na halos hindi niya na rin marinig.
"Ivory…" Xamuel said in a warning tone. Kinagat niya ang labi
"Wala talaga. Na-miss ko lang si Ivo," palusot niya, hindi pa rin makatingin kay
Xamuel.
Narinig niyang bumuntong-hininga ito.
"Miss ka rin namin…" paos nitong sambit.
Hindi siya sumagot. Diniinan niya ang pagkakakagat sa kanyang labi.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang maramdaman niya ang pagyakap nito sa
kanya. Lumunok siya at bahagyang nagpumiglas.
"Xamuel, teka lang…" Bumuntong-hininga siya at ibinalik muna si Ivo sa crib.
Pinaikot niya lang ang crib toys na nasa itaas para pagka-busy-han nito.
Huminga siya nang malalim bago bumaling kay Xamuel.
"What?" kunot noong tanong ng lalaki. Ipinaglapat niya ang labi at lumunok.
"Mag usap muna tayo," aniya at saka umupo sa kama. Sumunod si Xamuel at tumabi sa
kanya. Bahagya siyang lumayo nang magkadikit ang mga braso nila.
Mas lalong nangunot ang noo nito at napatitig sa kanya.
"What is it, Ivory?" he asked. Yumuko si Ivory. Ayaw niyang tingnan ito at baka
maiyak na naman siya.
Huminga siya nang malalim na para bang humuhugot doon ng lakas.
"Uhmm.…Y-Yung tungkol sana sa k-kontrata? D-Di ba ilang l-linggo na lang? Pwede
bang umalis na lang ako rito?" Rinig na rinig niya ang lakas ng kalabog ng kayang
dibdib.
"Bakit ka aalis?" Napapikit siya. Ayan na naman ang boses nito. Parang nawala na
naman ito sa mood. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit palaging nagbabago ang
mood nito sa tuwing pinag-uusapan nila iyan.
Wala na naman ang tiyahin ni Ivo kaya hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na
lang ang pagbabago ng mood nito. Halatang halata sa boses nito.
Lumunok siya at bumuntong-hininga.
"Malapit na naman matapos. Dadalaw dalaw na lang ako kay Ivo para sa gatas at sa-"
"Bakit pa?" Nabitin sa ere ang kanyang dapat na sasabihin nang biglang tumaas ang
boses nito.
Agad siyang napaangat ng tingin at naabutan niyang nakatitig din ito sa kanya.
Matalim na matalim ang titig nito sa kanya. Bumuntong-hininga siya at sinalubong
ang titig nito.
"Xamuel, gusto ko na ring masimulan ang pagbabagong buhay sana. Hindi ko naman
tatalikuran si Ivo. Napamahal na rin sa akin yun…"
"Then you can just stay here," malamig nitong sambit. Napaawang ang kanyang labi at
sunod sunod na umiling.
"Hindi pwede…" Mas lalong nalukot ang mukha nito.
"Bakit?"
Hindi siya agad nakapagsalita. Napalunok siya. Ramdam na ramdam niya ang
panginginig ng kanyang labi. Ikinuyom niya ang kanyang dalawang kamay at mariing
pumikit.
"Kasi hindi naman talaga ako taga rito..." Halos wala ng boses na lumabas sa
kanyang bibig.
Napadilat siya nang marahas na suminghap si Xamuel
"Ivory, what the hell!" Mabilis niya itong nilingon.
"Totoo naman. Surrogate mo lang ako..." Marahas na umiling si Xamuel at hindi
makapaniwalang tumitig sa kanya.
Gulat na gulat siya nang sinapo nito ang kanyang mukha.
"I dont want you to leave…" matigas nitong sabi sa kanya. Umawang ang kanyang bibig
at kumunot ang kanyang noo.
Marahas niyang tinanggal ang mga kamay nito at bahagya siyang umatras.
"Bakit, Xamuel? Nahihirapan na rin ako!" Hindi na rin niya napigilan ang pagtataas
ng boses.
Ramdam na naman niya ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. Mas lalong
nangunot ang noo ni Xamuel.
"Nahihirapan saan?! Tell me!" Napatayo ito.
"Sa set up natin!" balik niyang sigaw.
Hindi ito nakapagsalita. Doon siya tumayo at nilagpasan ito. Kinagat niya ang labi
at tumayo sa may gilid ng crib ni Ivo.
"Ni hindi ko alam kung ano tayo..." Mariin siyang napapikit nang tumulo na nga ang
mga luhang kanina pa nagbabadya. Huminga siya nang malalim pero sadyang hindi niya
na napigilan ang pagtulo ng mga iyon.
"W-Walang kasiguraduhan lahat... Gusto k-ko naman sana nang may k-kasiguraduhan
na... A-Ang gulo gulo n-na, e... W-Wala ka namang sinasabi. Parang lahat na lang ng
nangyayari malabo… Gusto kong mag aral. T-Tulungan ako ng mga Castilleja... G-Gusto
kong may patunguhan...hindi katulad ng set-up na ito…"
"What the hell! I can help you!" Halos mapatalon siya nang marinig ang sigaw nito.
Nilingon niya ito at sunod sunod na inilingan.
"Wag. Wag na. Ang dami mo na ring naitulong…" sambit niya habang patuloy pa rin sa
pagpatak ang kanyang mga luha.
Napamaang si Xamuel at hindi makapaniwalang tiningnan siya. Nagtiim ang panga nito
at sunod sunod na umiling.
"No, Ivory, I want to help! Paano pa't nandito ako! Fuck!" Nasabunutan nito ang
sarili sa sobrang frustration. Umiling iling ulit si Ivory.
"Naintindihan ko, pero okay na. Tama na iyong naitulong mo Xamuel..."
"Ano ba to! Why do I feel like you're saying goodbye?!" Nagulat siya nang mariin
siya nitong hinawakan sa magkabilang braso at niyugyog.
Ramdam na ramdam niya ang frustration nito sa paraan ng pagkakahawak nito sa kanya.
Mabilis na nagtataas baba ang dibdib nito habang tila hindi makapaniwala sa mga
sinasabi niya.
"Kasi nagpapaalam na talaga ako…" Tuluyan na siyang humikbi. Namilog ang mga mata
ni Xamuel.
"What?!
"Di ba patapos na naman talaga yung kontrata? Meaning-"
"Shit!"
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang malutong itong nagmura. Binitiwan siya
nito at napatalon pa siya nang bigla nitong sipain ang kama.
"Xamuel!" umiiyak na sigaw niya.
Xamuel shouted in frustration before he slumped down on the bed.
Pareho silang natigilan nang biglang bumukas ang pinto.
"Ivory? Anong nangyayari?" Marahas na pinahid ni Ivory ang mga luha at agad na
kinuha si Ivo.
Mabilis siyang naglakad papunta kay Sally na gulong gulo ang mukha.
"Ate, p-pakuha muna si I-Ivo please…" mangiyak ngiyak niyang sambit.
Napaawang ang bibig ni Sally at nagpapalit palit ang tingin sa kanila ni Xamuel.
Lumunok siya. Halatang gusto nitong magtanong ngunit hindi na lang ito nagsalita.
Tahimik na kinuha nito si Ivo sa kanya saka sinara ang pinto.
Napasandal siya roon at napatingin kay Xamuel na hanggang ngayon ay nakayuko at
nakakuyom ang mga kamay.
Huminga siya nang malalim at nilapitan ito. Tinabihan niya ito.
"Xamuel…" She tried to reach for his hand.
Marahas na bumaling sa kanya si Xamuel. Namumungay ang mga mata nitong nakatingin
sa kanya.
Para na naman siyang sinaksan ng libo libong karayom sa dibdib. Hinayaan niyang
bumagsak ang mga luhang hindi yata napapagod kalalabas.
She hates this feeling. Alam niyang nasasaktan niya ito. Nasasaktan din siya. Pero
tanggap niyang hindi lahat ng bagay na gugustuhin niya ay makukuha niya. She has
been confused with their set up. Noong una umasa talaga siya pero habang tumatagal
lalong sinasampal sa kanya ang reyalidad na wala naman talagang sila.
She's just a surrogate. The woman who bear his son with his wife to life. Ivo's not
hers. He's Xamuel's and Leah's. Nandito lang siya para magbigay ng buhay sa bata
dahil wala na ang ina nito. If Leah wasn't dead, she couldn't have been here in the
first place.
Sa loob ng ilang buwan, nakulong siya sa magulo nilang set up. Wala siyang ibang
inisip kundi ang mga nakakawindang na pangyayari sa mga Cuanco kahit na hindi naman
talaga siya kasali roon. She's beyond thankful for Xamuel because he was the one
who pulled her out of the slums. Pero kung tutuusin, bayad naman siya roon. She
gave birth to his son. Siguro oras naman para sarili niya ang kanyang intindihin?
"X-Xamuel... g-gusto ko nang magsimula u-ulit… iyong buhay na pinangarap ko…g-gusto
ko nang simulan…"
"And I'm not fucking included?" mariin at malamig nitong tanong. Mas lalong tumulo
ang kanyang luha at umawang ang kanyang bibig.
"B-Bakit? A-Ano ba ako s-sa'yo? W-Wala naman tayong kaugnayan... n-ni hindi ko alam
ang papel ko sa buhay mo…p-pinaparamdam mo sa akin ang kakaibang pakiramdam pero
wala namang kasiguraduhan…p-pagod na akong umasa… para kasing buong buhay ko umaasa
ako sa mga walang kasiguraduhang bagay… g-gusto ko ngayon, iyong s-sigurado naman
ako…g-gulong gulo na ako… gusto ko lang naman ng tahimik na buhay…" Lumakas ang
kanyang paghikbi.
Muling pumungay ang mga mata ni Xamuel. Naramdaman niya ang isa nitong kamay na
hinahaplos ang kanyang pisngi. Iyak pa rin siya nang iyak.
Bumuntong-hininga ito at tumitig sa kanya.
"How can you be so numb, baby…" Agad siyang natigilan sa sinabi nito at akmang
magsasalita nang mabilis na sinakop ni Xamuel ang kanyang labi.
Tila natuod siya sa kanyang kinalalagyan. Xamuel cupped her face and nibbled her
lips. Napapikit siya at muling napaluha. For the last time, she responded to his
kisses.
Ikinawi niya ang dalawang kamay sa batok nito. Idiniin ni Xamuel ang katawan sa
kanya at saka siya marahang tinulak sa kama. Naramdaman na lang niya ang paglapat
ng kanyang likod sa malambot na kama.
Mariin siyang pumikit at dinama ang mga halik nito.
'Huli na, Ivory. Huling huli na ito.'

Chapter 52
Matamlay na natulala si Ivory sa kisame. Dahan dahan niyang nilingon ang kanyang
katabi. Bumuntong-hininga siya at marahang hinawakan ang mukha nito.
Lumunok siya at napatingin sa ilalim ng comforter. She was still naked, while
Xamuel was in his boxers. Nakayakap ang isang braso nito sa kanyang tiyan at ang
isa nitong hita ay nakadantay sa kanyang mga hita. Nakasubsob din ang mukha nito sa
kanyang kaliwang balikat.
Huminga siya nang malalim at saka dahan dahang bumangon. Bahagyang gumalaw si
Xamuel kaya tumigil siya sandali. Nang masigurong tulog pa rin ito ay saka siya
muling gumalaw.
Inabot niya ang t-shirt nito sa ilalim ng kama at isinuot iyon. Binalingan niyang
muli si Xamuel na mahimbing pa ring natutulog. Lumunok siya para sana pigilang
lumabas ang mga luhang nagbabadya pero kusa rin naman itong lumabas.
Marahas niya iyong pinahid.
'Hindi na ba talaga kayo titigil? Kakainis na rin ha!'
Suminghot siya at inabot ang isang tuwalya bago dumiretso sa banyo. Mabilis siyang
naligo tapos ay nagbihis na rin pagkatapos. Panay ang sulyap niya kay Xamuel.
Nilagyan niya lang kasi ito ng malaking unan para mayakap nito.
Mabilisan lang din siyang nagbihis at saka niligpit ang mga damit nilang nagkalat
sa sahig. Kinuha niya ang breast pump at nag-pump ng gatas. Laking papsalamat niya
nang hindi pa rin nagigising si Xamuel.
Tahimik siyang lumabas ng kwarto at bumaba. Naabutan niya si Sally na karga si Ivo
sa may garden. Nakaupo ito sa upuang nandoon.
"Ivory." Tumayo si Sally at agad na nilapitan siya.
Tipid na nginitian niya ito at saka inabot ang gatas ni Ivo.
"Ate, ito na po ang gatas ni Ivo. Ikaw na po muna ang bahala sa kanya, ha? Babalik
balik naman ako, promise," mangiyak ngiyak niyang sambit.
Agad na kumunot ang noo ni Sally.
"T-Teka, anong ibig mong sabihin, Ivory? Saan ka ba pupunta? Alam ba ni Xamuel?"
Mas lal9ng nangilid anag kanyang luha nang marinig ang pangalan ni Xamuel.
Lumunok siya at sunod sunod na umiling. Hinalikan niya si Ivo sa pisngi at noo bago
walang sabing tumalikod.
Pinahid niya ang mga luha sa kanyang pisngi. Tinawag siya ni Sally pero hindi niya
ito pinakinggan at tuloy tuloy lang sa paglakad.
"Ma'am Ivory, may lakad po kayo? Papahatid po kayo?" Mabilis niyang inilingan ang
driver at mas binilisan ang lakad palabas ng mansyon. Hindi na rin naman nagtanong
ang mga guards at pinalabas na rin siya.
Hindi niya alam kung anong sasakyan niya paglabas ng village. Siguro naman may taxi
roon. Iyon na lang ang sasakyan niya. Naglakad siya mula sa mansyon hanggang sa
labas ng exclusive village na iyon.
Tinext niya si Jasmin na papunta siya sa apartment nito. Tanging ATM at cellphone
niya lang ang kanyang dala.
Nang makalabas siya ng village ay tumawag si Jasmin.
"Hello, Jas?"
"Jusko, nagulat naman ang beauty ko sa'yo! Nasaan ka na? Nandito lang ako sa
bahay."
Lumunok siya.
"Pasakay na akong taxi. Paabang naman o. Wala kasi akong cash ngayon."
"Ha? O sige sige. Teka, umiiyak ka ba?" Agad niyang nakagat ang labi sa sinabi
nito.
"Uhm sige, Jas. May taxi na. Bye." Hindi na niya ito hinintay pang sumagot. Agad
niyang pinatay ang tawag at isinilid ang cellphone sa bulsa ng suot niyang jeans.
Pinara niya ang paparating na taxi at agad na sumakay doon. Binigay niya ang
address ng apartment ni Jasmin.
Napasalampak siya sa likod ng upuan at pinagmasdan ang malaking arko ng exclusive
village. Desidido na siyang umalis. Iyong nangyari sa kanila kagabi ay tinuturing
niya na lang na isa sa magagandang alaala niya kasama ang mga Cuanco. Wala naman
siyang pinagsisihan sa mga binigay niya rito. Kusang loob niyang binigay iyon.
Hindi rin siya nagsisising kay Xamuel niya iyon ibinigay.
Hindi niya pa kailanman naranasan ang ma-in love, ngayon pa lang. Nakakalungkot
lang na isa siya sa mga taong hindi pinalad na magkaroon ng happy ending.
It was foolish for her to think that she'll have a happy ending with a guy like
Xamuel. Noon pa lang sinasabi na niya sa sariling dapat trabaho lang kaso nangyari
na. Hindi na rin niya maibabalik iyon. At least, she experienced that kind of love
kahit na sandaling sandali lang.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata.
'Ganyan talaga, Ivory. Ganyan talaga ang buhay.'
***
"Hoy! Teka! Anong nangyayari?" salubong ni Jasmin sa kanya pagkababa niya ng taxi.
"Ito po, thank you!" ani Jasmin at nag-abot sa driver.
Binalingan siya nito.
"Ivs…"
Tiningnan niya ito.
"Iniwan ko si Xamuel…
"Ha? Pumayag na siya na dito ka na titira kahit di pa tapos ang contract?" tanong
nito. Umiling siya.
"N-Nag-away kami…hindi ko siya maintindihan. Hindi niya ako maintindihan!" Agad
niyang naramdaman ang pagbagsak ng kanyang mga luha. Kumunot ang noo ni Jasmin.
"Ano? Anong meron? Anong nangyari sa inyo? Teka nga, ang gulo. Pumasok nga muna
tayo." Inakay siya nito papasok ng apartment.
Pagkapasok ay naupo sila sa sofa ni Jasmin. Agad siyang yumakap sa kaibigan at
umiyak sa balikat nito.
"Hoy, ano na naman? Ano ba kasi talagang nangyari?" tanong ni Jasmin habang
hinahagod ang kanyang likod. Hindi siya agad nakasagot. Hikbi pa rin siya nang
hikbi.
Bumuntong-hininga si Jasmin.
"N-Nasasaktan a-ako…" Halos hindi na maintindihan ang kanyang sinasabi.
Kumalas siya sa yakap at tinitigan ang kaibigan. Kunot na kunot pa rin ang noo
nitong nakatingin sa kanya.
"Ha? Bakit?"
"N-Nasasaktan akong i-iwan sila..."
"Ano? E bakit mo iniwan? Ang gulo, friend!"
Nasapo niya ang kanyang mukha.
"N-Naguguluhan ako sa nangyayari namin ni Xamuel… g-gusto kong u-umasa…umaasa ako
na meron… na pareho kami ng nararamdaman kasi i-iyon ang pinararamdam niya e…p-pero
ang hirap…ang hirap din umasa sa kanya… m-minsan ko na siyang tinanong, Jas…p-pero
wala akong nakuha. Walang kasiguraduhan…ayoko na nang ganoon. B-Buong buhay ko
umaasa na ako, e. Masama bang kahit ngayon lang gusto ko iyong sigurado naman? N-
Noong nasa Bantayan ako, marami akong napagtanto... sa nga nagdaang buwan, ginugol
ko ang sarili ko sa pamilya ni Xamuel… n-nakalimutan ko ang aking sarili… wala
naman akong pinagsisihan kasi naging masaya ako…pero kasi…hindi naman noon mabubura
kung ano talaga ako sa buhay niya.…Surrogate lang ako, Jas. Binayaran ako. Wala ako
dito kung hindi niya naman kinailangan ng anak. Hindi ko alam kung anong hindi niya
maintindihan. Ayaw niya akong paalisin, hindi ko alam kung bakit. Hindi ko siya
maintindihan… Bakit ayaw niya akong magsimula ulit? Bakit niya ako ikukulong sa
isang bagay na walang kasiguraduhan?"
Patuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang mga kuha. Binalingan niya si Jasmin.
Nakatingin lang ito sa kanya at nakahawak sa kanyang balikat.
Bumuntong-hininga ito
"Bakit? Ano ba ang nararamdaman mo? Mahal mo na ba siya?" Lumunok siya at agad na
nag-iwas ng tingin.
"Hindi ko naman itatanggi iyon. Pero ayaw kong palalimin kahit na malalim na naman
yata talaga. Pilit ko na ngang pinuputol…mas lalo niya naman ginugulo."
"Ha?"
Bumuntong-hininga siya at muling nilingon si Jasmin. Gulong gulo pa rin ang mukha
nito. Nakagat niya ang labi.
"M-May n-nangyari s-sa amin…matagal na…n-noong buntis pa ako…" Mabilis na
napasinghap si Jasmin at agad na naitakip ang isang kamay sa bibig.
"Oh my gosh…" hindi makapaniwalang sambit nito. Yumuko siya.
Naiiyak na naman siya ulit.
"Oh my g. Kaya naman pala iba ang kinikilos niya! Iyong mga galawan niya! Kung
ituring ka pa parang asaw na!"
"Kahit na. Wala naman siyang sinasabi, e. Tinanong ko pero wala siyang sagot. Tsaka
isa pa, Jas, noong nangulit ang pamilya ng dati niyang asawa sa kanya, niyaya niya
akong magpakasal."
"Ano?!" Bumuntong hininga si Ivory at marahang tumango.
"Oo, para raw ma-adopt namin si Ivo at mawalan ng habol ang pamilya ni Leah… h-
hindi ako pumayag… doon mas napagtanto kong baka kaya siya mabait at sweet kasi may
kailangan pa siya sa akin at iyon iyon. Hindi lang surrogate ang kailangan niya,
kailangan din niya ng babaeng magliligtas sa kayamanan at anak niya. Mahal ko si
Ivo pero hindi ko kaya iyon… ayoko nang ganoon. Para ko na ring ikinulong ang
sarili ko sa isang ilusyong may nararamdaman siya sa akin kahit na iba ang dahilan
kung bakit kami magpapakasal…"
Natahimik si Jasmin. Maya maya pa ay bumuntong-hininga ito.
"Pero friensd, hindi mo ba naisip na baka may nararamdaman talaga siya sa'yo? Kasi
friend, hindi biro ang magpakasal ha. Sabihin na nating iyon ang rason niya pero
friend…kasal iyon…" Dahan dahan siyang tumingin sa kaibigan.
"Di ba may point naman ako? Tsaka friend, ako nga na nag-oobserba lang, kitang kita
ko kung paano ka niya alagaan. Friend, may something talaga… bakit hindi muna kayo
mag-usap? Malay mo naman kasi the feeling is mutual?"
Hindi siya sumagot at nag-iwas ng tingin. Huminga siya nang malalim.
Maya-maya ay bumuntong-hininga ulit si Jasmin at hinagod ang kanyang likod.
"Alam mo, gulong gulo ka lang sa dami ng nangyayari sa'yo. Siguro nagkabuhol buhol
na ang mga pangyayari kaya ang impulsive mong kumilos. Mabuti pa magpahinga ka na
lang muna, okay?"
Bumuntong-hininga ulit siya at tumingin kay Jasmin. Nginitian lang siya nito. Agad
niya namang niyakap ang kaibigan.
"Relax ka na lang muna. Tapos kapag okay na, saka ka na siguro magdesisyon? Dito ka
na rin muna at nang makapag-isip ka nang maayos.
Marahang tinanguan niya lang si Jasmin.
Sinunod niya ang payo nito at nagpahinga na lang muna siya. Kinahapunan ay
tinawagan siya ni Caleiah para i-confirm ang meeting nila sa lunes. Agad niya naman
itong sinang-ayunan.
"Salamat talaga, Cali," aniya.
"Sus, wala nga iyon. Really glad to help." Napangiti siya. Na-iimagine niya ang
pagngiti rin ni Cali sa kabila.
Bumuntong-hininga siya at pumikit.
'Sana maging maayos na ang lahat. Iyon na lang sana, lord.'

Chapter 53
"Hindi ka pa rin ba babalik sa mansyon ng mga Cuanco?" Bumuntong-hininga si Ivory
at inilingan si Jasmin.
Ipinagpatuloy niya na lang ang pag-aayos ng mga supplies nila ng mga lipstick at
iba pang mga make up. Kahapon pa siya nandito at kinukulit siya ni Jasmin na
bumalik na sa mansyon para raw makausap nang masinsinan si Xamuel at ma-settle na
ang dapat na ma-settle once and for all.
Ewan ba niya. Talagang nagdadalawang isip siya. Buo na ang naging desisyon niya e.
Ang pagkausap kay Xamuel ay isang sugal na naman. Ayaw na niya yatang sumugal at
umasa pa.
Malapit na malapit na ang opening nila ng cosmetics at flowershop kaya iyon ang
gusto niyang pagtuunan ng pansin lalo pa at kakausapin na rin niya si Caleiah tungk
sa kanyang pag-aaral. Gusto niya sana na bago siya pumasok ay maayos na ang
pagsisimula nila ni Jasmin. Sinabi niya na rin kay Jasmin ang plano niya at pumayag
naman ito. Inaya niya ngang mag-aral din pero tumanggi ito.
"Paano si Ivo?" tanong nito. Huminga siya nang malalim at sandaling napatigil.
"May gatas pa naman siya roon. Tsaka pupunta naman talaga ako roon para sa gatas…
pero hanggang doon lang. Para kay Ivo lang at para sa kontratang dapat kong
tapusin," agap niya.
Hindi niya naman nakakalimutan iyong tungkulin niya. Siguro ita-timing niya na lang
ang pagpunta nang wala si Xamuel para hindi sila magpang-abot. Bahala na.
Sandali siyang tinitigan ni Jasmin bago ito bumuntong-hininga ulit.
"Okay."
Huminga ulit siya nang malalim at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Noong umagang iyon ay umalis si Jasmin para asikasuhin naman ang resignation letter
nito sa Cuanco Group of Companies. Naiwan siya sa apartment nito at nagpatuoy sa
pag-ayos ng mga stocks nila. Nag-inventory na rin siya ng mga stocks. Baka next
week ay pwede na silang lumipat sa kanilang pwesto. Ang sabi naman ni Jasmin ay
polishing na lang iyon at lilinisan na lang.
Ngayong weekend ay balak niya ring bisitahin ang pwesto nila.
Sabay silang nagtanghalian ni Jasmin. Pagkatapos ay ginugol niya naman ang oras sa
paghahanap ng mga possible course na pwede niyang i-take sa Clarke. Ang sabi kasi
ni Caleiah sa kanya ay pumili na siya ng pre-med para smooth ang magiging
enrollment niya. Isa pa magti-take pa siya ng ALS para makapag-college.
Si Cali rin ang mag-aasikaso ng ALS niya kaya wala na rin siyang po-problemahin.
Malaki talaga ang pasasalamat niya kay Cali kaya gagawin niya ang lahat para
makapagtapos at makabayad dito. Sinabihan niya nga ito na kung may kailangan ulit
ito para sa charity ay i-text siya at handang handa siyang tumulong. Kahit doon man
lang ay makapagpasalamat siya sa kaibigan.
Kinahapunan ay nagdesisyon siyang pumunta sa mga Cuanco. Kinakabahan pa siya at
baka nandoon si Xamuel pero ang sabi naman ni Jasmin kanina ay pumasok daw ito
kaninang umaga so malamang gabi na rin itong uuwi. Makakapuslit pa siya ng gatas
kay Ivo.
"Alis na ako, Jas,"paalam niya sa kaibigan.
"Okay! Text ka lang kung hindi ka makakauwi ha!" Ngumisi ito. Agad namang kumunot
ang noo niya. Napailing na lang siya.
Dumaan muna siya sa may ATM machine sa malapit at nag-withdraw tapos ay pumara na
siya ng taxi at ibinigay ang address ni Xamuel.
"Ito po bayad." Inabot niya ang isang bill sa driver.
"Sa'yo na po sukli," sabi niya na lang at bumaba na. Nahihiya kasi siya at medyo
malayo ito. Pa-konswelo na rin niya sa driver.
Bumuntong-hininga siya at saka dahan dahang lumapit sa gate. Nakilala naman siya ng
mga guards kaya agad siyang pinapasok.
Tahimik ang buong kabahayan. May mangilan ngilang katulong lang siyang nakita sa
may garden at gazeebo.
Bumuntong - hininga siya at pumasok na sa bahay. Naabutan niya si Sally sa sala na
nagliligpit. Tipid siyang napangiti.
"Ate Sally," tawag niya rito. Agad itog lumingon at bahagya pang nagulat nang
makita siya.
"Nako! Ivory! Ikaw pala! Nako..." Aligagang itinabi nito ang mga nililigpit at saka
lumapit sa kanya.
"Si Ivo po?" tanong niya
"Ay nasa loob ng kwarto. Pinabantayan ko muna kay Cindy at inaayos ko itong mga
kurtina. Halika ngang bata ka." Hinila siya nito papunta sa itaas. Nadatnan nila si
Ivo na nilalaro ni Cindy.
Napangiti siya at agad na lumapit sa bata at kinarga ito. Niyakap niya ito nang
nahigpit at pinugpog ng halik. Bigla tuloy umiyak.
"Nako miss na miss mo," natatawang komento ni Sally. Ngumiti siya at hinele ito.
Humarap siya kay Sally.
"Oo po. Teka, ate. Magpa-pump lang po ako."
"O, sige." Ibinigay niya muna si Ivo kay Sally at saka siya nagtungo sa gamit ng
bata.
Nag-pump lang siya ng gatas tapos ay kinuha niya na rin ulit si Ivo. Bahagya pa
siyang natawa nang mabilia nitong naubos ang gatas.
"Hmm ang takaw takaw naman," komento niya at marahang hinagod ang pisngi nito.
"O, paano, iiwan ka muna namin ni Cindy ha?" Nilingon niya si Sallt at tinanguan.
Sandali itong napatitig sa kanya na animo'y may gustong sabihin pero sa huli ay
nginitian lang siya nito at tinapik.
Bumuntong-hininga siya at pinagmasdan ang likod nitong paalis ng kwarto.
Umupo siya sa kama at inihiga si Ivo sa kanyang tabi. Kinuha niya ang laruan nito
at inaliw aliw ito. Nilagyan niya ng unan ang tabi nito at saka siya nagligpit ng
mga kalat.
Tinupi niya rin iyong mga nilabhang damit ni Ivo habang nilaalro ito.
Napapangiti na lang siya kapag naglilikot ito at nagpapadyak padyak.
"Ang bilis mo namang lumaki. Sayang at hindi na kita masusubaybayan." Malungkot
siyang ngumiti pero agad ding kinondisyon ang sarili.
Ayaw na niyang umiyak. Palagi na lang kasi siyang umiiyak. Gusto niya lang munang
sulitin ang oras na kasama ang bata.
Nang matapos ang pagtutupi ng mga damit ni Ivo ay nagpasya siyang bumaba sila.
"Baba tayo para makalanghap ka bg sariwang hangin. Lagi ka na lang bang nasa kwarto
hmm?" kausap niya rito.
Pumadyak padyak ulit ang bata. Bahagya siyang natawa. Nagtungo sila sa sala. Wala
na roon si Sally kaya nilagay niya si Ivo sa stroller nito.
"Ma'am Ivory, gusto niyong juice?" Nilingon niya si Cindy at nginitian ito.
"Okay lang ako. Tsaka Ivory na lang. Ano ka ba." Ngumuso lang ito sa kanya at
umalis na rin.
Huminga siya nang malalim at binalingang muli si Ivo na game na game sa pag-inom ng
gatas.
"Takaw takaw naman!" natatawang sabi niya rito. Pinahid niya ang gatas na nasa
gilid ng labi nito.
Bigla siyang napapitlag nang malakas na bumukas ang main door. Agad siyang
napalingon doon at ganoon na lamang ang kaba sa kanyang dibdib nang makita si
Xamuel na papasok. Napalunok siya at humigpit ang hawak sa stroller ni Ivo. Tatayo
na sana siya nang mapansin niyang parabg hindi ito makatayo ng maayos.
Pasuray suray itong naglalakad. Kumunot ang kanyang noo.
'Lasing ba ito?'
Nanlaki ang kanyang mga mata nang bigla itong bumagsak sa sahig.
"Ate Sally!" agad niyang sigaw at mabilis na kinuha si Ivo.
"Ate Sally!" sigaw niya ulit.
"Oh? Teka, bakit ka ba sumisigaw?" nagmamadaling lumapit si Sally. Napasinghap pa
ito nang makita si Xamuel na nakabulagta.
"Ay jusko! Anong nangyari diyan?!" Tiningnan siya nito.
"Hindi ko po alam. Bigla na lang siyang bumagsak. Uhmm pakikuha po muna si Ivo."
Ibinigay niya si Ivo kay Sally.
"Cindy! Patawag naman sina Mang Pedring please," utos niya naman kay Cindy na agad
tumakbo palabas.
"Jusko. Kagabi pa iyan, Ivory." Mabilis siyang lumingon kay Sally.
"Po?" Bumuntong-hininga ito.
"Kagabi pa iyan naglalasing. Hindi ko nga alam kung bakit. Pero tingin ko dahil
nag-away na naman kayo?" Sandali siyang natigilan at nakagat ang labi.
Nilingon niya ito. Huminga siya nang malalim at nilapitan ito. Sakto namang
dumating ang dalawang guards. Nagtulong tulong ang mga itong alalayan si Xamuel.
"Sa kwarto niya na lang po," aniya sa mga ito saka binalingan si Cindy.
"Magdala ka ng bimpo at maligamgam na tubig sa kwarto niya." Tumango ito sa kanya.
Bumuntong-hininga ulit siya at hinalikan si Ivo.
"Hindi mo pa rin matiis." Sandali siyang napatigil sa sinabi ni Sally. Malungkot
niya itong nginitian.
"Ayoko lang pong maging ganyan siya. Paano na si Ivo?" Bumuntong hininga si Sally.
"Sana magkaayos na kayo." Nag-iwas lang siya ng tingin.
"Sige po, sundan ko lang," paalam niya at saka sumunod sa itaas.
Nagpatulong siya sa mga guards na ipahiga si Xamuel sa kama.
"Okay na po iyan diyan. Salamat po," aniya nang mapuwesto na si Xamuel.
Umalis na rin ang dalawang guards pagkatapos. Sunod na pumasok si Cindy na may
dalang palanggana.
"Saan ko po ilalagay?"
"Diyan na lang sa may bedside table. Salamat." Tinuro niya ang maliit na lamesa at
nginitian si Cindy.
Pagkaalis ni Cindy ay huminga siya nang malalim at umupo sa tabi ni Xamuel.
Tinanggal niya muna ang sapatos at pang-itaas nitong damit. Napatitig siya rito at
napailing.
"Bakit ka ba kasi naglasing?" Bumuntong-hininga siya at inabot ang palanggana.
Dahan dahan niyang idinantay ang bimpo sa noo nito.
Pinunasan niya rin ang katawan nito para malamigan. Huminga siya nang malalim at
tinitigan ang mukha nito. Agad siyang nag-iwas ng tingin nang maramdaman na naman
ang pag-init ng sulok ng kanyang mga mata. Lumunok siya at kinurap kurap ang mga
iyon para hindi siya tuluyang maluha.
Huminga siya nang malalim. Muli niyang binasa ang bimpo at idinantay sa noo nito.
Sandali siyang natigilan nang bahagya itong kumilos. Bumuga siya ng hininga at
ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
Nang matapos ay inilagay niyang muli ang bimpo sa palanggana tsaka siya kumuha ng
t-shirt at sinuotan ito.
Akmang tatayo na siya nag bigla naman siya nitong niyakap. Nakadapa siya sa dibdib
nito at nakapulupot ang dalawa nitong kamay sa kanyang bewang.
Natulala siya. Ramdam na ramdam at rinig na rinig niya ang tibok ng kanyang puso.
Sinubukan niyang kumawala pero mas hinigpitan nito ang yakap.
"Don't leave me…I love you, Ivory…"

Chapter 54
Hindi malaman ni Ivory kung ilang minuto siyang nakatanga at nakadapa kay Xamuel.
Naramdaman niya na lang na lumuwag ang yakap nito sa kanya.
Nang tiningala niya ito ay humihilik na it0. Mabilis pa sa alas kwatro siyang
napatayo.
Tulalang nakatitig lang siya kay Xamuel. Hindi niya alam ang irereact at hindi niya
rin alam ang mararamdaman. Parang biglang tumigil ang mundo niya at hindi siya
makagalaw.
Nanghihinang pabagsak siyang umupo sa kama. Ni hindi siya kumilos. Tiningnan niya
ulit si Xamuel na himbing na himbing. Parang walang nangyari.
Nakagat niya ang labi.
'Alam niya ba ang sinabi niya? O dala lang iyon ng kalasingan?'
Bumuntong hininga siya at natulalang muli. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang
nakatulala lang doon. Napaigtad lang siya nang biglang may tumawag sa kanya kasabay
ng pagbukas ng pinto ng kwarto.
"Ivory?" Agad siyang napalingon at bumungad sa kanya ang nakadungaw na si Sally.
"Ate Sally..."
Tuluyan na itong pumasok sa loob. Mabilis siyang napatayo. Hindi niya alam kung
bakit siya kinakabahan nang makalapit na si Sally.
"Jusko, ano bang nangyari sa batang ito," naiiling na sambit nito habang nakatingin
sa among bagsak na bagsak sa kalasingan.
