Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

11

Filipino
Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Filipino
Modyul 4: Wika sa Modernong
Teknolohiya
Filipino – Baitang 11
Kwarter 1 – Modyul 4 : Wika sa Modernong Teknolohiya

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Ligaya H. Garcia


Editor: Michelle Erika A. Clemente Daryl R. Orenciada
Emma D. Gonzales
Tagasuri: Nora J. Laguda Sharon A. Vito
Ana Maria B. Gojar Imelda G. Narvadez
Mary Ann Rimpola
Tagaguhit: Jotham D. Balonzo
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Albert H. Noga; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap
sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy
na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga
magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang
ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-
aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin
at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi
at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito,
ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang
tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga
gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-alala,
kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka
habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
Modernong Teknolohiya

Panimula:
Magandang araw!
Alam kong handang-handa ka na sa bagong aralin
sapagkat narating mo ang ikaapat na modyul ng asignaturang ito.
Sa gawaing ito, magagamit mo ang modernong teknolohiya sa pag-unawa ng mga
konseptong pangwika. Pag-aralan naman natin ang wikang Pambansa, Wikang Opisyal,
wikang Panturo, Bilingguwalismo at Multilingguwalismo na nagtataglay ng iba’t ibang
konsepto tungkol sa wika. Sana ay masagutan mo nang maayos ang ibinigay kong mga
gawain.
O, ano kayang-kaya ba? Halika! umpisahan na natin.

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang


nakagagamit ang kaalaman sa modernong
teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-
unawa sa mga konseptong pangwika.

Layunin

1
Ito ang mga bagong salita na dapat mong kilalanin para
sa araling ito.

Basahin natin.

Talasalitaan

Ang Facebook (literal na "aklat ng [mga] mukha") ay


isang social networking website na libre ang pagsali at
pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc. na isang
pampublikong kompanya.

Ang Google Inc., Itinatag noong 1998, ay


isang kompanya sa Estados Unidos na namamahala
ng Google search engine. Nasa "Googleplex" ang
kanilang punong tanggapan na matatagpuan
sa Mountain View, California at mayroon silang higit sa
3,000 empleyado
MTB-MLE – Mother Tongue Based Multilinggual
Education- tumutugon sa suliranin sa pagiging
eksklusibo ng edukasyon para sa iilan, kailangang buuin
ang isang uri ng edukasyong mataas ang kalidad at may
pagpapahalaga sa katutubong kultura at wika ng mag-
aaral.

Pagsasalin – paglilipat ng pinakamalapit na katumbas


ng wikang isinasalin.

Teknolohiya – pagsulong at paglapat ng mga


kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang
tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao.

2
Ano ba ang alam mo na sa ating aralin,
subukin mo nga?

Panimulang Gawain Hanapin ang tamang salin ng kanta sa


ibaba.

BICOL EXPRESS
Olay Laguda
1 3

Pusong dinidikdik na sili ang Ngayon ay nadudurog


damdamin ko, nagliliyab sag alit sa
tagpong nadatnan ko, Ako ay unawain ninyo
Anghang ng kalooban, nagpupumiglas
Luto kong bicol express
sa puso
Ang feeling ko’y kamatis na hinihiwa Lasa ay biglang biglang nagbago
ng kutsilyo

2 4
Naninibughong puso, ako ay pigilan
mo Isang sakong paminta,
ibubudbod
4 ko sa inyo ‘pag ‘di ko Kahit
4 taba ng baboy
napigilan itong damdamin ko Sabay
Hiwa ay ‘di ko matamo
kayong iluluto sa Bicol Express ko
Gata ma’y napapanis kapag Sa bawang at sibuyas
pinabayaan mo, amoy ng bagoong
hindi mo maitago, tulad ng aking Sumasabay ang luha ko
pusong umiibig sa iyo.

Hindi ko malasahan
5 pobreng bicol express ko
Ang
Tikman at damhin
Lasa ng bicol express ko

Halaw sa : BALANGAW (Kalipunan ng mga kontekstwalisadong tula)

3
BICOL EXPRESS
Salin ni: Ligaya H. Garcia

A
Niyan nadudunot
Intindiha man ako niyo
An luto ko na bicol express
Namit niya bigla nagbag-o

B
Deri ko na maramihan
Bicol express na pirmi ko himo
Tadihe man niyo, sabiha sa ako
Kon nano an rami san bicol express ko

C
Maski an taba sin orig
An gurot deri ko na aram
Sa bawang nan sibuyas
Nagsasabay man sa hibi ko

