Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

BREYANNE ROSALES DAWISAN 11-CORPORATION (ABM) MRS.

ROXANNE RADA

IKALAWANG MARKAHAN WEEK 3

Panuto: Bumuo ng isang kritikal na sanaysay sa tulong ng sumusunod na sitwasyon, wika ng


isang sosyal/kultural na pangkat.

Paksa: New Normal


Sitwasyon: Kalagayan ng edukasyon ngayong panahon ng pandemya
Pangkat ng tao: Mag-aaral, magulang at guro
Mga salita: new normal, COVID 19, modalities face-to-face, internet, WiFi, online, distance
learning, blended learning, modyul, transit pass, social distancing, sabon, kinabukasan,
pangarap, kumpol-kumpol, alcohol, P.E. , shuttle, laptap, cellphone, ZOOM, Goolge
Classroom, TV, radyo, at iba pa.

NEW NORMAL

Taong 2019 nang dumating ang pamdemyang nagpabago sa buhay ng mga Pilipino , na kung
saan apektado ang kabuhayan , estado , trabaho , pag aaral , interraktyon at iba pa. Ngunit sa
kabila nito paunti unti nakakaraos at nakakasabay ang mga sa bagong pamumuhay o tinatawag
na new normal . Simula ng magkaroon ng pandemya ang edukasyon ay pansamantalang natigil
ngunit hindi ito hinayaan ng kagawaran ng edukasyon na maisantabi , kung kaya’t nagsulong sila
ng makabagong uri ng edukasyon na mayroong dalawang klase ito ay tinatawag na online at
modular. Ang online ay tumutukoy sa pag aaral na virtual na ginagamitan ng mga gadget kagaya
ng cellphonr, laptop, computer , tablet at kung ano pang mga kagamitan na magagamit sa pag
aaral . Ang modular naman ay tumutukoy sa uri ng pag aaral na ang mga guro ay nagbibigay ng
mga aktibidad o Gawain sa mga istudyante ng printed modular na kung ang mga magulang nito
ang kumukuha sa paraalan . Ngunit sa kabila ng pagsulong ng makabagong pag aaral ay marami
ang hindi nakasabay o makakasabay sa kadahilanang kakulangan sa financial . Nang dumating
ang pandemya maraming establisyimento ang nagsara na naging dahilan upang maraming
mammayan ang mawalan ng trabaho at maghirap na naging bungsod upang hindi
masuportahan ang pag aaral ng kanilang anak.

You might also like