Bumuntong-hininga si Ivory. Bumaling si Sally sa kanya at hinawakan ang dalawa
niyang kamay.
"Alam mo bang simula noong umalis ka ganyan na iyan…"anito na ikinatahimik niya.
Napayuko siya at hindi nakapagsalita. Lumunok siya. Parang ayaw niyang tingalain si
Sally. Hindi niya alam kung bakit pero feeling niya ay may malalaman si Sally kapag
nagtagpo ang kanilang mga tingin. Hindi niya maipaliwanag. Hindi niya maintindihan.
Kinakabahan siya.
"Ivory, okay ka lang?" Muli siyang napalunok at nakagat ang labi.
Rinig na rinig niya ang malakas na pagtibok ng kanyang puso habang unti unting nag-
angat ng tingin kay Sally.
Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa kanya.
"Hija, okay ka lang?" muling tanong nito.
Para siyang malalagutan ng hininga sa sobrang lakas ng tibok ng kanyang puso.
Nanginginig ang kanyang mga labi habang nakatingin dito.
"A-Ate S-Sally may sinabi si X-Xamuel…" nangangatal ang labing sambit niya. Mas
lalong kumunot ang noo ni Sally.
"Ano?" Bahagya siyang natigilan at napatitig na lamang kay Sally.
Makailang beses siyang lumunok. Humugot siya ng malalim na hininga.
"A-Ate Sally….M-Mahal…niya raw…a-ako…" Halos malagutan siya ng hininga habang
sinasabi iyon.
Nagkatitigan sila ni Sally. Kinakabahan siya sa magiging reaksyon nito pero ganoon
na lang ang gulat niya nang isang ngiti ang pumaskil sa labi ni Sally.
Kumunot ang noo niya.
"A-Ate S-Sally? Bakit p-po?" naguguluhang tanong niya rito.
Bumuntong-hininga si Sally at inakay siya palayo sa kama.
"Halika nga. Upo ka rito. Mag-relax ka. Para kang aatakehin sa puso. Upo ka."
Nagtataka man ay umupo pa rin siya sa sofa. Gulong gulo pa rin siyang nakatingin
kay Sally. Hindi niya maintindihan kung bakit parang relax na relax lang ito sa
sinabi niya.
Hindi ba ito nagtataka? Hindi ba ito nagulat? Hindi niya maintindihan.
"Ate Sally…b-bakit po…h-hindi ka ba n-nagulat?" takang takang tanong niya.
Hinawakan ulit nito ang kanyang kamay.
Bahagya itong tumawa na mas lalong ikinagulat ni Ivory. Hindi niya na talaga
maintindihan!
"Hindi pa ba halata?" Tila amuse na amuse pa nitong tanong.
"P-Po?" Mas lalong nanlaki ang kanyang mga mata at nalaglag ang kanyang panga.
Bumuntong-hininga si Sally at pinisil ang kanyang kamay.
"Hija, noong una palang alam ko na..." anito na mas nakapagpanlaki ng kanyang mga
mata.
"P-Po? Teka, h-hindi ko po kayo maintindihan…Ate S-Sally…" Nangangapa siya ng
sasabihin. Gulong gulo na talaga siya! Hindi niya maintindihan!
Huminga nang malalim si Sally at sumandal sa likod ng sofa. Hawak hawak pa rin nito
ang kanyang kamay. Ngumiti ito na para bang may naalala.
"Kakaiba ang titig niya sa'yo hija,"simula nito at nilingon siya. Nakatitig lang
siya rito.
"Ganoon din tingin niya noon kay Leah." Ngumiti ito sa kanya.
Napatanga siya. Huminga nang malalim si Sally at tinapik ang kanyang kamay.
Tiningnan siya nitong maigi.
"Hija, hindi ko alam kung anong pumipigil sa inyo, pero sana naman pagbigyan niyo
na ang isa't isa. Gusto ko lang din naman maging masaya na kayo."
Natigilan siya.
"A-Ate S-Sally…"
Bumuntong-hininga ulit ito.
"Ivory, alam ko namang ramdam mo. Ramdam mo naman siguro sa mga kilos niya hindi
ba? Maging kami ay pansin na pansin na namin. Ang turing nga sa'yo ng mga
kasambahay dito ay asawa na ni Xamuel." Bahagya itong tumawa.
Yumuko siya.
"Wala po siyang s-sinasabi…" hindi makapaniwalang sabi niya.
Napalingon siya sa kama kung saan natutulog si Xamuel tapos ay binalik niya ang
tingim kay Sally na ngumiti lang sa kanya.
Bumigat ang kanyang paghinga. Sari-saring emosyon ang kanyang nararamdaman pero mas
nangingibabaw ang pagkalito at pagkagulat.
Napalunok siya nang biglang tumayo si Sally.
Mabilis niya itong tiningnan.
"Ate…"
Tipid siya nitong nginitian.
"Iiwan ko muna kayo. Mukhang hindi pa talaga kayo nagkakausap nang masinsinan, e.
Pakiusap, hija, tama na iyang sakitan niyong dalawa. Bakit hindi kayo mag-usap nang
masinsinan? Hindi naman kasi masasagot ang mga tanong niyo kung hindi kayo mag-
uusap." Tinapik siya nito sa balikat bago ito tumalikod sa kanya.
Naiwan na naman siyang nakatanga roon. Nanatili siya sa kinauupuan niya habang
nakatitig pa rin kay Xamuel. Tulog na tulog pa rin ito. Mukhang malakas ang tama ng
alak dito.
Ni hindi na niya alam mung ilang oras na siyang naroon o kung anong oras na.
Napatingin siya sa wallclock ng kwarto at ganoon na lang ang gulat niya nang
makitang mag-aalas singko na.
Doon siya tumayo at nagbuga ng hininga. Akmang aalis na siya nang biglang magsalita
si Xamuel.
"Ivory…" Napatigil siya sa paglalakad at nakagat ang labi. Mariin siyang pumikit.
"Ivory..." tawag nitong muli.
"Ivory…fuck." Agad siyang napalingon nang dumaing ito.
Mabilis siyang lumapit dito.
"X-Xamuel…o-okay ka lang? M-May masakit ba s-sa'yo?" Idinantay niya ang isang kamay
niya sa noo nito.
Nakagat niya ang labi nang biglang nag-init ang sulok ng kanyang mga mata.
Agad na kumunot ang noo ni Xamuel.
"Why are you crying?" Mabilis nitong sinapo ang kanyang mukha.
Mas lalo siyang umiyak at humikbi.
"Shit. Why are you crying?!" Tuloy tuloy siya sa pag-iyak. Ni hindi niya alam kung
bakit siya naiiyak!
"Xamuel…"
"What, Ivory? Why are you crying?" Pinapahid nito ang kanyang mga luha sa pisngi.
Hindi na niya natiis at agad siyang yumakap dito.
Niyakap din siya nito nang mahigpit.
"Shh…damn why are you even crying?" Suminghot siya.
"H-Hindi ko rin alam!" Agad itong kumalas sa kanya at takang tiningnan siya.
"What?" Mas lalo siyang umiyak.
"Fuck…baby, why are you crying?" frustrated na tanong nito.
Lumunok siya at huminga nang malalim. Sinalubong niya ang tingin nito.
"M-May sinabi ka kanina… n-noong bago ka makatulog nang mahimbing…" aniya. Kumunot
ang noo ni Xamuel na tila nag-iisip.
Sandali itong napatigil at bumuntong-hininga. A small smile plastered on his lips
as he caressed her face.
"I thought it was a dream…" Ngumisi ito.
"What did I say again, baby?" Nakagat niya ang labi at mabilis na nag-iwas ng
tingin.
Xamuel chuckled. Agad niya itong sinamaan ng tingin.
He lifted her chin.
"B-Bak-"
Naputol ang dapat na sasabihin ni Ivory nang bigla siya nitong halikan.
Nanlaki ang mga mata niya at napalunok. Pumungay ang mga mata ni Xamuel.
"Don't leave me please…" paos nitong pakiusap at hinalikan siya ulit.
Agad siyang napapikit at dinama ang hagod ng labi nito sa kanya.
"Xamuel…" she said in between kisses. She heaved a deep sigh.
"Mahal kita…"
Mabilis siyang napabitiw rito. Tiningnan niya ito nang mabuti.
"K-Kailan pa?" nahihirapang tanong niya. Parang biglang bumigat ang kanyang
paghinga. Bumuga ng hininga si Xamuel.
"Ever since that first kiss, Ivory." Otomatikong kumunot ang kanyang noo at inalala
ang sinasabi nito.
"Y-Yung after ng nangyari sa pool?" tanong niya. Umiling siy Xamuel.
"Nope."
"Ha?"
Tinitigan siya nito. Mas lalong nagsalubong ang kanyang mga kilay. Mas bumilis ang
pagtibok ng kanyang puso.
'Anong sinasabi niya?'
"Sa movie marathon, Ivory…" Nalaglag ang kanyang panga.
"Ha?" Sandaling napatigil si Xamuel bago bumuga ng marahas na hininga. Marahang
itong tumango
"Kaya kita iniiwasan noon kasi gulong gulo ako noon. Hindi ko alam kung anong
pumasok sa isip ko at hinalikan kita habang tulog. Pagkatapos noon hindi na kita
matanggal sa isip ko." He scoffed and shook his head.
"Tsk. I never thought I'd fall in love again, you know. At first I thought it's
just because you resemble my wife. I mean, she's as carefree and as innocent as you
are. Pareho pa kayo ng tindig. I really thought that's just it. But no… you're a
breath of fresh air, Ivory. You are very different from Leah. Nakita ko iyon noong
first month ng pagbubuntis mo. You don't resemble her…you're just too different."
Umiling iling ito at tila nahihirapan sa sinasabi.
"I-I knew I fucked up when I kissed you that night, so I tried to avoid you. I
tried my freaking best, Ivory. I-I don't wanna be involved with you. It feels like
cheating…fuck…akala ko mapapanindigan ko, e. Akala ko mapapanatili ko ang relasyon
natin bilang mag-amo…b-but when I saw you cried that day after Mieralyn hurted you
in the townhouse…hell…I just didn't care anymore."
Nanatili siyang nakatingin sa mga mata nito. Ilang beses siyang napapalunok habang
hinahagod nito ng tingin ang kanyang mukha.
"I-Ivory…I already love you even before I made out with you in that pool…" he
confessed. Umawang ang kanyang bibig at napatitig sa lalaki.
"Ikaw, Ivory, do you love me too? Is the feeling mutual, baby?" malambing na tanong
nito.
Hindi siya agad nakasagot.
Bumuntong-hininga si Xamuel.
"If you don't love me, then I'll make you fall then, baby…" Hindi na siya nakaimik
nang kabigin siya nito at hinalikan sa labi.

Chapter 55
Naalimpungatan si Ivory nang maramdaman niya ang pagyakap ng isang braso sa kanya
at ang maliliit na mga halik sa kanyang pisngi.
"Hmm."
"Morning, baby…"
Kinusot kusot niya ang kanyang mga mata at saka dumilat. Bumungad sa kanya ang
nakangising mukha ni Xamuel.
Kinagat niya ang labi at agad na nag-iwas ng tingin.
Aalis sana siya ng kama nang bigla naman siya nitong hilahin pabalik. Ang ending ay
napayakap ulit siya rito. Uminit pa ang kanyang pisngi nang magkadikit ang mga
hubad nilang katawan.
"Don't leave please…" bulong nito at ibinaon ang mukha sa kanyang leeg.
Bahagya siyang nagpumiglas dahil nakikiliti siya.
"Xamuel…"
"Hmm baby?" Nag-init ang kanyang pisngi.
"H-Hindi ako aalis. Titingnan ko lang si Ivo..." she said against his chest. She
felt him chuckling.
"It's fine. Nandoon naman si Manang," sabi pa nito at mas hinigpitan ang
pagkakayakap sa kanya. Naramdaman niya pa ang paghalik nito sa kanyang noo na mas
ikinainit ng kanyang pisngi.
Mabuto na lang at nakasubsob ang mukha niya sa dibdib nito dahil kung hindi
malamang kitang kita nito ang mukha niyang parang pinigang kamatis sa sobrang pula.
Bumuntong hininga siya at niyakap din ito. Walang nagsalita sa kanila. Hindi niya
alam kung bakit siya nare-relax kapag pinapakinggan ang tibok ng puso nito.
Damang dama niya ang marahan nitong paghinga. Muli niyang naramdaman ang paghalik
nito sa kanyang noo.
"I love you, Ivory. I love you..." paos nitong bulong at pinugpog ng halik ang
kanyang buhok.
Hindi siya nakagalaw. She felt him caressing her hair gently. Napalunok siya at
napabuga ng hininga.
"How about you, baby? You haven't answered my question last night. Don't you love
me?" marahang tanong nito.
Tiningala niya ito saka siya ngumuso.
"Akala ko it doesn't matter?" inosenteng tanong niya. Nagkamot naman ito ng ulo.
Mas ngumuso siya.
"Yeah…baby… but uhm c-can I at least get an answer?" Tumulis ang nguso niya at
ibinalik sa pagkakabaon sa dibdib nito ang mukha.
Bumuntong-hininga siya.
"Xamuel…"
"Hmm?"
Kinagat niya ang labi at mariing pumikit. Lumunok siya at muling bumuntong-hininga.
"M-Mahal kita..."
She felt him stiffened. Bahagya itong gumalaw kaya nagalaw din siya.
Tuluyan na siyang bumangon at sumandal na rin sa headboard gaya ng ginawa ni
Xamuel. Itinaas niya ang comforter para matakpan ang kanyang dibdib. Nakatingin
lang siya sa harap habang si Xamuel ganoon din.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito.
"Then, bakit?" Nilingon siya nito. Bumuga siya ng hininga at binalingan din ito.
"Bakit hindi pwede? Bakit ayaw mo?" takang tanong nito sa kanya.
Umawang ang kanyang labi at tinitigan ang lalaki. Gumalaq si Xamuel at inabot ang
kanyang isang kamay. Pinagsiklop nito ang mga kamay nila at hinalikan ang likod ng
kanyang kamay.
"Ivory…"
Huminga siya nang malalim at kinagat ang labi.
"M-Mahal mo ba t-talaga ako?" tanong niya. Agad siyang niyakap ni Xamuel at mariin
siyang hinalikan sa noo.
"Fuck. Oo! Shit. I love you so much!"
Mariin siyang napapikit at muli na namang umiyak.
"Oh baby, stop crying please?" pakiusap nito at mas hinigpitan pa ang yakap sa
kanya.
Sumisinghot na bumitiw siya sa yakap.
"G-Gusto ko munang magtapos…" mahinang sambit niya. Sinapo nito ang kanyang mukha.
"So? Magtapos ka. You can do it while youre with me. Just please don't leave me
again. You can do everything, Ivory... I won't stop you." Nakagat niya ang labi at
muli itong niyakap.
"Damn, baby. I love you so much." Muling may sumikdo sa kanyang puso nang marinig
ang mga salitang iyon.
Bahagya siyang tumawa at nagpunas ng luha.
***
Simula noong bata pa siya, hindi niya pa naranasang makaramdam ng ganoong
kasiyahan. Walang katumbas ang nararamdaman niya ngayon.
Hindi niya ma-explain. Parang sasabog ang puso niya sa tuwa. Akala niya masaya na
siya noong mga panahong ramdam niya ang pag-aalalaga ni Xamuel. Noong mga panahong
panay ang paramdam nito kahit hindi siya sigurado kung iyon na nga ba iyon. Pero
mas masaya pala talaga kapag alam mong iyon na nga iyon.
Wala nang mas tutumbas pa sa sayang nararamdaman niya ngayon.
Naisip niya, iyon lang naman ang hinihintay niya, assurance. Assurance na meron
siyang inaasahan. Lahat naman siguro ng tao nangangailangan noon. Lahat ng tao
naghahangad ng kasiguraduhan.
Iyon lang naman din ang hangad ni Ivory. Simula bata pa siya ay kinamulatan niya
ang mundong walang kasiguraduhan. Walang kasiguraduhan kung makakakain ba siya kasi
nakadepende kung pakakainin siya ng tiyang niya o kung may maraket siya sa araw na
iyon. Walang kasiguraduhan kung ligtas ba siyang makakagising kinabukasan dahil sa
dami ba namang snatcher at drug addicts sa lugar nila, talagang matatakot ka.
Walang kasiguraduhan kung anong patutunguhan niya. Mabubulok na lang ba siya roon
nang hindi nakakalabas sa totoong mundo? May makakasama ba siya sa pagtanda? O
mamamatayng mag-isa?
Sa loob ng mahigit dalawampu't tatlong taon ganoon ang buhay niya, walang
kasiguraduhan. Kung mabilis lang siyang sumuko, malamang matagal na rin siyang
sumunod sa mga magulang niya, pero hindi. Lumaban siya. Lumaban siya hanggang sa
makarating siya sa kinaroroonan niya ngayon.
Bahagya siyang napangiti nang pagmasdan ang kanyang mag-amang magkatabing natutulog
sa kama. Nakagat niya ang labi.
'Ang saya naman pakinggan ng mag-ama.'
Bumuntong-hininga siya. Wala sa hinuha niyang magkakaroon siya nang ganitong
pamilya. Matagal na niyang tanggap noon na hanggang doon na lang siya. Ang buong
akala nga niya ay mamamatay nga siyang mag-isa pero ibang klase talaga gumawa ng
paraan ang tadhana.
Habang tinitingnan niya si Xamuel at Ivo na natutulog, napagtanto niyang kung ang
pangarap mo ay hindi mo sisimulan, hindi mo rin iyon matutupad. Parang siya,
pangarap niya noong magkaroon ng matiwasay na buhay at tahimik na pamilya, muntik
pa siyang sumuko dahil sa kalupitan ng tadhana pero bumangon siya. Kung hindi siya
nagdesisyong umalis sa poder ng kanyang tiyahin noong araw na iyon, hindi siya
mapupunta rito. Kung hindi siya nagdesisyong kumilos para sa sarili niya, hindi
siya mapupunta rito. Hindi niya makikilala si Xamuel at Ivo na nagbibigay sa kanya
ng matinding kasiyahan ngayon.
