Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Rhoda Mae L.

Casinillo
10 Salz Gng. Salome B. Violeta
ESP
Quarter 1 Modyul 6

ARALIN 1: Ang Pagkilala sa Dignidad ng Tao

SUBUKIN
A.
Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa
pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa o sa ibang tao. Dapat tayong
magkaroon ng mabuting pakikitungo sa ang ating kapwa, upang makatanggap ang ating
sarili ng dangal mula sa Diyos.

B.
1. C 3. A 5. A
2. B 4. B

TUKLASIN
2.
a. Pinuno
b. Nakakamangha at nakabibigay inspirasyon
c. Ginagalang at nirerespeto

3.
a. Mayaman o mga nakakaangat sa buhay
b. Nakakainggit
c. Kinatatakutan at binibigyang mataas na antas ng paggalang

4.
a. Mga batang kalye
b. Naaawa
c. Pinandidirihan at iniiwasan dahil mabaho at marumi
Tanong:
1. Oo, kahit an ano pa ang katayuan ng ang aking mga kapwa, sila rin ay tao lamang,
kailangan rin natin silang respetuhin sapagkat pantay-pantay lamang tayong lahat na
nilikha ng Diyos.

2. Maaaring ang dahilan ay minamaliit ng iba sa atin ang mga taong mayroong mababa
lang ang antas ng pamumuhay. Hindi nila ito binibigyang paggalang dahil sa tingin nila
ay mas mataas at mas mahalaga pa ang kanilang buhay kaysa sa iba.

PAGYAMANIN
1. Ang kahalagahan ng pagkilala sa dignidad ng tao ay nabibigyan natin ng kahalagahan
ang buhay ng ibang tao, nagkakaroon tayo ng respeto sa kanila anuman ang kanilang
estado o katayuan sa buhay, mahirap o mayaman, bata o matanda.

2. Nang dahil sa pagkilala sa dignidad ng tao, nagiging pantay at patas lahat ang
pagtingin, walang kinikilala, mataas man o mababa ang kanilang estado sa buhay.

ISAISIP
Nagmumula sa paggalang sa sariling dignidad
at karapatan ang paggalang ng dignidad ng
Ang paggalang ng tao.
DIGNIDAD ng TAO ay
Nagsisilbing daan upang mabuo o
makabubuti sa atin at pati
mapagyaman natin ang ating
rin sa ating kapwa.
sariling dignidad.

ISAGAWA
“Kung ano ang iyong gagawin, yaon rin ang iyong tatanggapin.”
TAYAHIN
A.
Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa
pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa o sa ibang tao. Dapat tayong
magkaroon ng mabuting pakikitungo sa ang ating kapwa, upang makatanggap ang ating
sarili ng dangal mula sa Diyos.

B.
1. B 3. B 5. C
2. D 4. A
KARAGDAGANG GAWAIN
Laliman ang pagunawa sa lahat ng bagay. Kapag nagalit ang isang tao sa iyo ay
matutong intindihin ang kanyang sitwasyon. Matutong magpatawad.

Magbigay sa kapwa ng walang hinihinging kapalit. Tanggapin at magpasalamat sa


kapwa kung ano ang ibinigay niya. Huwag natin mahalin ang ating kapwa din may ibinigay
ito sa atin na materyal na bagay.

Huwag maliitin ang isang tao. Lahat ng tao ay may sariling kakayahan at talento. Dapat
natin itong igalang dahil ibinigay ito ng Diyos sa bawat isang tao. Pumapasok na din dito
ang panghuhusga natin sa kapwa. Hindi natin nararapat na husgahan ang isang tao dahil
nakagawa lamang siya ng isang magling bagay.

Huwag gumawa ng ikakasama ng kapwa. Huwag gumawa ng magdudulot ng away o


problema dahil lamang sa simpleng bagay.

Tumulong sa kapwa. Huwag tayo maging makasarili. Isipin ang kailangan ng isang tao.
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tayo lamang ang masusunod. May limitasyon ang
pagtulong sa kapwa dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay mayroon tayong maibibigay
sa kanila. Kailangan din natin magtira para sa atin mga sarili.

ARALIN 2: Dignidad

SUBUKIN
A.
1. Sa ganang akin, ang pagkakatulad ng dalawa ay ang parehas silang mayroong
dignidad dahil ito’y ibinigay sa ating lahat ng Diyos anuman ang katayuan natin sa buhay.
Ang pagkakaiba naman ay ang kanilang pamamaraan ng buhay. Ang mga mayayaman
ay mayroong prebilehiyong pamumuhay, madali lang sa kanilang makuha lahat ng
kanilang gusto at pangangailangan sa buhay, habang ang mga mahihirap naman ay
kailangang pang magbanat ng buto upang mabuhay at makakain kahit na dalawang
beses sa isang araw.