D
Selos sa dughan ko, pugulan mo ako , Saro na sako na paminta ibubutang ko saimo

Kon deri ko mapugolan ini na namatean ko, sabay kamo na maluluto sadi na bicol
express ko

Napapan-os an lunop kon napabayaan, mao man an bagoong dao deri malikayan

Kapareho sin pagkamoot ko na ikaw nanggad man

Bagan indudunot na sili an pamati ko, nangalayo sa uyam deni sa naimod ko


E Tias na Harang sa sulod, gusto na lumuwas
Pamati ko kamatis na ingugurot mo luway-luway

4
Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.
Alamin natin sa pahina 15 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

O, diba kayang-kaya mong hanapin ang salin


sa wikang Filipino.

Halika, may inihanda pa akong aralin para sa


iyo.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo.
KONSEPTONG PANGWIKA GAMIT ANG MODERNONG TEKNOLOHIYA

Bakit gumagamit ng Facebook?

Nagtaka na ba kayo kung bakit gumagamit ng Facebook ang mga tao? Kahit sabihin
pa na mayroong iba pang mga paraan upang makipag-usap online, tulad ng email, instant
messaging, at iba pa. Ano ang ikinatatangi ng Facebook?

Ito ay may kakayahang kumonekta sa mga tao at ibahagi ang pagmamalasakit sa


kanila ng sabay. Para sa marami, ang pagkakaroon ng Facebook account ngayon ay bahagi
ng pagiging online, tulad ng pagkakaroon ng sariling email address. At dahil ang Facebook ay
popular, ang ibang mga website ay ginagamit ito para sa kanilang trabaho.
Nangangahulugan ito na maaari mong gamitin ang isang Facebook account upang mag-sign
in sa iba 't ibang mga serbisyo sa buong web.

5
Ano ang kaugnayan nito sa konseptong Pangwika?

Sa pagpapahayag natin ng sariling opinyon, saloobin, karanasan, damdamin maging


mga larawan at videos, gamit ang facebook, kailangan natin ang wika upang maipaabot ito
ng tama. Ginagamit natin ang mga sumusunod:

1. Wikang Pambansa - Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas at may


konstitusyonal na batayan ang pagiging pambansang wika ng Filipino. Sa unang
bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987, nakasaad na, “Ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga
wika.”
2. Wikang Opisyal - Ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 7, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino, at hanggat walang ibang itinadhana ang batas, Ingles. Bilang
mga opisyal na wika, may tiyak at magkahiwalay na gamit ang Filipino at Ingles.
3. Wikang Panturo –Konstitusyon ng 1987 Artikulo XIV, Seksiyon 6, nakasaad na,
“Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasiya
ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal
na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”.

Paano gumagana ang Facebook?

Ang Facebook ay nagpapahintulot sa iyo na magpadala ng mga mensahe at i-update


ang kalagayan mo at maaari ka ring magbahagi ng iba 't ibang uri ng nilalaman, tulad ng mga
litrato at link. Ngunit ang pagbabahagi ng isang bagay sa Facebook ay naiiba mula sa iba
pang mga uri ng online na komunikasyon.

Hindi tulad ng email o instant na pagmemensahe, na kung saan ito ay pribado. Ang
mga bagay na naibahagi sa Facebook ay mas pampubliko, na nangangahulugan na sila ay
karaniwang makikita ng maraming tao. Habang ang Facebook ay nag-aalok ng mga tool sa
privacy upang makatulong sa iyo na limitahan kung sino ang maaaring makita ng mga bagay
na ibinahagi, mahalaga na maunawaan na ang Facebook ay dinisenyo upang maging mas
bukas at sosyal kaysa sa tradisyonal na mga tool sa komunikasyon.

6
Ipagpatuloy mo ang
pagbasa at sagutin ang mga
tanong.

Naranasan mo na bang magkaroon ng account sa facebook?


Kung mayroon na, Kailan ka nagsimulang sumali dito? Kung
wala pa, may balak ka bang gumawa ng sarili mong
account?

Sa panahon ngayon, napaka-importante na tayo ay may koneksyon sa social


media sapagkat dito tayo nakakukuha ng mahalagang impormasyon na kailangan
natin sa pag-aaral. Lalo’t may kinakaharap na pandemya ang ating bansa dahil sa
banta ng COVID-19.

Ano naman ang pagkakaiba ng Bilingguwalismo sa


Multilingguwalismo na konsepto ng wika sa teknolohiya?