More than the money and the luxurious things, Ivo and Xamuel are her most precious
treasure. He will never exchange them to any gold. Nagkaroon siya ng pag-asa dahil
sa kanila. Dahil sa kanila rin, nagkaroon ng direksyon ang kanyang buhay. Pwede
pala siyang maging ina. Pwede pala siyang magmahal nang lubos kahit na mulat siya
sa mundo ng karahasan.
"What are you staring at, huh?" Agad siyang napakurap kurap nang biglang nagsalita
si Xamuel. Umayos siya ng upo at ngumuso.
"W-Wala. Ang ganda niyo lang tingnan," nakangiting wika niya. Ngumisi si Xamuel at
umalis ng kama. Kunot-noong sinundan niya ito pero nagulat siya nang umikot lang
ito papunta sa kanya.
Tumabi ito sa kanya at yumakap.
"Ang ganda mo rin." He chuckled against her shoulder.
Bumuntong-hininga siya at hinarap ang lalaki. Sinapo niya ang mukha nito at
tinitigan ito sa mata.
"Sorry ah…sorry kung nasaktan kita…" Kinagat niya ang labi. Agad na umiling si
Xamuel.
"Shhh. Stop it, okay? Stop it. I was at fault, too. I didn't tell you. Hindi ko
agad sinabi ang nararamdaman ko. I thought letting you feel it was enough. I'm
sorry baby…" Hinatak siya nito payakap.
Agad niyang binaon ang mukha sa balikat nito.
"Shh. Let's start again, Ivory. I want to start life with you and Ivo." Kumalas
siya sa yakap at sunod sunod na tumango.
"Ako rin. Ako rin."
***
"So, okay na nga kayo ni Sir Xamuel, huh?" taas kilay na tanong ni Jasmin nang mag-
video call sila kinagabihan.
Mahinang tumango lang siya. Napapalakpak pa si Jasmin.
"Ayon naman pala! Sabi ko naman sa'yo, di ba! Usap lang girl, usap!" talak nito sa
kanya. Bumuntong -hininga siya.
"Oo na. Pero masisisi mo ba ako?" Ngumuso ito at nagkibit balikat.
"Well sa bagay." Huminga siya nang malalim.
"Wag na lang nating pag-usapan. Ang importante, okay na at maliwanag na sa amin."
Nginitian niya ang kaibigan. Ngisi ang ibinalik ni Jasmin.
"Ases! Edu magiging Mrs. Cuanco ka na? Friend mayaman ka na!" bulalas nito.
Bumuntong-hininga siya.
"Jasmin, hindi pa naman pinag-uusapan iyan. Tsaka sabi ko sa kanya gusto ko nga
munang magtapos di ba? Tsaka hindi ako mayaman. Siya lang iyon." Ngumuso si Jasmin.
"O, e, paano nga pala iyong contract niyo?" Bumuntong-hininga siya.
"Hindi na tuloy. Sabi ko nga sa kanya wag na mag-deposit ng pera sa account ko.
Tsaka iyong nagastos sa negosyo ibabalik ko pag kumita na tayo pero ang sabi niya
hindi raw. Magde-deposit pa rin daw siya. Hinayaan ko na lang. Di ko rin naman
gagalawin tsaka nasa wallet niya ang atm ko. Nilagay ko doon." Humalakhak si
Jasmin.
"Wow! Bilib na talaga ako sa'yo!" Pumalakpak ulit ito. Ngumuso siya.
Sandali silang natahimik. Maya maya ay bumuntong-hininga siya.
"Jas, tingin mo deserve ko to?" Agad na kumunot ang noo no Jasmin.
"Ha? Anong pinagsasabi mo?" Nagkibit-balikat siya.
"Itong buhay ko ngayon. Tingin mo deserve ko?" Inirapan siya ni Jasmin.
"Ano ka ba naman! Syempre oo! Hello! Sa dami ba naman ng pinagdaanan mo, friend!
Deserve na deserve mo iyan dahil wala kang tinatapakang tao! Deserve mo kasi
mapagmahal ka! Tsaka oo, deserve na deserve mong lumigaya, friend. Sabi nga nila,
there's always a rainbow after the rain. Si Sir Xamuel at si Ivo, sila ang rainbow
mo. Wag ka ngang ma-drama! Naiiyak din ako no! Kainis ito!" Bahagya siyang natawa
nang nagpunas kuno ng luha si Jasmin.
"Salamat, Jas. Salamat sa lahat." Nginitian niya ito. Umirap ulit si Jasmin.
"Asus! Ang arte ha! Sisters tayo forever no!" Natawa ulit siya.
Pagkatapos ng tawag na iyon ay tumayo na rin siya at papasok na sana sa bahay para
puntahan si Ivo nang biglang may nag-text sa kanya.
Si Caleiah.
From: Cali Castilleja
Hi, Ivory! You told me to text you whenever there are charity events right? We'll
be having one next month! Text me kung free ka!
Agad siyang nagtipa ng reply dito.
To: Cali Castilleja
Free ako! Sabihin mo lang kung anong matutulong ko.
Bumuntong-hininga siya at kusang napangiti. Isa pang ipinagpapasalamat niya ngayon
ay ang pagkakilala niya sa magkapatid na Castilleja. Isa sila sa nakapagpa-realize
sa kanya na marami pang pwedeng maging dahilan para lumaban ka sa buhay. Isa roon
ang pagtulong sa kapwa.

Chapter 56
Kinabukasan, nagising si Ivory nang may naramdaman siyang parang humihila sa buhok
niya. Pupungas pungas siyang bumangon at agad na tiningnan iyon.
"Ivo?" takang tanong niya. Agad namang humalakhak si Xamuel at bahagyang inalayo si
Ivo sa kanya. Nakatayo na ito sa gilid ng kama at akba akba si Ivo.
Umayos siya ng upo at sinamaan ito ng tingin.
"You're mommy's cute when mad, Ivo," asar pa nito sa kanya.
"Wag mo ngang idamay si Ivo. Akin na." Iminuwestra niya ang kamay at akmang kukunin
si Ivo pero nilayo ito ni Xamuel.
"Xamuel!" she groaned. Xamuel just laughed.
"Have your breakfast first, baby." Napatingin siya sa nginuso nito sa side table.
Bumuntong hininga siya at inabot naman iyon.
"Ikaw nagluto?" tanong niya. Napakamot naman ito sa ulo.
"Well…Manang Sally did…" Napailing na lang siya at napangiti. Nagsimula na siyang
kumain.
Lumapit naman ang mag-ama sa kanya. Umupo si Xamuel sa tabi niya habang karga pa
rin si Ivo. Ngumuso siya at sinubuan ang lalaki. Tinanggap naman nito iyon.
"Say 'hi Mommy' baby," utos nito kay Ivo na nakatayo sa hita nito.
Natawa si Ivory. Ang cute cute kasi ni Ivo na walang kamalay malay na pinagti-
tripan na siya ng tatay niya.
Napailing siya.
"Ewan ko sa'yo. Wag mo ngang idamay si Ivo!" asik niya na tinawanan lang ni Xamuel.
Napailing siya at nagpatuloy na kumain.
Simula noong nagkaayos sila ni Xamuel, unti unti niyang na-aappreciate ang
kapilyuhan ng boyfriend. Sabi naman ni Sally ay talagang pilyo itong bata noon pa
man. Iyong naging ugali nito noong mga nakaraang tanong ay dahil sa mga nangyari sa
buhay nito.
Ngumuso siya.
'Ang sarap naman pakinggan ng boyfriend.'
Umingos siya at yumuko. Baka makita na naman nito ang pamumula niya at asarin na
naman siya. Madali siyang maasar kapag si Xamuel ang naasar. Ewan niya, isa yata
iyon sa hidden talent ng lalaki.
"So how is your business with Jasmin?" Nag-angat siya ng tingin.
Nilalaro pa rin nito si Ivo at sinusubukang patayuin. Napangiti siya.
"Hmm patapos na 'yong preparation. Iyong stocks namin sa cosmetics handa nang
ilipat. Iyong mga bulaklak naman, hihintayin pang ma-fully furnished ang lugar bago
ipa-deliver." Tumango tango ito.
"I can help you with that. Sino ba partner niyo sa flowers?"
"Hmm Legaspi Flowers? Tsaka 'wag na. Kaya na namin." Nginitian niya ito. Bahagyang
kumunot ang noo ni Xamuel. Lumingon ito sa kanya.
"I know that. Well, if you need help you know I'll always be here right?"
Nagkatinginan sila. Ngumiti siya. Itinabi niya ang tray ng pagkain at niyakap ito.
"Salamat," bulong niya.
"Tss. You're always welcome, baby." Kumalas siya sa yakap at tiningnan si Ivo na
nakatayo pa rin at hawak hawak ni Xamuel.
She tousled his thin hair.
"Bilis mo lumaki," komento niya. Ivo giggled as if he understood it. Natawa sila ni
Xamuel.
"Halika," muwestra niya kay Ivo at kinuha ito kay Xamuel.
"Hmm. Laki laki mo na. Bumibigat ka na, o!" Bahagya siyang natawa at umayos ng upo.
Sumandal siya sa headboard at pinatayo si Ivo sa harap niya. Tuwang tuwa naman ito
at pumapadyak padyak pa.
Binalik ni Xamuel sa side tabke ang tray at tumabi sa kanya.
"Nga pala, may meeting kami ni Cali sa lunes. Iyong tungkol sa scholarship ko at
ALS," kwento niya habang nag mi-make face kay Ivo.
Naramdaman niya ang pagpulupot ng isang kamay ni Xamuel sa kanyang bewang.
"You want me to go with you?" Bumuntong-hininga siya
"Okay lang ako."
"Okay. Just tell me when you need something okay? I know the husband of Cali's
sister." Tinanguan niya ito at binalingan.
"Hmm sige."
Umayos siya ng upi at pinahiga muna si Ivo. Nilagyan niya ng mga unan ang gilid
nito bago bumalik sa pagkakasandal sa headboard. Tiningnan niya si Xamuel.
"Hmm Xamuel, kumusta na pala iyong si Meiralyn?" tanong niya. Agad na nawala ang
aliwalas ng mukha ni Xamuel. Ngumuso siya. Umayos ito ng upo.
"Dont mention her." Huminga siya nang malalim at umangkla sa braso nito.
Ilang araw na rig bumabagabag sa utak niya kung ano nga ba talagang nangyari kay
Mieralyn. Siguro sobrang paranoid na niya na may susulpot na naman bigla at
manggugulo sa kanila. Gusto niya lang malaman kung ano nga ba talagang nangyari
rito.
"Ano bang nangyari talaga? Ang sabi kasi ni Cairish, may kinaso ka kay Mieralyn.
Pero di niya raw alam kung ano."
Bumuntong- hininga si Xamuel.
"Pinatay niya ang kapatid niya." Agad na nanlaki ang mga mata ni Ivory.
"Teka, iyong dati mong asawa? A-Akala ko ba aksidente?" takang tanong niya.
Bumuntong -hininga ulit si Xamuel.
"I thought so too. Turns out no. When she harassed you in the townhouse, I already
had her investigated. I was not really convinced with Leah's death. I've always
felt like there was a foul play. I had to keep her in while the investigation is on
going, so she'll shut her mouth about you." Mas lalong nangunot ang noo niya.
"Ha?" Huminga nang malalim si Xamuel at nilingon siya.
Tinanggal nito ang pagkakaangkla niya sa braso nito saka nito ipinulupot ang braso
sa bewang niya. Sumandal siya sa balikat nito.
"She threatened me to expose you to my family's enemies. You know thay we have a
lot, right? That wouldn't be a problem, but I cannot risk your safety then, so I
had to give in to her whims to shut her mouth."
Napaawang ang labi ni Ivory at agad na nag-angat ng tingin dito.
"P-Paano ang pamilya niya?" nag-aalangang tanong niya. Huminga nang malalim si
Xamuel at hinalikan siya sa noo.
"I made sure they'll not be able touch us again. They have no resources now. They
can't do anything about it."
Bumuntong-hininga siya. Nakagat niya ang labi.
"Yung tiyang ko?" Tiningnan siya ni Xamuel.
"She was caught because of drugs. As much as I want to file a case against her for
what she did to you, Cairish said you don't want to file anymore…"
Ngumuso siya.
"Okay na naman sa aking nakakulong na sila. Ayaw ko na kasing palakihin ang gulo,"
mahinang sabi niya. Bumuntong-hininga si Xamuel at tumango.
Niyakap siya nito.
"Tss. Come on. Let's not spoil the day. Cut this drama already." Hinalikan siya
nitong muli sa noo. Bahagya siyang natawa.
"Let's have a family day," anito at niyakap siya nang mahigpit.
Napangiti siya at tiningala ito.
"Uhmm may gusto sana akong puntahan nating tatlo…" Kumunot ang noo nito. .
"Where?" Sandali siyang napatitig dito at bumuntong-hininga.
"Sa sementeryo."
***
"Let's go." Tinanggap ni Ivory ang nakalahad na kamay ni Xamuel.
Naka-bag sa harap niya si Ivo. Pinagsiklop naman ni Xamuel ang kanilang mga kamay
at sabay silang pumasok ng sementeryo.
Bumuntong -hininga siya pagkarating nila sa isang mausoleum. Bumitiw si Xamuel sa
kanya at may kinuhang susi sa bulsa ng shorts nito. Binuksan nito ang mausoleum.
Inilahad ulit ni Xamuel ang kamay sa kanya. Nginitian niya naman ito at tinanggap
iyon. Pumasok sila sa loob. Tumigil siya sa harap ng isang nitso.
Huminga siya nang malalim at tinanggal ang bag ni Ivo. Tinulungan siya ni Xamuel na
ipaharap si Ivo sa nitso. Ngumuso siya at ngumiti.
"Hi, Leah. Siya si Ivo. Ako si Ivory… a-ako iyong surrogate na kinuha ni Xamuel
para ipanganak ang anak niyo.…Alam mo, ang bilis niyang lumaki. Ang cute cute niya
pa. Manang mana sa inyo." Bahagya siyang natawa. Bumuga siya ng hininga.
"Leah…wag kang mag-alala, ipapakilala kita sa kanya paglaki niya. Pwede namang
dalawa tayo, e. Pangako rin, mamahalin ko siya na parang anak ko... aalagaan ko
sila ng mag-ama mo." Nilingon niya si Xamuel na wala pa ring imik mula kanina.
Hindi niya alam kung bakit ito natahimik nang sabihin niyang gusto niyang dalawin
ang puntod ng namatay nitong asawa. Gusto lang naman kasi niyang magpaalam dito.
Gusto niyang wala na siyang iisipin pa. Gusto niya lang na wala na siyang mabigat
na pasanin at ito ang unang hakbang. Bago sila magsimulang muli, dapat magkaroon
sila ng closure sa nakaraan.
Binalik niya ang tingin sa nitso.
"Leah…nandito ako para magpaalam… Mahal na mahal ko ang mag-ama mo, Leah. Hinding
hindi ko sila pababayaan. At hinding hindi rin kita balak na palitan sa buhay
nila…"
"Ivory…" Natigilan siya nang magsalita si Xamuel. Lumapit ito sa kanya.
Ngumiti lang siya rito.
"Gusto ko lang talagang magpaalam nang maayos kay Leah. Kahit naman kasi
pagbalikta-baliktarin ko ang mundo, parte pa rin siya ng buhay niyo. Dumagdag lang
ako, Xamuel, pero hindi ko siya papalitan." Napamaang si Xamuel sa kanya.
Bumuntong-hininga ito at hinawakan ang kanyang pisngi.
"Ivory..." Marahas itong bumuntong-hininga at saka sila niyakap ni Ivo.
"Damn. What did I ever do to have you, huh?" She felt him kiss her head. His hug
tightened. Bahagya siyang natawa.
"Si Ivo, naiipit!" Xamuel chuckled and kissed his little one as well.
Hinarap nito ang puntod ni Leah.
"You'll forever be in our hearts, Le." Humarap ito sa kanya.
"I love you, baby. Leah has a speciak space in my heart, but please do not doubt my
love for you because I love you so damn much." Mariin nitong hinalikan ang kanyang
noo.
Nakagat niya ang labi at pumikit. Unti unti ay nararamdaman na naman niya ang pag-
iinit ng sulok ng kanyang mga mata.
"Why are you crying?" agad na tanong ni Xamuel nang makita ang mga luhang
lumalandas sa kanyang mga pisngi.
Bumuntong-hininga siya.
"Masaya lang ako. Masayang masaya."
She's never been this happy and he's never been happy.

Chapter 57
"Friend!" Napangiti si Ivory nang marinig ang tili ni Jasmin.
Kahit kailan talaga itong kaibigan niya, e. Kahit saan din ilagay talagang walang
makakapigil. Napailing na lang siya at kumaway dito.
"Wow, friend! Grabe, sosyal na sosyal ka na talaga!" Halos magningning ang mga mata
ni Jasmin habang pinapasadahan ng tingin ang buong cafe na kinaroroonan nila.
Ngumuso siya sa kaibigan.
"Mas excited ka pa yatang makita iyong cafe kaysa sa akin," nagtatampo kunong wika
niya. Agad na napatingin si Jasmin sa kanya at hinampas siya. Break niya kasi at
nagkataong nasa malapit lang si Jasmin kaya inimbitahan niya ito para naman kahit
papaano ay makapag-chikahan din sila habang naghihintay siya ng susunod na klase.
"Ito naman! Nagtampururot! Na-excite ako kasi talagang bigatin ka na! Tingnan mo
naman friend o! May pa-cafe ka na kapag nag-aaral e samantalang noon lampara lang
kaya ang katuwang natin at iyong stick na kape!" Tumawa ito. Natawa na rin siya.
Ilang buwan na rin ag lumipas. Pati naman siya ay hindi pa rin makapaniwala sa mga
nangyayari sa kanya. Biruin mo, hindi pa pala huli sa kanya ang lahat. Pinangarap
niya ang ganitong buhay pero ni minsan hindi niya inisip na magkakatotoo ito dahil
sa sitwasyon niya noon, napaka-impossible talaga nito. Pero ngayon, ito na.