B.
1. A 3. D 5. A
2. B 4. C
TUKLASIN
A.
MAHIHIRAP KATUTUBO
Pagtanaw sa kanila na hindi nila kayang Sila ay tinuturing mga taong bundok
abutin ang antas ng mga mamamayan. lamang.
Maliit ang sahod na kanilang kinikita. Ilan sa kanila ang sumusuplay ng mga
pangangailangan ng mga mamamayan.

Ang lipunan ay makasarili sa kanila. Sila ay nakikita bilang maliliit na mga tao
sa lipunan.

Sila ay pinagkakaitan ng trabaho. Inaabuso sila kahit sila ang sumusuplay sa


mga ilang pangangailangan natin.

Marami sa kanila ay itinuturing mga Itinuting sila na walang alam dahil hindi
magnanakaw. sila nakapag-aral.

Pagkakaroon ng hindi pantay na Pagkakaroon ng hindi pantay na


karapatan sa batas. karapatan sa batas.

Hindi sila nakakatanggap ng nararapat na Napapabayaan sila ng gobyerno dahil


benepisyo ng gobyerno. hindi naiisip ng mga namamahala na
kabilang ang mga katutubo sa lipunan.

B.
1. Ang kahirapan ay paglabag sa Dignidad ng Mahihirap at Indigenous Groups dahil sila
ay itinuturing na may pinakababa na estado sa lipunan. Sila ay minamaliit minsan ng mga
taong may pribihileyo sa buhay, bunga nito ay ang hindi pagkakaunawa ng mga tao sa
isa’t isa.

2. Nalalabag ang dignidad nila sa pamamagitan ng pagmamaliit sa kanila at hindi sila


binibigyang pansin sa antas ng lipunan.

PAGYAMANIN
1. X 3. X 5. /
2. / 4. /
TAYAHIN
A.
1. Para sa akin, ang pagkakaiba ng tao na may magkaibiang katayuan sa buhay tulad ng
mayayaman at mahihirap ay ang kanilang estado sa buhay at kung paano sila nabubuhay
araw-araw. Ang pagkakatulad nila ay ang pagkakaroon ng dignidad, mayaman ka man o
mahirap, parehas lang tayong may dignidad.

B.
1. D 3. B 5. A
2. A 4. B

KARAGDAGANG GAWAIN

Manilakbayan, darating sa Maynila; katarungan para sa Lumad, hiling


ng CBCP
Habang paparating na ang Manilakbayan sa Kamaynilaan, mariing kinondena ng isang
sangay ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang umano'y kawalang
katarungan sa pagpaslang sa ilang lider ng mga lumad sa Mindanao mahigit isang buwan
na ang nakalilipas.

Ayon kay Rev. Fr. Jerome Secillano ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs,
hindi umano marapat na katigan ng sinuman ang ginagawang karahasan at pagpapaalis
sa mga lumad sa kanilang lupain.

Ang gawaing ito ay malinaw umanong paglabag sa karapatan ng ating mga kapatid na
mga katutubo.

ARALIN 3: Dignidad

SUBUKIN

A.

1. Bibigyan ko ng pantay na respeto at pagpapahalaga ang aking kapwa kahit na ano pa


man ang kanilang katayuan. Mamahalin ko sila kagaya ng pagmamahal ko sa aking sarili.
Sa paraang ito lamang maipapakita ko ang pagpapahalaga ko sa aking kapwa dahil hindi
nila mararamdaman na sila'y pinagkaitan at hindi tinrato ng tama.

B.
1. D 3. A 5. A
2. D 4. C
BALIKAN
1. Ang dignidad ng tao ay hindi nakasalalay sa kanyang antas ng pamumuhay, bagkus
ito'y pantay lamang na ibinigay sa atin ng Diyos simula pa lamang nang ikaw ay
ipinanganak.

2. Bibigyan ko ng importansiya ang kanyang buhay at karapatan, pantay lamang ang


aking ibibigay na respeto sa kanila kahit na ano pa man ang kanilang katayuan sa buhay.

TUKLASIN
Pantay na Pagtingin

Pagbigay ng hustisya at Pagkilala sa pagiging


pagrespeto sa buhay ng bukod-tangi ng isang
kapwa. tao.

Pag-unawa sa opinyon Bigyang pagpapahalaga


at paniniwala ng iba. ang kapakanan ng tao.