1. Bilingguwalismo – tumutukoy sa kakayahan ng isang taong makapagsalita ng


dalawang wika. Maaari ring ilapat ang konsepto sa isang buong komunidad kung
saan ginagamit ng mga mamamayan ang dalawang magkaibang wika o kaya naman
ay ang politikal o institusyonal na pagkilala sa dalawang wika.
2. Multilingguwalismo – tumutukoy sa kakayahan ng isang indibiduwal na
makapagsalita at makaunawa ng iba’t ibang wika. Sa antas ng lipunan, ito ay
nangangahulugan ng pagkakaroon ng iba’t ibang wika na sinasalita ng iba’t ibang
grupo ng mga tao sa mga lalawigan at rehiyon.

May kabutihang dulot ba ang pagiging Bilingguwal at


Multilingguwal ng isang indibiduwal?

7
❖ Ipinapakita sa mga pananaliksik na ang mga bilingguwal na bata ay kadalasang
mas malikhain at nagpapakita ng kahusayan sa pagplano at paglutas ng mga
kompleks na suliranin kaysa mga batang iisang wika lamang ang
nauunawaan. Para naman sa mga matatandang bilingguwal, nababawasan ang
pagkakasakit na may kinalaman sa pag-iisip dala ng pagtanda.
❖ Sa mga multilingguwal na indibiduwal, nalilinang ang kritikal na pag-iisip,
kahusayan sa paglutas ng mga suliranin, mas mahusay na kasanayan sa
pakikinig at matalas na memorya, mas maunlad na kognitibong kakayahan at
mas mabilis na pagkatuto ng iba’t ibang wika bukod sa unang wika.

Ipagpatuloy mo.

Ano naman ang kaugnayan ng Sa pamamagitan ng


Google sa konseptong Pangwika? Kaalaman sa wikang
Opisyal ng Pilipinas, ang
Filipino at Ingles ay
Maaari mong malaman
Ang mga impormasyon
Na itatanong mo sa
Google.

Bakit ipinatupad ang ang


Bilingual Education Policy sa (BEP)
Pilipinas?

Ito ang magiging gabay kung


paanong magkahiwalay na
gagamitin ang Filipino at Ingles
bilang wikang panturo sa mga
tiyak na larangan ng pagkatuto
sa mga paaralan.

8
Ano-ano ang layunin ng BEP?

1. Mapapataas ang pagkatuto sa


dalawang wika.
2. Maipalaganap ang wikang Filipino
Bilang wika ng literasi.
3. Mapaunlad ang Filipino bilang simbolo
ng pambansang identidad at
pagkakaisa.
4. Malinang ang elaborasyon at
intelektuwalisasyon ng Filipino bilang
wika ng akademikong diskurso.
5. Mapanatili ang Ingles bilang
internasyonal na wika sa Pilipinas at
Ano naman ang layunin ng bilang wika ng siyensya at teknolohiya.
multilingguwal na edukasyon
1. Pagpapaunlad (MTB-
ng wika tungo sa
MLE)sa Pilipinas?

1. Matatag na edukasyon at habambuhay


Na pagkatuto.
2. Kognitibong pag-unlad na may pokus
Sa higher order thinking skills.
3. Akademikong pag-unlad na maghahanda
Sa mga mag-aaral na paghusayin ang kaalaman
Sa iba’t ibang larang ng pagkatuto.
4. Pag-unlad ng kamalayang sosyo-kultural na
Magpapayabong sa pagpapahalaga at pagmamalaki
Ng mag-aaral sa kanyang pinagmulang kultura at
Wika.

Yehey! Naiuugnay mo na ang konseptong pangwika gamit ang


modernong teknolohiya, maaari mo nang gawin ang
sumusunod na mga pagsasanay.

9
Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba.


Isulat sa kahon kung Bilingguwal o Multilingguwal
ang wikang ginamit.
Pagsasanay 1

Facebook.com Facebook.com

Facebook.com Pinterest.com
Pinterest.com

Facebook.com Pinterest.com
Pinterest.com

10
Kumusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?
Tingnan ang sagot sa pahina 15.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang muli
at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

Dahil madali mo lang nasagutan ang


unang pagsasanay, heto pa ang isa pang
gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman.
Pagsasanay 2
Panuto: Subuking isalin sa Filipino ang bilang
na nasa wikang Ingles. Isalin naman sa wikang
Ingles ang bilang na nasa Filipino.