Nag-aaral siya sa isang pribado at high class na eskwelahan. Nakatira sa isang
bahay na nasa exclusive village. Nakakapag-kape pa sa mga mamahaling cafe.
"Kumusta naman, sist! Marami bang gwapo sa Clarke? Yiie!" Parang binuhusan ng asin
na kitikiti si Jasmin. Sinaway niya ito dahil ang lakas pa ng boses.
Pinagtitinginan na tuloy sila ng mga ibang nandoon.
Nasapo niya na lang ang noo.
"Hinaan mo nga iyang boses mo. Nakakaistorbo ka, nag-aaral sila, o." Nginuso niya
ang mga estudyanteng nasa paligid.
Kadalasan sa kanila ay may mga malalaking librong dala at sandamakmak na mga
reviewers. Iyong iba nga may mga dala pang bookstand para sa mga makakapal na
libro.
"Shet, friend mga doctor ba iyang mga iyan? Mga magdo-doctor pa?" impit nitong
tanong sa kanya. Pinanlakihan niya ito ng mga mata.
"Hinaan mo nga! Mga law students iyan. Iyong mga nakaputi, mga medicine student.
Kadalasang nandito mga mag-aabogado. Iyong mga medicine sa library ng Clarke
marami," bulong niya. Mas lalong kinilig ang kaibigan niya.
Napailing ulit siya.
"Hindi ka ba oorder?" tanong niya rito. Ngumisi si Jasmin.
"Libre mo ha!" Napairap na lang siya at tumango saka ibinigay ang card niya.
Excited naman itong tumayo at pumunta na ng counter.
Napabuntong-hininga na lang siya at pinagmasdan ang kaibigan.
Ang bilis lumipas ng panahon. Nag-aaral na siya ngayon ng kursong BS Medical
Technology. Gusto niya talagang tuparin ang pangarap noon. Mahirap pero kinakaya
niya. Kinaya niya nga ang mga pagsubok niya noon, ito pa kaya.
Noong mga unang linggo talaga siya nahirapan kasi pinagsasabay niya ang negosyo
nila ni Jasmin, pag-aaral at pag-aalaga kay Ivo. Syempre ayaw niyang iwan sa ere
ang kaibigan niya lalo naman ang anak niya. Pero kalaunan ay nakapag-adjust din
naman siya ng kaunti. Tinutulungan din naman siya nina Jasmin, Sally at Xamuel.
Pagkatapos ng klase niya, umuuwi siya agad. Sa kwarto siya ni Ivo tumatambay para
mabantayan niya ito habang nag-aaral siya at nagta-trabaho. Work from home muna
siya pero kapag may oras naman ay nagpupunta siya sa site nila. Magaling naman mag-
manage ang bestfriend niya. Tsaka tinulungan din naman sila ni Xamuel na kumuha ng
store managers para sa I-Flower Shop at J- Cosmetics.
Sa dami ng pinagdaanan niya, feeling niya lahat ng mangyayari sa kanya ay kakayanin
at kakayanin niya.
"Ay nako, friend! Ang daming gwapo pala dito! Nakita ko doon sa counter o! Shet!"
kwento ni Jasmin nang bumalik ito. Napailing na lang ulit siya.
"Kumain ka na lang, Jas," sabi niya. Sumama naman ang mukha nito. Tumawa lang siya
rito.
***
Alas-sais nang dumating si Ivory sa bahay. Sobrang pagod na pagod siya sa skwela at
sa biyahe kahit na sinusundo naman siya ng service nila. Parang drain na drain ang
buong pagkatao niya. Halos araw araw ay ganito ang nararamdaman niya pero pilit
niyang nilalabanan ang pagod at antok.
"Hi, mommy!" Napangiti na lang siya nang makita si Ivo na karga karga ni Sally.
Ikinaway kaway pa ni Sally ang maliliit na kamay ni Ivo na humagikhik naman sa
kanya.
Agad niyang inilapag ang mga gamit sa sofa at mabilis na nilapitan si Ivo.
"Hello, baby ko! Halika nga! Hmm!" Kinuha niya ito at pinugpog ng halik sa mukha.
Mas lalo naman itong humagikhik.
Napasalampak siya sa sofa at mahigpit itong niyakap.
"Nako, ang cute cute naman nito!" Marahan niyang kinurot ang pisngi nitong lalo
yatang lumulobo sa paglipas ng mga araw.
"Ang bilis mong lumaki!" sabi niya pa. Natawa si Sally.
"Good evening, Cuanco residence!" Sabay silang napatingin sa may pinto nang marinig
iyon.
"Jas?" takang tanong niya nang makita si Jasmin na may dalang maraming paperbags.
Ang akala niya kasi ay busy ito at may lakad pa pagkatapos nilang magkita sa cafe.
"Akala ko may lakad ka pa?"tanong niya. Nagkibit balikat ito at tumabi sa kanya.
"Hmm oo, pero maaga natapos kaya pumunta na lang ako rito. Makikikain ako. " Natawa
siya.
Lakas talaga ng trip ng kaibigan niya,e. Kung hindi sila nito nagkikita, pumupunta
ito rito para makikain.
"Tinamad ka na namang magluto," komento niya. Tumawa lang naman ito at nilaro na si
Ivo.
Napailing siya.
"Grabe, bakit tumataba to lalo si Ivo, Ivs?" Agad niya itong sinapak.
"Hoy grabe naman!"
"Wag mo kasing tinatawag na mataba!" Nginusuan niya ito. Nagsalubong naman ang
kilay ni Jasmin.
"Ay! Ang sensitive ha!" Tinawanan siya nito. Umiling ulit siya at hinayaan muna
itong laruin si Ivo.
Niligpit niya ang mga gamit niya.
"Nga pala, friend, kumusta na kayo ni Xamuel? I mean how's the relationship going?"
Makahulugang ngumisi si Jasmin habang pinapatayo si Ivo. Napairap siya.
"Okay naman kami. Busy siya sa work. Busy rin ako sa school pero okay na okay
naman."
"Tuloy pa rin ang sexy time?"Nanlaki ang mga mata niya at hinampas si Jasmin.
"Jasmin nga!" Bumulanghit ng tawa ang kaibigan niya. Naramdaman niya naman ang pag-
iinit ng kanyang mukha.
"Bakit?! Yiee tuloy tuloy pa rin no? Sana all!"
"Jasmin! May bata kasi!" Feeling niya ay pulang pula na ang mukha niya sa sobrag
hiya.
Ang magaling naman niyang kaibigan ay mas tumawa pa. Mas lalo pa iyong lumala nang
marinig nila ang pagbusina ng sasakyan ni Xamuel sa labas.
Pinanlakihan niya ito ng mata pero humagikhik lang naman ito.
Maya maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Xamuel na may dala dalang
briefcase. Kagagaling lang nito sa opisina.
Ngumiti ito nang makita siya.
"Hi," anito at hinalikan siya sa labi. Agad niyang narinig ang pagtikhim ni Jasmin
na sinamaan niya ulit ng tingin.
"Hi, Sir!" pilyang bati pa nito at kinarga si Ivo.
"Hey, Jasmin."
"Makikikain po ako, ha? Alis muna kami ni Ivo, bue loverbirds!" Makahulugan siya
nitong tiningnan. Napairap siya.
"Napaka talaga ni Jasmin!" bulong niya na narinig naman ni Xamuel. Tumawa ito.
"Hindi ka pa nasanay sa kaibigan mo," anito sa kanya. Napailing siya at tinuloy ang
pagligpit sa mga gamit.
Nilagay din ni Xamuel ang dalang briefcase at umupo sa couch.
"Kumusta?" tanong niya rito. Nagkibit balikat ito.
"Okay lang. Got lots of meeting, but they went well. Ikaw, how's your day?" Ngumuso
siya at umupo sa tabi nito.
"Hmm okay lang din naman. Lecture lang naman kami kanina. Sumasakit na nga ulo ko
kababasa pero, kaya pa naman. Tsaka nawawala pagod ko pag nakikita si Ivo. Kanina
nga ang likot likot na, e. Tingnan mo naman iyon, o. Tinuturuan na yata ni Jasmin
mag-exercise." Tinuro niya ang kaibigan sa may dining na sinusubukang patayuin si
Ivo.
Natawa si Xamuel at agad na pumulupot ang mga kamay sa kanyang bewang.
"Yeah. He's going to grow very bubbly."
Natawa siya.
"Oo nga. Ganyan ka ba noong bata?" Humilig siya sa dibdib nito. Gustong gusto
niyang nakayakap sa dibdib nito. Feeling niya safe na safe siya. Bahagyang gumalaw
si Xamuel at inayos ang yakap.
"Hmm hindi naman."
Natawa ulit siya. Sandali silang natahimik, pinapakiramdaman lang ang isa't isa. Sa
isang buong araw, may ganito talaga silang moment. Nasanay na lang yata sila nang
hindi sinasadya. Parang ito iyong nagpaparelax sa kanilang dalawa sa sobrang ka-
busy-han ng araw nila.
Bumuntong-hininga si Xamuel.
"Anyway, Caleiah invited us next week." Ngumuso siya.
"Saan?"
"Sa engagement." Agad siyang nag-angat ng tingin.
"Nila ni Doc AJ?" tanong niya.
"Yeah."
"Wow! Sa wakas!" Agad siyang napahiwalay kay Xamuel.
Natawa ito at hinila ulit siya payakap. "Yeah."
Humilig ulit siya sa dibdib nito.
"Paano mo pala sila nakilala?" tanong niya. Hindi niya pa nga pala natatanong si
Xamuel dito. Kahit na natanong na niya ito noon kay Cali, gusto niya pa ring
itanong kay Xamuel
Nagkibit balikat ito.
"Well sa college. Ka-frat ko si Desiderius, Cairish's husband. Yung kapatid ni AJ
din ka brod namin, but Danniel and I are in diff chapters but one frat."
"Ohh." Nag-korteng o ang kanyang bibig at tumango tango.
Natahimik ulit sila. Mas humigpit ang yakap nito. Naramdaman niya ang paghalik nito
sa kanyang buhok.
"Hmm bango…" Napairap siya.
"Lah. Landi na naman."
Tinawanan lang siya ni Xamuel.

Chapter 58
Nagising si Ivory sa tunog ng kanyang cellphone. Agad siyang napabalikwas at
napatingi sa wall clock ng kwarto nila.
"Hala!" bulalas niya at mabilis na bumaba ng kama at hinagilapnang damit niya
kagabim
"Xamuel! Hoy!"
"Hmm…"
"Gising na! Mag-aalas siyete na!" Niyugyog niya ito nang niyugyog hanggang sa
magising.
"What?" pupungas pungas na tanong nito.
"Mag-aalas siyete na po! Mali-late tayo! Tara na!" tarantang sabi nita at agad na
tumakbo sa banyo. 8:30 ang first subject niya ngayon at mali-late siya kung hindi
niya pa bibilisan ang kilos.
'Kasi naman sinabi ng walang sexy time pag weekdays!'
Halos pinagsabay na niya ang pagsasabon at shampoo tapos ay sumalang na sa shower.
Nakagat niya pa ang labi. Kung ano ano na tuloy ang pinag-iisip niya dahil kay
Jasmin!
Mariin niyang ipinilig ang ulo at saka dali daling pinatay ang shower. Naabutan
niya si Xamuel na nagto-toothbrush sa may sink sa labas ng shower room.
"Dalian mo!" aniya at agad na tumakbi palabas.
Buti na lang nakapag-plantsa na siya kagabi. Mabilis pa sa alas kwatro ang naging
kilos niya.
"Una na ako sa baba, ha!" sigaw niya at nagmamadaling lumabas.
Pagkababa niya ay nakita niya na si Ivo na pinapakain ni Sally ng baby food nito.
"Hi, baby!" bati niya at pinugpog ito ng halik bago dumiretso sa dining at kumuha
ng tinapay.
"O, nasaan na si Xamuel? Mali-late kayo niyan." Dinig niyang tanong ni Sally.
Lumingon ulit siya sa hagdan at sakto namang pababa na si Xamuel, nagmamadali na
rin.
"Baon ka na lang ng sandwich," aniya rito. Tumango ito at kinuha iyon.
"I can't drop you off baby. I have a meeting at 8," nagmamadaling sabi nito.
Sandali siyang natigilan.
"Ganoon ba? O, sige sige. Pahatid na lang ako kay Manong," sabi niya na lang.
Tumango lang ulit si Xamuel at mabilis siyang hinalikan sa labi.
"Bye!" Kinawayan niya lang ito.
"Kami na lang maghahatid sa'yo, Ivory," ani Sally at pinagpagan na si Ivo.
Mas lalo siyang napangiti.
"Aw, ihahatid ako ng baby ko? Sige ba!" Kinuha niya ito at kinarga.
"Puntahan ko lang si Pedring." Tinanguan niya lang si Sally saka inabot ang kanyang
bag. Pinadala na lang niya kay Cindy ang kanyang makakapal na libro dahil karga
niya si Ivo.
"Tara na!" ani Sally at kinuha na si Ivo. Kinuha niya naman ang kanyang libro at
pumasok na sa van.
Hindi siya kinakabahan kahit na muntik muntikan na siyang ma-late dahil naaliw
naman siya kay Ivo. Muntik pa nga itong umiyak nang bumaba na siya.
"Ay nako, ayan ma-mimiss ka yata agad." Natawa siya sa sinabi ni Sally.
Marahan niyang kinurot ang pisngi ni Ivo at hinalikan ito.
"Ba-bye na! Magkikita naman tayo mamaya!" Nginitian niya ito at kinawayan na.
Agad din siyang tumalikod pagkatapos at halos tumakbo na papunta sa klase niya.
Huminto lang siya sa pagtakbo nang nasa tamang floor na siya. Huminga siya nang
malalim at saka inayos ang uniform at bag.
Pagkapasok niya ng classroom nila ay ramdam na ramdam niya ang mga tinginan ng
kanyang mga kaklase. Napapailing na lang siya. Mas bata ng ilang taon ang mga
classmates niya at alam naman sa buong university kung sino siya at na boyfriend
niya si Xamuel kaya hindi niya rin naman masisisi ang mga ito kung ganoon itong
tumingin sa kanya.
Umiling na lang siya at nagtungo na sa kanyang usual na upuan, sa gilid at
pinakaharap. Binuklat niya ang kanyang libro sa subject na iyon.
Hindi niya na lang pinansin yung mga tinginan ng mga kaklase niya. Hindi naman kasi
yan ang ipinunta niya rito. Bahala sila.
Bumuntong-hininga siya at nagsimula nang magbasa. Ilang minuto lang din naman ay
dumating na ang professor nila. Nakinig na lang din siya sa discussion.
***
Lunch time came at mag-isang tinungo ni Ivory ang canteen nila. Nag-order lang siya
ng usual order niya at saka umupo sa usual niyang inuupuan sa may sulok ng canteen.
Mas gusto niya na iyong malayo siya sa mga tao at nang wala masyasong tsismis. Wala
rin naman kasi siyang kasama dahil wala naman siyang kaibigan. Wala rin siyang
balak makipagkaibigan sa mga tao rito dahil puro sila mayayaman. Okay na naman siya
sa mga kaibigan niya.
Bumuntong-hininga siya at nagsimula nang kumain. Nasa gilid lang ng tray niya ang
kanyang cellphone. Ka text din kasi niya si Xamuel.
Xamuel:
Sorry about earlier. I'll fetch you later
Napangiti siya at agad na nag-type ng reply. Na excite tuloy siyang umuwi. Minsan
lang kasi talaga sila magkasabay umuwi dahil sa schedule niya at sa schedule din ni
Xamuel.
Ngumuso siya at nagpatuloy na sa pagkain.
"Hi, Ivory." Sandali siyang natigilan at agad na nag-angat ng tingin nang marinig
iyon.
Nagulat siya nang makita ang tatlong lalaking nakapareha niya ng uniform. Pamilyar
ang mga iyon sa kanya pero hindi niya alam ang pangalan
Tipid lang siyang ngumiti. Napakunot pa ang noo niya nang nanatiling nakatingin at
nakangiti ang mga ito sa kanya.
Nakagat niya ang labi at yumuko. Ang weird lang kasi at pinapansin siya ng mga ito.
Tumikhim siya at agad na nag-ayos ng gamit.
"Ah sige, alis na ako. Pwede na kayong umupo." Hindi niya na pinansin ang mga ito
at diretso nang naglakad paalis doon.
Sa mga sumunod niyang klase ay hindi sita mapakali. Ang awkward at weird sa
pakiramdam noong mga tingin ng mga bumati sa kanya.
Ay ewan niya. Ang weird lang kasi talaga. Hindi siya sanay na may pumapansin sa
kanya sa mga kaklase niya.
Bumuntong-hininga na lang siya at nakinig na sa prof. Nagpangalumbaba siya.
"For next meeting, read the next chapter. We might have a quiz. Dismissed."
Agad siyang nabuhayan nang loob nang marinig iyon sa prof nila. Mabilis niyang
sinikop ang kanyang mga gamit at agad na tumayo.
Humikab pa siya at napatingin sa kanyang wristwatch. Medyo maaga siya ngayon dahil
hindi naman tinapos ng prof iyong oras ng klase nila.
Nagmamadaling naglakad paalis ng classroom nila. Ti-next na rin niya si Xamuel na
palabas na siya ng university.
Naglalakad na siya palabas ng main gate nang biglang may tumawag sa kanya.
"Hey, Ivory!" Kunot noong lumingon siya at ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat
niya nang makita ang tatlong lalaking bumati sa kanya kanina sa canteen.
Napalunok siya at bahagyang tumigil. Hindi naman siya bastos para hindi pansinin
ang mga ito.
"Uy," tanging sabi niya. Medyo kinabahan siya nang makalapit ang mga ito. Ngumiti
iyong nasa gitnang lalaki.
"Join ka muna sa amin. May gala kami," kaswal na aya nito. Tipid siyang ngumiti at
marahang umiling sa mga ito.
"Ah sorry...p-pauwi na ako, e."
"Halika na. KJ naman."
Mas lalo siyang kinabahan sa sinabi ng lalaking nasa kanan. Lumunok ulit siya.