Pagkakaroon ng pantay
na pakikitungo sa ibang Pagmamahal sa kanila
kagaya ng pagmamahal
tao anuman ang
mo sa iyong sarili.
kanilang kultura.
PAGYAMANIN
1. Ang isang bansang walang pagpapahalaga sa dignidad ng mga simpleng mamamayan
ay magdudulot ng kaguluhan at hindi pagkakapantay-pantay. Kapag hindi mabibigyan ng
pantay na karapatan ang tao, iisipin nilang sila'y napagkaitan, magkakaroon ito ng
kaguluhan sa bansa sapagkat isusulong nila ang kanilang prinsipyo at pananaw. Marami
ang hindi mabibigyan ng pantay na pagtrato at madali na lamang tapakan ng mga
makapangyarihan ang karapatan ng mahihirap.

2. Sa paraang pagbibigay galang at respeto ko sa kaniyang katayuan, anyo, at pananaw


sa buhay. Ang tao ay namumukod-tangi at ito ang dahilan kaya tayo ay magkaiba.
Tuturuan ko rin ang aking mga kabata sa pagpapahalaga sa dignidad at pagiging bukod-
tangi ng aming kapwa.

ISAGAWA
Minamahal kong kaibigan,

Ako'y humihingi ng patawad sa aking mga nagawa sa iyo. Gumawa ako ng isang
bagay na nakakasama para sa iyo na nagdulot ng ating pag-aaway. Minaliit kita at hindi
ko pinahalagahan ang ating pagsasama. Alam kong mali ang aking ginawa ngunit
nagpatuloy pa rin ako rito. Ngunit ako'y namulat na sa aking mga maling gawi at labis
nang nagsisisi. Lalaliman ko na ang aking pag-unawa sa mga bagay kapag hindi tayo
nagkakaintindihan. Mamahalin at igagalang na kita kagaya ng aking pagmamahal at
paggalang ko sa aking sarili. Nawa'y ako'y iyong mapatawad na dahil hindi ko gustong
mawala ang ating pagkakaibigan.

Lubos na nagmamalasakit,

Rhoda Mae L. Casinillo


TAYAHIN
A.
1. Bibigyan ko ng pantay na respeto at pagpapahalaga ang aking kapwa kahit na ano pa
man ang kanilang katayuan. Mamahalin ko sila kagaya ng pagmamahal ko sa aking sarili.
Sa paraang ito lamang maipapakita ko ang pagpapahalaga ko sa aking kapwa dahil hindi
nila mararamdaman na sila'y pinagkaitan at hindi tinrato ng tama.

B.
1. D 3. C 5. D
2. D 4. B

ARALIN 4: Dignidad

SUBUKIN
A.
1. Sa pamamagitan ng pagtrato ko sa kanila kagaya ng pagtrato ko sa aking sarili.
Igagalang ko ang kanilang opinyon, lalaliman ang pag-unawa sa mga bagay, magbigay
ng walang hinihinging kapalit, at higit sa lahat ang hindi pagmamaliit sa kapwa.

B.
1. A 3. A 5. A
2. B 4. C

BALIKAN
1. Ang lahat ng tao ay nilikhang natatangi at ayon sa plano ng Diyos. Lahat tayo ay may
pagkakaiba, at ang mga pagkakaiba na ito ang nagbibigay sa atin ng kahalagahan at
pagkakakilanlan.

2. Ang ating pagkakabukod-tangi ay maisasalamin sa kung paano makitungo ang ating


kapwa sa atin.
TUKLASIN
Programa/Proyekto Layunin Paano nito naiaangat
ang dignidad ng tao?

1. EPI o Expanded Layunin nito na magkaroon Naitatanim sa isip ng mga


Program on Immunization ng pagkakataon ang mga bata na kinikilala ng
bagong silang na sanggol pamahalaan ang kanilang
at mga bata na kahalagahan bilang bahagi
makatanggap ng libreng ng lipunan at hindi sila
bakuna. napapabayaan.

2. Farmer’s Enhancement Layunin nito na Hindi napabayaan ng


Productivity Program matulungan ang mga pamahalaan ang mga
(FEPP) magsasaka sa magsasaka sa kanilang
pamamagitan ng mga pangangailangan.
pagbibigay ng abono para
sa mga pananim,
paglalaan ng cash
assistance, at iba pa.

3. Pagpapalakas ng Layunin niyo ang Natulungan ang mga taong


Programa para sa mga masuportahan ng may kapansanan sa
Persons With Disabilities pamahalaan ang mga kanilang pangaraw-araw
(PWDs) PWDs sa pamamagitan ng na buhay.
pagsasagawa ng medical
mission, pagbibigay ng
hearing aid, wheelchair,
prosthetic, at iba pa.

PAGYAMANIN
A.
Ang aking natutuhan tungkol sa pagpapahalaga sa dignidad ng aking kapuwa:
1. Pagpapahalaga at pagbibigay galang sa aking kapuwa kahit ano pa man ang
kanilang katayuan sa buhay.
2. Pagrespeto sa kanilang paniniwala at kultura.
3. Pagkilala sa pagiging bukod-tangi nito.