Matmoriss.com bestquotes.name adventureinyou.com

Boybanat.com bob ong.com

11
Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga


gawain upang masagutan ang sumusunod
na pagsasanay.
Panuto: Subuking isalin sa wikang Filipino ang
Misyon ng DepEd. Isulat sa kabilang kahon ang
Pagsasanay
salin.

SALIN

Pinterest.ph

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na


pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 15.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 
12
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan mo
sa loob ng aralin. Huwag kang matakot dahil alam kong
kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok na lamang ito na
kailangan mong sagutin.

Panapos na Pagsubok
Panuto: Subuking isalin sa bikol ang awiting “Ako ay Pilipino”.

Kuh Ledesma – Ako Ay Pilipino

Ako ay Pilipino Chorus:


Ang dugo'y maharlika Ako ay Pilipino,
Likas sa aking puso Ako ay Pilipino
Adhikaing kay ganda Isang bansa isang diwa
Sa Pilipinas na aking bayan Ang minimithi ko
Lantay na Perlas ng Sa Bayan ko't Bandila
Laan Buhay ko't Diwa
Silanganan
Ako ay Pilipino,
Wari'y natipon ang kayamanan
Pilipinong totoo
ng Maykapal Ako ay Pilipino,
Bigay sa 'king talino Ako ay Pilipino
Sa mabuti lang laan Taas noo kahit kanino
Sa aki'y katutubo Ang Pilipino ay ako!
Ang maging mapagmahal

Halaw sa : https://www.lyricsfreak.com/k/kuh+ledesma/ako+ay+pilipino_20541186.html

Puntos Pamantayan
Malinaw na naisalin sa bikol ang kabuoan ng kanta at nagtataglay
30 pts ng kaisahan ang mga pangungusap.

Medyo malinaw na naisalin sa bikol ang kabuoan ng kanta at


20 pts nagtataglay ng kaisahan ang mga pangungusap.

Hindi gaanong malinaw na naisalin sa bikol ang kabuoan ng kanta at


10 pts nagtataglay ng kaunting kaisahan ang mga pangungusap.

Hindi Malinaw na naisalin sa bikol ang kabuoan ng kanta at hindi


5 pts nagtataglay ng kaisahan ang mga pangungusap.

13
Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina 15.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.

 nagawa lahat  1 hindi nagawa


 2 hindi nagawa  3 pataas hindi nagawa

Ang ganda ng aralin natin.

Ang dami kong natutuhan.

Na-enjoy ko rin ang mga gawain


at pagsasanay.

Ang ganda ng aralin natin.


Hindi rin ako nahirapan sa mga
Ang dami kong natutuhan.
pagsasanay. Kaya parang gusto
ko pa ng ko
Na-enjoy karagdagang
rin ang mgaGawain.
gawain
at pagsasanay.
Tara magtulungan tayo!
Karagdagang Gawain
Hindi rin ako nahirapan sa mga
Karagdagang Gawain pagsasanay. Kaya parang gusto
ko pa ng karagdagang Gawain.

Tara magtulungan tayo!


Panuto: maghanap ng sampung kasabihan sa wikang Ingles at subukan itong

isalin sa wikang Filipino.

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng


aralin. Ang saya-saya ko at
napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Ang husay mo kid!

14
15
Panimulang Pagsubok
1. e 2. d 3. a 4. c 5. b
Pagsasanay 1
1. bilingguwal
2. bilingguwal
3. monolingguwal
4. bilingguwal
5. monolingguwal
Pagsasanay 2
1. Sa huli, pagsisisihan natin ang mga pagkakataong pinalipas natin.
2. Maging mabait. Hindi mo alam ang mga pinagdadaanan ng taong
nakakasalamuha mo.
3. Ang pinakamabigat na pakikipagsapalaran na nagawa mo ay
mamuhay sa iyong mga pangarap.
4. Dear crush, I hope everytime you smile, it’s all because of me.
5. It is difficult to someone to admit his feelings, but easy to notice
something he can’t confess.
Pagsasanay 3
Panapos na pagsubok: Sariling salin ng mag-aar gamit ang rubriks.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:

Dr. Marquez Jr, Servillano T. 2017. Pintig Senior High School Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino. SIBS Publishing house, Inc. Quezon Ave. Quezon City.

Baronda, Andrew John C. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Filipino. JFS Publishing Services. Pasay City, Philippines.

Bernales, Rolando et al. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


Mutya Publishing House Inc. Malabon City.

16
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 1781288

Email Address: region5@deped.gov.ph

Para sa iba pang katanungan at katugunan, mangyaring sumulat o


tumawag:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

You might also like