Sinusubukan niyang wag maging mataray sa mga ito kaya tipid na naman siyang
ngumiti. Huminga siya nang malalim at tatalikod na sana nang may nagsalita sa likod
niya.
"Ivory."
Natigilan silang lahat. Mabilis siyang lumingon at para siyang nabunutan ng tinik
nang makita si Xamuel di kalayuan sa kanila.
Agad siyang naglakad papunta rito.
"Xamuel," tawag niya at pumunta sa tabi nito. Hindi ito nagsalita.
Madilim itong nakatingin sa mga lalaking nag-aya sa kanya kanina. Lumunok siya at
hinawakan ang braso nito.
"Are they bothering you?" mariing tanong nito. Nakagat niya ang labi at napatingin
din sa mga lalaki kanina.
Kunot na kunot na ang mga noo ng tatlo habang nakatingin sa kanila. Bumuntong-
hininga siya.
"Ah hindi naman, tara na…" Hinila na niya lang ito paalis doon. Baka kasi kung ano
pa ang mangyari. Kinakabahan pa naman siya sa mga titig ni Xamuel sa mga kaklase
niya.
Buong biyahe ay tahimik lang sila ni Xamuel. Napanguso na lang siya nang hanggang
sa pag-uwi nila ay tahimik pa rin ito.
"Xamuel, may problema ba?" tanong niya nang makalabas sila sa sasakyan. Sandali
itong napatitig sa kanya.
"I'm not comfortable with those guys," pagtatapat nito sa kanya.
Bumuntong-hininga siya at umangkla sa braso nito.
"'Wag mo na isipin iyon. Iiwasan ko na lang. Pag aaral naman ang pinunta ko roon.
Ako na ang iiwas, okay? Wala ka namang dapat ipag-alala." Huminga siya nang
malalim. Bumuga ng hininga si Xamuel at saka siya niyakap nang mahigpit.
"Damn bakit ang swerte ko sa'yo. Hmm?" Natawa siya at ipinulupot ang dalawang braso
sa bewang nito.
"Hmm ang bango naman." Dinig niyang sabi nito habang sinisinghot ang buhok niya.
Napairap siya.
"E may exam ako wag kang malandi," nakangusong sabi niya.
Tinawanan lang siya ni Xamuel. Ngumuso siya at kumalas sa yakap.
"Tara na. Gutom na ako, e," yaya niya rito. Natawa lang ulit si Xamuel at
pinagsiklop ang kanilang kamay bago pumasok.
Pagdating nila sa dining ay hindi na siya nagulat na nandoon na naman si Jasmin.
Napailing siya.
"Friend! Excited na ako sa gown ko!" tili nito pagkakita sa kanya. Kumunot ang noo
niya.
"Ha? Anong gown?" tanong niya. Bahagyang natigilan si Jasmin.
"Iyong gown para sa engagement ni Caleiah Catilleja at Doc. AJ Fortalejo! Shet!"
Para na naman itong kiti kiti. Napailing na lang siya at nilingon si Xamuel.
Nagkibit balikat ito.
"Cali told me to bring your friend. You'll have your fitting this weekend,"sabi
nito. Natawa na lang siya at binalingan ulit si Jasmin na kinukulit na si Ivo.
"Panigurado maghahanap lang iyan ng gwapo roon," natatawang sabi niya at umiling.

Chapter 59
Sabado ng umaga, maagang umalis si Ivory at Jasmin para sa fitting ng mga gown nila
para sa engagement party ni Caleiah bukas. Excited na excited si Jasmin as usual.
Nag-leave pa nga sa negosyo nila para lang sa fitting nila.
"Magpa-spa tayo later, friend para naman hindi tayo haggard! Jusko! Mga bigatin ang
aattend bukas no! Baka may mga artista pa! Shocks! Makakakita na ako ng
artista!"tili nito at nagpapadyak padyak pa.
Mabilis niya itong sinaway.
"Wag ka ngang malikot! Naaalibadbaran si Ivo sa'yo," sabi niya at tiningnan ang
batang nasa kanyang hita. Nakatingin lang kasi ito kay Jasmin at naka poker face.
Nagtawanan sina Sally at ang driver.
Hindi sila nasamahan ni Xamuel ngayon dahil may kinailangan itong attend-an na
meeting. Mabuti nga at wala siyang klase ng Saturday. Well actually, pina-arrange
ni Xamuel iyon para sa weekends ay wala siyang klase. Impluwensya nga naman.
"Grabe naman! Excited lang ako sis!" At tumili na naman ito. Napairap na lang ulit
siya.
Dahil sa traffic ay inabot sila ng isang oras bago makarating sa building ng
designer. Nalula pa siya nag makita ang malaking signage sa harap.
'Castell Apparel'
"Sis! Kilala ko ang may-ari nito!" impit ba tili ni Jasmin pagkapasok nila sa loob.
Agad na kumunot ang noo niya at tiningnan ito.
"Ha? Paano mo nakilala?" takang tanong niya habang tinutulungan si Sally na ikabit
ang baby bag ni Ivo.
"Eh! Iyong may-ari talaga nito, asawa ng isang business tycoon, at iyong
kasalukuyang CEO, anak nila. Tapos iyong jowa niya naman CEO ng DC Agency! Iyong
agency ng mga sikat na artista bes! Ng mga models, singers! Oh my gee! Baka nandito
iyon! Baka ma-recruit ako! Magre-retouch lang!" Akmang aalis na ito pero agad niya
namang hinila pabalik.
"Ano ka ba! Nandito tayo para mag fitting! Behave ka!" Pinanlakihan niya ito ng
mata. Agad namang ngumuso si Jasmin.
"Wag nang makulit, Jas," ulit niya at hinawakan ito sa kamay.
'Hay nako, hirap magbantay ng bestfriend. Mas mahirap pa siyang bantayan kaysa kay
Ivo.'
Napailing na lang siya at dumiretso na sila sa elevator.
Nagpa-appointment naman sila at sila lang din naman yata ang costumer noong araw na
iyon kaya madali lang din silang nakapag-fit. Mabuti na lang at kasyang kasya sa
kanya ang piniling gown ni Xamuel. Ito kasi ang pinapili niya kasi di naman niya
alam kung anong pipiliin. Si Jasmin, halos maglupasay at hindi makapili ng gown.
Muntik na nga niyang iwan dahil halos lahat gustong isuot. Kesyo iyon daw ang
ginamit ng artista sa ball, tapos iyong isa naman sa debut. Ay ewan niya.
Pagkatapos magpasukat ay kumain na muna sila sa labas tapos ay umuwi na.
"How's your fitting?"salubong ni Xamuel pagkapasok niya ng kwarto nila. Nakahiga na
ito sa kama. Si Ivo ay nasa kwarto na nito kasama si Sally. Doon na rin naman
natutulog si Sally.
Kung minsan ay tinatabi nila si Ivo pero madalas hindi dahil walang mag-aasikaso
nito paggising lalo na at busy silang pareho.
Bumuntong-hininga siya at agad na yumakap dito.
Bahagyang natawa si Xamuel.
"You okay?" tanong nito.
Ngumuso siya at ibinaon ang mukha sa dibdib nito.
"You tired?" he asked again. Tumango siya.
"Tagal kasi ni Jasmin. Tagal tuloy naming nakauwi," reklamo niya at mas tumulis ang
nguso. Tumawa lang ulit si Xamuel at hinalikan siya sa noo.
'Iyong babaeng iyon kasi!'
***
Sunday Evening.
"This way po, Ma'am, sir." Tipid na nginitian lang ni Ivory ang nagpapasok sa
kanila.
Agad na tumabi sa kanya si Jasmin pagkapasok nila sa ballroom ng hotel.
"Te ang daming mga bonggang personalities! Shet nakikita ko na nang personal iyong
mga sa TV ko lang nakikita dati! Friend!" Agad niyang kinurot si Jasmin nang naging
kiti kiti na naman ito.
"Huy ano ka ba, maghunos dili ka nga! Behave!" mariing bulong niya. Ngumuso naman
si Jasmin.
"Kasi naman o ang gugwapo!" tili pa nito. Umirap siya at hinila si Jasmin.
"Halika na nga." Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan at sumunod sila kay Xamuel na
nakikipag-usap sa tatlong lalaking naka-tuxedo rin. Kinurot niya pa si Jasmin nang
mag-aktong kiti kiti na naman ito.
Ngumiti siya nang nilingon siya ni Xamuel.
"Baby." Nilahad nito ang kamay nito sa kanya. Tiningnan siya ni Jasmin pero ang
magaling niyang kaibigan tinulak lang siya palapit kay Xamuel.
"Gentlemen, this is my girlfriend, Ivory Perez." Napalunok siya nang ilahad siya ni
Xamuel sa mga kasama nito.
Umangkla siya sa braso nito at tipid lang na ngumiti.
"Hi, Ivory, Keith here. Nice to meet you," ani ng lalaking nasa bandang kanan at
inilahad ang kamay nito. Tinanggap niya iyon.
"Hi, nice to meet you, too."
"Danniel Montijo, Miss Ivory." Iyong lalaking nasa gitna. Nginitian niya rin ito.
Para nga itong familiar sa kanya e.
Kinagat niya ang kanyang labi at saka nilingon si Xamuel.
"Uhmm samahan ko muna si Jasmin…" sabi niya pa. Tinanguan lang siya ni Xamuel at
hinalikan sa noo.
Tipid na nginitian niya lang ang mga kasama nito bago tumalikod at binalikan si
Jasmin.
Napakunot pa ang kanyang noo nang makitang parang nananaginip at nakatunganga ang
bestfriend niya sa kung saan.
Nang sundan niya iyon ng tingin ay nakita niyang nakatingin ito sa mga kasama ni
Xamuel na pinakilala nito sa kanya kanina.
Sinundot niya ito.
"Hoy," tawag niya na nagpaigtad dito.
"Grabe siya! Makapanggulat ha!" Napairap siya.
"Te? Ang bongga talaga ni Sir Xamuel! Ang gu-gwapo noong mga kasama niya!" impit
nitong sigaw. Napailing na lang siya at hinila na siya paalis doon.
"Halika na, gutom na ako, e," reklamo niya. Papunta sila sa buffet table pero itong
si Jasmin ay panay ang stop over kada makakita ng artista.
Nasasapo niya na lang ang noo niya kapag niyuyugyog siya nito kada makakita sila ng
mga artista o ibang gwapo na kilala nito.
"Uy ano ka ba naman! Ah pasensya na po!" pumanhin niya at bahagyang itinutulak si
Jasmin nang minsan itong manghingi ng autograph. Nasapo niya na lang talaga ang
noo.
"Jusko ang gugwapo!" komento pa nito.
Napailing na lang siya.
"Tara na nga! Gutom na gutom na ako!" reklamo niya at hinila itong muli papuntang
buffet. This time, hindi na sila tumigil at baka kung saan pa mag-stop over si
Jasmin.
***
The night was full of hearts and love was in the air. Isang masipang palakpakan ang
bumalot sa buong ballroom at isa isang nagbagsakan ang mga flowers na confetti sa
stage kung saan nakatayo sina Cali at AJ.
"Please welcome, Future Mr. and Mrs. Anthony James Fortalejo!"
Napuno ng hiyawan at palakpakan ang buong ballroom. Narinig pa nila ang mga
kantyawan sa bandang harap ng stage.
Napamaang si Ivory sa nakita.
Naiyak pa siya nang niyakap ni AJ ang naiiyak na si Cali sa stage.
"Hey, you okay?" natatawang tanong ni Xamuel. Lumabi siya rito.
"Naiiyak lang ako." Pinahid niya ang luha. Tumawa ulit si Xamuel at hinalikan siya
sa noo.
"Bakit naman?" tanong nito.
"Oo nga, friend. Napaka-emotional ha!" Sinamaan niya ng tingin si Jasmin na
gumatong pa.
"Ang cute kasi nila!" giit niya, naiiyak pa rin. Bumababa na ang newly engaged
couple para mag table to table sa mga bisita.
Natawa si Xamuel at ginulo ang kanyang buhok. Niyakap siya nito mula sa likod at
hinalikan siya sa pisngi.
Nagpatuloy ang kasiyahan. Hindi niya napigilan ang mapaluha nang magpunta sa table
nila sina AJ at Cali. Natawa pa ito sa kanya. Di niya rin maintindihan kung bakit
naiiyak siya. Siguro dahil sobrang na touch lang siya sa naging speech ni AJ at
Caleiah kanina.
"Ang weird mo friend, ikaw ba iyong na-engage?" tawang tawa na tanong ni Jasmin.
Nginusuan niya lang ito.
"O, saan ka pupunta?" tanong nito nang tumayo siya.
"Uhm CR muna ako." Nagkibit-balikat lang si Jasmin. Nagpaalam din siya kay Xamuel
bago tuluyang umalis doon.
Lumabas siya ng ballroom. Agad din naman niyang nakita ang restroom na nasa tapat
lang din naman pala nito.
Pumasok muna siya ng cubicle. Pagkatapos ay tiningnan niya muna ang sarili niya sa
salamin. Baka kasi haggard na siya dahil sa pag-iyak kanina.
'Ba't ka naman kasi OA mag-react, Ivory!" Napailing siya at marahang tinapik tapik
ng panyo ang kanyang mukha. Nang tingin niya ay okay na siya ay tatalikod na sana
siya pero agad ding napatigil nang pumasok si Cairish.
"Hey, Ivory! Kumusta ka?" bati nito at bumeso sa kanya. Nginitian niya ito.
"Okay naman ako, Cairish. Kayo?" tanong niya. Bahagya itong tumawa saka nagkibit
balikat.
"Well okay lang din naman. Life goes on." Ngumiti ulit siya rito.
"Ahh sige, alis na ako. Balik na ako sa ballroom," paalam niya. Ngumiti lang din si
Cairish.
"Okay."
Akmang aalis na siya nang bigla siyang mapatigil. Napatukod siya sa may sink nang
bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo.
"Hey, okay ka lang Ivory?" Agad siya nitong dinaluhan. Tipid lang siyang ngumiti
rito.
"Ah nahihilo ako, e tsaka bumabaliktad ang sikmura k-"
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla siyang maduwal sa sink.
"Oh my gosh, okay ka lang?" tarantang tanong ni Cairish at agad na hinagod ang
kanyang likod. Patuloy siya sa pagsuka. Binuksan naman ni Cairish ang gripo.
"Teka omg are you pregnant?!"bulalas nito.
Agad siyang natigilan at napalingon dito.
"Ha?"
"Uhm yeah? Or baka may nakain ka lang…" litong litong sabi rin nito habang
hinahagod pa rin ang likod niya.
Napalunok siya at nag-iwas ng tingin. Pinatay niya ang gripo at nagpunas.
"Okay ka na?" tanong ni Cairish. Tipid niya lang itong nginitian saka siya tumuwid
ng tayo.
"Ahh okay lang ako. Baka nalula ako sa lamig…" sabi niya.
Weird na tiningnan siya ni Cairish. Tipid na ngumiti lang ulit siya.

Chapter 60
Nakangusong pinagmamasdan ni Ivory ang iba't ibang mga maliliit na figurines sa
lamesa. Linggo iyon ng umaga at nasa garden siya. Nakaupo siya sa isa sa mga table
set sa harap ng pwesto niya.
Nasa tabi niya si Ivo at dumedede sa pacifier nito. Bumuga siya ng hininga at isa
isang sinuri ang mga figurines.
"You're still not done with that?" Bumuntong-hininga siya at agad na nag-angat ng
tingin.
Lumabi siya kay Xamuel na nakatayo sa kanyang harapan.
"Eh, wala akong magustuhan. Parang may kulang. Ikaw na lang kaya pumili?" Tumulis
ang kanyang nguso. Natatawang itinabi ni Xamuel sa kanya ang upuang nasa tapat niya
at umupo ito roon.
"Hey come on, that's just giveaways. The visitors won't mind which one you'll pick
anyway," anito. Mas lalong nagsalubong ang kanyang kilay.
"Eh! Ayokong pangit ang giveaways ni Ivo no! Isang beses lang siyang bibinyagan!"
reklamo niya na tinawanan lang ulit ni Xamuel. Kinuha nito ang isang sample.
"Why what's wrong with this anyway?" tanong nito at pinakita sa kanya ang isang
figurine ng batang nakaupo at may hawak ng baby bottle.
Ngumuso siya. "Ayoko, hindi pantay ang mata tsaka ang taba niya!"
Naguguluhang tumingin sa kanya si Xamuel.
"Huh? What about that?" Tinuro nito ang isang figurine ng crib na may lamang bata.
Umiling na naman siya.
"Walang mukha ang baby, o!"
Xamuel stares at her in awe. Siya naman ay nakanguso pa rin sinusuri ang mga
figurines. Sa huli ay napailing na lang ang lalaki.
"Okay then, let's have Jasmin pick one? You always trust your friend's judgement,"
sabi nito. Bumuntog-hininga siya at tumango na lang.
"Mabuti pa nga. Nasi-stress ako,e," reklamo niya na naman at napakamot ng ulo.
Napatitig lang ulit si Xamuel sa kanya. Maya maya pa ay dumating si Cindy na may
dalang tray ng hipon at sliced na mga manggang hinog.
Agad na nagliwanag ang mukha ni Ivory nang makita iyon.
"Salamat, Cindy!" masayang sabi niya at agad na nilantakan ang dinala ni Cindy.
Weird na tiningnan naman siya ng kasambahay. Pati si Xamuel ay napatingin na rin sa
kanya.
Sa huli ay napailing na lang ang lalaki at tinawagan si Jasmin para ito na nga ang
pumili ng magiging giveaway ni Ivo sa binyag nito ngayong weekend.
Iyon ang pinagkakabusy-han nila ngayong sembreak ni Ivory. Sobrang hands on nga
nito pero sobrang arte rin. Hindi maintindihan ni Xamuel kung bakit napakamabusisi
nito ngayon sa mga detalye. Hindi niya rin alam kung bakit nagustuhan nito iyong
Cars movie. Iyon kasi ang palaging pinapanood nito at ni Ivo. Iyon na nga rin ang
naging theme ng reception ng binyag. Napailing na lang siya at hinayaan na lang ito
sa gusto. Wala namang problema iyon sa kanya. Ang importante naman ay mabinyagan na
si Ivo.
