Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ABOGADO, PRINCESS VALERIE T.

BS-BIO 2A
DALUMATFIL
PAGSASANAY BLG. 4

PANUTO: Basahin ang sanaysay na nagwagi ng Gawad Palanca na may pamagat na Suson-
Susong Suso ni Jing Panganiban-Mendoza at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang suliraning kinakaharap ng persona sa loob ng sanaysay na binasa? (5
puntos)
- Kinakaharap na problema ng persona sa sanaysay na binasa ay ang pagkakaroon
niya ng malaking hinaharap o suso noong siya nasa elementarya hanggang
tersyarya.

2. Ano-anong mga pangyayari sa kanyang buhay ang hindi niya malilimutan na may
kinalaman sa kanyang suliranin? (10 puntos)
- Maraming pangyayari sa kanyang buhay ang hindi niya malimutan pagdating sa
suliranin tungkol sa kanyang hinaharap (suso) katulad na lamang ng mga palabiro
niyang kaibigan, nasa dulo pa lamang siya ay tanaw na siya nito na paparating
kapag nakikita na nito ang kanyang hinaharap. Pati na rin ang iba’t ibang istilo ng
ibang tao katulad ng may palinga-linga, may panakaw kung sumulyap, at mayroon
din namang walang pagtatangkang pagtakpan ang pagkakapako ng mga mata.
Mayroon din nang minsan siya’y sumakay sa MRT, may isang lalaki ang sumisiksik
sa kanya at ngingisi- ngisi habang tumitingin sa kanyang suso. Dagdag na rin ang
pagkakaroon ng pangilalim na suot katulad ng bra. Hindi siya komportable sa mga
pinapasuot sa kanya ng kanyang ina ng bra at ang mas malala pa ay ang
pagbabago niya ng bra dahil sa paglaki pa lalo ng kanyang hinaharap.

3. Paano nabigyang-solusyon ng persona ang kanyang suliranin? (5 puntos)


- Nabigyan solusyon ito sa pamamagitan ng paghanga at pagkakaroon ng
pagpapahalaga sa kanyang tinataglay na pisikal na kaanyuan. Bilang pagpapatunay,
isang kaibigang lalaki ang kauna-unahang nagpahayag ng paghanga sa kanyang
mayamang dibdib at sa kanyang buong pisikal na kaanyuan at ng dahil diyan hindi
na siya nahihiya at tumaas na ang kanyang kumpyansa na humarap at ipagmalaki
sa ibang tao kung anong meron siya.

4. Batay sa binasang sanaysay, paano naipasok ng persona sa sanaysay ang


komodipikasyon (commodity) ng katawan ng isang tao? At bakit mahalaga ang
pagkakaroon ng “perpeksyon” ang ating mga katawan? (10 puntos)
- Naipakita sa sanaysay ang komodipikasyon sa pamamagitan ng pagbibigay linaw ng
kagamitan at kahalagahan nito katulad na lamang ng pagpapasuso nito sa kanilang
mga anak, kahalagahan nito pagdating sa pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili at
pagiging presentable sa harap ng ibang tao. Sa kabilang banda, para sa aking
pagkakaunawa, ang pagkakaroon ng perpeksyon sa katawan ay hindi naman talaga
mahalaga dahil katulad nga sa mga kasabihan na “hindi lahat ng tao ay perpekto”,
“lahat tayo ay may sari-sariling ganda” patunay ito na hindi mahalaga ang
pagkakaroon ng “perpeksyon” sa katawan samakatuwid mahalaga lamang ang
ABOGADO, PRINCESS VALERIE T.
BS-BIO 2A
DALUMATFIL
PAGSASANAY BLG. 4
“perpeksyon” sa mga taong hindi matanggap ang kanilang sariling pisikal na
kaanyuan, may kaiinggitan at nagpaparetoke para lang sila ay matawag na perfect.

5. Bilang isang indibidwal (babae ka man o lalaki), sino ba ang nagtatakda ng hubog
ng katawan ng isang tao? (pamilya ba, Sarili, o Lipunan?) (10 puntos)
- Para sa aking pananaw, ang nagtatakda ng hubog ng katawan ng isang tao ay ang
kanyang sarili din sapagkat ang sarili lamang ang siyang nakakaalam kung paano
pahahalagahan ang kaniyang sariling katawan. Sarili lang din ang
makakapagdesisyon kung paano niya ihuhubog ang kanyang sarili bilang pagtugon
sa suliraning kanyang kinakaharap. Bilang katunayan nito ay ang pagdedesisyon ng
kapatid na babae ng persona sa binasang sanaysay. Nagdesisyon siyang
ipagpatuloy ang pagpapatanggal ng kanyang suso kahit na maging kapalit nito ay
ang pag-iwan sa kanya ng asawa niya dahil iniisip niya ang kanyang maiiwan na
mga anak, mapapatunayan dito ang pagdedesisyon ng babae sa kanyang sariling
katawan bilang pagtugon sa kanyang mga suliranin. Sariling pag-iisip at
pagdedesisyon ang ipinakita dito ng babae kaugnay sa paghubog ng kanyang
katawan.

6. Sa kabuoan ng sanaysay na binasa, paano mo ngayon papahalagahan ang iyong


katawan (babae ka man o lalaki?) (5 puntos)
- Bilang isang babae, mapapahalagahan ko ang aking sarili sa pamamagitan ng
pagtanggap kung anong mayroon ako at pagmamalaki nito sa ibang tao. Kasabay
nito ay ang pagtaas ng aking kumpiyansa kapag nagkakaroon ng pagtitipon at
pakikisalamuha sa mga taong nasa paligid at hindi pa nakakasalimuha. Bilang
pagtugon na rin ito sa suliraning aking kinakaharap habang hinuhubog ko ang aking
sarili.

You might also like