Mga dapat kong gawin bilang taong may dignidad:


1. Pagiging pantay ang pagtingin sa lahat.
2. Magbigay ng malalim na pang-unawa sa kapwa.
3. Hindi maka-apak ng tao.

Mga paraan upang mapaunlad ko ang aking pakikipag-ugnayan sa aking kapwa:


1. Huwag magtanim ng galit sa kapwa.
2. Pag-iisip sa kanilang kapakanan bago gumawa ng mga biglang desisyon.
3. Pagmamahal sa kanila kagaya ng pagmamahal ko sa aking sarili.

Mga dapat kong iwasang gawin bilang taong may dignidad:


1. Ang hindi paggalang sa karapatang pantao.
2. Pagiging mapanghusga sa kapwa.
3. Pagmamaliit sa kakayahan ng iba.

B. “Mahalin mo ang kapwa


katulad ng pagmamahal
mo sa iyong sarili”
Pagmamahal Galing sa
salitang Latin
na dignitas

Pagpapahalaga DIGNIDAD

“Karapat-dapat“

Paggalang
“Huwag mong gawin sa iba
ang ayaw mong gawin ng
iba sa iyo.” (Golden Rule)

ISAISIP

Mga Angkop na Kilos

Pagtanggap ng
Pagkilala sa Makitungo nang
tulong ng isang
pagbubukod tangi ng naaayon sa kanilang
indibidwal mula sa
tao. dangal bilang tao.
kanyang kapwa.

ISAGAWA
Ang dignidad ay ang pagiging karapat-dapat ng tao sa respeto at pagtrato ng kanyang
kapwa. Ito ay ibinigay sa atin ng Diyos simula noong tayo'y lumabas sa sinapupunan ng
ating ina.
Ang lahat ng tao ay nagtataglay ng dignidad anuman ang kanyang katayuan sa buhay,
mahirap man o mayaman. Ang pagiging bukod tangi ng isang tao ay makakatulong upang
maiangat ang kanilang dignidad. Sa pamamagitan nito, nirerespeto at ginagalang sila ng
kanilang kapwa. Nabibigyan sila ng pagpapahalaga at tamang pagtrato galing sa ibang
tao.
Tunay nga na ang dignidad isang biyayang galing sa Panginoon. Ito ay dapat na
pahalagahan at dapat nating iangat upang tayo ay irespeto rin ng ating kapwa.
TAYAHIN
A.
1. Sa pamamagitan ng pagtrato ko sa kanila kagaya ng pagtrato ko sa aking sarili.
Igagalang ko ang kanilang opinyon, iisipan ang kanilang kapakanan, lalaliman ang pag-
unawa sa mga bagay, magbigay ng walang hinihinging kapalit, at higit sa lahat ang hindi
pagmamaliit sa kapwa.
B.
1. C 3. A 5. B
2. B 4. B

KARAGDAGANG GAWAIN
Ang “mahalin mo ang kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili,” ay isang
linya na nagbigay sa akin ng ideya kung ano ba talaga ang dignidad. Ang dignidad ay
sinasabing pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa
kaniyang kapwa. Para sa akin, ito’y tinuturing na pagrespeto at pagbibigay importansiya
ng isang indibidwal sa kaniyang kapwa kahit ano pa man ang kaniyang estado sa buhay.
Lahat ng tao ay mayroong dignidad, ito ay ibinigay sa atin ng Diyos sapagkat nilikha tayo
ayon sa kaniyang wangis kaya tayo ay ayon sa kaniyang anyo, katangian, at kakayahan.

Ngunit kahit na mayroong dignidad ang isang tao, iilan sa kanila ay hindi ito
nakakamit dahil sa kahirapan. Dahil dito, natatapakan ang kanilang dignidad ng mga
taong may kapangyarihan. Nakukunan sila ng oportunidad at respeto galing sa ibang tao
sa kadahilanang sila’y mahirap lamang. Dapat nating ilagay sa ating mga isipan na ang
dignidad ay hindi nakasalalay sa kalagayan at buhay ng tao. Kailangan nating tuparin
ang ating tungkulin na ituring ang ating kapwa bilang anak ng Diyos na may natatanging
dignidad.

Kailangan din ng tao ang tulong ng kaniyang kapwa upang maibigay ang kaniyang
pangangailangan. Ang tao ay mayroong iba’t-ibang katangian na nagpapabukod-tangi sa
kaniya. Ito ay dapat niyang hubugin at paunlarin dahil ito ay makakatulong sa kaniyang
dignidad.

Dapat nating igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa. Sa kabila ng kahir apan,
hindi dapat natin gamitin ang ating sarili upang magbenta ng laman o magnakaw, o di
kaya’y gumamit ibang tao para sa sariling interes.

You might also like