***
Dumating ang weekend at sobrang busy ng mga tao sa mansyon ng mga Cuanco. Halos
magkabanggaan na nga ang mga kasambahay sa sobrang pagmamadali. Ngayon na kasi ang
binyag ni Ivo at napagdesisyunan nilang sa garden na lang ng bahay gawin ang
reception. Request din ni Ivory kaya pinagbigyan na ni Xamuel.
"Cindy! Wala pa ba iyong mga bulaklak? Anong oras na? Pupunta pa kami sa simbahan."
Pabalik balik na naglakad si Ivory sa pinagsi-set up-an ng mga chairs and tables.
Stress na stress na siya dahil parag magagahol pa sila sa oras. Hindi sila pwedeng
mahuli sa simbahan at mas lalong hindi sila pwedeng matagalan sa set up dahil may
mga bisitang sa reception na pupunta. Bale iyong mga ninong at ninang na lang ang
pupunta sa simbahan.
"Bes! Kalma! Papunta na iyong driver natin, wag ka ngang ma-stress!" Pinaypayan
siya ni Jasmin. Nasapo niya ang noo habang pinagmamasdan ang mga taong nagmamadali
na rin sa pag-set up.
"Kasi naman, Jas, kanina pa dapat sila dumating di ba? O, asan na?" stress na
sambit niya. Umirap at umiling si Jasmin.
"Bes! Papunta na nga! Alam mo namang traffic na nang ganitong oras! Tsaka flowers
na lang naman ang kulang. Iyong mga pagkain at ibang set up nandiyan na. Relax!
Nagdo-double time na iyong mga tao. Mas stress ka pa kay Sir Xamuel. Mabuti pa
pumasok ka na lang sa loob! Ang cute cute ni Ivo! Halika na!" Hindi na siya
nakaangal pa nang hilahin siya ni Jasmin papasok ng bahay.
"Cindy pabilisan!" pahabol pa niya bago tuluyang nagpahila kay Jasmin. Naabutan
nila sa sala si Xamuel at Ivo na kinukuhanan ng picture ng offici photographer.
Agad siyang hinarap ni Jasmin at pinaypayan. Inayos nito ang kanyang buhok at ni-
retouch ang kanyang mukha. Sa sobrang stress niya ay nahulas na ang light make up
na nilagay ni Jasmin.
"Bes, ayos ka! Jusko ang ganda ganda ng dress mo nakabusangot ka! Kayo na ni Ivo
ang susunod, o!" tukoy nito sa picture taking.
Napabuntong-hininga na lang siya at inayos na ang kanyang longsleeves na bodycon
dress. Kulay white iyon at may lace na details. Ni-bun ni Jasmin ang buhok niya
kaya depinang depina ang mala hugis bigas niyang mukha. Litaw na litaw pa ang
kanyanng kaputian at ang kanyabg mala rosas na labi sa ginawang make up ni Jasmin.
Huminga siya nang malalim nang pinasadahan ni Jasmin ng brush ang kanyang pisngi.
Pumalakpak pa ito pagkatapos.
"Ayan! Perfect ka na ulit! Smile na!" asar pa ng kaibigan niya.
Lumingon sa kanila ang photographer.
"Mommy, kayo na po ni baby," tawag nito. Bumuntong-hininga ulit siya at saka
pinuntahan sina Xamuel.
"Are you okay?" kunot noong salubong ni Xamuel sa kanya nang kinuha niya si Ivo.
Ngumiwi siya.
"Iyong flowers kasi ang tagal…"sumbong pa niya. Ngumiti lang si Xamuel at hinalikan
siya sa noo.
"Don't worry about it. I'll follow up, okay?" Huminga siya nang malalim at tumango
na lang. Iniwan sila ni Xamuel doon.
"Okay, mommy, first pose po tayo. One…two…three…"
Nakailang pose siya at nakailang kuha rin ang photographer sa kanila ni Ivo. May
formal at may wacky pa nga sila. Pagkatapos nila ay sumali naman si Xamuel para sa
kanilang family picture. Panay pa ang tili ni Jasmin sa mga ginagawa nilang pose.
Nang matapos ang picture taking ay lumabas na sila ng bahay para maghanda papuntang
simbahan. Ang kasama lang nila ni Xamuel ay sina Sally at Jasmin pati na ang
driver. Mabuti na lang at dumating na rin ang mga bulaklak bago pa sila nakaalis
kaya medyo hindi na siya stress.
"Wag ka na ngang mag-alala friend, matatapos nila iyon in time! Nandoon sina Shelly
at Cindy pati na si Mayordomang Annie! Chill!" ani Jasmin sa kanya habang papunta
sila ng simbahan.
Bumuntong-hininga siya. Hinawakan naman ni Xamuel ang kanyang kamay at pinisil.
Napangiti na lang siya at napahilig dito habang si Ivo ay natutulog din sa kanyang
mga bisig.
Nang dumating sila sa simbahan ay may mga mangilan ngilang ninong at ninang na ang
nandoon. Kadalasan mga matatanda na at ang sabi ni Xamuel ay mga matatalik na
kaibigan daw ng mga magulang nito at mga loyal na business partners. Ang iba nilang
mga ninong at ninang ay mga ka-brod ni Xamuel sa fraternity.
Halos wala nga siyang kilala sa mga iyon. Pinaubaya niya kasi kay Xamuel ang
pagpili ng mga ninong at ninang tutak ay iilan lang din naman ang mga kakilala niya
sa corporate world. Bale ang contribution niya lang ay sina Jasmin at ang
magkapatid na Castilleja pati na si Sally.
Lahat ng ninong at ninang ni Ivo mga galing sa mayayaman at prominenteng pamilya
kaya napairap na lang siya nang mag-twinkle na naman ang mga mata ng kanyang
bespren.
"Behave ka, Jas. Nasa simbahan tayo, utang na loob," bulong niya rito. Agad na
ngumuso si Jasmin.
"Oo na nga! Grabe ang judger ha! Behave na behave ako!" Inilingan niya na lang ito.
Special ang kinuhang binyag ni Xamuel kaya lahat ng nandoon ay bisita lang nila
talaga. Ilang minuto pa ay nagsimula na ang misa.
Maya maya pa ay pinapunta na sila ni Xamuel sa harap kasama si Ivo. Isa isa na ring
nagsilapitan ang mga ninong at ninang.
***
Pagkatapos ng rites ay nag-picture taking silang lahat. Hindi na nga mabilang ni
Ivory kung ilang batch iyon sa sobrang dami ng ninong at ninang ni Ivo. Basta ang
huli ay silang tatlo ni Xamuel kasama si Sally ay Ivory.
"See you sa reception!" Dinig niyang sabi ni Xamuel sa isang kaibigan bago sila
tuluyang pumasok sa van nila.
Nauna silang lumabas ng simbahan tapos ay sumunod ang mga bisita na may kani-kanila
ring mga sasakyan. Nirentahan pa ni Xamuel ang malaking bakanteng lote sa tabi ng
bahay nila para sa parking ng mga bisita nila. Hindi naman kasi magkakasya ang mga
iyon sa loob ng mansyon dahil may mga nauna pa sa reception.
Para tuloy silang convoy ng presidente sa daming nagkakasunod sunod na mga
sasakyan.
"Shet ninang na talaga ako." Si Jasmin habang inaalo si Ivo. Natawa siya at
nailing. Nagreklamo kasi ito na sobrang bata pa raw niya para maging ninang pero
kanina nang tawagin ang mga ninang ay ito pa ang nauna. Ang gulo rin talaga ng
kaibigan niya.
Pagdating niya sa bahay ay sumalubong sa kanya ang halos puno na garden.
"Grabe sobrang dami palang tao, bes!" bulalas ni Jasmin nang bumaba sila. Sunod
sunod na ring dumating ang mga ninong at ninang na sumama sa simbahan.
Everyone was greeting someone. Feeling niya tuloy OP na OP siya kasi wala naman
siyang kakilala bukod sa mga Castilleja na busy rin sa pag-greet ng mga kakilala
nila. Tanging pagngiti lang ang ginagawa niya sa tuwing may bumabati kay Ivo o
kapag pinapakilala siya ni Xamuel sa mga kaibigan nito.
Ilang minuto pa ay nagsimula na ang program. Hindi niya rin alam kung bakit siya
nagpa-program. Basta trip niya lang. Syempre ang Mcee si Jasmin. Nirequest talaga
nito at baka raw sakaling mapansin siya ng mga mayayamang kaibigan ni Xamuel.
Napailing na lang siya.
Nasa tabi sila ng malaking buffet table at karga karga niya si Ivo habang nasa tabi
naman si Xamuel. Si Jasmin ay nasa gitna at may hawak na microphone.
"Maraming maraming salamat po sa pagdalo! Bago po tayo kumain at meron po tayong
slicing of cake care of the one and only father, Mr. Xamuel Cuanco bilang si Ivo ay
hindi pa marunong mag-slice." Nasapo na lang ni Ivory ang noo sa kagagahan ng
kanyang bespren.
"Habang nagsa-slice si Sir Xamuel, sabay sabay po nating sabihing,'Welcome to the
Christian World, Ivo!"
At sumunod nga naman ang mga bisita. Napa-face palm na lang si Ivory. Hindi niya
alam kung sinasakyan lang ng mga bisita ang kalokohan ni Jasmin o ano, e.
'Lakas din talaga ng trip ng Tita Jasmin mo, Ivo.'
Naiiling na hinagkan niya lang sa noo si Ivo.
Pinagmasdan niya lang ang pag-slice ni Xamuel ng cake at ang pag-welcome ng mga
bisita kay Ivo.
Pagkatapos noon ay naging busy na rin lahat sa pagkuha ng pagkain. Nilagay niya
muna si Ivo sa stroller at sabay silang kumain nina Xamuel at Jasmin. Bukod sa
dalawa ay kasama nila sa table sina Cairish at Caleiah na kasama rin ang asawa at
fiance. Itong dalawa lang naman kasi ang ka-close niya. Sayang nga at hindi
nakapunta ang mga kaibigan ng mga ito dahil conflict daw sa mga schedules.
Pinag-usapan nila habang kumakain ang nalalapit ding kasal nina AJ at Cali.
Nasa gitna sila ng pag-uusap nang biglang tumayo si Xamuel.
"Saan ka?" tanong niya rito.
"I'll just go to some colleagues," sagot naman nito at hinalikan siya sa noo.
Tumango lang siya at hinayaan ito.
Bumalik siya sa pakikipag-usap kina Cali nang bigla namang umiyak si Ivo.
"Bes, dalhin mo muna kay Ate Sally sa loob." Napatingin siya kay Jasmin na patay
malisyang kumakain ng lasagna. Napailing na lang siya at kinarga si Ivo.
"Uhh, Cali, dalhin ko lang sa loob," paalam niya a mga kasama. Nginitian at
tinanguan lang siya ng mga ito.
Tumalikod siya at dinala si Ivo sa dining kung nasaan si Sally.
"Saan po sina Cindy?" tanong niya.
"Ahh, nasa kusina o baka nagsi-serve," sagot ni Sally at kinuha si Ivo.
"Balik ka na doon," anito sa kanya. Sandali siyang napatitig dito pero agad din
namang tumalima.
Ganoon na lamang ang pagkunot ng kanyang noo nang pagbalik niya sa garden ay wala
ng tao. As in wala na talaga.
"Huh? Saan sila nagpunta?"
Sinuyod niya ng tingin ang parking lot at may mga kotse pa naman doon. Mas lalong
kumunot ang noo niya at pinasadahan ng tingin ang mga bakanteng lamesa. Palinga
linga siya sa paligid pero wala talaga.
Nang makarating siya sa gitna ay bigla na lang siyang napatigil nang may biglang
tumugtog.
Now playing: Marry Me by Jason Derulo
Kasabay noon ay ang isa isang paglabas ng mga bisita mula sa pinagtataguan ng mga
ito. Gulat na gulat si Ivory at hindi nakagalaw sa kanyang kinatatayuan nang
biglang sumulpot si Jasmin sa gitna kasama ang anim na mga tao pa sa likod nito.
Sumasayaw ang mga ito sa kanta. Nakangiti ang lahat sa kanya at bawat isa ay may
hawak na tig-iisang rosas sa mga kamay.
Umawang ang kanyang bibig at napatitig sa kaibigang sumasayaw at sa mga bisitang
nakapalibot na sa kanya.
Nang dumating ang bridge ng kanta ay biglang humawi ang lahat at doon lumabas si
Xamuel na may hawak na isang bouquet ng bulaklak. Nakababy-bag si Ivo rito.
Naitakip niya sa kanyang bibig ang isang kamay at agad na nag-init ang sulok ng
kanyang mga mata nang dahan dahang lumapit ang nakangiting si Xamuel.
Nakagat niya ang labi para pigilan ang pag-iyak pero sadyang nag-uumapaw sa emosyon
ang kanyang puso sa mga oras na iyon kaya kusang tumulo ang kanyang mga luha lalo
na nang makalapit na si Xamuel sa kanya. Mas lalo pa siyang naiyak nang makitang
pumadyak padyak at humagikhik si Ivo. Nakaharap kasi ito sa kanya kaya kitang kita
niya ang pagngiti nito.
Unti unting humina ang kanta.
Huminga nang malalim si Xamuel at tumikhim.
"Ivory Perez... the moment I laid my eyes on you that day in my office, I knew that
you have something in you. All I thought, I just find you attractive because you
are just like my wife in almost all aspects...but when I got to know you deeper, I
knew I was wrong. You're very different, baby. You're soft and bubbly, but you're a
tough fighter. I saw how you sacrificed a lot for me and Ivo, especially for this
little one." Bahagya itong tumawa. Humihikbi pa rin siya habang nakatingin lang kay
Ivo.
Hindi siya makatingin kay Xamuel dahil mas lalo siyang napapahikbi.
Bumuntong hininga ito.
"I'm sorry if it took me so long to finally say what I feel for you… it's just that
I was very in denial for a long time, then shits began to happened. I just didn't
want to put you in danger again. I love you so much, baby. Seeing you cry is the
last thing that I'd ever want." Bahagya siyang napaigtad nang punasan nito gamit
ang isang kamay ang kanyang mga luha.
Huminga ulit ito nang malalim na tila ba humuhugot ng lakas.
Nanatili siyang tikom habang nakasapo pa rin ang isang kamay sa bibig.
"Ivory Perez, will you marry me and be the real and legal mother of my child?"
Lumala ang kanyang hikbi nang unti-unti itong lumuhod. May kinuha itong maliit na
box. Inilapag muna nito ang bouquet at saka binuksan ang maliit na box na may
lamang singsing. Sinundan iyon ng hiyawan ng mga bisita nila. Tuluyan na niyang
naitakip ang mga kamay sa kanyang mukha.
"Bes, sagot uy!" Dinig niya pang sabi ni Jasmin.
Ngumuso siya at tinanggal ang nakatakip na mga kamay. Tinitigan niya si Xamuel at
Ivo na nakaluhod sa kanyang harap. Xamuel looked at her with hopeful eyes.
Suminghot siya.
"O-Oo naman…" Halos hindi na maintindihan ang mga salita niya pero noong inilahad
niya ang kamay at agad na nagsigawan ang mga tao.
Mas lalo siyang umiyak nang isinuot ni Xamuel ang singsing sa kanya. Agad niya
itong pinatayo at niyakap. Mas lalong umingay sa buong garden.
"Congrats, Ivs!" Sari saring congratulations at pagbati ang narinig niya.
Nang humupa na ang mga palakpakan at hiyawan ay hinarap niya si Xamuel na abot
tenga ang ngisi.
"Ito na iyong surprise mo?" nakalabing tanong niya. Agad na tumaas ang kilay nito
at hinawakan siya sa bewang.
Ngumuso siya at humawak sa kanyang tiyan.
Agad na umawang ang bibig ni Xamuel.
"May kapatid na si Ivo."
Mas lalong naghiyawan ang mga bisita nila habang si Xamuel ay natulala pa sa sinabi
niya.
Natawa siya at piningot ang ilong nito.
"O, edi mas na-surprise ka?" pilyang sabi niya. Hindi makapaniwalang napailing si
Xamuel.
"Damn baby…"
Tumawa lang ulit siya at niyakap ito at si Ivo.
It was a day full of surprises indeed.

Epilogue
A year after…
Nakangiting pinagmamasdan ni Ivory ang mga batang pumipila sa mahabang lamesa kung
saan namimigay ng mga pack lunch at snacks.
Bumuntong-hininga siya at nilinga ang paligid. Medyo matagal tagal na rin nang huli
siyang makatungtong sa lugar na ito. Ang lugar kung saan siya nagsimulang mamulat.
Hindi niya akalaing makababalik pa siya rito simula noong makapasok siya ng
trabaho. Noon ay isinumpa niya ang lugar na ito dahil sa mga hindi magagandang
nangyari sa kanya rito.
Dito siya naghirap. Dito siya nawalan ng pag-asa. Dito siya nawalan ng pangarap.
Pero sa dami ng nangyari sa buhay niya, napagtanto niyang kahit anong gawin niya
hindi niya maiaalis sa kanyang sistema ang lugar na kinagisnan niya. At mas lalong
hindi niya dapat ito talikuran dahil lang nakalayo na siya.
Ngayon siya mas kailangan ng mga taong nakasadlak pa rin dito. Minsan na niyang
naranasan ang buhay rito, kaya ngayong nakakaluwag siya babalikan niya ito at
tutulungan ang mga nangangailangan ng tulong. Alam niya ang pakiramdam ng mawalan
ng pag-asa sa hirap ng buhay at hindi niya hahayaang ganoon ang mangyari sa mga
batang nandito ngayon.
Hindi man niya matulungan ang lahat na makaalis dito, at least maparamdam niya sa
pamamagitan ng pagtulong na may pag-asa pa. Na hindi rito natatapos ang lahat. Na
may mga tao pa ring handang tumulong at hindi sumuko.
Nasa ikatlong taon na siya ng college. Naipagpatuloy niya ang pag-aaral kahit noong
nabuntis siya dahil pinag-home school siya ni Xamuel. Hanggang ngayon ay home
school pa rin siya dahil may inaalagaan siyang isa pang maliit na bata bukod kay
Ivo.
Konting konti na lang makakalampas na siya ng college. Konting konti na lang.
Malayo layo pa nga lang iyon sa kanyang pangarap na doctor pero kung hindi man siya
makakapag doctor, at least makakapagserbisyo pa rin naman siya sa kapwa.
Kung noon ay sumasali lang siya sa mga charity ng mga Castilleja, ngayon siya na
mismo ang may sarili niyang charity sa tulong na rin ni Xamuel. Dedicated ang
charity niya sa mga skwaters na bahagi ng Metro. May pa-medical mission siya at
kung minsan kapag free sina Cairish ay may pa-free legal consultation din.
Ngayon nga ay iyong dalawa ang hatid nila. Nagpapasalamat siya kina AJ at Cairish
dahil ang mga ito ang nagdala ng kanilang mga kasama para magvolunteer dito. Sayang
nga lang at wala si Caleiah dahil maselan ang pagbubuntis nito.
Bumuntong-hininga siya at agad na napalingon nang may mga brasong pumulupot sa
kanyang bewang.
"Are you happy?" Dinig niyang bulong ng boses sa kanyang tenga. Napangiti siya at
napahawak sa matitipunong braso nito.
"Sobra…" Kinuha nito ang kanyang kaliwang kamay ang pinaglaruan ang diamond ring na
naroon.
"Damn… can't wait for you to be Mrs. Xamuel Cuanco."
Ngumuso siya at tumawa.
It's a long engagement. Magpapakasal sila pagkagraduate niya ng college. Nakiusap
kasi siya rito na kung pwede iyong nasa diploma niya ay Perez pa rin ang apelyido
niya para naman mabigyan niya ng karangalan ang mga namatay na magulang. Wala
namang naging problema si Xamuel doon basta raw kung magmi-med schoom siya, dapat
kasal na sila. Natawa na lang siya.
Hindi niya alam kung may mahihiling pa ba siya. Siguro good health na lang at sana
magpatuloy na tahimik ang kanilang buhay kasi sa totoo lang ay unti unti na niyang
nakakamit ang mga pangarap niya.
May pamilya na siya. Sobrang okay ng negosyo nila ni Jasmin at ito na nga at may
charity na rin siya.
Bumuntong-hininga siya at hinarap ang kanyang fiance. Sinapo niya ang mukha nito.
"Mahal kita…" nakangiting sabi niya bago pinatakan ng mabilis na halik ang labi
nito. Pero bago pa man siya makalayo sa halik ay agad naman nitong pinigilan ang
kanyang ulo at ito na mismo ang nagpalalim ng halik.
Mabilis niya itong tinulak at sinamaan ng tingin.
"Wag ka nga!" Tinawanan lang siya ni Xamuel. Agad niya namang binaon ang mukha sa
dibdib nito habang tawang tawa pa rin ito.
"Kakainis ka!" bulong niya. Mas lalo itong humalakhak.
"What? Fiancee naman kita, a," pilyong sabi pa nito. Umirap siya at kinurot ang
dibdib nito.
"Nasa publiko tayo! Kainis ka talaga napaka PDA mo!" Tiningala niya ito at
pinanlakihan ng mata.
Xamuel just chuckled and kissed her forehead.
"Ehem!" Agad silang napahiwalay nang marinig iyon.
Paglingon ni Ivory ay sumalubong sa kanya ang nakapamewang niyang bestfriend na
nakataas ang kilay sa kanila ni Xamuel.
"O, anong problema mo?" tanong niya. Umirap ito.
"Pwede wag ipamukha sa akin na lonely ako? Bakit kasi lahat ng volunteer mo may
jowa at asawa? Pwedeng iyong single naman?" Umikot ulit ang mata nito at saka nag-
walkout.
Natatawang sinundan niya lang ito ng tingin.
"Your bestfriend is kind of grumpy the past few days," naiiling na komento ni
Xamuel. Tumawa ulit siya.
"Yaan mo iyon. Si Ivo lang kasi lalaki noon." Napailing siya.
Spoiled na spoiled si Ivo kay Jasmin. Close na close nga ang dalawa. Noong minsan
ay naabutan niyang sinasali ni Jasmin si Ivo sa mukbang video nito. Nagpapaka-
vlogger kasi ang bestfriend niya.
Hinahayaan niya na lang sa mga trip nito.
***
Alas kwatro na ng hapon natapos ang medical mission at free legal assistance na
ginawa nila Ivory kaya bandang mga alas singko na rin silang nakauwi ni Xamuel.
Kasama nila si Jasmin as usual dahil makikikain na naman daw ito at makiki-sleep
over.
Kulang na lang talaga ay dito na ito tumira. Tamad kasi itong mag-drive papunta sa
condo nito at hindi pa rin ito tapos sa pagpapagawa ng bahay na nasa kabilang
subdivision lang. Kung siya ay malayo na ang narating ay ganoon din si Jasmin kaya
mas lalo tuloy siyang naging proud.
Naabutan nila sa sala si Ivo na naglalaro ng toys habang karga naman ni Sally si
Ella, ang kanilang bunso. Pinanganak niya ito five months ago.
Napangiti siya at agad na kinuha ito kay Sally. Hinalikan niya ito sa pisngi tapos
ay yumuko siya kay Ivo at hinalikan din ito.
"Friend, kain na tayo!" Napairap siya sa tawag ni Jasmin. Umiling naman si Xamuel
at kinarga si Ivo bago ito nauna sa dining. Bumuntong-hininga siya at pinagmasdan
ang mag-ama niya. Parang kailan lang mag-isa lang siya. Ngayon, may pamilya na
siya.
Wala na nga yata siyang mahihiling pa.
Siya si Ivory Perez, isang surrogate, at ngayon may sarili na siyang pamilya.

The Cuancos
Isang maaraw na linggo iyon sa mansyon ng mga Cuanco. Normal na araw lang dapat sa
lahat pero kay Ivy Cuanco ay espesyal ang araw na iyon. Sixteenth birthday niya
lang naman at hiningi niya sa ama na kung pwede ay ngayon na lang siya mag-
celebrate ng para sa kanyang debut. Pwede naman talagang parehong mag-celebrate ng
Sweet Sixteen at Debut kaya lang mas gusto niyang mag-travel sana pagka-18 niya at
hindi naman siya papayagan ng ina na may celebration na at gagala pa siya.
Ang ending ngayon sweet sixteen niya na lang gagawin ang kanyang pang-debut sana.
Nakangiting pinagmasdan niya ang kanyang pink na ball gown. Sobrang laki at sobrang
haba nito. May trail pa siya sa likod. Kung tutuusin ay prinsesang prinsesa ang
kanyang pakiramdam.
"You like your gown?" Agad siyang napalingon nang marinig iyon. Bumungad sa kanya
ang kanyang mommy at daddy na parehong nakangiti.
As usual, dikit na dikit na naman ang daddy niya sa kanyang mommy.
Napanguso siya at lumapit sa dalawa. Sumiksik siya sa gitna ng mga ito. Narinig
niya pa ang pagreklamo ng kanyang daddy.
"Ang clingy mo kay mommy, dad!" natatawang ani niya at niyakap ang ina. Agad naman
siyang niyakap ni Ivory.
Bumuntong-hininga naman si Xamuel.
"Well, I guess I'm really just head over heels with her." Napangiwi siya nang
kumindat ang daddy niya. Tumawa naman si Ivory.
"Dad, ang tanda niyo na ang landi niyo pa!"saway pa niya. Minsan kasi talaga
nilalanggam na siya sa ka-sweet-an ng kanyang mga magulang.
Kahit na matagal ng kasal ang mga ito pero parang nasa wedding stage pa rin. Hatid
sundo pa rin kasi ng daddy niya ang kanyang mommy sa hospital kung saan ito nagta-
trabaho.
"Ay nako, kung hindi naman dahil sa kalandian ng daddy mo, hindi ka mabubuo."
Kinurot siya ng kanyang mommy sa tagiliran. Mas tumulis ang kanyang nguso.
"Mommy! TMI na ha!" saway niya rito na tinawanan lang ng dalawa. Niyakap siya ng
mga ito.
"Ang laki laki mo na. Two years na lang magiging legal ka na. Ang daya, ang bilis
mong lumaki." Naramdaman niya ang pagbaon ng mukha ng kanyang ina sa kanyang braso.
Hindi niya alam kung matatawa siya o maiiyak sa ina.
"Mommy kasi bigyan niyo na ng bunso si daddy di ba." Nilingon niya pa ang ama at
kinindatan. Nag-thumbs up naman si Xamuel.
Bahagay siyabg natawa.
"Heh. Pinagkakaisahan niyo na naman akong mag-ama. Wala talaga akong kakampi rito
pag wala si Ivo," nagtatampong sabi ni Ivory. Napahagikhik si Ivy at Xamuel.
Maya maya pa ay kumalas si Ivy sa mga magulang. Si Xamuel na ang nakayakap ngayon
kay Ivory.
"Parang di mo naman gusto ng isa pang baby, love," sabi ni Xamuel at hinalikan si
Ivory sa noo.
Napahagikhik si Ivy.
"Tumigil ka, Xamuel. Alam mo namang hindi pa pwede hanggang nag-mi-mission pa ako.
Nasaan na ba kasi si Ivo? Siya lang kakampi ko rito!" Mas lalong natawa si Ivy sa
tinuran ng ina.
Her mom is really soft spoken. Tapos ang bait bait pa. Pag inaasar nila ng daddy
niya, nagtatampo agad. Napakamapang-asar kasi nilang mag-ama. Iyong Kuya Ivo niya
kasi sobrang seryoso sa buhay kaya rin kakampi ng mommy niya dahil isa pa iyong
pikon.
"Saan na ba kasi si Ivo?" She heard her mom asked. Yakap yakap na nito ang daddy
niya ngayon. Napailing na lang siya at napangiti.
Tinalikuran niya ang mga ito at kinuha ang kanyang cellphone. Tinadtad niya ng
texts ang kuya niya.
Kuya Ivo:
Where na you kuya??
Did you convince him to be my date?
Kuyaaaaa!
Kuya Ivo!
Halos panggigilan na niya ang kanyang keyboard sa kati-text. Kanina niya pa kasi
tinext si Ivo pero ang magaling niyang kuya hindi talaga sumasagot.
'Lagot talaga sa akin tong si Kuya Ivo!'
Nilingon niya ulit ang mga magulang niyang naglalampungan na. Napailing na lang
siya at napangiti bago iniwan ang kanyang lovebirds na mga magulang.
Tumuloy siya sa garden nila kung saan gaganapin ang main program. Her dad proposed
a hotel pero mas gusto niya ang garden. Ang gaganda kasi ng mga alagang bulaklak ng
mommy niya.
Tsaka sobrang lawak ng garden nila so sayang naman kung hindi niya gagamitin.
Pinagmasdan niya lang ang mga taong nag-aayos ng venue niya mamaya. Bukod sa
excited siya at kinakabahan din. Hindi niya kasi alam kung anong mangyayari mamaya.
Nakagat niya ang labi at muling tiningnan ang kanyang cellphone.
'Ba't ang tagal ni kuya?!'
Halos maghapon siyang naghintay sa kuya niya at sa update nito tungkol sa date
niya.
Yes, may date siya. Iyong parang sa debut talaga ang kaso ay 16 nga lang ang mga
treasures, candles at roses. Iyong mga treasures niya ay kadalasan friends niya.
Iyong candles naman ay mga business partners ng daddy niya. Tapos sa roses ay anak
ng mga business partners at family friends nila. Wala siya talagang kilalang lalaki
kaya hinayaan niya ang kanyang kuya at daddy na pumili.
Ang tanging pinili niya lang talaga bukod sa mga friends niya ay ang magiging
escort niya na pahirapan pa dahil hindi sumasagot ang kanyang magaling na kuya.
Eonren Legaspi, the youngest child of Airenia and Gideon Legaspi is her long time
crush. Ahead ito ng three years sa kanya pero close kay Ivo dahil nakakasama ito ng
kuya niya sa tuwing mag-go-golf ito kasama ang ilang family friends. Minsan niya
lang itong nakita sa isang gathering pero agad nitong nakuha ang kanyang atensyon.
She's been crushing on him for almost a year now, pero ni minsan hindi naman siya
nito pinansin.
Muli niyang binalingan ang cellphone at napapadyak na lang siya sa inis nang wala
pa ring reply ang kuya niya. Ilang sandali pa ay narinig niya ang pagbukas ng
kanilang gate kasabay ng pagpasok ng isang itim na audi. Nanlaki ang kanyang mga
mata at agad na tumakbo sa kanilang garahe.
Halos salubungin na nga niya ang audi kung hindi lang siya binusinahan nang malakas
ni Ivo. Napangiwi siya at tumabi sa gilid.
Pabagsak namang isinara ni Ivo ang pinto g driver's seat pagkalabas.
"Are you out of your mind?! Bakit mo ako sinalubong?!" sigaw nito sa kanya.
Ngumuso siya. Ilang buwan lang ang agwat nilang dalawa pero kuyang kuya ito sa
kanya.
"Excited lang ako! Di mo kasi sinasagot text ko!" katwiran niya na inirapan lang ni
Ivo.
Bumuntong-hininga siya at pinatulis muli ang labi.
"So, ano na, kuya, pumayag?" kagat labing tanong niya. Supladong tiningnan lang
siya ng kapatid niya.
"Tss. Hindi iyon pumapatol sa bata." Agad siyang sumimangot.
"Kuya! Di ko naman siya jojowain! Escort lang!" giit niya pa. Umirap lang ulit si
Ivo.
"Oo na, payag daw. Pupunta mamaya kasama sina Tita Merian." Agad na nagliwanag ang
mukua ni Ivy sa sobrang tuwa.
Mabilis niyang dinambahan ng yakap ang kapatid.
"Thanks, kuya! You're the best!"
"Tss. Tingnan natin ang reaksyon ni daddy pag nalaman iyan," nakangising sumbat
nito sa kanya.
Sinamaan niya ito ng tingin.
"Hilig mo talagang mambasag trip!
***
Halos mag-aalas onse na ng gabi at hindi pa rin tapos sa pagsasayaw si Ivy kasama
ang mga 18 roses nito. Hindi rin matanggal tanggal ang kunot sa noo ni Xamuel
habang nakatitig sa kanyang dalaga.
Bahagyang natawa si Ivory at umangkla sa braso ng asawa.
"Baka naman malusaw iyong nga kasayaw ng anak mo," aniya rito. Umismid lang si
Xamuel. Tinawanan niya naman ito.
"Ang laki na nila. Dalawang taon na lang mag-lelegal na iyang mga iyan, grabe ka pa
rin ka strikto kay Ivy," sabi niya pa rito.
"Tss. Of course, she's my princess, love. She shoukd deserve the best." Napailing
na lang si Ivory at humilig sa braso ng asawa habang sabay nilang pinagmamasdan ang
anak na kasayaw na ang kuya niya.
Natawa pa siya nang bumusangot na ang mukha ni Ivy. Mukhang inaasar na naman ni
Ivo. Si Ivy ang mapang-asar sa kanila pero kapag inasar naman ito ni Ivo ay sobra
rin namang mapikon.
"And now for the last dance, Mr. Eonren Legaspi."
Napuno ng palakpakan ang kanilang garden nang tumayo ang isang makisig na lalako at
nagtungo sa gitna. Agad oang nagsipulan at nagkantyawan ang mga kaibigan ni Ivy.
Agad din namang napabalikwas ng upo si Xamuel.
"Oh, okay ka lang?" takang tanong ni Ivory.
"Sino iyan?"supladong tanong nito. Hindi tuloy malaman ni Ivory kung matatawa siya
o ano.
"Maupo ka nga!" Hinila niya ito paupo nang akmang tatayo na ito.
"Who's that man? I don't remember inviting him!" gigil pero pabulong na sabi nito.
Napairap na lang si Ivory.
"Maupo ka nga muna. Wag kang manggulo diyan," pagpapakalma niya rito.
Nakagat niya na lang ang labi habang nagpipigil ng tawa.
"I don't know who's man is that, Ivory. Boyfriend ba iyan ni Ivy?!" gigil na bulong
nito. Umirap lang ulit si Ivory at hinagod ang likod ng asawa.
"Wag kang mag-eskandalo. Pamangkin ni Merian iyan. Anak ng Ate Nia niya." Agad na
lumingon sa kanya si Xamuel..
"Airenia?" Tumango siya rito.
"Fuck. Gideon's sons are way older than Ivy, Ivory!" Hindi malaman ni Ivory kung
pang ilang irap na niya iyon nang gabing iyon.
"Xamuel, sinasayaw lang naman iyong anak mo. Napaka-ano mo naman. Tsaka kaibigan ni
Ivo iyan. Naipakilala niya na sa akin. Ano ka ba naman!" Hindi nakapagsalita si
Xamuel.
Napabuntong-hininga na lang ito at tumingin sa kanya.
"Kalma ka lang, love. Hindi pa magbo-boyfriend si Ivy. Takot niya lang sa'yo,"
natatawang aniya. Bumuntong-hininga lang ulit si Xamuel at muling bumaling ng
tingin sa anak na nasa gitna.
Napangiti si Ivory at humilig sa braso ng asawa.
"Ang bilis ng panahon Xamuel," aniya rito. Bumuntong-hininga ulit si Xamuel at
hinagkan siya sa noo.
"Good thing I always have you by my side. I'll go nuts if the kids grow up and
you're not with me." Natawa ulit siya sa sinabi nito.
Umayos siya ng yakap rito.
"Hmm. Baka oras na talagang mag-baby number three? Hihinto na lang ako sa mission
muna." Mabilis pa sa alas kwatrong lumingon si Xamuel sa kanya.
"Ngayon na?" agad na tanong nito. Umirap siya at hinampas ito.
"Birthday ng anak mo!" sita niya. Xamuel just groaned and hugged her even tighter.
Natawa ulit siya.
It's been years, at kasabay ng kanilang pagtanda at ng kanilang mga anak ay ang
pagtanda rin ng kanilang pag-ibig. Pag-ibig na panghabang-buhay.

End File

You might also like